MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R...

By LittleCreepHeart

97.2K 2.8K 476

[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #2 Wazel Blake Morrison and Doniella Salazar DATE STARTED: JULY 26, 202... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTERT SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
EPILOGUE
NEXT BOOK
TO MY READERS

CHAPTER TEN

2.9K 82 35
By LittleCreepHeart

CHAPTER TEN



KITANG kita ni Doniella kung gaano na disappoint sakanya si Wazel kanina noong pinaalis na naman niya ito. Hindi niya alam kung ilang beses na ba niyang itinaboy ng asawa. Gusto man niya itong patawarin pero sa tuwing naaalala niya ang pagkawala ng kanilang magiging anak, mas nangingibabaw ang kanyang galit.

"Anak?"

Mga katok sa pinto ang nagpabalikwas sakanya mula sa pagkakahiga. Pinunasan muna niya ang kaniyang mukha. Ayaw niyang makita nanaman siya ng kanyang ina na umiiyak. Halos gabi gabi na rin kasi siyang nakayakap sa unan at palihim na ibinubuhos ang masasakit na nangyayari sa kanyang buhay.

Bakit ba siya pinaparusahan? Hindi ba siya mahal ng Diyos?

"Nay," aniya at binuksan ang pintuan. May pag aalala sa mukha ng ina.

"Umiyak ka nanaman ano?" tanong ng ina at deretso itong pumasok sa maliit niyang silid.

Dati ay kubo kubo lamang ang bahay nila. Pero nang magkaroon ng trabaho ang dalawang ate niya, naipa-renovate na nila ang bahay. Hindi man malaki, pero sapat na iyon para magkasya sila. Three-bedrooms bungalow house ang ipinatayo ng dalawang ate para sa kanila.

Malapit sa Sanctuario Eco De Morrison ang kanilang bahay, dito nga siya lumaki at sa farm ng mga Morrison nga niya unang nakita ang binatilyong si Wazel Blake Morrison na asawa na niya ngayon.

"Hindi nay," pagsisinungaling niya.

"Anak, hindi mo na ba talaga kayang ayusin ang pagsasama niyo ni Wazel?" Napabuntong hininga siya sa tanong ng ina. Ano ba ang kasagutan niya para doon? Hahayaan na lamang ba talaga niyang mabalot ng galit ang puso niya? "Mag-asawa kayo, hindi lang basta magka-relasyon."

"H-hindi ko po alam nay," umupo siya sa kama at napayuko. Naramdaman naman niyang umupo sa kanyang tabi ang ina at naramdaman ang palad nito sa palad niya.

"Anak, huwag mo masyadong tigasan ang puso mo sa iyong asawa." Saad ng kanyang ina. Tumingin siya ng deretso sa mga mata nito. Nakikita niya ang kalungkutan ng ina para sakanya. Gaya niya ay tila nahihirapan rin ito. "Mag-asawa kayo, anak. Kailangan niyong mag-usap."

"Pero niloko niya ako nay. Naghanap siya ng iba at may anak na pala siya doon sa ex-girlfriend niya. Paano ko po siya mapapatawad nay? Pangalawang beses na rin akong nawalan ng anak! Hindi niyo kasi ako naiintindihan eh!" Tuluyang bumuhos ang mga luha niya. Hindi naman umimik ang kaharap, bagkus, niyakap siya nito.

Sa yakap ng ina, parang hinahaplos ang kanyang puso. Para bang unti-unting natatanggal ang mga tinik na nakabaon sa puso niyang nasasaktan. Ilang araw na ba siyang nagsolo sa problema? Ilang araw na ba siyang hindi makakain ng tama? Ilang araw na ba niyang hindi kinikibo ang ama't ina dahil sa galit?

"Ang sakit sakit kasi nay!" Hagulgol niya. Para siyang batang inaway ng kalaro at nagsusumbong sa ina. "Mahal na mahal ko ang asawa ko, pero bakit niya ako niloko?"

"Hindi mo pa napapakinggan ang buong pangyayari mula sa asawa mo, anak. Kailangan niyong mag usap." Saad nito. Hindi siya sumagot.

Masakit ang puso niya. Nagluluksa. Tila nawalan siya ng buhay, nawalan ng gana ang puso niya sa pagtibok. Pero kahit ganon, ramdam niya pa rin sa kasuluksulukan ng puso niya na may natitira pa siyang pagmamahal sa kanyang asawa. Masakit man, pero mahal niya pa rin ito.

"P-pakiramdam ko nay, nasira na ang relasyon namin ni Wazel. P-parang hindi ko na kayang ibigay sakanya ang tiwala na ibinigay ko sakanya noon." Iyak pa niya. Magkayakap pa rin sila at hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Sa tuwing naalala ko ang araw na nawala ang baby ko dahil kay Wazel, parang gusto ko nalang mamatay, nay."

"Anak naman, alam mo naman kung gaano pinag sisisihan ni Wazel ang nagawa niya diba? Halos araw araw siyang nandito, pinagluluto ka niya—"

"Pero hindi pa rin nito kayang ibalik ang anak ko nay." Putol niya at kumalas siya sa yakap ng kanyang ina. "Sabi niya, aalagaan namin ang aming magiging anak. S-sabi niya, mamahalin namin ang baby at hindi niya ako lolokohin. N-nasaan ang mga pangako niya, nay? B-bakit natukso parin siya sa iba?"

"Anak, alam ko mahirap. Pero bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang asawa mo."

"P-papaano kung ulitin niya yung pagtataksil niya saakin nay?" tanong niya. "Baka hindi ko na po kayanin."

"Kung wala ka ng tiwala kay Wazel, pagkatiwalaan mo ang puso mo. Ano ba ang tunay na sinasabi nito?" napaisip siya sa sinabi ng kanyang ina. Ano nga ba talaga ang gusto niya? "Magpahinga ka muna, anak. Kapag bumalik rito bukas si Wazel ay kausapin mo ha?"

"O-opo nay," siguro nga kailangan na niyang makausap ang asawa. Yung walang galit sa puso niya. Gusto niyang malaman kung bakit siya niloko nito. Kung bakit hindi ito nakuntento. Kung bakit sa ex pa nito? Kung bakit inilihim na may anak ito sa dating nobya.

Tama ang ina, kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang asawa. Kasal sila, at nangako sila sa harap ng altar na kakayanin nila ang hirap at ginhawa. Hindi siya perpekto, nung una ay nakunan rin naman siya dahil sa katigasan ng ulo niya. Nagtrabaho siya noon kahit pinapahinto na siya ni Wazel dahil delekado para sa baby. Pero hindi siya nakinig.

Oo nga't nagalit noon si Wazel sakanya ngunit dinamayan parin siya nito at napatawad. Sabay nilang kinalimutan ang lahat. Mahirap man sa damdamin, pero susubukan niya pa rin na ayusin ang relasyon nila, bilang mag-asawa.


***


"PWEDE bang matulog muna ako dito?" tanong ni Wazel sa dating kasintahan. Maging siya ay hindi niya maintindihan ang sarili, kung kailan pinapaalis na siya ni Zyrah, saka naman ginusto niyang mag stay dito. Habang nakatingin sa mata ni Zyrah, naaalala niya si Doniella. Napakalungkot tingnan.

Bigla nalang kusang gumalaw ang kanyang kamay at hinila si Zyrah palabas ng kwarto ni Sky. At dinala niya ito sa bakanteng kwarto kung saan din siya dinala nito noong mga nakaraang buwan. Noong may nangyari sakanila dahilan upang mawalan sila ng anak ni Doniella.

"A-anong ginagawa mo Wazel?" nauutal si Zyrah. Maging siya ay hindi maunawaan ang gagawin. Habang nakatitig siya kay Zyrah ay mukha ni Doniella ang nakikita niya. Ano bang nangyayari sakanya? Nababaliw na ba siya? "Wazel!"

Nagulat nalamang siya ng bigla siyang makaramdam ng hilo. Agad naman siyang inalalayan ni Zyrah at pinahiga siya sa kama nito.

"Awww! Shit!" aniya dahil tila kumikirot ang kanyang ulo. Pumikit siya at mukha nanaman ni Doniella na umiiyak ang kanyang nakikita.

"Wazel," ramdam niya ang paghaplos ni Zyrah sa kanyang pisngi. Pero nanatili siyang nakapikit habang pinagmamasdan ang mukha ni Doniella sa kanyang isip. Ang mga luha niya ay kusang dumaloy pababa. Umiiyak na rin siya na parang bata. Humahagulgol na parang nawalan ng paboritong bagay. Mapapatawad pa kaya siya ng asawa?

"Tahan na Wazel," natigilan siya sa boses na iyon. Tila boses ni Doniella. Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nagulat nga siya ng masilayan ang mukha ng asawa. Napangiti siya habang umiiyak. Nananaginip ba siya? Kaharap na ba talaga niya ang asawa?

"I'm okay now," aniya. Hinawakan niya ang pisngi ng kaharap at hinaplos iyon. Kailan niya ba huling nahawakan ang pisngi ng minamahal niya? "I miss you,"

Hindi na nga siya nagdalawang isip pa at hinalikan na agad niya ito. Pumikit siya, mukha parin ni Doniella ang laman ng isip. Napangiti pa siya dahil doon. Talagang maging sa panaginip ay ang asawa pa rin ang kanyang hinahanap hanap.


***


SA totoo lang, hindi naman talaga gustong palayain ni Zyrah si Wazel. Kanina nung pinapaalis niya ito, nagpapanggap lang siya. May nabasa kasi siya sa isang libro na kung papalayain mo ang isang tao, mas lalo itong lalapit. Kaya naman ginawa niya ang payo doon at talaga namang effective.

Hindi man siya ang mahal ni Wazel, handa siyang ibigay ang lahat para maagaw niya ito sa asawa. Nagulat na nga siya kanina at bigla siyang hinalikan ng dating nobyo. Siyempre, ginalingan niya ang pag tugon sa mga halik.

Ngayon nga ay kapwa sila hubad at parehong sabik na sabik sa isa't isa. Nakapatong sakanya si Wazel at damang dama niya ang gentleness nito. Walang halong pananabik ng libog kundi, pananabik ng pagmamahal. Dahilan upang mapaungol siya sa sarap.

May nangyari nanaman sakanila. At natutuwa siya dahil hindi siya ang nag umpisa apoy, kundi si Wazel. Talaga namang effective pa rin ang paawa effect niya at ang kagandahan niya. Madali lang palang mabawi ang lalaki.

Good luck nalang saiyo, Doniella. Mukhang akin na ang asawa mo.

"Faster!" ungol niya. Naramdaman niya ang gigil sa katawan ni Wazel ng binilisan nga nito ang paglabas masok. "Hmmmm!"

Nang maramdamang malapit na siyang labasan, sinalubong niya ang bawat indayog ni Wazel. Mabuti nalang at nag tetake parin siya ng pills. Pinaghandaan na kasi niya si Wazel, alam niyang babalik at babalik ito sakanya dahil kay Sky. Napangisi tuloy siya dahil doon.

Naramdaman niya ang pagsabog ni Wazel sakanyang pagkababae. Pagod na pagod itong dumapa sakanya. Napangiti siya. Mapapasakanya na ba talaga niya ang dating nobyo? Yayakapin na sana siya ito ngunit natigilan siya sa sumunod na sinabi nito.

"I love you so much, Doniella. I hope this is not just a dream. Sorry for losing our baby. I'm so sorry I hurt you. You don't deserve me, I know that. I hope you forgive me, hon. Sana mahalin mo ako ulit. Sana maging okay na tayo. I miss you so much!" anito na nakapagpawala ng saya sa puso niya.

All this time, akala ni Wazel ay siya si Doniella?


***


"SIGURADO ka bang kaya mo nang kausapin si Wazel, anak?" Tumango si Doniela sa tanong ng kanyang ina. Kagabi, tila naliwanagan siya. Bakit nga ba siya nagkimkim ng sama ng loob sa asawa kung maaari pa naman nilang maitama ang lahat ng mali?

Sapat naman na siguro ang halos tatlong buwan para kamuhian niya ang asawa. Kung Diyos nga, nakakapagpatawad, siya pa kaya? Hindi din naman siya perpekto. Hindi makakatulong ang pagkamuhi niya kay Wazel, mas mabuting tanggapin niya ang mga nangyari at patawarin ito. Na ipapakiusap niya na sana hindi na iyon mauulit pa.

Kakayanin niyang tanggapin ang pagkakamali ng asawa, basta hindi na ito mauulit pa. Everybody deserves a second chances. Kaya iyon ang ibibigay niya sa asawa.

"Sigurado na ako, nay." Sagot niya habang nagliligpit ng mga gamit niya. Uuwian na niya ang kanyang asawa. Tsaka naisip niya rin na baka hindi pa para sakanila ang baby, kaya kinuha ito sakanila. Maghi-hintay nalang ulit siya kung kailan siya mabibiyayaan.

"Ngayon palang ay nakikita ko na kung paano maiiyak sa tuwa ang asawa mo." Naluluhang hayag ng ina. Niyakap pa siya nito. "Huwag mo na sanang isipin ang mga nangyari noon, Doniella. Tatagan mo ang loob mo at habaan ang iyong pasensya. At kung babagsak ka man ulit, huwag kang matakot bumangon ng paulit-ulit. Nandito lang kami ng tatay mo at ng mga ate mo."

"Salamat, nay." Aniya at naluluha pa siyang tumango tango. Matapos nga silang mag-ayos ng mga gamit ay hinatid na siya ng ina hanggang sa labas ng bahay. Ang tatay na niya ang naghatid sakanya patungo sa bahay nilang mag-asawa.

Sana lang, tama ang desisyon niyang ito. Ang balikan ang asawa.


***


MASAKT ang ulo ni Wazel na bumangon ng araw na iyon. Nakapikit siyang umupo at hinilot ang sentido. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at ganon na lamang ang panlalaki ng mata ng makitang wala siya sa kwarto nila ni Doniella!

Nasaan ako?

"Gising kana pala, Wazel?" Boses ng babae ang nagsalita mula sa kanyang likuran. Hindi iyon boses ng asawa at kilala niya ang boses na iyon. Kaya naman dahan-dahan niya itong nilingon.

"Z-zyrah?"

Napatayo pa siya dahil sa gulat. Bakit magkasama sila ni Zyrah sa kama? Tumingin siya sa katawan niya, nakasoot lamang siya ng boxer brief at si Zyrah, halatang hubad din ito mula sa nakatakip na kumot.

"Oh bat parang nakakita ka ng multo?" nakataas kilay nitong tanong.

"A-anong nangyari?" nauutal at kinakabahan niyang tanong. May nangyari na naman ba sakanila? Pilit niyang inalala ang ginawa niya kagabi. Hindi naman siya lasing pero bakit pakiramdam niya'y nawala siya sa katinuan kagabi?

"Anong nangyari? Seriously, hindi mo alam? We had sex, Waazel! At halos hindi mo ako patulugin!" reklamo pa nito kaya naman napasapo nalang siya sa kaniyang ulo.

"Oh no! Hindi yan totoo!" aniya. Ibig sabihin, nadagdagan nanaman ang kasalanan niya kay Doniella?

"Hell yes, Wazel." Sagot nito. Mabilis niyang pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig at isa isa niya itong isinuot.

"Pasensya kana Zyrah, uuwi na ko. Pupuntahan ko pa ang asawa ko—"

"So ginawa mo lang akong parausan kagabi ha?" nilingon niya muli si Zyrah. Magkasalubong ang mga kilay nito at halatang may galit ang mga mata.

"Zyrah, I'm sorry." Paumanhin niya. Kagabi, hindi niya lubos akalain na si Zyrah ang katalik niya. Ang buong akala niya ay si Doniella. Masyado lamang niyang namimiss ang asawa kaya siguro nasisiraan na rin siya ng ulo.

"Paano kung mabuntis mo nanaman ako ha?" natigilan siya sa sinabi nito. "Iiwan mo na naman kami, Ganun ba?"

"Just pretend na walang nangyari satin, Zyrah. Please, I'm begging." Giit niya. Nakita niya lang ang sarkastiko nitong ngiti. Hindi na niya ito pinansin, naglakad na siya palabas ng pinto at pagbukas, napahinto nalang siya.

"DADDY!" Sigaw ng batang si Sky at niyakap ang mga binti niya. "You're here! Look, my headache's gone!"

"W-wow, that's good to hear." Nauutal pa niyang saad.

"I miss you, daddy. Did you sleep with mom?" tanong pa nito kaya natigilan na naman siya. Tila nanunuyo ang lalamunan niya. Ano ba ang isasagot sa batang inosente?

"Sky, may mga bagay na hindi—"

"Yes, Sky. Natulog ang daddy mo sa kwarto ko. Magkatabi kami the whole night. And guess what?" biglang lumabas si Zyrah sa kwarto at todo ang ngiti nito. Nakabihis na rin ito gaya niya.

"What mommy?"

"Ipagluluto ka raw ng daddy mo ng paborito mong Spaghetti!" nakangiting turan ni Zyrah kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

"Totoo ba 'yun daddy?" tumingala ang bata sakanya kaya naman bumuntong hininga siya. Habang nakatitig sa inosenteng mata ng bata, awtomatikong napatango siya. "YES! THANK YOU DADDY!"

Niyakap nanaman siya ng bata kaya naman wala na siyang magawa kundi ang ipagluto ito.

Wazel, namamali ka nanaman ng landas. Aniya sa sarili. Hindi niya lubos akalain na may nangyari na naman sakanila ni Zyrah. Saan ba siya nagmana? Matitino naman ang daddy at kuya niya, pero bakit siya? Bakit ipinanganak yata siyang gago?

Imbes na nasa bahay siya ni Doniella upang makipagbalikan, heto siya, nasa ibang bahay at nagpapakagago na naman. 


-FOLLOW ME FOR MORE UPDATES-

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 210 32
Book 5: Rich people just have no content in life. You know what they love the most? Ruining each other's reputation. Once you enter Co International...
951K 32.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
108K 1.5K 21
WARNING SPG ⚠️ She desires him in more ways than one and she knows that he feels the same way for her. Marra knows that Marcus is bad news but her bo...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...