Someday We'll Know

By Ri_ri_14

4K 90 8

minsan.....akala mo wala lang sya sayo...kahit matagal na kayong magkakilala..magkasama... pero darating ung... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5.a
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 16.A
CHAPTER 17
CHAPTER 17.A
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 23.A
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26

CHAPTER 5

209 4 2
By Ri_ri_14

NEXT EVENT SA SCHOOL.....

BUWAN NG WIKA..

at ang main event sa month na yun e ang LAKANDULA!!

eto ung contest para sa mga lalaki kung baga pag united nations sila ung sasali sa pageant hahaha

so sa class room namin!....

nagbotohan kung sino ang representative para sa lakandula..

ang pagpipilian e sina GINO at MIKO!

anhirap mamili!!

bakit?

parehas silang gwapo..

mabait.......

talented.......

matalino.......

at parehas pa silang malapit sakin >.<

kainis magpinsan pa sila badtrip :((

so ayun sa dulo....

parehas silang nagbigayan...

kaya dinaan nalang sa bato bato pick!!

at ang nanalo ay si!!..........

MIKO \m/

HAHAHA

nung innanounce ung mga contestant..

todo ngiti si gino......

mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa si Miko hahaha

"ayoko po talaga miss!" sabi niya pa sa adviser namin .

"I'm sorry MR.TIU pero ikaw ung napili e!" sabi naman nung adviser namin

"pero miss!!wala po kong alam dito!!"

"don't worry miko! hahayaan kitang pumili ng isang taong tutulong sayo for the preparation to the contest ok?so sino napili mo?"

medyo kampante naman ako kung sino pipiliin ni miko..

syempre si gino un!! kasi pinsan nya un e...

 kaya lang...

"si patrice po!"

"si patrice po!"

"si patrice po!"

"si patrice po!"

shit..ako daw..

di ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis e..

pano...pinagbubulungan na kami nung mga kaklase kong babae na nagkakandarapa sakanya >.<  pero sorry nalang sila!! eh ako ung pinili ni miko e! wahahaha

"patrice and miko, you have 3 weeks to prepare for this main event so sana wag niyo sayangin ang oras ok? nakasalalay dito ang section natin!"

"yes miss"sabi naman ni miko

ako?tulala hahaha malay ko ba kung ano o pano gagawin ko badtrip naman o!!

paguwi ko...

nag message agad ako ke gabe!

P:gabe!!nandyan ka?

G:oo naman bakit?

P: hahaha wala naman ....

G: tss...ano nga?

P: ano bang kadalasan sinusuot pag buwan ng wika?

G: bakit kasali ka? nice :)

P: hindi hindi! na appoint lang ako mag assist badtrip nga e tsk.

G: ah..hmm ano bang motif?

P: buwan ng wika un e..tas ung theme eh di ko alam..

G: hmm..hahaha teka di ko kasi alam ung theme e..alamin mo muna tas sbihin mo skin ok?

P:sige sige salamat!bye :) nga pala..may cellphone kaba?

G: meron..0906*******  kaso hanggang text lang e!! bawal tawag hahaha

P: ay eksena mo ah!!haha sige text text nalang :) bye ingats :)

tas nun...tinext ko si miko..

hoy.nung balak mo?

walang nagreply so bahala siya hahaha

ginawa ko nalang muna ung homework ko..tas mamaya may nagdoorbell...

naalala ko wala nga pala sina lolo at kuya tsk badtrip naman ung kumakatok o kaasar..

tas bumaba ako..si miko pala..

nakasmile siya sakin..

"tsss nu ginagawa mo dito?"sabi ko..ewan ko pero nabadtrip ako..

"bakit?diba ikaw ung partner ko so kelangan tulungan mo ko!"sabi niya tas pumasok siya sa loob ng bahay namin!

badtrip.ang kapal ng mukha netong lalaking to!

sinara ko ung gate tas pumasok nako ng bahay..

pag pasok ko..nakaupo na siya sa sofa...tae feel at home to ah!mung sira ulo kaasar talaga..

ewan ko ba kung bat asar ako ke miko ngayon basta naiinis ako sakanya..siguro dahil kanina ko pa siya tinetext tas ni isang reply man lang wala!!jusme!!ganyan ba kahalaga piso ? isang reply lang di magawa badtrip >.<

"bat parang badtrip ka huh?" tanong niya

 "sino ba namang di magagalit ha!kanina pa kita tinetext! pilay ba kamay mo ha kaya di ka nagrereply ? o talagang nananadya ka lang?" pasigaw kong sabi

 "eh sinamahan ko kasi si bianca kanina sa library e! tinulungan ko siya sa report niya sa math! so nakasilent ung phone ko" sabi niya sabay kamot sa ulo..

TSSS...sinasabi ko na nga ba e!kaya siguro badtrip ako sa kanya...umaatake na naman si bianca bwiset >.<

"tsss...e kaya mo naman palang tumulong sa iba e!! bat di mo nalang kaya tulungan yang sarili mo! di naman to mahirap na subject e! so I guess di mo na ko kelangan! isara mo nalang ung pinto kung aalis kana!" sabi ko sabay walkout papunta sa kwarto ko...

shit.di ko alam na nasabi kong lahat ng yun...

siguro dahil sa selos? pero wala ako sa lugar para pagselosan si bianca..di ko naman boyfriend si miko e..pero KASI NAMAN!!ANLANDI ni bianca kaasar >.<

hindi agad ako lumabas ng kwarto..baka kasi nandun pa si miko..nakakahiya>.<

then bigla akong nagutom..kaasar na sikmura to ngayon pako nagutom !!

dahil nahihiya nga akong lumabas..tinulog ko nalang..

tas nagising ako after siguro ng mga 2 hours...

GUTOM NA TALAGA AKO!! kaya lumabas nako ng kwarto ko..wala nakong pake kung nandun pa sya or what basta nagugutom nako!!

pag punta ko sa kitchen sa may dining table..may nakatakip na plato..

tas may letter sa ibabaw..

binasa ko ung letter....

"uy!sorry na!! di na talaga mauulit! I'll never ever silent my phone again!! and uunahin ko na muna ung mga mas importante kong gagawin kesa sa iba!! sorry na talaga!! sana tulungan mo parin ako!! hmm..nga pala...pinakeelaman ko na ung ref nyo..yan kainin mo ung hinanda ko sayo..simple lang yan pero sana magustuhan mo..peace na tayo :) "

-miko

ewan ko pero natuwa naman ako..

anggulo ko no? parang kanina galit lng..tas ngayon ok na? hahaha

e lutuan ka ba naman ng crush mo e! sinong di matutuwa >:)))

so kinain ko ung hinanda niya...

kanin un e tska may ulam..parang adobo

ang ganda nung presentation...

tas sumubo ako ng isa..

guess what??

NAILUWA ko bigla!

hindi kasi kaaya aya ung lasa hahahaha

pero kahit na..ayos lang kesa naman wala!!

tska si miko nagluto nun e!! hahaha

kinabukasan...

lunch time yun...

"miko!"tawag ko

"po?yieee..bati na kami!sorry na!"nakasmile niya pang sabi...

"halika dito!" tawag ko

"bakit?"tanong niya

 "me bubulong ako sayo!"sabi ko

paglapit niya..

lumapit ako sa tenga niya at sabi ko...

"BALAK MO BA KONG LASUNIN HUH?"

"hala!bat di ba masarap?"sabi niya medyo malungkot ung facial expression nya tas nag tone down ung voice nya...

"ah eh eh...siguro kelangan pa ng onting practice! pero naubos ko naman e! so don't worry!" sabI ko then I smiled

pero malungkot parin ung mukha niya...

"uy ok lang un ano kaba!at least you tried your best diba?"sabi ko tas inabot ko ung lunch box na ibibigay ko sakanya..parang thank you gift lang hahaha

 "ano to?"tanong niya

"packed lunch yan..ahmm..peace offering din?hahaha kainin mo yan!" sabi ko

ngumiti siya..

"wala bang lason to?baka gumaganti ka lng?"sabi niya

"wala!!hahaha sige na kainin mo yan a!kita nalang tayo mamaya sa bahay! after class!"sabi ko tas tumalikod nako sakanya then I started to walk..

"Patrice!"sigaw niya

lumingon naman ako...

"thank you a!"sabi nya then tinaas niya ung lnch box then he winked..

tumango lang naman ako...

tas pagtalikod ko..todo smile hahaha parang tanga lang :)))

hahaha e nag wiwink pa kasi..yan tuloy..

NIKIKILIG AKO wahahaha

MIKO'S POV

wew..anhirap ng role na binigay sakin..

isali ba naman ako sa contest na di ako interesado!!

buti nalang pinapili ako ng taong tutulong sakin..

and pinili ko si PATRICE para naman mas interesting at maenjoy ko ung contest diba diba?hahaha

di ko alam pero masaya ako pag kasama ko si patrice!

e nakakatuwa kasi siya..di siya maarte di tulad nung iba..basta simple lang and ganun parin siya di siya nagbago tulad ng dati :)

so I picked her to help me..ayun 3 weeks..3 weeks ko siyang makakasama hahaha o diba ansaya? hahaha

medyo nainis siya sakin kahapon..pano si bianca kasi e..di ako makatanggi sakanya kasi kundi me sasabihin siya kay patrice na alam kong pag nalaman niya e magaalala lang un!kaya no choice ako pagdating ke bianca! kung ano un?secret hahaha

pero syempre humingi naman ako ng sorry sakanya..pinagluto ko siya..kaya nga lang..dI successful hahaha di masarap ung kinalabasan...

pero nagulat ako..naubos daw niya hahaha..o diba kaya bilib ako dun e !

tas in return..pinagluto nya rin ako..

ung luto niya?

MASARAP \m/

kulang nalang ubusin ko lahat un e..kaya lang si gino antakaw e..nakishare pa hahaha

uuwi muna ko sa bahay para magpalit tas pupunta nako sa kanila..hahaha tatawid lang naman ako e XD

pagdoorbell ko kina patrice...si Lolo Deo ung nagbukas sakin..

pinapasok ako nI Lolo Deo.nagmano ako sakanya......

"hmmm si patrice po Lo?" tanong ko..

"naku..di pa umuuwi apo!hinihintay ko nga e at may lalakarin pako!"sabi ni lolo

"ah eh iho! kilala naman kita e!! alam kong may mabuti kang kalooban! pwede bang..."

"ano po un Lolo?"

"eh bukas kasi at sa linggo..di ako uuwi at me business meeting kami sa tagaytay..e wala kasing maiiwan dito kasama ni patrice e..ung kuya niya next week pa ang uwi..e si gino namay alam kong madami ding gagawin..pwede bang samahan mo muna si patrice ?"

hahaha napangiti ako.....

"ahmm..ngayon hanggang kelan ho ulit?"

"ngayong gabi hanggang lunes..uuwi nako sa lunes ng gabi e! so pwede kabang matulog dito ng 3 gabi? tiwala naman akong di mo gagalawin ang apo ko e! hahaha"

"sssige po lolo! magiingat po kayo ah! ako napong bahala sa apo niyo! makakaasa po kayo

"sige iho!mauna nako!magiingat kayo dito!"

pagalis ni lolo...

umuwi muna ko saglit samin para kumuha ng damit...

tas bumalik ulit ako sakanila.......

hinintay ko si patrice..antagal naman talaga oh!!

kaya ayun..nanuod nalang ako ng tv..e walang magandang palabas..ayun..nangeelam nako sa mga dvd na nandun..

grabe ah..puro. koreanovela HAHAHAHA mga babae talaga ngayon iba iba hilig ...hilig sa koreano tsk tsk tsk..

tas ayun..after an hour may nagdoorbell..then yes..si patrice na nga. hahaha

nakakatuwa ung reaction niya..mung gulat hahaha

I smiled at her then she asked

"ano ginagawa mo rito?"

di ko siya sinagot instead..

I took her bag and then I go inside the house..

"nasan si lolo?"inulit niya...

"may business meeting daw siya sa tagaytay" tas napapangiti parin ako..hahaha di ko nga alam kung bakit e..basta weird..

tas umupo ulit ako sa sofa...

"ah ganun ba..e bat iniwan ka niya dito magisa?"

"bakit masama?tska..muka bakong magnanakaw ha?"

"hmmm...di naman..pero bat may dala kang bag ha?"tas tinuro niya un bag ko...

"why don't you just see it yourself!" sabi ko

tas binuksan niya ung bag ko...

"damit?ano to?I mean para san? idodonate mo?ahh..nice" sabi niya

natawa naman ako hahaha may sapak din tong babaeng to e!!

top 2 sa buong batch namin pero may pagkasloow hahaha

umiinom siya nun ng tubig nang tumayo ako at lumapit sa kanya..

"di yan idodonate..damit ko yan..I'll be staying her for 3 nights..24/7 requested by your Lolo" sabi ko then I smiled at her..AGAIN hahaha

kaya lang..

biglang nabasag ung basong hawak niya..

then she was frozed.....

PATRICE POV

nagulat ako..

he's staying here for couple of  days and nights? ano kayang pumasok sa kokote ng lolo ko hahaha kaya un..sa gulat ko

nabitawan ko ung baso

malamang basag hahaha

tas nilapitan ako ni miko

"gumilid ka dyan ako na magliligpit nyan!" sabi niya

"di di ako na!"sabi ko naman

"ako na baka mabubog ka pa!"

"di ako na!" tas kinukuha ko ung mga nabasag napieces nung baso then

shoot..

"AWWW!" nabubog na nga ako..

"ang kulit mo kasi e!! yan tuloy!"sabi niya...

kinuha niya ung index finger ko na nagdudugo then sinipsip niya ung dugo..

shit.....ang sweet niyaaaaa :"> hahahaha nabubog na ansaya pa eno?HAHAHA

"ok kalang?tumayo ka na dyan tas hugasan mo yang kamay mo..san ba nakalagay ung first aid kit nyo?"natataranta niyang sabi..

tinuro ko naman san nakalagay ung first aid kit then naghugas nako ng kamay tas pinaupo niya ko sa may sala namin...

"amin na yang daliri mo!" sabi niya

tas nilagyan nya ng alcohol tas bandaid

"ok na yan!malayo sa bituka!"sabi ko pa

"tss..onga malayo sa bituka..e ikaw kasi e!magingat ka nga!!sinabi ko na syo yan e!"

"opo!sorry na po!e bat kasi ikaw?"

"ang alin?"tanung niya

"uuung ano-o...ung bantay?"

"ah hahaha!e wala nakong magagwa dun ako napili ng lolo mo e!! siguro dahil maganda akong katiwala!hahaha!" sabi niya na tumatawa

"tss..ikaw?maaasahan?haha grabe a!"

tapos..

"weh!haha bat ayaw mo senyo?"

"it's a long story!" sabi niya

"tss..ayaw mo lang magshare e!hahaha"

"di naman sa ayaw..ganito kasi un...sa bahay namin..wala na dun ung tunay kong nanay...hiwalay na kasi sila ng papa ko..then ung papa ko naman..ayun may asawa ng iba nakatira sa bahay..di lang ako sanay na ganun ung setup sa bahay..buti nalang talaga nandun sina gino!"

tinignan ko si miko..medyo feel ko na malungkot siya..halata naman sa mukha niya e haha

tinapik ko sya sa balikat ..

"ok lang yan dre..naiintindihan kita..siguro mas mahirap ung sitwasyon mo..na parehas namang nandyan ung real parents mo pero alam mo na kahit kelan di mo na sila ulit makikitang magkasama..pero mas ok narin yan..kesa naman ung akin..na kahit kelan di ko na sila makikita!hahaha" sabi ko

ngumiti siya then hinawakan niya ung kamay ko...

"salamat dre"sabi niya

"wala un!"then I smiled back to him..

dahil Friday ngayon...puyatan day! \m/

kaso 8 pm palang nun e...at gutom na ko...di kasi ako nakapagmeryenda nung uwian kanina..dami kasing ginagawa e!!

"ahmm..nagugutom ka na?" tanong ko kay miko na tumatawa habang nanunood ng tv..

"hmm..ayos lang..ikaw ba?"

"medyo..." sabi ko..pumunta ko sa kitchen namin..

pagbukas ko ng ref..

minamalas nga naman..

walang laman >.<

e wala panaman akong extra money..T_T

bumalik ulit ako sa sala...nakasimangot ahaha eh gutom nga e!!

"anyare sa mukha mo huh?" tanong ni miko..

"walang laman ung ref.."sabi ko tas biglang tumunog ung tyan ko..

"hahaha..edi tara na bumili na tayo!" tumayo siya tas pinatay ung tv......

"wala..."

"anong wala?"tanong niya......

 "wala akong pera!"mahina kong sabi...

"hahaha...edi dun tayo sa restaurant niyo!"

"teka!!ayaw ko na dun!! nagsasawa nako..gagawa ko paraan!"sabi ko..

"wag na!ako nang bahala!"sabi niya

"hindi!nakakahiya na!saglit lang!" sabi ko tas umupo muna sa siya ulit sa sofa..

kinuha ko ung phone ko..

tinawagan ko si kuya

"hello?"sabi ni kuya...

"KUUYAA!!!PADALAN MOKO NG PERA!!NGAYON NA!!!"

"hahaha kelangan sinisagawan talaga?"sabi ni kuya..

"dali na!!nakalimutan ni lolo na bigyan ako ng pera e!dali na gutom na koooo!!bigay mo na account no. mo!!dali na kuya pleaaasseee..."

"sige sige..kelan ba uuwi si lolo?"

"sa Monday pa!!"

"eh sino kasama mo diyan?"

"si miko >.<"...

"AH HAHAHA NICE.sige isesend ko ung acc.no ko..pakausap muna ke miko!"

"huh?bat ano sasabihin mo?"

"ibigay mo nalang ang kulit!"

binigay ko kay miko ung cellphone...

tas bigla siyang lumalayo habang kausap si kuya tas tumatawa pa...

tsss..ano kaya pinaguusapan nun badtrip >.<

tas pagkabigay ni miko ng phone sakin..

lumabas na kami..

pumunta muna kami sa remmitance center para kunin ung pera then pumunta kami ng grocery na malapit samin...

siya ung kumuha ng cart....

andami niyang pinagkukuha..

ako naman..tagabalik nung pinagkukuha niya hahaha

"uy!!andami naman netong pinagkukuha mo!!"sabi ko

"akala mo lang yan!!anlakas mo kayang kumain!!hahahaha"

"aba aba aba!!ayos a!tsk tsk..."

pumunta kami sa may ice creaman...

nung pumipili kami ng flavor....nakita ko si bianca....

"uy si bianca un diba?ayun o!"tas tinuro pa..

nilingon siya ni miko...

"shit"sabi ni miko tas hinatak niya agad ung cart namin tas sabi niya sumunod ako sakanya..

sumunod naman ako...di ko alam kung bakit kelangan namin magtago..pero ok narin un kesa naman mangistorbo pa si bianca samin hahahaha..

tinitignan lang namin si bianca..may tinutulak din itong cart...tas nagulat ako sa kasama niya...

kasama niya si gino..

bat niya kasama si gino?anong meron??

tinignan ko si gino...nasa likod siya ni bianca..sinusundan niya lang kung san si bianca magpunta...

tas medyo nakayuko siya mung malungkot....

 nagsasalita si bianca pero di niya ito pinapansin..

ano kayang meron? matagal ko nang kilala si gino pero ngayon ko lang nalaman na parang may something between him and bianca......

"tara na!magbayad na tayo!"sabi ni miko tas hinatak niya ko...

nung pauwi na kami...

tinanong ko si miko...

"anong meron kina gino at bianca?"

"patrice..kung ano man ung nakita mo kanina..kalimutan mo nalang un ok?"sabi niya

Tas ayun..tulala lang ako...

MIKO'S POV

pag uwi namin kina patrice...alam kong andami niyang tanong..pero di kasi talaga pwede sabihin e..

kaya lang........

di ko siya matiis...

"ipagluto mo muna ko tas pag nasarapan ako..sasabihin ko sayo kung anong meron kay gino at bianca" sabi ko

then bigla siyang ngumiti

"sasabihin mo talaga?"tanung nya

"eh kung ayaw mo ayos lang din.."

"sige sige manuod ka muna dun magluluto ako!!"sabi niya

ayun..mukha siyang nabuhayan..

ganun ba talaga sya kaconcern ke gino?

tssss...

pero tama lang naman un..bestfriend niya si gino e hahaha

PATRICE POV

ayun...sasabihin din ni miko ung nga tanong ko >:)))

yesss hahahaha

sabi ko sakanya ...manuod muna siya ng tv habang magluluto ako...

kaso..

pasaway talaga tong lalaking to tsk tsk..

nanuod sa harap ko..

"ah so ayaw mo manuod ng tv?"sabi ko

tumawa lang sya..

"gusto ko matuto magluto!!"sabi niya

"talaga lang huh?"

"OO! nang sa susunod...kaaya - aya na ung lulutuin ko hahaha"

"hahaha tama yan!..sige manuod ka lang diyan!"

"nga pala...ano bang gusto mong kainin?"tanong ko..

"hmm..gusto ko sana ng ihaw e..kaso gabi na hahaha "sabI niya

"ihaw?hmm...yun lang pala e! meron kami diyang mini ihawan haha di naman ihaw pero nakakagrill sya..kaya lang kung gutom kana ok lang kung imamarinate ko nalang ung pork?"

"sige sige basta ihaw haha sayang akala ko makikita kitang magluto tsk.."sabi niya

"hahaha next time tuturuan kita!"sabi ko

"sige ba!"

then inihanda kona ung lulutuin namin..para shang shabu shabu hahaha ung mini griller as in mini hahaha

pagkakain namin...ayun busog sarap

Tas inumpisahan ko nang magligpit ng lamesa..

"ako na maghuhugas!"sabi niya

"sssige.."

"hahaha master ko ata yan!" sabi niya

tas bumalik kami sa sala..bukas tv..pahinga onti..

"hmm..so...kwento mona!'sbi ko sa kanya

"ang alin?"

"hala!!ung ke gino at bianca..."

"ah..tsss wag na un!"

badtrip to ah! barbero!tsk!

binato ko sya ng unan

tumawa lang sya..

"andaya mo!"sabi ko..

"haha..joke lng..eto na nga magkukwento na.."

tas medyo tumabi sya sakin tas kumuha siya ng unan tas yakap niya..

"ex ni gino si bianca"sabi niya

"wahahaha seryoso ka?Wag mo nga ako pinagloloko miko!"sabi ko pa tas anlakas talaga ng tawa ko..para kaseng joke ung sinabi niya e hahaha

"tsss bahala ka nga ayaw mo maniwala!wag ka ng magtatanung a!"

"soo...totoo nga?"tanong ko

"OO NGA !"

"hala..di ko alam un a! tsk..nakakahiya naman ako..di ko alam un pero parati ko naman kasama si gino.."

"eh ikaw kasi e..kung sino sino inaatupag mo!"

"chee! e bakit sila nagbreak?"

"hmm...di ko rin alam e!"

"ah.."

"oy Ina wag mong sasabihin un a!sating dalawa lang un!"

"opo.."

hoy ina?

bat alam niya nickname ko?

 "hoy INA?"

"ah eh..ahmm..narinig ko lang kina gino un!kaw naman o!"sabi niya

"ahh...haha di lang ako sanay haha"

kaya INA kasi nga ung full name ko FININA PATRICE RAMIREZ...

pero ung mga childhood friends ko lang ung tumatawag sakin ng ina..

ewan ko..pero bigla kong naalala si gabe..kaya un..

kinuha ko ung laptop ko tas nag ol ako sa ym..

nag pm ako kay gabe...pero walang sumasagot..

"ano bayan ang tagal!"angal ko

"ng alin?"tanong ni miko

"ah wala.."sabi ko

tas tinignan nya ung screen ng laptop ko..

"si gabe?"

"oo...kaso di ata sya ol..wrong timing.."

"may gusto ka ba kay gabe?"tanong niya..

"hahaha wala noh!!ikaw naman!"

"e bat namumula ka?"sabi niya

"ako?di noh! hoy miko don't jump into conclusions please!"

"sige sabi mo e!!hahaha gabe ka pala a!!"

sa asar ko..

aakyat na sana ko sa kwarto ko..

pagdating ko sa gitna ng hagdanan..

BOOM

BROWNOUT >.<

"aahhh!"sigaw ko..

ayaw ko kasi sa dilim..gabi pa naman..wala panaman sina kuya..

and the worst part is..

NASA KALAGITNAAN PAKO NG HAGDANAN NAMIN!!

tas biglang may may umilaw sa baba..

pumikit ako..naglalakad kasi ung ilaw..

"huy wag kang maingay hawakan mo to turo mo kwarto mo!"sabi ni miko

inabot niya sakin ung cellphone niya..

un pala ung umiilaw wahahaha

"s-s-s-ii-g-ee"nanginginig kong sabi

hinawakan ni miko ung kamay ko...

"hahaha grabe a!anlamig mo!mamaya maihi ka nalang bigla haha"sabi niya

"a-ns-aa-m-aa mo! umalis ka na nga!"

"ah ok sige uuwi nako!!haha good luck nalang sayo dito!!brownout pa naman!"

"uy joke lang!"

"hahaha sabi na nga ba di mo kaya e tsk!"

tas nagulat nako sa mga susunod na pangyayari!!

binuhat niya ko...

"hawakan mo ng maayos ung cellphone ko! itapat mo sa daanan ng makita ko..san kwarto mo?"

tanong niya

ginuide ko naman siya through the cellphone..

tas pagpasok namin sa kwarto..

binaba niya ko sakto sa kama ko..

"ambigat mo haha!"

"chee!"

"so anong gagawin natin?"sabi niya

"ewan ko.."sabi ko

"hmm..di kaba naantok?"tanong nya

"walang hangin e!! di ako makakatulog niyan!" sabi ko..

"ako rin e tsk..11:50 na pala!"sabi niya

kinuha ko ung laptop ko..kaso lowbat..badtrip >.<

tumabi sakin si miko..

medyo nailang naman ako..

"a-aanong bal--ak moo?"tanong ko

"ano kayang magandang gawin..wala kabang naiisip?tayong 2 lang o!!nasa kwarto pa tayo..wala pang kuryente!"sabi niya

binato ko siya ng unan

"SIRA ULO KA!MANIAC!"

tumwa lang sya

"hahaha asa ka! kahit mastock pa tayo ng 1 taon dito wala kong balak na galawin ka no!marami pakong pangarap sa buhay!"sabi niya

"ah so panira ko ng kinabukasan mo????"sabi ko

"hahaha di naman..hmm..para kang obstacle ng buhay ko haha"

"obstacle?bakit?"

"basta...wag mo nang alamin!! matulog ka na lang!"

"tss..pano nga ko makakatulog e mainit"

"hahaha...edi maghuibad ka! mainit pala e!"

tas tinanggal niya ung tshirt niya

"HOY TIU!! BASTOS KA!PERVERT! SUOTIN MO NGA YANG TSHIRT MO!"

"E mainit e!!matulog ka na nga! wag mo na kong pansinin dito..hmm.siguro gusto mo lang makita katawan ko no??hahaha"

"ANYABANG MO!FEELER KA!"

tumawa lang sya..

pumwesto nako para matulog..kaso di talaga ako makatulog

grabe ah!katabi ko si miko sa kama ko wahahaha

mamaya maya..parang nay hangin..pinapaypayan pala ako ni miko

"uy wag na nakakahiya"sabi ko

"sige na matulog ka na!"sabi niya

then ayun. minutes after..nakatulog narin ako...

salamat kay miko HAHAHA

grabe ah! answeet niya!! pinaypayan niya pako yun un e! >:))

nagising ako mga 8:30 ng umaga...

pagbangon ko..tulog pa si miko

may kuryente na pala haha

nakapatong lang ung tshirt nya sa upper body nya

grabe ah..

ang hot nya hahaha

tinitigan ko siya..medyo matagal

haha sa sobrang tagal

di ko namalayang nagising na pala sya

"sinasabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin e!"sab niya

"UTANG NA LOOB MIKO! kahapon ka pa ha!"sabi ko haha defensive masyado hahaa

tas tumayo nako palabas ng kwarto!

pagbaba ko....naghanda agad ako ng breakfast....simple lang.sinangag sa natirang kanin kagabi tas hotdog itlog un lang hahaha

-----------------------------------------------

HI GUYS! SORRY NA KUNG MAHABA :)) PAGCHAGAAN NALANGS :>

Continue Reading

You'll Also Like

903K 36.8K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.6M 71.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.