Inanyayahan ako ng S5 na sumama sa summer'end party nila.
Wala na kasi akong balak sumama pa eh...
Masasaktan lang naman kasi ako sa twing nakikita ko sya..
Tanggap ko na mang wala na kasi kaming pag'asa...
paano ba naman kasi,
nilalayuan nya ako,,
inaangilan sa twing magsasalita ako..
binabara sa twing may sasabihin...
"Ma'am, asan ka ngayon?"
-Tall yun'
"Andito pa ako sa tutorial, bakit?"
"Pupuntahan ka sana namin sa bahay nyo ngayon.."
"Huh? bakit.."
"Wala lang, kailangan bang may rason?"
"Sorry Tall pero may trabaho pa ako.."
"Ma'am, text mo na lang ako pag'nakauwi ka na sa inyo huh.."
Hmmn, ano kaya ang dahilan at napasugod sila sa lugar namin?
Kapitbahay kasi namin si Colot,
klasmeyt nila..
Dali'dali nalang tuloy akong umuwi sa amin..
"Ma'am, punta kami dyan sa inyo"
-si Rudah naman..
"Wag, bawal ang mga dabarkads dito..
"Eh di pumunta ka na lang dito.."
"Kina Colot pa ba kayo?"
"Oo, Ma'am... pupuntahan ka daw namin if hindi ka pupunta dito"
V(^__^)V
Lagot nah!
Bina'black mail pa talaga ako ng mga estudyante ko..
Nagpaalam lang ako kina mama tapos tumungo na ako kina Colot..
Nasa labas pa lang ako ng marinig ko ang tawa ni Yayabs...
hahay,.nakakamiss ang tawa nyang yun!
Lilihis nalang sana ako ng landas kasi na'fefeel ko na hindi maganda ang dulot ng presensya ko roon.
Saka naman lumabas si Colot..
"Ma'am, pasok ka.."
Hinila nya pa talaga ako papasok...
wala na, tumahimik ang lahat pagdating ko.
Ganito mga mukha nila oh..
:)
:)
(^_^)
(^_^)
Pero mukha ni yayabs, ganito oh!
(0_0)
"Magandang gabi"
-bati ko sa lahat..
Tapos nakiumpukan na ako sa kanila.
Pinag'uusapan pala nila ang tungkol dun sa outing.
Nakikisabay nalang din ako sa kanila.
Namiss ko rin yung makasabay ang S5,
medyo iwas mood kasi ako sa kanila nung naghiwalay kaming dalawa.
Umiiwas ako.. kasi alam kong andun din sya.'
Iniiwasan ko na lang na wag ng magkrus ang landas naming dalawa.
Inestema naman kaming mabuti ng pamilya ni Colot,
dun nga naghapunan ang lahat...
Muling nagtumpukan na naman non kaya lumabas nalang ako..
Napansin ko kasi kaninang labas ng labas si Yayabs eh..
Naiilang siguro sya sa presensya ko.
Kaya mas mabuti ng ako ang lumabas para mabuo nila yung plano...
Paglabas ko, nakita ko nun si Cha'cha,
isa din sa CYM ko, kasama ang bf nya.
Buti pa sila tumagal ang relasyon nila.
Makikita mo talagang mahal na mahal pa rin nila yung isa't-isa..
Kausap ko sya nun ng lumabas din si Temtem.
lumapit na rin ako sa kanya.
"Ang daya nyo Ma'am"
-simula nya
"Huh? bakit.."
"Hindi nyo man lang sinabi sa akin na naging kayo pala.."
"Hindi mo napansin? Akala ko alam mo na.."
"Akala ko gusto nyo lang ang isa't-isa,
hindi ko naman alam na kayo na pala"
"Ano pala sinabi nya?"
"Yun nga, selosa ka raw masyado.."
Ineexpect ko yun..
Saka naman lumapit sa amin sa Jordan..
"Basta beshi huh..sasama ka sa outing!"
-si Jordan yun
"Ayoko, magagalit lang yun!"
"Mas magagalit yun, pag di ka pupunta.."
"Talaga? Feel mo..?"
"Oo naman.. kaya nga kami bahala sa inyo.."
"Ayaw na nya sa akin.."
"Hmmn, malay mo dun pa kayo magkabalikan.."
-umasa tuloy ako at nabuhayan ng pag'asa na marerevive pa.
Tatawa'tawa pa sa akin ang couple.
"Ikaw naman kasi beshi eh, masyado kang selosa."
"Kayo naman kasi eh, sukat ba namang nagmamadali kayong umalis para lang sundan si Leah"
"Hindi naman kasi talaga ganun yun beshi eh,
nagmamadali lang talaga kami nun kasi natagalan kami kina Simeon,
alam mo na, malayo pa ang uuwian ko,
at dahil gabi na masyado nun,
baka maubusan na ako ng masasakyan."
"Sabi nya nga daanan ka daw namin kahit sandali lang dahil may usapan kayo.
Pati nga ako nabigla dun sa reaksyon mo"
-dagdag nya pa
"Tingin mo beshi, maaayos pa kaya?"
"Malalaman natin yan if pupunta ka.
Basta sasama ka sa outing huh!"
Tumango nalang ako...
Saka naman nagsipaglabasan ang lahat.
Muli akong pumasok sa loob para personal ring makapagpaalam sa mga magulang ni Colot.
Pagbalik ko, nakasakay na ang lahat sa tricycle and ready to go na talaga.
Nagtaka lang ako nung parang may gusto silang sabihin pero nagtutulakan pa kung sino ang magsasabi.
"Ikaw nalang kasi ang magsabi, Fritz!"
-si Tall yun
(pangiti-ngiti pa)
Makikita namang gusto na nyang magsalita
pero ipinasa naman kay Tall ang sasabihin.
"Ikaw na kasi.."
"Ah, wag na nga lang.. tara nah!"
-ala na! nahihiya talaga sya.
"Ano ba talaga kasi yan Tall, sabihin nyo na kasi."
"Tara na nga lang.."
-paaandarin na sana nya yun pero pinigilan ko sya.
Tatawa'tawa naman ang lahat.
"Ano nga, bat hindi nyo masabi?"
-sya na ang hinarap ko nun!
"Ganito kasi...
(hindi na naman itinuloy)
..kaw na kasi Tall"
"Ma'am, baka daw gusto mong sumama sa amin ngayon kahit sandali lang sa bahay nila Temtem kasi bday ngayon ng mama nya.
Haharanain daw natin."
Natawa tuloy ako, yun lang naman pala.
Syempre kahit alanganin akong sumama dahil hindi ganun ang pamaalam ko kina mama,
sumige pa rin ako.
\\(^_^)//
Bahala na si Batman!