When True Love Comes Arrived...

By AngManunulatMissDee

148K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... More

Introduction
S1
S2
S3
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S11
S12
S13
S15
S16
S17
S18
S19
S20
S21
S22
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S14

3.9K 135 11
By AngManunulatMissDee

Matapos makausap ang parents ni Glaiza, hindi na muna pinauwi ni Miguel si Rhian. Malakas ang pagbuhos ng ulan kaya nagpalipas nalang muna ng gabi si Rhian kila Glaiza.

Dahil hindi pa kumakain si Glaiza pinagdalhan ito ni Rhian ng pagkain sa kwarto niya.

"Panget? Magandang gabi." bungad niya at naabutan ni Rhian na nakahiga si Glaiza nakikinig ng music at yakap ang picture frame ni Coleen habang umiiyak. Linapag niya ang tray ng pagkain sa table at pinatay ang cd player. "Panget hindi ka na dapat nakikinig ng mga ganyang kanta. Mas lalo kang mag eemo niyan e. Nagdala ko ng pagkain kumain ka na muna." pag aya nito.

"Wala akong gana." walang emosyon na sagot nito.

"Glaiza ano ba? Are you killing yourself? Simula umaga hanggang hapon nasa sementeryo ka, wala ka namang ibang dala kundi yong gitara mo. Ano laman ng tiyan mo? Petals ng mga bulaklak na dinadala mo sa puntod ni Coleen?" iritang tanong nito.

"Rhian ano bang pakialam mo? Saka paano mo nalaman na kaninang umaga mo pa ko na andon, sinusundan mo ba ako?" tanong nito.

"May pakialam ako kasi best friend kita. At oo sinundan kita, so I'm sorry if I lied to you kanina nung nagtanong ka. Kaya please kumain ka na, magkakasakit ka sa ginagawa mo e." pakiusap nito.

"Pwede ba Rhian wag mo kong kulitin? Wala akong panahon para sa mga kakulitan mo. Umuwi ka na lang!" sabay bato ng unan kay Rhian.

"Hindi ako pinauwi ni Tito kaya dito ako matutulog. Ah yan pala gusto mo harutan ah sige!" sabay kiliti nito kay Glaiza. Akala niya nagbibiro lang ito ngunit hindi pala.

"Rhian tama na!" naiiritang sabi nito at tinulak si Rhian. Kaya nabasag ang baso at natusok ang siko ni Rhian ng mga bubug.

"Ahh! Aray ang sakit." daing nito.

"Rhian pwede ba wag mo kong dramahan! Hindi ka nakakatuwa!" naiinis niyang sabi. Tumayo na lang si Rhian at tinanggal ang tumusok na peraso ng bubug sa siko niya.

"I'm so sorry, akala ko kasi nanghaharot ka lang." mahinahon niyang sagot. "Kukuha lang ako ng basurahan ako nalang maglilinis nito." hindi napansin ni Glaiza na nasugatan si Rhian dahil tinalikuran niya 'to agad.

Kaya paglabas ni Rhian ng kwarto nasalubong naman  siya ng Tita Wilma niya.

"Rhian ano yung kalabog don sa kwarto?" tanong nito.

"Wala Tita may nabasag lang po." nakita ni Wilma na tumutulo sa sahig ang dugo ni Rhian kaya agad niya itong nilapitan

"Dyos ko anong nangyari dyan!" gulat na tanong nito.

"Wala po Tita it's just a little accident." ayaw niyang sabihin na kasalanan yon ni Glaiza dahil alam niya napapagalitan ito.

"Rhian wag mo nang pagtakpan ang anak ko, narinig ko siyang sumigaw kanina. Kaya let me talk to her, at dyan ka lang dahil sa kanya ko ipagagamot yan." sabay pasok sa kwarto ni Glaiza.

Pumunta naman si Rhian sa lababo para hugasan ang sugat niya.

Samantala sa loob ng kwarto ni Glaiza ...

"Glaiza bumangon ka nga dyan!" sabay tanggal ng kumot nito.

"Nay inaantok na po ako, pwede po ba magpatulog naman kayo." sagot nito.

"I said get up! Bumangon ka ngayon na!" galit na bigkas nito. Sumunod naman agad si Glaiza at bumangon siya. At nakatikim ito ng sampal sa ina.

PAK!

"Simula ng maging ganyan ka, wala kang narinig na kong ano sa akin. Inintindi kita kasi nasaktan ka, at nawalan ng mahal sa buhay. Pero anak hindi ko naman pwedeng hayaan na saktan mo yung mga taong nagmamalasakit sayo. Ganyan ba ang itinuro ko sayo? Glaiza lahat tayo nasasaktan, pero sa sitwasyon mo nasaktan ka na nanakit ka pa ng ibang tao! You know what happened to your best friend? Lumabas ka nang malaman mo! And please do the right thing anak!" sabay sa labas ng kwarto ng anak niya si Wilma.

Nakita naman ni Glaiza ang mga patak ng dugo ng buksan niya ang pinaka ilaw ng kwarto niya. Agad niyang pinuntahan si Rhian na kasalukuyan sinuhugasan ang sugat.

Nang makita niya si Rhian, umiiyak ito habang pinupunasan ng tissue ang nagdurugong sugat niya. Agad niyang kinuha ang first aid kit sa kwarto niya, at binalikan si Rhian.

"Ang harot harot mo kasi, tingnan mo yang napapala mo. Ngayon iiyak iyak ka, akin na gagamutin ko." sabay upo at ginamut ang sugat ni Rhian.

"Kasi naman ikaw e, akala ko nang haharot ka lang. Di ko naman iniexpect na seryuso ka pala." parang batang nagpapaliwanag. Napangiti naman si Glaiza sa tuno ng boses ni Rhian.

"Ito na po gagamutin na, para kang bata e. Sorry panget, sorry." sabay ihip sa sugat ni Rhian.

"Panget ..."

"Yes?" sagot nito habang nilalagyan ng betadine ang sugat ni Rhian.

"I miss you, miss na miss ko na yung Panget na maharot, malambing at sweet." she said. Natawa lang si Glaiza sa sinabi ni Rhian.

"Isip bata ka pa rin talaga Rhi, ayan tapos na inumin mo nalang tong anti biotic." sabay tayo ito. Kaya sinundan ni Rhian si Glaiza at yumakap sa likod nito na ikinagulat naman ni Glaiza.

"Isip bata na kong isip bata wala akong paki alam. I just wanna let you know na sobra kitang namimiss. Pwede bang magrequest kahit ngayong gabi lang. Isipin mo kung paano tayo noon, kung paano mo ko minahal noon higit pa sa isang kaibigan." she said habang umiiyak at mahigpit na nakayakap sa likod ni Glaiza.

Kumalas si Glaiza mula sa pagkakayakap ni Rhian.

"Rhian alam mong hindi ko kayang gawin yan, hindi ako mang-gagamit para pagsamantalahan ka. Matulog ka na, ako na magliligpit nung kalat sa kwarto." she said.

"Okay naiintindihan ko, pero pwede ba kainin mo yung pagkaing dinala ko. Ako nagluto nun sana pumasa sa taste mo."

"Hahaha kailan ka pa natutong magluto?"

"Dati pa ... Pero don't mind it na basta kumain ka."

"Oh siya sige, pumasok ka na at magpahinga."

"Okay good night."

"Good night too."

At saka pumasok si Rhian sa kwarto, akala niya pagbibigyan siya ni Glaiza sa gusto niya.

"Akala ko pagbibigyan niya ako sa gusto ko. Mahirap palang humingi ng pabor sa taong hindi ka naman mahalaga. Pero okay lang yan, malay ba natin bukas isang araw mahalin niya na ako ulit, sana. I think I just need a rest sumasama ang pakiramdam ko. Sana wag naman akong lagnatin." she talked to herself.

Napa isip naman si Glaiza sa sinabi ni Rhian kanina.

"Ano namang ibig sabihin ni Rhian?Isipin mo kung paano tayo noon, kung paano mo ko minahal noon higit pa sa isang kaibigan? Bakit siya nagrerequest ng ganun? At bakit niya ako sinundan kanina sa sementeryo? Ibig sabihin kung dumating ako ng 8 am nakasunod na siya? Bakit? Bakit mo ginagawa yon Rhian?" she said asked to herself.

Matapos niyang malinis ang kalat sa kwarto, kinain niya na ang linuto ni Rhian na lugaw with egg.

"Aba masarap ah?" sabi niya sa sarili at panay ang subo nito ng matikman niya ang nilutong lugaw ni Rhian. Pero nung maubus niya agad ito, naghanap pa siya. Kaya nang wala siyang makita pinuntahan niya si Rhian para tanungin kong may natira pang lugaw sa linuto niya.

Pagpasuk niya ng kwarto nakita niya si Rhian na balut na balut ng kumot. Linapitan niya ito at tinanong.

"Panget malakas ba aircon?" sabay tanggal ng kumot sa mukha nito. "Panget may lugaw pa ba? Bitin ..." naputol ang sasabihin niya ng masalat niya ang leeg ni Rhian. "Panget ang taas ng lagnat mo ah! Teka sandali papatayin ko yung aircon!" agad pinatay ni Glaiza ang aircon. At kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo na ipangpupunas kay Rhian.

"Rhian naman bakit di mo sinabing masama na pakiramdam mo? Ayan oh  inaapoy ka ng lagnat, sandali nga tatawagin ko si Nanay." paalis na sana si Glaiza ng hawakan ni Rhian ang kamay niya.

"Dito ka lang wag mo akong iiwanstay with me please." pakiusap nito. Kaya umupo muli si Glaiza sa tabi ni Rhian at pinunasan na lang ito.

"Kinukunsensya mo pa ako ngayon, dahil kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit. Bakit mo ba kasi ako sinundan sa sementeryo? Sira ulo ka din kasi eh noh?"

"Yes Glaiza, I'm crazy. And I'm not just a crazy, coz I'm crazy in love with you." pag amin niya ng kanyang nararamdaman. Nagulat naman si Glaiza sa pag amin ni Rhian sa kanya.

"Rhi kinukombulsyon ka na yata. Kung ano ano na yang pinag sasabi mo e." ayaw niyang maniwala sa sinasabi ni Rhian.

"Panget totoo ang sinasabi ko, maniwala ka naman. Mahal na mahal kita. Ako yung baliw na sinusundan ka araw araw sa sementeryo. Ako yung baliw na nakatayo lang sa isang tabi pinagmamasdan ka. Lahat ng kabaliwan nagawa ko na, dahil sa pagmamahal. At pinagsisisihan kong iniwan pa kita noon." she said habang nanginginig.

"Rhian mali yang pagmamahal na nararamdaman mo. Wag kang maniwala sa sinungaling mong puso!"

"Alam kong mali ang pagmamahal na nararamdaman ko. Pero kahit mali ito sa paningin ng ibang tao. Itatama ko dahil mahal kita, mahal na mahal. Hindi sinungaling ang puso ko, sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko. Hayaan mo kong ipakita sayo, yung pagmamahal na nararamdaman ko para sayo. At buksan mo ang puso mo, subukan mo kong mahalin ulit." sabay hawak sa kamay ni Glaiza.

"Rhian dont do this, masasaktan ka lang."

"Handa akong masaktan, maging akin ka lang ulit." she said habang umiiyak.

"Rhian tama na,wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kaya tigilan mo na yan."

"Di ba mas lalong mahirap kung pipigilin ko kong anong nararamdamaman ko? Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?"

"Hindi sa ayaw kong maniwala Rhi. Natatakot lang akong masaktan ka, and I can't forced myself to love you. I still love Coleen, siya pa rin yung laman nito. Kaya ayokong pilitin ang sarili ko na mahalin ka. Dahil alam ko dito sa puso ko hindi pa humihilom ang sugat. Kaya patawarin mo ko dahil hindi ko kayang suklian yang pagmamahal na nararamdaman mo." she said at tinanggal ang kamay ni Rhian.

"Wait!" bumangon siya at tumayo.

"Rhian wag mo na ngang pilitin ang sarili mo. Nanginginig ka ..." hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil hinatak siya ni Rhian at hinalikan. Madiin ang halik ni Rhian, pero hindi magawang gumanti ni Glaiza sa ginagawang paghalik nito. Dahil ayaw ni Glaiza itinulak niya si Rhian. "Rhian wag!" inawat na niya si Rhian, ngunit hinatak siyang muli nito at hinalikan. Sa pangalawang pagkakataon hindi pa rin gumaganti si Glaiza sa halik nito, then she push Rhian again. "Rhi sinabi nang tama na!" hahalikan muli siya ni Rhian ngunit sinampal niya ito ng sobrang lakas.

"PAKKK!"

Hindi intensyon ni Glaiza na masaktan si Rhian. Pero yun lang ang alam niyang paraan para tumigil ito.

"I'm so sorry Rhi, hindi ko sinasadyang saktan ka. Sorry." she said at hindi maiwasang umiyak.

"Hindi mo man sinasadyang saktan ako. Pero paulit ulit akong nasasaktan dahil sayo." she get her bag at lumabas ng kwarto.

"Rhian sandali saan ka pupunta?" sinundan niya ito.

"Uuwi na ako." sagot niya habang umiiyak.

"Pagpapakamatay ka ba? Alam mong nilalagnat ka uuwi ka ng ganyan ang lagay mo."

"Oo! Mabuti ngang mamatay nalang ako! Baka sakali makita mo yung halaga ko kapag nangyari yon!" sagot niya.

"Kung gusto mo talagang umuwi, then go. Hindi kita pipigilan, mag ingat ka nalang." that's the only words she said. Hindi na nagawang pigilan ni Glaiza si Rhian. Kaya si Rhian umuwi nalang sa kanila.

That nigth is like a broken frame. Walang kasing sakit ang nararamdaman ni Rhian sa naging pag-uusap nila ni Glaiza.

While driving in her car, wala siyang tigil sa pag iyak ... Then suddenly nagring ang phone niya.

Incoming Call Bestie ....

At agad naman itong sinagot ni Rhian.

"Bestie." pilit niyang inayos ang boses para hindi mapansin ni Bianca na umiiyak siya.

"Bestie naka ready ka na for tomorrow?"

"What about tomorrow?"

"Gosh! Nakalimutan mo? Were going to Tacloban di ba? Di ka ba sasama?"

"No Bestie, buti pinaalala mo. Okay see you tomorrow Bestie."

"Sure ka? Kaya mong iwan si Glaiza?"

"Oo bestie, hindi naman niya ko kailangan kaya walang rason para magstay, so im in. I'll see you tomorrow."

"Okay sige, anyway kasama nga pala si Kylie bukas my cousin. We need a photographer kaya ininvite ko siya."

"Okay, bee I'll just see you tomorrow. Bye."

And she ended the call ...

"You don't need me Glai, so tama lang na iwasan muna kita para hindi ako masaktan." she said to herself.

Matuloy kaya si Rhian? Marealize kaya ni Glaiza na mali siya? Abangan ...

================================

A/N : Guys expect ko na na may mga typo ako di ako nakapagbasa ulit. What can you say about this update? Daming hugot di ba?

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 79.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.
468K 3.1K 8
Galit na galit ako ngayong araw na ito. particularly sa isang tao or rather sa isang stupidyante. Bakit ako galit? kinuha lang naman niya sa akin an...