THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHÀR
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

14: MADRASTA

232 10 18
By amer0127


DEPIR

Patakbong tinungo ng isang lalaki ang pinakamalaking bahay sa baryo na kaniyang tinitirahan. Pagpasok sa nasabing bahay ay agad nitong pinuntahan ang isang silid.

"Pinunong Exiquia, pinunong Exiquia!" halos masira nang lalaki ang pinto ng buksan ito. Naabutan niya ang nasabing pinuno na nakikipagpulong sa tatlong katao. Hindi sila mga mukhang kawal subalit mababatid sa kanilang kaanyuan ang husay sa pakikidigma. Ang isang lalaki na pingas ang kanang tainga ay may bitbit na malaking maso na gawa sa matibay na metal. Ang ikalawa na puno ng marka ang mukha ay nakasukbit sa likuran ang palakol na may magkabilaang talim at ang ikatlo na may pinakamaayos na kasuotan ay walang kahit anong bitbit.

Napalingon ang lahat sa lalaking biglang pumasok sa silid at dahil doon ay nahinto ang pinag-uusapan ng apat.

"Anong problema, Matias? Bakit humahangos ka?" malumanay na tugon ng may katangkarang babae na nanatiling naka-upo.

Siya si Exiquia, pinuno ng isang samahan ng mga mandirigma sa probinsiya ng Gyban na nasa dulo ng timog-kanluran ng Depir. Nasa edad tatlumpo. Balingkinitan, kayumanggi ang balat at hindi maitatanggi ang angking ganda. Anak siya ng kapatid ni haring Claude na dati namang hari ng Depir.

"Huminahon ka muna bago magsalita." Pina-upo nito ang lalaki para mapawi ang hingal.

Ilang minuto matapos makahugot ng hininga ay nagsalitang muli si Matias. "Ayon sa ulat ng ating espiya ay may mga pumasok na blackamoorluna sa mismong palasyo ng hari."

Namilog ang mata ng apat sa kanilang narinig.

"Sigurado ba ang espiya?" Napatayo ang pinuno nang tumango si Matias.

"Binibining Exiquia, mukhang nakikipagsabwatan ang hari sa mga blackamoorluna," mahinahong sabi ni Huan(Yuhan), pinakamaayos na itsura sa tatlong mandirigmang kapulong ng babae.

"Ito na marahil ang oras, Binibini," suhestyon ni Teo, ang lalaking may pingas na tainga.

"Panahon na upang ibalik ang nararapat sa inyo," matikas namang sambit ni Tiago, na ginoong puno ng marka ang mukha.

Pagtango ng babae ay nagbigkas ito ng utos kay Matias na tipunin ang lahat ng mandirigma upang maghanda sa isang malawakang pagsalakay.



---

Noong gabing iyon ay isinama ni Adalric si Ferdo sa isang sikretong silid na nasa kailaliman ng kastilyo ng hari.

Selyado ng salamangka ang kwarto kaya bago makapasok ay gumamit muna ng zirculo ang protektor.

Walang kahit anong laman ang loob ng nasabing silid maliban sa labimbakas na nasa sentro mismo ng bilugang silid. May mga sulong nakapa-ikot sa pader upang magsilbing liwanag.

Agad nilapitan ni Ferdo ang kusilba upang suriin. Inikot niya ang kabuuan nito at saka humimas sa ulong walang buhok.

"Hindi ako nagkakamali protektor," saka ito lumingon kay Adalric na nakatayo lang malapit sa kaniya at nagmamasid. "Base sa hugis, kulay at mga sinaunang sulatin ay isa itong selyadong kabaong."

"Selyadong kabaong?" tanong ng matanda. "Kabaong nino?"

"Ni Lilith," diretsong tugon ng binata na ikinagulat ng kausap.

"L-lilith? Ang madrasta ng itim na rosas," naalala ni Adalric ang pagpupulong ng realyansa. Dahil din doon ay nanumbalik ang ala-ala ng usapan nila ni haring Claude.

Nais kasi ng ginoo na ipadala sa Saphiro ang kusilba upang mapag-aralan ng mga eksperto subalit ayaw ng sakim na haring Depirian. Iniisip ng huli na ang labimbakas ay isa sa mga yaman ng kanilang lahi.

Nagising na lang sa kamalayan ang protektor ng may kumatok ng malakas mula sa labas.

"Protektor Adalric, sinasalakay ng blackamoorluna ang palasyo!" sigaw ng deperiang kawal mula sa labas ng silid.

Nang marinig iyon ay madaliang tinungo ng ginoo ang pintuan upang lumabas. "Sumama ka sa'kin, hindi ka maaaring-" natigilan siya ng makita si Ferdo na marahang nagpapalit ng anyo.

Mula sa maamong mukha ng isang binata ay naging isang mabagsik na ginoo ang kaniyang kaharap.

"Sino ka?"

Ngumiti ang lalaki. "Ako si Josef Demambro."

"Demambro?"

"Nagulat ba kita?" Humakbang ang matangkad na lalaki palapit kay Adalric subalit huminto kaagad ito. "Tama ang iyong hinala protektor, ako ang anak ni Oldnick at naparito ako upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan."

"Sa palagay mo ba ay hahayaan kita," matikas na tugon ng matanda. "Rodria!"

Nang makita ni Josef ang tungkod ay napahalakhak ito. "Marahil sa mga oras na ito ay dumadanak na ang dugo sa buong palasyo-pero nasaan ang protektor na magtatanggol?"

"Mabilis kitang pababagsakin at pagkatapos mong mapulbos ay isusunod ko ang buong blackamoorluna, wala akong ititira na kahit isa!" kita sa mata ni Adalric ang galit.

Hindi nagdalawang-isip ang matandang protektor. Mabilis nitong sinalakay si Josef gamit ang kapangyarihan. Mula sa rodriang hawak, nang lumitaw ang puting zirculo ay lumabas mula roon ang matatalim at pahabang bato na siyang bumulusok sa kalaban. Subalit bago pa tumama iyon ay nagbagong anyo si Josef bilang katauhan ng hari ng Depir. Nagulat naman ang protektor kaya napatigil ito sa pag-atake.

"Akala ko ay magagawan mong saktan ang hari ng Depir," sabay halakhak.

"Tampalasan!"

Humakbang si Josef palapit sa kusilba at dahan-dahan itong hinimas. Pagkatapos ay napangiti ito habang nakatanaw kay Adalric.

"Lahat ay naayon sa plano," ani'to sa anyo ng hari ng Depir. Muli itong lumakad at marahang nagpalit anyo bilang si Anton Manson. Nagulantang naman ang matanda sa nasaksihan.

"Hindi kayo magtatagumpay!"

Pagkatapos ng mga katagaang iyon ay mabilis na ipinalo ng matanda ang hawak na rodria sa sahig. Kasunod noon ay ang paglitaw ng malaking puting zirculo

"Īspotēre-Eldoub!"

Biglang naging asul ang zirculo at mula roon ay mabilis na bumulusok paitaas ang naglalakihang talim na gawa sa makapal na yelo. Animo'y may buhay ang yelong talim na tumungo kay Josef. Napatalon ang kalaban at magkakasunod na iniwasan ang mga pag-atake. Nang madikit ang huli sa pader ay mabilis na ipinaabante ni Adalric ang yelong salamangka. Kapul ang kalaban na nagyelo ang buong katawan habang nakasandal sa pader. Nabalot ng yelo at hamog ang paligid dahil sa kaganapang iyon.

Napangisi ang matanda at mabagal na nilapitan ang nagyelong kalaban. Subalit bago pa makalapit ng tuluyan ay napakislot na siya ng may tumamang kung ano sa kanang tagiliran niya.

"Paanong?"

Tumagas ang dugo mula sa kanang tagiliran at sa isang iglap, mula sa likuran ay nabanaag ni Adalric si Josef na nakangisi habang nakasaksak sa kaniyang tagiliran ang isang mahabang patalim.

Inilapit ng lalaki ang mukha sa tainga ng matandang protektor saka ngumiti at bumulong. "Mahikang teleportasyon," mas idiniin pa nito ang pagsaksak na dahilan ng pagtagas ng mas maraming dugo.

Malakas na hinawi ni Adalric ang kalabang nakaunday nang saksak kaya napaatras ang huli. Mabilis siyang humarap kay Josef habang nakahawak sa tagilirang napinsala. Humanda rin ang ginoo sa pagdipensa. Mas naging alerto ang protektor sapagkat hindi maganda ang lagay niya sa mga oras na iyon.

"Akala mo siguro ay mabilis mo akong mapababagsak?" Dinilaan nito ang patalim na nabahiran ng dugo. "Hindi ako kagaya ng aking ama sapagkat mas higit akong pinagpala sa kaniya."

Hindi umimik si Adalric. Matalim lang nitong tinitigan ang kalaban kahit na singkit mata.

Nginisian naman siya ng huli. "Akala ko ba at mabilis mo akong tatapusin?" napahalakhak ito at ilang segundo ay bigla rin sumeryoso. "Katapusan mo na!"



-----

Nabulabog ang mahimbing na pagtulog ni haring Claude ng gisingin siya ni Mardir, ang personal niyang mandirigma.

"Ano ba iyon Mardir? Hindi mo ba nakikita na nahihimbing ako ng tulog," nakakunot-noo nitong sabi na magulo pa ang buhok at hindi maipinta ang itsura.

"Mahal na hari, sinasalakay ng blackamoorluna ang buong palasyo, kailangan niyo ng tumakas!"

Hindi kumbinsido ang hari habang nakatitig ng masama sa kawal. Kita pa rin ang antok sa mata nito dahil sa pag-inom ng alak. "Nasaan si Adalric?"

"Wala pang nakakakita sa kaniya, mahal na hari-madali po kayo dahil paakyat na rito ang mga kalaban. Habang pinipigilan pa sila ng mga kawal ay sasamahan kayo ng aking grupo sa upang makatakas."

Walang nagawa ang hari. Labag man sa loob ay kailangang lisanin ang kastilyo para mabuhay. Mabilis na nagbihis ang hari at sumunod kay Mardir kasama ng ibang kawal.

Habang tumatakas ay may mga iilang kalaban ang sumasalubong subalit nasusupil naman agad ng mga kawal. Sa kaiiwas ng grupo sa mga blackamoorluna na naglipana sa palasyo ay nalihis sila ng landas patungo sa sikretong lagusan palabas ng lugar na iyon. Walang pagpipilian si Mardir kun'di suungin ang mapanganib na daan.

Mahigit ilang minuto rin ang lumipas ng marating nila ang silid na pinaglalagakan ng trono ng hari. Doon sila nagtungo sapagkat naroon ang lagusan palabas ng kastilyo.

Mapalad sila ng mga sandaling iyon sapagkat wala ang mga kalaban. Kaya sa pangunguna ni Mardir ay mabilis silang tumakbo patungo sa malaking pintuan ng masalubong nila si Adalric.

"Mahal na hari," malumanay nitong sabi habang patakbong lumalapit sa kanilang kinaroroonan. "Sumunod kayo sa akin, dito ang ligtas na daan."

"Saan ka ba nanggaling? Sinasalakay na ang palasyo!" galit na sabi ng hari habang palapit kay Adalric.

Nagkaroon nang pagdududa si Mardir ng makita ang protektor na nakangisi. Parang may binabadya ang mga ngiting iyon. "Mahal na hari, 'wag!"

Bago pa makasaklolo ang kawal ay nasaksak na ang hari. Tumagos ang mahabang patalim sa likuran nito at unti-unting tumagas ang dugo sa dibdib, likuran at bibig. Kasunod noon ay ang pagbabagong anyo ng may hawak ng patalim na mula sa pagiging Adalric na naging si Josef.

"Paalam hari ng Depir," Pagkahugot ng patalim ay biglang hiniwa ni Josef ang ulo ng hari. Gumulong ito sa sahig hanggang makarating sa paanan ni Mardir na natitigilan sa mga nangyari.

Nagtakbuhan ang mga kawal palayo matapos iyong masaksihan kaya lamang ay nagsulputan ang napakaraming blackamoorluna at magkakasunod silang tinapos.

Si Mardir ay agad binunot ang espada at isinaksak sa sarili. Mas pinili na nitong mamatay sa sariling kamay kaysa sa kamay ng kalaban.

Matapos ang tagpong iyon ay mabagal na tinungo ni Josef ang trono ng hari. Umupo siya roon at minasdan ang mga nakahandusay na katawan ng mga deperian habang walang humpay sa paghalakhak. Ang mga blackamoorluna naman ay nagsiyukod ng makaupo sa trono ang kanilang pinuno.

Natigil lang ang lider ng blackamoorluna sa pagtawa nang mula sa lagusang nasa harap ng trono, ilang metro ang layo ay pumasok ang isang babae.

Itim ang kasuotan nito na aabot hanggang sa ilalim ng tuhod. Malamlam ang bilugang mata na mukhang inosente kung pagmamasdan. Mahahaba ang mga pilikmata, pino ang hindi kakapalang kilay, mapula ang pisngi at labi, matangos ang ilong, may pagkaputla ang balat subalit makinis. Nasa tatlong talampakan ang tangkad, hindi kahabaan ang sobrang itim na buhok na hindi lalagpas sa leeg. May nakak'wintas na makapal na kadena sa leeg, mga kamay, mga paa at mayroon itong yakap na manyikang kawangis ng sa sarili.

Minasdan siya ng taimtim ni Josef at gumanti naman ng tingin ang batang babae habang lumalapit sa trono. Tila hindi napapansin ng inosenteng bata ang mga patay na katawan sa paligid. Nasipa pa nito ang ulo ni haring Claude habang naglalakad.

Nang ilang talampakan na lamang ang layo ng dalawa sa isa't-isa ay bigla silang humalakhak ng napakalakas.

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo si Josef at matalim na minasdam ang batang babae na kasalukuyan namang nakangiti.

"Maligayang pagbabalik Madrasta ng itim na rosas," Inilahad ni Josef ang kamay sa kaharap na tinanggap naman ng tinatawag niyang madrasta. Hinalikan niya ang kamay ng babae bago muling tumingin dito. "Muli ka nang nakalaya Madrasta Lilith."

"Bibigyan kita ng gantimpala sa pagpapalaya sa akin. Sabihin mo lang kung ano at kung kailan mo kailangan," wika ni Lilith sa tono ng isang batang babae.

"Ikinalulugod kong makatanggap ng gantimpala mula sa madrasta ng kadiliman. Kumusta ang handog ko sa iyo?"

"Medyo makunat na pero nabusog ako, malinamnam at malusog ang katawan ng matandang iyon," Napakagat labi ang madrasta.

"Malusog talaga ang katawan ng isang protektor. Salamat at nagustuhan mo."

Muling nagtawanan ang dalawa at naudlot lang iyon ng dumaing ang isa pang panauhin.

"Maligayang pagdating Anton," bati ni Josef ng masipat ang lalaking may asul na buhok na pumasok sa entrada ng silid.

Yumukod si Anton ng makita si Lilith. Kahit ito ang unanh beses niyang makita ang babae ay alam ng Manson na ito ay kabilang sa kanila. "Maligayang pagbalik Madrasta ng kadiliman,"

"Salamat tapat na alagad mula sa angkan ng Jinn. Ngayon ay oras na upang gawin ang ninanais ni Ysbbah."

Isang nakakatakot na ngiti ang pinakawalan ng batang babae. Ngiting nagbabadya ng matinding kaguluhan.

Walang kamalayan ang buong mamamayan ng Depir na nasa ilalim na sila ng pamumuno ng kasamaan. Nabalot ng dugo ang buong kastilyo ng gabing iyon ng walang nakakaalam. Ano kaya ang kahihitnan nito?

"Nagtagumpay tayo!"

Umalingawngaw sa buong kastilyo ang sigaw ng tagumpay ng kadiliman.


~~~~~

Īspotēre : A combined words. "Īs" is the old english of "ice" while "potēre" is from Vulgar latin means "Power". Īspotēre means "Ice power"

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 1.1K 28
May anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang...
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
1.3M 31.7K 86
Missaki Sakura Omoyama-Cross. A girl with a doll-like features on the outside but a ripper in inside. A Game. A contest that has a certain rules to d...