In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.6K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 19

368 10 1
By Sevenelle

Pinakawalan

I was suddenly feeling dizzy. Masyadong maraming emosyon ang dumadaloy sa akin at hindi ko mapangalanan ang mga iyon.

Ang tanging alam ko lang ay ang marahas na paghampas ng dibdib ko at ang kakulangan ng hangin sa paligid. I felt claustrophobic and I was finding it hard to breathe. His presence was suffocating.

Four years.. And he still have that same effect on me. Ganoon kalakas. Ganoon karahas. It was too powerful that it hurts.

Napayuko ako at pilit itinuon ang pansin sa masarap na pagkain sa plato ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakain.

I was just picking at my food and stealing glances at him from time to time. Umupo siya sa kabilang dulo ng resto ngunit kita ko pa rin siya.

Nakita kong nilapitan siya ng waiter. Umalis iyon at sumandal siya sa kanyang upuan habang nakacross arms.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaarogante kung umasta. I also noticed his piercing on his right ear. It matches his strong and masculine feature.

Ano pa Luke? Ano pa ang nabago sayo?

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. How can you hurt me so damn much just by your presence? How can you still hurt me after all these years?

Nagbadya ang luha ko ngunit pinigil ko ito alang alang kay Crane. Keep yourself collected, Empress. You can't do this to Crane. He doesn't deserve this. Dapat nga ay bumabawi ka ngayon. Bakit ka nagkakaganyan?

Sinubukan kong magbukas ng usapan upang iwasan ang pagkabahala ko. Ngunit patuloy ang naging pagsulyap ko sa kinaroroonan ni Luke kada ilang minuto.

Napahinto ako sa sinasabi nang paglingon ko kay Luke ay nagtagpo ang mga tingin namin.

I've got my breath caught. My heart was beating wildly inside my ribs. I was too stunned to even look away.

And what I saw in his eyes made my stomach empty. His eyes were empty and cold... Very cold. Iyon ba iyon? Iyon ba ang kanina ko pang hinahanap na pagbabago sa kanya maliban sa pagmature ng physical features niya?

It was a painful sight, so I looked away. Parang may humihiwa sa dibdib ko.

"Are you alright, Emp?" Nag aalalang tanong ni Crane nang mapansin yata ang pamumutla ko. I nodded.

"I'm okay," sagot ko. Or at least, I was trying to be okay.

Just when I thought the night couldn't get any worse, I saw Violet Mercado walked through the door way in her sexy red lacy dress showing off her fair long legs. She sashayed her way through the tables and to Luke who stood up and pulled a chair for her.

Bumayo ang dibdib ko. May dumidikdik roon na kung ano. Pinawisan ang mga kamay ko at nanlamig ang sikmura ko. I suddenly felt nauseous.

"Are you sure you're alright?" Ani Crane at sinuri ang ekspresyon ko. "Gusto mo na bang umuwi? You don't look okay."

Gumuhit ang pag aalala sa mukha nito. Tumango ako at sumang ayon na umuwi na lamang.

Hindi ko na kaya ang paghalukay ng kirot sa dibdib ko. Tumayo ako at inalalayan ni Crane.Nag iwan na lamang ito ng pera sa table at kinuha ang mga dala namin.

Nanginginig ang mga binti ko habang palabas ng resto. Pasalamat na lamang ako dahil nariyan si Crane na sumusuporta sa balanse ko.

Nang dumaan kami sa tapat nila Luke at hangang sa tuluyan kaming makalabas ay hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat o ikalulungkot. Kahit ako ay nalilito sa sarili ko.

Inihatid ako ni Crane sa apartment. Mabilis lang akong nagpasalamat at nagpaalam. Mabuti na lamang at hindi na ito nag usisa pa.

Paghiga sa kama ay doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

How can someone in the past still hurt you in the present?

Natawa ako sa sarili ko. I was being pathetic! Masyado akong madrama! Anong feeling ko? Teleserye ang buhay ko? Jusko, don't me.

Ngunit kahit ganoon ang iniisip ko upang pagaanin ang loob ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang kirot sa dibdib ko. Mainit pa rin ang mga mata ko dahil sa luha.

Siguro masaya na si Violet? Masaya na ito dahil nasa kanya na ulit si Luke.

Sana makuha ko na rin na maging masaya. Dahil pagod na pagod na akong maging malungkot.

*****

"Gusto mo ng coffee? Mukha kang stressed," alok ni Alona, kadepartment ko ito sa Finance din. Nasa katabi ko siyang cubicle at kukuha yata ng maiinom sa vendo.

Stressed nga ako nitong mga nakaraamg araw dahil sa nangyari. Dinagdagan pa ng mga financial reports na kailangan kong tapusin.

"Yes, cold coffee please. Salamat Alona," sagot ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti ito pabalik at naglakad paalis.

Ilang sandali nang bumalik ito dala ang in can na kape. Nagpasalamat muli ako.

"Wag ka ngang mastress day! Ang ganda ganda mo tapos nasstress ka sa buhay mo," aniya at sumandal sa pintuan ng cubicle ko habang sumisimsim sa kanyang juice.

"Ang sakit sa ulo ng trabaho," sabi ko at uminom din sa kape. I felt relieved.

"Sus, trabaho ba talaga day? O ibang sakit sa ulo iyan?" Aniya at binigyan ako ng nagdududang tingin.

"Hindi no," labas sa ilong na sabi ko. Tumawa lang ito at bumalik na sa sariling cubicle.

Pag alis niya ay natulala ako saglit sa computer. Ang hirap magtrabaho kapang binabagabag ka. Napahilot na lamang ako ng noo.

Jusko, Empress! Focus! Focus, okay?!

*****

Sabado at maaga akong nagprepare para sa shoot. Sa agency building ang call place dahil ang service vehicle ang maghahatid sa amin ni Crane at Candy sa studio.

Biente minutos lang ang biyahe at lumabas agad kami ng sasakyan para pumasok sa dressing room.

May tatlo kaming dala na make up artists. Dalawa para sa akin at isa para kay Crane.

Inayusan ako at pinasuot ang isang low waist maong tatttered jeans na nilagyan ng makapal na black leather belt. Hanging ang black t-shirt na may tatak na Mighty-M. Dahil rito ay kitang kita ang balakang at hanggang itaas ng pusod ko.

Pinagsuot din ako ng silver five inches stiletto na may kumikinang na beads. Naka high ponytail ang mahaba kong buhok at nakasampay sa kanang balikat.

Ang dark eye-shadow ay nagdepina sa mga mata ko. Mamula mula ang aking pisngi sa blush on at dark red ang aking lipstick.

Si Crane naman ay naka black t-shirt din na may parehong tatak gaya ng sa akin at maong tattered pants. Naka white rubber shoes din ito. Bumabakat ang dibdib at muscles niya sa kanyang tshirt.

Pumasok kami sa studio na plain white ang background at may pulang sofa sa gitna. Naka-set na din ang spotlights at cameras.

"Ready na ba ang models? Parating na si Mister M," anang isang tingin ko'y head staff.

Pinapwesto na kami sa sofa upang icheck ang maaari naming gawin at gayon na rin ang technicals.

"Pose!" Anang photographer at idinikta ang nais niyang gawin namin.

Umupo si Crane sa red sofa. Nakasandal ang kanang braso niya sa sandalan at ang kaliwa ay nanatili sa arm rest. Ang kanyang mga hita at matikas na nakabuka.

Ako naman ay halos nakahiga ngunit nakaangat ang bandang itaas ng katawan dahil nakalagay ang ulo ko sa aking kamay at ang siko ko ay nakapatong sa armrest. Ang mga binti ko ay nakapatong  accross Crane's legs.

Nagclick ang mga camera ng ilang ulit. Seryoso lang ang expression namin sa litrato.

"Very Good! Ay teka, narito na si Mister M," wika ng head staff at pumasok ang isang pamilyar na bulto ng tao.

Dumagundong ang dibdib ko nang naglakad palapit sa mga photographer si Luke na nakablack pants at white long sleeves na nakatupi hanggang siko. Bukas din ang unang tatlong botones ng polo niya.

"Ready, models!" Wika ng staff.

Dumapo ang tingin ni Luke sa mukha ko bago ito bumaba sa aking exposed na tiyan at baywang bago ito lumipat kay Crane na nasa paanan ko. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko.

Damn, why I suddenly felt conscious? Umayos ka Empress! Be professional!

Nagsimulang magclick ang mga camera at pinalitan ulit ang pose namin.

Nakaupo si Crane sa armrest. Ang kaliwang binti niya ay nakapatong sa sofa at ang kanan sa semento.

Nakatayo ako sa pagitan ng mga hita niya. Ang kamay niya ay nakadapo sa litaw na balat ng aking baywang.

Nakita ko ang pagtagal ng titig ni Luke doon. Pilit kong kinakalma ang sarili kahit na nakakabaliw ang tibok ng puso ko.

Nagbihis ulit kami ng damit. Si Crane ay naka pulang polo at ako naman ay nakapulang body hugging dress na mid thigh ang haba. Naka black strappy sandals at nakalugay na ang mahaba at tuwid kong buhok.

Pagpasok namin sa studio ay wala na ang sofa. Carpet na pula na lang at isang high stool. Si Luke ay prenteng nakaupo sa tabi ng photographer at nakatitig sa kawalan.

Individual ang gagawing shoot this time. Nauna akong sinalang.

Pinasandal ako sa stool at nakalawit ang shopping bags na may tatak na Mighty-M sa ibabang braso ko. Nakangiti ako sa camera.

Hindi ko mapigilan ang pagdapo ng tingin ko kay Luke. Seryoso lamang itong nanunood sa mga ginagawa ko. Pinipilit ko ang sariling magfocus at huwag magpaapekto sa presence niya.

Ang sumunod ay pinaupo ako sa high stool nang side ways at nakacross legs. Umangat pataas ang laylayan ng aking dress dahil sa pagkakaupo ko.

Dumapo ang tingin ni Luke sa aking mga binti. Nagtagal iyon doon bago siya padarag na tumayo at lumabas ng studio.

Pinilit kong ngumiti sa camera kahit na naninikip ang dibdib ko. Ganoon ba siya kagalit sa akin at halos hindi niya ako magawang tignan?

Simula pa kanina ay malamig na tingin ang ipinupukol niya sa akin. Kahit ayokong gawing big deal ay nasasaktan talaga ako.

Matapos ang shoot ko ay nagpaalam ako upang mag banyo. Hindi muna ako nagbihis dahil ihing ihi na ako.

Nang makita ko ang para sa babae ay diretso ang pasok ko sa cubicle. Nang matapos ay nag hugas ako ng kamay at nag ayos na rin ng kaunti.

Paglabas ko ng cr ay may dumamba sa akin at halos mawalan ako ng balanse. Kung hindi lang dahil sa matikas na braso na sumalo sa akin ay siguradong ngudngod sa semento ang aabutin ko.

Napigil ko ang paghinga nang sumalubong sa paningin ko ang isang pares ng pamilyar na mata. Those deep brown eyes that I used to love to stare at.

The coldness of his gaze put me back to reality. Napatayo ako ng maayos at binalanse ang sarili.

"Salamat," maliit ang tinig kong sabi. Nagkagat labi ako nang hindi ito umimik. Nanatili lang siyang nakatayo at malamig na nakatingin sa mga labi ko bago niya ako walang imik na nilagpasan.

May pamilyar na kirot sa dibdib ko. Nagbadya ang luha sa mga mata ko. Ganon lang iyon? Sinalo niya lang ako at pagkatapos ay tinalikuran?

Bakit ano bang dapat kong iexpect? Na kapag nakita niya ako'y mainit na yakap at halik ang ibubungad niya sa akin? Sinong niloko ko?!

Pinalis ko ang luha sa pisngi ko. Nakaramdam ako ng galit. Sa apat na taong iyon, sinisi ko ang sarili ko. Gayong kung tutuusin ay malinis ang konsensya ko.

Hanggang sa huling hininga ni Papa ay tumayo ako sa prinsipyong sinasabi ko. Pinanatili ko ang kalinisan ng intensyon ko sa relasyon namin ni Luke.

And now what? Anong natanggap ko bilang sukli? Ako pa rin ang naging masama!

Now, if he wanted to believe that lie, then he's free to believe it! Wala akong magagawa roon at wala na akong pakialam!

*****

Tumunog ang doorbell at narinig ko ang tawag ni Molly at Amber sa labas. Agad akong bumaba kahit nakapaa pa.

Pagbukas ko ng pinto ay agad pumasok ang dalawa kasama si Kevin. Parehas na nakagayak ang tatlo at handang handang mag bar. Ako ang nagyaya sa kanila this time dahil birthday ko.

Yes. Today was my birthday. And I am already freakin' 23. Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama at Toffy. Maging sa mga pinsan ko sa probinsya.

Umupo si Kevin at Amber sa sala habang si Molly ay sinundan ako sa kwarto.

"Killer heels," sambit ni Molly. Napataas ako ng kilay sa kanya. "Killer heels ang ipares mo diyan sa suot mong black mini dress."

Tumango ako at isinuot ko ang black killer heels ko. Naka high pony tail ang mahaba kong buhok kaya naexpose ang likod ko. Backless ang dress ko at naka ribbon lamang ito sa batok. Sa harap ay V-shape ngunit hindi deep. Tama lang ito upang lumabas ang kaunting cleavage. Exposed din ang mga hita ko at mas maikli ito kumpara sa iba kong damit.

"Anong nakain mo at nagsuot ka ng ganyan?" Puna ni Molly.

"Wow. Nagsalita ang may plunging neckline," sagot ko at nagtawanan kami.

Bumaba na kami at sumakay sa dalang kotse ni Kevin. Nagmaneho ito pa-Mane Stream.

Pagdating namin roon ay hindi pa kasagsagan dahil maaga pa naman. Naratnan namin ang mga imbitado.

Si Candy, Crane, Alona, Nancy at si Kurt Sallas na boyfriend na ni Molly. Akalain mo? Iyong crush niyang naka one night stand niya ay naging nobyo niya na? Ang swerte ng gaga!

"Happy Birthday bakla!" Malanding tili ni Candy at yumakap sa akin. "Ang taray ng damit ng loka! Balak mo bang humanap ng boylet tonight at nagganyan ka?"

Nakitukso din ang iba. Kanya kanyang bigay sila ng regalo. Tinabihan ko si Alona at Nancy para hindi maout of place dahil bagong kilala lang  nila ng mga kaibigan ko maliban kay Crane na panay nilang nakikitang sumusundo sa akin sa opisina at si Molly na lumalakwatsa minsan sa building namin.

Umorder na sila ng maiinom at pulutan. Gustong makihati ni Crane sa bill dahil iyon na raw ang regalo niya. Pero siyempre sabi niya lang iyon dahil may inabot siyang paper bag sa akin kanina. Sira talaga!

Nagsimulang mag inuman ang mga boys. Si Candy ay naghanap ng lalake. Puro raw taken ang narito sa table at hindi siya makapaglandi.

Pumunta sa dance floor ang mga love birds at naiwan ang mga walang pares. Ako, si Alona, Nancy at Crane. Nagkwentuhan at tawanan na lamang kami.

Mabilis ring bumalik sila Molly at nanatili na sa upuan upang makisama sa amin.

Nahinto sa pagdada si Molly nang mapatingin ito sa entrance ng bar. Napalingon din ako roon at nagulat nang makitang papasok si Luke.. kasama si Violet at isa pang babae. May dalawa pa silang lalaking kasama.

Napigil ko ang paghinga ngunit naging normal rin nang maalala ang dapat maalala. Nangako na ako sa sarili ko. Kailangan ko nang maging masaya.

Pinakawalan ko na ang lungkot sa dibdib ko. Kung mas malaki ang tiwala niya sa iba kaysa sa akin, bakit ako mag aaksayang ipaliwanag ang sarili ko? Bakit ko pa sisisihin ang sarili ko? Hindi ako ang nagkamali rito.

Itinatak ko na yan sa isip ko kasama ng sinabi niyang hindi niya ako kailangan sa buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 227K 40
The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro...
4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
88.4M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...