CHAPTER XVIII:
778
CIELO
Dali-dali kong tinanggal ang scarf mula sa leeg ko at inilapat ito sa nagdurugong sugat ni Harper, maya't-mayang napapasirit ang dugo kaya naman hindi ko mapigilang mataranta. Malapit sa kanyang collar bone ang kagat, malalim ang sugat at marahas ang punit sa balat.
"I-I'm okay..." Lumuluha man at namimilipit sa sakit, pinilit ni Harper na tumayo kaya naman dali-dali namin siyang inalalayan ni Axel.
I applied pressure to Harper's wound by tightly tying my scarf around it. I can feel Harper's pain just by looking at her but despite of it, Harper kept her head up and tried to act like it didn't bother her, like she could still do anything without a problem.
"Teka sandali!" Bulalas ni Axel at dali-daling pinulot ang baril na nabitawan ni Raze nang bigla siyang maglaho. Raze was so scared of the dogs that he didn't even thought about using his gun.
"I deserve this, you're probably happy now." Mahinang sambit ni Harper nang pilit ko siyang inaalalayan sa pamamagitan ng pag-akay sa balikat niya. Imbes na sumagot, hinawakan ko na lamang ng mahigpit ang bewang niya nang sa gayon ay mas magiging madali ang pag-alalay ko sa kanya.
"Raze was afraid of Dogs! They disappeared when he did! What are you guys afraid of?!" Bulalas ko na lamang.
"Malalaking gagamba?" Naguguluhang sambit ni Axel at agad ring tumulong sa pag-alalay ni Harper.
"Wow, you just made this place a whole lot worse." Pahayag ni Harper sa sinabi ni Axel.
"Ano ba sayo?" Tanong ko na lamang kay Harper pero matagal bago siya sumagot. Para bang napako ang paningin niya sa likuran ko kaya naman agad akong napalingon.
"That." Biglang sagot ni Harper at napasinghap na lamang ako nang makita ang isang pamilyar na nilalang—Si Mang Boris—Skunk version ni Mang Boris. Malaki ang pangangatawan, marungis, tadtad ng mga sugat, at gaya ng nakaraan ay mukhang uhaw sa pagdanak ng dugo.
"I know he's my fault but he scared the shit out of me when he chased us down the sewers. How Ironic right? I caused him to be like that pero ako 'tong takot din sa kanya." Natatawang sambit ni Harper kaya nagkatinginan na lamang kami ni Axel.
Ibinalik ko ang tingin kay Mang Boris. Nagsimula siyang humakbang kaya nagsimula narin kaming mapaatras ni Axel pero sa Harper ay napako lamang sa kanyang kinatatayuan habang nakangiti. Has this girl lost her mind? Naapektohan na ba ng rabis ang utak niya?
"Kuya!!!"
Mas lalo pa kaming nagulat nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na tili na tila ba nangangaling sa isa sa mga gusaling nakapalibot sa amin.
"Wena?!" Biglang sigaw ni Axel at sa puntong 'yon, wala na akong ibang nakita pa kundi takot sa mukha ni Axel.
"Puntahan niyo na si Wena bilis! I'll distract him!" Giit ni Harper na ngayo'y mas tumindi pa ang pamumutla at animo'y mawawalan na ng malay, "H-he's my fault, my fear, so I'm facing him." Dagdag pa niya.
Biglang hinigit ni Axel ang kamay ko at napatakbo kaya wala akong magawa kundi sumunod. Pero habang tumatakbo kami palayo kay Harper, hindi ko mapigilang lumingon sa kanya, hindi ko mapigilang matakot para sa kanya kasi hindi naman siya masamang tao, naging masama lamang siya dahil sa dami ng pinagdaanan niya.
Nanatili si Harper sa kanyang kinatatayuan habang nagsisimulang humakbang si Mang Boris papalapit sa kanya. Imbes na tumakbo, taas-noo lamang si Harper na animo'y tinatanggap na ang magiging kapalaran niya.
May bigat man sa kalooban, pilit ko itong winakli. Kasama si Axel, pumasok kami sa isang gusali na siyang pinanggalingan ng mga sigaw ni Wena.
Taliwas sa inaasahan, hindi kadiliman ang bumungad sa pagpasok namin sa pinto. Napakaliwanag ng paligid na para ba itong isang karaniwang lobby ng isang building, ang kaibahan lang ay wala itong katao-tao ngayon.
"Doon!" Bulalas ni Axel at dali-dali kaming nagtungo sa isang elevator. Ngunit kapwa kami naguluhan ni Axel nang mapagtantong unti-unting bumababa ang elevator kahit na wala naman kaming pinipindot. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumukas ang elevator sa harapan namin at laking gulat namin nang makita sa loob si Wena.
"Natutuwa akong makita kayo ulit." Gaya ng dati, andiyan parin ang matamis na ngiti sa inosente niyang mukha ngunit sa pagkakataong ito'y purong kulay itim na ang kanyang mga mata.
Sa puntong 'yon mistulang gumuho ang mundo ni Axel. Nakita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata niya habang nakapako ang tingin sa kinahinatnan ng kanyang kapatid. Naiwang nakaawang ang kanyang bibig. Kapwa kami napako sa kinatatayuan namin.
"Nakakapanibago 'tong katawang pinasukan ko. Hindi ako sanay sa kasuotan niya pero inaamin ko, napakakomportable sa hita." Natatawang pa nitong sambit sabay turo sa dress na suot at sa mga paang malayo ang pagitan.
"P-parang awa mo na, pakawalan mo ang kapatid ko!" Pagmamakaawa agad ni Axel.
"Madali akong kausap... Pero bago ang lahat, panoorin muna natin 'to." Sambit ni Wena at sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay, muli naming natagpuan ang mga sarili namin sa gitna ng madilim na kalsada.
"Harper!!!" Napahiyaw ako nang makita si Mang Boris na kasalukuyang hawak ang ulo ni Harper at marahas itong hinahampas sa pader. Lupaypay na ang buong katawan ni Harper at ibang-iba na ang hugis ng kanyang duguang ulo, nagkalat ang napakaraming dugo sa kinatatayuan nila. Hindi nagtagal, parang lumalabas na ang kanyang bungo, para bang nababasag na ito at may nakikita na kaming maliit na piraso ng laman na nalalaglag sa sahig—ang utak niya.
Sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin nila Harper, sa kabila ng palitan ng masasakit na salita, sa kabila ng maya't-maya naming pag-aaway, labis akong nasasaktan sa nakikita ko.
"Cielo 'wag mo nang tingnan." Giit ni Axel at pinaharap ako sa kanya. Niyakap niya ako nang sa gayon ay 'wag ko nang makikita ang mga nangyayari.
"Ano ba talagang pakay mo sa amin?!" Sigaw naman ni Axel sa direksyon ni Astaroth na kasalukuyang nasa loob ni Wena.
Bumitaw ako mula kay Axel upang humarap rink ay Astaroth. Sa kabila ng lahat, ayokong makita ni Astaroth na nasasaktan ako. I don't want him to have the glory of seeing me in pain. All my life he's done nothing but do harm and I'm done being harmed.
Ngumiti si Astaroth at umarte na animo'y nag-iisip, "Ano nga ba? Hmmm.. Ah tama, naghahanap ako ng ipapalit kay Dana, at ikaw!" itinuro niya si Axel, "ikaw Axel ang napipisil kong kapalit bilang kapares nitong bago kong sisidlan."
Napabuntong-hininga si Astaroth at lumapit kay Axel, "Isang kahilingan kapalit ang iyong kaluluwa. Ganyan ako kagalante Axel... Natupad ko ang hiling ni Dana, kaya sinisigurado kong matutupad ko ang sa'yo."
"Axel 'wag kang makinig sa kanya." Giit ko agad pero hindi kumibo si Axel, bigla siyang napatingin sa kawalan na para bang nalunod sa sarili niyang isipan.
"Astaroth you whiny bitch! Ako ang dapat na hihiling sa'yo kung hindi lang ako tinubos ni Dana! Take me instead—" Parang naubusan ako ng lakas na magsalita nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang may mainit sa dibdib ko na para bang nagpapahilo sa akin. Tiningnan ko ang mga kamay ko at labis akong nagulat nang makitang unti-unti na itong nanlalabo gaya ng nangyari kay Dana, Raze at Shem.
"Axel don't do it! Axel don't!" Pakiusap ko sa kanya kasabay ng tuluyang pagpatak muli ng luha ko.
"Ano Axel? Anong hiling mo?" Narinig kong tanong ni Astaroth pero nakapako lamang ang tingin ko kay Axel.
Napansin ni Axel ang unti-unti kong paglalaho at dali-dali siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako gamit ang mga mata niyang lumuluha, "Everything will be okay and you will end up happy."
****
Napasinghap ako at unti-unting idinilat ang mga mata ko. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa buong katawan ko pero wala naman akong nararamdamang sakit, sa katunayan parang namanhid ang buo kong katawan. Gusto kong gumalaw pero tanging singhap at kurap lamang ang nagagawa ko.
Biglang bumukas ang mga mata ko at agad na sumalubong sa paningin ko ang nakakasilaw na ilaw. Gusto kong umiwas, gusto kong ipikit ang mata ko, gusto kong sipain ang naninilaw sa akin pero sobrang bigat ng buong katawan ko at hirap na hirap parin akong kumilos.
"Cielo? Cielo naririnig mo ba kami?"
May naririnig akong boses ngunit hindi ko magawang makapagsalita, kinurap-kurap ko na lamang ang mga mata ko bilang sagot.
Ilang sandali pa ay unti-unting naging malinaw ang paningin ko hanggang sa tuluyan kong nakita ang mukha nila Raze at Shem na nakatingin sa akin. Kapwa sila may yakap-yakap na mga tuwalya at basa ang mga buhok.
Bahagya kong hinilig ang ulo ko sa kanang direksyon at nagulat ako nang makita si Harper na nakahiga hindi kalayuan sa akin. Gusto kong magsalita, gusto ko siyang kausapin pero nagulat ako nang biglang tinakpan ng tela ang kanyang mukha at isinakay siya sa isang stretcher.
"Cielo wala na si Harper..." Narinig kong sambit ni Shem kaya naman napakagat na lamang ako sa labi ko at pinigilan ang sarili kong maluha.
Hinilig ko naman ang ulo ko sa kaliwang direksyon at parang huminto ang mundo ko nang makita si Axel sa tabi ko. Napapalibutan siya ng mga paramedics at nakikita kong ginagamitan na siya ng defibrillator. Ilang sandali pa ay bigla na lamang nagsitayuan ang mga paramedics. Gusto ko silang tawagin, gusto ko silang sigawan, ngunit hindi ko parin magawang maigalaw ang labi ko.
"Time of death 10:56 pm"
Gusto kong mangatwiran. Gusto kong bumangon at magwala. Gusto kong mapatunayang nagkakamali sila pero tanging pagluha lamang ang nagawa ko habang pinagmamasdan ang mukha niya sa tabi ko.
Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila. Hinintay ko siyang dumilat, hinintayko siyang gumalaw ngunit nagsimulang bumigat ang talukap sa mga mata ko hanggang sa unti-unting dumilim ang lahat.
END OF CHAPTER 18!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3