THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHĂ€R
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

7: SUPRAMISIA

286 18 34
By amer0127


AVAKSAR
(Merad Realm)

Sa muling pagkakataon ay nakita ni Ram ang lalaking may ginintuang buhok.

"Ikaw!"

Ngumiti lang ng matipid si Cazmir saka inilahad ang kamay sa binata upang makipagkamay na sinupladuhan lang ng huli.

"Ram, magbigay galang ka sa Baronprotektor," anas ni haring Valthazar.

Natigilan naman ang binata at napatingin kay Cazmir mula ulo hanggang paa.

"Baronprotektor?" sambit ng isip niyang may pagdududa. Kung hindi lang ang tiyo niya ang nagsabi, malamang ay hindi niya paniniwalaan ang bagay na iyon. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita ni Cazmir. Una binigyan sila nito ng palawit na hindi naman bayad. Ikalawa ay noong makita niya ito sa Nus na may minamatyagan at ikatlo nang nasa piitan sila ng Hruween. Naiinis siya kasi hindi man lamang ito nagpakilala at sa pagkakatanda ni Ram ay tinanong nito kung paaano niya nakuha ang ilang hibla ng gintong buhok.

"May kinalaman kaya ito roon?" saka siya pilit na nakipagkamay sa kaharap.

Ilang sandali ang nagdaan, nang dumating si Vladimir galing sa kung saan ay nagsimula ang talakayan ng lima.

Nagsimulang magsalita si Cazmir habang naka de-kwatro katapat si Ram na katabi naman ng ama nito. Nasa pagitan nila ang eleganteng mesa na dalawang talampakan ang taas habang sa bandang kanan ay nakaupo ang protektor at haring Meradian. "Base sa nangyari sa'yo sa guhong kastilyo. Ikaw ang napili ng supramisia na maging bagong protektor ng Hruween," walang paligoy-ligoy nitong sambit na halos ikaluwa ng mata ni Ram.

Hindi naman na nagulat ang tatlong magkakapatid sapagkat hindi na lingid sa kanila ang bagay na iyon.

"Matibay na patunay ang Geoluhàr na nasa hibla ng iyong buhok," Napahawak si Ram sa bahagi ng buhok niyang naging kulay ginto.

"Ito lang?"

"Tanging protektor lang ang nagtataglay ng Geoluhàr o ginintuang buhok dito sa ating mundo," ani Voldibur.

"Kaya h'wag mong ma-lang-lang ang bagay na iyan," -Cazmir.

"H-hindi ko maunawaan," alalang sabi ni Ram na halata sa ekspresyong ng mukha. "Paano ako magiging protektor ng Hruween? Hindi ba't hindi naman ako tiga-roon?"

Saglit na natigilan at napa-isip ang lahat. May punto ang binata sa mga sinabi nito.

"Hindi na importante ang bagay na iyan, mas mahalaga sa ngayon na matutunan mong gamitin ang Supramisia na ipinagkaloob na sa'yo ng Manlilikha,"

"Supramisia?" tanong ng binata na napapakamot ng ulo.

Inilahad ni Voldibur ang kaniyang kamay at mula roon ay may lumitaw na maliit na zirculo. "Ang kapangyarihang ito ay bahagi ng supramisia, sa makatuwid ay kailangan mong maensayo na magpalabas ng salamangka sapagkat nagtataglay ka na ng supramisia sa itong katawan."

"Ang supramisia ay kapangyarihang nagmula kay Eliah na ibinahagi lamang sa ating mga protektor upang gamitin sa tama. Walang maaaring magtaglay nito kun'di ang taong may mabuting hangarin at dahil ikaw ang napili ng Hruween supramisia, naniniwala kami na may malinis kang kalooban."

Nagalak ang binata sa mga narinig subalit sa kabilang banda ng isipan niya ay nagsasabing binobola lang siya ng kausap.

"Hindi biro ang pagiging protektor," singit ni Valdimir. "Kaya ang hiling ko sa inyo, alalayan niyo si Ram,"

Tumango ang dalawang protektor.

"Ngayon bilang bagong protektor, kailangang mahasa ka sa mga bagay na ginagawa ng isang protektor. Naparito ako para sanayin ka Ram," ani Cazmir.

"Huh?"

"Hindi ka maaaring maisapubliko bilang bagong protektor ng Hruween hanggang hindi mo pa nakukumpleto ang mga bagay na sumisimbolo sa katauhan ng protektor. Kaya iminungkahi ni Cazmir na siya ang magsanay sa iyo," paliwanag ni haring Valthazar.

"At gaya ng nauna ng sinabi ni kuya Vlad, hindi iyon magiging madali," segunda ni Voldibur.

"Ito na nga ang sinabi ko e." sa isip-isip ni Ram.

"Dahil sa wala na tayong masyadong oras ay bibigyan na lamang kita ng dalawang araw upang makapaghanda at gawin ang nais mo, pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na magiging normal ang lahat, ang mga nakasanayan mo ay hindi mo na magagawa dahil magiging abala ka na sa pagtatanggol sa Merad o sa buong mundo."

Tumango ang binata sa mga sinabi ng Baronprotektor. "Sisikapin ko-gagawin ko ang lahat ng aking makakaya," matapang niyang bigkas.

"Mabuti," ngiting tugon ni Cazmir. "'Wag mo lang tangkaing tumakas sapagkat hindi mo matatakasan ang iyong kapalaran."

Napangiwi ang binata sa sinabing iyong ng kausap habang napangiti naman ang magkakapatid, alam kasi nila na nangangantiyaw lamang si Cazmir.





---

Matapos ang usapan sa palasyo ay agad nagtungo si Ram sa tahanan ng matalik na kaibigan.

Nagulat si Dimo at Kelsen ng malaman ang buong kwento na ang ama niya ay kapatid ng hari at ng protektor. Marami pang naikwento ang binata maliban sa pagiging protektor niya. Inihabilin kasi ni Cazmir na wala munang makakaalam noon maliban sa piling tao.

Matapos inumin ang sabaw na hinanda ni Dimo ay pansamantalang nagpaalam ang magkaibigan upang maggala-gala.

Gamit ang dilaw na dragon ay dinala ni Ram si Kelsen sa Avaksar para ipakita rito ang ganda ng syudad at ng palasyo. Pagkakita ng kapital ay labis na namangha si Kelsen, iyon kasi ang unang beses nitong makatungtong doon.

Lumipad ang dragon papasok sa loob ng magarang kastilyo. Lalong namangha ang matalik na kaibigan ng makita nito ang napakalaking taong-rebulto na may paru-parung nakadapo sa kamay.

Paglagpas nila roon ay nakita nila ang mga batang nagtatampisaw sa may payapang agos ng talon sa di kalayuan. Pati ang mga kabahayan at taong abala sa mga gawain. Buhay na buhay talaga ang kapital ng Merad.

"Woaoh! Nakakalula naman dito Ram," ani Kelsen pagbaba nila ng dragon. Nasa matayog naparte sila ng kastilyo kung saan tanaw ang lahat sa ibaba. "Iba ka na talaga grabe." maka-ilang ulit itong lumingin sa ibaba habang nagsasalita.

"Oo tama ibang-iba na nga," bulong ni Ram.

"May sinasabi ka?"

"Wala," dahilan ni Ram habang ngumingisi. "Napakaganda ng tanawin dito e no?"

"Oo, sadyang nakabibighani."

Humiga ang dalawa at tinanaw ng sabay ang maaliwalas na kalangitan. Ang sariling mga braso ang nagsilbi nilang unan upang hindi manakit ang kanilang mga ulo.

"Kahit magdamag pa ako humiga rito ayos lang," sambit ni Kelsen.

"Masakit din kaya sa balat ang sikat ng araw, kakayanin mo kaya 'yon?" nagtawanan silang dalawa.

Matapos ang halakhakan ay bigla na lang ninakaw ng katahimikan ang sandali.

"Mas masaya sana kung kasama siya," sumeryoso si Ram.

"Oo nga, siguradong matutuwa si Maya kung sakaling nandito siya," sumeryoso rin si Kelsen.

Wala ng nagsalita matapos mabanggit ni Kelsen ang pangalang Maya. Nagpatuloy na lamang ang pagtitig ng dalawa sa kalawakan ng langit. Hindi nila alintana ang namumukadkad ng araw.

Ilang saglit pa ay napabalikwas ng bangon si Ram.

"Tara," anyaya nito sa matalik na kaibigan.

Sabay na tinungo ng dalawa ang dilaw na dragon at lumipad papunta sa kung saan. Hapon na ng marating nila ang puntod na kinaroroonan ni Maya.

"Sa palagay ko matutupad ko na ang pangarap kong malibot ang buong mundo," wika ni Ram sa puntod. "Kaya lang hindi mo na makikita 'yon."

Si Maya ay kababata nilang dalawa at dating kasintahan ni Ram. Namatay ang babae sa isang matinding karamdaman, tatlong taon ang nakalilipas. Sinekreto nito ang sakit dahil ayaw ng dalaga na mag-alala si Ram at Kelsen hanggang sa pumanaw nalang ito.

Matapos mag-alay ng ilang bulaklak na pinitas lang din nila sa hindi kalayuan ay ipinagdasal nila ito ng taimtim. Bago lumubog ang araw ay nilisan nila ang lugar.

Pag-uwi ng palasyo ay naabutan ng binata ang kaniyang ama mula sa malaking bintana ng silid nito na nakatanaw sa kalawakan ng kapital. Mula roon kitang-kita ang kumukuti-kutitap na liwanag mula sa ilaw ng mga kabahayan. Para itong mga naglalarong alitaptap.

Sinalubong siya ng ngiti ni Vladimir habang papalit dito.

"Kumusta ang gala n'yo ni Kelsen?" Intrada ng ginoo.

"Ayos naman, ama," masayang sambit ng binata. Naihatid na noon ni Ram si Kelsen at nakapagpaalam na rin ito ng maayos sa kaibigan na ito na marahil ang huli nilang pagkikita sa ngayon.

"Anak, sigurado kana ba sa desisyon mo?" tanong ng ama pagkalapit ng binata rito.

Sabay na tinanaw ng mag-ama ang maningning na kabahayan sa ibaba nila.

"Kung ito ang tinadhana ng langit para sakin, hindi ko na lalabanan pa, ama," sinserong tugon ng binata.

Umakbay si Valdimir sa anak. "Pasensiya na at ngayon ko lang ipinaalam sa'yo ang lahat, marami kasing mga bagay-bagay na gumugulo sa'kin, anak. Sa totoo lang matagal ko ng gustong bumalik dito kaya lamang ay natatakot ako...,"

"Ang mahalaga po ay nakabalik ka na sa palasyo," Hinawakan ng binata ang kamay na nakaakbay saka ngumiti.

Hindi naman mawari ang tuwa sa puso ng ginoo dahil sa sinabing iyon ng anak.

"Ingatan mo ang sarili mo anak. Ikaw na lang ang mayroon ako ngayon, ayoko kong mangyari sa'yo ang nangyari sa iyong ina."

Medyo nagulat ang binata sa namutawi sa kaniyang ama. Ito kasi ang unang pagkakataon na binanggit ng ginoo ang tungkol sa kaniyang ina.

"Ano po ba ang itsura ni ina?" bigla na lang pumasok sa isip ng binatilyo ang mga tanong na iyon.

Hindi nakaimik si Vladimir kaya nakaramdam si Ram ng pagkailang. Hindi siguro ito ang tamang panahon na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng mag-ama at matapos umihip ang hangin na dumampi sa kanilang mga balat at nagsayaw sa kanilang mga buhok ay muling nagsalita si Ram.

"Hindi na bale, kalimutan n'yo na po ang tanong ko, saka n'yo na lamang po sagutin kung handa na kayo," nginitian n'ya ang ama at ngumiti rin ito ng pilit.

"Matulog na'po tayo."







----

OZHGO.

Gaya ng napag-usapan ng Realyansa. Humiram ng tulong si haring Conrad sa ibang protektor upang tumulong sa imbestigasyon sa nangyari sa isang maliit na baryo sa probinsya ng Kavejy.

Dumating ang tatlong protektor mula sa Keenl, Levinthecus at Azlufagler upang magdagdag tulong. Dumiretso ang tatlo sa kapital ng Ozhgo, ang syudad ng Radiyzh.

Kumpara sa Avakzar ng Merad, ang Radiyzh ay hindi ganoon kagarbo kung titingnan subalit ramdam dito ang kapayapaan at katahimikan. Simple lamang kasi ang pamumuhay sa Ozhgo, at sa murang edad ni haring Conrad ay napatakbo niya ng matiwasay ang nasabing kaharian.

"Maligayang pagdating mga protektor." yumukod ang batang hari at ganoon din ang ginawa ng tatlo.

"Ikunalulugod ko ang tumulong mahal na hari," malumanay na sambit ni Ganezh, protektor ng keenl na tinaguriang Bilprotektor (bulag na protektor). Bata pa lamang ay hindi na biniyayaan si Ganezh ng paningin. Lakas ng pakiramdam ang nagsilbi niyang mata kaya tulad ng normal na tao ay para na rin siyang nakakakita. Gaya ng hari ng Keenl, malumanay din magsalita ang ginoo. Makikita ang geoluhàr sa kaliwang bahagi ng buhok nitong hinati sa gitna. Matangos ang ilong, maputi ang makinis na balat at eksakto ang tangkad.

"Ako rin mahal na hari," segunda ni Griffithiuz, protektor ng Levinthecus na isa ring Dweorh. Parang paos siya magsalita at ang geoluhàr ay masisilayan sa mahaba niyang balbas at bigote.

Yumukod naman si Elfinwulf. Tanda na sang-ayon din ito sa sinabi ng kasamahang protektor. Si Elfinwulf ng Azlufagler ay binansagan naman na Muprotektor sapagkat wala siyang kakayahang magsalita. Ang kanilang realm ay nahahati sa dalawang angkan, Azluan at Faglerian. Likas talagang hindi nakapagsasalita ang mga Faglerian. Mahahaba rin ang tainga nila na patulis ang dulo at may mala-pusang mata. Isa sila sa maituturing na pinakamalambing na nilalang sa mundo kabaligtaran ng mga Azluan na medyo mailap.

Nang bumalik sa pagkakatindig ay lumitaw ang geoluhàr ni Elfinwulf na nasa patilya. Natatakpan kasi ito ng mahaba niyang buhok.

Matapos ang maiksing kumustahan, gamit ang salamangka ay agad silang nagtungo sa Vrukoylih.

Isa itong isla sa gitna ng nalawak na lawa. Dito nakatirik ang kastilyo ni protektor Deitrich.

"Maligayang pagdating sa inyo mahal na hari at mga kapwa ko protektor." Yumukod si Deitrich sa mga kausap matapos magsalita.

Yumukod din ang apat.

"Gaya ng plano ay pansamantalang isinarado ang lahat ng daungan palabas ng Ozhgo upang mapigilan ang pagtakas ng mga salarin sa probinsya ng Kavejy. Ipinakalat ko na rin sa buong kaharian ang mahigpit na pagbabantay ng mga kawal, upang mabantayan at mapigilan ang anumang kahina-hinala," bungad ni haring Conrad na hindi na nagpaligoy-ligoy.

"Simulan na natin," ani Deitrich pagkarinig sa sinabi ng batang hari.

Naghawak kamay ang apat na protektor habang si Conrad ay pansamantalang gumilid at tumunghay sa mga magaganap.

Pagpikit ng apat, ilang saglit lang ay humangin ng malakas. Kasunod noon ay lumitaw ang puting zirculo sa palibot ng protektor.

Nagsimula silang magbitaw ng salitang may salamangka.

"Esta!" Si Ganezh.

"Twes!" Si Griffithiuz.

"Thron!" Si Elfinwulf.

"Husto!" Si Deitrich.

Pagkatapos magbigkas ng salamangka ay lumawak ang puting zirculo na umabot hanggang sa labas ng isla putungo sa hanggangan ng lawa.

"Om Namah Eloim!"

Lumawig muli ang nasasakop ng puting liwanag na lumampas pa sa hangganan ng lawa.

"Si Deus Pro Nobis!"

Mas lalo pang lumawak ang nasasakop ng liwanag na umabot sa mga bundok, kagubatan, mga ilog at naging asul na rin ang kulay ng zirculo.

Nagliwanag sa pagka-asul ang buong katawan ng mga protektor ganoondin ang buhok nilang may geoluhàr.

Pagkatapos ay umangat ang mga paa nila sa lupa. Nabalot sila ng matinding asul na liwanag na naglalabas ng malakas na kapangyarihan.

"Ego Vocabo Clypeus!"

Pagkatapos ng pagbigkas ng huling salamangka ay nabalot ang buong Ozhgo ng napakalaking pwersa.

Nakalikha ang mga protektor ng pananggalang. Subalit ang kapalit ng pwersang pinakawalan ay ang pagkaubos ng lakas ng apat. Nanghihinang bumagsak ang mga protektor pagkatapos ng naganap.

Isa-isa naman silang inalalayan ni haring Conrad at iniupo. Agad nitong ipina-inom ang umvra, isang inuming bitamina na galing mismo sa kanilang kaharian. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay makababawi ng lakas ang mga protektor.

Samantala, mula sa isang liblib na yungib, ilang kilo metro ang layo sa baryo kung saan naganap ang misteryong pagkawala ng mga mamamayan ay natigilan ang isang lalaki sa ginagawa nito matapos maramdaman ang nangyari.

Lumabas ng yungib ang lalaking may pataas na kulay asul na buhok saka tumingala sa kalangitan. Ibinaba nito ng bahagya ang suot na salamin at doon lumantad ang pa-ekis na peklat sa kanang mata at ang matalim nitong tingin.

"Hmm," napa-ismid ang ginoo sa nasaksihan.

"Pinunong Anton, sinelyuhan ng mga protektor ang buong Ozhgo upang hindi tayo makaalis, pansamantala ring isinara ang mga daungan sa buong kaharian," wika ng isang alagad.

Ngumisi lang si Anton bago lumingon sa kausap. Nang matamaan siya ng liwanag ng buwan ay sumambulat ang mabagsik niyang kaanyuan. Bakat sa suot nitong kasuotan ang mga nangangalit na kalamnan sa dibdib at tiyan. Matangkad at puno ng ugat ang mga braso nito. Halatang hasa sa matinding ensayo ang lalaki.

Muling tumingala si Anton kaya naaninag ng kausap ang marka nito sa leeg. Marka ng Blackamoorluna.

"Dadanak ang dugo sa Ozhgo," wika nito bago nagbigay ng maladiyablong ngiti.






-----

AVAKZAR
(Merad Realm)

Nagising si Ram sa kalagitnaan ng gabi dahil sa matinding init ng katawan na nararamdam. Hindi mawari ng binata kung ano iyon, parang may kung anong pwersa na gustong kumawala sa katawan niya.

Isang nakapapasong init.

Pumunta siya sa may tubigan at ilang beses hinilamusan ang mukha ng malamig na tubig upang maibsan ang kakaibang init na nadarama.

Nang matapos ay tiningnan ng binata ang sariling repleksyon sa tubig.

Nagulantang siya ng makitang kumikinang ang geoluhàr.

Napaatras si Ram at napaupo sa sahig ng masaksihan iyon.

"Anong nangyayari sakin," saad niya sa sarili na sobra ang kaba.

Lumakas ang liwanag at habang nangyayari iyon ay mas tumitindi rin ang init na nadarama ng katawan niya na parang may kumukulong bulkan sa loob nito.

Natakot siya at madaliang tumayo para tumungo sa ama. Subalit bago pa makalabas sa lugar na iyon ay namimilipit na siya sa sakit. Lalong tumindi ang init sa loob ng katawan ng binata.

Pinilit niya ang sarili na tumayo para tawagin ang ama subalit sobrang sakit na ng nararamdaman niya. Pakiwari ni Ram ay ikamamatay niya na ang tagpong iyon.

"A-ama," nahihirapan niyang wika habang nakahawak sa dibdib. Nahihirapan na sa paghinga ang binata.

"Tulong!" huling salita ni Ram bago panawan ng ulirat.

Dali-daling tinungo ni Vladimir ang pinagmulan ng tinig. Nagising siya bigla ng marinig ang malakas na hiyaw ng kaniyang anak.

Nang maabutan niya si Ram ay nakalutang na ito. Nababalot ng puting awra ang buong katawan at kumikinang ang geoluhàr.

Lalong nagulat ang ginoo ng makita ang bagay na ikinakatakot masaksihan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. "R-ram!"

"Seliumarius!"

Isang kulay asul na zirculo ang bumalot sa paligid ni Ram.

Napalingon si Vladimir sapagkat naroonan na sina Voldibur at Valthazar. Narinig din kasi ng mga ito ang ingay sapagkat malapit lamang ang silid nila roon.

Si Voldibur ang gumawa ng asul na kapangyarihan.

Napahiyaw ang binatang wala sa katinuan na parang nilalabanan ang asul na kapangyarihang nakabalot sa kaniya.

Hindi naman nagpatinag protektor. Inilapit nito ang Rodria at iginit ang kapangyarihang asul.

Naglaban ang puti at asul na liwanag hanggang sa nagbigay ito ng malakas na pagsabog ng liwanag kasabay ng matinding hiyaw mula kay Ram.

Matapos ang malakas na sigaw na umalingawngaw sa buong palasyo ay biglang nawala ang liwanag.

Bumagsak ang walang malay na binata sa sahig kasunod ng pagdating ng ilang kawal ng palasyo para tingnan kung anong nangyari.

Nagkatinginan naman ang tatlong magkakapatid na hiningal sa mga nangyari.





~~~

[Esta, Twes, Thron, & Husto are anagram of the words East, West, North & South.]

[Om Namah Elo(h)im: The combination of the hindu words; Om Namah means "I bow to" and greek word Elohim means God. "I bow to God"]

[Si Deus Pro Nobis: Latin words meaning; Defend us creator.]

[Ego Vocabo Clypeus: Derived from the latin words "I summon the shield."]

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 315 21
[ COMPLETED ] Bago pa man siya ipanganak ay nakatakda na ang magiging papel niya sa mundo. She came from the lineage of BABAYLAN and was blessed by...
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
221K 6.3K 64
A fantasy story that will prove that power isn't that important to protect your love ones. The warmth that you give, the love that you share and the...