THE REALMS 1 [Unedited.Comple...

Af amer0127

7.3K 401 869

Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad... Mere

NOTE:
THE REALMS BOOK 1
PROLOGUE:
THE REALMS: BOOK I
REALM GRAPH
1: AIY
2: HART
3: BLACKAMOORLUNA
5: REALYANSA
6: YLNAFIZEI-YSBBAH
7: SUPRAMISIA
8: GEOENKANTHIZ
9: LABIMBAKAS
10: MANSON
11: RODRIA
12: BIYAYA
13: JINN
14: MADRASTA
15: DEPIR
16: WALUMPU
17: DRAGO
18: REPTUS
19: INFERNIS
20: VERRI
G L E N N

4: GEOLUHÀR

335 17 43
Af amer0127


MERAD REALM

Ang Merad ay tinaguriang paraiso ng paru-paru. Bukod sa simbolo ng kaharian ang nasabing nilalang, dito lamang matatagpuan ang mga paru-paru na kasinglaki ng tao. Ayon sa kasaysayan, noon ay magkasamang namumuhay ang Meradian at ang mga Gigasfli o dambuhalang paru-paru subalit sa panahon ngayon ay maituturing na lamang itong alamat.

Naabutan na lamang ni Ram ang sarili na nakatayo sa loob ng napakalawak na silid. Paglinga niya pakaliwa ay nakita niya si Voldibur na naglahad ng kamay hawak ang Rodria. Sa isang iglap ay biglang naglaho sa kawalan ang bagay.

"Maiwan muna kita rito saglit," anas ng protektor, pagkadaka.

"T-teka lang po," Habol ni Ram. "Nasaan ba tayo? Maaari po bang ipaalam n'yo sa aking ama ang tungkol dito, marahil ay nag-aalala na siya sa'kin."

Tumango lang ang kausap bago naglakad palabas sa malawak na silid. Sumunod naman ang binata at ng buksan niya ang mataas na pinto ay nakakandado na ito.

Nagsimulang kabahan si Ram. Wala naman siyang ideya sa kasalanan niya maliban sa pagsuway sa batas ng Hruween. Alam niya na parurusahan sila, subalit bakit siya lamang ang isinama ng protektor?

Kailangan makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Hindi alam ng binata ang kahihinatnan ng pagtakas na iyon, ang sigurado si Ram, nag-aalala na ang kaniyang ama.

Tumalikod siya sa pintuan at ipinagala ang mata sa buong paligid. Nakita niya ang malaki at pahabang bintana na may apat na haligi. Madaliang sumilip doon si Ram habang inihaharang ang isang kamay sa mga mata dahil sa nakasisilaw na liwanag galing sa labas. Nang tuluyang ng makalapit sa paralungawan ay gulat at pagkamangha ang naging ekspresyon ng kaniyang mukha.

Mula sa kinalalagyang gusali, tanaw niya sa ibaba ang mga batong kabahayan at mga taong abala sa mga bagay-bagay. Pagpaling sa kaliwa ay sumilay ang mga batang naglalaro sa ilalim ng mga puno habang nababanaag ang pagaspas ng tubig mula sa malinis na talon na umaagos sa gitna ng mga kabahayan. Pagdako naman sa kanan ay doon nakita ng binata ang isang rebulto na may taas na higit isangdaang talampakan. Nakatayo ito paharap sa kanluran at may paru-parung rebulto na nakadapo sa kamay nito. Minasdan niya ang kalawakan ng syudad bago muling tumingala. Doon ay nakita niya ang mga nagliliparang ibon kasabay ng mga iilang paru-paru, dumapo pa sa kaniya ang isa na umalis din agad.

Tama ang hinala ng binata. Nasa Lungsod siya ng Avakzar, ang kapital ng Merad.

Wala na siyang nagawa kung hindi tumanaw na lamang sa mataas na bahagi ng kastilyo.

"Ano ba itong pinasok ko?"



---

AZSGATER
(Merad Realm)

Ang probinsiya ng Azgater ang nangunguna sa paghahatid ng pangunahing pagkain ng mga Meradian. Nakapwesto ito sa dulong timog-kanluran ng bansa, daang kilometro ang layo sa kapital ng Merad. Pagtatanim ng trigo ang pangunahing kabuhayan ng mga tao rito kaya nagkalat ang malalawak na bukirin sa probinsiya.

Mula sa pagsasaka, napatingala si Vladimir ng makita ang anino ng dambuhalang nilalang na sandaling nagbigay silong sa kinalalagyan niya.

Nagpunas ng pawis ang may katandaang ginoo bago sinipat ang padaong ng dragon. Tinanggal nito ang dayaming sumbero at iniwan ang tabak na hawak saka tinungo ang kinaroroonan ng nasabing nilalang.

Agad din umalis ang dragon matapos maibaba ang pakay. Nag-iwan ito ng makapal na alikabok kaya hindi agad nakilala ni Vladimir ang mga sakay nito.

"Nasaan ang aking anak?" tanong niya ng makita sina Dimo at Kelsen.

Kumamay muna si Dimo sa kaharap bago magsalita. "Isinama siya ni Voldibur, hindi namin alam kung saan sila nagtungo."

"Voldibur?" gulat-tanong ni Vladimir.

Tumango si Dimo. "Oo, ang protektor ng Merad.

"Teka? Bakit? Ano ba'ng nangyari?"

"Mahabang salaysayin, nagkaroon kasi ng kaunting aberya sa Hruween," ani Dimo.

"Bakit kayo pumayag na isama siya?" pasigaw na sambit ng magsasaka. Ipinagtaka naman iyon ng mag-ama.

"W-wala po kaming nagawa ginoong Vladimir," nahihiyang tugon ni Kelsen.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko e, hindi ko na dapat pinayagan si Ram," aligagang sambit ni Valdimir.

"Nasa Avakzar si Ram,"

Napatingin silang lahat sa biglang nagsalita.

Si Voldibur.

"Saan mo dinala ang anak ko?" galit na saad ni Vladimir matapos makita ang protektor.

"Ikinagagalak din kitang makitang muli," nakangiti naman ang protektor na parang nang-aasar. "Sumama ka sa akin, may mahalagang bagay tayong pag-uusapan."

Inilabas ni Voldibur ang Rodria at nagbigkas ng salamangka,

"Set Hunc locum!"

Paglitaw ng puting zirculo sa lupa ay agad nitong hinatak si Vladimir, "Maiwan na namin kayo,"

Biglang naglaho ang dalawa. Naiwan naman na natitigilan ang mag-amang Dimo at Kelsen.


---

DEPIR

Ang kaharian sa hilagang bahagi ng Eloim Osean. Depir ang pinakamalaki sa labindalawa at pangalawa naman sa pinakamayan. Ito ang may pinakamahigpit na pamunuan sa lahat kaya bihira ang dayuhan dito.

"Mahal na hari may mga Arkeologo na gusto kayong makita," wika ni Mardir, punong kawal ng kaharian. "May tangan silang bagay na ihahandog sa inyo."

Napaangat ng kilay ang matabang hari bago masungit na tumugon. "Kay Adalric na lang nila ibigay, ayoko muna ng bisita sa araw na ito," bumalik ang hari sa pag-upo habang lumalagok ng mamahaling alak.

"N-naroon na po si protektor Adalric, at iminungkahi niya na makita n'yo ng personal ang handog ng mga arkeologo."

Umismid na naman ang hari dahilan para mapayuko at mapaatras si Mardir. Tumayo si Claude dala ang kopeta saka nagtungo sa kinaroroonan ng mga bisita.

"Maligayang pagbati, mahal na haring Claude," Nakayukong sambit ng nangunguna sa anim na Arkeologo na si Dakus. "Tanggapin n'yo po ang aming handog," saka ito sumenyas sa mga kasama.

Nang buksan ng tatlong Arkeologo ang tumatakip sa handog ay tumambad ang isang itim na parehabang kahon, may apat na talampakan ang taas, puno ang palibot ng mga sinaunang letra.

"Nahukay namin ang kusilbang ito sa isang kweba sa probinsya ng Boast, Nang makita namin ang mga sinaunang letra na nakasulat, minabuti namin na dalhin at ihandog ito sa inyo sa paniniwalang isa ito sa natatagong yaman ng Depir," nakangiting sambit ng punong-arkelogo.

Nagpasalamat si haring Claude ng makita ang kusilbang handog. Matapos mabigyan ng gantimpala ay pinaalis na ng hari ang mga arkeologo. Sinuri naman si Adalric ang handog gaya ng utos sa kaniya.

"Selyado ng mahika ang labimbakas na ihinandog sa inyo, mahal na hari," saad ng matandang protektor na may malagintong kilay, bigote at balbas. Singkit na animo'y laging nakapikit ang mga mata ng ginoo. Nasa pitong talampakan ang taas nito na ubod ng puti ang kutis.

"Ganoon ba?" matabang na tugon ni haring Claude kasunod ng paglagok ng alak. "Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?"

"Habang pinag-aaralan ko ang kusilba ay mainam na ilagay ito sa isang selyadong silid na hindi mapapasok ng sinuman."

Sumang-ayon ang hari sa suhestyon ng protektor.



---

OZHGO.

Matatagpuan sa pinakadulong timog-silangan ng buong mundo. Hindi kalakihan ang kaharian ng Ozhgo pero ito naman ang pinakapayapa sa labindalawa.

Tumungo si Deitrich sa tagong baryo ng probinsya ng Kaveyj kasama ng mga imbestigador sa palasyo ng hari.

Si Deitrich ang protektor ng Ozhgo. Nasa apat na talampakan lamang ang edad sitentang ginoo. Mayroon itong tatlong malalaking peklat sa bandang kaliwang noo. Gayunpaman ay mas mauunang mapansin ang makapal at malagintong kilay ng matanda. Maliban sa kamay ay hindi rin halos makikita ang mga peklat niya sa magkabilang braso sapagkat mahaba ang suot niyang damit na gawa sa mamahaling tela. Nangingintab ito sa pagkaberde at sa likod ng kasuotan ay nakaukit ang simbolo ng kaharian ng Ozhgo. Ang Tipaklong.

Nawasak ang mga kubo at wala nang mga tao. Iyan ang una nilang napansin pagdating sa maliit na baryo.

"Anong nangyari sa lugar na'to? Nasaan ang mga tao?" tanong-sabi ni Saulo na siyang lider ng mga tigapag-imbestiga.

Hinawakan ni Deitrich ang itim na usok sa gilid ng isang kubo na nasira. "Salamangka," wika niya.

"Salamangka?" tanong sa naman ni Saulo.

Tumango ang protektor. "Hindi ako maaring magkamali, nararamdaman ko ang kakaibang uri ng mahikang bumabalot sa itim na usok."

"Hindi ba, tanging protektor lang ang nilalang sa mundo na maaaring magtaglay ng mahika?"

Tango lamang ang itinugon ni Deitrich. Seryoso kasi ito sa pagsiyasat sa mga itim na usok na nagkalat sa paligid ng mga nasirang kubo.

Inilahad ng protektor ang kamay nito saka nagwika.

"Rodria."

Walang anu-ano'y biglang lumitaw sa kamay ni Deitrich ang berdeng tungkod. Sa dulo ay nakabaon ang isang uri ng mamahaling batong hugis bilog at kulay berde rin.

Gamit ang Rodria ay nagpalabas siya ng puting kahon na balot ng mahika. Doon ay ikinulong ng protektor ang itim na usok at pagkatapos ay hinarap si Saulo.

"Sumakay na kayo kay Zuldrago, babalik na tayo sa palasyo."

"Ipagpaumanhin mo ginoong Deitrich, subalit hindi pa tapos ang ginagawa naming pagsisiyasat,"

"Sa ngayon ay pansamantala niyo munang itigil ang pagsasagawa ng imbestigasyon. Delikado sa lugar na ito at kailangang maiulat sa hari sa lalong madaling panahon."

Agad nakinig si Saulo sa protektor. Inipon niya ang mga kasama saka sumakay sa kulay berdeng dragon na kadarating lang sa kanilang kinaroroonan.

Nang makalipad na sa malayo ang dragon ay nagbigkas ng mahika ang matandang protektor.

"Set hunc Locum!"

Paglitaw ng puting zirculo sa paanan ni Deitrich ay agad niyang ipinalo ang dulo ng tungkod pagkatapos ay mabilis siyang naglaho sa kawalan.




---

AVAKZAR
(Merad Realm)

Nagulat si Ram ng makita ang ama na pumasok sa kinaroroonan niyang silid. Kasama ng ginoo si Voldibur.

"Halika Ram dahil uuwi na tayo," pabalagbag na sambit ni Vladimir.

"Hindi pwede, hindi ba't sinabi ko sa'yo na may importanteng bagay tayong pag-uusapan," nangingiti ang protektor habang nagsasalita.

Hindi maunawan ng binata ang mga nangyayari. Sa kilos kasi ng kaniyang ama ay parang matagal na nitong kakilala ang protektor.

Hinatak ni Vladimir ang anak palabas ng silid subalit humarang si Voldibur.

"Tumabi ka, Voldibur!" giit ng matanda.

"Nalilimutan mo atang protektor ang inuutusan mo," tugon nitong pangiti-ngiti pa rin.

"Hindi ako natatakot sa'yo!" saka humanda si Vladimir para sa pakikipagbuno. Lalo namang napangiti ang protektor habang si Ram ay nagmumukhang ewan sa kapapanood sa dalawa. "Baka nakakalimutan mong ako—"

"Ang nagturo sa amin sa pakikipagbuno."

Napalingon silang lahat sa bagong dating.

Isang lalaking may maangas na tindig, makapal at pasalubong na kilay, maputi at makinis na balat, itim na itim ang buhok na may kaunting pagkakulot. Matipuno ang pangangatawan, nasa lima't kalahating talampakan ang taas, matangos ang ilong at maamo ang mukha. Ang suot nitong eleganteng kasuotan ay abot sa ilalim ng tuhod. Sa harap ng nasabing damit ay nakaukit ang simbolo ng kaharian ng Merad.

Nang makita naman ni Voldibur ang nagsalita ay agad itong yumukod. Ginawa rin iyon ni Vladimir habang natigilan naman si Ram kaya sinabihan siya ng kaniyang ama na yumukod na rin.

"Maligayang pagdating mahal na hari," ani Voldibur.

"Tumayo na kayo, masyado naman pormal," natatawang sabi ni Valthazar, kasalukuyang hari ng Merad. "Masaya akong makita kang muli, kuya Vlad."

Hindi alam ni Ram kung nabibingi lang ba siya sa narinig. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa hari at sa kaniyang ama. Doon napansin ng binata na magkakamukha ang tatlo.

Lumakad si Valthazar palapit sa kapatid at mariin itong niyakap.

"Kung hindi pa nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari, hindi ka pupunta rito," sabi ng hari matapos tumanggal sa pagkayakap.

Umismid si Vladimir. "Matagal na panahon na akong itiknawil ng ating mga magulang—"

"Hindi kami sila, kuya Vlad," singit ng protektor. "Mga kapatid mo kami."

Nanlaki ang mata ni Ram sa mga narinig. Ni sa panaginip ay hindi pumasok sa kukute niya na mayroon siyang dugong maharlika. "T-teka?"

Dahil doon ay napatingin sa kaniya ang magkakapatid.

"Bago ko makalimutan," Lumapit si Voldibur sa pamangkin saka muling lumingon sa mga kapatid. "Kuya Vlad, Val, nais kong pag-usapan natin ang tungkol sa nangyari kay Ram."

"T-teka lang," wala sa sariling sambit ng binata. Hindi pa kasi maproseso ng utak niya ang mga nalaman sa araw na iyon. "Mga k-kapatid mo sila, ama? Ang hari ng Merad pati ang protektor?"

Tumango ang hari at protektor samantalang hindi naman kumibo si Vladimir.

"P-paano? Bakit 'di ko alam? Bakit hindi mo sinabi?"

"Saka na namin ipaliliwanag ang lahat, sa ngayon ay kailangan mong idetalye ang nangyari kung paano mo nakuha ang geoluhàr?"

Napatingin ang lahat sa bahagi ng buhok ni Ram na nagkulay ginto. Hinawakan ito ng binata, saka niya naalala ang mga bagay na nangyari sa guhong kastilyo. Pumasok din sa isip niya ang misteryosong lalaki na may malagintong buhok. Ganoon din kasi ang tanong nito sa kaniya.

Ano bang meron sa kulay ng buhok niya ngayon?

"Geoluhàr?" tanong ng binata sa sarili. Hindi niya alam kung bakit subalit biglang umikot ang kaniyang paningin.

Bumagsak si Ram sa sahig at nawalan ng malay tao.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

25.2K 701 44
Under editing revision A modern story of a lost princess. A girl living in a dream. Luxurious life, fame and money. Never thought of being responsibl...
297K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
1.6K 315 21
[ COMPLETED ] Bago pa man siya ipanganak ay nakatakda na ang magiging papel niya sa mundo. She came from the lineage of BABAYLAN and was blessed by...
518K 13.6K 85
(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I h...