The Red Assassin

By nicejan9single

26.1K 934 192

Si Cassandra Jane Santiago o mas kilala sa tawag na Cassie ay isang famous student sa school nila at isang ba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Acknowledgement

Chapter 10

889 38 10
By nicejan9single

"Rule your mind or it will rule you."- Buddha

Chapter 10

  Napapalibutan na ng mga nakamaskara si General pero panay ang baril nya at patay naman agad pero parang di naman sila nauubos dahil hindi sila umuunti!

  Nakatagilid ako at nagtatago sa ilalim ng mesa. Tagaktak na rin ang pawis ko dahil sa bala na nakabaon sa dibdib ko. Shit! Ang daming dugong umaagos pag hindi ito maagapan baka mamatay ako na dehydrated sa dugo!

  May sumakal mula sa likod ni General at naka ambang na bumaril ang isang nakamaskara. Hala! Kailangan kong tulungan si General!  

Tatayo na sana ako ng nakita ang pagbasak ng sumasakal kay General. Nakita ko na papalapit si Juliet at sya pala ang bumaril doon. Sinipa ni General ang nakamaskarang lalaki na nakatutok ang baril.  

"Hello, Miss."  

Lumingon ako sa harap ko at nakita ko ang nakamaskara na joker. Naka tutok na ang baril nya sa akin. Omegad! Eto na nga ba sinasabi ko! Di ako tatagal sa pagiging 19 yrs old! Lord, help me!!  

Pumikit na ako at hihintayin ko na ang bala na ipuputok nya sa ulo ko.

  "Santiago!"  

Umalingaw ngaw ang boses ng lalaking yon. At alam kong sya yon dahil sya lang naman ang natawag sakin sa epilyido ko.   Tumingala ako sa building ng Mortal Brigade at nakita ko sya doon na nagwo-wall climbing pababa.

  Nakatingala rin yung nakamaskara. May harness sa bewang nya ito at may hawak na pana na nakatutok sa nakamaskara lalaki. Tinutok ng kalaban ang baril kay Vincent pero mas mabilis ang pagpana ni Vincent na shoot to the head agad!  

Bumagsak na yung nakamaskara. Nagulantang pa ako dahil sa may dumadaloy na dugo ito sa ulo nya. Ang galing ni Vincent! Nagawa nya yon in long range!  

Malapit na siya makababa kasama si Bryan. Nakasuot sila ng uniform nila tuwing nasa loob ng Mortal Brigade. Yung mahabang jacket na puti na sa code geas ko lang nakikita.

  Nang makakaba sila ay agad sila nagpakawala ng bala sa mga kalaban.  

Nakita ko si Bryan na nag slash gamit ang samurai nya. Ang astig tignan dahil ang swabe ng galaw nya. Parang sumasayaw lang ito sa ere. Samantalang si Juliet ay focus lang at baril ng baril gamit ang hawak nyang baril sa magkabila nyang kamay. Si General naman ay nakikipag barilan din.  

Dalwa ang kalaban ni Vincent, ang isa ay aamba ng suntok ngunit umikot si Vincent at nagflying kick habang pinana nya ang kasunod ang kalaban. Yung mata nya na talagang parang agila na like he's hunting his prey.  

At ako naman ay nandito lang sa ilalim ng mesa na parang kawawang takot na takot na bata na hindi alam ang gagawin. I feel so weak tapos makikita ko pa kung gaano sila kabihasa sa pakikipaglaban. Si Juliet naiinggit ako sa kanya. Tama nga sinabi ni JT ang bilis nga ng speed nya. Gusto ko rin maging kakagaya nya na so fierce sa pakikipagbarilan.

  "Magtira kayo ng isang buhay!" Sigaw ni Vincent habang pinana na yung isang nakamaskara.

  Halos maubos na nga yung kalaban dahil lima na lang sila. Si Bryan ang sumaksak sa isa. Habang humugot na ng baril at binaril naman ni Vincent ang dalwa sa ulo. Si Juliet naman don sa isa. Binaril naman ni General sa paanan yung natitirang isa.

  At ubos na nga silang lahat. Nagkalat ang mga bangkay nila sa garden na ito. At ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganito sa buhay ko.  

Mukhang kinakain na talaga ako ng realidad na ito na ang nakatakda sa akin. At hindi ko na kaya tingin ko ubos na talaga ang dugo ko.

  Naririnig ko na lang ang pagsigaw ni Vincent sa epilyido ko at wala na akong maaninag kung ano man ang nangyayare.   Nagising ako sa kwarto kung saan ako nangaling noon. Nakita ko ulit ang mukha ni Dr. Priston na nakangiti matapos makitang may malay na ako.

  Nakabandage na ang sugat ko sa kanan bahagi ng aking dibdib ngunit di ko gaano maigalaw ang kanan kong braso at kamay.

  "Kamusta ang pakiramdam Cassie?" Lumapit ito sa akin habang sinubukan kong maupo.

  "Ayos naman po kaya lang hindi ko magalaw ang kanan kong braso at kamay."  

"Normal lang yan Cassie tatagal yan ng isang linngo bago mo maigalaw ulit. Hindi  normal na bala ang tumama sayo."  

Kumunot ang noo ko. Hindi normal? "Ano pong ibig sabihin nyo?"  

"Paralyzed bullet ang tumama sayo uri ng poison ang bullet na iyon maaring galing sa cobra pero dahil may mga prevention kami mula sa mga bagay na yon nabigyan kita ng gamot para hindi maparalisa ang katawan mo at ikamatay mo." Umiiling si Dr. Priston habang sinasabi iyon.  

Tinignan ko ang sugat ko. Maswerte pa rin pala ako pero paano yon? Hindi naman ako kaliwete hindi ko alam kung magagawa ko ang pangalawang pagsubok.

  "Sino po ba yung umatake sa amin kanina?"

  "Kahapon, kahapon pa nangyare iyon Cassie. Ngayong gabi ka lang nagising. " nagulat ako sa sinabi nya. Kakagising ko lang pala pakiramdam ko kasi kanina lang nangyare. "Hindi pa nila alam kung sino ang umatake at kung ano ang pakay nila. Pero buti na lang at gising ka na maari ka ng sumama sa akin sa grand assembly na pinatawag ni General."

  Kung ganon magpapatawag pala ngayon si General ng assembly sa Mortal Brigade. Maaring nabahala din sya sa nangyare.

  Palakad na kami ni Dr. Priston papunta sa tinawag nito na General's Kingdom. Isa ata yon silid na ang magsasalita lamang ay ang general.  

Manhid ang kanan kong braso. Sinusubukan ko itong gumalaw pero ayaw talaga. Bumisita kaya sa akin si Vincent habang tulog ako? Nag aalala kaya sya sa akin? Naalala ko kung paano sya makipaglaban kahapon, sya nila Juliet, Bryan at General. Para silang mga action star.  

"Hmm may bumisita po ba sa akin habang tulog ako?"  

"Oo meron, si Mr. JT Trillanes, Mr. Elias Anderson at Miss Misty Muson. Pumunta sila agad matapos marinig ang nangyare sa iyo."  

Parte sakin nasiyahan na nag aalala sa akin sila Misty, JT at Elias atleast alam kong may kaibigan na rin pala akong maituturing pero di ko maiwasan malungkot ng hindi man lang bumisita sa akin si Vincent.  

Sa muling pagkakataon sya ulit nagligtas sa akin. Kailangan ko na atang mahiya sa kanya. Kailangan ko na siguro tumayo sa sarili kong paa.

  Huminto kami sa isang malaking pinto. Ngayon ko lang nakita ang pinto na ito. Automatic itong bumukas at tumambad sa akin ang malawak na silid. Nakahalera ang ilang mga assassin na nakasuot ng uniform nila. Ang daming tao halos malula ako.  

Sa gitna sa pinakadulo ay may isang upuan. Kulay pula ito na malaki. Parang upuan ng isang hari.  

Umikot ang paningin ko matapos makita ang Curse 12 sa gilid na naka tayo. Hindi nila ako napansin kasi malayo ang pwesto namin ni Dr. Priston.  

Seryoso ang lahat ramdam ko ang pagkatense nila at hindi ko alam kung bakit.

  Nakita ko si Vincent at ang squad nya malapit sa upuan na kulay pula. Seryoso ito na malalim ang tingin na parang malalim ang iniisip.    

Maya maya pa bigla bumukas ang pinto na pinasukan namin kanina at bigla silang tumayo at sumaludo.  

Niluwa nito ang seryosong General Topaz na nakalagay ang kamay sa likod. Matikas ang pagkakatindig at diretso ang tingin.   Lumakad ito papunta sa upuan na kulay pula.  

Nakasuot ito ng tuxedo. Humarap ito sa amin at nakita ko ang malamig na mata nito.  

"Isang kapangahasan ang nangyare kahapon. Mga grupo ng nakamaskara ang sinubukan akong patayin pero sawi sila dahil hindi nila ako kaya at ang mga magagaling natin assassin.

Ngunit, hindi ko ito pahihintulutan pang muli." sabi nya matapos umupo sa parang trono nya habang kami ay nakatayo pa rin.  

"Ipasok nyo na." Utos nito sa isang guard.  

Bumukas ang pinto sa likod na bahagi ni General. Lahat kami ay doon ang focus ng may sinet up pa ang isang guard na parang may lubid na nakalawit sa ibaba ay may bloke ng yelo.  

Maya maya pa ay lumabas na ang isang lalaki na hindi na makilala ang mukha dahil sa bugbog. Eto ata yung natirang buhay kahapon.  

"A-ano to?! Sabi nyo pag nagsabi ako ng totoo hindi nyo ko papatayin!" Pagpupumiglas nito. 

  Lumunok ako. Tingin ko ay papatayin sya sa harap namin lahat."Parang awa nyo na wag nyo ko patayin may pamilya ako." pagmamakaawa nya habang nailagay na ng guard ang lubid sa leeg nya habang tinapak sa bloke ng yelo.  

Shit. Naalala ko yung unang pagsubok. Kapag natunaw ang yelo tiyak mabibigti sya. Napapikit ako habang naisip na napakalupit isipin nito.  

"Sana naisip mo yan bago ka tumuntong sa Mortal Brigade."  malalim na bangit ni General.  

"Parang awa nyo na wag nyo ko patayin!" Umiiyak na ang lalaki. Paulit ulit nyang sinabi na may anak syang may cancer kaya nya nagawa ito.

  Tumingin ako sa paligid. I was hoping may makita akong awa sa kanila pero malalamig din ang mata nila.  

Yumukom ang kamay ko ng napansin ko na may dinalang hugis ng fire extinguisher. Tinutok ng guard ito sa yelo at may lumabas na apoy para mapabilis ang pagtunaw nito.

  Napapikit ako. Tanging boses lang ng lalaki ang naririnig kong humihingi ng awa. Gusto ko ng lumabas.

  "Morgans have no souls."  

Naalala ko ang sinabi ni JT. Tingin ko ay totoo nga ito. Sa nakikita ko kung sino man ang mangahas na kalabanin ang Mortal Brigade. Kamatayan ang kabayaran.

  Ilang minuto at tunaw na ang yelo. Parang damit na nakasampay ang lalaki bukas ang labi at nakatirik ang mata.   Pakiramdam ko ay tumatagilid ang bituka ko. Namalayan ko na lang na may isang patak ng luha sa mata ko.

  "Kung sino man ang nagbabalak na kalabanin ako o ang Mortal Brigade ganito ang mangyayare sa inyo." Tumayo ito at nilibot ang mata sa amin.  

"Walang makakapatay sakin. Miski ikaw pa Messiah." Galit ang tono ng boses ni General at tumingin isa isa sa amin. Nagsasalita sya na parang nasa silid lang ang Messiah na tinutukoy nya.  

Tumingin ako kay Vincent. Kita ko ang galit sa mata nito habang tinitignan si General. Bakit kaya ganon ang reaksyon nya?  

"Walang makakapagpatumba sa akin... Wala!"  

***

  Nasa sink ako ngayon at nagsusuka. Hindi ko malaman kung dahil sa halo halong pakiramdam. Hindi ko na ata masikmura ang nangyayare sa lugar na to.  

Tumingin ako sa salamin sa harap ng lababo at pinunasan ang labi ko. Hindi ko inaasahan na mauuwi ako sa ganito. Pangarap ko lang naman ang makatapos at maging sikat ng model. Eto ba talaga ang nakatadhana sakin?  

Lumabas na ako ng banyo at hawak ang bandage na nakapalibot sa balikat ko.  

Paglabas ko nagulat ako na nasa harap ng pinto ng banyo si Vincent. Nakasuot pa rin ito ng uniform ng Mortal Brigade. Parang inaantay nya talaga ako. Nakakapanlamig ang titig nito sa akin. Anong problema kaya nya?  

"Vincent anong ginagawa mo dito?" Malumanay kong sabi na may pagtataka.  

"Sumunod ka." Maotoridad na sabi ni Vincent. Alam mo yung feeling na umaaligid yung itim na aura sa paligid nya. Nilamig ako bigla! Baka bad mood sya at ako ang pagdiskitahan! Wag naman sana kakagaling ko lang sa poision sting ng cobra.  

Sumunod ako ng tahimik. Walang imik imik. Nakasalubong pa nga namin si Bryan pero di pinansin ni Vincent.

  Mukha naman papunta ito sa training room namin dalwa.   Nang makarating kami ay agad nyang sinara ang pinto at ni lock ito. Lumapit ito sa lamesa kung saan nakahalera ang mga baril. Hinubad nya ang uniform nyang mahabang puti na jacket at hinagis ito ng pagalit.

  Napatayo ako ng tuwid sa ginawa nya. What?! Bakit sya nagagalit?  

"Ba-bakit anong problema?"utal kong sabi habang ang black t shirt na lang nya ang natitira at pants nito.  

Lumapit ito sa akin. Nakakunot ang mga mata nito.

Nakaramdam ako ng takot kaya umatras ako habang papalapit na ito.  

"Problema? Tinatanong mo kung ano problema!?" Tumatagilid ang ulo nito na parang killer na psycho.  

This guy makes me feel safe and scared at the same time.

  "Malaki Santiago! Malaki!" Singhal nya na parang lumabas na ang outburst nito.  

Napapikit ako sa singhal nya. Natatakot ako dahil parang hindi si Vincent ang nakikita ko ngayon.    

Maniniwala na ba ako sa sinasabi nilang halimaw sya?  

"Tignan mo yang sarili mo! Yung katangahan na ginawa mo kahapon naalala mo ba? Para kang tangang naghihintay lang pasubugin lang ng kung sino yang utak mo?!" napapapikit ako sa singhal nya. Oo naalala ko yon at hindi na nya kailangan sabihin na tanga ako.  

"Kelan ka ba matutong iligtas ang sarili mo, Santiago?! Paano na lang kung hindi kami dumating agad? Hindi na kita masisigawan ngayon!?" hindi ako umiimik at nakatingin lang ako sa sahig. Para akong batang pinapagalitan ng isang magulang.  

"Hindi mo ba alam na darating ang araw na ang taong maaring magligtas sayo ay maari ring dahilan din ng pagkamatay nila? Wag mo hintayin dumating ang araw na yon Santiago. Matuto kang iligtas ang sarili mo." hindi pa rin ako umiimik.  

"And for fucking sake, Cassandra Santiago wag na wag ka ng lalapit sa General, naiintindihan mo ba?!" Mas lalo naging galit ang itsura nito. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganitong sitwasyon mababangit nya ang buong pangalan ko.  

"Pero tatay mo naman sya? At niyaya nya ako lumabas dahil toxic na ako sa lugar na to?! Masama bang naghangad lang ako ng masarap na hangin sa labas! Dahil ayaw mo naman akong samahan lumabas kahit makita lang ang best friend ko! At hindi ko din maintindihan kung bakit galit na galit ka sa ginawa ko? Kung mamatay man ako wala ka ng paki alam kung tutuusin advantage pa yon sayo dahil hindi ka na mag aabala iligtas pa ulit ako!"  

"Yun nga ang problema dahil tatay ko sya! Mapanganib ang lalaking yon kaya kung ako sayo makinig ka na lang. At eto ang tatandaan mo Santiago," lumapit ito sakin. Diretso ang tingin nito sa mga mata ko.

  "Ako ang mentor mo kakahiyan sakin na hindi mo magawang lumaban." Pagpapatuloy nya. 

 "Paano kita maipagmamalaki kung para kang asong takot na takot sa ilalim ng mesa." Patuloy ang paglapit nito sakin pero umaatras naman ako hangang napasandal na ako sa pader.  

Diretso pa rin ang tingin nito sa mata ko. "Ang hina mo Santiago sana maging kagaya ka man lang ni Juliet nung nakilala ko sya. Wala ka pa sa kalikingan nya." Matigas ang pagkakasabi nya. Siguro pinakamasakit nyang nasabi ngayong araw ay ang ikumpara ako sa iba. Ayoko ng nakokompara ako!  

"You're so weak in my eyes." Malamig ang mata nito. Napayukom ang kamay ko sa sinabi nya at nakakagat ko din ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha.  

Tumalikod na ito at kinuha ang long jacket nya at umalis na.

   Napadaus dos ako sa pader habang hawak ang balikat ko. Tulala ako sa isang direksyon na parang ninamnam lahat ng sinabi nya. Mahina nga ako. Napakahina ko nga ba? Bumuhos ang luha sa mga mata ko. Unang una hindi ko na pwede iexcuse na hindi ko ginusto nandito ako ngayon dahil kailangan ko ng tangapin na kahit anong gawin ko hindi na ako makakaalis sa gusot na to.

  Pero lahat naman tama ang sinabi ni Vincent. Ang hina ko pero may kung ano sa loob ko ang nagpabuhay. Ipapakita ko sa kanya na magiging malakas ako. Hihigitan ko pa sila. Hihigitan ko pa ang kakayahan mo Vincent. Balang araw  titingalain ako ng Mortal Brigade sa kakayahan ko. Lahat gagawin ko parang maging Red Assassin.  

Ako si Cassandra Santiago, ang magiging Red Assassin at gagawin ko ang lahat para matanghal sa pangalan na 'yon.

  There's no mercy on myself now.

Continue Reading

You'll Also Like

33.7K 1.1K 37
This is a collection of Christian quotes. Some are not made personally by me but I just wanted to share those powerful quotes here. I also create a...
27.9K 993 44
"Try to be with me, You'll see the real Me!"
21.9K 626 29
PAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma ka...
129K 3K 55
She maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would sh...