When ;

By VicerylleBruhs

79K 2.9K 323

We just write WHEN ; • Inspired • Kota • Bored • Durog • Tigang And any feeling under the sun.. More

Secret Love Song
Captured
KaMeo
BarRylle
Paano Ko Tuturuan Ang Puso
When I Was Your Man
Choose Me
The One That Got Away
TAKEN FOR GRANTED?
Don't Cry Ana
The Gay Next Door
Basically
NO
Minute To Win Me
Group Chat • 1
Group Chat • 2
SneaKISS
Confession Room
The Blind Item
Unconditional Love
Maddie
sNOw
Captured 2
Stigmés ViceRylle
Till Death Do Us Part
The Game
Love Team
Left x Added
Tangled Fairytale
BABIES
My Debted Love
VhongRylle
#1 Fan
A Not So 'Bad Things' To Do

P&N

2K 68 5
By VicerylleBruhs

" Maliliit na gagamba, umakyat sa sanga. Dumating ang ulan at tinaboy sila" Pagkanta ng binata habang tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan. Sinubukan nyang hawakan ang ulan ngunit hindi nya nagawa. Napakunot noo ang binata at pinagpatuloy ang pagkanta.

*knock. Knock*

Tinignan nya ang pinto at nagtalukbong. Mas nilakasan nya pa ang pagkanta.

*tunog ng doorknob na pinipilit na buksan*

Pinikit ng binata ang mga mata habang patuloy na kinakanta ang pambatang awitin.

Kinabukasan...

"Good Morning Lester, nakatulog ka ba ng maayos?" Salubong sa kanya ng nurse na nagtataglay ng maamong mukha.

"Nurse Lorna, ikaw na ba yan?" Pagsabi ng binata habang tinatanggal ang pagkakatalukbong ng kumot. Agad ding nawala ang kaba ng binata ng masilayan ang malambing na ngiti ng dalaga. Ngunit mababanaag din ang lungkot at takot sa mata.

"Oo Lester, nagising ba kita?" Muli ay tanong ng dalaga habang iniaayos ang pagkain at ilang gamot para sa binata.

"Hi-hindi naman Nurse Lorna, buti nga nandito ka na eh" umaayos na ng upo ang binata habang tinitignan ang maamong mukha ng dalaga.

Napakunot ang noo nito ang mabanaag na takot at lungkot sa mata nito sa kabila ng malalambing na ngiti ng dalaga.

Pinilit hawakan ng binata ang kamay ng dalaga.

"Oh Lester, do you need anything?" Pagbaling sa kanya ng dalaga

"Nurse Lorna, alam ko pasyente mo lang ako pero pwede mo rin akong maging kaibigan. I know may pinagdadaanan ka. You can tell me" sabi ng binata at pinisil pa ang kamay ng dalaga.

Napangiti ang dalaga at tumingin sa pinto.

"Lester, wait lang ah" sabi ng dalaga at nagtungo sa pinto upang siguraduhing nakasara ito

"Lester, whatever you hear from me. This is confidential. Hindi ko dapat ito sasabihin sayo but among all the patients here. Alam ko iba ka, I also just don't know kung anong ginagawa mo dito. You don't belong here. Lester, please wag mong sasabihin na sinabi ko sayo" maagap namang hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga bilang assurance dito.

"Lester, I didn't mean to scare you sa sasabihin ko okay? I just want you to be safe. Sa ilang buwan ng nakakasama kita napalapit ka sa akin" nakangiting sabi ng dalaga at hinawakan ang dalawa nyang kamay

"2 weeks Lester, sa makalipas na dalawang linggo unti-unting nauubos ang mga pasyente dito. Hindi namin alam kung bakit at paano. All we know is that once we round at 4 am we will found them lying on their bed na bumubula ang bibig, o di kaya ay naliligo sa sariling dugo mula sa nilaslas na leeg. And you know what's the deal with it? Hindi namin malaman kung sino o anong dahilan kung bakit nangyayari ito. " sabi ng dalaga at nakatingin sa mga mata ng binata.

"Nurse Lorna, don't be scared. I'll protect you" mahigpit na hawak ng binata sa kamay ng dalaga

"Lester, I can handle myself. The doctors and nurses hindi sila ginagalaw ng kung anomang iyon but I'm worried about you" sabi pa ng dalaga

Dahil dito ay unti- unting naglalapit ang kanilang mukha ngunit maririnig nila ang katok mula sa pintuan. Agad tatayo ang dalaga upang buksan ang pinto.

"Nurse Lorna, maglilinis lang po ng kwarto" magalang na sabi ng matandang janitor na si Mael.

Tumango ang dalaga at bumalik sa pag-aayos kuno ng mga gamot ng binata. Paglabas ng janitor ay agad na nagsalita si Lester.

"Nurse Lorna, I have something important to tell you" agad namang namula ang dalaga

"A-ano yun?" Mahinang sabi ng dalaga

"Every 3 am, I heard na parang may gustong bumukas ng pinto ko. I don't know kung sino kaya bago pa mag 3 ay nilolock ko na ito at nagtatalukbong ng kumot." Sabi ng binata

Napatingin ang dalaga

"Nurse Lorna, okay ka lang po ba?" Maagap na sabi ng binata ng makitang tila namumula ang dalaga, dahil dito ay mas namula pa ang dalaga.

Dahil dito ay agad na tumalikod ang dalaga at nagkunwaring iniayos ang mga gamot.

"I- I'm okay Lester, ano.. Regarding sa pinto, please continue whatever you are doing, okay? I want you to be safe" sabi ng dalaga at agad na lumabas

Napatawa na lamang ang binata sa inasta ng dalaga.

"Nurse Lorna, ang creepy talaga dito noh? This place, akala ko puro psychological and emotional unstable individuals lang mga tao dito. May serial killer pa pala! Nauubos patients natin! The good thing is that di nya ginagalaw ang staffs" daldal sa kanya ni Irish, isa sa mga co-nurses nya.

Nasa pantry kasi sila at kumakain na ng tanghalian.

"At anong good dun, Irish?" Taas kilay na tanong naman ni Ivy.

Napatawa na lamang si Lorna ng makitang nagtatalo na naman ang dalawa.

"What did I missed?" Nakaupo na palang sabi ni Eina na nasa tabi na ni Lorna.

Napasinghap naman ang huli.

"Ay grabe ka Nurse Eina! Kinabahan naman ako sayo, bigla-bigla ka na lang sumusulpot" nakahawak sa dibdib na sabi ni Lorna

Napatingin naman ang dalawa sa bagong dating

"We are talking about the recent killings, sabi ko ang creepy but good pa rin kasi di naman tayo ginagalaw" paliwanag ni Irish

"Oh tignan mo? Anong good sa may namamatay? Nako Irish!" Muling saad naman ni Ivy.

"Nakaka-stress na kaya! Last year, namatay si Aizel. Hindi kaya naghihiganti yun?" Tanong ni Irish

"And now, naniniwala ka naman sa multo? And of all people na aakusahan mo si Aizel pa, sa bait nung tao? Naglalaban nga sa pagiging Santa yun at itong si Lorna eh. Nakakamiss na nga sya eh" sabi ni Ivy at nalungkot sa huling sinabi. Pare-parehong nanahimik ang apat.

"Namimiss ko rin naman si Aizel e." Sabi naman ni Irish

"Pero alam nyo, hindi naman porket sobrang bait ay hindi na makakagawa ng masama. Iyong mga taong tahimik at mabait iyan ang nakakatakot dahil hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng mga iyan once na pasukan ng saltik"sabi naman ni Eina na syang nagpatigil sa tatlo nya pang kasama.

"Hu--- well, maybe you are right Eina! But people are innate to be good. Tsaka, I believe that once you welcomed a positive principle sa system mo. You will always have it. Life is a choice. You can choose if you want things to over power you or you will over power things. It should always be mind over matter" sabi naman ni Lorna.

Nag-usap pa ang apat hanggang sa time na para bumalik sa trabaho.

2 days ang lumipas,

"Nurse Lorna, bakit parang di ko na nakikita si Mang Mael dito?"tanong ni Vice sa dalaga

Malungkot na ngiti ang ginawad ng dalaga dito

" Wala na sya, Lester. Nadulas sya habang naglilinis ng mga salamin. Nalaglag sya from third floor. Nabali ang mga buto nya at nabasag ang bungo, mahina na rin kasi ang katawan nya because of aging" malungkot na salaysay ng dalaga.

"Nakakalungkot lang na ang daming namamatay sa hospital na to. We should be trying to cure our patients and help them to live and not die." Sabi pa ng dalaga na syang dahilan upang hawakan ng binata ang kamay nya

"Everything will be alright! I promised, walang makakasakit sayo." Sabi ng binata at nilapit ang mukha.

Maglalapat na sana ang mga labi ng dalawa ng pumasok si Irish at Ivy. Biglang naglayo sina Lester at Lorna.

"Ahh ehhh, tuloy nyo yan" sabi ng dalawang nurse at mabilis na sinara ang pinto

"Ahmmn, Lestet alis na rin ako" sabi ng namumulang dalaga at agad na umalis.

Lumipas ang mga araw at tila naging normal na lang na may namamatay na pasyente ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuang wala na ring buhay ang co-nurses ni Lorna na sina Irish at Ivy. Parehong may saksak sa dibdib ang dalawa. Tinitignang anggulo na maaaring nagpatayan ang dalawa na hindi naman sinang-ayunan nina Lorna at Eina.

Maaring nagkakakaaway ang dalawa ngunit alam nilang nagtuturingan itong magkapatid kaya't impossible ang sinasabi ng mga pulis.

Matapos ng insidenteng iyon ay naging mas maingat sila. Naniniwala silang naging mas malupit pa ang serial killer dahil pati ang admin ay nagagawa na nyang patayin.

"Maliliit na gagamba, umakyat sa sanga. Dumating ang ulan at pinatay sila, sumikat ang araw wala ng hininga"

"Goodbye nurse Eina" isang saksak sa dibdib ang pumawi sa buhay ng dalaga.

"I-iiikaw" at nalagutan ng hininga.

"Maliliit na gagamba, mawawala na sila. Darating ang araw at tuyo na ang dugo nya"

"What the hell?"

"Oh yes, hell" nakangingilabot na tawa

"You did this?"

"Oh yes, I did! Did I scare you, hunny?" Mas lumalakas tapos hihinang tawa.

Napayuko

Lalapitan sya

"No, Lester! You didn't scare me, hunny" sabi ng dalaga sa malambing na tinig. Umamo na rin ang mukha ni Lester.

Lumapit ang binata sa dalaga at niyakap ito

"I did this for us, Lorna! Mga daot sila sa pagmamahalan natin. Ikaw at ako. Tayo ang mahalaga. Mahal ki-ta" nagulat ang binata at sumuka ng dugo.

"Oh, I love you too lester. Thanks for cleaning the stuffs I've done. Kaya pala namatay si Mang Mael, Irish, Ivy at ngayon si Eina. I'm proud of you, baby. But you too,deserve to die" at nilaliman pa ang saksak sa binata.

Continue Reading

You'll Also Like

74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
3.1K 99 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
1.2M 24K 56
just for fun