Vertigo | Published under L...

By Serialsleeper

1.3M 45.7K 16.9K

Vertigo was published last 2014, under Life is Beautiful Corp. More

Foreword
Prologue
I : The beginning
II : Warning
III : Passengers
IV : Shelter
VI : Devil Calling
VII : Dead and Gone
VIII : The Other Reality
IX : Distorted
X : Time's Up
XI: Escape
XII : Heartbreaker's Redemption
XIII : Gone
XIV : Finale
Epilogue

V : Weird and Worse

69.9K 2.5K 1.3K
By Serialsleeper

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Jamilla's POV

Napakadilim ng paligid ngunit nang dahil sa liwanag ng buwan ay bahagya kong naaninag ang mukha ng isang lalakeng may matikas na tindig, nakasuot siya ng isang mahabang balabal na nakatalukbong ng bahagya sa ulo niya. Napaka-sungit ng dating niya dahil hindi man lang siya ngumingiti nakatingin lang siya sa amin na para bang kinikilatis kami ng mabuti Nakakakilabot siya maging ang buong lugar pero desperado na kami.

"Hey do you have a fvcking phone?!" Sigaw ni Vince at agad na humakbang papalapit sa lalake. Walang modo talaga si Vince.

Ayaw naming sumama ang loob ng lalaki sa sa amin kayat dali-dali naming hinila si Vince at sa halip ako nalang ang nakiusap.

"M-mawalang galang na po, K-kailangan namin ng tulong! Nabangga yung sinasakyan namin wala na kaming ibang mapupuntahan tapos yung kaibigan namin inaapoy sa lagnat, Makikituloy sana kami hanggang sa dumating ang ambulansya" Mautal-utal at maluha-luha kong saad dahil sa sobrang lamig ng kapaligiran. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha dahil sa wakas may mahihingan na kaming tulong.

"We promise to pay you" Mikee pleaded

Narinig kong bahagyang umubo si Wesley "Siya lang nagsabi niyan" kayat agad ko siyang siniko.

Saglit na namayani ang katahimikan, naghihintay kami sa susunod na sasabihin ng lalake ngunit Isa-isa niya lang kaming tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Sundan niyo ako at kahit na anong mangyari wag kayong hihiwalay." Walang-emosyon at ma-otoridad niyang saad. Nagsimula siyang maglakad papasok sa bayang napakatahimik at napapalibutan ng mga malalaki ngunit napakalumang bahay. Para siyang yung mga haunted house sa pelikulang napapanood ko kasi walang mga nakabukas na ilaw, oo nga may mga poste sa iilang bahagi ng bayan kaso parang napakaluma na rin ng mga ito.

Hindi ko alam pero natatakot akong pumasok sa bayang to.

Ang iba ay napabuntong hinga at nagsingitian sa tuwa ngunit ako, nakatingin lang ako sa likuran ng lalakeng papalayo. He's so weird.

"O ano pang hinihintay mo?" Tanong sa akin ni Wesley

Nagsimula na pala silang maglakad samantalang ako heto nakapako parin sa kinatatayuan ko. Napailing-ling nalang ako at naglakad nalang din.

Lakad lang kami ng lakad pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Si Wesley na daldalito ay surpresang naging tahimik din. Sa totoo lang ayoko sa bayang to, masyadong tahimik na para bang walang nakatira.

Tumigil sa paglalakad yung lalake, ganun din kami. Lumingon siya sa aming lahat. "Welcome to Vertigo hotel" Muli, walang emosyon niyang saad at laking gulat namin nang mapagtantong may isa palang malaking gusali sa harapan namin. Gaya ng ibang bahay dito, napakaluma narin ng gusali. May karatulang nagsasabing Vertigo ngunit yupi-yupi na ito at halos hindi na mabasa.

Nang makapasok kami ay muling bumungad sa amin ay kakaibang aura at paligid. Yung totoo hotel ba talaga to? Bakit parang ang luma ng lahat, yung mga furnitures parang mga antique lahat. Yung mga kisame naman walang kapintu-pintura tapos parang bitak-bitak pa.

"Negative five star hotel tss" ismid ni Barney

"Hotel ba talaga to?" cliff

"Wag nga kayong bastos" Sita naman ni Mikee sa kanila.

"Tanya! Gabriel! Andito na ang mga panauhin!" Sigaw ng lalake at agad na hinubad ang suot ng coat na itim. Hindi ko maiwasang maikunot ang noo ko, Nakasuot pala siya ng Red leather jacket. Wow, para sa isang taong nakatira sa isang lugar na napakaluma, bakit parang napaka-moderno yata ng suot niya?

Nagkatinginan sina Wesley at Barney. Nagpalitan sila ng mga nakakalokong tingin. For sure ang malalim na pananalita ni Azrael ang pinagt-tripan ng mga ulol.

"Ako si Azrael, ang punong-tagapamahala sa hotel nato. Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang basta ang lagi niyong tatandaan, wag na wag kayong lalabas sa hotel nato ng walang pahintulot" Wow, infareness nakakabilib, hindi siya ganun katanda pero mataas na pala ang posisyon niya dito.

"Wow bakit? grabe naman ng policy niyo sa hotel nato?" Tanong ni Wesley na nakangiti parin.

"Para sa inyong siguridad yan" mahinang bulong ni Azrael.

Biglang dumating ang isang babae at lalake. Parang magkaka-edad lang sila. Yung babae napakatamis ng ngiti niya sa amin na para bang sabik makakita ng ibang tao samantalang yung lalake naman deretso lang ang tingin at para bang napakalaki ang problema. Siguro pinoproblema niya ang height niya, di kasi siya ganun ka-tangkad eh. Mas matangkad yata ako sa kanya hehehe.

"Ito si Tanya," Turo ni Azrael sa babae, "At ito naman si Gabriel," Turo naman niya kay bulilit. "Tanya ihatid mo sila sa tutulugan nila, at kung may ano man kayong kailan para diyan sa kaibigan niyong walang malay, andito si Gabriel. Ako na ang bahalang tumawag ng tulong, magpahinga na kayo." Ma-otoridad ulit na saad ni Gabriel. Inaabutan nila kami ng mga malilinis na tuwalya kayat agad kaming nagpasalamat.

Wait, Azrael, Gabriel at Tanya...tunog luma sila infairness.

Tinulungan nung Gabriel si Wesley sa pagbuhat kay Drew. Kanina kasi sina Cliff at Mikee ang nagbubuhat kay Drew kaya ngayon pahinga muna sila. Nagsiakyatan na sila sa napakalumang hagdan maliban lamang sa akin. Andami kong gustong itanong kay Azrael....

"M-may signal ba kayo dito?" Tanong ko

"Wala kaming signal dito pero may tele-----" Masiglang tugon ni Tanya ngunit bigla siyang natahimik nang aksidente siyang masiko ni Azrael. "May telepono pero sira! oo sira! hehehehe" Okay...so Tanya is just as weird as Azrael.

Nakunot ang noo ko. "Wait so how are you gonna call the police or ambulance?" tanong ko naman sabay taas ng kilay ko.

"May isa pang teleponong gumagana" Azrael

Tumango nalang ako. "Wait one last thing, nasaan ang mga tao? Bakit parang kayo lang ang nandito?" Tanong ko.

Saglit na nagkatinginan sina Azrael at Tanya. "May isang piging na nagaganap sa hindi kalayuan, naroon ang lahat ng mga mamamayan upang magdiwang at magsalo-salo" Sagot ni Azrael kayat nahampas ko nalang ng bahagya ang pisngi ko. Shit ano daw? bat ang lalim?

Tanya giggled. "Napakalakas kasi ng ulan kayat di pa sila nagsisidating" Nakangiti niyang saad kayat umakyat nalang ako.

This place and the people here are freaking me out. Kung hindi lang talaga nasira ang mga kotse at cellphone namin, umalis na ako sa lugar nato kanina pa.

- - - - - - - - - - - -

Dahang-dahang inilapag ni Gabriel at Wesley ang walang malay paring si Drew luma ngunit napakalaking kama.

"Gabriel right? No offense but your hotel sucks, io-open ko ang bintana ha?" Deretsahan kong sambit at agad na lumapit sa hagdan ngunit laking gulat ko nang bigla akong hinarangan ni Gabriel na nanlalaki ang mga mata na para bang kinakabahan. Bahagya akong tumawa sabay kunot ng noo ko. "Ano? hehe" tanong ko.

Napalunok si Gabriel. Saglit akong napalingon kay wesley at nagpalitan kami ng Ano-ang-nangyayari-look. "H-hindi mabubuksan ang bintana, kung pipilitin mo tong buksan makakasira ka lang ng gamit. Mapapahamak kayo" Mautal-utal niyang saad kayat tumango nalang ako at pilit na ngumiti. Siguro takot talaga sila kay Azrael kaya ayaw nilang makasira ng gamit.

Tumahimik kaming lahat sa kwarto. Napaka-awkward talaga mabuti nalang at nagsalita si Wesley.

"Gab bakit nasa third floor ang mga kwarto namin pero yung pinagdalhan kay Drew dito sa second floor?" Curious din pala si Wesley gaya ko.

"Mas maayos ang ventilation dito kumpara sa taas at isa pa mahihirapan tayong i-akyat ang kaibigan niyo kung nasa third floor" Rason ni Gabriel kayat tumango nalang kami. Oo nga naman, may point din siya.

"Pero sana dito nalang din kami sa second floor diba?" Tanong ulit ni Wesley.

Gabriel eyes darted from left to right, para bang nahihirapang magsalita. "I dont know... Kuha lang muna ako ng bimpo at tubig sa baba" paalam ni Gabriel at agad na umalis.

Nagkatinginan nalang kami ni Wesley.

"Okay, its official I hate this place" Anunsyo ko sabay pabagsak sa humiga sa kama.

"Kaysa ba naman sa labas tayo at nauulanan diba?" sabi ni Wesley kayat napabuntong hininga na lamang ako.

"Pero Wes wala ka ba talagang nararamdamang kakaiba sa lugar nato? I mean, the place and the people are weird" bulong ko sa takot na baka may makarinig sa akin. Pero hindi lang naman ito ang weird eh, Bakit sa aming lahat, si Drew yung parang pinaka-napuruhan sa aksidente? Diba dapat sina Mikee o cliff kasi sila ang nasa harapan nang bumangga kami?

"Wirdo na kung wirdo basta di ako matutulog sa labas. Natatawa lang talaga ako sa kanila eh, Yung Azrael napakalalim magtagalog, Yung tanya parang timang ngiti ng ngiti kabaliktaran ni Azrael tapos yung si Gabriel naman englishero ang damuho. Siguro takas sa mental tong mga to" Saad din ni Wesley at gaya koy pabagsak ring humiga sa kama. Bale nasa gitna namin si Drew. Napakalaki din naman kasi ng kamang to.

"Labas na Wes, matulog ka na, ako na ang magbabantay kay Drew" I volunteered.

"Ako na ang magbabantay kay Drew" Giit naman niya.

Iniangat ko ang ulo ko at binigyan si Wesley ng nakakalokong tingin. "Uyy, takot kang matulog ng mag-isa sa kwarto no?" pang-aasar ko

Napabuntong-hininga si Wesley. "Hindi ako takot, nag-iisip lang," Iniangat rin niya ang ulo niya. "Paano kung serial killer pala yung sina Azrael? O edi hindi ako mahihirapan sa pagtakas kasi andito si Drew. Itatapon ko lang si Drew sa kanila at boom siya muna ang pagp-pyestahan nila makakatakbo ako palayo. Sa mata pa lang ng ating Sylvester Andrews, busog na sila" Pilyong saad ni Wesley sabay taas-baba ng kilay.

Tumawa na lamang ako. "Ano yun Zombie? hahaha! Mata na naman ni Wesley ang pinagtripan mo," Natigil ako sa pagtawa nang maalala ko ang kinwento ni Drew kanina bago kami mabangga. "Drew has a third eye" mahinang bulong ko nang maalala ko ito.

Biglang humagalpak sa kakatawa si Wesley. "Takte! Paano magkakasya sa mukha ni Drew ang tatlong mata eh kung yung dalawa niya ngang mata halos di na kasya!"

Gustong-gusto kong tumawa dahil sa sinabi ni Wesley ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi seryoso to, seryoso ako dapat. Mabuti nalang siguro tong ganito atleast hindi ako nag-iisa. Nakakatakot din naman kasi talagang mag-isa sa lugar nato.

"Di nga wes, Naaalala mo ba noong highschool tayo? Diba sabi ni Drew nakakakita daw siya ng mga multo?" Paalala ko sa kanya.

"Wala namang takutan Jamilla! Aish!" Tuluyang umupo si Wesley na para bang natatakot na. Tiningnan niya ang relo niya at bigla itong hinampas. "Anyare bat di gumagana relo ko?" Tanong niya. Pinindot-pindot niya ito at halata sa mukha niya ang inis. "Makapag-stopwatch na nga lang. hehehe"

Kahit kailan baliw talaga si Wesley. Pero buti nalang ganito, atleast malilimutan ko ang takot ko.

- - - - - - - - - -

Third Person's POV

Dahan-dahang bumaba si Tanya sa hagdan na para bang napakalalim ng iniisip. Naabutan niya sa babae si Azrael kayat nagmadali na lamang siyang lapitan ito.

"Anong ginagawa nila?" tanong ni Azrael nang makita niya si Tanya.

"Nasa mga kwarto na nila silang lahat. Samantalang yung sina Wesley, Jamilla at Sylvester naman kasama si Gabriel" Pamamalita ni Tanya kayat tumango na lamang si Azrael at dumungaw sa bintana.

"Sana di sila makalabas" mahinang bulong ni Azrael sabay baliktad sa isang hourglass.

END OF CHAPTER V

- - - - - - - - - - -

Author's Note : Tapos na ang Pact Trilogy kayat ito na ang magiging focus ko. Pasensya na kung bigla tong naging on-hold pero no worries, This is now on-going :))

Azrael on the right side :))

Thanks for reading!

Vote and comment ♥

Continue Reading

You'll Also Like

4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...