THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHĂ€R
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

9: LABIMBAKAS

262 16 28
By amer0127


DEPIR

Nagtipon ang grupo ng sikat na arkeologo sa hindi kalakihang opisina nila sa Bayan ng Pryde.

Lalawigan ng Ego ang kapital ng Depir. Ito rin ang pinakamalaking bahagi ng buong realm. Ang nasabing lugar ay nahahati sa anim na bayan. Ang Selps na sentro ng lalawigan, kung saan nakalagak ang kastilyo ng hari't protektor, ang Superbia na nasa kanluran, ang Pryde na nasa silangan, ang Prawd na nasa timog-silangan at pinakamaliit na bayan sa lalawigan, ang Wanselps na nasa hilaga at ang Pikk na nasa timog.

"Paumanhin kung nahuli ako ng dating," malumanay na saad ni ginoong Dakus, na siyang namumuno sa SAD (Samahan ng Arkeplogong Deperian). naabutan ng lalaki ang kasamahan na nakapwesto kung saan sila madalas magpulong.

"Nauunawaan naman namin ginoong Dakus," masayang tugon ng pinakabatang myembro na si Emyll. "Ikaw naman kasi ang pinakamalayong lugar sa ating anim."

"Bakit hindi ka pa kasi lumipat dito sa Ego, maraming bayan dito at 'di hamak na maganda kumpara sa probinsya ng Boast," suhestyon ni Brenda. Medyo may edad na ang ginang subalit litaw pa rin ang angking ganda nito.

Ngumiti lang si Dakus saka umupo sa harap ng mga kausap.

"Matagal ko ng sinasabihan itong si Dakus, pero ayaw talaga iwan ang lupang sinilangan e," anas naman ni ginoong Brekon na asawa ni Brenda. May pagtapik pa ito sa balikat ng kaibigan.

"Ganoon nga siguro," sagot ng ginoo bago ayusin ang salamin sa mata.

"Maiba tayo, ano na nga ba ang pag-uusapan natin?" singit ni Aristotle na lumabas galing sa isa pang silid tangan ang napakaraming talaan, mapa, mga panulat, panukat at iba pang gamit pang arkeolohiya. "Baka may gustong tumulong,"

Dali-daling lumapit si Emyll para tulungan ang lalaki.

"Naihanda ko na pala ang kakailanganin natin sa ekspedisyon," sambit naman ng dalagang si Castel na may hawak namang listahan.

Nang makaupo at maiayos na ni Aristotle ang mga dalang gamit ay nagbukas na ng talakayan ang kanilang lider.

"Nakatanggap ako ng liham mula sa pamilya ng Manson," Inilabas ng ginoo ang liham at binasa ito sa mga kasama.

Liham para sa Samahan ng Arkeologong Depirian.

Ako si Anton na mula sa pamilya ng Manson ay humihingi ng inyong tulong para sa eksklusibong ekspedisyon. Babayaran kayo ng Manson sa halagang nais niyo kung makikiisa kayo sa aking gagawin. Anumang oras ay bukas ang aking Mansyon upang makipagpulong sa inyo para sa iba pang detalye.

-Anton Manson.

Matapos marinig ang sulat ay napagdesisyunan ng grupo na pansamantalang itigil ang gagawing ekspedisyon, sa halip ay tanggapin na lamang muna ang alok ng sumulat sa kanila.

Kinabukasan ay tinungo ng anim ang Mansyon ng Manson na nasa Probinsiya ng Boast.

Inihatid sila ng isang tigapagsilbi sa may kapilya na nasa likod na bahagi ng napakaling mansyon. Doon ay kinatagpo at nakausap ng grupo si Anton.

"Ikinalulugod ko at tinanggap n'yo ang aking alok," wika ni Anton pagharap sa mga panauhin. Inanyayahan ng ginoong may asul na buhok ang mga bisita na umupo saka isa-isa itong hinatagan ng mamahaling alak.

"Ano po ba ang ipagagawa niyo sa'min?" bungad-tanong ni ginoong Dakus.

Lumagok ng alak si Anton pagkatapos ay hinawi nito pataas ang buhok, sunod ay tinanggal ang salamin kaya mas naulingan ang pa-ekis na peklat na nasa bahagi ng kanang mata. "Matagal na panahon na ang nakalilipas, ayon sa Manson Ylziemnt na ipinasa sa'king lolo at ama ay mayroong tagong yaman ang aming pamilya na ibinaon sa probinsyang ito."

Napatingin ang anim sa lalaking nagsasalita na nagpapabalik-balik naman ng lakad sa palibot nila.

"May nakakaalam ba sa inyo ng tungkol sa kasaysayan ng pamilya Manson?"

"Wala pa sa amin ang nakabasa ng tungkol sa manson sa aklat ng kasaysayan," ani Dakus.

"Subalit ayon sa ilang ulat na aking narinig, ang Manson ay dating naninirahan sa Serihch," hindi siguradong sabi ni Castel.

Napangiti si Anton saka itinuro ang dalaga. "At sa palagay niyo bakit napunta ang Manson sa Depir?"

"Dahil sa tagong kayamanan ng inyong pamilya!" pabulalas na bigkas ni Emyll na akala mo ay sumasagot sa isang pagsusulit.

"Hmm.. magaling bata," bumalik sa kinauupuan ang ginoo at saka matalim na tumitig sa anim. "Ayon sa aming ninuno, dahil sa matinding hidwaan ng mahaharlikang pamilya ng Serihch ay sinamsam ng haring Serihchian ang yaman ng aming pamilya kaya nagdesisyon ang aming ninuno na ilibing sa probinsyang ito ang aming yaman,"

Muling lumagok si Anton ng alak bago muling nagbigay pahayag.

"Hindi ako sigurado subalit ayon sa aking yumaong ama, ang yaman na meron noon ang aming angkan ay may kakayahan na magpatakbo ng isang kaharian."

Nang marinig iyon ng mga arkeologo ay labis silang namangha. Hindi naman na kasi lingid sa mundo kung gaano kaimpluwensya ang pamilya ng Manson.

"Nakatala ba ang lahat ng ito sa kasaysayan?" tanong ni Dakus.

Umilìng si Anton. "Mapalad kayo kung matutunton niyo ang nasabing yaman na nakatago sa isang labimbakas. Kayo ay maitatala sa aklat ng kasaysayan."

Labis na ikinatuwa ng anim ng marinig ang sinabi ng ginoong may asul na buhok.

Ilang araw matapos ang usapan ay agad na nagsagawa ng masusing plano ang grupo.

Matapos maselyuhan ng tatak-singsing ng hari ang permisong ipinasa nila ay nagsimula na ang anim sa paghahanap ng nasabing kusilba.

Makalipas ang isang linggo...

Dalawang linggo...

Tatlong Linggo...

Isang buwan...

Dalawang Buwan...

Natagpuan nila ang isang Kusilba.





-----

Sa kasalukuyan ay kumalat sa buong depir ang balita tungkol sa pagkamatay ng ilang myembro ng sikat na arkeologo ng nasabing realm.

Humingi ng pahintulot si Adalric sa kaniyang hari na imbestigahan ang mga pangyayari. Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng protektor sa nalalabi pang myembro ng arkeologo upang matanong ang totoong nangyari.

Samatala, gabi sa isang liblib na lugar.

"Malakas ang kutob ko na si Anton ang nagpapatugis sa atin," pinagpapawisang sambit ni Emyll habang sumisilip sa maliit na bintana.

"Dahil ba 'yon sa hindi natin ibinigay sa kaniya ang gusto niya?" kabado na rin si Castel.

Nagtatago na ang dalawang arkeologo magmula ng mabalitaan ang biglaang pagkamatay ng apat nilang kasamahan. Nangyari ang lahat ng iyon matapos ihandog sa hari ang labimbakas na natunton nila.

"Bakit ipapatay ni ginoong Anton ang mga kasamahan natin ng dahil lamang sa ginawa nila. Hindi ko akalaing napakasama pala ng taong iyon," napaupo ang babae habang panay ang pag-inom ng tubig.

"Hindi lang ito tungkol sa labimbakas, sa pagkakatanda ko ay mayroong nais sabihin sa akin si Aristotle noong gabing nawala siya bago kami magkita,"

"Tungkol naman saan?"

Nagsimulang magkwento si Emyll "Narinig ko sila na nagtatalo ni Ginoong Dakus tungkol sa nasaksihan ni Aristotle na nakikipagnegosasyon si Anton sa blackamoorluna. Sa palagay ko tungkol doon ang ibubunyag niya sa akin."

Nagulat si Castel sa narinig. "Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan?" Tumayo ang dalaga at madaling nagtungo sa silid nito at nagdala ng ilang mga kagamitan.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ng lalaking arkeologo.

"Kailangan nating magtungo sa palasyo ng hari upang ipaalam ang lahat at madakip ang Anton na iyon," desedidong tugon ng dalaga.

"Naiintindihan kita pero nasa panganib ngayon ang ating buhay, hindi tayo maaari—"

Hindi na natapos na Emyll ang sinasabi sapagkat bigla na lamang tumalsik ang pinto patungo sa kinaroroonan nila.

Apat na lalaking nakaitim ang pumasok mula sa nasirang lagusan

"Pinuno narito sila," Anas ng isa.

Marahang pumasok ang ginoong may asul na buhok at may ekis na pilat sa kanang bahagi ng mata.

"Kumusta?" ngumiti ito na may pagbabanta.

Tatakbo pa sana ang dalawa kaya lang ay nahawakan na sila ng apat na lalaking naka-itim.

Habang papalapit sa mga ito ay nagbabago ang anyo ni Anton. Mula sa asul na buhok, pa-ekis sa peklat sa kanang mata, matatalim na titig at ang tangkad, lahat ay nagbago. Naging seryoso at may kaunting kulobot ang mukha nito. Matalim pa rin ang mata at maangas ang tindig.

Mula sa kaanyuan ni Anton Manson ay naging si Josef Demambro ito.

"Ako nga pala ang pinuno ng blackamoorluna na si Josef Demambro, anak ng yumaong Oldnick Demambro," pagsabing iyon ay sinakal nito at iniangat si Emyll saka isinandal sa haligi ng silid na kinaroroonan nila.

"Babae, magsasalita ka at hindi na mahihirapan ang isang 'to," malumanay na panimula ni Josef.

"Binibining Castel, kahit anong mangyari wag kang magsasabi ng kahit ano tungkol sa kusilba!" singhal ng lalaking Arkeologo na pilit nilalabanan ng mga kamay ang pagkakasakal.

Nginitian ni Josef si Emyll kasunod ng mahigpit na pagdiin ng kamay nito sa leeg ng arkeologo. Halos lumawit ang dila't mata ng huli sa sobrang pagkakasakal.

"'Wag!" napa-iyak ang dalaga sa takot matapos iyong masaksihan. "Itigil mo 'yan para mo ng awa!" Nagpupumiglas pa ito sa pagkakatanikala subalit wala ring magawa ang dalaga.

"Hahayaan mo ba na mamatay ang isang 'to ng dahil sa'yo?" mahinahon pa rin ang tinig ni Josef na mas lalong idiniin ang pagkakasakal sa binatilyong arkeologo. Wala naman magawa ang huli, kahit anong pagkalas na gawin nito sa pagkakasakal sa leeg ay hindi umuubra. Sadyang malakas at mahigpit ang ginawa ni Josef.

"Bibilang ako hanggang tatlo at kapag hindi mo sinabi kung nasaan ang Labimbakas ay mamamatay ang taong 'to."

Pagluha lang ang itinugon ni Castel.

"Isa."

Nag-usap ng mata sa mata ang dalawang arkeologo. Ipinapahiwatig ng mga tingin ni Emyll na 'wag sasabihin ng dalaga kung nasaan ang labimbakas kahit ikamatay pa ito ng binata.

"Dalawa."

Napahagulhol na ang binibini habang kumawag-kawag.

"Tat—"

"Nasa kastilyo ng hari ang bagay na hinahanap n'yo!" Nanlaki ang mata ni Emyll ng aminin ni Castel ang totoo. "Tuparin mo ang 'yong pangako na pakakawalan kami."

Muling nagpakita ng makahulugang ngiti ang pinuno ng balackamoor ng marinig ang pag-amin ng dalaga. Pagkatapos ay buong lakas nitong idiniin ang pagkakasakal kay Emyll hanggang sa madurog ang leeg nito at lumawit ang dila.

Walang buhay na binitawan ni josef ang katawan ng binata na bumagsak sa sahig.

Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng arkeologo nang makitang wala ng buhay ang kaibigan.

"Tapusin ang isang 'yan," nakangiting wika ni Josef bago lisanin ng tuluyan ang lugar na iyon.

Lumipas ang ilan pang sandali ay natunton ni protektor Adalric ang munting bahay na iyon na nasusunog na kaya agad inilabas ng matanda ang kaniyang rodria at nagbigkas ng enkastansyon.

"Sunt Praecipio Viribus Elementaribus!"

Mula sa ibabaw ng nasusunog na bahay ay lumabas ang malaking zirculo na kulay puti. Mula roon ay bumulusok paibaba ang dambuhalang tubig na sumaklob sa buong bahay dahilan upang mawala ang apoy.

Matapos masiyasat ang nasunog na bahay ay natagpuan niya ang dalawang labi na hindi pa naman tuluyang nasunog. Durog ang leeg, lawit ang dila't mata ni Emyll habang si Castel naman ay nilaslas ang leeg.

Malungkot na lamang na minasdan ng matandang protektor ang mga kaawang-awang bangkay pagkatapos ay inaalayan niya ito ng dasal.

Pagbalik ng kastilyo ay iminungkahi ng protektor sa hari na magkaroon ng malaking pagsisiyasat sa buong kaharian. Dahil sa nangyari sa anim na arkeologo ay pumayag si haring Claude na agad naglabas ng utos sa buong Depir.



~~~

[Sunt Praecipio Viribus Elementaribus: A latin words which means, "I command elemental forces. An offensive spell. Use to command any elements(water, fire, wind, land or combined) to become a powerful force.]

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 315 21
[ COMPLETED ] Bago pa man siya ipanganak ay nakatakda na ang magiging papel niya sa mundo. She came from the lineage of BABAYLAN and was blessed by...
89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
9.7M 529K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
5.1M 126K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...