What I Did For Love (Publishe...

By Imcrazyyouknow

45.7K 970 66

Published by PSICOM | P175.00 - She fell for him, lost in his love but going deep through their relationship... More

Copyright
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Book Reviews
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
PUBLISHED!

Chapter 5

1.6K 43 3
By Imcrazyyouknow

Chapter 5

I never had


Cetryn called me earlier dahil may pag-uusapan daw kaming magkakaibigan, hindi ko alam kung ano 'yon pero mukhang excited naman siya sa gagawin namin. Matapos ko namang mag-ayos sa sarili ay tumulak na ako papunta doon sa mall, magkikita rin daw kami sa Jollibee doon so dumiretsyo na rin naman ako doon.

Wala pa 'yong dalawa, sa labas na lang sana ako ng maghihintay ng may tumawag sa akin kaya mabilis naman akong napalingon doon.

"Naya?"

Napadilat naman ako ng makita ko siya, "Oh, Hi Kordey!" batik o kaagad sa kanya.

Three days since he saved me from that night at doon ko lang din narealized na nahulog na ako kay Kord. There is something na hindi mapaliwanag pero kung susumahin, I'm on the peak of loving him.

I tried not to look at his eyes kaya all the time, nakayuko lang ako hanggat sa maupo kami sa two seated table.

"Hey, Naya, may problema ba?" he asked.

Agad ko namang inangat ang tingin ko sa kanya. Oh gahd, those beautiful eyes. I smiled at him and shook my head response to what he said. "Wala, Kord." I grinned.

He nods chuckling, "anong ginagawa mo dito?"

"Oh, hinihintay ko kasi 'yong mga kaibigan ko, remember Cetryn and Denix?"

"Yes," he said nodding. "I remembered Cetryn waited me for nothing." Aniya't seryoso sa pagkakasabi no'n pero bigla naman itong tumawa kaya naman napatitig na lang ako sa reaksyon niya. Bakit ba ganito 'yong feeling? Parang sa tuwing magkikita kami, lalo siyang guma-gwapo or sa paningin ko lang 'yon dahil sa nararamdaman ko sa kanya. "Oh, forget that, Naya, biro lang." aniya.

Napangiwi na lang din naman ako. I look away at his gaze, kapag nakipagtitigan pa ako sayo, wala na talaga akong kawala. I will fall on you, Kord... sasaluhin mo kaya ako?

"Naya!" agad naman akong napatingin kay Cetryn at kasunod nitong si Denix.

Mabuti na lang ay dumating na sila, feeling ko talaga ay malulusaw na ako dito.

"Leanya naman! Hindi mo naman kami sinabihan na may date ka pala ngayon." Hagikgik pa ni Denix.

I glared at her dahil sa mga sinasabi niya.

"Hi Kord!" bati naman ni Cetryn sa kanya.

"Hi." Tipid nitong sagot sa kanya.

Lumipat naman kami ng table sa four seated table. Aalis na rin pal asana si Kord—gusto ko siyang pigilan—pero si Cetryn ang pumigil sa kanya at pina-stay na lang din naman ito. Cetryn treat us at si Kord naman ang pumila sa counter to take our orders.

"May namamagitan na ba Naya?" isang makabuluhang ngiti pa ang lumabas sa labi ni Cetryn.

"Oo nga! Atleast hindi na NBSB ang ating bestfriend!" sabi naman ni Denix.

"Hush! Lower down your voice." Saway ko pa sa kanilang dalawa. "Baka marinig niyang pinag-uusapan niyo siya."

Nagtawanan naman ang dalawa, "bakit ayaw niyo bang malaman namin na meron na?" ngiti pa ni Cetryn.

"Anong meron na?" tanong ko pa.

"Kayo na ba?" Denix said.

Napa-anga naman ako sa sinabi ni Denix. "What the hell, Den?"

She shrugged, "aminin mo na kasi."

I exhaled, "wala naman akong aaminin, we just bumped into each other at sinamahan niya ako dito sa loob, okay? 'Wag niyo na kasi gawan ng issue pa, wala naman kasing mangyayari." Sabi ko naman sa kanila.

Cetryn crossed her arms, "sa ngayon wala pero tingnan na lang natin sa susunod. Atleast magkaka lovelife na rin ang bestfriend natin." Aniya. "Right, Den?"

"Yes!" nag-apir pa ang dalawa.

Napailing na lang din naman ako sa kanila.

Bumalik na rin naman si Kord dala dala ang tray with our orders. Inayos niya rin naman 'yon sa table namin ay naupo na siya.

"So, Kord." Panimula naman ni Cetryn, sinimulan ko namang kumain habang tinitingnan ko silang dalawa. "What brings you here?"

"Oh, nagpasa lang ako ng resume." Sagot naman nito.

Napatingin naman ako kay Kord at nginitian niya ako, I smiled back pero nang ibaba ko ang tingin ko sa pagkain ko ay naghuhumerantado na ang puso ko. Gahd, those smiles are for me? Hindi ko alam kung bakit ganito ako pero sa ngayong katabi ko siya, kaunting dikit lang namin ay parang kung anong static ang nagdidikit sa amin.

"Oh, saan?" tanong pa ni Cetryn.

Denix and I busy eating our meal habang ang dalawa ay nag-uusap pa.

"Dito sa Jollibee, bukas pinapabalik nila ako para sa position na ibibigay sa akin."

"Oh, tanggap ka na?" ani pa ni Cetryn.

"Yeah, something like that." Aniya.

"Good to you, at alam mo Kord." Ani Cetryn sabay tingin sa akin at balik agad kay Kord. "Naya's favorite fastfood chain is Jollibee and good to know na dito ka pa magta-trabaho." Her lips corner rose, I know what it means. "Diba, Naya?" she looked at me.

"Huh?" sagot ko na lamang.

Natawa na lang din naman sila sa akin at sinimulan na rin nilang kumain.

Nauna akong matapos sa kanilang kumain kaya naman tumungo muna ako ng CR para maghugas ng kamay. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin.

"Easy ka lang, Naya, 'wag ka rin kasi pahalata!" kausap ko pa sa salamin.

Bumalik din naman ako sa table namin at mukhang hinihintay nila ako dahil tatlo silang nakasunod ang tingin sa akin hanggat sa makaupo ako.

"Anong meron?" taka kong tanong.

"Isasama natin si Kord."

"Huh?" napakunot noo naman ako, bakit ba hindi na lang nila ako i-direct point para naman hindi ako nagmumukhang tanga dito. "Saan naman?"

"Boracay!" aniya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, "talaga?"

"Joke lang." hagikgik naman ni Cetryn. "Subic!" she said with finality. "Kaya ko kayo tinawagan dahil 'yon ang pag-uusapan natin, so dahil nandito na rin naman si Kord isasama na natin siya."

Nilingon ko naman si Kord, "sasama ka?"

"Ayaw mo ba?" tanong naman ni Denix.

Umiling naman ako, "no, of course I wanted to pero..." I look back to Kord. "kung hindi siya busy?"

He shook his head, "hindi pa naman this week ang start panigurado ng trabaho ko, and I can join with you guys."

"Yie!" sabay pa na pangangantyaw ng dalawa.

Tinanguan ko na lang din naman si Kord, "good to know that."

So ayun nga, 'yong plano na pumunta ng Subic ay kasado na. Isasama ni Cetryn ang kanyang boyfried, Denix don't know if she with someone and me, wala sino bang isasama ko? And of course, Kordey.

Nauna nang umalis si Kord sa amin kaya kaming tatlo na lang ang naiwan. Baka daw kasi hinihintay na rin siya ng kapatid nito kaya umuwi na.

As I head back home, hindi mawala sa isipan ko si Kord. What will happen sa trip namin sa Subic? This is the first time na sobra akong na-attach sa isang tao na parang gusto ko ulit makita pero kapag kasama ko naman ay halos gusto kong magtago dahil sa sobrang hiya at kaba.

Gano'n ba talaga 'yon?

I received a text message and my heart races like a horse when it comes from Kord.

Kordey:

Hey, sorry kung umalis kaagad ako kanina ha?

I replied din naman kaagad.

Naya:

That's okay, we can still enjoy our company this week.

Kordey:

Excited to have a bond with you guy and get to know you better.

Naya:

Me too, Kord.

I want to ask him if he had a girlfriend or any past relationship, gusto kong tanungin 'yon pero parang nakaka-invade na ako ng privacy kapag tinanong ko pa 'yon. Hintayin ko na lang na siya ang mag-open ng topic na 'yon. Hindi naman ako nagmamadali, I just love the feeling being with him.

Late night, nag-text si Cetryn na samahan daw namin siyang mamili ng swimsuit kaya no'ng pagkadating ko naman sa meeting place namin sa department store saka naman nag-abiso si Cetryn na hindi siya makakapunta dahil sinundo daw siya ng boyfriend nito at silang dalawa na lang daw ang maghahanap.

So, being alone here at mall, para lang akong tanga. Hindi rin naman dumating si Denix dahil no'ng pagka-text ni Cetryn ay doon lang din nalaman ni Denix na may gano'ng chuchu pala.

Gano'n ba kapag may boyfriend? Ano bang feeling no'n? Sa mga nababasa ko sa libro, masaya, sweet ang mga lalaki at todo effort ang mga ito. Yes, I have crushes pero hindi na umabot sa puntong in a relationship.

Natatakot din kasi ako sa tinatawag nilang heartbreak. Denix have been there kaya no'ng nagkwento siya noon na ginawa lang daw siyang rebound no'ng lalaki ay naging cold na siya makitungo sa iba. Nasaktan siya kasi minahal niya 'yong lalaki 'yon pala, ginirlfriend lang siya.

Kaya noon, I've stick to fictional characters, hindi ka nila sasaktan at mai-inlove ka pa. I'm happy and contented kahit sabihin nating, nabubuhay lang sila sa mga pahina ng libro. So what? Wala namang may pake.

Habang naglalakad ako ay biglang may humawak sa kamay ko at kinulong niya sa kanyang kamay. I thought I was imagining things dahil sa mga couples na nakikita pero agad kong binawi ang kamay ko nang mapagtanto kong single pala ako.

Mabilis kong nilingon ang lalaki at halos manlaki ang mata ko sa nakita ko. Natatawa naman ito pero bakit gano'n, hindi ko kayang pigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Abnormal na ba tawag dito?

"K-Kord!" I stuttered.

"Yes, Naya." He chuckles.

Feeling ko hawak hawak pa rin niya ang kamay ko sa ginawa niya.

I blushed of thinking what just happened. Agad ko namang binalik ang atensyon ko kay Kord na natatawa pa rin.

"Ang adik mo, Kord!"

"Yeah, I'm sorry."

Kung alam ko lang kasing ikaw 'yon, hahayaan ko lang na gawin yon pero bwisit ka eh, akala ko kung sino na!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang humupa siya sa kanyang kakatawa.

"May bibilhin sana si Cetryn at pinapunta niya kami, hindi naman pumunta dahil kasama niya ang kanyang boyfriend." Buntong hininga ko naman.

"You guys always do hang-out in malls, don't you?"

I nodded smiling, "yes, always."

"So, ano nang gagawin mo ngayon?" he asked.

I shrugged, "siguro, uuwi na lang magbabasa ng libro o kaya matutulog."

"Hmm,"

"Hm?"

"Come with me." agad niyang hinigit ang kamay ko. "Huwag ka munang umuwi, samahan mo muna ako."

Hindi na rin naman ako nakatanggi dahil hinatak na niya ako papunta sa Tom's World. Noong una ay nahihiya pa ako sa ginagawa namin pero di kalaunan ay nakikipagharutan na rin ako sa kanya. Nakailang try din kami sa machine catcher pero in the end ay nasayang lang ang tokens namin, hindi naman effective 'yong napanood namin sa facebook na hack kuno daw para makakakuha ng stuff toy doon.

Niyaya niya rin akong kumanta daw kami pero agad ko naman siyang tinanggihan.

"I don't sing, Kord."

"Hindi talaga?" aniya. "Sige, next time be ready ah!" panigurado pa nito.

Napailing na lang din akong natawa sa kanya.

Dumaan naman kami sa Jollibee to take out some meals at dinala naman namin iyon sa foodcourt para mas malibang kaming dalawa ni Kord.

"Did you have fun?" he asked.

"Yes!" I said nodding my head. "Thank you, Kord."

"Wala 'yon." he smiled. Gahd, his smiles makes me melt. "Nga pala, matanong ko lang."

"Ano 'yon?"

"Sabi mo kasi kanina, mahilig ka magbasa ng libro, have you been in a relationship Naya?"

Napakunot noo naman ako sa tanong niya, "anong connect no'n sa pagbabasa ko ng libro?"

Umayos naman siya ng pagkakaupo at nagpaliwanag, "well, syempre mag-iiba ang tingin mo sa isang tao lalo na kapag lagi mong hinahanap 'yong mga katangian ng fictional character na 'yon sa totoong buhay. Had it happen?" he asked.

I nod, "always."

"Kahit ngayon?" aniya.

I didn't answered him, natulala lang din ako sa tanong niya. Gusto kong sabihing hindi pero parang nanuyo naman ang lalamunan ko.

"Okay sige," aniya. "Sagutin mo na lang 'yong tanong ko."

Huminga naman ako ng malalim, "hindi pa, Kord. I never had."

"Better you have one." Aniya. "Ano bang hinahanap mo sa isang lalaki?"

Katulad mo.

"Hmm... mabait, have the patience at syempre may respect."

Tumango naman ito, "I hope you find a guy like that."

I smiled, "sana nga."

But deep inside of me, nasagot ko na naman 'yong tanong niya.

I found the right guy. I found Kordey for me.

Continue Reading

You'll Also Like

624K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.7K 603 20
Unexpected things may happen. Fate can be a bad player sometimes. It can ruin everything in just a snap, yet it can create a new chapter in a story t...
805K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...