In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.6K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 15

376 10 1
By Sevenelle

Just Him

Weeks had passed and everything's going fine between me and Luke. Madalas niya akong dalhin sa bahay nila at nakagaanan ko na rin ng loob si Tito Lucas at Tita Cynthia.

I was happy to know that rivalry between our families doesn't affect their perception of me. They never said anything offensive against us. Naisip ko nga na pamilya ko lang yata itong OA at ginagawang big deal ang lahat.

Sa Arnedo College ay ganoon pa rin ang mga tao, hindi pa rin makapag move on sa balitang kami na nga ni Luke officially. Wala rin akong ideya kung paano nakalabas ang balitang iyon. Maybe it was so obvious that they could quickly jump into the right conclusion, or it was all because of Violet. Dahil maliban sa news na kami na ni Luke ay may naririnig din akong hindi totoong impormasyon tungkol sa akin. But I was being used to that anyway.

It's another weekend and I was looking forward to being with Luke later. Pinangako niyang dadalhin niya ako sa hacienda nila at mangangabayo kami. I haven't tried horseback riding so I was quite interested when he told me that.

At ngayon ay narito pa ako sa kwarto, nakatitig sa bintana. Nag iisip kung paano ko palalambutin ang aking pamilya lalo na si Papa.

Hanggang ngayon ay naghihimutok pa rin ito sa balitang kami na ng batang Marquez. Dumalaw kasi rito ang mga pinsan ko at nabuksan ang topic na iyon since kalat sa school. And Papa accidentally overheard things. Ang ending ay lalo itong nagalit kahit ang mga tito ko.

And now I was left with no choice but to bear with their cold treatment toward me. My cousins feel sorry about me but that doesn't change anything.

Mabigat din sa loob ko na ganito ang pakikitungo nila sa akin. Si Mama ay walang magawa sa katigasan ng loob ni Papa.

Hindi pa nga ako lumalabas ng kwarto buong umaga dahil naroon sa baba ang mga tito at si Papa. Nag uusap usap.

But then I've realised that I haven't ate lunch yet and it's already past lunch time. Kaya nagdecide na akong tumayo para bumaba at makakain.

Halos kalahati na ang pagkakabukas ko sa pinto nang hindi sinasadyang marinig ko ang sinabi ni Tito Julio.

"Topher, mahina ang kita ng mais at palay dahil kulang sa estratehiya ng pagpapalago. Masyado nang luma ang strategyng ginagamit ni Carlos sa pagpapadami ng ani. Ang kailangan mo ngayon ay magandang estratehiya kung paano mas palalaguin at pararamihin ang mga bunga ng pananim habang binabantayan ang kaledad nito," aniya.

Nanatili ako sa hamba ng pintuan at kuryusong nakikinig sa usapan.Hindi ko matanto ngunit may nag uudyok sa aking makinig.

"Halos masolo na ng mga Marquez ang supply na iniluluwas. Ayoko mang aminin ngunit talagang madami at maganda ang mga ani nila," wika naman ni Tito Miguel.

Ngayong nabanggit na ang mga Marquez ay lalo akong nakinig.

"Kung hindi natin ito maagapan ay lalo pang lulubog ang negosyo ni Carlos. Ngayon ay kailangan mong umisip ng paraan upang mabawi ang lugi at ang dating porsyento ng supply na iniluluwas natin," si Tito Mark iyon.

Hindi ko narinig ang sagot ni Papa at nanaig ang katahimikan sa paligid. Ilang segundo rin iyon ngunit boses ni Tito Julio ang bumasag nito.

"Hindi ba't nobyo ni Empress ang ampon ni Don Lucas?"

Natigilan ako at napako sa kinatatayuan.

"Bakit hindi mo hayaang makipagrelasyon siya roon at gamitin mo iyon upang malaman ang estratehiya ng mga Marquez sa malalago nilang ani?" Pagpapatuloy ni Tito Julio.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Did I hear it right? And did I get the right interpretation of it?

"Sinasabi mo bang gamitin ko ang anak ko, Julio?" Matigas na tanong ni Papa. Alam kong madumi kung maglaro ang Tito Julio ngunit hindi ko inaasahang ganito.

"Hindi mo gagamitin si Empress. Gagamitin mo ang relasyon nila ng batang Marquez. Para saan ba ang kaunting impormasyon tungkol sa pagpapadami ng ani? Magtatanong tanong lang naman siya sa kanyang nobyo," giit ni Tito Julio.

"Tingin mo ito ang paraan?" Tanong ni Papa sa mababang boses. And I was honestly praying inside that papa won't do this to me.

"Ilang buwan pa lang simula nang umalis sina Carlos at Agnes. Ngunit ang negosyo ay malaki na ang ibinagsak Topher. Kailangan nating kumilos kundi ay tuluyang lulubog ang negosyong tumataguyod sa pamilya mo at ni Carlos. Malaking kahihiyan iyon sa ating mga Cabrerra," ani tito Miguel.

"Mamili ka Topher, ang paggamit pansamantala sa relasyon ng anak mo o ang paglubog ng iniingatan niyong negosyo?" Wika ni Tito Julio.

Hindi ko kinaya ang lahat ng narinig kaya nagpasya akong manatili na lang sa kwarto at huwag nang kumain. Nanlalambot akong isinandal ang sarili sa likod ng pinto.

Napakabigat ng loob ko sa mga nalaman. Halo halong emosyon at ideya ang sumasalakay sa aking sistema.

Magagawa ko bang pumili sa dalawa? Ang pagpapanatili ng linis ng konsensya ko sa mga Marquez o ang pagsagip sa kabuhayan namin?

Natatakot akong pumili. Mabubuhay ako ng mapayapa kung hindi ko gagawin ang kagustuhan ng mga tito. Ngunit kapalit nito ay mawawala ang kabuhayan namin at lulubog kami. Kaya ko bang pagsamantalahan ang relasyon namin ni Luke? Kung hindi ay paano si Papa? Paano ang pamilya ko?

Tuluyan na akong nabalisa. Tila ipo ipo ang lahat ng impormasyon sa isip ko. Wala akong maintindihan ni isa. Napapagod na akong mag isip habang unti unting dinudurog ng mga posibilidad ang puso ko.

Pakiramdam ko'y nakadagan sa akin ang lahat. Bakit bigla na lamang ganito ang pagtutol ng tadhana sa amin ni Luke?

Ginugol ko ang halos tatlong oras sa pag iisip. Tuluyan akong lumabas nang nagtext si Luke na papunta na siya rito sa bahay.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan pababa nang magsalita si Papa na nakaabang sa sala. Mag isa na lamang siyang nakaupo sa sofa at nagkakape. Kanina pa umalis ang mga tito.

"Let's talk," aniya.

Inangat niya ang tingin sa akin mula sa kape. Kapansin pansin ang pagtanda ng kanyang itsura kumpara noong nakaraang buwan. Kita rin ang pagkabalisa nito.

Ginapangan ako ng kaba nang tuluyan akong maupo sa katabing sofa. I was waiting for him to speak first.

"Nangangalahati pa lang ang taon," he paused. "Palugi ang negosyo ni Kuya Carlos."

I kept quiet. I find it hard to look back at him in the eye. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ito pero ayokong malaman niya na alam ko ang plano nila.

When I didn't say a word, he kept going.

"Kailangan ng bagong strategy sa pagtatanim at pangangalaga nito. Ang mga Marquez... maganda ang ani nila. Hindi ba't nobyo mo ang ampon ni Don Lucas?" Tanong niya.

I remained still. Tumango ako ng bahagya at yumuko. Hindi ko kayang tumingin pabalik. Bumibigat ang dibdib ko.

"Malapit ka kay Lucas at Cynthia? Ipinapasyal ka ba niya sa mga bukirin at hacienda nila?"

Sunod sunod ang mga tanong ni Papa. Panay ang kurot ko sa hita ko, baka sakaling nananaginip lang ako. Pero hindi. Kaya napilitan akong tumango.

"Pupunta kami sa hacienda nila ngayon, Pa," sagot ko.

"Good. Mag obserba ka. Obserbahan mo kung anong ginagawa nila. Kung anong sekreto nila sa magandang pananim at ani. Magtanong ka sa nobyo mo, baka marami siyang nalalaman," aniya at sumimsim sa kape.

Naestatwa ako at pilit ipinoproseso ang narinig. Umahon ang galit sa dibdib ko. Paano nila nagagawa ito? Paano nila nasisikmura ang manamantala ng kapwa?

"I am sorry but I fail to get the point of this conversation Papa," sabi ko nang mahinahon at pilit pinapakalma ang sarili.

"Nobya ka ni Luke Marquez di ba? Gamitin mo ang relasyon niyo ng Marquez na iyon upang makakuha ng impormasyon na makasasagip sa negosyo natin," aniya sa mas malinaw na tinig. I suddenly felt nauseous.

"Ang sinasabi niyo po ba ay pagsamantalahan ko ang relasyon namin ni Luke? Ang kabaitan ng mga Marquez? Para sa negosyo?" Wika ko at pilit itinago ang pait sa tinig ko ngunit hindi iyon nakaligtas.

"Kailangan mong gawin Empress. Lulubog tayo!" Tumaas ang boses ni Papa. Lumarawan ang frustration at desperasyon sa mukha niya.

"Sinasabi niyo bang kailangan kong maging masama?" Tumaas na din ang boses ko. Nasaid na ang pagtitimpi ko simula pa nang mag umpisa ang usapang ito.

"Ang sinasabi ko ay kailangan mong sagipin ang negosyo! Ang pamilyang ito, Empress! Lulubog tayo! Mawawala ang negosyo!" He paused catching his breathe.

I stared at him in disbelief. Naiintindihan ko pinanggagalingan niya. Natatakot ako para sa pamumuhay namin. Pero sobra naman yata ito?

"Listen, in order to survive people take risks. Do nasties. Play dirty. Put on tricks. Deceive. Do whatever it takes to live and protect your family. Doing good and keeping your principles isn't the best solution to everything. Maybe you feel and think bad of yourself, but after all, it will be worth it. For you have saved your family from the bottom pit and life's wrath," aniya at tinignan ako ng taimtim.

Huminga ako ng malalim saka tumango.

"Titignan ko ang magagawa ko," wika ko at tumayo na.

"Nakasalalay sayo ang pamilya natin, Empress," tahimik at pahabol niyang sambit.

Nagtungo kami sa hacienda nila Luke. Maluwang iyon at maraming nakapastol na hayop.

Nagawa naming makapangabayo. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagsakay at pagpapatakbo.

Noong una ay tig isa kami ng kabayo ngunit nang kalaunan ay sumakay din siya sa kabayong gamit ko. Pumwesto siya sa aking likod at nakalapat ang kanyang matigas na dibdib sa aking likod. I felt him breathe on the back of my neck. I shivered from the sensation.

Siya ang humawak sa tali at nagpatakbo sa kabayong si Luna. Makintab ang maitim na buhok ni Luna. Ito raw ang pinakamaamo sa lahat ng kabayong alaga nila kaya ito ang pinagamit niya sa akin.

Papalubog na ang araw at marahang humahampas ang sariwang hangin sa mukha ko. Tinalunton ni Luna ang mahabang gilid ng Carayan hanggang sa marating namin ang parte kung saan kami naligo noon.

Bumaba kami at itinali ni Luke si Luna sa puno malapit sa papag. Umupo naman ako roon at pinagmasdan ang payapang tubig ng Carayan.

"Mababaw ngayon kaya't walang naliligo," ani Luke at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Kanina ka pa tahimik. May problema ba?"

Pinisil niya ang kamay ko. Napatingin ako roon bago ibinaling sa kanya ang paningin.

"Wala. Napagod lang ako," ngumiti ako. I silently prayed that my smile appeared real.

"Gusto mo na bang umuwi? Tara na kung ganoon," aniya at akmang hihilain niya na ako patayo nang umiling ako.

"No. I like here. Dito muna tayo," sabi ko. Tumango siya at umupo ulit sa tabi ko.

Bigla siyang yumakap sa akin. Nagulat ako ngunit inihilig rin ang aking ulo sa dibdib niya. It felt so warming and comfortable.

Nanatili lang kaming ganoon hanggang sa tuluyang lumubog ang araw. Ang liwanag ng buwan ang tangi naming ilaw.

"Luke?" sambit ko.

"Hmmm?"

Bahagya akong gumalaw mula sa pagkakasandal sa dibdib niya ngunit nanatili roon. Marahang humaplos ang kamay niya sa braso ko.

"Lahat ba gagawin mo para sa pamilya mo?" Tanong ko. Pinirmi niya ang kamay sa balikat ko.

"Oo," simple niyang sagot at bahagyang nilingon ako.

"Talaga? Kahit ang manggamit at manamantala ng kapwa gagawin mo para sa pamilya mo?"

Umupo ako ng maayos at tinignan siyang mabuti. The blazing moonlight reflected in his eyes as he stares back at me.

"May problema ba?" Mahinahon niyang tanong. Bahagyang kumunot ang noo niya. Umiling ako.

"Sigurado ka?" Aniya at ikinulong ang aking mga pisngi sa magkabilang palad niya. Ipinatong ko naman ang mga kamay ko sa kamay niya.

I was loving the warmth of his touch. It gives me so much comfort that I almost don't want to stay away from it. It was like I was being addicted in his touch.

"Walang problema, okay?" I tried to put a genuine smile and hoped it was convincing. I wondered how many fake smiles have I already made all my life?

Tumango siya at marahang dinampihan ng halik ang noo ko.

"Kung may problema nandito lang ako, okay?"

I just made an agreeing sound and savored his gaze.

Tahimik akong nanalangin na sana totoo ang sinabi nito. Na nariyan lang siya kapag may problema ako. Pero kahit anong kumbinsi ng tao, hindi niya kailanman makukumbinsi ang sarili niya.

Seconds had passed and we were just staring at each other. Walang nagsasalita. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Siguro nga'y magaling itong magtago ng emosyon at iniisip. Para saan pa't bida siya ng Drama Club hindi ba?

"Can I kiss you?" He asked  suddenly breaking the silence.

Nagulat ako roon ngunit natawa rin. Mukha kasi siyang inosenteng bata na nagtatanong sa nanay niya kung anong sagot sa two times two.

"Bakit naman hindi Luke?" Nang aasar ngunit malambing kong sabi. Ito ang gusto ko kay Luke. He was so gentle.

"Talaga?" Ngumisi siya at bahagyang kinurot ang pisngi ko.

Ngunit kalaunan ay bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. He touched it gently like he was tracing each curves and edges. The sensation gave me a lingering tingle down my spine. I felt my stomach emptied.

"My pleasure Mister Marquez," sambit ko at ako na ang kusang humalik sa kanya.

Nang maglapat ang mga labi namin ay tuluyan nang nilipad ng hangin ang sistema ko. Napuno ang kalooban ko ng iba't ibang emosyon na hindi ko mapangalanan.

The touch of his warm lips brushing against mine made my head tangle. The sensation was gut twisting. My heart was doing somersaults and frantically slamming against my chest.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa batok ko. Keeping ourselves as close as possible. The kiss was passionate and happiness was an under statement to describe the feeling. It could be heaven.

Unti unting naglayo ang mga labi namin. I opened my eyes and I saw him opening his. His deep gaze bore into mine.

"That was our first kiss," aniya at ngumiti ng malaki. Kitang kita ang pagkislap ng mga mata niya sa kadiliman ng gabi.

"Uh-huh.." I nodded in agreement while plastering a mischievous grin upon my swollen lips.

"And this would be thee second," he said and smashed his soft lips into mine.

I was shocked because I was supposed to do the mischievous stunt. But then again, the hell I care who did first what did first.

For the second time around, I was enclosed under the magical touch of his warm lips.

Forgetting everything that's bothering me and not caring about a single thing but him. Just him.

Continue Reading

You'll Also Like

14.1M 272K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
462K 18K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...
478K 12.3K 24
Isla Azul Series #2 (COMPLETED) Nang mamatay ang mga magulang ni Jail, agad inako ng tatlong kapatid niyang lalaki ang responsibilidad sa kumpanyang...