Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 48

173K 2.3K 703
By NerdyIrel

Okay so, I’ve decided at dahil na rin sa kayo ang pumili, magkakaroon po ng book 3 ito.

Title: SWTP (Stuck With The Past)

But madadagdagan ng chapters itong book 2 before ko i-end.

Mga 2 or tatlo siguro, depende po :)

-------------------------------------------------------

Chapter 48

 

Kathryn’s POV

2 weeks after, everything went back to normal.

Well…not really normal.

Madami rin nagbago.

Si Kuya Neil, bumalik dito sa Pinas nung nabalitaan yung nangyare.

Naging worlwide ang news about sa pagkidnap sakin and how DJ saved me.

Pero bumalik na rin si kuya kila ate yen.

Syempre kailangan siya ng buntis niyang asawa.

Si Enrique, magaling na.

Though, nakakalungkot lang dahil bumalik na siya sa New York.

Si Tita Bambi kasi, nakakulong na.

Sa Mental Hospital.

My mom became so over protective.

May 12 bodyguards ako palagi.

Yup, twelve.

Yung tropa, palaging nakatambay dito sa bahay.

Next week, babalik na rin kami sa US para sa second sem.

Si DJ?

Ito, katabi ko.

Nanunuod ng basketball.

Sobrang naging protective sakin ni Daniel eversince the accident.

Ayaw niyang lumayo or malingat lang sakin.

Ilang nights na rin siyang dito natutulog.

Di naman kami mapigilan ni Tita karla at Mama.

Narinig ko nga usapan nila na naiintindihan daw nila kung bakit ganun kami ni Daniel.

Syempre, takot kami.

Ako, takot na ko.

Ayoko ng lumayo kasi baka kung ano na naman mangyari.

Ganun din siya sakin.

Ayaw ni DJ na hindi ako palaging kasama.

Nagagalit agad siya or nagaalala.

 

“Kuha lang akong cake, gutom pa ko” sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tumayo na ko at nagulat nung pinatay niya yung TV. “Sama”

 

I stared at him.

Oo, parehas kami ng nararamdaman…

Pero lagi na lang bang magiging ganito?

“DJ, wala namang mangyayare sakin. Diyan lang ako oh”

“Kahit na” pagmamatigas niya.

I sighed at hinayaan na lang siyang sumunod sakin.

Kinuha ko na yung cake sa ref tapos kumuha ako ng tatlo pang slice.

 

“Yung tropa nga pala, nagyayaya. Punta daw tayong tagaytay” Bigla siyang nagsalita habang nilalagyan yung mga baso namin ng juice.

Kami lang tao dito.

Si Mama, umalis.

Ewan ko lang kung saan nagpunta.

Si Cola, paikot ikot lang naman dito sa bahay.

Alam niyo naman ang aso, makukulit talaga…

“Oh? Kelan daw?” Tanong ko nung naglakad na kami pabalik sa sala.

Pagupo namin, hinila niya pa ko para magkadikit talaga kami.

^_^

Ayaw niya talaga ng space! Hahaha.

 

“Bukas. Magpapaalam na ko kila Mama pag pumayag ka” sabi niya sabay kain ng cake. Binuksan niya na yung TV at nilipat yung channel.

Sumandal ako sa dibdib niya para mas comfortable ako.

“Gusto mo bang sumama tayo?” Tanong ko sa kanya habang kumakain.

“Bakit naman hindi?”

Napangiti ako dun. “Talaga? Gusto mo? Hala! Tara! For sure enjoy ito! yieee”

 

Parang natuwa ako masyado.

VACATION!!!

 

“Ikaw talaga baby, bakit naman decision ko pa yung hinihintay mo para lang sabihin na gusto mong sumama?”

 

“Syempre, fiance kita at dapat, lahat ng decision ko, approved sayo”

Tumingin ako sa kanya at biglang nagbago itsura niya. “Hindi ganun yun. Paano ko malalaman kung gusto mo na pala yung isang bagay kung di mo sasabihin sakin?”

Napaisip ako.

“Pero ayoko lang naman na magaway tayo or what DJ”

“Kath, dapat parehas tayo ng decision. Hindi yung ako lang yung masusunod sa relationship natin”

“So…gusto mo nga sumama bukas?”

“Oo naman. Miss ko na tagaytay”

I lifted my head to kiss him thank you nung biglang namatay yung TV.

“Ano na naman ito!”

O_O

I got shocked when I saw Lola Eva.

Andito na pala siya, may di man lang namin napansin.

 

“Epal” Bulong ni DJ sa tenga ko sabay binuksan ulit yung TV gamit ng remote control.

 

“Naiwan lang kayo ni min, ganyan na agad kayo! Konting ano, halik agad!” Galit na galit na sabi niya.

Namula ako dun.

Sorry, nakasanayan na po eh.

“At pwede ba iha, lumayo-layo ka nga sa apo ko. Masyado kayong magkadikit! Ang landi niyong tignan!”

Lalayo sana ako kay Daniel nung ni-wrapped pa ni DJ yung left arm niya sa bewang ko.

Ay oo nga pala, magaling na yung bale ni daniel.

Di naman kasi talaga napuruhan yun.

I looked at DJ pero di niya ko tinignan.

Sa TV lang siya nakatingin.

Aalisin ko na sana yung arms pero di ko magawa-gawa.

Hala ka.

Sinumpong na naman ito.

Aasarin niya na naman si Lola Eva.

>_<

Two weeks na silang nagtatalo ni Lola.

 

“HOY! SINABI NG-----”

Nagulat kami nung nilakasan ni DJ yung volume ng TV.

“Daniel, ano ba” mahinang sabi ko.

Nagaalala na ko, baka kung ano na naman sabihin samin ni Lola.

Ginagalit niya kasi talaga ang lola niya.

“ABA! At talagang ginagalit niyo ko!” Hinila ni Lola yung saksak ng TV.

Tapos tinignan niya kami ng masama.

“Kathryn, lumayo ka sabi kay Daniel”

Natakot na ko at tatayo na talaga kaso si DJ, dalawang arms niya na yung ni-wrapped niya sakin.

“DJ, wag mo na galitin si lola” Bulong ko.

Matanda na yan.

Baka mapano pa…

 

“ANO BA! HA!” sigaw samin ni lola eva.

 

“Lola naman! Ang ganda ganda ng hapon namin, ayan na naman kayo. Paulit-ulit na lang. Araw-araw niyo na lang ba kaming sisigawan? Di niyo ba nahahalata na kahit anong gawin niyo, di niyo ko malalayo kay Kath? Tsaka pwede ba La, alam niyong hanggang halik lang naman ang gagawin namin ni Kath. Tingin niyo, mabubuntis ko siya kapag ganitong magkatabi lang kami? Sus naman! Hayaan niyo na po kami”

Tinignan siya ng masama ni Lola Eva.

 “Oh, tita. Andito na po pala kayo”

My mom suddenly came out of nowhere tapos nagmano siya kay lola.

“Tara na”

Bigla na lang hinawakan ni DJ yung kamay ko at hinila ako paakyat sa kwarto.

Di kami napansin ni lola dahil kung ano-ano na sinabi niya kay Mama.

 

“DJ, mali yun” sabi ko pagpasok sa kwarto ko.

Ni-lock pa talaga niya yung door bago humiga sa kama ko.

Di niya ko kinausap.

 

“Alam mong matanda na si Lola at dapat, sinusunod na lang natin siya. Hindi mo dapat siya sinasagot-sagot. Baka mapano si Lola ng ginagawa mo. Oh di, lumayo na lang tayo sa isa’t-isa kapag andiyan siya. Pag alis niya, balik sa dati. As easy as that---”

 

“Hindi nga kasi madali yun kath. Ayoko nga kasing lumayo sayo” Umupo siya at nakita kong parang badtrip na badtrip na siya.

I sat beside him tapos hinawakan ko yung mukha niya.

 

“Let’s stop being paranoid, DJ. Oo, parehas tayong takot pero di pwedeng tumakbo yung buhay natin na lagi na lang ganito. Parehas tayong masasakal. Tsaka wala na naman tayong dapat ikatakot. Wala na si Tita. Wala ng manggugulo”

I assured him.

“Pano ka nakakasigurado na wala ng manggugulo satin?” Tanong niya.

“Kasi di natin sila hahayaan. Diba?” sabay nginitian ko siya.

 

“Halika nga dito”

Niyakap niya ko ng mahigpit.

Sabay kaming humiga sa kama.

Nakayakap pa rin siya at magkaharap kami sa isa’t-isa.

 

“Kath, pakasal na tayo” Mahinang sabi niya.

Seryoso siya, halata naman sa mukha niya.

Ilang beses niya na kong niyayaya magpakasal sa kanya.

Di ko na nga mabilang kung ilang beses.

“Bata pa tayo”

“Legal na tayong dalawa. Nag-18 ka na diba?”

“Kahit na, DJ naman…hindi ganun kadaling magpakasal”

“Madali yun as long as parehas kayong willing”

“Sukob sa kasal yun. Si Kuya, kakakasal lang”

“Psh. Naniwala ka pa dun. Di yun totoo”

“Pero ayoko pa rin”

He frowned. “Ayaw mong magpakasal sakin?”

 

“Sa ngayon, ayoko pa. Madami pa tayong plans at dapat ready na ready na tayo before marriage”

He pouted. “May iba ka na yatang gusto”

O_O

“Hoyyyy! Grabe ka!”

“Baka naman may iba ka-----”

“Itigil mo! Nagiisa lang ang blueberrybabe ko sa puso ko”

He smirked. “Talaga?”

“Ay hindi, joke lang. Joke lang”

“Ikaw talaga!!!” sabay kinurot yung pisngi ko.

“Aray!”

“Hahahaha cute mo”

“Alam ko”

“Wow ah! Yabang!!”

“Mana sayo! Belat!”

“Haha teka, text ko lang yung tropa. Sabihin ko, tuloy tayo bukas” Umupo na siya tapos kinuha yung phone niya na nakapatong sa may table.

 

“Paalam muna tayo kila mama”

“Wag na”

Hay nako.

“Hintayin mo ko, magpapaalam lang ako”

Tumayo na ko at lumabas ng kwarto.

Napatigil ako sa hagdanan nung nakita kong nagtatalo pa rin si Lola at si Mama pero hindi sila nagsisigawan.

Naguusap lang though mataas ang tono ng boses ni Lola Eva.

Mama: “Hindi naman sa ganun Tita pero----”

Lola: “Anong pero pero? Kinukunsinti niyo kasi ang apo ko!”

Mama: “Alam niyo naman po ang nangyari. Syempre----”

Lola: “Kahit na! Mas malapit na sila sa isa’t-isa! Baka mamaya, may ginagawa na pala sila, di niyo pa rin alam. Lagi niyo na lang sila hinahayaang nagsasarili sa kwarto ni kath!”

Mama: “Tita, may tiwala ako sa kanilang dalawa at kinausap ko na po si DJ. Nagpromise siya saking hindi siya gagawa ng kahit na anong ayoko”

Lola: “Words! Kapag andun na sila sa sitwasyon, kakalimutan na nila ang mga pangakong ganyan. Kaya nga dapat makinig kayo sakin ni Karla! Hindi niyo naman sila lubus-lubusang paglalayuan, kokontrolin niyo lang ang mga ginagawa nila. Tignan niyo nga, hinahayaan niyo silang magtabi tuwing gabi! Pano kung may gawin sila, mapipigilan niyo pa ba?”

 

“Lola,  hindi po kami ganun ni DJ at hindi ko po hahayaang may mangyare samin” Sumabat na ko. “At opo, naiintindihan ko po yung point niyo. Sige po, kakausapin ko si DJ na umuwi na muna sa bahay niyo kung dun po kayo mapapalagay”

Tinignan nila akong dalawa. “Talk to my grandson. Please. Babae ka pa rin iha, panget yung palagi mo na lang pinapatulog sa bahay niyo ang boyfriend mo”

 

“Opo sige po”

Tinignan niya na si Mama sabay umalis na.

My mom raised an eyebrow to me. “I supposed may sasabihin ka pa sakin”

 

H-how did my mom knew?

“Well, ma…”

She crossed her arms. “About the vacation?”

 

ALAM NIYA?

O_O

 

“Ahh opo. Okay lang po ba?”

“Basta magsama ka ng atleast 3 bodyguards mo. Mapapanatag ako”

“Ma, pano naman kami magsasaya kung may bodyguards ako? Mama naman!”

“Kath, mabuti na yung may magbabantay sayo”

 

“Malaki na po ako. Andyan naman si DJ. May mga lalake pa kong kasama, sila Diego, Albie at Jake. Ma, ilang days lang po kami sa tagaytay. Wala na namang nagbabanta sa buhay ko kaya mama, walang mangyayareng masama dun. Please po, wala na munang bodyguards ma. Hindi ako makakapagsaya ng maayos kung may kasama akong iba mama”

Tinignan ako ni Mama ng masama.

I’m sure she’s mad.

“Ma, trust me. Please. Sige na po”

 

“I’ll take care of her Tita” Biglang sumulpot si DJ.

My mom looked at him longer than the usual. “Mapapangako mo bang walang masamang mangyayare sa anak ko kung papayagan ko kayong magstay sa tagaytay na walang kasamang bodyguards?”

 

“Yes Tita. Di ko po siya iiwan. Promise”

She sighed. “Sige na nga”

 

“YAY! Thanks ma!” Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

“Oh sige na, pagod ako”

“Bakit ma? Saan ka po ba pumunta?”

“Sa…office”

 

“Tita, akala ko po ba, bukas pa kayo pupunta sa office?” tanong ni DJ.

Tinignan niya si daniel tapos tumingin din siya sakin.

Then she sighed. “I promised I won’t lie again kaya sasabihin ko na yung totoo. Dinalaw ko ang tita bambi niyo sa mental kanina”

Napalayo ako kay Mama.

Why would she do that?

Lumapit sakin si DJ at hinawakan yung kamay ko. “Bakit niyo naman po ginawa yun tita? Alam niyo naman siguro yung ginawa niya samin…lalo na kay kath”

My mom sat at the sofa. “May isa pa kasi akong lihim na hindi pa nasasabi. Even bambi doesn’t know this”

 

“Ano yun ma?”

 

“Kath” bulong ni DJ.

Napatingin ako sa kanya, at dun ko lang narealize na ang higpit na pala ng hawak ko sa kamay niya…

Kinakabahan kasi ako sa sasabihin ni Mama.

“Kathryn, Bambi is my half-sister”

ANO DAW?

Nanlaki mga mata ko dun. “M-ma….ano po? Kapatid niyo si Tita bambi?”

 

My mom took a deep breath. “Oo bunso. Nalaman ko lang na kapatid ko siya nung pinanganak ko na ikaw. Kaya nga hindi si Enrique ang in-engaged ko sayo ay dahil, magpinsan kayo”

 

Ano daw?

Yung lalakeng nagkagusto sakin noon ay PINSAN KO?

Hinila na lang ako bigla ni DJ para umupo sa may sofa…at dun sa lap niya.

Umiling ako pero hinila niya talaga ako.

BALIW BA ITO?

SA HARAPAN PA TALAGA NG NANAY KO?

“Kath, umupo ka ng maayos sa sofa”

Tumayo na ko at nakita kong nagkamot ng ulo si DJ.

Umupo ako sa may tabi niya, medyo malayo ng usual.

Lalapit sana siya pero umiling ako. “I promised lola na hindi na tayo masyadong magiging clingy sa isa’t-isa”

He groaned. “DJ, wag na matigas ulo” Sabi naman ni Mama.

“Okay” badtrip na sagot niya.

I looked at my mom again.

“Ma, is it true? Half-sister mo po si Tita Bambi? May naging ibang pamilya si lolo?”

Grabe naman yung mga lihim ng pamilya namin.

“Oo anak. At nalaman ko lang yun pagkapanganak ko sayo, just before your lola died. Sinabi niya sakin yung lihim na pinakatatago nila. Even I got shocked pero nung nalaman ko yun, agad kong kinaibigan ulit ang Tita mo. Dahil matagal ko ng gusto kong magkaroon ng kapatid”

 

“Pero ma, bakit niyo nagawang ilihim ito kay Tita? Kung nalaman niya lang siguro, hindi lalala yung galit niya. Hindi niya magagawang kidnapin ako”

She looked down. “I wanted to pero sa tuwing sinusubukan kong sabihin sa tita mo, naaalala ko ang lola mo. Ang bilin niya kasi sakin ay wag na wag kong sasabihin kay bambi na magkapatid kami”

 

“Ha? Bakit po? Grabe naman si lola”

 

“We can’t blame her. Galit siya sa family ng lolo mo. Outside family lang kasi sila. Anak ng kabit si bambi. Malamang ayaw ng lola mo magkaroon ng karapatan si Bambi sa pamilya natin at sa lahat ng ari-arian natin lalo na nung yumaman na kami ng papa mo”

Napasandal ako sa upuan ko.

This is so messed up.

 

“Can I tell enrique? Na pinsan ko po siya?” Tanong ko.

“Of course. Pagod na rin naman ako maglihim ng maglihim”

I looked at DJ.

I’m glad narinig niya ito.

Atleast alam ng fiance ko lahat ng lihim ng family ko.

“Thank you ma, for telling me”

She looked up. “Sorry anak”

“It’s okay mama. Naipit ka lang din po sa sitwasyon. Ang mahalaga, nasabi mo na po sakin”

 

 

Daniel’s POV

So ang lolo ni kath ay nagkaroon ng kabit which is nanay ni bambi.

Kaya si Tita Min at Tita Bambi ay magkapatid.

Si Enrique at Kath, magpinsan.

Tapos yung papa ni Kath, naging kabit si Tita Bambi.

Pero bago mangyare yun, magbestfriends si Tita Min at Tita Bambi.

Oh sige lang! Ang gulo gulo na nila!

May idadagdag pa kaya sila?

Hahahaha.

 

“Uwi ka na?” Tanong sakin ni Kath.

Napatitig ako sa kanya.

“Bakit naman ako uuwi? Dito ako matutulog”

 

“DJ” Yung tono ng boses niya, halatang disappoved siya sa sinabi ko. “Umuwi ka na muna. Mapapanatag si Lola Eva ng ganun. Pinayagan na naman ako nila mama sumama sa tagaytay trip natin bukas. For sure, bukas ng gabi, magkatabi na ulit tayo. Kaya for now, dun ka na muna matulog sa bahay niyo. Okay?”

Psh.

(-_-)

Ang sarap mo kasing unan.

Nahihimbing tulog ko pag katabi kita.

“Sinanay mo kasi akong katabi ka kaya ayan, for sure mamayang gabi, hahanap-hanapin ko yung yakap mo” Then I pouted.

She laughed sabay hila ng kamay ko para tumayo na ko.

“Ikaw kaya yung nagsanay sakin na palagi kang kasama”

Naglakad na kaming dalawa palabas ng bahay.

Kita kong may 5 bodyguards sa labas.

 

“Ayoko pang umuwi”

Ayoko pa talaga.

Mamimiss ko fiancee ko.

Putek, hirap pala pag palagi mo kasama mahal mo.

Parang nahihirapan kang lumayo agad.

Di pa nga kami nagkakalayo, ayoko na agad.

>_<

 

“I’ll be fine” then she smiled.

“I won’t be”

Kathryn’s POV

Ang cute cute ni DJ!

Halatang nagpapamiss!

Tsaka parang bata kung makapag-pout.

 

“You should be fine. Ilang gabi mo lang naman ako di makakasama”

Niyakap niya na lang ako.

“7 am ka namin dadaanan. Van nila Albie gagamitin natin. Okay?” Mahinang sabi niya.

Ayun.

Pumayag na rin siyang umuwi na.

I hugged him back.

“Basta tumawag ka before you sleep. Gusto mo skype pa tayo?” Pangaasar ko.

He laughed sabay tinignan ako. “Loko ka ah”

 

“Hahahaha kasi naman! Kung makapagdrama ka, daig mo pa si romeo at juliet”

“Ayoko nun”

@_@

 

“Ha? Anong ayaw mo?”

“Yung lovestory nila”

“Hala, ang ganda ganda kaya nun. Umiyak nga ako nung napanuod ko yun”

Naglakad na kami papunta sa kotse niya tapos umupo kaming dalawa sa may hood.

“Kasi kath, ang tanga nung dalawang yun. At dahil sa katangahan nila, nagpakamatay si romeo. Tapos ito namang si juliet, sumunod pa talaga”

“DJ! Di mo ba na-gets yung story? Yun nga yung maganda eh. Di kasi nila kayang mawala ang isa’t-isa. They really love each other”

“Sige nga kath, pag ba isa satin namatay, gugustuhin nung isa pa na sumunod yung nabuhay? Diba hindi?”

Galit na siya.

I flinched.

Naalala ko yung ginawa niya.

He begged for Tita to take away his life just to save me.

Pero nung mga panahon na yun, ang nasa isip ko lang, kapag namatay talaga si Daniel…susunod ako.

Hindi pwedeng hindi.

“Sorry. I get it, I get your point. At oo, tanga nga yung dalawa pero nagets ko rin kung bakit sumunod si juliet”

 

“Mali pa rin yun”

 

“Ito na naman tayo. Tinatakot mo ko. Hindi ka naman mawawala sakin diba?” Tanong ko.

He kissed my hand. “Of course, magpapakasal nga tayo diba?”

 

I’m so lucky to be Daniel’s girlfriend…fiancee…

I mean, yung future ko, nakikita ko na ng dahil sa kanya.

 

“Then we’ll have our own kids” dagdag ko.

“A dozen of them” Sabay nilapit niya mukha niya.

I smiled. “Are we gonna argue again about the number of our future kids? Ayoko ng madami! Grabe toh!”

“Oh di ako magbubuntis kung tinatamad ka”

O_O

Pfft.

“HAHAHAHAHAHA ANO? HAHAHA OHMYGHADD! HAHAHAHA”

Halos mapahiga ako sa hood ng car niya sa sobrang tawa.

Iniimagine ko pa lang siya na may malaking tiyan, di na ko makahinga.

“Ang saya mo ah”

“HAHAHAHA EH KASI NAMAN IKAW!! HAHAHAHAHA AYOKO NA! HAHAHAHAHA”

Naiiyak na ko sa kakatawa.

“Che! Mukha kang shrek madir!”

“HAHAHAHA wag ka nga umakting na bakla! Nakakaasar toh! HAHAHAHAHA”

“Hey there chickadora! I’m not gay kaya! I’m a girl! Duh!” sabay paltik ng kamay.

 

“HAHAHA PUTEK KA DJ! HAHAHAHA”

 

Ang pangit!

Di bagay!

Natawa na rin siya sa kalokohang ginagawa niya.

“Oh sige na strawberrybunch ko, uwi na ko. Baka sumugod na naman ang magaling kong uugod-ugod na lola, malintikan pa tayo”

Tumayo na siya at tumayo sa harapan ko.

“Salbahe ka talaga. Ingat ah, thanks for making me smile. I love you”

“Talaga? Sigurado ka ba diyan”

“Oo, siguradong sigurado. One hundred percent, lagpas pa!”

Natawa siya dun. “Love you too baby ko”

I kissed him goodbye.

Quick lang naman.

 

“Tawag ka kapag nakauwi ka na” sabi ko sabay baba sa hood ng car niya.

“Yes madam”

Tumabi na ko para makasakay na siya sa kotse niya.

Pagkaalis niya, dun ako sa porch tumambay.

Umupo ako dun sa may stairs tapos tinawagan ko si enrique.

May roaming number naman kasi siya.

After a few moments…

Quen: Hello?

Me: Enrique, it’s me. Kath.

Quen: Oh? Napatawag ka?

Me: Are you busy?

Quen: Not really. Why?

Me: We need talk...

Quen: About?

Me: You…me…us…our family.

There was a moment of silence before he spoke again.

Quen: What about us?

Me: Pinsan pala kita…

Enrique’s POV

Nagtaka ako.

Napaupo tuloy ako sa kinahihigaan ko.

Tambay kasi ako  dito sa condo ko.

Nanunuod lang ng TV dito sa kwarto.

Me: Pinsan? Pano?

Kath: Well…you’re mom and my mom are sisters. Half-sisters.

Nanlaki mata ko dun.

HALA?

Me: Hoy kath, trip mo ko?

Kath: No, I’m serious. Nagulat din ako.

What the fuck.

You mean….kung pinsan ko siya…HALA!

Halos muntikan ko na nga siya mahalikan noon para lang maagaw siya kay daniel.

Nainlove pa talaga ako sa kanya dati tapos malalaman ko, PINSAN ko pala siya?

>_<

Me: Pano sila naging half-sisters?

Kath: Kabit ng lolo ko ang lola mo.

Me: And the fruit is my mom? Wow. Kanino mo nalaman?

Kath: My mom told me.

Me: Does my mom know?

Kath: Nope. Bilin kasi ng lola ko kay mama na wag sasabihin sa mama mo. I’m sorry.

Parang bigla na lang ako nainis.

Ang selfish naman ng lola niya.

But hey, past is past.

Wala na kong magagawa sa mga kalokohan nilang lahat.

Me: Ayos. May pinsan kang gwapo.

Kath: Hahaha sira ka talaga. Kamusta?

Me: Okay lang…

Kath: I’m really sorry. Dahil sakin, naudlot na naman yang pagaartista mo sana.

Me: Ah no. Actually may nago-offer sakin dito para magartista. And not just that, dancer pa kamo!

Kath: OMG! Really? Wow! Congrats! Grab it na!

Me: Yeah, hinihintay ko lang decision ng girlfriend ko…

Kath: H-huh? Hey, sino?

Me: Hahaha hindi pa naman girlfriend, soon to be lang.

Kath: Hoy ah! Sino nga? Hahaha. Do I know her?

My bedroom door suddenly opened.

 

“Uhmmm….ito na yung soup mo. Pinagluto muna kita” Myrtle went to my side para ipatong yung tray na hawak niya.

Pinagluto niya pa talaga ako.

=’)

Kath: Hey, kasama mo pa siya? Wow ha!!!

Me: Hahaha you know who she is. The girl I’m talking about before…

Myrtle looked at me.

Nakita niyang may kausap ako sa phone.

Tumayo na siya pero hinawakan ko kamay niya.

Kath: Myrtle?

Me: Yup. I’ll call you later…couz.

Tinitigan ko si myrtle pagkasabi ko ng word na ‘couz’.

Kath: Wow! Trying not to make her jealous huh? Hahaha congrats talaga! Balitaan mo ko! Babush!

Me: Bye! Wag masyadong paladikit sa boyfriend mo.

Kath: Che! Haha bye!

Call ended.

Tinapon ko na yung phone ko sa kama ko.

 

“Wow. Talagang nilutuan mo pa ko. Thanks” sabay hila sa kanya para umupo sa tabi ko.

Wondering why she’s here?

Well may lagnat kasi ako.

Nung bumalik ako from the Philippines, nagkita kami.

I’m so attracted to her kasi lagi siyang nahihiya at namumula pag nakikita ako.

Kaya inaraw-araw ko ang pangungulit sa kanya.

Hinila ko talaga siya papunta dito sa condo ko para makilala ko pa siya at para na rin magkaroon pa ng time with her.

Tapos nung paalis na siya, nahawakan ko kamay niya.

Naramdaman niyang may lagnat ako kaya ayun.

Since last night, di niya pa ko naiiwan.

^_^

“Ito yung gamot mo” mahinang sabi niya.

 

“Magaling na naman ako”

“Hindi pa kaya, mainit ka pa oh” sabay hawak sa neck ko.

Hinawakan ko naman yung kamay niya.

“Basta dito ka lang”

“I don’t know----”

“Dito ka lang, nawawala lagnat ko kapag nakikita kita. Napapalitan ng saya”

Natawa siya sabay yuko.

Mahiyain talaga, grabe!

 

“I like you”

Napatitig siya sakin.

 

Kathryn’s POV

Kinabukasan….

 

*knock knock*

 

“Kath, 7 na. Diba aalis pa kayo?”

I groaned sabay takip ng unan sa mukha ko.

Wala akong plans today.

Matutulog pa koooo….

After a few minutes, naramdaman kong may gumalaw sa kama ko.

Nako, si mama!

Gigisingin na naman ako!

>_<

 

“Wake up, sleepy head” Rinig kong sabi nung nasa gilid ko.

I smiled.

Ang kulit ni Daniel…

 

“I don’t want to. Ang aga pa” I said with my eyes closed.

Nagulat na lang ako nung bigla niya kong dinaganan.

Tapos yung mga kamay ko, hinawakan niya.

 

“Gigising ka or mangre-rape pa ko bago ka tumayo?” Biro niya.

O_______O

 

“Hoy! Teka nga, oo nga pala! Bakit andito ka? Diba hindi ka naman dito natulog? Tsaka ang aga pa ah!”

“So ayaw mong gumising?”

I groaned.

Then I closed my eyes.

Bahala ka diyan.

Antok pa ko.

 

“Ayoko”

Bigla niya kong hinalikan sa leeg.

O_____O

 

“DJ!” Sigaw ko.

“Sssh!” Sagot naman niya.

“Hala ka! Huy! Ano ba yan! Daniel!” I tried to push him kaso hawak niya kamay ko.

“Ang ingay mo, gusto mo yata yung lips mo ang patahimikin ko eh”

I glared at him. “DJ, ang aga aga naman para sa ganito”

Nginitian niya ko.

He gave me his naughty smile.

 

“So gusto mo sa gabi?”

O/////////O

 

“Grabe ka! Layo na! Bilis! Chupeee!!! Babangon na ko! Oh, ito na”

Buti na lang, tumayo na siya at tumawa na lang.

Nagmamadali naman akong pumasok sa bathroom kasi baka magbago pa isip niya.

Hirap talaga pag nagboyfriend ka ng mahilig magPBB Teens.

Mga lalake talaga, tsk tsk.

 

“Bilis!” Sigaw niya para marinig ko.

“Di ko pa nga natatanggal damit ko, bilis agad? Chill” sigaw ko rin.

 

“Buksan mo yung pinto, ako magtatanggal. Kaso baka di ka matapos ng pagligo ng di oras”

Namula ako dun.

“DANIEL!”

“Hahahaha joke lang. Ito naman. Geh, dun lang kami sa baba. Papakainin ni Tita Min yung barkada ng breakfast whoooh”

I smiled. “Okay!” Sigaw ko para marinig niya.

“Sure ka ayaw mo kong tumulong sayo----”

“GO AWAY! CHUPEEE!”

In-on ko na lang yung mp3 ko para di ko na siya marinig.

Grabe, ang lande!!!

Hahahaha.

Daniel’s POV

Ang cute talaga nun asarin.

For sure nagba-blush na yun.

Pagtalikod ko, napatigil ako.

Albie: “Grabe ka pare”

Julia: “Kakagising lang nung tao”

Bea: “Talagang gusto mong pumasok sa CR ah?”

Zharm: “Gusto mo tulungan ka namin?”

Diego: “Kaso may bayad na pagkain”

Jake: “At dun ka sa inodoro mapupunta”

Wow.

“Geh, pagtulungan niyo ko. Maghanap kayo ng bahay na matutulugan sa tagayatay ah” Asar ko sabay lakad papunta sa baba.

Julia: “On the other hand, okay lang pala kahit kakagising lang ni sis”

Zharm: “Oo, pagpatuloy niyo pa”

Bea: “Dun ka muna sa taas”

Jake: “Tulungan mo na maligo yun bilis”

Albie: “Alam mo naman kaming tropa mo, sangayon sa lahat ng gusto mo”

Diego: “Pero may bayad pa ring pagkain”

Natawa na ko.

“Mga sira ulo talaga kayo. MAMA MIN!!!! Ano breakfast?” Pangungulit ko.

“Isa ka pang sira ulo” sabi niya.

We all laughed.

“Ay di na po pala ako kakain” sabi ko.

“Oh bakit?” Tanong ni tita.

“Busog na po ako, nakita ko na kasi ang anak niyo”

Julia: “Yieee”

Zharm: “Heart heart tibok tibok”

Bea: “Emeghed”

Jake: “Kiligggg”

Albie: “Mahiya kayo sa langgam”

Diego: “Sakin kayo mahiya, gutom na ko!”

Lecheng diego toh.

“HAHAHA palamon kita sa mga alaga mong anaconda sa tiyan mo eh! Tita, wag niyo nga pakainin yan”

Diego: “Hoy daniel! FYI, wala itong anaconda!” sabay turo niya sa tiyan niya.

“Gorilla lang?”

Mas lalong natawa yung tropa dun.

Albie: “Hindi, kingkong na alaga niyan”

 

“Bwisit kayo, loves oh! Inaasar ako!” Bigla siyang lumapit kay zharm.

“Ang kukulit niyo hahaha umupo na nga kayo at kumain na” Sabi ni tita min.

Di ako umupo.

“Tawagin ko lang po si Kath”

Tapos tumakbo na ko bago pa nila ako asarin.

 

*knock knock*

“Baby, bilis. Kakain na ng breakfast” sabi ko habang kinakatok siya sa bathroom door niya.

Di siya sumagot.

 

“Baby”

 

*silence*

“Hay nako, nagenjoy ka na naman yata magshower”

No response.

“Isa pa, sisirain ko na itong pintuan mo”

And again.

Di siya nagsalita.

“Kath?”

 

“AHHHHHHHHHH!”

O_O

Bigla na lang siyang sumigaw.

Shit.

------------------------------------------------------------------

Nako, vas happenin?

Sheez.

A/N: "Don’t let little stupid things break your happiness"

But hey, i really do believe na kapag palagi mong kasama yung isang tao, hahanap-hanapin mo yun. Right? :)

Continue Reading

You'll Also Like

328 133 80
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
1.7M 75.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
391K 9.9K 43
Old story written in 2006.