The NBSB's Sweetest Downfall

By Star_Lee

721K 6.9K 2.1K

Completed in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discret... More

CommuniquƩ
Prologue / Original Version 2013
Chapter 01 / Original Version 2013
Chapter 02 (1) / Original Version 2013
Chapter 02 (2) / Original Version 2013
Chapter 03 / Original Version 2013
Chapter 04 / Original Version 2013
Chapter 05 / Original Version 2013
Chapter 06 / Original Version 2013
Chapter 07 / Original Version 2013
Chapter 08 / Original Version 2013
Chapter 09 / Original Version 2013
Chapter 11 / Original Version 2013
Chapter 12 (1) / Original Version 2013
Chapter 12 (2) / Original Version 2013
Chapter 13 / Original Version 2013
Chapter 14 / Original Version 2013
Chapter 15 / Original Version 2013
Chapter 16 / Original Version 2013
Chapter 17 / Original Version 2013
Chapter 18 / Original Version 2013
Chapter 19 / Original Version 2013
Chapter 20 / Original Version 2013
Chapter 21 / Original Version 2013
Epilogue / Original Version 2013
Special Chapter #1 / Original Version 2013
Special Chapter #2 / Original Version 2013
Special Chapter #3 / Original Version 2013
Prologue / Rewritten Version 2022
Chapter 01 / Rewritten Version 2022
Chapter 02 / Rewritten Version 2022
Chapter 03 / Rewritten Version 2022

Chapter 10 / Original Version 2013

21.5K 229 53
By Star_Lee

CRAPPY PO ITO. PANGET TALAGA SORRY.

*Chapter 10: Isampal ko kaya sa'yo 'tong bote ng tubig?* 

Hindi parin siya gising. 

In short, nasa comatose parin siya. 

"Chill ka lang sis."

Chill?! Paano ako makakapag-chill kung ganun parin ang lagay nung bwisit na lalaking 'yun! Duh. Nakaka-irita! Nakaka-inis! Sasampalin ko talagang impokritang Perry na 'to eh. Sarap sapakin. Bwisit talaga. Kung di naman siya pumagitna sa daan eh hindi siya ililigtas ng nag-aala bayaning si Bryan. 

Hah! Badtrip talaga!  

Okay. Badtrip nanaman ako. Eh anong magagawa ko!? Eh sa bwisit na bwisit ako. Kairita talaga mga maarteng tao! Sarap pugutan ng ulo. Bwisit naman. And the worst part of it, hindi ko alam ang buong kwento kung paano at saan nasagasaan si Bryan! Ayoko namang itanong kay Perry the Platypus. I'd rather die than talk to that girl.

"Hey, Nicole. Sasabog ka na. I know, I know that you're so freaking pissed pero pwede ba? Calm down. Maraming works ang kailangan mong gawin. And besides it wouldn't help you kung ganyan ka nang ganyan." Pangangaral sakin nitong si Chanel.

Ugh! I'm really really stressed. Nakakainis naman talaga! Bwisit. Ewan ko rin kung bakit naiinis ako. Pero, basta! Naiirita ako.

Leche. 

"Oo na! Pwede ba. Tigilan niyo na nga ako!" Bwisit kong sagot sakanila habang nasa harapan ako ng laptop at gumagawa ng mga dapat gawin sa office. Eto pa 'yun eh. Kasalanan ng tatay ni Bryan kung bat badtrip ako. Tinambakan ba naman ako ng sangkatutak na trabaho?!

Dapat nga magpasalamat siya sakin kasi..

"It's a good sign. I'm really glad na nag-respond si Mr. Bryan kay Ms. Cortez. Looks like she's really his girl." 

Ayan ang sinabi nung doctor sa harap naming lahat. Pabiro. Patawa. Pero gusto kong sumabog sa kakatawa noong makita ko ang mukha ni Perry lalong lalo na ng tatay niya. Mwahaha! Ngiting tagumpay ako nun. Kasi nga naipamuka ko sakanila na AKO ang kayang makapag-pagising kay Bryan. Hindi si Perry. Hindi ang tatay niya. Hindi ang doctor. Hindi ang hampaslupang nurses. At hindi ang isang platypus.

Kaso nga, hindi ako makakabisita sakanya kasi dun daw mags-stay yung ungas niyang tatay. Tsk. Kairitaaa!

"Eh kasi naman.. Bakit di mo itanong yang si Candace kung bakit nangyari kay Bryan 'yun?" Tanong sakin ni Georgina. As usual, nandito kami sa kwarto ko. Kumakain silang tatlo ng ice cream habang ako gumagawa ng lecheng paperworks.

"Ayoko nga. Like duh? Wala sa plano ko ang kumausap ng hayop. Hindi ako mahilig sa pets."

Tumawa silang tatlo ng mahina. "Loka! Ang bitter talaga. Haha!"

Napa-irap nalang ako. "Excuse me?"

"Eh bat hindi yung kapatid ni Bryan yung tinanong mo? Like, duh. Baka alam yung kwento."

"Pwede ba!" I exclaimed. "Hindi ko kailangan malaman kung bakit siya nasagasaan. Wala naman akong pake eh. Kaya tigilan niyo na 'ko. I'm so stressed. Hwag niyo nang dagdagan pa."

"Okay okay! Eto naman. Chill lang friend. As if namang sinabi naming may pake ka sakanya eh.. Wala naman diba?" Pang-asar na sagot sakin ni George saka sila nagtawanan.

Kahit pa nakaka-irita sila. Masasabi kong totoong totoong kaibigan sila. Walang halong kaplasktikan. Hindi sila yung tipo na tatalikuran ka. Sila yung ipagtatanggol ka kahit hindi halata. Hindi sila nanaksak patalikod. Hindi sila backstabber. Hindi nila ipagduduldulan sa'yo mga pagkakamali mo. Ganyan sila. That's why they're my best friends. Kasi sila ang compatible sakin. Sila ang tatlong taong pinaka totoo na nakilala ko.

"Uy teh. Wag mong ganyanin si Nics. Wala naman talagang pake yan kay Bryan eh." Sabat pa ni Mia habang nagbabalat ng apple.

"Onga naman.." Singit pa nitong si Chanel. "HATALA namang wala siyang pake. Tignan mo nga oh. These past few days, nasa hospital siya. Halos kalimutan na niya ang salitang 'beauty sleep' kasi nga may inaalagaan. Pero wag ka.. Kahit ganyan yan. Wala siyang pake kay Bryan."

Eh kung isa isa ko kayang sampalin 'tong mga babaeng 'to?

"Tigilan niyo na ako." Yamot kong sagot kaya nagtawanan nalang silang tatlo at hindi na ako pinansin.

Nag-usap usap sila tungkol sa kung anu-ano hanggang sa marinig ko ang isang usapan.

"Oy guys, ano bang mangyayari kapag bigla ka nalang may pasa?"

"Ayan oh. Tanong mo si Nicole. Siya naman yung original na gustong maging doctor satin eh."

I just rolled my eyes heavenwards. Oo gusto ko naman talagang maging doctor kaso... Wala lang. Hindi bagay sa beauty ko maging doctor. Ayokong makakita ng mga panget sa pasyente kaya wag nalang. 

"Oy Nicole.. Anong mangyayari ha? Hey, hey, hey, hey, hey!"

"Mamatay ka pagkagising mo." Sagot ko habang nakatingin parin sa laptop.

"Seryoso?" Tanong niya nang hindi makapaniwala.

"Oo. Kaya matulog ka na para pag-gising mo, patay ka na."

Napa-facepalm nalang silang tatlo doon sa sagot ko. Sabi ko naman kasi wag akong istorbohin. Busy ako sa ginagawa ko. 

AYAN NANAMAN! Naiimagine ko nanaman mukha ni Mr. Lopez na nag-eevil laugh habang hawak hawak ang mga papeles na dapat ko pang trabahuhin. 

Tinignan ko ang phone ko. Ugh. 7:00 na kaya. Hindi parin ako makatulog. Sabagay, bat ako matutulog eh maaga pa naman? Pero kasi 8 am rin ang pasok namin bukas. Kadalasan, 9 pm natutulog na ako. Eh kasi nga, beauty rest. Kaya maganda ako eh. Tama yung time ng tulog ko. HAHAHA.

8pm na hindi parin ako tapos. Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ito. Si Brent. One message from Brent.

'Ang pangit mo.'

At sa lahat ng nasa contacts niya, sa akin pa niya napag-desisyunan na i-send sakin 'yan? Like, seriously? If I know, paa ko lang yung mga mukha ng taong nasa contacts niy.

'I'm gorgeous. Gising na ba?'

I sent it to him. Napaka talaga. Kapag nagising si Bryan ipapa-batok ko sakanya 'tong kapatid niya.

'Natutulog parin eh. Ipapahalik ko kay ate Candace para magising.'

Ate? I almost snorted. Ew. Ate? Haha! Sabagay mukha namang manang yung babaeng yun kaya ayos lang. Whatever.

'So?'

'Joke lang. Alam ko namang mapapatay mo kaming lahat kapag ginawa niya 'yun.'

'Shut up.'

'Ano bang ginagawa mo?'

'Ka-text ka. Malamang. Sige na nga. Tigilan mo na 'ko. Tatapusin ko na 'to.'

'Ang panget mo. Ge.'

Hindi na ako sumagot. Leche yun. Parang bata minsan. Napaka-bipolar talaga. Hindi ko alam kung bakit ganyan yan.

Natulog ako pagkatapos kong gawin lahat ng trabaho ko. As usual, gumising ako habang natutulog pa silang tatlo. I'm a morning person. Habang silang tatlo ay hindi. 

Ginising ko sila at syempre nag-reklamo silang lahat. Si George lang ang nagising rin talaga kasi nga may pasok kami. Sumakay kami ng sasakyan ko kasi may feel ko. Bat ba.

"Good morning ma'am." 

Iyan ang mga naririnig ko kapag nakaharap ako. Pero kapag nakatalikod, alam kong iba na.

Yan.

Mga backstabbing bitches na walang magawa sa buhay kundi manira at makisawsaw sa buhay ng may buhay.

Inayos ko ang dapat ayusin sa opisina. I worked so hard para makalimutan kong wala si Bryan ngayon. At dahil mamayang gabi, hindi ako makakapunta sakanya. Kasi nga dun daw sila mag-stay. Duh. Sarap sipain.

"I'll just go to the marketing department." Saad ko sa sekretarya ko. Tumungo siya sakin saka ako lumakad. Hapon na rin kasi ngayon. Malapit na ang uwian.

Parang unti unti nagiging boring ang buhay ko kapag wala si Bryan. Errr. Not that I like him. Pero kasi walang umeepal sakin. Walang tumatawa. Walang tumatawag sakin ng 'bitter butter'. Walang bumabanat sakin. Pero ayos lang. Alam ko namang magigising siya.

. . . Diba?

Habang papalakad ako papunta sa Marketing department, napukaw ng isang tao ang paningin ko.

Wait! 

Totoo? Halos bumaliktad ang sikmura ko noong nakita ko siya. Teka! Anong ginagawa niya dito? bakit siya nandito?

Hahabulin ko siya dapat para malaman ko kung siya ba talaga 'yun noong mag-ring ang phone ko.

Hindi ko dapat ito sasagutin dahil gusto ko talagang maka-sigurado kung siya 'yon pero si Brent ang tumatawag. 

"Hello?"

"Nicole!" He breathed kaya mas lalo akong kinabahan. Damn it! "Na-nasa ER si Kuya!"

And then my heart began beating triple times. Shit. What? Bukod sa nakita ko kanina, ito rin ang dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

"What?" I hissed.

"The..The doctor said that his brain wasn't functioning.."

Teka, joke ba 'to?

"Are you joking me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 

"What! Of course not! Why would I even do that? Pumunta ka nalang dito!"

Hindi na ako sumagot at ibinaba ito. Dumeretso agad ako sa sasakyan ko habang kinakabahan. What the hell. What the hell. What happened?! Anong nangyari.. Akala ko magiging na siya bakit nasa ER nanaman siya?!

Maya-maya pa ay nasa hospital na ako. Wala na akong pake kahit halos mabunggo na ako kanina. 

Dumeretso ako sa kwarto niya pero wala. Walang tao dun.

... Walang Mr. Lopez

... Walang Mrs. Lopez

... Walang pinsan

... Walang kamag-anak

... Walang Brent

... Walang platypus

. . . Wala rin si Bryan

Umupo ako sa upuan paharap sa hospital bed niya saka ako huminga ng maayos. I was breathing fast. Halos hindi na nga ako makahinga sa bilis ko. Sa pagmamadali ko. Hihintayin ko nalang siya dito. Ayoko rin namang-

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may kamay na pumatong sa shoulder ko.

Agad akong humarap para makita kung sino ito.

At gaya ng nasa palabas...

"Bitter butter ko."

Gusto kong umiyak nung nakita ko siyang nakangiti sakin habang hindi makatayo ng maayos. Nasa likod niya si Brent na nakangiti rin sakin.

Ito ang unang beses na nakita kong nakadilat ang mga mata niya.. Ulit.

I laughed habang nararamdaman kong may mga luha mula sa mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit biglang may lumabas na ganyan sa mata ko. I don't even care.

He hugged me and I hugged him even tighter..

"I thought nasa ER ka.." Bulong ko sakanya.

"Nasa puso mo ako."

Napa-irap nalang ako sa sagot niya. "Kaya pala hindi ako makahinga. Naka-bara ka." Sagot ko saka siya naupo sa hospital bed niya.

"Ang korny niyong dalawa." Sabat samin ni Brent habang naka-ngisi.

"Inggit ka?" Tanong ni Bryan sakanya.

Nag-make face lang si Brent kaya natawa kaming dalawa. "Kailan ka pa nagising?"

"Kaninang madaling araw."

"Bakit di niyo man lang sinabi sakin?"

"Surprise?"

"Korny niyo!" 

"Eh bat ka umiiyak? Na-miss mo ba ako?"

"Yuck. Assuming!" 

Tumawa lang siya saka niya ako biglang niyakap sa bewang kaya nagulat ako. "I miss you so much babe."

Gusto kong masuka sa sinabi niya pero hindi ko maintindihan kung bakit parang... parang...

Holy fucking shit.

"Yuck! Makalabas na nga!" Sabi ni Brent saka namin narinig ang tunog ng pagsarado ng pinto. Pero hindi parin lumabas si Brent. Baliw. Sinara lang pala yung pinto.

Hindi niya ako binitawan. 

"Hoy Bryan. Bitawan mo na 'ko."

Tumawa lang siya ng mahina saka ako binitawan. 

"Wala ba talaga akong amnesia?" Tanong niya samin ni Brent kaya napataas nalang ang kilay ko.

"Yaaaan ang napapala ng mga taong mahilig mag-basa ng libro. Wala ka ng pag-asa Bryan."

"Nirecite kaya ni Kuya kanina yung alphabet para lang mapatunayan na wala siyang amnesia." Sabat ni Brent samin habang hawak hawak ang gitara niya.

Oh. Marunong pala siyang mag-gitara.

"Oh? Grabe. Alam mo, hindi yan amnesia. Ka-abnormalan na 'yan." Sagot ko. "At tsaka imposibleng makalimutan mo ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa."

Kumunot ang noo niya. "Sino 'yun?"

"Che!"

Tumawa lang si Brent at Bryan. "Sky, akin na 'yan.."

"Sky?" Tanong ko saka ko tinignan si Brent na namumula.

Ewww. Namumula?! Seriously.. HAHA! Di ko alam kung bat capable na mag-blush si Bryan at Brent. Samantalang ako, hindi ko kaya. Wala na atang pag-asa. Like duh. Di ko naman kailang mag-blush.

"Stop calling me Sky!" Brent hissed at Bryan.

I chuckled. "Seriously? Sky name mo? Yuck!"

"Sabi ko na nga ba eh. It's your fault Kuya! Damn you." 

"What?" Natatawang tanong ni Bryan sa kapatid niya. "It's not my fault if your name sucks."

"Nicole.." Tawag sakin ni Brent.

Nanlaki ang mata ni Bryan. "Don't freaking tell her your freaking weird story!" Bryan warned Brent.

Walang pake si Brent dahil alam niyang hindi naman makakagalaw ng maayos nag kuya niya.

"Alam mo ba kung bakit ganyan pangalan ni Kuya?"

"Bakit?"

"BRENT!" Sigaw ni Bryan.

"Kasi nung pinanganak siya.. Mukhang tiniklop na BRA as in Brassiere kaya nung nakita siya ni Mama sabi niya "BRA! YAN!" Kaya ayun. Bryan. The end."

Ang korny..

Pero humalgpak kaming dalawa ni Brent ng tawa habang bwisit na bwisit si Bryan at gusto niyang batuhin ng flower base ang kapatid niya.

"Shut up! Nicole! Wag ka ngang tumawa!" Asar niyang sigaw sakin.

"Bat ba?! Edi makitawa ka rin!"

But the truth is, lagi kong hinahanap ang tawang 'to. Dahil sa halos dalawang linggong tulog ni Bryan, stressed ako. I feel so alone. Pero ngayong gising na siya, to good to be true man, nagpapasalamat ako sa Diyos. Yeah. I know. It's not so me. Pero anong magagawa ko diba? 

Tinawa ko lahat ng dapat kong itawa.

Dalawang linggo rin akong hindi nakakatawa. Dalawang linggo ko ring hindi narinig boses nitong bwisit na 'to. 

Iniwan kami ni Brent sa kwarto. Napaka kumportable ng silence. Pagod na rin kasi ako galing trababo and I'm happy na naiintindihan niya ako. 

Masaya rin ako kasi binigyan ako ng pamilya niya na makasama siya. Di ko rin alam kung bakit wala sila ngayon. Siguro napag-isip nilang-

"Bitter butter ko. Bakit ang lalim ng iniisip mo?" 

I just shook my head saka ako ngumisi sakanya.

Ganun rin siya. He grinned. Pero kalaunan. Naging isang honest na ngiti ang ngisi niya. 

Kinuha niya ang gitara habang nakaupo ako sa harap niya. 

He started to strum his guitar. 

(Play the video please >>)

Officially Missing You.

Tinignan niya ako habang nakangiti saka siya nag-simula.

"All I hear is nothing."

Napataas ang kilay ko noong narinig kong binago niya ang unang linya.

"Because I'm on a coma."

Gusto kong matawa doon sa pagpilit niya sa lyrics.

"Oh baby tell me why i'd have to sleep."

I laughed hard when he sang that part.

"Cause this pain I feel..

It won't go away."

He stared at me while smiling. Alam kong ganun rin ako. Nakangiti. 

"And yesterday, today and tomorrow.. I'm officially missing you."

Hindi na pakanta noong sinabi niya 'yun. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kasi hindi naman maganda ang boses niya. Wala nga sa tono. Pinagpilitan pa yung mga lyrics! Pero wala eh.. Para sakin ito na ata ang pinaka magandang kanta.

Ibinaba niya ang gitara niya saka niya hinawakan ang kamay ko.

I froze when he held it so tight.

Gusto kong malaman kung anong mangyayari susunod. Kung anong sasabihin niya. Kasi feeling ko hindi rin naman naging kumpleto ang buhay ko for two week noong wala siya. (Korny, oo. I know. Kahit ako nakokornihan sa sarili ko.)

I've been longing to hear some words.

My heart stopped beating when he opened his mouth.

. . . eto na!!

"Penge namang tubig bitter butter ko. Nauuhaw ako."

Leche!

Isampal ko kaya sa'yo 'tong bote ng tubig?

*To be continued*

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 63 25
Hi! This is my second BL story.. free to read and enjoy.. šŸ¤— Start at August 4, 2024 End on September 14, 2024
185K 3.6K 36
Credit to the owner of pictures. girlxgirl story po ito close minded people can leave open minded people pls enjoy hindi din pwede sa mga super batan...
80.2K 2.6K 48
Everything comes to us at the right time. Be patient and when the right moment comes, it'll totally worth the wait. At the right place. For the righ...
719 60 38
Book 1.2
Wattpad App - Unlock exclusive features