THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHĂ€R
5: REALYANSA
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

6: YLNAFIZEI-YSBBAH

277 20 43
By amer0127


"Mula sa dulong bahagi ng timog ay sisibol ang makapangyarihang bahaghari. Isisilang siya, tatlong taon mula ngayon, dalawang dekada bago ang ika-dalawang libo't limang daang taon ng daigdig, subalit bigla siyang aagawin ng liwanag sa atin."

Sa gabi ng muling pagdilim ng buwan, sa ika-dalawang libo't limang daan ng mundo ay magbabalik siyang muli.

Ang susi upang magkaroon ng daan sa ibabaw ng mundo at muling makabalik ang ating panginoon, ang panginoon ng kadiliman."



---

WELKINNOVA
(Serihch Realm)

Ipinakita ng Baronprotektor ang itim na aklat na may labing-anim na pulgadang haba't may kapal na kalahating dangkal.

Naka-ukit sa takip-pahina ang trianggulong may tatlong bilog sa bawat anggulo, sa loob ng bawat bilog ay naka-ukit ang tatlong bagay. Sa itaas na bahagi ay mata, sa ibabang bahagi sa kanan ay rosas at sa ibabang bahagi sa kaliwa ay pakpak. Sa gitna ng trianggulo ay naka-ukit ang buwan at sa loob naman ng buwan ay nakaukit ang iba't-ibang sinaunang letra. Ito ang simbolo ng Blackamoorluna.

Sa ibabang bahagi ng simbolo ay mayroong nakasulat kaya sabay-sabay nila itong binasa.

"Ylnafizei-Ysbbah."

Matapos mabanggit ang pamagat ng libro ay saka nagsalita si Cazmir.

"Base sa pamagat, ito na nga ang aklat na matagal ng ipinahahanap ni ama. Ayon sa kaniya, dito malalaman ang tunay na kahulugan ng simbolo ng blackamoorluna na tumutukoy din sa propesiya sa pagbabalik ni Ysbbah."

Sa kanilang mundo, ang Y o Yl na letra na nasa unahan ng salita ay katumbas ng salitang "Dakila". Sa panahong kasalukuyan ay madalang o halos hindi na nagagamit ang Y o Yl, itinuturing na kasi itong wika ng mga Ylziemt (dakilang-ninuno). Noon ay Yeliah ang bigkas ng mga tao sa manlilikha, subalit sa hindi malaman na kadahilanan ay napalitan ito ng Eliah. Makikita ang sagot sa bagay na iyan sa aklat ng kasaysayan.

"Dakilang propesiya ng dakilang Sbbah," isinalin ni haring Zigfred ang kahulugan ng pamagat ng aklat habang nakaturo sa mga letra.

"Ano namang bagay ang nakagugulat sa nilalaman n'yan?" malamig na tanong ni Claude.

Binuksan ni Cazmir ang aklat at sinimulang ilathala ang ilang nilalaman nito.

"Simula ng nagkaroon ako ng kaunawaan sa mga bagay-bagay ay lagi ko nang iniisip kung ano ba ang layunin ko sa mundong ito."

"Matagal bago ko 'yon nalaman, maraming pagkakataon ko pa lang tinatanggihan ang biyaya n'ya sa akin."

"Hanggang isang gabi, lumitaw ang pangitain. Nalaman ko ang sagot sa aking tanong, kung ano'ng aking layunin sa mundo. Mapalad ako, napakapalad."

"Matagal na akong tinatawag ng tinig, Matagal na pala s'yang naghihintay sa akin. Oo ako nga! Aking naintindihan ng dahil sa pangitaing iyon na ako nga."

"Ako nga ang Pinili para mamuno sa kaniyang pagbabalik."

"Salamat sa paghirang sa akin panginoon ng kadiliman. Ysbbah, inilaan mo ako para sa gawaing ito."

"Ako'y hahayo hanggang sa nais mo kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito. Ako'y hahayo upang ihayag ang pagbabalik mo."

Patuloy na nakinig ang lahat.

"Nagkaroon na naman ako ng pangitain. Noong unang limang daang taon ng mundo ay isinilang ang paglaya ng kadiliman subalit ikinulong ito ng liwanag sa pinakamalalim na bahagi ng daigdig, sa Infernis."

"Nag-iwan ang kadiliman ng sumpa sa mga kaaway- t'wing ika-limangdaan ng taon lalamunin ng kadiliman ang buwan kasama ang mundo."

"Sa gabing iyon ay mawawalan ng bisa ang liwanag at magkakaloob ng biyaya ang hari ng kadiliman para sa kaniyang mga hinirang."

Nang marinig ito ng lahat ay nagkaroon ng kagulumihanan sa kanilang isipan.

"Ika-2500 taon ngayon ng mundo at nalalapit na ang Kradluna (pagdilim ng buwan). Kung tama ang naiisip ko, sa pagsapit ng Kradluna, ang kapangyarihan ng mga protektor ay mawawalan ng bisa?" alalang wika ni haring Solom ng Saphiro. "Bakit hindi nakatala sa aklat ng kasaysayan ang tungkol sa bagay na iyan?"

Ang Saphiro sa pangunguna ni haring Solom ang nangangalaga sa aklat ng kasaysayan. Ang nasabing kaharian ay biniyayaan ng angking husay sa pag-aaral at pananaliksik ng mga bagay, patungkol sa hiwaga ng mundo, makabagong agham at iba pa. Isa si Solom sa pinakamatanda at pinakamatalinong haring nabubuhay sa kasaysayan.

"Marahil ay hindi totoo," ani Claude.

"At maaari ring totoo," segunda ni Zigfred

"Alinman sa dalawa, mas mainam na maging handa," singit ni Valthazar.

Nagtaas ng kamay ang Baronprotektor kaya muling nanahimik ang lahat.

"Inatasan ako ni Ysbbah na bumuo ng isang pangkat na susunod sa pagpapalaganap ng kadiliman."

"Ang BLACKAMOORLUNA!"

"Salamat sa gabay ng kadiliman-lumago kami ng higit sa inaasahan. Kinatakutan, kinamuhian at itinakwil kami ng mundo. Subalit ang mga naniniwala ay patuloy na sumamba dahil totoo siya, at nabubuhay sa pamamagitan ko at ng aking mga pangitain!"

"Ang simbolo na nakatatak sa leeg ay hindi basta simbolo. Ang trianggulo ay may kahulugan."

"Ang unang simbolo na nakapaloob sa bilog na nasa kaliwang bahagi ay sumisimbolo sa angkan ng Jinn. Ito ang biyaya ng panginoon ng kadiliman noong ika-isanlibong taon ng mundo."

"Ang Jinn ay lahi ng mandirigmang Nirvano na nangangala sa Nirvana. Dahil sa pagtataksil sa liwanag ay pinalayas sila sa banal na isla at nagpagala-gala sa mundo na tulad ng isang ligaw na tupa, Biniyayaan ng kadiliman ang Jinn ng salamangka upang sa takdang panahon ay magamit ito sa panlupig sa liwanag."

"Ito na siguro ang panahong tinutukoy sa propesiyang iyan," mahinang sambit ni Magnus na tinanguan ng iilan.

"Hindi ba't ayon sa aklat ng kasaysayan, wala ng nabubuhay na mandirigmang Nirvano sa panahon ngayon kaya imposible ang bagay na iyan," tanong muli ni Claude na kita sa mukha ang pagdududa.

"Hindi naitala sa aklat ng kasaysayan ang buong detalye ukol sa angkan ng mandirigmang Nirvano. Bukod doon, hindi rin malinaw na talagang naglaho na sila sa mundong ito," tugon ni haring Solom sa kapwa hari. "Ang angkan ng Nirvano ay isa lamang sa mga misteryo ng ating mundo na patuloy na sinasaliksik ng mga Maestro hanggang sa ngayon. Ang mga impormasyong iyan ay maaaring makatulong sa malalim pang pananaliksik tungkol sa kung anong klaseng nilalang talaga ang mga mandirigmang Nirvano."

Hindi na umimik si Claude sa haba ng sinabi ni Solom. Nakinig na lamang itong muli sa pagpapatuloy ng Baronprotektor.

"Ang simbolo sa ikalawang bilog na nasa kanang bahagi ng trianggulong hugis ay tumutukoy sa Madrasta ng itim na rosas na si Lilith. Ito ang kaloob ng hari ng kadiliman noong ika-1500 taon ng mundo."

"Siya ay may kakayahang bumuhay ng mga masasamang elemento. Kaya lamang ay ikinulong si Lilith ng mga sinaunang protektor at inilibing sa kailaliman ng lupa."

"Darating ang panahon na muli siyang makakalaya para sa mas magandang layunin ng kadiliman."

Nang marinig iyon ni haring Claude ay napaisip sya. Napatingin naman sa kaniya si Adalric.

"Haring Solom, bukod sa tala ng kasaysayan ay mayroon pa bang detalye tungkol sa Madrasta ng itim na Rosas?" tanong ni Goldiukuz.

"Ang kasaysayan ni Lilith ay kumpleto sa detalye maliban sa kung saan siya inilibing ng mga Ylziemtprotektor." sagot ni Solom na muling bumaling kay Cazmir upang makinig.

"Ang ikatlong simbolo sa loob ng bilog na nasa itaas na anggulo ng trainggulo ay sumisimbolo sa Rienva-iy na kaloob ng hari ng kadiliman noong ika-2000 taon ng mundo."

"May kakayahan silang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata."

"Magiging tanyag sila sa buong mundo. Kakainggitan ng marami dahil sa magaganda nilang mata, mayamang bayan at sa kapangyarihan nilang taglay."

"Dahil doon ay tutupukin sila ng apoy. Subalit hindi dapat malungkot ang mga hinirang. Dahil lahat ng ito ay may dahilan, mas magandang dahilan para sa tagumpay ng kadiliman."

Walang kumibo matapos marinig ang nilalaman ng ikatlong simbolo. Subalit batid sa imahe ng bawat isa ang lungkot.

Ang Reinva-iy ay angkan ng mga taong may bahagharing mata na namuhay noon sa Hruween. Dalampung taon ang nakalilipas ay kumalat ang balita tungkol sa sumpa ng nasabing mata kaya nagkaroon noon ng kaguluhan na humantong sa pagkawala ng bayan ng mata.

Pasadyang umubo si Cazmir bago muling magsalita. "Ang huling pahina ay wala dahil napunit na."

"Kailangan nating makita o nalaman kung ano ang nasusulat sa huling pahina," mariing sambit ni Solom na sinang-ayunan ng lahat.

"Tama ka haring Solom subalit saan naman natin ito hahanapin? Sigurado ba tayo na buo pa ang huling pahina?" tanong ni Zigfred.

"Hindi tayo sigurado," tugon ni Cazmir. "Sa ngayon ay kung mayroon kayong mga napapansing bagay na ikinikilos ng ating mga kalaban ay makipagtulungan lamang ang bawat kaharian, sama-sama nating pangalagaang ang mundo sa ngalan ni Eliah at ng labingdalawang kaharian."

Tumango ang lahat sa sinabi ni Cazmir.

Ilang oras pang pag-aaral at pagpaplano ng mga hakbang ang lumipas bago tuluyang natapos ang pulong.

Sa huli ay iminungkahi ni haring Conrad na tumulong ang ilang protektor sa Ozhgo upang mapabilis ang ginagawa nilang pag-iimbestiga tungkol sa itim na usok na may bahid ng masamang salamangka.

Samantala bago umalis ng Welkinnova sina haring Valthazar at protektor Voldibur ay kinompronta sila ni haring Cazmir..

Nagulat ang magkapatid na Meradian sa sinabi ng Baronprotektor.


---

AVAKSAR
(Merad Realm)

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Ram na nasa palasyo siya ng Merad. Ni katiting kasi ng isipan niya ay hindi pumasok na maaari siyang mapabilang sa maharlikang pamilya.

Tiningnan ng binata ang suot na magarang damit saka tumapat sa malaking salamin na abot sa kisame. Inikot niya ang sarili habang patuloy na tinatanaw ang sarili.

"Totoo ba talaga 'tong nangyayari sa akin?" Saka niya sinampal ng ilang ulit ang mukha. "Aray."

Tahimik siyang naglakad palabas ng silid matapos makita ang sarili na prisentable.

"Nasaan kaya si ama?"

Hindi pa sila nakapag-uusap ng maayos ni Vladimir tungkol sa mga bagay na ito. Pagkatapos kasi ng araw na makausap nila sina haring Valthazar at protektor Voldibur ay hindi pa ito nagpapakita sa kaniya.

Ang huling natatandaan ni Ram ay inalagaan siya ng ama matapos siyang mawalan ng malay kamakailan lang.

Nahihiya ba ito o naiilang?

Ang binata ay naglakad-lakad sa pasilyo habang malalim na nag-iisip kung bakit hindi binanggit sa kaniya ng ama ang tungkol sa pagiging maharlika nito. Bakit ito nagtiis sa pagiging magsasaka? At bakit ito umalis sa palasyo ng Merad?

Madaming bakit ang gumulo sa utak ni Ram ng umagang iyon. Hindi niya na namalayan na napadpad na siya sa isang silid ng kastilyo.

"Eksakto ang dating mo, prinsipe Ram," Salubong ni Voldibur kasama ang hari ng Merad.

Napangiwi ang binata ng marinig na tawagan siyang prinsipe. Hindi kasi siya sanay.

M-magandang umaga po," agad siyang yumukod sa dalawa. Yukod na halos umabot na sa sahig ang ulo.

Tinawanan siya ng magkapatid sa ginawa niyang iyon.

"H-hinahanap ko po si ama," natatarantang sabi niya.

"Patungo na siya rito, maupo ka dahil mayroon kang bisita," malumanay na anyaya ni haring Valthazar na naglalakad na patungo sa upuang nasa silid na iyon.

"Bisita?"

Sumunod ang binata kasama ang titong protektor.

Habang palapit sa upuan ay unti-unting naaaninag ni Ram ang sinasabing bisita niya.

"Magandang umaga Ram. Nagkita tayong muli," ngumiti si Cazmir ng makita ang binata.

"I-ikaw!"

Continue Reading

You'll Also Like

25.2K 701 44
Under editing revision A modern story of a lost princess. A girl living in a dream. Luxurious life, fame and money. Never thought of being responsibl...
9.7M 529K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
569K 28.2K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
9.5K 657 62
(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One lies, one secret, and one mistake intert...