THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

By amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... More

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
4: GEOLUHÀR
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

5: REALYANSA

304 20 46
By amer0127

WELKINNOVA
(Serihch Realm)

Sa ibabaw ng kastilyo ng Serihch, isangdaan talampakan ang pagitan, mayroong isang pulo na nakalutang. Ito ang Welkinnova, kaisa-isang isla sa buong mundo na nakalutang sa kalangitan.

Dito nananahan noon ang dating protektor ng kahariang Serihch. Nang maging hari at protektor si Cazmir ay itinalaga niya ang isla bilang base ng Realyansa.

Sa Welkinnova idinaraos ang anumang pagtitipon ng mga kabilang sa samahan. Selyado ito ng mahika at walang sinuman ang nakapapasok maliban sa mga kasapi.

Halos magkakasunod na nagdatingan ang mga hari't protektor sa silid pulungan.

Haring Magnus ng Geran.
Haring Claude ng Depir.
Hari't protektor ng Serihch na si Cazmir.
Haring Wenscelces ng Keenl.
Haring Valthazar ng Merad.
Haring Goldiukuz ng Levinthecus.
Haring Nebbu ng Veny.
Haring Elfinbert ng Azlufagler.
Haring Solom ng Saphiro.
Haring Conrad ng Ozhgo.
Haeing Zigfred ng Traveil.
At Haring Caesar ng Hruween.

Protektor Fahrouk ng Geran.
Protektor Adalric ng Depir.
Protektor Ganezh ng Keenl.
Protektor Voldibur ng Merad.
Protektor Griffithiuz ng Levinthecus.
Protektor Farquhar ng Veny.
Protektor Elfinwulf ng Azlufagler.
Protektor Eztevan ng Saphiro.
Protektor Deitrich ng Ozhgo.
At Protektor Alianah ng Traveil.

Nakaupo ang labindalawang hari sa gintong upuan habang ang mga kamay ng ilan sa kanila ay nakapatong sa mahabang gintong lamesa. Ang mga protektor naman ay nakatayo sa likuran ng kanilang hari tangan ang kani-kanilang Rodria.

Si Cazmir na tinatawag na Baronprotektor, namumuno sa Realyansa ang nakaupo sa pinaka sentro nitong lahat.

Tumayo ang binatang prinsepe senyales na umpisa na ang pagpupulong. Hinawi niya panandalian ang malaginto niyang buhok bago nagwika.

"Maligayang pagbati sa ngalan ni Eliah, at mula sa kaharian ng Serihch. Mga kapwa ko hari at protektor, maligayang pagdating sa Welkinnova," nakangiti siyang yumukod sa lahat bilang paggalang.

Tumayo rin ang bawat isa at nagbigay galang.

"Para saan ba ang pagpupulong na 'to?" tanong ni Claude. Nasabi ito ng haring Deperian sapagkat katatapos lamang ng pagpupulong ng Realyansa nitong nakalipas na linggo. Sa pagkakaalam ng ginoo ay natapos na nila ang lahat ng dapat pag-usapan.

Isa sa tinalakay sa pagpupulong kamakaylan ay ang pagpapalit ng protektor na magbabantay sa Hruween. Napagkasunduan ng Realyansa na kada-taon ay magpapalitan ang labing-isang protektor upang pangalagaaan ang Hruween. Sa taong ito, si Eztevan ng Saphiro ang nakatalagang mangalaga sa nabanggit na realm.

"Batid kong nagtataka kayo kung bakit ako muling nagpatawag ng biglaang pagpupulong," tugon ni Cazmir. "Hindi ko na pahahabain pa."

Sumeryoso ng mukha ang Baronprotektor dahilan upang mapukaw ang atensyon ng bawat isa.

"Isa sa mga tinalakay natin sa huling pulong ay ang bali-balita sa muling paglaganap ng blackamoorluna. Ayon sa aking pagsisiyasat ay totoo ang mga iyon."

"Pinatawag mo ba kami para sabihin na dapat naming paghandaan o pigilan ang binabalak nila habang maaga pa." malumanay na sambit ng hari ng Keenl na si Wenscelces.

Si Wenscelces ang Pinakasimpleng hari sa labindalawa. Nasa edad animnapu, tama ang tangkad, may maamong mukha na gaya ng pananalita, eksakto ang puti ng balat at pangangatawan, mahaba ang buhok at balbas na abot hanggang sa kanyang tuhod

Tumango si Cazmir bilang pagsang-ayon saka muling nasalita. "Tumpak. Habang maaga pa, dapat ay mapigilan na natin kung anoman ang masama nilang plano."

"Batid kong ayaw mo lang maulit ang nangyari noong Oldnick-Era. Subalit hindi natin kailangang matakot sa mga Blackamoorluna sa panahon ngayon sapagkat kayang-kaya na sila ng ating mga mandirigma," matapang na bigkas ni haring Magnus ng Geran.

Ang haring ito naman ay ang pinaka may matipunong pangangatawan sa labindalawa. Bata pa lamang ay nahubog na si Magnus sa matinding pakikipaglaban dahil ito ang kasanayan sa Geran. Kaya ganoon na lamang siya magsalita.

Ngumiti ang Baronprotektor at nagwika. "Hindi ko nais hamakin ang mga magigiting na mandirigma ng labindalawang realm," tiningnan nya si Magnus sa mata saka inikot ang paningin sa lahat ng kausap. "Subalit sa maniwala man kayo o hindi, kapag hinayaan natin silang muli gaya noon, maaaring mahirapan tayong magwagi o di kaya'y-," huminga muna ng malalim si Cazmir. "Maaaring tayo ang magapi."

Saglit na nagkaroon ng bulungan.

"Pa'no mo nasabi ang bagay na'yan Cazmir?" tanong-sabi ni Zigfred ng Traveil. Ang haring may pinakamagandang itsura sa lahat. May maayos na pangangatawan, may perpektong hugis ng mukha, ilong, labi, mga mata at kilay. Siya ang pumapangalawa bilang haring may pinakaraming asawa. Isa si Zigfred sa mga kinaiilagan at kinaayawan sa Realyansa sapagkat puno siya ng kaarogantehan. "Wala ka bang tiwala sa mga mandirigma ng labindalawa?" Dugtong pa nito.

"Labis ang tiwala ko sa labindalawa," pagtatama ni Cazmir. "Gaya nga ng sabi ko, hindi ko intensyon na hamakin ang mga magigiting na mandirigma subalit lingid sa inyong kaalaman ay lihim akong nagmatyag sa bawat realms. Nakasagupa ako ng ilan sa mga blackamoorluna, sa lalawigan ng Hart, sa Hruween."

Napatingin si haring Caesar sa sinabing iyon ni Cazmir.

"Teka!" singit ni Claude. "Labag sa batas ng Realyansa ang ginawa mo!" tumayo ito sa kinauupuan at kinalampag ang gintong mesa. "Hindi ba't bawal manghimasok ang isang protektor sa ibang kaharian ng basta-basta!"

Nagkagulo ang lahat dahil sa winika ni Claude.

"Oo nga!" sigaw ng ibang hari habang ang mga protektor ay nakikinig lamang.

"Huminahon kayo at hayaan n'yo muna akong makapagpaliwanag ng maayos,"

Nang sabihin iyon ng baronprotektor ay muling nanahimik ang mga hari at bumalik sa pagkakaupo.

"Isa sa batas ng Realyansa ang pagbabawal ng pagpasok ng protektor sa isang realm ng lihim o ng walang pahintulot mula sa hari ng nasabing kaharian-subalit kung ito'y kinakailangan na ay walang problema," paliwanag ni Cazmir.

"Ibig sabihin ba no'n na ang iyong ginawa ay kinakailangan? Baronprotektor ipaliwanag mo ng maayos ang lahat sa amin ng sagayon ay mawala ang pagdududa," malumanay na tugon ni haring Goldiukuz ng Levinthecus.

Si Goldiukuz ay isang haring masayin, makulit, maliit at may malusog na pangangatawan. May tatlong hikaw sa kanang tenga, mahaba ang buhok, kilay, bigote at balbas. Maraming suot na ginto sa katawan. Siya ay nabibilang sa angkan ng Dweorh.

Nilinis ng binatang hari ang lalamunan sa pamamagitan ng pag-ubo saka muling nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

"Bago mapugutan noon si Oldnick ay mayroon siyang inihayag sa aking ama tungkol sa isang aklat."

"Aklat?" magkakasabay na tanong ng lahat.

"Noong ako'y nasa hustong gulang na, ay inatasan ako ni ama na hanapin ng lihim ang sinasabing aklat ni Oldnick," Nilibot niya ang mata at nagpatuloy. "Ginawa niya iyon dahil walang kasiguruhan kung nagsasabi ba ng totoo si Oldnick ukol sa aklat na naglalaman ng propesiya tungkol sa pagkababalik ng kadiliman."

Nagulantang sila sa kanilang natunghayan.

"Propesiya tungkol sa pagbabalik ng kadiliman?" tanong ni Magnus.

"Kadiliman? Ibig sabihin tungkol ito kay Ysbbah?" segunda ni Zigfred.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin ang bagay na'to- na matagal mo ng minamanmanan ang aming mga kaharian para lang sa isang aklat na wala naman kasiguruhan!" kunot noong wika ni Claude.

"Totoo ang aklat," diretsong sabi ni Cazmir. "Hindi lang ang aklat ang totoo, totoo rin ang tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng blackamoorluna."

Natigilan ang lahat ng marinig iyon.

Ilang segundong nilamon ng katahimikan ang paligid. Natapos lamang iyong ng pasadyang umubo si Caesar.

"Kung ganoon e, totoo nga ang sinabi ng mga minerong nailitis sa aming kaharian nito lang," Napalingon ang lahat sa hari ng Hruween. "Ayon sa mga minero ay sinalakay sila ng blackamoorluna gamit ang mahika."

Hindi na naka-imik si Claude at ang ibang hari sa mga sinabing iyon ni Caesar.

"May kinalaman din siguro ito sa nangyari sa probinsiya ng Kaveyj, sa aking nasasakupan," biglang napasalita na rin si haring Conrad ng Ozhgo. Ito ang pinakabatang hari sa labindalawa. "Protektor Deitrich," senyas ng batang hari.

Lumapit si Deitrich sa tabi ni Cazmir at inilabas ang puting nagliliwanag na kahon. Sa loob nito ay nakakulong ang itim na usok.

"Natagpuan namin sa baryo ng Kavejy ang itim na usok na nababalot ng mahika," paliwanag ni Deitrich. "walang presensya ng mga blackamoorluna sa lugar subalit dahil sa mga usok na itong nagtataglay ng salamangka, malaki ang posibilidad na sila ang sumalakay sa baryo."

Pinakawalan ng protektor ang itim na usok at pinaikot ito sa lahat. Nang dumako ito sa tapat ni Cazmir ay agad itong pinaglaho ng huli.

"Malinaw na ba sa ating lahat na ang kakaharapin natin ngayon ay hindi na dapat ipagsawalang bahala," seryosong wika ni Cazmir na tinanguan ng lahat.

"Devini."

Mula sa kawalan ay biglang lumitaw ang isang magandang binibini tangan ang isang libro. Pagkaabot ng bagay sa baronprotektor ay bigla rin itong naglaho na parang bula.

"Nakuha ko ito matapos makasagupa ang tatlong blackamoorluna na nagtataglay ng itim na kapangyarihan," ipinakita niya ang aklat at binasa nila itong lahat.

"Ylnafizei-Ysbbah."

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 529K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
5.1M 126K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...
297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
6.1K 1.1K 28
May anghel na pinatapon sa lupa dahil sa kanyang kapilyuhan. At ang kanyang misyon ay baguhin ang ugali ng kanyang alaga para makuha muli ang kanyang...