Stalker (One-shot)

By bbootychick

3K 69 15

Ultimate crush ni Justine si Ren na isang cold jerk, bipolar, handsome, oh so yummy heartthrob ng school nila... More

Stalker (One-shot)

3K 69 15
By bbootychick

Katatapos lang ng klase namin. Pauwi na yung iba. Haaay Ang hirap maging estudyante.

Ayoko pa sanang umuwi eh. Gusto ko pang makita si Ren. Ang aking ultimate crush since high school days pa namin. Ewan ko ba. Kahit sobrang cold niya, snob, at parang weird, crush ko pa rin siya. Psh

As if kilala niya ako. Wala naman ako sa radar niya.

Anyway, magpapaalam muna ako sa bestfriends ko.

"Uy Jill, Dana, sibat na ako ha?"

Nagsalita si Jill. "Nako Justine. 'Di ako naniniwalang uuwi ka na agad. Sa itsura mo palang, mukhang bubuntot ka na naman kay Papa Ren."

"Gagi! 'Wag mo nga siyang tawaging 'Papa'. Akin lang siya noh... Osige na nga. Oo, gusto ko siyang sundan pero kailangan kong umuwi ngayon. Bukas na lang siguro." Sagot ko.

Kasi naman eh. Maglalaba pa ako tapos gagawa pa ako ng assignments. Wala naman akong yaya sa bahay para gumawa ng gawaing-bahay. Pati nga si Mang Orly, naiistorbo ko kasi siya nagluluto ng mga kinakain ko. Mag-isa lang kasi ako sa buhay. Pero, so far, so good. Ayos naman.

"Justine, baka naman masaktan ka sa ginagawa mo." Biglang sabi ni Dana.

"Sus. 'Wag kang magalala Dana. Alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako ambisyosa para mangarap na sana mapansin ako ni Papa Ren. Gusto ko lang siyang bantayan. Na sana ligtas siya, nakakakain siya nang maayos, o kung masaya ba siya. Kuntento na ako na sa malayo lang siya nakikita. Pasalamat nga ako sa mga ninja---"

"Justine." Biglang sabat ni Dana. Parang nakatulala sa kung saan.

"Oh bakit? Masyado bang cheesy mga lin---"

"Sa likod mo." Tinuturo ni Jill yung pintuan ng classroom.

"Huh?" Lumingon ako at...

"Ren."

Nakita ko si Ren na nakatingin sa amin. Lalong-lalo na sa akin. Nakakunot yung noo.

Ilang saglit pa ay umalis na siya ng classroom. "Teka--- Ren!" Hindi ko na siya naabutan.

Hala! Buking na buking na ako. Paano ko siya haharapin?! Lagot ako. At parang galit pa ata siya dahil sa mga narinig niya. Sabi ko na nga ba't hindi niya ako gusto at mukhang nagalit pa sa akin.

"Pano 'yan, Justine? Mukhang alam na ni Ren yung feelings mo." Pag-aalala ni Dana

"Hayaan mo na 'yun Bespren. Makakalimutan niya rin 'yun. Baka hindi lang niya nakaya yung mga narinig niya." Dagdag pa ni Jill.

"*sighs* Uwi muna ako guys. Bukas na lang ulit---kung may bukas pa." Matamlay kong sagot.

Nakakahiya na nakatakot na nakakaiyak. Halo-halong emotions ang nararamdaman ko ngayon. I've never felt like this before. Sobrang... sobrang lungkot ko habang naglalakad pa-uwi. Narinig na niya yung 'confession' ko. Alam ko na ang next step. Snob, tatarayan, o di kaya, he will live as if I don't exist. Oo, gets ko na. Ganun naman lahat ng lalake, 'pag nalaman nilang may gusto ka sa kanila, they will ignore you...forever. Cliche na 'yung malalaman niyang gusto mo siya, tapos aamin din niyang gusto ka rin niya. Psh

So eto ako ngayon, nakasayad ang baba sa lupa habang nagmumuni-muni. 'Di ko muna feel maging jolly ngayon. I'm so devastated. Drama muna kahit minsan.

Anlayo pa ng bahay ko pero wapakels. Naiinis ako sa sarili ko. Oh Papa Ren! My Papa Ren!

Ilang sandali pa, may naramdaman akong tao sa likod ko. PANIRA NG MOMENT!!

Lumingon ako...

Pero walang tao. Sure ako dahil may narinig akong footsteps. Whew! Baka guni-guni ko na naman 'yun. Last week rin kasi, after kong buntutan si Papa Ren, eh meron ding sumunod sa akin pauwi. Pag lumilingon ako, wala naman. Haaay pagod lang siguro ako ngayon.

Pagkauwi ko sa bahay, ginawa ko na yung mga usual stuff na ginagawa ko. Homeworks, house chores, eklabu chenes, chorva chu chu.

Now, time to sleep. Zzzzz

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

"Bespren, okay ka na ba? Naka-move on ka na ba? Ano?"

"Ano ka ba Jill?! Hindi makakamove-on si Justine OVERNIGHT, alam mo 'yun. Oh ano Tine, kumusta pakiramdam mo?" Bungad sa akin nina Dana at Jill pagpasok ko sa classroom.

Well, medyo okay na ako. Siguro pagod lang talaga ako kahapon dahil sa tindi ng school life. Nakakalusaw ng utak. Idagdag pa yung malatelenovelang pagwawalk-out ni Ren dahil narinig niya yung oh-so-lame confession ko. Haaay =(

"Medyo okay na ako. No need to worry. Tsaka ano ba kayo? Di niyo ba ako kilala? Ako si Justine, ang maganda at matapang. Hahaha" Papaupo na ako habang nagtatawanan kaming tatlo. Ayaw ko na rin silang magalala sa akin dahil okay na ako. Except dun sa stalker part kagabi. I wonder kung stalker ko ba talaga 'yun o baka hallucination ko lang.

Sakto namang dumating si Maam Salazar.

 Kriiiiiiiiiiiiiiiiing!

At sa awa ni Papa Lord, hindi ko nakita sa Ren buong araw. Iniiwasan ako. T^T

"Justine, Jill una na ako ha. May pinapagawa sa akin si Mommy." Sabi ni Dana at kumaway sa amin saka umalis ng classroom.

"Bespren, una na rin ako ah. Si Tatang kasi eh, may pinapagawa rin." Tumayo si Jill at kumaway bago umalis ng room. Kumaway na lang din ako at ngumiti.

Gabi na naman ako makakauwi. Ang daming kailangang tapusin. Ipapahinga ko na lang 'to.

Habang pauwi..

Lakad

Lakad

*booogsh*

Stop

Lingon

Walang nakita

Tingin sa harap

Lakad

"Sh*t."

Stop

May narinig akong nagcuss at pamilyar ang boses niya. "Sino 'yan? May tao ba dyan?"

Walang sumagot. Pero... may nakita ako shadow sa may poste kung saan nakatapat yung streetlight.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik. Take note, walang sound at parang Mission Impossible ang peg ko dito. Medyo madilim na rin kase. Nakakacurious sa brain cells.

Nagtago ako sa likod na poste. So bale, kung wala yung poste, magkaback-to-back kame ng kung sino mang tao na yun.

In 1...2...3... Harap!

Isang matangkad na lalake. Ang gwapo, ang puti, ang yummy ng katawan, and that shoulders! Oh my! Teka---

"REN?!"

"Ikaw? Ikaw yung stalker ko?! (feeling famous kaya stalker) Bakit? Paano? Kailan pa?"

Wala siyang imik. "Huy! Magsalita ka nga. Pipi ka ba? Hoy abnormal!"

"Eh kasi..."

"Ano?"

"Gusto kita" I frozed nung sinabi niya 'yun. Ako? Gusto niya?  Pfffft.

"Eh akala ko ba--"

"Gusto kita Justine. Ewan ko kung kailan nagsimula pero bigla na lang dumating. Kahapon, kaya ako nagwalk-out eh kasi...kasi...kasi nakaramdam ako ng kilig. Ayokong makita mo 'yun kaya nagkunwari na rin akong galit. Alam ko ang weird ko. At ito, ang pagiging "stalker" mo. Oo, ako yung last week at kahapon. Gabi na kasi 'nun kaya gusto kong masigurong safe ka. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa'yo. Halos gabi ka na rin kasi nakakauwi ng bahay niyo. I'm sorry Justine pero I love you. Sana pwe---"

"Gagi! I love you more." Tama na ang mga narinig ko. Kung panaginip lang 'to, 'wag niyo na akong gisingin. Sheeeet. Yung mukha ko, sobrang init.

Humakbang siya ng isa at kiniss ako sa cheeks. ASDFGHJKL GURABI ANG AKING BRAIN CELLS HALP MEH

"Hatid na kita sa inyo. *ngiting wagi*"

"Ah- Eh- sige." Pakipot effect.

At naglakad na kami pa-uwi. Take note, holding hands.

The End

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52K 834 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...