When True Love Comes Arrived...

By AngManunulatMissDee

147K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... More

Introduction
S1
S2
S3
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S11
S12
S13
S14
S15
S16
S18
S19
S20
S21
S22
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S17

4.5K 141 6
By AngManunulatMissDee

Nagkaroon ng awkward moment sa loob ng kwarto, dahil sa biglaang pagpasuk nila Bianca at Kylie. But Bianca break the silence.

"Bestie kamusta pakiramdam mo? Pasensya na wrong timing yung pasok namin." she said.

"Pwede niyo naman ituloy manunuod ako, paano ba yan? Di pa kasi ko nahahalikan e, at kung may gusto man akong tao na hahalik sa akin ikaw yun G Dragon." sabay ngiti ng ng nakakaluko kay Glaiza.

"Kylie shut up!" pagsaway ni Bianca.

Napatinggin naman si Rhian kay Glaiza ...

"You know her?"

"Hindi wala akong kilala na puga sa mental." sagot nito.

"What the heck? Matapos mo kong pagsamantalahan at matapos kitang paligayahin ganyan na tinggin mo sa akin? How dare you!" umarte pa ito na parang artista.

"Glaiza?" napakunot noong tanong ni Rhian.

"That's not true Bestie lukaret lang yang pinsan ko."

"Choz lang oy wala ko balak makigulo. Kung taken na si G Dragon, di ko na siya kukulitin. Sarap niya lang kasing asarin. Charot lang yon Rhian, wag kang magalit." patawa tawang sabi nito.

"Ah anyway Bianca anong dala niyong food? May sabay ba dyan? Di kasi kumakain si Rhian ng heavy meal pag may sakit." binago nalang nito ang usapan dahil ayaw niyang patulan ang sinabi ni Kylie.

"Ha? Naku puro burger lang 'to saka spaghetti."

"Okay, dibali na ako nalang bibili ng pagkain niya. Maiwan ko muna kayo dito. Rhi labas muna ako sandali." pagpapaalam ni Glaiza.

"Okay."

"Samahan na kita." sumunod naman agad si Kylie kay Glaiza palabas.

Paglabas ng dalawa tinanong ni Bianca si Rhian about sa nangyaring halikan.

"Bestie ano yon? I mean yong kanina, bakit kayo nagkiss? Kayo na ba?"

"No Bianca hindi pa kami, hiniling ko lang sa kanya na halikan niya ako."

"What? But why? Para saan yung kiss na yon?"

"Para malaman ko kung kaya niya akong mahalin."

"Ganun? So ano nalaman mo ba yung dapat mong malaman?"

"Yes and I know she's not ready yet. Nanginginig ang mga labi niya, the way niya akong halikan. It's shows na hindi pa talaga siya ready."

"Are you sure about it? Bestie hindi mo pa malalaman kung tunay ang isang ginto kong di mo to nasasala ng mabuti at maihihiwalay sa buhangin. What I mean is, salain mo muna siya. Ang pakikipag relasyon hindi parang fast food chain yan, na after 15 minutes makukuha mo na yung gusto  mong kainin. Bestie it would take time, wag mo siyang madaliin. Minsan worth it din ang maghintay."

"Ano pa nga ba? Mahal ko siya kaya kailangan kong maghintay kung kailan siya magiging ready."

"That's the right thing to do Bestie. Sometimes it's better to wait, para hindi mo pagsisihan sa bandang huli kapag nagkamali ka." nakumbinsi ni Bianca si Rhian na wag mo nang magmadali para sa kanila ni Glaiza.

Samantala waiting naman sila Kylie at Glaiza sa inorder nilang pagkain para kay Rhian. Hindi naman kinikibo ni Glaiza si Kylie dahil badtrip pa rin ito sa kanya.

"Hoy bakit di ka namamansin? Kanina pa ako nagpapacute dito, kahit kunting pagtingin bigyan mo naman ako."

"Paano kita papansinin, e simula kaninang magkakilala tayo puro pamumuisit na ginagawa mo sa akin." mataray na sagot nito.

"Hahaha ikaw naman kasi masyado kang seryuso sa buhay. Ano ba chillax lang, tatanda kang maaga niyan e. Okay sige, sorry na, sorry na sa pamumuisit ko sayo. To be honest kasi ang lakas ng sex appeal mo kaya nagkacrush agad ako sayo, gusto kitang makilala kaya ko nagawang magpanggap kanina. Oh yan ah nagsorry na ako, wag ka nang magalit please?"

"Oh sige na pinapatawad na kita. Pero sa susunod na asarin mo ko tatamaan ka talaga sa akin."

"Hay naku tinamaan na ako noh, kaso nga lang taken ka na. Bakit nga pala kayo naghahalikan kanina nung girl? Girlfriend mo ba yung best friend ng pinsan ko?"

"Hindi pa, hindi ko pa siya girlfriend hiniling niya lang na halikan ko siya."

"Kaloka ka! Kung ako hihiling ng kiss ngayon pagbibigyan mo ba ako?"

"Sapak gusto mo? O baka gusto mo magmop ng sarili mong dugo?"

"Ang hard naman! May mga ganung epek pa talaga? Anong trip yon friends with benefits?" napakunot noong tanong ni Kylie.

"Hindi naman, hindi ko din alam kung bakit niya hiniling yon."

"Anong naramdaman mo nung hinahalikan mo siya? Saka may nararamdaman ka ba don sa girl?"

"To be honest kamamatay lang ng fiancee ko, she's name is Coleen 2 months ago nung mawala siya. I really love her so much, coz she's the only girl na nagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi ko naramdaman dati. At nasa stage ako na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkamatay niya. Hindi ko pa magawang makapag move on, then itong si Rhian umamin siya sa akin na mahal niya ako. Pero hindi ko siya pinaniwalaan, kasi dati isa siya sa mga kumukumbinsi sa akin na maging isang tunay na babae. Kaya ngayon nagsisisi ako na hindi ko siya binigyan ng time para magpaliwanag sa nararamdaman niya. Hinusgahan ko agad siya, and now I'm trying to give us a chance. Susubukan kong mahalin siya at suklian ang nararamdaman niya." she explained.

"Grabe teh pang MAGPAKAILANMAN pala yang life story mo. Bakit di mo itry isulat kay Mel Tiangco para maipalabas sa TV." pabirong sagot nito.

"Alam mo buti pa hindi nalang ako nagkwento sayo kung bibiruin mo lang ako! Buisit ka alam mo  ba yon?" iritang sagot nito kay Glaiza. Tinawanan lang siya ni Kylie dahil sa sinabi niya.

"Hahaha kita mo? Ikaw kasi masyado kang seryuso. Bakit di mo nalang kasi i let go yang past mo, tutal tapos naman na e sad ending nga lang yung huling chapter ng love story niyong dalawa. G Dragon este Glaiza, hindi lahat ng story happy ending minsan kailangan nating harapin ang realidad kahit masakit. Parang paglalaro lang ng Encantadia Blast yan, if you lose then start again ibang move naman para maka alis ka sa level na yon. Di ka naman siguro papayag na hanggang level 1 ka lang di ba? My point is lahat ng pagsubok sa buhay natin makakayanan natin. Coz God will not give us difficult challenge na hindi natin malalagpasan, parang Math di ba? Laging may problem solving but in  the end merong given solution. Ateng tanggapin mo na lang na talo ka sa inyo nung Coleen kung baga sa kaso CASE CLOSE, kaya move on na teh para di ka na nagkakaganyan. At sana hindi ka napipilitan pagbigyan yung Rhian, sasaktan mo lang siya. Love her for real yung kung ano nararamdaman ng puso mo. Hindi yung naawa ka lang kaya mo siya pagbibigyan. Glai minsan kailangan gamitin ang utak para tumalino ang puso, hindi yung puro puso nalang ang paiiralin natin. Dahil ang puso minsan may katangahan din. Hay naku ang daldal ko na, wait magtetweet nga lang ako #HugotNgRebelde #KylieTheHugutista ayan tweet post! Ayos ba? May napulot ka sa mga sinabi ko?" tanong niya kay Glaiza.

"In fairness ah may sense ka din pala kausap." nakangiting sabi niya.

"Ano ka ba wala yon, maliit na bagay." sabay palipad buhok.

"Baliw! Andyan na yung order natin tara na. Baka naghihintay na si Rhian sa atin." pag aya nito.

"Ako na magbibitbit baka mabigatan ka pa." sabay pulupot sa braso ni Glaiza. "Naku G Dragon ang bango mo! Pagbigyan muna ako dito ha, friends naman na tayo. Siguro naman hindi bawal umakay sayo."

"Oo na sige na, wag mo lang ilapit ang mukha mo baka magkapalit tayo." sabay smile.

"Hahaha yun naman pala marunong ka naman pala ngumiti. Mas lalo kang gumagwapo, char!"

"Baliw ka talaga!" at naglakad na sila pabalik ng room ni Rhian.

Muling nakahanap si Glaiza ng isang kaibigan na baliw at may sense naman. Kahit sa una hindi naging maganda ang pagkikita nila.

"First impression never last. Akala ko di ko pamumuisit lang ang alam ni Kylieng gawin, may sense din pala siyang kausap. Tama siya, siguro dapat ko munang ayusin ang sarili ko bago ko ibigay  kay Rhian ng buong puso ang sarili ko. It's not giving us a chance, it's start to love again." she said to herself.
.
.
.
.
.
Pagdating nila Glaiza sa room ni Rhi inayos niya agad ang kakainin nito para pakainin si Rhian. Kaya si Kylie nagsisimula nanamang mang asar.

"Glai dalian mo your baby is hungry." pang asar nito.

"Sinong baby Kylie?" Bianca asked.

"Si Rhian." sabay smile.

"Hindi pa kami para maging baby niya."

"Kylie nagsisimula ka nanaman. Rhi kain ka na, susubuan nalang kita." sabay upo sa tabi nito.

"Oy ang sweet naman, pwede ako din pasubo?" pang asar nito.

"Maghanap ka ng pala yun ang pangsusubo ko sayo." sagot ni Glaiza.

"Ay ang hard ah? Wag na nga lang!" sabay ikot mata.

"Couz tama na yang pang aasar mo. Bestie tawagan ko lang sila Tita, inform ko lang sila na hindi tayo natuloy sa Tacloban. Sabihin ko na rin na naconfine ka dito."

"Okay Bestie." padial na sana ng phone si Bianca ng pigilin ito ni Glaiza.

"No need Bianca, wag mo na silang tawagan. Ako na bahala kay Rhian, I will take in charge of her." she said seriously.

"Taray ah, I will take in charge of her." pag ulit ni Kylie at ginaya the way ang pananalita ni Glaiza. "Oy dyan na nagsisimula yan." panunukso nito.

"Well then, uuwi muna kami ni Kylie. Ikaw na bahala kay Rhian, so paano yan Bestie tuloy pa ba ang Tacloban?"

"Hindi ko pa alam." sagot nito.

"Oo tuloy kapag okay na pakiramdam ni Rhian, tuloy tayo don. Maybe next day? What do you think Rhi?" sabat ni Glaiza.

"Tayo? What do you mean Glai?" nagtatakang tanong ni Rhian.

"Ay naku ang slow ng pick up mo Rhian. Natural tuloy tayo sa Tacloban kasama si Glaiza at don niyo na sisimula ang pag buo ng baby." patawa tawang sagot nito.

"Kylie?" napataas naman ang kilay ni Bianca.

"Este don na kayo magsisimulang magkakilanlan. Tama ba ako Glai?"

"Ah parang ganun na nga." napangiting sagot nito.

"Kitam? Tama ako haha."

"Siya sige na tara na Kylie let's go home di tayo pwedeng magtagal dito. Mamaya tayo naman ang magkasakit."

"Hoy kayong dalawa ah, hospital to hindi hotel kaya umayos kayo." bilin nito.

"Baliw ka talaga Kylie!" sagot ni Glaiza.

"Paalala lang, baka nakawain mo ang brilliante ni Rhian. Hayaan mong kusa niya itong ibigay sayo, you know what I mean hahaha. Choz lang, sige babush!" sabay silang lumabas ni Bianca at umuwi na. Kaya nagkaroon ng quality time ang dalawa.

Walang imik si Rhian habang kumakain. Panay lang ang subo ni Glaiza sa kanya, naghihintayan silang dalawa kong sino ang unang magsasalita.

Nang magkaroon ng dumi ang gilid ng labi ni Rhian, inaba na muna ni Glaiza ang pagkain ni Rhian at pinunasan ito.

"Glai sigurado ka bang, gusto mo magstay dito? Okay lang naman kung umuwi ka, kaya ko naman ang sarili ko." Rhian said.

"No, hindi ako aalis wala kang kasama dito. At kapag okay kana sabay tayong uuwi sa condo. Mamaya tatawagan ko si Kyle na dalhan ako ng gamit dito. " sagot ni Glaiza.

"Hindi mo naman obligasyon na alagaan ako. Kaya pwede kang umuwi."

"Rhi wag mo naman akong ipagtabuyan oh. I want to stay here, saka kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit. So please let me stay here and besides, gusto ko rin bumawi sa mga pagkukulang ko bilang bestfriend mo." she explained.

"Okay kung yan ang gusto mo."

"Yes, gusto kong gawin 'to. Sandali lang tawagan ko lang si Kyle."

.
.
.
.
.
Glaiza's Pov ...

Tinawagan ko si Kyle para dalhan ako ng unan at kumot pati na rin damit. Dahil gusto ko ako nalang mag alaga at mag asikaso kay Rhian, pero sabi ng Doctor pwede na raw umuwi si Rhian kaya inuwi ko nalang siya sa condo namin. Nagulat si Nanay at Tatay nung makita nila na may dala akong maleta kasama si Rhian. Akala nila tinanan ko na ang bestfriend ko, natawa lang ako kila Nanay. Pagdating namin ng condo busing busy na sila dahil next day na ang balik nila sa Amerika. Sabi ni Tatay papagpahingahin ko na raw si Rhian sa room ko, at hindi na daw nila kami maaasikaso. Kaya pinapagpahinga ko na si Rhi sa kwarto ko. Pinalitan ko muna ang bed sheet ng kama bago ko siya pahigain. Habang nag aayos ako napansin kong nakatingin si Rhian sa akin. Di ko alam kung bakit, pero nakikita ko sa mata niya ang kakaibang Rhian, Rhian na hindi ko kinilala dati. Kaya sabi ko sa sarili ko I want to know her better, baka sakali mahalin ko ulit siya.

"Glai okay na yan, kahit naman amoy panis na laway yan okay lang sa akin. Di mo na sana pinalitan." sabi niya sa akin habang abala ko sa paglalagay ng punda ng unan niya.

"Alam ko namang masilan ka kaya pinalitan ko na." sagot ko.

"Noon yon hindi na ngayon." sagot niya sa akin, at alam ko na seryuso siya sa sagot niya.

"Hahaha kailan pa? Di ba nga dati sabi mo kikapitan ka ng maraming germs kapag madumi hinihigaan mo." natawa kong sagot sa kanya. Lumapit na siya sa kama at humiga.

"Marami kang di alam Glai ..." sagot niya at pinikit na ang mata.

"Bakit di mo ikwento para alam ko?" tumabi ako sa kanya, kunti lang ang layo ng mukha naming dalawa nakaharap ako ngayon sa kanya.

"Wag na baka hindi ka naman maniwala." sagot niya habang naka nakapikit pa rin ang mata. Hindi na ako sumagot tinitigan ko nalang siya, wala pa ring kupas ang mala anghel na mukha niya. Hanggang sa may maisip akong itanon sa kanya ...

"Rhi?"

"Hmmm?"

"Bakit mo ko minahal?"

"Bakit mo naman tinanong yan, di ba sabi mo hindi ka naman naniniwala dahil sinungaling ang puso ko?" she said habang nakapikit pa rin. Wala siyang alam na tinititigan ko siya.

"Naniniwala na ako Rhi, pero gusto kong malaman kung kaya mong panindigan 'to. Alam mo naman na hindi ka ganyan dati at baka sa huli iwanan mo ko, at marealize mo na lalaki pa rin ang gusto mo."

"Sigurado ako sa nararamdaman ko Glai, baka ikaw your not sure of what you feel. Nanginginig ka habang hinahalikan mo ko kanina, it's shows na hindi mo pa kaya." sagot niya sa akin. Tama siya I'm a little bit feel awkwardness that time. So ako naman ang humiling sa kanya na tiyak kong ikagugulat niya.

"What if I ask you the same thing?"

"What do you mean?"

"Halikan mo ko ngayon." seryuso kong iniuutos sa kanya. Napamulat bigla ang mata niya at nagulat siya na nasa harap niya lang ako at nakatitig sa kanya.

"At bakit ko gagawin yan? Mag eexperimento ka rin?" tanong niya.

Nabuisit ako sa tanong niya, kaya ako nalang ang gumawa ng iniuutos ko sa kanya at agad ko siyang hinalikan. I know nagulat siya sa ginawa ko, I claim her lips and I passionately kissing her. Gumanti siya sa halik ko na nagustuhan ko naman, and now walang awkward thingy akong nararamdaman. Bagkus I like the way she kiss me back. Our kiss became intense, naging agresibo na si Rhian sa paghalik niya sa akin. So I stop kissing her, sa way na hindi siya maooffend.

"Rhi .." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Why you stopped?"

"Wag na natin ituloy, dahil hindi pa to yung tamang panahon."

"I know I'm so sorry it's just that, matagal ko nang hinihintay na halikan ako. Kaya di ko lang mapigilan ang sarili ko, so please Glai give me a chance na patunayan sayo na kaya kong higitan kung anong kayang gawin ni Coleen." she said habang may luha sa mata niya.

"Hindi mo kailangang higitan si Coleen, tama na sa aking ipakita mo ang totoong Rhian yun lang sapat na sa akin." so i kiss her both eyes para alisin ang mga luha sa mata niya. "Take a rest Rhi good night. " sabi ko, at yinakap ko siya.

"I love you Glaiza." she's whispered. Napasmile nalang ako sa sinabi niya, at mahigpit na yumakap sa best friend ko.

End of Pov ...

Next update will update getting to know each other na sila sa Tacloban. Abangan ...

A/N : You know what I always want, comment your thoughts  ebrebadeh! ... Kung may mali sa update paumanhin, coz I'm perfectly imperfect. 😂😂😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.6K 376 30
γ€ŠTagalog》 Seulgi's most awaited moment, the reunion. Sa loob ng ilang taon, makikita na niya muli ang taong sasagot sa kaniyang mga tanong. Will she...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...