She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

5: Matteo Brigham

28.4K 983 98
By fbbryant

Ilang araw na akong ginugulo ng panaginip kong 'yun. Iyun ang pangalawang panaginip ko sa lugar na 'to. 'Yung una ay hindi eksaktong nangyari base sa panaginip ko ngunit napaka-alarming pa rin n'on dahil may mga facts doon na tugma sa reyalidad katulad na lang ng direksyon ng daan, ang pangalan ng tindahan at ang listahan na ginawa ni Grams. Hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang pangalawang panaginip na 'yun lalo na at mukhang sinasaktan ako ng Titus na 'yun.

Sino si Titus?

At bakit Nichola ang tawag niya sa akin?

Walang gumagamit ng second name ko.

"Hoy, okay ka lang?" biglang sabi ni Faizah na siyang nagmamaneho ngayon. Gamit namin ang truck nila habang papunta kami sa community college. Enrollment na kaya naisip namin na magpunta doon. Gusto ko sanang kumuha ng Biology ngunit wala raw 'yun dito. Agriculture ang kurso nina Faizah at Lorenzo kaya naisip ko na 'yun na rin ang kunin.

"Yeah. Bakit mo naman naitanong?"

"Kanina ka pa kasi malalim na nag-iisip. Anong problema?"

Huminga ako ng malalim. "Faizah, tingin ko nagkakatotoo ang panaginip ko."

Hindi s'ya nakasagot. Bahagya n'ya lang akong tinapunan ng tingin bago muling tumingin sa daan.

"N'ong unang gabi ko dito, nanaginip ako na inutusan ako ni Grams..." ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at tahimik lang siyang nakikinig. "Hindi ba 'yun weird?"

"Hindi 'yun weird, Savannah. I think your Simmons blood has already awakened the moment you came here."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko, the Simmons ability is starting to manifest."

"What ability?"

"All founding families have special powers, Savannah. Your family holds the power of clairvoyance."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Another revelation nanaman? Ang dami ko pa yatang malalaman tungkol sa pamilya namin.

Lahat hindi kapani-paniwala.

And clairvoyance? Nagpapatawa ba s'ya?

"Wala akong masyadong alam sa special powers kasi wala naman kami n'on kaya hindi na namin pinag-aaralan. Ang alam ko lang, si Elder Caridad, she had remote viewing."

"Ano naman 'yun?" usisa ko.

"It's a class of clairvoyance. Ang alam ko, there are three classes. Remote viewing, is when you can know current events outside your normal range."

"Example, pwede kong malaman kong ano ang ginagawa ng mga kapatid ko ngayon kahit na nandito tayo?"

Tumango s'ya. "Exactly. Hindi lang bastang nalalaman kundi nakikita mo rin. 'Yan ang power ng Lola Caridad mo. Another class is retrocognition. The ability to see past events. At ang pangatlo ay ang precognition, the ability to perceive or predict future events. Most likely, precognition ang nasa sa'yo."

Napabuga ako ng hangin.

"Paanong merong special powers ang founding families?"

"Ang alam ko ay ang unang Simmons witch ay isang napaka-powerful na witch. She did some rituals, spells and offerings to mother nature para maka- acquire ng power na 'yun pati na rin ang tatlong founding fathers. Ang purpose n'ya ay upang maprotektahan nila ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya. She sacrificed something though upang makamit ang mithiin n'ya."

Napaka-interesting naman yata ng history ng bayan na 'to.

"Precognition through dreams. Ang alam ko ay isa 'yan sa special powers ng pinakaunang Simmons witch. The first one," dagdag n'ya pa.

"I really should find out more about this. Lage na lang akong nagugulat sa mga sinasabi n'yo sa akin. May alam ba dito si Grams Octavia?"

"I don't think marami siyang alam. Like I said, hindi namin pinagkakaabalahan ang special powers dahil wala naman kaming gan'on. Only the founding families members."

Great. So kailangan kong lumapit sa kanila at magtanong? Eh para na rin akong nagpakamatay n'on.

"Advice ko lang sa'yo, mas mabuting si Matteo ang lapitan mo. Wala kang maaasahan kay Nadine dahil puro pasosyalan lang ang inaatubag n'on. Maldita rin 'yun. At mas lalong 'wag kay T. Patay tayo d'on."

Siempre. Tingin pa lang ng T Bloodworth na 'yun ay nakakamatay na. Wala akong planong ma-associate sa kanya.

"Pero talaga palang nakakatakot s'ya ano? Isang salita lang napakalma n'ya ang lahat," komento ko.

"Oo. He has Psychokinesis. 'Yan ang special power ng pamilya nila. Takot ang lahat sa kanya dahil pwede ka niyang patayin gamit lang ang utak n'ya. And he did it many times already. He's ruthless. Noong gabi ng party, he controlled the vampires."

Oh. Kaya pala pilit kumakawala iyung iba kahit wala namang nakagapos or nakahawak sa kanila.

Kinilabutan ako sa sinabi ni Faizah.

"So lahat ng mga Bloodworth ay ganyan?"

"Hindi. Iyung may dugong Bloodworth lang. Nasa bloodline ang mga kapangyarihan na ito. Pero may ibang mga Bloodworth naman na hindi nagkaroon. They probably didn't have enough of their ancestor's blood. Masyado nang diluted."

Napatango ako.

"Nothing to worry about the other Bloodworths. Si T lang talaga ang sobrang nakakatakot. Iyung Mama n'ya, mabait naman. Mahinhin siya at maawain. Si Mr. Bloodworth naman ay istrikto ngunit malakas ang kontrol sa sarili. Nakakatakot din siya pero mas okay na siya kesa kay T."

So ang T Bloodworth na 'yun ang pinakanakakatakot sa lahat ng mga bampira rito? Ngayon ay talagang na-finalize ko na ang planong umiwas sa kanya.

"S'ya nga pala, Faizah, may kilala ka bang Titus?"

Kumunot ang noo niya saka ako sinulyapan. "Titus?"

"Oo."

"Si T 'yan. Titus Thaddeus Bloodworth."

Nanghina ako sa narinig. Naman oh. So 'yung lalaki sa panaginip ko ay walang iba kundi ang ruthless na prinsipe ng kadiliman? S'ya 'yung nagsabi na I'm his?

Mamamatay talaga ako nang maaga nito.

---

Mabilis kaming natapos sa enrollment dahil konti lang naman ang kumukuha ng agriculture.

Tahimik ang community college. Nasa tapat lang nito ang high school. May dalawang buildings ang community college. Ang unang building ay para sa vocational courses. Isang palapag lang 'yun. Ang pangalawang building ay may dalawang palapag. Nandito ang mga bachelor courses at ang administration office.

Napansin kong may mga buhay na puno at halaman dito sa loob ng campus.

"Inaalagaan n'yo ang mga puno dito?" tanong ko kay Faizah. Nakatayo kami sa gilid ng rotunda. May mga halaman sa loob niyun.

"Hindi. Pinag-aaralan ng agriculture department kung paano buhayin ang mga pananim dito nang hindi gumagamit ng magic. So far, may nakikita na akong improvement."

"I see."

"So, kakausapin mo si Matteo ngayon?"

"Yeah. Kailangan ko nang malaman ang mga bagay tungkol sa pamilya namin."

"Good luck. Sige puntahan mo na s'ya. Hihintayin kita sa truck," sabi niya.

"Thanks," nagmamadali akong pumasok ng building at hinanap si Matteo Brigham. Wala s'ya sa first floor kaya naman umakyat ako sa second floor.

Kokonti lang ang mga estudyanteng nandito. Inabangan talaga namin na magpunta s'ya dito kaya alam kong nandito s'ya sa campus.

Naglalakad ako sa pasilyo at isa-isang sinisilip ang mga classrooms ngunit hindi ko talaga s'ya makita.

"Hanooo bahh...nakikiliti ako..."

Eww. May naglampungan yata sa isang classroom dahil sa malanding boses ng isang babae kaya naisip kong lampasan na lang 'yun.

"Tama na kashi. Matteo naman eh..."

Automatiko akong napatigil nang marinig ang pangalang binanggit ng babae.

Si Matteo Brigham ang gumagawa ng kababalaghan sa loob?

Humakbang ako pabalik at sumilip sa siwang ng pinto na hindi masyadong naisara. Excited much lang sila.

Napangiwi ako nang makita ang mukha ni Matteo na nakadiin sa gitna ng mga dibdib ng babae.

Yuck. Kahit na may damit sila ay hindi ko pa rin mapigilan ang maeskandalo.

Nakita kong natigilan si Matteo na para bang nakikiramdam kaya agad akong umalis sa kinatatayuan. Baka isipin pa nilang nambubuso ako. Akmang kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto kaya tumama ang kamay ko sa dibdib.

"Oopps. Sorry," nakagat ko ang ibabang labi ko nang makitang kumunot ang makinis niyang noo. Hindi ko naman sinasadya eh.

"It's you," aniyang biglang ngumisi.

Ibinaba ko ang kamay ko. "Kilala mo ako?"

"Oo naman. Ikaw 'yung muntik nang naging midnight snack n'ong party hindi ba?"

Midnight snack? Grabe namang makapag-describe 'tong lalaking 'to.

"Ah... ako nga 'yun. I'm Savannah," sagot ko.

Ang laki ng ngisi n'ya na parang nang-aakit.

Eww lang.

May kinuha ako sa shoulder bag ko saka ko 'yun iniabot sa kanya.

Kunut-noong tinanggap n'ya 'yun. "Tissue?"

Itinuro ko ang labi ko habang nakatingin sa mga labi n'yang puno ng violet na lipstick saka ako nag-iwas ng tingin.

Tumawa siya. "Ah... I see. Thanks," nagsimula s'yang pahiran ang mga labi n'ya habang matamang nakatitig sa akin.

"Matteo, bumalik ka na dito," dinig kong tawag ng babae na nasa loob.

Sorry, Ate. Aagawin ko muna si Matteo ngayon.

Nakita kong ngumisi si Matteo sa akin habang nagpupunas pa rin ng kanyang mga labi.

"Next time na natin 'to ituloy, pretty girl. May kausap ako eh," aniya saka itinapon sa trash bin na nasa labas lang ng pinto ang tissue.

Padabog na inayos ng babae ang sarili saka lumabas ng classroom. In fairness napakaganda n'ya at ang lalaki ng kanyang mga watermelons. Sinamaan pa n'ya ako ng tingin bago umalis.

"Sorry," pahabol ko sa kanya at inirapan n'ya lang ako.

Bampira 'yun ah. Sana naman 'wag akong pagtripan n'on. Mukhang nabitin pa naman s'ya.

"So, may kailangan ka," untag ni Matteo sa akin kaya napatingin ako uli sa kanya. Hindi siya nagtatanong.

"Ah oo kung pwede sana," sagot ko. Medyo kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung anong klaseng bampira s'ya.

Kalma ba s'ya o agresibo?

"What is it?"

"Gusto ko sanang malaman ang tungkol sa founding families."

Kumunot ang noo n'ya saka ako tinitigan. Anong meron sa titig nila? Bakit para silang nangangain ng kaluluwa?

"Ilang linggo ka na dito? Two weeks? Ngayon mo lang naisip na i-research ang bagay na 'to?"

"Well, dumating kami n'ong Moonless Week. Wala akong planong mamatay kaya hindi ako lumapit sa inyo."

Tumangu-tango s'ya. "Fair enough. Baka nga kinain ka na namin n'on agad."

Kinilabutan ako sa sinabi. 'Yung paraan kasi ng pagkakasabi n'ya ay parang fried chicken lang 'yung kakainin nila eh.

Tumawa s'ya. "Don't worry, as long as hindi Moonless Week o Blood Moon, safe ka sa mga kamay ko," aniya and he licked his lips seductively.

Umiwas ako ng tingin. Napaka-flirt naman ng lalaking 'to.

"So, ano ba'ng gusto mong malaman?"

Muli ko siyang tiningnan. Sa totoo lang ay napapagod na ang leeg ko sa kakaiwas at kakalingon sa kanya. At ang tangkad pa. Nakakapagod tumingala.

"Gusto kong malaman ang importance ng mga Simmons sa Hellville. Gusto ko ring malaman kung paano gagamitin ang clairvoyance namin."

Napatitig s'ya sa akin. "You have clairvoyance now?"

"I-I think so. Isang beses ko pa lang naman na-prove."

"What kind?"

"Precognition through dreams."

Ngumisi siya na para bang tuwang-tuwa. "Ayos. This is very interesting. You need all the information you can get."

"Kaya nga ako lumapit sa'yo."

"Good decision. Wala kang maasahan sa iba. I'm the best member of the founding families. But don't tell them that," aniya.

Kumunot lang ang noo ko.

"We need to go to the Bloodworth mansion."

Nanlaki ang mga mata ko. "What? Why?"

"Nasa library nila ang mga librong kakailanganin natin."

May ilang estudyante ang dumaan at napapatingin sa amin na nandito pa rin sa tapat ng pinto. May pagtataka sa mga tingin nila.

Alam ko kung bakit. Nakikipag-usap si Matteo sa isang witch na napaka-unusual.

"What the fuck are you looking at?" singhal ni Matteo sa kanila kaya takot silang napatakbo palayo.

Napangisi siya. Nang-iinis lang yata ang isang 'to. Muli niya akong tiningnan at mas lumawak pa ang ngiti niya.

"You have to instill fear in their hearts to establish authority and respect. Dapat gan'on ka rin. You're a Simmons, a member of the founding families."

Umiling ako. Ayoko nga. Bahala sila kung gusto nilang katakutan sila. Ayoko nang gan'on. I will get respect because I deserve it. Not because I forced it.

Fear and respect are two very different things.

Tumaas ang kilay ni Matteo habang nakatingin sa akin.

Huminga ako nang malalim para ipagpatuloy ang usapan namin. "Ayokong pumasok sa bahay ng mga bampira," amin ko sa kanya and I saw a glint of amusement in his yes.

"Honest. I like that. Alam mo ba'ng maraming babae ang lumuluhod at nagmamakaawa para lang makapasok sa mansyon ng mga Bloodworth?"

"Sorry to disappoint you but I don't want to die young. Gusto ko lang malaman ang katutuhanan tungkol sa pamilya namin."

Ngumiti siya. Ang gwapo talaga ng lalaking ito at mukha siyang mabait kahit papaano kahit na isa siyang halimaw kaya medyo nakaramdam ako ng konting pagka-at ease. Tsaka suot ko naman ang amulet kaya hindi naman siguro ako sasaktan ng lalaking 'to.

"Alam mo, sa totoo lang, for five years, mula nang mamatay si Elder Caridad, we learned to survive without the clairvoyance ability. In this town, all founding families have different duties. Dati, s'ya ang nagsasabi pag may gulo sa isang parte ng bayan at agad naming napupuntahan 'yun. N'ong namatay s'ya, dumadami ang gulo kaya naman we tried a new approach. We kill whoever starts a chaos. Kaya 'yun, naging payapa uli," aniyang nakangisi.

Mga halimaw talaga sila. Parang ang dali lang sa kanila ang kumitil ng buhay ah. Akala nila pagpatay ang solusyon sa lahat ng problema?

"Actually, only T enjoys it so much. You know, the killing."

Ipinilig ko ang ulo ko. Nakaramdam nanaman kasi ako ng takot sa T na 'yun.

"Hey, don't be scared. Hindi naman kami basta-bastang pumapatay. Of course we conduct investigation."

"So, that was the responsibility of my grandmother? 'Yan ang responsibility na sinasabi ni Mayor West?" sabi ko na lang.

"Most probably, yeah. Ano pa nga ba? Buti pa sumama ka na sa akin sa Bloodworth mansion. D'on ko na sasabihin sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman."

Umiling ako. "Ayokong pumasok sa bahay ng mga bampira," ulit ko.

"Oh sige sa bahay na lang namin," aniyang ngumisi.

"Anong tawag mo sa sarili mo?" nakakainis na s'ya ha. Kitang seryoso ako eh.

"Gwapong bampira. So may kaibahan 'yun."

Hindi ako sumagot kaya bumuntung-hininga s'ya.

"Fine. Sa inyo tayo."

"Hindi ka pwedeng pumasok d'on. May protection d'on. Sa coffee shop na lang or any shop," suggest ko.

"Listen here Ms. Simmons..."

"Fitzgerald."

Umiling siya. "We don't recognize your mortal name here. For us, you are Simmons."

Hindi na lang ako nakipagtalo.

"Ikaw itong may kailangan kaya d'on tayo sa lugar kung saan ako komportable. Ayokong magtagal sa mga coffeshops or restaurants. Masyadong maraming babaeng nagpapa-cute d'on. Hindi ako makakapag-focus sa'yo."

Haay naku. Akala ko ba naman ay seryoso na s'ya.

"When I told you I won't hurt you, I really won't. At para mas panatag ka, 'wag mo nang iwala uli 'yang kwentas mo."

Huminga na lang ako nang malalim. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan kong malaman ang mga bagay tungkol sa pamilya namin na itinago ng mga magulang namin.

"Okay."

"Good. Just trust me, okay?"

Tumango na lang ako kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Papasok ako sa bahay ng mga bampira. Nababaliw na nga siguro ako.

***

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
14.1K 462 52
(Agent Series 3 ||Part 1||) Started Writing:March 26,2020 Finish Writing:Apr.28,2020 Written By: Shireroseee
317K 6.7K 24
Ever since the day she can remember, Aila has this huge crush over Yoseff, ang kanyang napaka-gwapo ngunit napaka-sungit na kapitbahay. The problems...
795K 32.6K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...