Dedication ❤

By ViRDeL

1.6K 63 42

|| One Shot Story || "Haaay. Malakas talaga ang feeling ko na tayo ang magkakatuluyan sa huli." ~Raven || More

ViRDeL's Note: Must read!

Dedication: One Shot Story

381 43 42
By ViRDeL

Dedicated to President_Kangkong. Sana magustuhan mo. =) 

________________


"Hoy! Sandali lang!"

Naglalakad ako ngayon pauwi, dala ang lahat ng gamit ko sa school. Ito na ata ang hu--- Putek? Ang sakit ng ulo ko, may bumato sakin ng kung ano. Woooh! Tae.

"Grabe! Sabi ko sayo kanina SANDALI LANG, ba't hindi mo 'ko hinintay? Tinamaan ka tuloy," Si Raven pala. Binato niya 'ko sa ulo . . . ng sapatos niya. 4th year highschool na din si Raven, kaso magkaiba kami ng section. Ngayon lang kami nagpansinan. Ano kayang kailangan niya? 

 "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Woah! Kinausap mo ko? Ang cool ng boses mo. Haha!" 

Kailangan ko nang umuwi.

"Aish! Wait nga lang," Hinarangan niya 'ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Bakit ang dami mong dala? Ibebenta mo ba ang mga 'yan?" Ang daldal niya. Tsk. "Magsalita ka naman! Alam mo, napapansin kita sa school kahit lagi kang seryoso atsaka tahimik. Nakita na din kita minsan na lumiliban sa klase," Kinakausap niya 'ko sa gitna ng daan. Ayos. "Tara nga sa park!" Sinuot niya muna ang sapatos niya atsaka siya tumakbo.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko siya dito sa park kahit sobrang nabibigatan na 'ko sa mga gamit na dala ko. Umaakyat siya ngayon sa isang puno, ano nga bang gagawin ko dito?! "Aidan! Ibaba mo muna 'yang mga paninda mo sa damuhan," Sinunod ko naman siya. Teka, pa'no niya nalaman ang pangalan ko? "Umakyat ka na dito! 'Wag mong sabihing hindi mo kaya?" Napakamot nalang ako sa ulo; inakyat ko ang puno kung nasaan siya. Nang makarating ako sa kanya, sobrang lapit namin sa isa't isa . . . haaay . . . ang ganda niya pala . . .

"Oh? Nagagandahan ka sa'kin noh? Ayiiie! Hahaha! Nga pala, dahil nagawa mong makaakyat dito sa puno, simula ngayon ay magbestfriends na tayo. Anong masasabi mo?" Napangiti lang ako sa sinabi niya, kakaiba talaga siya. Taena ano bang nangyayari? "A-ang pangit mo! Paunahan makababa!" Pangit? 'Wag kayong maniwala sa kanya, gwapo ako. Haha.

Nakahiga na kami ngayon sa damuhan. Time check, 4:17 pm. "Haaay. Ang tahimik mo naman," Nagtanning-position siya. "Naririnig ko minsang naguusap ang mga kaklase kong babae tungkol sayo. Masungit ka daw, bakla ka ba?"

"Hindi." Sagot ko sa walang kwenta niyang tanong.

"Weh? Ayos lang sa'kin kahit bakla ka, ta---" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil ninakawan ko siya ng halik . . . sa pisngi, tsk. "Eeeew! Kadiri ka!" 

"Nagustuhan mo naman? Hahahahaha---" Binatukan niya 'ko. Galing.

"Haaay. Malakas talaga ang feeling ko na tayo ang magkakatuluyan sa huli."

"A-ano?"

"Crush na kita! Hmmm . . . gusto kita." Pagkatapos ay binatukan nanaman niya 'ko. "Yiiie! Kilig ka naman? Hahahaha!"

***

Nagkikita kami ni Raven tuwing uwian na namin sa school, pumupunta kami sa tambayan (park) ng nakaschool uniform. Minsan, ako ang nauuna o kaya naman siya, minsan din ay sabay kaming pumupunta. Katulad ngayon, sabay kaming pupunta sa tambayan. 

"Raven! Raven! Wait lang!" May tumatawag kay Raven kaya napahinto kami sa paglalakad. Sino naman kaya ang mokong na 'yon? May hawak pang mga flowers at chocolates. "Raven! Will you be my girlfriend? I-I-I love you."

"Ayyiiiiiieee!"

Madaming kinilig at lumapit na estudyante dahil sa ginawa ng mokong, lahat sila ay hinihintay ang magiging sagot ni Raven. Nakatitig lang ako ngayon kay Raven. Medyo kinakabahan sa magiging sagot niya. 

"I love you? Haha! Kabag lang 'yan, ikain mo nalang, mawawala din 'yan. Sige, may pupuntahan pa kami ng bestfriend ko. Bye! Sorry." Pagkatapos sabihin 'yan ni Raven sa mokong na lalake, hinagis niya sa'kin ang bag niya para ako ang magdala, lagi naman. Nagpatuloy na kami sa paglalakad . . . naisip ko tuloy, paano 'pag ako ang nag "I love you" sa kanya? Ganon din ba ang isasagot niya? Tss. "Anong ningingiti mo diyan? 'Wag ka ngang ngumiti! Ang pangit mo." Nakatingin pala siya sa'kin.

"Pangit? Ang gwapo ko kaya." Sabay inakbayan ko siya pero agad niya itong tinanggal at binatukan ako. Sakit.

"Alam mo ikaw, habang tumatagal umiingay ka na. Pero ayos lang, hindi ka na boring kasama kaya naman . . . paunahan sa tambayan!"Agad siyang tumakbo ng mabilis. 

"Ang daya mo, Raven! Dala ko bag mo!" Wala akong nagawa kundi ang tumakbo para maunahan siya. Haha. Napaka swerte ko dahil nakilala ko siya, bumabalik ang dating ako. 

*** 

Dear Charot, (De, joke lang!)

Dear Aidan <Tuk>,

HAPPY BIRTHDAY, Tuk! Crush pa din kita! Honest 'to, promiiise! Hahaha, sana maging masaya ka ngayong kaarawan mo. ^^ God Bless! :"> HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY! :D

Your magandang bestfriend,

Raven <Mol> 

Birthday ko ngayon, niregaluhan niya 'ko ng gitara na may kasamang liham. At yeah, may tawagan kami, ako si Tuk at siya naman si Mol, 'pag pinagsama . . . Tukmol. Siya ang nakaisip niyan. Hahahahahahaha! "Happy birthday, Tuk!" Atsaka niyakap niya 'ko ng mahigpit. Nasa tambayan kami ngayon. 

"S-salamat, Mol." Niyakap ko din siya. Fact. Ang swerte ko talaga. 

***

Kakatapos lang ng Graduation namin, nasa isang classroom kami ngayon dahil naiinitan si Raven, nakiki-aircon. "Mol," Pambasag ko sa katahimikan.

"Hmm?"

"Naaalala mo pa ba 'yung binato mo dati ako ng sapatos?"

"Uhhh . . . Oo naman! May mga dala ka pang paninda mo. Hahahaha,"

"Hindi 'yon mga paninda, gamit ko ang lahat ng 'yon sa school. Para wala ng maging problema, iuuwi ko na ang mga gamit ko,"

"Eeeh? Hindi kita maintindihan,"

"Nagtago ako ng ilang sleeping pills; uuwi na sana ako para mag commit ng suicide. Pero nang binato mo 'ko ng sapatos, natauhan ako. Pagkatapos nating mag saya nung araw na 'yon, narealized ko na 'pag pinatay ko ang sarili ko, hindi ko mararanasan ang masasayang sandaling iyon pati na rin ang iba pang mga sandali na maaaring sumunod. You saved my life, niligtas mo 'ko. Salamat, maraming salamat. Thank you . . . and I love you."

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"A-Aidan! Hindi ako makahinga!" Kaya naman tinanggal ko agad ang pagkakayakap ko sa kanya. 

"Sorry . . . Oh? Bakit ka umiiyak?" Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko.

"Nakakaiyak, hindi ko kasi narinig 'yung last na sinabi mo. Pakiulit nga!"

"I love you. I love you I love you I love you. Mahal na mahal kita, Raven."

                                               

                                                           ~WAKAS~

_________________

VOTE & COMMENT =D

 COMMENTS & REVIEWS (6)


*President_Kangkong: Halaaaa! Nakakahiya! Story natin 'yan, Tuk! Hahahaha! XD

*VicePresident_Kangkong: Hayaan mo na, wala namang nakakakilala sa'tin dito. Haha! Nagustuhan mo ba? =)

*President_Kangkong: Siyempre! Salamat! Teka nga lang, hindi mo sinama diyan kung pa'no mo 'ko niligawan at kung pa'no kita pinahirapan! Haha! :P

*VicePresident_Kangkong: GIRLFRIEND KO NA SI RAVEN! WOOOH! -Aidan

*President_Kangkong: Babatukan talaga kita! Hahaha! 

*ViRDeL: @VicePresident_Kangkong Paepal lang po. Mehehehe. Waaaaaah! Nakakakilig po kayo. Amazing! *O*  Ang cute niyo po ni Ate Raven! Ayiiiie! <3 God Bless po sa inyong dalawa!

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 153K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
2M 32.4K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
80.2K 2.4K 62
This story was all about the obsession of Miss Amora Ellie Jimenez to the girl she have taken.
64.7K 3.3K 25
Porcia Era Hart x Chrisen