She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

9: First Day of School

24.9K 991 114
By fbbryant

Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko habang magkalapat pa rin ang mga labi namin ni Titus Bloodworth. His lips tasted like mint with a hint of dry grapes. Was it the champagne he was drinking a while ago?

He was kissing me in the dark!

Alam kong ito ang tulong na hinihingi niya pero nagulat pa rin ako.

I was helping him, 'yun ang paulit-ulit kong sinabi sa utak ko. This was charity.

Gumalaw ang kanyang mga labi kaya nagulat ako. Muntik ko pa nga siyang makagat buti na lang napigilan ko ang sarili ko.

And even though I knew it was all an act, I still felt tingles all over my body.

"T-T..."

Gulat akong napaatras nang may marinig na boses mula sa pinto. Balewalang binalingan ito ni Titus at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.

It was Ambrosia. Nanginginig ang kanyang mga labi habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Naiiyak na rin siya kaya napaiwas ako ng tingin.

Sinabi ko sa sarili ko na umiwas sa drama nila only to find myself in the middle of it. In the eye of the storm.

I braced myself for screaming and crying pero walang dumating. Tahimik lang si Ambrosia na nanginginig.

"What do you want, Brooke?" kalmado ang boses na tanong ni Titus. Gusto kong pumalakpak nang makitang wala na akong makitang galit mula sa kanyang mga mata. As a matter of fact, it was devoid of any emotions.

"I...I want to talk t-to you," pati boses ni Ambrosia ay nanginginig.

"I told you, we have nothing to talk about. Just leave," ani Titus saka humakbang na papasok sa kabahayan.

Naiwan kami dito ni Ambrosia na tahimik lang.

Dahan-dahan akong nakaramdam ng pagkairita. Pagkatapos ko siyang tulungan ay mang-iiwan lang siya nang ganito.

He discarded me just like that. Sana pala ay hindi ko siya tinulungan.

"H-He's just using you. He still loves me," biglang tumigas ang boses ng babae habang nakatingin sa akin.

Wala akong planong ma-involve sa kanila. Bakit ako nandito sa sitwasyon na 'to?

"Stay away from my man, witch," aniya saka ako iniwan.

Nanghihinang napasandal ako sa handrail.

Anong nangyari? Parang blurry ang lahat. Ni hindi ko maramdaman na nangyari nga 'yun.

Napahawak ako sa coat ng kumag na halimaw na walang modo. Nakapatong pa rin 'yun sa balikat ko.

Alam kong ginamit n'ya lang ako. Hindi ko kailangang maging genius upang ma-realize 'yun.

Pero wala siyang karapatang gamitin at iwanan ako ng ganun-ganon na lang. Gusto kong umiyak dahil sa frustration na nararamdaman ko.

That heartless bastard.

Bumukas ang pinto ng terrace at pumasok doon ang nag-aalalang magkapatid na Atwood.

"Okay ka lang?" agad na tiningnan ni Lorenzo ang leeg ko.

"I-I'm fine," nanginginig ang boses na sagot ko kaya napatitig sa akin si Lorenzo.

"My god. Isinayaw ka ni T Bloodworth," tila kinikilig na sabi ni Faizah. "Alam mo bang wala pa siyang naisayaw na witch dati?"

Eh nahalikan na witch?

Napakurap ako sa naisip.

"Uuwi na tayo," biglang sabi ni Lorenzo.

"Pero Kuya, okay lang naman si Savannah eh," agad na reklamo ni Faizah.

"Uuwi na tayo. End of discussion, Faizah," matigas na sabi ni Lorenzo. Inalalayan n'ya ako sa paghakbang. Hindi ko na-realize na nanginginig pala ang buo kong katawan kaya muntik akong mabuwal nang humakbang ako.

Agad akong pinangko ni Lorenzo at dinala na nila ako sa loob ng mansyon.

Pinagtitinginan kami ng mga bisita ngunit hindi na namin sila pinansin. Tuloy kami sa paglabas at agad akong isinakay ng magkapatid sa truck.

"Savannah," napatingin kami kina Matteo at Nadine na humabol pala sa amin.

"Okay ka lang?" tanong ni Nadine.

"Y-Yeah. Medyo natakot lang pero okay naman ako. Wala naman siyang ginawa sa akin," sagot ko.

"Wala naman talaga siyang gagawin sa'yo," palatak ni Matteo. "Pero sumunod si Brooke sa inyo."

"Wala silang ginawa sa akin. I'm fine. Uuwi na kami," sabi ko.

Wala silang nagawa nang lisanin namin ang lugar na 'yun.

Hindi ako makatulog nang gabing 'yun. Ginambala ni Titus Bloodworth ang tahimik kong utak.

Mahimbing nang natutulog si Rianah sa tabi ko kaya dahan-dahan akong tumayo upang 'wag ko s'yang magising. Nilapitan ko ang coat ni Titus na naka-hanger at nakasabit sa hook na nasa pinto.

I touched the soft fabric.

Bakit ba ako pa ang naisip mong gamitin? Bakit mo ninakaw ang unang halik ko?

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko.

When he was kissing me, I didn't feel any resentment. His kiss felt like home. Iyun ang unang pagkakataon na naramdaman ko 'yun simula n'ong dumating kami sa lugar na 'to.

Home.

He couldn't be my home.

Isa siyang halimaw.

But my heart said otherwise. No, it wasn't love. It wasn't even like. But he seemed very familiar.

How about his heart though? What did it feel? Who did it belong to?

Obvious naman ang sagot kaya napailing ako upang alisin ang agiw sa utak ko. Hindi ako dapat apektado sa isang halik lang. Hindi ako mababaw na babae.

Titus Bloodworth was a nobody to me. Dapat siyang iwasan at ipagsawalang bahala. Hindi niya deserve ang puyat ko.

—-

Dumating ang pasukan. Buhay na buhay ang buong campus. Nakakalat sa kung saan-saang bahagi ang mga estudyante at ang iingay nila lalo na ang mga bampira.

"Papasok din sina Matteo at Nadine."

"Si T ba papasok din?"

"Sana nga. Kulang ang tatlong sikat kung hindi siya papasok."

Napailing ako sa mga naririnig sa paligid.

Normal na yata na palaging laman ng usapan ang mga bampirang miyembro ng founding families. Kami lang yata ang founding family na hindi sikat.

"Sa second floor tayo," untag ni Faizah sa akin kaya sabay na kaming umakyat sa hagdanang may bakal na hawakan.

Ngunit nasa gitna pa lang kami n'on nang umingay ang buong paligid kaya napalingon kami sa entrance ng building.

Umikot ang mga mata ko nang makita ang nakangising pagmumukha ni Matteo.

"Ang gwapo talaga," kinikilig na komento ni Faizah bago nagpatuloy sa pag-akyat.

Nakita ko pang magkasabay na pumasok sina Nadine at Titus kaya mas lalong nagkagulo ang mga estudyante.

So pumasok din s'ya.

Naalala ko nanaman ang ginawa n'ya sa akin tatlong gabi na ang nakakaraan lalo na nang bigla s'yang tumingin sa direksyon ko. Matiim nanaman niya akong tinitigan kaya nag-iwas ako ng tingin.

Naiiling na sumunod na lang ako kay Faizah. Ayoko nang maulit pa 'yun. Ayokong ginugulo n'ya ang isip ko.

Maliit lang ang classroom namin. May whiteboard sa unahan at may mga lumang bakal na armchairs.

"Okay ka lang?" tanong ni Faizah nang naupo ako sa tabi n'ya.

"Oo naman. Bakit?" sagot ko. Ilang ulit kong inayos ang pagkakaupo sa bakal na armchair. Ang tigas naman nito. Wala pa ngang isang minuto ngunit medyo masakit na ang puwet ko.

"Kanina ka pa kasi walang imik."

"Anxious lang ako. College na 'to eh," pagdadahilan ko na lang.

Biglang nagkagulo sa labas ng classroom namin kaya nagkatinginan kami ni Faizah.

"Savannah!!! Sabi ko na nga ba at ikaw 'yung naamoy ko eh," gulat akong napatingin sa lalaking nasa pintuan ng classroom. Ang laki ng ngisi niya.

"Matteo? Anong ginagawa mo rito?"

"Dito rin ang classroom namin," aniya saka pumasok na at kampanteng naupo sa tabi ko. "Hi, Faizah."

"Hello," halatang kinikilig itong si Faizah kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Ang init," sabay-sabay kaming napatingin kay Nadine nang pumasok siyang may dalang pamaypay.

"Classmate ka rin namin?" maang kong tanong.

"Yup," she answered. "T, c'mon."

T?

"Classmate din natin si T?" si Faizah na ang nagsalita.

"Yeah," balewalang naupo si Nadine sa likuran ni Matteo.

Nagkatinginan kami ng kaibigan ko.

"Gusto mo rito? Palit tayo ng upuan," nilingon ni Matteo si Nadine.

"No. Gusto kong katabi si T."

Huminga ng malalim si Matteo saka umayos ng upo.

Hindi nagtagal at pumasok si Titus na nakapamulsa ang kaliwang kamay habang nakahawak naman ang kanan sa strap ng backpack na nakasabit sa kanyang kanang balikat.

"T, here," itinuro ni Nadine ang katabing upuan at naupo naman doon ang lalaki.

Sa likuran ko.

Nagkagulo ang mga kaklase namin nang pumasok sila sa classroom. Panay ang tingin nila sa direksyon namin. Maging ang professor ay medyo kinabahan lalo na nang makita si Titus.

Natapos ang unang subject sa loob lang ng sampung minuto. Tanging syllabus lang ang nai-discuss ng professor. Nakalimutan n'ya pang magpakilala.

"Sabay na kayo sa aming tumambay," yaya ni Matteo habang nakatingin sa akin.

"Talaga? Pwede? Witches kami ah. Hindi kayo nakikipag-usap sa katulad namin," biglang hirit ni Faizah.

"Nandito na si Savannah. Siempre magbabago na 'yan. Founding family, remember?" sagot naman ni Matteo.

"Sige. Saan ba kayo tatam-."

"Salamat na lang, Matteo," putol ko sa iba pang sasabihin ni Faizah. "Kayo na lang muna."

"Pero, Savannah..."

Sinamaan ko ng tingin si Faizah. Ano ba'ng nakain n'ya at masyadong feeling close sa mga bampirang 'to?

"Sige. Next time na lang," ani Matteo.

"T, saan mo gustong tumambay?" narinig kong tanong ni Nadine sa katabi.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nililingon. Ayoko s'yang tingnan. Ayokong tingnan n'ya ang mga mata ko.

"I don't care," narinig kong sagot n'ya.

"Kita na lang tayo later," paalam ni Matteo sa amin. Nagpaalam din naman si Nadine bago sila lumabas ng classroom.

Agad na bumuntot ang mga kaklase namin sa kanila at may iba pang nag-abang sa labas.

Napailing na lang ako. Pathetic.

"Bakit ba ang antisocial mo? Chance na nating makasalamuha ang tatlong pinakasikat at pinakamayamang teenagers sa buong bayan," tila naiinis na sabi ni Faizah sa akin.

"Dahil ayokong ma-involve sa katulad nila," simple kong sagot.

"Pero involved ka na."

"Faizah, please."

"Sa labas lang ako," aniya saka tumayo na at iniwan ako.

Mariin akong napapikit upang pakalmahin ang sarili ko.

Why do I feel like she wants to associate herself with vampires? The three famous vampires specifically.

Gusto n'ya rin bang sumikat?

Tsk.

May isang oras na bakante kaya kinuha ko ang bag ko at lumabas na rin ng classroom. Naglakad-lakad ako hanggang sa may nakita akong hagdanan na nasa sulok na papunta sa taas.

Wala namang third floor dito kaya nakapagtatakang may hagdanan na ganito.

Dahan-dahan akong humakbang at umakyat doon. Isang pinto ang nasa pinakadulo n'on kaya agad kong pinihit ang lumang doorknob. Agad iyung bumukas at unang sumalubong sa akin ay ang ihip ng hangin.

Hinawakan ko ang nakalugay kong buhok na nilipad ng hangin saka ako humakbang palabas. Isa pala iyung rooftop. Pinalibutan lamang ito ng hanggang beywang na sementadong pader. May ilang sirang armchairs na nakatambak sa gilid at halatang hindi 'iyun nililinis.

Lumapit ako sa pader at dumungaw doon. Nakita ko sa baba ang school garden na wala pa masyadong pananim.

Ano kaya ang nangyari sa lugar na 'to? Bakit ngayon pa lang nila sinusubukang ibalik ang vegetation dito?

Kumusta kaya ang unang araw ni Max sa school nila? Sana naman ay ma-enjoy n'ya ito.

Sana naman hindi naging pabigat si Rianah kay Grams Octavia dahil silang dalawa lang ang naiwan sa bahay.

"Are you avoiding me?" gulat akong napatingin sa lalaking bigla na lang tumabi sa akin. Itinukod n'ya ang mga siko sa rail bago dumungaw ng bahagya sa baba.

"Yes," pag-amin ko.

Nakita ko ang bahagya niyang pag-smirk. Nakatingin pa rin siya sa baba.

May nagbago kay Titus. Hindi pa rin maipagkakaila ang kakisigang taglay n'ya. Habang buhay na yata n'ya iyung dadalhin. Ngunit may nagbago sa hitsura n'ya.

"New earring?" tanong ko na nakatitig sa diamond earring na nasa kaliwa niyang tenga.

Hindi siya sumagot kaya nagkibit-balikat ako. Bakit pa kasi ako nagtanong? Hindi naman kami magkaibigan.

"I came here to tell you to avoid me and forget what happened at the Brigham's mansion," deretso niyang sabi.

Kalimutan? He wanted me to forget that kiss? My first freaking kiss? Sinong babae ang gustong makalimot sa kanyang first kiss?

Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako dapat makaramdam ng ganitong inis dahil una sa lahat gusto ko naman talagang umiwas sa kanila at pangalawa, alam kong hinalikan n'ya lang ako upang saktan si Ambrosia Horton.

"Wala kang dapat na ipag-alala. Balewala sa akin ang nangyari. It was nothing," I said to save face.

Tiningnan n'ya muna ako nang ilang saglit bago muling nagsalita. "Good," 'yun lang ang sinagot n'ya.

Nanahimik kami ng ilang sandali bago siya biglang nawala.

Ibinuga ko ang hangin na naipon ko sa aking baga. Halos pigilan ko na pala ang paghinga ko nang dahil lang sa presensya n'ya.

May napansin akong kuminang sa ibabaw ng sementadong handrail kung saan siya nakatayo kanina.

Nilapitan ko 'yun at nakita kong ang amulet ko pala 'yun. Agad ko iyung pinulot at ikinabit sa leeg ko. Bahagyang umilaw ang pentagram n'on nang maikabit ko na.

Hindi ko s'ya maintindihan. Napakalabo niyang nilalang.

Nang bumalik ako sa baba ay agad kong hinanap ang next classroom namin. Nandoon na ang mga kaklase namin at maging si Faizah.

Hindi ko na nakita sina Matteo doon kaya nakahinga ako ng maluwang. Umupo ako sa tabi ni Faizah at tiningnan n'ya ako.

"Savannah, sorry pala kanina. Na-overwhelm kasi ako sa presence nilang tatlo," mahina niyang sabi sa akin.

"Kalimutan mo na 'yun," sagot ko naman.

Natapos ang araw na 'yun nang hindi ko na muling nakita ang tatlong magkakaibigang bampira. Mukhang sa isang subject lang kami magkakaklase at sa Lunes at Huwebes lang 'yun.

Hinihintay na kami ni Lorenzo sa parking lot nang hapong 'yun. Mukha siyang pagod ngunit agad naman siyang ngumiti nang magkatinginan kami.

Itinulak ako ni Faizah sa front seat kaya doon na ako naupo habang sa backseat naman siya.

"Kumusta ang first day of school?" ani Lorenzo.

"Okay naman. Ikaw?" ganti ko.

"I'm a senior kaya agad nang may pinagawa sa amin. Medyo napagod ako," nakangiti niyang sagot. Napatingin siya sa pendant ko ngunit hindi naman siya nagkomento. Ini-start lang niya ang truck.

Nagpunta muna kami sa harap ng gate ng high school. Naghihintay na doon sina Raye at Max na parehong nakasimangot.

Tumabi sila kay Faizah sa likod. Pinagitnaan nila ito dahil ayaw nilang magtabi.

"Anong problema n'yo?" usisa ni Faizah nang tumatakbo na ang truck.

Hindi sila sumagot. Sabay lang niyang inirapan ang isa't isa bago tumingin sa labas ng bintana. Nagkatinginan kami ni Lorenzo at sabay na natawa.

Nilingon ko ang kapatid ko saka ko s'ya nginitian. Dahil may kaklase rin siyang mga bampira ay nakasuot na rin siya ng pentagram ngunit bracelet naman ang sa kanya.

Kinagabihan ay nagluto ng masarap na sinabawang manok si Grams Octavia. Masagana kaming kumain at masayang nagkwentuhan.

Ako na rin ang naghugas ng pinggan. Kita mula sa kinatatayuan ko ang labas dahil sa glass window. May napansin akong ilang mga anino kaya napatigil ako sa ginagawa. Mabibilis ang kilos nila at para silang naghahabulan.

Anong nangyayari?

Isang lalaki ang tumigil sa may harapan ko lang. Panay ang tingin niya sa paligid na para bang may hinihintay. Nang dahil sa liwanag ng buwan ay naaninag ko ang mukha n'ya. Hindi ko s'ya kilala pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang kanyang mapupulang mga mata at ang kanyang mga pangil.

Vampire.

Pero may kakaiba. Ang balat n'ya hindi katulad ng kay Titus n'ong makita ko s'ya n'ong Moonless Week. Walang pinagbago sa balat n'ya. It was as flawless as it had always been. But this vampire now, kulay abo ang balat n'ya at mukhang tuyung-tuyo na parang magka-crack na.

Muntik akong mapatalon nang biglang may isa pang dumating at dinaganan nito ang naunang bampira. Mabilis ang kilos nila ngunit nanatili lang sila sa bakuran namin. Dinig ko ang bawat suntok, sipa at kalabog nila.

Nagpambuno sila hanggang sa mukhang hindi na kumikilos ang naunang bampira.

Tumayo ang ikalawang bampira at saka ko lang nakita na may nakatarak ng wooden stake sa may dibdib ng nauna. At hindi pa siya nakontento. He chopped the other vampire's head off using his bare hand.

Napasinghap ako.

I-I just witnessed a murder.

Bahagya akong napaatras habang tutop ang aking bibig kaya naman hindi ko napansin ang ilang kaserolang nasa ibabaw ng mesa. Natabig ko iyun at lumikha iyun ng ingay nang mahulog ang mga 'yun sa sahig.

Napatingin sa direksyon ko ang bampira. Mapupula ang kanyang mga mata at may ilang talsik ng dugo ang kanyang mukha at dibdib. Dahan-dahang umatras ang kanyang mga pangil habang nakatingin ng deretso sa bahay.

"Anong nangyari?" naglabasan ang mga kasama ko. Si Lorenzo ang unang nakalapit sa akin pero hindi ko sila magawang sagutin.

Nanatili akong nakatingin sa lalaking nasa labas. Mukha siyang galit na galit.

Titus Bloodworth. I didn't expect you to be this deadly.

***

Continue Reading

You'll Also Like

199K 6.1K 52
Marie Deguzman is your perfect probinsiyana girl, who went to the city in order to help her family on their basic needs. She stays on her Auntie's ho...
8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
107K 2.6K 36
Jane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him...
51.9K 1.4K 50
Devyn Jimenez was a simple woman living with herself and sustaining her life with paychecks every month. Polluted river, war-freak neighbors, and noi...