THE PICTURE (COMPLETED) Editi...

Galing kay Mrxhxix10

5.4K 82 94

This story is about a chissmosa girl, na takot sa numbers. mahilig magluto. mag picture na kung anong-anong... Higit pa

Chapter 1: The Camera

715 82 94
Galing kay Mrxhxix10

U-nice POV

"Nung sixteen pa ako, ayaw na ayaw ko talaga ang math at physics. Naiinis talaga ako kapag may numbers akong nakikita. Ewan ko ba kung bakit?" kwento ko sa kaibigang kong si Stella.

"ang sabihin mo? tamad ka lang mag-aral U-nice."

"hindi a, kahit anong gawin kong pag-aaral hindi pa rin pumapasok ang mga numero sa utak ko."

"Ewan ko sayo, magpaturo ka sa kakambal mo." sabi niya sa akin ni Stella na ang tinutukoy ay si U-rick.

" oo nga malapit na exam natin."

"Dapat lang dahil college na tayo, hindi na tayo high school pa."

Tumango na lang ako sa sinabi ng kaibigan ko."so, anong gagawin natin? group study na naman?"

"ano pa nga ba?" she rolled her eyes two times. " sa bahay niyo na lang." sabay ngiti

"e. ayaw ko nga, ang sabihin mo magpapansin ka naman sa kuya ko."

"di naman,"

"di daw? pero yun naman ang totoo."

"di nga."

"weh?"

"Oo na, dahil nanduon din ang kuya mo." amin ko sa kaniya. "Tayo na." tumayo nalang kaming dalawa at naglalakad. "saan tayo pupunta?"

"ikaw?"

"canteen na lang tayo, nagugutom na kasi ako e." yaya ni Stella sa akin.

"bago lang tayo nag-break ah?" pailing-iling na lang ako, "Ang siba mo talaga, tingnan mo yang katawan mo?" sabay tingin sa katawan niya. " dalawahin na ang katawan ko, nako naman paano ka magkakaruon ng boyfriend kapag ganyan ka?"

"Tumahimik ka nga."

"sabi mo e."

"ay, ewan ko sayo, Tara na kain na tayo."

"okay." sabay hila ni Stella sa akin at agad na kinaladkad." Dahan-dahan naman."

"hi girls" aniya ng lalaking nasa likuran namin. Huminto si Stella at pati ako para tingnan ang lalaking nagmamay-ari ng boses.

"ikaw pala unggoy."

"hindi ako unggoy a, ang gwapo ko kaya para sa isang unggoy."

"fellers ka."

"wag kana magalit Stella ko."

"tahimik, sinisira mo ang mood ko kumag ka."

"Tama na nga yan," pigil ko sa kanila." ito o," sabay bigay "biscuit" agad naman tinanggap ni Stella ang biscuit na ibinigay ko at ngumiti naman ito sa akin, kinaladkad niya naman ako ulit papunta sa canteen.

"sama ako girls."

"tumigil ka diyan Troy." Agad na lumingon si Troy kay Stella. "Tama na yan para kang bata. "

"sige na please" pagpipilit ni Troy sa kanya "Please" sabay pagmamakaawa dito.

"isama mo na siya Stella, para di na tayo matagalan."

"okay sabi mo e." sang-ayon agad ni Stella sa sinabi ko. "a basta walang magpapalibre ha? wala akong budget ngayon e."

"hindi na, ako na ang manglilibre sa inyo girls" sabay ngiti, at dinala niya pa ang mga gamit namin ni Stella.
"mabait ako ngayon e, kaya manglilibre ako."

"Oo nga, bakit ka manglilibre? anong meron?" tanong ko U-nice sa kanya.

"basta."

"'wag kang maglihim sa amin." aniya ni Stella

"kasi ano?"

"ano?" tanong ko sa kanya at nagtataka pa." ano nga?"

"kasi ano?"

"hay, nako ewan ko sayo Troy, binibitin mo kami ni Stella e." sabay na kaming naglalakad at tinutungo ang canteen.

"mamaya ko na lang sasabihin sa inyo kung bakit?"

"okay" sagot namin na sabay ni Stella,
Nang makarating na kami sa canteen ay agad kaming tinanong ni Troy." ano ang gusto niyong kainin?"

"Mga kakanin lang sa akin" sagot ni Stella sa kanya.

"Mga talaga Stella?" tanong ko sa kanya. " Ang taba mo na kaya." sabay tingin sa katawan niya.

"e sa gutom ako e, anong magagawa mo?" sagot niya sa akin, Sabay tayo at inakbayan si Troy. "Tayo na, Order na tayo gutom na ako e." Tumango na lang ang lalaki sa kanya sa'ka sila pumunta sa tindera.

Napapailing na lang ako na nakatingin sa kanilang dalawa. 'Basta libre talaga susulitin ng kaibigan niya, kapag siya nako ang kuripot sa sarili.' habang nakangiti na pinagmamasdan ang dalawa.

"a." sigaw niya, agad nagtinginan ang mga tao sa canteen sa kanya. "Buang Jud ka ba.( baliw ka talaga)" sabay hampas ng libro sa kapatid. "liwata kay sumbagon taka( ulitin mo pa susuntukin talaga kita.)"

Tawa lang ng tawa ang kapatid ko sa akin, pero hindi ko pa din ito tinatantanan ang paghampas. Pero hindi ito nagrereklamo na masakit."okay sorry na. " sabay ngiti at yakap niya sa akin"sorry na, okay" tumigil na ako sa paghampas dahil sa yakap ng kakambal Kong si U-rick.

"miss lang kita."

"ang sweet niyo talagang mag kapatid" sigaw ng isang babae sa canteen na kaklase ng kapatid ko.

"thanks " agad na humiwalay sa pagkakayakap ang kapatid ko at Pinuntahan niya ang babae. "a, salamat Brenna ha." sabay ngiti rito at kinuha ang kamay ng dalaga sa'ka hinalikan.

Nagtilian ang mga taong nanduon na kanina ay sa kanilang magkakapatid lang nakatingin, ngayon ay sa babaeng nagngangalang Brenna na.

Namula ang babae sa pagkahalik 'nun sa kanya. Mas lalong nagtilian ang mga tao ng namula ito at yumuko sa'ka kinuha ang kamay niya.

Nakabalik na ang dalawa niyang kasama at Umupo agad sa pwestong nahanap niya. "ay grabe talaga iyang kapatid mo." sabi ni Stella sa akin habang puno ang bunganga dahil sa kinakain.

"Don't talk when your mouth is full" sabay tingin sa in order nila. "ang Dami niyan Stella ha?"

"mas okay na maging busog kesa gutom ka diba." napapailing na lang ako sa sinabi niya. "ano ba kasing problema kapag mataba ako? wala naman diba?" sabay tingin sa dalawa na magkatabi na umupo.

"nga pala, sa akin?" tanong ko sa kanila.
"a, ito o." sabay abot ng ube jam.

"sarap nito, salamat Stella"

"ikaw pa." sabay lingon sa taong patungo sa amin. "hi." bati ni Stella sa kaklase namin sa subject na Physics na si Michael. "oy Michael anong ginagawa mo dito?"

Tumingin lang ang lalaki sa kanya at nilingon ako. "a, U-nice alam mo ang baba ng grade mo sa physics." sabay talikod at umalis.

"ha?, ano daw?" tanong ko sa kanila

"ang sabi niya, ang baba daw ng grade mo sa physics." sabay sagot ng dalawa .

"aaaaaaa." sigaw ko, agad namang lumingon ang mga tao sa akin at nagtataka ang mga ito kung bakit siya sumisigaw. Agad namang tumakbo ang kapatid ko palapit sa akin at itinayo ako at niyakap.
"anong nangyari sayo ate ha." tanong ng kapatid ko sa akin.

"kuya tulong."

"bakit?"

"lagot ako nito, ano kasi, mababa daw grade ko sa physics" sagot ko sa kanya, nagbulung-bulungan ang mga tao sa canteen at sinasabing ( KUNG HINDI LANG 'YAN SILA MAGKAKAMBAL? ANG BAGAY NILA KASI SWEET SILA SA ISA'T-ISA." tumatango din ang dalawa pa niyang kasama sa mga sinasabi ng mga tao. 'Kaso magkakambal sila e.

"Matalino din si U-rick kasi first honorable ito nung nasa high school pa kami." aniya ng isang babae.

"Matalino din naman si U-nice kaso lang kapag math, science , at physics nako nahihirapan na siya. " aniya pa ng katabi nito.

"Oo nga Matalino naman silang dalawa " sang-ayon ng isa pang babae." swerte nila no?"

Pagkarating sa bahay namin, agad kaming pumunta sa kani-kanilang kwarto, at agad na hinalungkat lahat ng gamit." saan na nakalagay ang libro ko sa physics. " nakita ko naman iyon sa may gilid ng closet. "kuya" tawag ko.

"o bakit?"

"nahanap ko na ang libro, ito o " at agad Kong ipinakita sa kanya " turuan mo na ako please." pagmamakaawa ko sa kapatid ko.

"sige tuturuan kita at turuan mo rin ako." agad na lang akong tumango. "teka, pati math at science tuturuan din kita." tumango ako ulit.

"wala naman kasi akong magagawa e." sabay ngiti ng kapatid ko sa akin.
"Matalino ka naman a?"

"kasi ano?"

"kasi ano nga?"

"gusto ko kasi yung kaklase mo"

"sino?"

"tulungan mo akong magplano na ligawan siya please."

"okay, sabi mo e. Akong Bahala sayo kambal."

Pagkatapos ay tinutulungan na niya ako sa mga subject na kung saan ay mahina ako.

Makalipas ang ilang oras ay nagugutom na ako."kain muna tayo kuya." yaya ko sa kapatid na kanina din kumukulo ang tiyan.

"sige. " sang-ayon niya. "ikaw magluluto ha." tumango naman sa sinabi ng kapatid kong gwapo.

"wala na akong magagawa e, sa sabi mo e at hindi din kita matanggihan."

"bakit?"

"kasi mahal kita at ikaw lang ang best friend ko mula ng bata pa tayo."

"e, nambola ang ate ko."

"hindi kaya." kumulo ulit ang kanyang tiyan. "a, sige bye mamaya na ulit gutom na mga alaga ko sa tiyan e."

"hahaha" malakas na halakhak ang narinig niya.

Tumayo ako at agad na bumaba sa kusina. "Manang Tess." tawag ko sa kusinira namin. "Manang Tess."

" oy, IJA." agad na bati ng niya sa akin ng makita niya ako. " anong mapaglilingkod ko sa inyo?"

"a, manang Tess tulungan niyo akong maghanda ng pangsigang na bangus."

"walang problema ija" Binuksan ni manang Tess ang ref nila at kumuha siya ng kamatis, radish, sibuyas, pati luya.

Ako naman binuksan ang freezer at buti na lang may naiwan pa na isang buong bangus. Inilagay ko ito sa mesa, kumuha ako ng Tupperware nilagyan ko iyon ng tubig at ibinabad ko ang buong isang bangus. "Okay na ito manang, ako na ang magluluto nito. Salamat pala sa tulong niyo."

"trabaho ko po yan ma'am dapat po sana ako na lang diyan."

"hindi na ako na po dito."

"Pero."

"Okay na po talaga, ayos na 'to ako na ang bahala, Magpahinga na kayo."

"sige po ma'am salamat."

"walang anuman, ah, manang baka gusto niyong magbakasyon?"

"ah, wala po akong pera sa ngayon e."

"a, okay." sabay ngiti ng matanda," matagal-tagal na rin kasi kayong hindi nakaka-pagbakasyon? Baka namimiss mo sila?"

"oo nga po e."

"ako na ang bahala sa sayo, "

"salamat po ma'am, ang bait niyo talaga."

"walang anuman, basta sabihin mo lang kung kailan ka aalis okay." Tumango ang matanda at ngumiti na may kislap sa mga mata.

"sige po ma'am magpapahinga na po ako." Tumango na lang ako rito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Mabuti na lang ay hindi na masiyadong matigas ang bangus na ibinabad ko. Binalatan ko ang radish at sibuyas pati luya.

Nang matapos ako sa pagbabalat ay nilagyan ko ng tubig ang kaserola na hinanda ni manang kanina. Nilagay ko sa gas range ang kaserola saka ko sinindihan ito. Tinakpan ko ang kaserola.

"Hahay."

"Oh, bat ang tagal?"

"ay kabayong palaka" gulat na gulat ako ng biglang sumulpot sa likuran ko ang kapatid Kong gwapo.

"gutom na ako kanina pa, Ngayon mo lang nalagay ang kaserola at sa'ka hindi ako kabayong palaka ha?"

"nanggugulat ka e."

"ay, ewan ko sayo ate."

"haha"

"hay nako." sabay tingin sa bangus na hindi pa nahiwa. "ano to? bakit hindi pa ito nahiwa?" sabay turo niya rito." ako na mag-eslice nito, ang bagal mo kasi."

"may ganun?"

"may ganun talaga." kinuha niya ang kutsilyo at agad na hinati nito sa apat ang bangus. "o ayan." sabay lagay niya sa pinggan. "ang galing ko no?" pagmamalaki niya, tiningnan ko ang bangus parehas ang laki. Ang galing talaga ni kuya. Pati ang kamatis na hindi pa niya nakunan ng mga buto e. Siya na ang gumawa.

"Salamat kuya." Yan lang ang sinabi ko sa kanya, Dahil kilala niya ang kakambal niya kapag pinuri ito ng husto, bumabagyo din ito.

"Yan lang sasabihin mo?" tumango na lang siya, "Kumukulo na ang tubig."
Tumayo ako at agad na kinuha ang kamatis at luya na dapat sana e, kanina ko pa nilagay. hay, nako buti na lang hindi niya napansin. "Ano 'yung nilagay mo? diba dapat kanina pa iyan?" Nakatingin pala siya. "Lumilipad ka naman no?"

"a, e,"

"a,e,i,o,u"

"hindi a."

"ayan kasi, focus ka na man paminsan-minsan."

"a, e, sa susunod."

"anong sa susunod? Gutom na ako e."
Nilagay ko na lang ang bangus sa kaserola at nilagyan ko na din ng pangpaasim ito para isahan na.

"o, ayan na malapit ng maluto iyan, ilang minuto na lang."

"Bilisan mo diyan." sabay lakad at pumunta sa dining room. Kumuha ito ng mga pinggan at mga baso, nilagay niya sa mesa.

Dalawang minuto ang lumipas ay nilagay ko rin ang radish at tinakpan ang kaserola. Umupo ulit at naghintay naman ng ilang minuto hanggang sa maluto ang radish at isda. Nang maluto ay nilagay ko ang kangkong.

Dumating ang kapatid ko dala-dala ang mangkok para lagyan ng sinigang na bangus. "Gutom kana talaga kuya?"

"kanina pa ako gutom, ihahain ko na 'to" tumango na lang ako.

"hindi ko na yan tinakpan kasi madali lang naman yang maluto."

"alam ko." inihain at inilagay na ng kapatid ko ang sinigang na niluto ko. Tumayo ako, kumuha din ng Plato para sa kanin at Pagkatapos ay bumalik sa dining room. Nanduon na ang kapatid niya, hindi niya napansin na pumasok na pala ito. "ang tagal mo naman?"

"ewan ko sayo."

"ewan ko din sayo."

"umupo kana kaya, wag mo na akong hintayin pa kuya." at nakinig naman ito sa sinabi ko.

Habang nagsasandok ng kanin ang kapatid ko, tiningnan ko ito at nakita ko na malapit ng maubos ang kinuha niyang kanin sa rice cooker.

"binli pud ko kuya ug kan-on" ( tirhan mo kaya ako kuya ng kanin ).

"Hala nagbibisaya kana naman?"

"naglagot ko nimo" ( Galit ako sayo )

"hoy, ayaw pag-ingun ana? gusto mo dili taka tudluan sa subject mo?" ( hoy, 'wag ka magsabi ng ganyan? gusto mo hindi kita turuan sa subject mo? ) umiling na lang ako kasi kapag nagkataon ay mababagsak ako malalagot ako kay mama at papa.

Habang kumakain ay palagi akong tinatanong ng kapatid ko tungkol sa subject ko. "ano ba kasing kinakatakot mo sa mga numero na yan ate?"

"a, basta ayaw ko sa kanila."

"Hahay, kailan ka magbabago?"

"kapag matanda na ako."

"hehe. ewan ko sayo, numbers lang naman yan a."

"kaya nga ako kumuha ng education pero major in arts di'ba? kasi ayaw ko sa mga subject na nahihirapan ako."

"tapos?"

"tapos? tapos na."

"kung 'yan ang kinuha mong subject? sino ang nagpasok sayo sa physics na subject?"

"Ewan?"

"nagtataka lang ako."

"a, basta hindi muna sa ngayon, walang chismiss, kasi ang uunahin ko ay ang mga subject na kinatatakutan ko at sana balang araw ay hindi na sila subject monster mga best friend subject ko na sila."

"hahaha" malakas na tawa na lang ang narinig ko sa kanya"ayan kasi chissmiss pa more."

"alam mo naman, basta ganyan madali lang ako makasagap ng mga balita."

"chissmosa ka kasi "

"hindi a." tanggi ko.

"hindi daw? pero ang sabihin mo, basta chissmiss 'yun na yun."

"oo na, e. ano ngayon?"
"ang chissmiss ay chissmiss pa rin."

"alam ko." sabay lingon sa paligid, "teka diba diyan ko lang nilagay ang camera kaninang umaga?" sabay turo sa mesa na nasa sala.

"oo bakit?"

"wala na diyan."

"baka dinala mo sa taas?"

"tingnan ko mamaya."

"okay, o baka nasa sasakyan mo?"

"baka nga."

"makalimutin ka kasi, kaya ayan."

"e, sa matanda na ako e."

"kung matanda kana e, hindi kana
takot sa numbers?"

"takot pa din kaya ako, pero nung ikaw nagturo kanina hindi na masiyado."

"ikaw naman kasi, nasa isip mo lang naman kasi 'yan na takot ka."

"oo na po. Hindi na po matatakot sa numbers."

"GOOD. Hala kumain kana diyan chissmiss ka lang ng chissmiss."

"okay." agad Kong itinuon ang sarili ko sa kinakain, at naubos rin naman ito ,na ang kanin at ulam ko sa Plato. Hindi na ako sumandok pa. Busog na ako, parang sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan.

Hala hindi pa tapos ang kapatid ko siya lang nakaubos sa isang bandihadong kanin na nilagay ko kanina. Grabe gutom talaga siya, at pati ulam naubos niya din.
"busog na ako."

"halata ko nga." sabay akong tumingin sa mesa at sa kanya.

"hahaha"

"o, diba." sabay kung itinuro ang mga Plato. "ang mahuli siya ang maghuhugas at magliligpit sa pinagkainan." agad akong tumayo at lalakad na sana ng pigilan niya ang kamay ko.

"saan ka pupunta? hugasan mo din 'yang pinagkainan mo."

"a, sa taas hahanapin ko lang ang camera ko 'dun."

"sinungaling ka." sabay bitaw niYa sa akin at agad niyang kinuha ang kaniyang pinagkainan. Hindi talaga siya nagsisinungaling na ako ang maghugas ng Plato ko. "akala mo maiisahan mo ako a. Malaki kana ate para ako pa ang maghugas ng pinagkainan mo."

"oo na," agad ko na lang kinuha ang pinggan na ginamit namin at mga kubyertos. "akala ko kasi makaka-isa na naman ako e." naglakad na lang ako at pumunta sa lababo. Inilagay dun ang mga pinggan.

Kumuha naman ang kapatid ko ng cellophane para lagyan ng mga buto at tinik ng isda. Pinagtutulungan na lang namin na hugasan ang mga plato at kubyertos na ginamit namin pati mga baso. Ako ang nagbabanlaw siya naman ang nagsasabon ng mga plato't kubyertos.

"tapos mo diyan, punasan mo ha." Wow kung makapag-utos ang kapatid ko subra pa sa magulang? Ano ako maid na kailangan utusan? marunong naman akong magtrabaho sa gawaing bahay, kaya lang tamad lang ako.

"opo." sa halip na sagot ko sa kanya. "ayan na po, tapos na po" tinitingnan niya pala ako ng matalim. Kasi alam niya na hindi ko naman ginagawa ng maayos ang trabaho ko. "Oo na, alam ko yang iniisip mo."

"sa susunod talaga, lahat ng plato sa bahay na'to ay ipapahugas ko sayong lahat."

"wow ha, lahat talaga? wag naman maawa ka."

"hilom dira uy." ( tumahimik ka nga diyan. )

"ambot sa imo kuya." ( ewan ko sayo )

"sabi mo hindi dapat magbisaya? e, nagbibisaya ka na naman?"

"hahaha" malakas na tawa na lang ang narinig ko sa kapatid kung gwapo daw siya.

Baliw talaga itong kapatid ko? napapailing na lang ako. Hay ewan ko diyan? saan kaya siya nagmana?

Iniwan ko na lang siya, mas
mababaliw ako kapag kasama siya. Teka nasan na pala ang camera ko? Dali-dali akong umakyat sa taas para hanapin ang camera ko pero hindi ko parin mahanap. Nasan na 'yun? nasan na, nasan ko naman 'yun nilagay? baka Naiwan ko kung saan?

"Kuya. " Tawag ko sa kapatid ko na papaakyat pala sa hagdan. "kuya, pagdali pud uy." ( kuya, bilisan mo naman diyan. )

"ikaw ba? di porke't love kita? gaganyanin mo na ako?" ngumiti na lang ako.

"pambihira ka naman? hindi ka pa nasanay? Wala dito yung? yung?"

"ito o," sabay bigay niya sa akin ng camera. "naiwan mo sa sasakyan. Burara ka talaga, makakalimutin pa? ay pambihira."

"kasasabi ko lang ng pambihira a, inulit mo lang." sabay kung kinuha agad ang camera bago pa niya bawiin ulit.

"ay ewan ko sayo." sabay gulo sa buhok ko." kung maiiwan lang iyang panty mo? nako? baka..?" hindi niya itinuloy ang sasabihin dahil tinapik ko ang kamay niya at kinurot siya sa tagiliran. "aray... " sigaw niya sa subrang sakit. Itinulak niya ako at natumba ako.

Buti na lang ay hindi ako nahulog sa may hagdan baka duon ako pulutin sa baba. Tumigil na ako, kasi kapag galit na siya mananakit na siya ng tao. Tumalikod na lang siya at umalis, tinungo ang kwarto niya na katabi ng kwarto ko.

Mukha ako pa ang hihingi ng sorry sa kanya? Kasalanan ko rin naman, ay ewan Kasalanan niya rin naman kasi na binanggit niya ang dapat ay hindi
teka, agad akong tumayo at binuksan ang camera at nakita ko na wala siyang ginalaw sa camera ko. Hay, mabuti naman,
salamat at nandito pa ang mga picture niya. Kinikilig talaga ako kapag nakikita ko picture niya.

"hay, ang sabihin mo obsess ka lang sa kaniya." agad na sabi ng kapatid ko na lumabas pala ng kanyang kwarto." 'wag kang ngumiti diyan para ka tuloy baliw na kulang na dalhin sa alam mo na." hindi na talaga niya itinuloy kasi nakita niya na hinubad ko ang shenilas ko. "mabuti pa matulog kana sis. kasi, baka?" at bumalik na siya sa luob ng kwarto niya.
Ewan ko ba dun?

Bukas ko na lang ulit siya pagpapantasyahan baka kasi, busy din yun sa pagpapantasya sa akin? ha hahahaha , Tumatawa ako mag-isa , baliw na nga yata ako? Bumalik na lang ako sa luob ng kwarto ko. Agad na humiga sa kama.
Itinulog ko na lang ang mga imagination ko sa kanya. Baka kako mapadaan siya sa panaginip ko. Edi masaya.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

358K 18.5K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
99K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...