//Chapter #29 - "Nandito lang ako"//
CLOUD'S POV
Nang matapos na kami sa dapat naming gawin,nagpaalam agad ako sa kanila at dumiretso pa uwi.Sana lang hindi galit sakin si Xena (~.~)
Mukhang sobrang importante nga talaga ng ginawa namin kanina. Sana naman maganda ang maging resulta.
Pagdating ko sa bahay namin,pinagbuksan agad ako ng guard at sinalubong ng yaya ni Clyde,"Sir,buti naman po at nandito na kayo.Kanina pa umiiyak si baby Clyde.Hinahanap po kasi kayo."
Nang marinig ko yun,nataranta agad ako at dali-daling umakyat sa taas papunta sa kwarto ni Clyde.Nadatnan ko si Xena na buhat-buhat ang anak namin pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak,"Baby,stop crying na..Please..Pauwi na si Daddy..",sabi ni Xena.
"Uwaa!! *sobs*sobs* Daddy!!!",iyak lang ng iyak si Clyde.
Napalingon sakin si Xena at tiningnan ako ng masama,"Saan ka galing?"
"Sa Bar.",tipid na sagot ko sabay kuha kay Clyde sa kanya.Tumigil naman ito sa pag-iyak.
"Alam mo bang may asawa kang naghihintay at nag-aalala sayo? Look,pati yung anak mo hinahanap ka.",medyo mataas ang boses ni Xena.Mukhang galit nga 'to.
"I'm sorry.Hindi na mauulit.May ginawa lang kaming importante.",sabi ko naman sabay yakap sa kanya.
**Sniff* *Sniff* - bigla akong napatingin sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?",nag-aalalang tanong ko sabay pahid sa luha nya.
"Mommy,why are you crying?",pagtatanong ni Clyde. English speaking kasi ako kapag kausap ko so Clyde.Ayan tuloy nasanay.
"Eh kasi ang Dad mo eh.Pinag-alala ako..",sagot ni Xena.
Niyakap ko lang si Xena habang buhat si Clyde,"Sorry na.Hindi na talaga mauulit."
"Opo.Sige na po.",sagot ni Xena sabay yakap sakin.
xx-xx-xx-xx-xx-xx
AZER'S POV
Medyo gabi na rin nang makauwi ako.Nako =___= Ihahanda ko na ang sarili ko kay Blace. Pagpasok ko ng bahay,nakapatay ang lahat ng ilaw.Sobrang tahimik at parang walang katao-tao.
"Nakakatakot naman..",sabi ko sa sarili ko habang naglalakad.
Binuksan ko ang ilaw at nakita ko si Blace na nakatayo habang nakapamewang.PATAY! =__=
"H-hi B-blacetot..",nakangiting sabi ko sabay lapit sa kanya.Pero sa totoo lang natatakot talaga ako (T_T)
"Saan ka galing!?",sigaw niya sakin. Napatakip lang ako ng tenga ko.
"M-may ginawa lang ako.Importante lang..",sagot ko naman.Hindi pa rin nawawala ang kaba ko.Eto ang mahirap kay Blace,nakakatakot talaga siya magalit.
"Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo!!??? Anong ginawa mo!!?",sigaw niya sakin.
"A-ahmmm.Secret.HE-HE!",pabirong sabi ko naman.Pero mukhang hindi pa rin nagbabago yung expression ng mukha niya.Ala-tigre pa rin T^T
"ANONG SECRET KA DYAN! NAMBABAE KA NO! UMAMIN KA! IKAW TALAGANG MOKONG KA! KUNG KAILANMAY ASAWA KA NA,TSAKA KA PA LUMALANDI!!",pinagbabato niya ako ng mga kaldero kaya naman ako na si duwag,ilag lang ng ilag.
"B-blace! Aray! Hindi ako nambababae! Aray! Uy! Aray!",sagot ko.
"HEH! WAG MONG PAIKUTIN ANG ULO KO! LETCHE!!",sigaw niya ulit.
"Blace!H-hindi talaga!",patuloy pa rin ako sa pag-ilag sa mga binabato ni Blace.
"WAG KANG TATABI SAKIN MAMAYA SA PAGTULOG HA! DUN KA SA BAHAY NG BABAE MO!!",kinuha niya yung pinakamalaki namin kawali at mukhang may balak siyang ibato sakin yun.
"WAAAAAAHHHHHH!!!!",sigaw ko.
**BOOOOGGSSHHHH!!!**
Natumba ako sa sahig habang umiikot ang paningin.Shet!Nahihilo ako =__=
Bigla lumapit sakin si Blace at nakita ko ang nag-aalala nyang mukha,
"A-azer! Okay ka lang ba? Sorry,sorry! Ikaw kasi eh! Gabing-gabi ka na umuwi! Saan ang masakit?"
"D-dito..",sagot ko sabay turo sa bandang noo ko.Ang sakit talaga =__=
"Tsk!Tsk!Namumula nga!Wait,kukuha ako ng yelo.",patayo na sana siya pero bigla ko siyang hinila pabalik.
"Kiss mo na lang ako..",natatawang sabi ko.
"Che!Galit pa rin ako sayo no!",bigla siyang nagcrossed arms sabay iwas ng tingin.Pero binalikan niya ulit ako ng tingin at ngumiti,"Pero dahil may bukol ka,HAHAHAHA!! Sige na nga!"
Ganyan lang kami mag-away ni Blace.Una,akala mo papatayin na nya ako.Pero sa bandang huli,sweet pa rin :")
xx-xx-xx-xx-xx-xx-xx
FRANCIS' POV
Pag-uwi ko sa bahay,nakita ko agad si Gladys na nakahiga sa sofa habang nanonood ng TV.Lumapit lang ako sa kanya at kiniss siya sa pisngi.
"Bakit ngayon ka lang?",matamlay na tanong ni Gladys habang nakatingin sakin.
"May ginawa lang.Teka? Bakit ang putla mo? May sakit ka ba?",hinawakan ko yung noo pero hindi naman mainit.
"W-wala to.. Sumasakit lang ulo ko.",sagot niya naman.
"Sigurado ka? Gusto mo dalhin na kita kwarto?",tanong ko. Tumango naman siya kaya binuhat ko na siya paakyat.Nang makarating kami sa kwarto,bigla nag-iba yung mukha niya.
"W-wait lang!Ibaba mo ako! Nasusuka ako!!",tumakbo agad siya papunta sa CR. Ano nangyari dun? =__=
xx-xx-xx-xx-xx-xx
YEL'S POV
Nagising ako at namalayang kong nakatali ako sa isang upuan.Sobrang dilim ng paligid.Wala akong makita kundi puro itim lang. Takte naman! Kakauwi ko pa lang,ganito na agad nangyari sakin? Hindi naman ako favorite ng mga kidnapper no?Buti na lang walang nakatakip sa bibig ko.
Bigla bumukas ang ilaw at nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki.Nakapamulsa siya habang nakasuot ng itim na bonnet.
"S-sino ka ba!? Anong kailangan mo sakin!?",sigaw ko sa kanya.
Bigla siyang humarap sakin at nagulat ako sa nakita ko,"IKAW NANAMANG IPIS KA!!!??"
Bwiset! Bwiset!! Bakit nandito 'tong walayang feeling gwapo na ipis na to! Look, hindi nya pa rin tinatanggal yung shades nya! Ipis talaga! Kainis lang!!
"Easy ka lang..Wag masyadong highblood.Papangit ka nyan..",nginitian niya lang ako at tumalikod na ulit.
Bigla pumatay ang ilaw at nakaramdam ako ng kaba.Feeling ko may mangyayaring hindi ko alam KUNG MAGANDA BA O HINDI.
Ang dilim dilim talaga! Dilim pa naman ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat. Naalala ko dati,nung bata pa ako hindi ako makatulog ng walang ilaw eh. Pero buti na lang dumating si Mom :(
Nasa kamay nanaman ba ako ng masamang tao? =(( Sino nang magliligtas sakin ngayon? Wala naman si Matt dito.
Napayuko na lang ako kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko,
"M-matt..Tulungan mo naman ako..",para akong tangang kinakausap ang sarili ko habang nakapikit.Kahit na alam kong walang nakakrinig sa akin..nagsasalita pa rin ako.
"Matt..Miss na miss na kita..Hindi pa rin kita makalimutan..",naiinis na talaga ako sa sarili ko.Parang balewala lang ang paglayo ko dahil hanggang ngayon,si Matt pa rin talaga.
"Matt..Natatakot ko..",wala akong pakialam kung nagsasalita akong mag-isa.
Bigla akong nakiliti sa bandang leeg ko.Parang may katabi ako eh.Nararamdaman ko ang paghinga nya sa leeg ko.Mas lalo akong nakatakot dail doon.
" *Sniff* Natatakot na talaga ako.. *Sniff* ",sabi ko sa sarili ko.
"Nandito lang ako Yel,hindi kita iiwan.",nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi ko.
Hindi ako pwedeng magkamali,boses ni Matt yun.
Muling bumukas ang ilaw at napalingon ako sa tabi ko,"Namiss kita Yel..Natakot ba kita?Hahaha."
Para akong tuod na nanigas sa sobrang gulat dahil si 'IPIS NA FEELING GWAPO" ang katabi ko.
Bigla niyang tinanggal ang shades nya at ngumiti,
"Nasa eroplano pa lang tayo kanina,masayang masaya na ako..Akalain mo yun? Ikaw pa ang nakatabi ko.Nahirapan kaya akong palitan yung boses ko kanina.Haha! May plano kasi talaga ako kaya hindi ako nagpakilala agad eh..",tinanggal nya ako mula sa pagkakatali sa upuan.
"Maasahan talaga ang mga kaibigan ko.Buti na lang at tinulungan nila akong kidnappin ka =)",hindi pa rin ako makapaniwala.Nakatingin lang ako sa kanya.
"A-akala ko wala ka na..",sabi ko.
Pero imbis na sumagot,niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"Yun din ang akala ko..Pero AKALA lang yun.Paglabas nyo ng kwarto sa hospital..bumalik ang heartbeat ko..Alam na yun ng parents ko,pero ang sabi ko.. Wag muna nilang sasabihin. Kailangan ko pa kasing magpa-opera.Ang sabi kasi ng doktor,hindi pa raw natatanggal ang bala sa katawan ko..",sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Nakakainis ka naman eh! >__<",pinagpapalo ko siya sa dibdib habang umiiyak.
"Pero ngayon okay na ako,bumalik na ako sa Pinas.Binalikan kita Yel..Kahit na ilang taon na ang lumapis,gusto pa rin kitang iligtas.Gusto pa rin kitang alagaan..MAHAL PA RIN KITA..",mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Uwaaa!! Pinapaiyak mo ako eh!! >__<",sabi ko sa kanya.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at may kinuhang kung ano sa bulsa nya.Inilabas nya ang isang maliit na red box at binuksan ito,"Marry me?"
"Yes."
~ ~ ~ ~
[A/N : Yow? 2nd to the last na itoww! :3 Tenchu sa mga nagvovote,nagcocomment at nagbabasa! =))]
*VOTE*COMMENT*BE A FAN! =)*