MANORO

By 0korean_hertzian0

95.3K 436 363

DON'T FORGET TO VOTE! Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang maysuliranin ng “kamangman... More

MANORO (Ang Guro)
EKSENA 2: Sa IsangJeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga katutubo
EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad
EKSENA 4 - Sa Tahanan nina Jonalyn
EKSENA 5 - Simula ng isang malayong paglalakad
EKSENA 6 - Patungo na sa Kabundukan
EKSENA 7 - Ang Pananghalian
EKSENA 8 - Araw ng Eleksyon
EKSENA 9 - Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang (End)

EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos

14.4K 69 50
By 0korean_hertzian0

 (Graduation Day )

Establishing Shot 

sa paaralan at sa buong senaryo.

Medium Shot 

sa iba’tibang reaksiyon ng mga tao. Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’ynapakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ngelementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat.Maririnig ang ilang mga usap-usapan:

Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?

Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.

Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na angseremonya.

Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up 

.Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga-graduate  tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to. Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan:

Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang Intsik sa bayan.

Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa ngayong summer  para makuha niya na rinang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo.

Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?

Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon.

SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.

Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sapaligid. Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin.Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya:

What you sow, is what you reap.

 Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway

. Medium close-up shot sa isang mensaheng nakadikit sa dingding:

 “Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.” 

Picture-taking time  na, biglang nagtanong ang kanilang guro:

Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?

Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.)

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
6.2K 398 17
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 39.9K 65
ProfessorxStudent Story!!!
87.4K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...