Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

EPILOGUE (PART 2 OF 2)

114K 5K 10.8K
By Serialsleeper


DISPAREO 3

EPILOGUE (PART 2 OF 2)

END OF TRILOGY


DANA'S POV



"Takbo!!!"


Biglang sigaw ni Shem kaya nagsigawan na kami at nag-unahan patungo sa loob ng photobooth bago pa man kami maunahan ng iba. Panay ang tawanan namin lalo na nang mapagtanto naming sobrang liit lang pala ng espasyo sa loob nito.


Tulakan, hampasan, sigawan, tawanan; para kaming mga baliw habang pilit na ipinagkakasya ang sarili namin sa loob ng isang improvised photobooth na gawa lamang sa minipis at maliit na tent.


"Ang baho ng mga hininga niyo!" Pabirong sigaw ni Raze na nakasandal na talaga sa dulo dahil sa sobrang likot naming lahat.


"Kuya 'wag kang sumandal diyan! Guguho ang booth!" Natatawang sigaw naman ni Wena kay Raze.


"Tabi! Tabi! Mga pogi sa unahan!" Panay ang sigaw ni Churchill habang pinagtutulak kami, mapunta lang sa harapan mismo ng kamera. Karga-karga ni Churchill si Pip na tawa lamang ng tawa, walang pakialam kahit natatamaan na ang mga mukha namin.


"Churchill mauuntog ang bata sa camera!" Napasigaw si Mira nang kapwa magyukuan sina Churchill at Pip para lang maging sentro talaga sila ng camera kaso ang problema, panay parin ang tulakan namin.


"Hayop kayo! Ambibigat niyo!" Sigaw ko naman nang sinakyan ng mga damuhong sina Shem at Raze ang likod ko.


"My beautiful hair!" Sigaw naman ni Wena nang aksidente naming nahihigit ang buhok niya dahil sa sobrang dutdutan.


Pito kaming lahat dito sa maliit na booth; ako, sina Raze, Wena, Shem, Churchill, Mira at Pip. Lalo pang naglakasan ang mga sigawan namin nang nagsimula ang sunod-sunod na flash ng camera.


Pagod at pawisan kaming lahat nang lumabas mula sa photobooth. Mukha mang nanggaling sa suntukan at sabunutan, panay parin naman ang tawanan namin sa isa't-isa. Excited kaming lahat na pagmasdan ang mga litrato kaso napangiwi na lamang ako nang makita ang kalunos-lunos naming mga hitsura rito.


Our photos turned out to be catastrophic. On one picture, tanging ang mukhang-tanga lamang na ngiti nina Churchill at Pip ang nakuha, habang ang sa iba ay nakita na kaming lahat ngunit wala sa amin ang nakangiti. None of us even had our mouths closed kasi panay ang sigawan namin. We all looked so horrible, lalo na ako na magkanda-kuba na dahil sa dalawang ulol na pumatong sa likod ko. These catastrophic photos are perfect, I love them. Sayang nga lang at hindi namin kasama ang iba, asan ba yung mga 'yon?


"May hinahanap ka?" Biglang lumapit si Churchill sa akin ngumiti na parang timang. Hindi siya nag-iisa kasi panay ang pagbuntot ni Pip sa kanya. Jesus Christ, please don't let Pip become the 2nd Churchill. But then again, Churchill's a really smart and sensible boy so okay narin.


"Pasalamat ka't birthday mo, na naman." Sarkastiko na lamang akong ngumiti kay Churchill. I want to ask Churchill about him so bad kaso kung magtatanong ako, pauulanan lang ako ng sandamakmak na asar nito.


"Say thank you!" Biglang sigaw ni Pip kaya natawa na lamang ako. Adik na bata 'to.


"Muntanga mo Pip." Pasimpleng pasaring ni Churchill sabay gulo sa buhok ng kawawang bata. Halos nginudngod pa ni Churchill ang palad niya sa mukha ni Pip, usual na ginagawa ni Pip sa tuwing nanggigigil siya sa mga bata. It may seem brutal but that's Churchill's way of admiring a child's cuteness. Ugh, sa daming taon naming magkakasama, alam ko na ang bawat galaw nila. Kaso dahil sa mga nangyari, mas lalo ko silang nakilala at mas lalong pinapahalagahan.


"Dan-dan, picturan mo nga kami." Sabi ni Churchill sabay abot sakin ng cellphone niya. Hindi ko napigilang mapangiti nang biglang mag-pogi pose si Pip, at agad namang gumaya si Churchill sa kanya. They look so cute! Pip is this cute little kid while Churchill is our cutie boy at heart.


After I took a photo of them, biglang hinila ni Churchill si Mira upang sumali sa kanila ni Pip. Mira looked at me as if nawi-weirduhan siya kay Churchill pero napangisi na lamang ako ng nakakaloko. Come to think of it, maybe Cielo had a point when she asked me if something was going on between Churchill and Mira. I mean there's something about the way Churchill looks at Mira, parang ganyan rin kasi kung makatingin noon si Raze kay Cielo. Masyado akong nasanay sa mala aso't-pusang bangayan lagi nina Mira at Churchill na ngayon ko lang 'to napansin. Guess I was wrong, there's still something I don't know about my friends after all. Perhaps that's the thing about our friendship, the more we learn about each other, the more our bonds grow tighter.


"Picture!" Biglang sigaw ni Shem at nakisali sa litrato. Aangal sana si Churchill pero sumugod rin agad sina Wena at Raze kaya hayun at dutdutan na naman sila, ang masaklap ako ang ginawa nilang photographer kaya hindi ako makasali. Hindi ko maiwasang matawa kay Churchill na ngayo'y nakabusangot na. Todo ngiti ang lahat pero siya, mukhang nainis na. Jesus Christ! He really does like Mira!


I kept on taking photos of them as my smile becomes wider. I may not be part of the picture but I'm blessed to witness all of the smiles and happiness behind the lens. This is better than being in the picture. God, thank you for making them a part of my life.


"Kailangan ko nang umuwi, bumalik na sila." Biglang anunsyo ni Pip at nang mapalingon ako ay nakita ko ang pagdating ng isang sasakyan. Pip looked so disappointed pero agad naman siyang inalo nina Mira. Pip was only here for like 10 minutes, binilinan pa kami ng guards niya na 'wag siyang papasukin sa loob kung saan naroroon ang party. Pero kahit hindi nila ibinilin, hindi rin naman namin gagawin. We all know Pip's still too young for parties such as ours.


"'Wag kang malungkot, i-enjoy mo ang pagkabata mo ha? After 10 years, pwede ka nang maki-party sa amin." Bilin ni Raze kay Pip at agad naman siyang tumango-tango at nag-thumbs up.


Pip still remembers everything that happened with the skunks but we convinced him to treat it as his nightmare. But despite of being a nightmare, may mga ate at kuya parin siyang mga siraulo. Actually, all of us decided to treat everything as a nightmare, a very horrible nightmare that made us grew closer together.


I don't know about the other citizens of Drayton; even if they remember or not, they don't have any proof of the horrible things that happened. The choice will be on their hands, either allow their lives to move on or be consumed by the past. It's a test of faith actually, and we're choosing the greater good. Always the greater good.


After Pip left with his bodyguards, muli kaming nag-unahan at nagtakbuhan pabalik sa loob ng bahay upang sumali na ulit sa party.


****


"GO SHEMMY BOY!!!"



Everyone was cheering for Shem's name pero pinakanamamayani ang mga boses namin nina Wena at Raze. We kept on screaming his name, loud as we could para higitan ang sigawan ng iba, di baleng mapaos kami bukas. Hindi namin mapigilang matawa kay Raze, ine-exaggerate niya ang pagsigaw kahit pa mukha na siyang nagwawala. Hindi naman kami nagpahuli ni Wena at nakigaya rin kami. Kainis, asan ba kasi yung iba? Dapat nagche-cheer din sila kay Shem of all trades.


Shem was standing on top of a table, his back facing us. All of us fell silent when he suddenly performed an impressive back-flip and as his feet landed the floor, he gulped a shot of beer. Everything happened so fast that all we could do was scream in the end lalo na nang humarap si Shem sa aming lahat at nag-bow.


"From Water Bender to Air Bender! Barkada namin yan!" Todo sigaw si Raze to the point na para na naman siyang nagwawala.


"Ipasok na sa Circus 'yan!" Pagwawala naman ni Wena habang marahas na pumapakpak.


"Sinong papalag?! Sinong hahamon?!" Nahawa ako sa kabaliwan ng mga kasama ko at para narin akong nagwala habang pumapalakpak.


Missing in Action man ang iba naming mga kaibigan, the four of us had a really great time partying and messing around with our other schoolmates. All of us kept on laughing around and dancing like a bunch of fools, drowning in nothing but happiness as the neon lights kept hitting our faces.


"Pretty girl spotted hihihi" Biglang napako si Shem sa kinatatayuan at ngumisi. Napalingon kami kung saan siya nakatingin and he was right, there was this pretty girl na nag-iisa lang sa isang tabi. She looked so pretty and innocent with her simple clothes. Mag-isa man, she doesn't seem out of place, mukha ngang natutuwa siyang pagmasdan ang mga friends niyang nagsasayawan sa gitna.


"Better get her number Shem of all trades." Natatawang sambit ni Wena sabay akbay kay Shem.


"Kuya Shem." Pagtatama ni Shem at ibinalik muli ang tingin sa babae, "Tatlong minuto lang makukuha ko na ang number niya."


"Pustahan na ba?" Natatawang sambit ni Raze at pumulot ng isang maliit na bote ng beer sa mesa.


"Ramonsito naman! Ang mga babae, hindi sila dapat pinagpupustahan, inaalayan yan ng puso!" Pangangatwiran ni Shem dahilan para agad siyang batukan ng natatawang si Raze.


"Ililibre kita if you get her number within 3 minutes." Pagbibiro ko nalang.


"Game!" Taas-noong sambit ni Shem kaya kami nang tatlo ang muling nambatok sa kanya. Lokong 'to, libre lang pala ang katapat.


******


Upang masaksihan ang kabalbalan ni Shem, pasimple kaming lumapit nina Raze at Wena sa direksyon ng babae. Nagpanggap kaming nagk-kwentuhan pero ang totoo, inaabangan namin ang magiging diskarte ni Shem.


"Mukhang timang." Halos mabilaukan si Raze katatawa nang magsimulang maglakad si Shem patungo sa direksyon ng babae. Paano ba naman kasi, may pa-himas himas pa ng kilay si Shem.


Pigil ang tawa naming lahat ng tuluyang lumapit si Shem sa babae. Hmm.. Anong klaseng pick-up line kaya ang ipapamalas niya.


"Hi miss." Nakangiting bati ni Shem sa babae at ngumiti naman ito sa kanya.


"Hi." She looks uninterested pero ayaw niya paring maging rude kaya bahagya niyang nginitian si Shem.


"Ano kasi," napakamot si Shem sa ulo niya na para bang nahihiya at kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa, "hinamon kasi ako ng mga kaibigan ko na hingin ang number mo. Ililibre daw nila ako kung makukuha ko ang number mo pero ayoko namang gamitin ka kaya heto at sinasabi ko sa'yo ang totoo."


Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni Shem pero mas lalo pa kaming nagulat nang tumawa ang babae at kinuha ang cellphone ni Shem upang siya na mismo ang mag-save ng kanyang number. Pasimpleng napalingon si Shem sa direksyon namin at ngumisi na para bang nagmamayabang dahil sa kanyang tagumpay.


"Pucha, Shem of all trades nga naman." Manghang sambit ni Raze.


"That was smooth." Bahagya namang napapalakpak si Wena.


"Sneaky boy." Natawa na lamang ako. Ang kapangyarihan nga naman ng katotohanan.



"Anak?" Biglang umalingawngaw ang isang malakas at malalim na boses dahilan para sabay-sabay kaming mapalingon sa likuran namin.


Napahakbang ako paatras nang makita uli siya. He's a good person but siguro nga hindi pa ako handang makita siya ngayon nang walang nararamdamang takot. After what he did to us... to Shem...


"Hi Pa!" Biglang lumapit ang babae kay Mang Boris at napayakap rito.


Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na tili at nang mapalingon ako sa direksyon ni Shem, wala na, kumaripas na ito ng takbo.


"S-sundan ko muna" Nauutal na sambit ni Raze at agad rin namang umalis dahil sa takot kay Boris.


"Anyare dun?" Kunot-noong sambit ni Wena na walang kaide-ideya sa anong kayang gawin ng isang Mang Boris na naging skunk.


"Oo nga, anyare dun?" Tanong naman ng babae kaya ngumiti na lamang ako ng pilit sa mag-ama.


"May naiwan siyang niluluto sa kusina. Bye!" Paalam ko na lamang.


****


Imbes na sundan sina Shem, bigla kong naalala ang binili ko para sa kanya. Nakakainis nga eh, regalo para kay Churchill ang gusto kong bilhin kaso bagay na para kay Shem ang nahanap ko. Di bale, may ideya na ako sa ireregalo namin kay Churchill.


Umakyat na lamang ako sa hagdan at binuksan ang pintong una kong nadatnan sa pagbabakasakaling dito ko naiwan ang regalo kaso iba ang nadatnan ko.


Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita si Gino sa silid kasama si Pinky. Kaya pala hindi ko sila masyadong nakikita, andito lang pala sila.


Nakaupo lamang si Pinky dulo ng kama habang hawak ang isang gitara, nakaupo naman sa likuran niya si Gino na siyang nagtuturo at gumagabay sa kanyang kamay. Halos ipatong na ni Gino ang kanyang baba sa balikat ni Pinky pero sa kabila nito ay pilit parin siyang dumidistansya bilang respeto. They look so happy while talking and looking at each other. Honestly, it's weird for a boy and a girl to be alone inside a bedroom na sila-sila lang pero dahil sa dami ng nalaman ko mula kay Wena tungkol sa kanilang dalawa, I think Gino is a gentleman enough to prevent things from spiraling out of control.


Napansin ni Gino na nakasilip ako sa pinto kaya pasimple niya akong sinenyasang umalis at 'wag mang distorbo. Nag-peace sign na lamang ako at nang masigurado kong wala nga dito ang regalo, lumabas na lamang ako.


Sumunod akong nagtungo sa katabing kwarto at nang buksan ko ang pinto, gulat na gulat ako sa nasaksihan.


Churchill and Mira were making out while sitting on a rocking chair that's enough for the both of them to sit on. Nakapulupot ang kamay ni Mira sa leeg ni Churchill habang marahang hinahaplos ang buhok nito. Samantalang si Churchill naman ay nakahawak na sa bewang ni Mira at isang kamay ay nagsisimula nang maglakbay pataas.


Hindi ko na napigilan pang mapasigaw sa sobrang gimbal at sa puntong 'yon ay kapwa napalingon sina Churchill at Mira sa akin.


"LABAS!" Kapwa nila bulyaw sa akin kaya naman mas lalo pa akong napasigaw at nagtatakbo na lamang palabas sabay sara ng pinto.


Sa sobrang gulat sa nasaksihan, naiwan akong nakanganga habang nakatayo sa ngayo'y nakasara nang pinto. They're both adults already and I love them both but hindi ko maiwasang mapangiwi sa nasaksihan, I mean I'm okay with fictitious bed scenes but it's weird seeing two of my closest friends being nasty to each other for real! Kahit nga noon, kahit holding hands lang nina Cielo at Raze ay kinikilabutan na ako, ano nalang kaya yung adult style landian nina Mira at Churchill! Jeez! They didn't even bother to lock the door!


"Gabayan kayo ni Lord!" Sigaw ko na lamang sabay hampas ng pinto bago tinungo ang huling natitirang silid sa palapag na'to.


Sa pagkakaalam ko, silid ito ni Cielo kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang buksan ang pinto.


"There you are." Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga at mapangiti nang makita ang kahong naglalaman ng regalo na malapit lang sa pinto. Dali-dali ko itong kinuha ngunit bago tuluyang makaalis, bigla kong narinig ang tawa ni Cielo kaya naman agad ko itong sinundan hanggang sa tuluyan kong maaninag si Cielo sa balkonahe kasama si Axel.


I can't help but to smile when I saw Cielo and Axel both giggling while taking photos of each other. Kapwa sila nakasandal sa railings pero kinukulong ni Axel si Cielo sa isang yakap mula sa likuran, they both look so happy with each other. It's good seeing Cielo like this again... happy.


Truth be told, I've always rooted for Raze when it came to Cielo but seeing how things turned out and how happy she is with Axel, I'm gonna have to give up my ship. But once Axel hurts Cielo, without a doubt, I'll go Dondy on him.


****


Pagbalik ko sa sala, agad kong hinanap ang tatlo. Hindi nagtagal, tuluyan kong namataan si Shem. Hayun, lasing na lasing na at bumuo na naman ng Conga line kasama sina Raze at Wena, as usual nambubundol na naman. Binuksan ko na lamang ang kahon at dali-daling kinuha ang isang kulay yellow na helmet mula sa loob.


"Shemmmy!" Sigaw ko sabay wagayway ng helmet dahilan para agad na humiwalay si Shem sa Conga Line at tumakbo papalapit sa akin. Sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari, lalo na ang pagkamatay ni Shem sa mismong harapan namin para lang mailigtas kami kaya isang napakaliit lamang na bagay ng helmet nato.


"Pareho yan nung helmet ko!" Tawang-tawang sambit ni Shem dala ng labis na kalasingan.


"And you deserve this." Sinuot ko sa kanya ang helmet dahilan para mas lalong lumapad ang ngiti niya dahil sa tuwa, "Now be the captain of your Conga Line."


"Yes ma'am!" Sumaludo siya sa akin at muling bumalik sa conga line niya.


Wena, Raze and Shem looked as if they're having the time of their lives while in the conga line and I couldn't be happier. Glad everything's back to the way they used to, this time it's better.


"What the!" Hindi ko napigilang mapasigaw nang biglang may bumangga sa aking estudyanteng lasing at ang masaklap ay tumapon pa sa jacket ko ang beer na hawak niya at ang masaklap.


"Sorry." Nakangiti nitong sambit at pasuray-suray na naglakad palayo. Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin ng limampung beses sa lalamunan, siya na nga ang may kasalanan, di pa magso-sorry ng maayos. Hay, pasalamat siya at sinusubukan ko nang maging mas mabuting tao.


Nagtungo na lamang ako sa kusina at pinagmasdan ang sarili ko. Walang ibang tao kaya naman medyo komportable, no man is an island ika nga nila pero may mga pagkakataong mas masarap mag-isa, hindi sa nagpapaka-emo pero in a sense of comfort lang.


Tinanggal ko ang jacket ko at buti nalang hindi natapunan ng beer ang blue dress ko. Nakakainis nga lang talaga kasi mas komportable akong magsuot ng jacket sa ibabaw ng dress, kahit pa hindi naman siya sleeveless.


Napabuntong-hininga na lamang ako at hinugasan ang kamay kong amoy alak na.



"Inutil na mortal... na-miss mo ba ako?"


Oh shit. Wacky.... Astaroth....


Dali-dali kong kinuha ang bagay na pinakamalapit sa akin at 'yon ay ang kawali. Oo inaamin ko, bumalik na naman yung matinding takot ko pero hindi na ako magpapa-agrabyado pa. Everything's finally okay and i'm not going to let any demon mess with me, my friends or my family ever again. Never.


Hindi na ako nag-atubili pa, kasabay ng pagharap ko sa direksyon ni Wacky ang paghampas ko mismo sa kanya ng kawali.


"Never mess with me again!" Gigil akong napasigaw nang bumagsak siya sa sahig, hilo at hinang-hina. Masakit sa aking makita na hindi parin pala okay ang lahat lalo na si Wacky.


"Aray! D-dana joke lang, joke lang." Narinig kong mangiyak-ngiyak niyang sambit kaya bago pa man siya makagawa ng kahit na ano, dali-dali akong kumuha ng isang garapon na puno ng asin at ibinuhos ito mismo sa kanya ngunit laking pagtataka ko kasi walang nangyari sa kanya. Hindi gaya noon, hindi siya nasunod o nangisay. Panay parin ang kanyang danguyngoy habang hawak ang kanyang noo.


"J-joke lang.. Dana sorry, joke lang." Aniya habang pinipilit ang sariling tumayo at lumapit sa akin kaya dali-dali akong napaatras.


"Joke?! Sa tingin mo magandang biro yun?! Sa dami ng mga nangyari, nahihirapan na akong maniwala sa kung anong totoo tapos ngayon magpapakita ka at magjo-joke ng gaguhan?!" Parang nanghina ng tuluyan ang mga paa ko at napaupo na lamang ako sa sahig at nabitawan ang kawaling hawak-hawak ko pa. Para akong tinakasan ng lakas pero yung lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba, andun parin.


"Sorry... Dana sorry." Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko. Sinamaan ko lamang siya ng tingin hanggang sa mapansin ko ang labis na pamumula ng noo niya. Shit, ang lakas ng pagkakapalo ko sa kanya.



****


"Quit staring at me, you idiot." Banta ko kay Wacky nang mapansin kong nakatingin lamang siya sakin habang dinadampian ko ng icebag ang noo niya. Kapwa lamang kami nakaupo sa sahig at kami parin ang tanging nandito.


"Galit ka pa ba?" Tanong niya na para bang nag-aalala kaya umiling-iling na lamang ako. Kung may natutunan man ako sa mga nangyari, yun ay ang 'wag magtanim ng galit lalo na sa mga taong mahahalaga sakin. Life is too unpredictable; I don't want anything to end in bad terms.


"You're still an idiot though." Sabi ko na lamang at mas idiniin ang icebag sa noo niya dahilan para mapa-aray siya ng malakas.


"Bakit ang brutal mo sakin?!" Reklamo niya.


"I just told you to stop staring at me but you still are." Reklamo ko pabalik.


"Nakakadistract ang cleavage mo kaya sa mukha nalang ako tumititig." Sabi niya kaya sa puntong 'yon, dali-dali akong napaatras sabay yakap sa sarili ko.


Napabuntong-hininga siya at hinubad ang jacket niyang maong at kulay itim. Inabot niya ito sakin at sa pagkakataong 'to, hindi na siya nakatingin sa akin, nakaharap lamang siya sa kawalan. Whoa, nagtatampo ba 'to?


"Suotin mo nang wala akong magulpi sa labas." Aniya kaya napangiwi na lamang ako.


"I just made a pingpong ball out of you, ikaw ang nagulpi, sorry my friend." Pangangatwiran ko sabay pakita sa kanya ng kawiling nagkaroon ng maliit na yupi.


"My friend." Bigla siyang napahawak sa dibdib niya at umarte na para bang namimilipit sa sakit.


"Thanks my friend." Pagbibiro ko pa at tinanggap na lamang ang jacket niya saka sinuot ito. Sobrang laki man, komportable naman itong suotin.


"Nga pala, nasa conga line parin ba sina Shem?" Pagtatanong ko pa at sa puntong 'yon lumingon siya sa akin, walang kaemo-emosyon na para bang sinapian ni Cielo.


"Edi wala, no need to go 'Cielo' on me." Sinagot ko na lamang ang sarili kong tanong. Maglalakad na sana ako pabalik sa kusina pero muling nagsalita si Wacky.


"May nakita akong isang bisekleta sa labas... Game?" Aniya.



****


(2ND EPILOGUE THEME ABOVE)



"You've got to be kidding me." Nag-aalangan man, naupo na lamang ako ng patagilid sa unahang bahagi ng bisikleta.


"Sigurado kang kaya mo na?" Lumingon ako kay Wacky at ngumisi naman siya at nag-thumbs up.


Seeing Wacky smirk like this reminds me of Astaroth but if I keep on remembering Astaroth everytime I look at Wacky, then I'm letting Astaroth beat me even though he's already gone. I'm not letting Astaroth win anymore. This time, it's us who won. We won the fight, we won the battle, and we won the war.


"Tinamaan ka na sakin?" Natatawang sambit ni Wacky nang mapansing nakatingin parin ako sa kanya.


"We just met so keep on dreaming." Pang-aasar ko na lamang at ibinalik ang paningin ko sa harapan.


"Doon tayo nagkakilala sa convenience store! Poging-pogi ka sakin, 'wag mo yung kakalimutan." Pang-aasar niya at bigla na lamang pinaandar ang bisekleta kaya naman napahawak na agad ako sa gitna ng hawakan.


"Hindi porke't nag-gwapuhan kami sa lalake, gusto na agad namin!" Giit ko at tumawa lamang si Wacky.


"Wacky you idiot!" Natawa naman ako't napasigaw nang biglang nagpagewang-gewang ang bisikleta. Bwisit, mukhang bad choice ata na umangkas ako dito sa harapan. Baka mamaya ikamatay ko na naman 'to. Pero mukhang hindi naman ata ako malalaglag kasi nakaharang sakin ang mga braso ni Wacky.


"Hindi kita ipapahamak, tiwala lang!" Pagyayabang niya at hindi nagtagal umayos na nga ang pagbibisikleta niya.


It's almost 10 pm at heto kami nagbibisikleta sa isang tahimik at madilim na daan. Tanging nagtataasang mga puno lamang ang nadadaanan namin at wala kaming nakakasalubong na kahit na anong daan. Dalawa lang kami pero panay ang pagbasag namin sa katahimikan dahil sa naglalakasan naming tawanan at asaran. Sa totoo lang, naalala ko ang mga nangyari dahil sa paligid pero sa kabila nito, hindi na ako takot ngayon.


Wacky and I kept on laughing the entire time. Sure, hindi ko siya makita dahil nasa likod ko siya pero nai-imagine ko na ang ngiti sa mukha niya. His smile is already imprinted in my mind just like my friends'


"Wacky hindi 'to ang tamang oras para maging manyak! Baka mamaya matumba pa tayo!" Bulyaw ko nang maramdaman kong ipinapatong na niya ang mukha niya sa balikat ko.


"Anong manyak! Wala akong ginagawa!" Pagmamang-maangan niya pero sa kabila nito ay alam kong mayroon paring pilyong ngiti sa mukha niya ngayon.


"You're such an idiot." Natawa na lamang ako at mas dinama ang napakalamig na simoy ng hanging sumasalubong sa amin ni Wacky.


"Sa daming beses mo akong tinatawag na idiot, iisipin kong paraan mo yan para magsabing gusto mo ako." Pang-aasar pa ni Wacky. Gaganti sana ako kaso mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng bisikleta kaya napasigaw ako't mas napahawak pa ng mahigpit sa gitna ng hawakan.


Hindi nagtagal napagtanto kong mapapadaan na kami sa terminal. Nabibilang na lamang ang mga bus na naririto at ang karamihan sa mga nakikita namin ay mga tao at trabahador na natutulog sa mga bangko at folding beds.


"Wait stop!" Hindi ko na napigilang mapasigaw nang bigla kong matanaw ang isang pamilyar na mukha sa loob ng isa sa mga bus na nagbabadyang umalis.


"Bakit?" Tanong ni Wacky ngunit hindi ko na nagawang magsalita pa, nanatili lamang akong nakatitig kay Harper na nasa loob ng bus.


"Memoryado mo ba ang number niya?" Tanong muli ni Wacky at sa pagkakataong 'to ay inabot niya sa akin ang cellphone niya.


Ngumiti na lamang ako kay Wacky at tumango. Dali-dali kong idinial ang numero ni Harper at tinawagan siya. Kitang-kita ko mismo ang naging reaksyon niya, para pa siyang nag-isip kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi... pero sa huli sinagot niya parin.


"Sino 'to?" Otomatiko niyang tanong gamit ang kalmadong boses.


"Hulaan mo." Pagbibiro ko gaya ng nakagawian.


"Bakit ka napatawag?" Narinig ko siyang napabuntong-hininga mula sa kabilang linya.


"Cielo told me about the things you did after I died... You've redeemed yourself Harpie. Forgetting may take time but my heart screams forgiveness for you." Sa bawat salitang binibitawan ko, nakatingin lamang ako sa kanyang direksyon.


"Don't forgive me yet, I have to fix myself first." Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya ngunit nakita ko mismo ang ginawa niyang pagpunas ng luha niya. Tumingala pa siya as if pinipigilan ang sarili niyang maluha.


"Look to your left." Tipid kong sambit ngunit sa kabilang direksyon siya tumingin.


"Right mo pala." Pagtatama ko at sa puntong 'yon, kapwa kami nagkatinginan. I raised my hand to wave and she waved back at me.


"Saan ka pupunta?" Tanong ko pa.


"To my second chance at life." Tipid niyang sagot at tumango-tango na lamang ako.


"Take care of yourself Harpie." Bilin ko na lamang.


"You too Danie ." Aniya at agad akong binabaan.


Kasabay ng tuluyang pag-andar ng bus ang muling pagkaway sa akin ni Harper bilang paalam. And for the last time, she smiled at me. It was the same smile that I saw from when we were kids. A smile full of hope and goodness.


*****



This day began with a a lot of doubts. Truth is, I was afraid this was one of Astaroth's games but my mind took a turn when I receieved calls from Raze, Churchill, Mira and Shem who were just as confused as me. But all my doubts went away when I finally got the call from Axel. He explained everything and even planned a party for all of us to enjoy.


"Sabi sakin ni Churchill, kanina mo pa daw ako hinahanap." Biglang bulalas ni Wacky kaya natigil ako sa paglalakad. Wacky and I decided to stop with the bike and walk instead pero siyempre si Wacky na ang nagtulak ng bike.


"At naniwala ka naman?" Biro ko at nagpatuloy na lamang sa paglalakad habang pinagmamasdan ang naglalakihang mga punong nadadaanan namin. Bahagya akong giniginaw pero hindi gaya noon, alam ko na ngayon ang dahilan at 'yon ay dahil sa malamig na hanging dulot ng gabi at nagtataasang mga puno.


"Oo naman!" Taas-noo niyang giit kaya natawa na lamang ako. Biglang siyang tumigil sa paglalakad at nakita kong may hinugot siya mula sa kanyang bulsa.


Bago pa man ako makapagsalita, lumapit siya sakin sabay lahad ng kamay niya. Nagtaka ako nang makita ang isang kwintas na may singsing bilang pendant.


"Natagalan ako kasi kinuha ko muna 'to... Ito ang iniwan sakin ng lolo at lola ko sa last will nila, hindi ko ko ito kinuha sa loob ng maraming taon pero ngayong may mapagbibigyan na ako..." Ngumiti siya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang magkasamang kwintas at singsing.


Sa gulat, nanatili akong nakatitig sa palad ko, hindi makapagsalita at ni hindi magawang tingnan si Wacky. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, mabuti nalang at hindi masyadong maliwanag dito sa kinaroroonan namin.


I've dated boys back in highschool but all I got were sweets or flowers, nothing like this.


"Kalma lang, hindi pa kita aalukin ng kasal!" Biglang humagalpak si Wacky katatawa kaya para akong nahimasmasan at agad siyang sinamaan ng tingin.


"I know idiot!" Napabuntong-hininga na lamang ako, "But we're practically strangers, you can't give this to me yet. You don't give rings to strangers!" Pagdidiin ko pa pero muli lamang siyang tumawa.


"Si Sadako nga nagbibigay ng singsing sa kung sino-sinong makapanood ng video niya." Pangangatwiran niya pero napangiwi na lamang ako at binigyan siya ng nababagot na tingin.


"You idiot, it wasn't that kind of ring." Hindi ko na siya magawang sigawan pa.


"Ah ganun ba? Panoorin nalang kaya natin bukas. Netflix and chill?" Biro niya sabay ngisi kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. Witty idiot. Pero kung ibang tao ang nagsabi nito sakin, nasapak ko na.


Muli kong ibinalik ang tingin sa palad ko, "But seriously Waldo, I can't accept this."


"Magtatampo ako kung hindi mo tatanggapin." Bigla siyang napabusangot.


"Edi magtampo ka. But try giving it to me when we're no longer strangers to each other, it'll be less weirder by then." Giit ko na lamang sabay higit sa kamay niya upang sapilitan itong iwan sa kanyang palad.


Napabuntong-hininga siya at bilang pagsuko ay ibinalik na lamang niya ang kwintas sa kanyang bulsa. Makokonsensya na sana ako pero muli na naman siyang nagsalita, "O siya sige, bukas mismo bibili na ako ng mga plywood at magpapanday na ng bakod."


"Ano ako baboy?!" Bulalas ko.


Bigla niyang isinid ang mga kamay sa bulsa at humakbang papalapit sakin habang nakatagilid ang ulo at nakangisi ng nakakaloko, "Sinabi ko bang ikaw yung babakuran?"


"Hindi nga pero nagets ko!" Agad akong napahakbang paatras, mas lalo pang uminit ang pisngi ko kaya humarap na lamang ako sa ibang direksyon.


"Tama ka nga naman." Bigla siyang tumawa at mas lalong humakbang papalapit sakin. Nang makita kong akmang aakbayan niya ako ay agad akong naglakad ng mabilis dahilan para muli ko siyang narinig na tumawa.



Tawanan at kulitan, ito lamang ang tanging ginagawa namin ni Wacky habang binabagtas ang malaki at tahimik na daan. Gabing-gabi na pero sumasapat naman ang liwanag ng na nanggagaling sa mga streetlight at pati narin ng buwan sa kalangitan. Sa sobrang ingay at kwentuhan namin ni Wacky, ni hindi ko na namalayan ang oras at pagod buhat ng paglalakad. Ni hindi na nga namin namalayan na malapit na kami sa downtown area ng Drayton.


Sa isang iglap, natigil ako sa paglalakad nang makitang mapapadaan na kami sa tulay ng Drayton, sa tulay kung saan ako pumanaw.


"Natatakot ka ba?" Tanong ni Wacky at inilahad sakin ang kamay niya na animo'y inuudyukan akong hawakan ito.


"Wala na akong dapat katakutan pa." Ngumiti ako at hinawakan pabalik ang kamay niya. Hawak kamay kaming naglakad sa tulay habang kasama ang bisikletang hindi na namin ginamit pa.


Crossing this bridge is like accepting and defeating my own fears and anxieties. Of all the places here in Drayton, this bridge reminds me most of my sufferings and even my own death but instead of avoiding this place, I chose to cross it with head held high and a smile on my face... and the best part is that I'm not alone. The same way I was never alone from the very beginning because I've been blessed with great parents and friends. God, thank you for everything.


Huminto kami ni Wacky nang marating sa gitnang bahagi ng tulay. Kapwa kami dumungaw mula sa mga railings at pinagmasdan ang napakadilim at malalim na ilog. Mas lalo pang lumakas ang ihip ng hangin kaya maya't-maya na naman kaming nagtatawanan dahil natatangay ang mga buhok namin at lalong mas nagiging magulo.


Sa isang iglap bigla kong naramdaman ang isang malamig na metal na dumampi sa balat ko. Hindi na ako nakapalag pa nang mapagtantong isinusuot na ni Wacky ang kwintas sa akin.


Nang matapos, bumalik si Wacky sa tabi ko pinagmasdan ako ng may ngiti sa mukha. Hindi ko mapigilang mapangiti pabalik sa kanya.


"Sa dami ng pinagkwentuhan natin, siguro hindi na tayo estranghero sa isa't-isa diba?" Aniya.


"We still have a lot to learn about each other though." Giit ko na lamang.


"Wala yang problema sakin kasi ibig sabihin, sobrang tagal nating magiging magkasama." Muli, ipinamalas niya ang kanyang ngiti at kumindat pa sabay thumbs-up. Natatawa man ako sa kanya, ginaya ko na lamang siya at kumindat rin sabay thumbs-up.


This day may have started with fears and doubts but here—at the end of the day—i'm at my happiest.


A blessing disguised as a demon, I'll just look at it that way. Astaroth may have caused us pain and suffering—Its not that I'm thankful to him or anything—But if it wasn't for him I wouldn't have realized my flaws, Our bond wouldn't have grown stronger, I wouldn't have realized how blessed I am, I wouldn't have realized so many things I was too blind to see... And my faith in God wouldn't be as strong as it is right now.


This is my 778... our 778.



THE END

TO GOD BE THE GLORY

THANK YOU FOR READING THE DISPAREO TRILOGY


Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...