YAYO

By PaulitoX

494K 10.5K 1.2K

Isang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at mala... More

Prologue
Chapter 1: Crush
Chapter 2: Mommy
Chapter 3: Friends
Chapter 4: Lucky Charm
Chapter 5: Barkada
Chapter 6: Road Trip
Chapter 7: Change
Chapter 8: Chance Encounter
Chapter 9: Tukso
Chapter 10: Tuliro
Chapter 11: Hinala
Chapter 12: Dark Side
Chapter 13: Sly
Chapter 14: Troops
Chapter 15: Oninny
Chapter 16: Chance Encounter 2
Chapter 17: Ebiesbi
Chapter 18: #FreShi
Chapter 19: Sheyos
Chapter 20: Inside Debt
Chapter 21: Daddy Shorts
Chapter 22: Reconnect
Chapter 23: BFF
Chaper 24: Katotohanan
Chapter 25: Pagtanggap
Chapter 26: Backfire
Chapter 27: Past Tense
Chapter 28: Mitsa
Chapter 29: Figurine
Chapter 30: Flash
Chapter 31: Yayo
Chapter 32: Pagtibok
Chapter 33: Bagyo
Chapter 34: Sandalan
Chapter 35: Tita Pat
Chapter 36: Interogasyon
Chapter 37: Tamporado
Chapter 38: Weakling
Chapter 39: Kels
Chapter 40: Inner Circle
Chapter 41: Killing Instinct
Chapter 42: Risks
Chapter 44: Wedding Day
Chapter 45: Ground Zero
Chapter 46: Step Closer
Chapter 47: Rekindle
Chapter 48: Confusion
Chapter 49: The Date
Chapter 50: Mermaid
Chapter 51: Turning Point
Chapter 52: Mortal
Chapter 53: Sweets
Chapter 54: Sandalan
Chapter 55: Motibo
Chapter 56: No Escape
Chapter 57: The Now
Chapter 58: Ang Yayo
Chapter 59: Not Alone
Epilogue

Chapter 43: Yanig

7.1K 161 32
By PaulitoX

Chapter 43: Yanig

Isang Sabado talon na ng talon si Nina nang makita yung kotse ni Onofre. Si Dani todo ayos sa sarili saka kinarga na anak niya para lumabas sila ng gate. "Kaloy" sigaw ni Nina nang makita yung batang lalake na karga ni Onofre.

"Ay ang cute naman ni Kaloy today" sabi ni Dani pero nagulat siyang nang tutuka sana si Onofre sa kanyang pisngi. Napatigil si Onofre kaya naging beso nalang yung nangyari. "Ah kiss tita" banat ng binata kaya humalik si Karlo kay Dani. "Wait, paki bantayan saglit may ilalabas lang ako" sabi ni Onofre.

Nagpababa din si Nina saka nagtalunan sila ni Karlo. "Bike" sabi ng batang lalake. Dalawang bike ang nilabas ni Onofre mula sa kotse kaya si Karlo talon ng talon. "Binili ng ate ko, one for Karlo and one for Ninny" sabi ni Onofre.

"Wow, Ninny o look. Tita Pat bought you a bike" sabi ni Dani. "Pooh" bigkas ni Nina. "Yes this Pooh bike is yours, kay Karlo naman tong Cookie Monster bike" sabi ni Onofre. Naatat yung batang lalake pero tinaas ni Onofre yung dalawang bike. "Not here, doon tayo sa park" sabi niya.

Pagdating sa park agad sumakay si Karlo kaya nainggit si Nina. "Ride mo din bike mo o. Ayan o loo at him" sabi ni Dani. Sumakay si Nina pero di niya alam pano patakbuhin yung laruan niyang bike. Si Karlo sigaw ng sigaw kahit patigil tigil yung pagbike niya kaya si Nina inggit na inggit na talaga.

"Ninny eto, feet mo dito o. Tapos kick mo, ayan try mo...ayan ayan o moving" sabi ni Onofre. Naaliw ang batang babae pero bigla ito tinamad. "Oh no, sige push kita ha pero lagay mo feet mo sa pedals" sabi ng binata.

Biglang bumilis si Karlo kaya napasigaw si Dani at humabol. Natuwa si Nina, tili siya ng tili pero labis na nainggit kaya nakawawa ng husto si Onofre pagkat kinailangan niya itulak yung bike ng batang babae para bumilis din siya. "Wait Ninny kakapagod, ang tamad mo ha" reklamo ng binata. "Prinsesa anak ko e" pacute ni Dani.

Isang oras lumipas sa may garahe nina Dani pawis na pawis si Onofre kaya todo punas naman si Dani sa kanya gamit ang twalya. "Look at them so cute washing their bikes, manang mana sa iyo talaga si Nina" biro ni Onofre.

"May change of shirt ka?" lambing ni Dani. "Yeah meron, kunin ko mamaya" sabi ng binata. "Now, baka magkasakit ka" sabi ng dalaga kaya umalis ang binata. "Lulu wash" sabi ni Nina. "Oh very good. Hello Karlo" sabi ni Martin kaya lumapit yung batang lalake saka biglang nag bless.

"Wow" bigksas ni Dani. "Bakit bakit?" tanong ni Onofre na kababalik. "Tinuruan mo mag bless?" tanong ng dalaga. "Oh yeah, nag bless siya?" tanong ng binata. "Oo" sabi ni Dani. "Very good boy Karlo" sabi ni Onofre saka hinalikan ang bata sa noo.

Naiinggit si Nina kaya tinignan niya yung binata. "Ninny come, if you see your lolo or lola you bless. Karlo bless lolo" sabi ng binata kaya nagbless yung bata. Ginaya ni Nina yung ginawa ng bata kaya si Martin natuwa ng husto at hinalikan ang mga bata.

"Go bless lola" sabi ni Martin. "Lula bless" sigaw ni Nina saka hinila si Karlo. Pumasok yung dalawa sa bahay para hanapin si Sarah habang si Martin pinagmasdan yung mga bagong bike. Nagbiro si Onofre na nakatayo sa likuran ng matanda, natatawa si Dani pagkat nagkukunwari ang binata na inaabot kamay ng matanda.

"Bless..dad..ay" bigkas ng binata kaya napahiyaw si Dani saka inatake yung binata ng kurot. "Tito pala" kabig ni Onofre. Narinig nila yung hiyaw at tawa ni Sarah kaya napakamot si Martin. "Mukhang buong araw na pagmamano ang mangyari" biro niya saka pumasok ng bahay. "Paki sabi kay ate salamat" sabi ni Dani.

"Ikaw na ano, message mo nalang later" sabi ng binata. "Okay, pero ang porma ata natin ngayon ah. Pogi" landi ng dalaga. "Syempre dadalaw ako dito, alangan na magpambahay nanaman ako" sabi ng binata.

"Pinopormahan mo ba ako?" tanong ng dalaga. "Epektib ba?" biro ng binata. "Oo e" pabirong sagot ng dalaga. "Dad bless" banat ni Onofre kaya humiyaw yung dalaga at muling tinadtad ng kurot yung binata.

"Nof are you four going out?" tanong ni Sarah. "No tita, dito lang po sana kami" sagot ng binata pero pilyang Dani bumulong sa tenga ng binata. "Mommy hindi tita" biro niya kaya nagpigil ng tawa yung binata.

"Oh very good, I will bake for them. Do you want cookies or cake?" tanong ni Sarah. "Kik!" sigaw ni Karlo kaya gumawa din si Nina. "Hahaha okay kik, we shall bake kik" sabi ni Sarah.

"Come on kids cartoons" sabi ni Dani pero yung dalawang bata yaw na umalis sa kusina. "Dito sila, papanoorin nila ako. Go sit with lolo over there first" sabi ni Sarah. "Kakandong ako kay dad" bulong ni Onofre kaya humalakhak si Dani kaya lahat napatingin sa kanya.

"Nof! Si Nof kasi e" sabi niya saka hinabol ng kurot yung binata. Naupo sa sofa si Onofre kaya tumabi ang dalaga na tawang tawa pa. "Ay amazing hindi sila sumunod. I was expecting to get super pinched" sabi ng binata. "Kasi mommy gave them chocolates, wise din si mama e"

"She secretly gives Ninny chocolates para makuha atensyon niya" sabi ni Dani. "Di ba nadadaan sa ngiti?" tanong ng binata. "Ngiti?" tanong ni Dani. "Tulad mo, ngitian mo lang ako nakukuha mo na atensyon ko" banat ng binata kaya natili yung dalaga at kinagat ang binata sa braso. "Ikaw talaga, pinag prapraktisan mo nanaman ako ah" sabi ni Dani.

"Duh, that was the truth. May paparating na bagyo ulit, sa condo ulit ako soon" sabi ng binata. "Oo nga daw pero dadaan lang naman daw ata" sabi ni Dani. "Takot talaga si ate, pero okay lang para mas malapit ako dito" sabi ng binata.

"Since they are here maybe we can have pizza" sabi ni Martin. "Hay naku magluluto nalang ako. Hindi healthy yang Pizza" sabi ni Sarah kaya lumapit si Martin at kinalabit si Onofre. "Po?" tanong ng binata.

"Favorite ni Nof yon" sabi ni Martin kaya nanlaki ang mga mata ng binata. "Nof is that true? If that is the case sige umorder ka na" sabi ni Sarah. "Ah uy tita nakakahiya naman, yung luto niyo nalang" sabi ni Onofre pero kinalabit siya ng madiin ni Martin.

"O yan pareho kayong mahilig sa pizza. Sige na you call already. Order two big ones" sabi ni Sarah kaya inabot ni Martin yung brochure at wireless phone sa binata. "This one and this one tapos samahan mo ng two packs of mojos and then this one" sabi niya pabulong kaya pigil tawa si Dani.

"Lakas mo kay mama ah" sabi ng dalaga. "Syemps" sagot ng binata saka mister pogi pose kaya super natawa si Dani. "Bakit favorite ba ni dad ang pizza?" tanong ni Onofre kaya super halakhak ulit si Dani. "O you started it, favorite ba niya?" tanong ng binata.

"Yeah, pero si mama kontra lagi. Wise ni daddy nakahanap ng rason" sabi ng dalaga. "Ano na ulit tinuro niya? Eto ba? Mahirap na magkamali baka mabawi yung pagpapalakas ko kay dad" landi ng binata kaya laugh trip silang dalawa.

"So kumusta yung babae mo?" tanong ni Dani saka nagtaas ng kilay. "Ewan ko kumusta ka ba?" sagot ng binata kaya natili konti ang dalaga saka kinurot ang binata sa tiyan ng malakas. "Aray ko po" sabi niya. "Si Shirley, officially dating na ang peg niyo diba so ano na balita?" tanong ng dalaga.

"Ewan ko, nothing has changed. Next week na yung kasal ng pinsan niya" sabi ni Onofre. "Di ka pa sinagot?" tanong ni Dani. "Di pa naman. Di naman ako nag eexpect, mahirap masaktan at umasa. Yeah we are dating, getting to know each other more" sabi ng binata.

"I see, kapit ka lang" sabi ng dalaga pero biglang humawa si Onofre sa kamay niya. Natawa si Dani, palambing na hinampas yung binat sa dibdib saka palambing din na kumurot. "Sinabi ko ba sa akin?" tanong niya.

"Para paraan lang yan" banat ni Onofre kaya palambing na hinampas ng dalaga ang binata sa dibdib gamit ang isang unan. "Nakatawag ka na ba?" tanong ni Martin kaya nahiya yung dalawa pagkat huling huli yung holding hands nila.

"Ay dad busy kanina..teka po uulit ako now" sabi ni Onofre habang si Dani nagtakip ng bibig saka tinignan daddy niya. Medyo kumunot noo ng matanda pero napangisi konti. Pagkalayo niya inatake ng kurot ni Dani si Onofre kaya ang binata tumiklop. "Aray ko, ano ba? Teka lang tatawag ako ng pizza" sabi niya.

"You just called my dad, dad" sabi ng dalaga. "Shit, ano?" tanong ni Onofre. "Gagi you did" sabi ni Dani kaya natauhan yung binata. "Oh my God, oo nga no. Oh my God, oh my God" bigkas ni Onofre saka tinakpan mukha niya sa hiya.

Pagkatapos mag order inuga ni Onofre ulo niya. "So ano magtatawagan na tayong sweetey ganon ba?" biro ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Yun ba ang gusto mong term of endearment natin if ever?" tanong niya. "Gagi to it was a joke" sabi ng dalaga. "I know but if ever lang naman, it does not have to be me, sweetey ang gusto mo na tawagan?" tanong ng binata.

"Hmmm ewan ko, ikaw ano prefer mo?" tanong ni Dani. "I really have no idea. Honestly di ko makita yung point sa ganyan pero if I imagine it kinikilig din ako. Nag iimagine din ako calling someone hon or babe or love" sabi ni Onofre.

"Pero pag ikaw siguro it will be Phi" sabi ng binata. Pigil kilig ang dalaga saka nagtaka, "Bakit naman Phi? Ano meaning non?" tanong ni Dani. "Duh, Sophia, shortcut is Phi. So ano gusto mo Sop, Sops, ganon ba? Nickname mo is Dani, alam ng lahat yan. So para unique I wanna call you Phi para ako lang nagtatawag sa iyo non" sabi ng binata.

Super ngiti si Dani saka palambing na tinutulak yung binata. "Phi Phikels" bulong ng binata kaya umariba sa tawa ang dalaga saka pinaghahampas ang binata sa dibdib. "Sabi ko na nga e joke yon e" sabi ni Dani. "Joke yung huli peo seryoso ako sa Phi" sabi ng binata.

"Ayaw ko na, ganon pala yung buo" sabi ng dalaga. "Di no, naisip ko lang bigla yon. Phi...ano epekto?" tanong ng binata kaya nagkatitigan sila. "Try mo nga" sabi ni Dani. "Phi" ulit ng binata. "Hmmmm ewan ko" sagot ng dalaga. "Love.." bigkas ng binata kaya natili yung dalaga at hinampas ng malakas yung binata sa dibdib.

"Aray ko ang sakit" reklamo ng binata. "Hahaha gagi ka e, sineseryoso mo naman e" sabi ni Dani. "Experiment nga e, so syempre in the zone ako. Iniisip ko talaga what if ikaw nga talaga. Ano naman point ng experiment pag di mo seryosohin?" tanong ng binata.

"Fine, success. O yan happy ka?" tanong ng dalaga. "Really? So if ever pag naging tayo e...love what did you with hair today?" landi ng binata kaya natili ang dalaga saka sinakal ang binata sa leeg palambing. "Aray ko po, try mo nga din sa akin tignan ko kung may epekto" sabi ng binata.

Natatawa si Dani, walang tigil na pinaghahampas ang binata gamit ang unan. "Titiisin ko ang lahat ng sakit basta ikaw" banat ni Onofre kaya lalong nagwala ang dalaga. Lumuhod na sa sofa si Dani, sinabunutan ang binata sa tindi ng kilig kaya biglang sumulpot si Martin.

"Daddy" sabi ni Dani saka natawa nalang basta saka umakyat sa second floor. "Were you two fighting?" tanong ng Martin. "Hindi po, basta nalang po napossessed siya" sagot ni Onofre. "She has been acting strange lately" sabi ni Martin saka nila narinig yung malakas na tawa ni Dani mula sa second floor.

Alas nuebe ng gabi nakaharap si Onofre sa laptop niya. "Ninny why are you awake?" tanong ng binata. "Nagising tapos nag bike" sabi ni Dani. "Nagbike?" tanong ng binata. "Oo, naalala niya yung bike then dinala siya ni daddy sa labas, she wanted to ride it so pinasok ni daddy"

"Marunong na siya konti pero parang nagtataka siya bakit tatlo lang gulong. Tapos kumain ng cake kaya eto hyper nanaman" sabi ni Dani. "Well ako busog na busog parin ako" sabi ni Onofre. "Pano naman parang naghati kayo ni daddy don sa isang box" sabi ng dalaga.

"Alok siya ng alok e, parang ginagawa talaga akong excuse para kumuha pa siya. Ang lakas niya mag hot sauce" sabi ni Onofre. "Mama wipe" sabi ng bata saka bumaba. "Wipe? Is the bike there?" tanong ng binata. "Ayan o, grabe ayaw niya ipaiwan sa labas. Gusto niya lagi niya nakikita" sabi ng dalaga.

"E bakit kanina parang ayaw niya yung bike?" tanong ni Onofre. "Baka nahihiya or kasi nandon si Karlo. Sorry if tinawagan kita ha" sabi ni Dani. "Okay lang no, di pa naman ako tulog. So pano yan magpupuyat ka ulit?" tanong ng binata. "Ewan ko, if malambing ko siya to sleep then swerte ko" sabi ni Dani. "Kung magkapitbahay lang tayo punta ako diyan pero ang layo e" sabi ni Onofre.

"Ninny come talk to Nof" sabi ni Dani kaya lumapit yung bata saka kumandong sa nanay niya. "Ninny sleep" sabi ng binata. Lumingon ang bata saka tinuro yung kama kaya natawa si Dani. "Sleep na" sabi ng binata. "Sleep mama" sabi ng bata.

"Totoo ba yan? Baka pagpatay ng Skype e maglikot ka ulit" sabi ni Dani. "Sleep Nof" sabi ng bata kaya pumikit ang binata. Natawa si Nina saka pingtuturo yung screen kaya pumikit din siya. "Ayan ginaya ka nanaman" sabi ni Dani.

"Goodnight Ninny" sabi ni Onofre. "O goodnight daw. Say goodnight. Good night" sabi ni Dani. "Gunayt" sigaw ng bata saka pumikit at nagtulugtulugan kaya natawa si Onofre. "Goodnight Ninny" sabi ng binata. "Gunayt Ninny" gaya ng bata kaya laugh trip silang tatlo.

"You say good night Nof" turo ni Dani. "Gunayt Nof" sabi ng bata. "Goodnight Ninny. Goodnight Dani" sabi ni Onofre. Biglang nag flying kiss si Nina kaya nagulat si Onofre. "Wow, was that for me?" tanong ng binata.

Umulit yung bata kaya nag flying kiss din yung binata. "Good night Ninny, love you" sabi ni Onofre kaya napatigil si Dani saka napangiti. "O I love you daw, say I love you Nof" sabi ni Dani sa nanginginig na boses. Sumigaw lang si Nina saka nag flying kiss ulit. "Say I Love you Nof" utos ni Dani pero hindi siya makatingin sa screen.

"Abyu Nof" sabi ng bata kaya natawa si Onofre. "Awww, I love you Ninny" sabi ng binata. "Ayabyu Nof" sagot ng bata. "Ninny its i..love..you..Nof" sabi g dalaga. "I Nof" sabi ng bata kaya laugh trip si Onofre. "Tinatamad ka nanaman ah. I love you Ninny" sabi ng binata. "I love you Nof" sabi ni Dani. "Ayabyu Nof" sabi ni Nina kaya pumalakpak yung binata.

"O sige na, I think she is serious" sabi ni Dani. "Okay, goodnight Ninny" sabi ng binata. "Gunayt! Yabyu" sabi ng bata. "Good night Nof, come on say it properly" sabi ni Dani. "Gunayt" sigaw ng bata. "Tamad ka nanaman ha, okay say...I love you Nof" sabi ni Dani saka tinitigan ang binata sa screen.

"Yabyu Nof" sigaw ng bata. "Bye bye, love you Ninny" sab ng binata. Tumayo si Dani buhat ang anak niya saka pinahiga ito sa kama. Pagbalik ng dalaga tinignan niya yung binata sa screen, "Pinainom mo pa ng milk?" tanong ni Onofre. "Yes" sagot ng dalaga na tila natetense.

"Yabyu" sigaw ni Nina kaya natawa si Onofre. "Anak sleep" sabi ni Dani. "Gunayt" hirit ni Nina. "Goodnight Nina" sabi ni Onofre. "I have to turn this off, look nakaupo siya at nakatingin dito" sabi ng dalaga. "Of course, you get some rest too" lambing ng binata.

"Ikaw din, salamat pala sa bike" bulong ng dalaga. "Ay oo baka marinig niya at maisip niya ulit. Sige na, good night. Salamat sa foods. Grabe busog na busog ako sobra" sabi ng binata.

"Today was fun" sabi ni Dani. "Yeah it was, siguro if only Karlo could really speak I am sure yung ang dinadakdak niya kanina pagdating namin dito. He just would not stop talking" sabi ni Onofre.

"O sige na" sabi ni Dani. "Gunayt" sigaw ni Nina kaya natawa si Onofre. "Hay naku anak, sleep na" sabi ng dalaga. "Good night Ninny. I love you" sabi ni Onofre. "Yabyu" sigaw ng bata. "Sige na tabihan ko na siya para matulog na" sabi ni Dani.

"Okay, good night Ninny" sigaw ng binata. "Gunayt" sagot ni Nina. "Nof naman e" reklamo ng dalaga kaya natawa yung binata. "Ang cute niya e, naka dede siya tapos pipilitin sumagot" sabi ng binata.

"Sige na good night" sabi ng dalaga. "Good night Dani" sagot ni Nof. "Good night Nof. Kung busog ka pa wag ka muna hihiga. Sige na, good night Nof" sabi ng dalaga. "Good night Dani" sagot ng binata.

"I love you Nof" sabi ng dalaga saka biglang nanigas pagkat di niya alam bakit niya nasabi yon. "I love you too Dani" sagot ni Onofre saka pinatay yung tawag. Hindi nakagalaw si Dani, nayanig ng husto ang utak niya sa sagot ng binata.

Mala slow motion niya pinatay yung laptop niya saka dahan dahan tumayo at basta nalang natili ng malakas. Naupo si Nina saka nagtitili din kaya si Dani biglang tumawa ng malakas saka nag dive sa kama at pinagyayakap yung anak niya. "Oh my God!" sigaw ni Dani. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Nina at nakitili ulit sa nanay niya.

Samantala sa kwarto ni Onofre habang nagchecheck ng email napatigil siya. "Oh my God...what the hell did I just say?" bulong niya nang maalala bigla yung sagod niya sa dalaga. "Oh my God..what have I done?" 

Continue Reading

You'll Also Like

986K 8.6K 14
May maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya...
8.2K 429 24
Isang proyekto na mauuwi sa malagim na pang yayari. Matutuklasan ang kinatatagong lihim ng mga Dela Fuentes. Nakakatakot Nakaka Pangilabot Nakakagul...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
928K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.