Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XVII : Here comes Dondy

74.1K 3.3K 1.4K
By Serialsleeper


CHAPTER XVII:

Here comes Dondy

DANA


"Wacky!"


Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang bumagsak si Wacky sa sahig, hinang-hina, labis ang pamumutla at mukhang mawawalan na ng malay. Sa sobrang takot ko kay Dondy, ngayon ko lang napansin na duguan si Wacky at may tama ng baril sa balikat.


Napakagat siya sa labi niya dahil sa labis na sakit, napakabigat ng kanyang bawat hininga. Hinang-hina man, pinilit parin ni Wacky na tumayo kaya naman dali-dali kong sinabit ang kabila niyang braso sa balikat ko nang maalalayan ko siya.


"Wacky... Wacky please kailangan kita ngayon, Wacky hindi ko 'to kakayanin 'to ng mag-isa." Paulit-ulit kong pakiusap kay Wacky at tumango-tango naman siya. Kitang-kita ko ang pagpupursigi ni Wacky na kumilos kahit na naipipikit na niya ang isang mata niya dahil sa labis na pamimilipit sa sakit.


Humawak ako ng mahigpit sa bewang ni Wacky, sinikap kong matulungan siya sa bawat hakbang nang mabawasan ang hirap na nararamdaman niya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko pero sa huli, natumba na naman kaming muli sa sahig.


Bago tumayo ulit, dali-dali akong napalingon sa likuran namin at para akong nabunutan ng tinik nang makitang hindi na nakasunod sa amin si Dondy. Pero hindi ko na nagawang matuwa pa nang maalala ko sina Gino at Pinky.


"H-he's not a devil... He's a fictional character." Napasinghap ako nang maisip ko ang pinanggalingan ni Dondy. At dahil hindi siya Demonyo, maari siyang makaakyat.


"Oh my God si Gino at Pinky!" Hindi ko na napigilang mapabulalas. Hindi ko man alam kung nasaan sila o kung sila man ay nandito pa, malakas ang pakiramdam kong hindi lang kami ni Wacky ang puntirya ni Dondy.



THIRD PERSON'S POV


Mahimbing na natutulog si Pinky sa kama habang nakakabit parin sa kanyang tenga ang headphones na pinasuot ni Gino sa kanya nang sa gayon ay 'wag na itong matakot pa. Samantalang ang binatang si Gino naman ay nakatulog narin sa sahig habang nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama sa kagustuhang mabantayan si Pinky.


Dahil mahimbing sa pagkakatulog, kapwa walang kaalam-alam ang dalawa sa mga nangyayari sa labas ng silid na kinaroroonan. Lalo na si Pinky na tanging musika lamang ang naririnig.


Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang sunod-sunod na kalabog sa pinto ng kinaroroonang silid dahilan para agad na mapabalikwas si Gino ng gising. Dahil naalimpungatan, ilang sandaling nanatiling wala sa wisyo si Gino na palinga-linga lamang sa paligid gamit ang mga matang naniningkit at namumula. Napabuntong-hininga na lamang ito nang makita si Pinky na natutulog sa kama at maalala ang lahat ng mga nangyari.


Napahikab na lamang si Gino at tumayo. Lumapit siya kay Pinky at inayos ang kumot na lumayo na mula sa katawan nito. "Mas mabuti ngang tulog ka nalang kesa umiiyak ka sa takot." Habang nakatitig sa mukha ng natutulog na si Pinky, hindi maiwasan ni Gino na mapangiti ng tipid.


Muli, biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na kalabog. Sa pagkakataong ito ay mistulang nasa malayo na ang pinanggagalingan ng ingay. Ngunit sa pagkakataong ito, namayani na ang lito sa isip ni Gino.


"Wena? Mira?" Sunod-sunod na tanong ni Gino at lumapit sa pintong naka-lock.


Naguguluhan man, binuksan ni Gino ang pinto at humakbang palabas ng silid. Lumingon siya sa kaliwa kung saan naroroon ang direksyon ng hagdan ngunit walang tao rito, lumingon naman siya sa kanan at laking gulat niya nang makita ang isang malaking lalake sa tapat ng pinto ng isang silid na katabi lamang ng kinaroroonan nila.


"What the—" Hindi na natapos pa ni Gino ang kanyang mura at naiwang nakaawang ang kanyang bibig nang makita ang kahindik-hindik na hitsura ni Dondy na ngayo'y nakaharap na sa kanyang direksyon.



"GINO TAKBO!!!" Bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw. Dala ng gulat, napalingon si Gino sa kanyang kaliwa at nakita si Dana na natataranta at panay ang sigaw sa kanya upang tumakbo.



DANA'S POV



"Gino Takbo!!!" I screamed at the top of my lungs but Gino only stood there, dumbfounded and in an utter state of shock and disbelief. Gino was so shocked and scared that he didn't even have the chance to even move from where he's standing.


Napahiyaw na lamang akong muli nang mabilis na lumapit si Dondy kay Gino at marahas na hinawakan ang mukha nito gamit ang malaki niyang kamay. Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Gino nang marahas na ipinasok ni Dondy ang kanyang mga daliri sa mga mata at bibig ni niya.


Nanlambot ang mga tuhod ko nang walang ano-ano'y iniangat ni Dondy ang katawan ni Gino sa ere gamit ang kamay na nakahawak sa mukha nito. Kitang-kita ko mismo ang pagdanak ng dugo sa sahig kasabay ng pangingisay ng mga paa ng walang kalaban-labang si Gino.


Hindi ko alam pero para bang tumingin mismo si Dondy sa direksyon ko at bigla na lamang pinunit ang mukha ni Gino. Kasabay ng muli kong paghiyaw ang tuluyang pagbagsak ng katawan nito sa sahig, may napakalaking butas sa kanyang mukha pero sa kabila nito ay nangingisay parin ang kanyang mga paa.


"Hayop ka!!!" I screamed again and again, loud as I could, as tears streamed down my face.


Napatakip na lamang ako sa bibig ko nang biglang kinain ni Dondy ang napunit na parte ng mukha ni Gino na nanatili sa kanyang kamay. Ginawa niya ito habang nakaharap sa direksyon ko, nakuha pa niyang dilaan ang kanyang mga daliri na para bang ginagalit ako lalo.


"Gino?!"


Parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang bigla kong marinig ang boses ni Pinky mula sa silid na nasa tapat ng bangkay ni Gino. Sumiklab ang takot sa puso ko at agad akong napatakbo patungo sa kanilang direksyon kahit pa magkakasalubong kami ni Dondy. Pero dahil higit na mas malapit si Dondy sa silid, naunahan niya akong makapasok.


Magkahalong panlulumo at takot ang namayani sa buong pagkatao ko nang marinig kong sumara ang pinto at umalingawngaw ang napakalakas na tili ni Pinky.


"Hindi! Pinky!" Sumigaw ako ng sumigaw at nagtatakbo parin patungo sa silid. Nang tuluyan ko itong narating, mas lalo pang lumakas ang tili at palahaw ni Pinky. Sa pagkakataong ito'y hindi na takot ang napapansin ko sa bawat sigaw niya, pati labis na sakit.


"Pinky!" Sa kabila ng lahat, sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naka-lock ito. Sinubukan ko itong banggain ng banggain ngunit sakit lamang sa katawan ang tanging nakukuha ko. Damang-dama ko ang sakit sa bawat palahaw ni Pinky, naalala ko ang paghihirap ko sa kamay ni Dondy. Higit pa sa pisikal na pagpapahirap ang ginawa niya sakin, sinaktan niya rin ang mga kaibigan ko sa mismong harapan ko.


Napaatras ako at napatingin sa ngayo'y bangkay nang si Gino, rinig na rinig ko parin ang mga palahaw ni Pinky pero alam kong sa puntong 'to ay wala na akong magagawa. Makailang ulit kong sinubukang lumaban kay Dondy pero sa bawat pagkakataon, talo ako. Tapos na akong magpakatanga. Tama na. Kung hindi ko man kayang matalo si Dondy, pwes hindi ko na hahayaang masaktan niya ako o sino man sa natitira kong kaibigan.


***


"Wacky!" Nagulat ako nang makita ko si Wacky sa dulo ng hagdan. Sa kabila ng kanyang pagdurusa, sinubukan niya parin akong sundan. Bigla kong napansin ang isang pinto sa hagdan kaya naman dali-dali ko itong isinara at tinungong muli si Wacky para maalalayan.


"Hang in there okay? We'll get through this I swear." Paulit-ulit kong sambit kay Wacky habang kapwa kami hirap na hirap sa bawat hakbang. Ramdam ko ang init sa balat niya palatandaang nilalagnat na siya dahil sa tinamo niyang sugat.


Hindi nagtagal, tuluyan kaming nakalabas at tumambad agad sa amin ang napakalakas na hanging sumasabay sa bawat hampas ng mga alon sa dalampasigan. Napakadilim at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbi naming liwanag.


Pagod na pagod man ako, hindi ako tumitigil. Imbes na bumitaw, mas lalo kong hinigpitan ang hawak kay Wacky habang nakasandal siya sa akin. Inaamin ko, para nang mawawasak ang buto ko dahil sa bigat ni Wacky pero wala akong balak na hayaan siyang maghirap ng mag-isa. Sa pagkakataong 'to ang isa't-isa nalang meron kami at kung bibitaw ang isa, mauuwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng mga kaibigan namin.


Hindi nagtagal, nagtaka ako nang bigla kong natanaw ang ilang mga maliliit na ilaw na animo'y makakasalubong namin. Hindi kami tumigil ni Wacky, bagkus ay mas binilisan pa namin ang pagkilos. Habang tumatagal, palaki ng palaki ang mga ilaw hanggang sa tuluyan naming napagtanto ang nangyayari.


"Holloway Police! Itaas niyo ang mga kamay niyo!" Biglang sigaw ng isa sa kanila.


"Tulong! Tulungan niyo kami!" Pare-pareho naming sigaw ni Wacky nang makita ang anim na pulis na tumatakbo patungo sa direksyon namin, tatlo sa kanila, nakataas na ang mga baril. Dahil nakasandal parin sa akin si Wacky, isang kamay lamang ang naitaas ko at ganun rin siya.


"Anong nangyari?!" Maotoridad na sigaw ng isa sa mga pulis at itinutok pa ang liwanag ng flashlight sa mga mukha namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, I felt the adrenaline reign over me again as rescue is finally here.


"H-he's been shot! Get us out of here!" Hindi ko napigilang mataranta. Mabuti nalang at dali-dali naman silang tumulong sa amin. Dalawa sa kanila ang tulong-tulong na umakay kay Wacky pero sa kabila nito, hindi ko magawang bitawan ang kamay ni Wacky.


"Kayo lang ba?" Tanong ng isa pang pulis.


Aligaga akong napatango, "Everyone's dead! Let's go before he kills us all!"


Muling bumalik ang matinding kaba ko nang makita ang tatlong pulis na patungo sa villa. May mga dala man silang baril, alam kong balewala ito sa nilalang na gaya ni Dondy.


"No! No wait! Don't go there! Dondy's there and he'll kill you!" Napabitaw ako mula kay Wacky at dali-daling hinabol ang mga pulis pero bigla akong pinigilan ng isa sa mga pulis na natirang kasama namin.


"Ano? Armado ba siya? Sinong Dondy? Siya ba yung nagnakaw ng bangkay ni Diana Flavier?" Tanong niya agad sakin. Nag-aagaw ang mga salita sa isipan ko, napakami kong gustong sabihin, napakarami kong gustong ipaliwanag at hindi ko alam saan magsisimula.


"Ako si Diana Flavier! Dondy's there! Umalis na tayong lahat dito! Pigilan mo ang mga kasama mo! Papatayin lang sila ni Dondy!" Muli kong giit pero nagkatinginan lamang ang mga pulis na para bang nababaliw na ako.


"Umalis na tayo! Mamamatay kayo diyan! Papatayin niya kayo!" Sinubukan ko na lamang na habulin ang isa sa mga pulis ngunit muli na naman akong hinila ng isa sa kanila.


****


Narating namin ang lugar kung saan nakaparada ang van ni Shem at pati narin ang dalawang sasakyan ng pulis. Naalala ko ang van na ito, ito yung minaneho ni Churchill nang makarating kami dito.


Isinakay si Wacky sa backseat ng isa sa mga patrol car kaya naman dali-dali akong sumunod at tumabi sa kanya. Hinang-hina man, nagawang hawakan ni Wacky ang kamay ko kaya naman hinawakan ko rin siya pabalik at pinahiga sa balikat ko habang hinahaplos ko ang noo niyang pawis na pawis na.


"Please! Please ilayo niyo na kami dito!" Pakiusap kong muli sa kanila.


Pumasok sa sasakyan ang dalawa sa tatlong kasama naming pulis. Ang isa ay nagpaiwan sa labas at animo'y kinokontak ang tatlong kasamahan gamit ang radyong nakakabit sa kanyang uniporme.


I warned them what would happen. I warned them of the death that awaits them with Dondy in there pero hindi sila naniwala. If they die, it's no longer my fault. I did my part.


"Don't bother contacting them! Dondy may have already killed them and if we don't hurry now, we're going to be next!" Bulalas ko agad pero imbes na maniwala, napabuntong-hininga lamang ang pulis at isinara ang pinto sa tabi ko.


Hindi ko makita ng maayos ang dalawang pulis sa front seat dahil sa mga rehas sa likod ng kanilang mga upuan na nagsisilbing dibisyon sa amin mula sa front seat. Hindi ko mapigilang mainis kaya hinampas ko na lamang ang mga rehas, "Nakikinig ba kayo sa amin?! Drive it now or we'll all die!"


Ilang sandali pa ay para akong nakahinga ng maluwag nang tuluyang umandar ang sasakyan. Sa sobrang tuwa, napayakap ako ng mahigpit kay Wacky na kasalukuyang nakahiga sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko na napigilang maiyak muli.


"M-magiging okay ang lahat." Mahinang sambit ni Wacky gamit ang natitirang lakas at napatingala sa akin.


Tumango-tango na lamang ako at hinalikan ang noo niya. Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko na magawa. At gustuhin ko mang matuwa kasi sa wakas ligtas na kami, hindi ko parin magawa dahil sa katotohanang wala na ang mga kaibigan namin.


"Idiot don't you dare die okay? Don't you dare die or I will throw your dead body on the zoo and let the crocodiles eat you."


Hinigit ko si Wacky sa isang mas mahigpit na yakap hanggang sa magkadikit na ang mga pisngi namin. Natatakot akong makatulog si Wacky kaya naman kung ano-ano ang mga sinabi ko para lang manatili siyang gising.


"Teka ano yun—" Hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ng pulis nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na kalabog dahilan para magsigawan kami dahil sa labis na gulat. Nang matanaw ko ang isang duguang kamay na nakabitin mula sa bintana, saka ko lang napagtanto kung ano ang nangyayari—Pinigilan kami ni Dondy sa pag-alis sa pamamagitan ng paghagis ng bangkay sa sinasakyan namin.


"No don't!" Wala akong magawa kundi mapasigaw nang biglang inihinto ng pulis ang sasakyan sa gitna ng madilim na daang binabagtas namin. Paulit-ulit akong nakiusap at nagmakaawa pero lumabas lamang sila ng sasakyan habang nakataas ang kanilang baril at flashlight.


Narinig kong napamura ang mga pulis nang makita ang bangkay ng kasama nila sa ibabaw ng sasakyan ngunit imbes na bumalik sa sasakyan at magmaneho paalis, mas pinili nilang alamin ang nangyayari.


"A-anong nangyayari?" Tanong ni Wacky na hirap na hirap nang mapanatiling dilat ang kanyang mata dahil sa labis na panghihina.


Imbes na sumagot, dali-dali ko na lamang na binuksan ang pinto ngunit laking dismaya ko nang naka-lock na ito at hindi ko kayang mabuksan mula sa loob. Sinubukan ko ang pinto sa gilid ni Wacky at maging ito'y nakalock rin.


"No! Get us out of here! Get us out of here!" Sumigaw ako ng sumigaw sa mga pulis sabay hampas ng salamin ngunit hindi parin sila nakinig, patuloy sila sa paglalakad pabalik sa pinanggalingan namin upang alamin kung sino ang may kagagawan sa pagkamatay ng kasama nila.


Sa abot ng makakaya, pinilit kong wasakin ang rehas na naghihiwalay sa amin sa front seat. Pinagsisipa ko ito, pinaghahampas at pilit na winasak pero balewala. Sinubukan kong ilusot ang kamay ko para abutin man lang ang pang-unlock sa mga pinto ngunit masyado itong malayo.


Sa isang iglap bigla na lamang umalingawngaw ang sunod-sunod at naglalakasang putok ng baril. Sa sobrang lakas napahiyaw na lamang ako at mas pinagsisipa pa ang rehas at pati narin ang bintana ngunit balewala ang lahat. Mas lalo lamang tumindi ang takot ko nang umalingawngaw ang sigawan ng mga pulis.


Once again, Wacky and I are the only ones left, and the worst part, we're trapped. Death has us trapped, nowhere left to run, nowhere left to hide. Dondy's coming for us.


Naramdaman ko ang paghawak ni Wacky sa kamay ko, dali-dali akong napalingon at nakita ko siyang hindi na halos makagalaw.


"Oras na dumating si Dondy, ako na ang bahala. Tumakbo ka lang ng tumakbo." Walang kagatol-gatol niyang saad dahilan para agad akong mapailing. Bumalik ako sa tabi niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay at mariin siyang tinitigan sa mata.


"I'm never leaving you behind." Giit ko sa pagitan ng bawat hikbi ko.


Umiling-iling si Wacky at unti-unting bumitaw sa akin. Habang sumisinghap, unti-unti niyang itinaas ang kanyang kamay bagay na ikinalito ko. Parang may itinuturo si Wacky sa likuran ko kaya naman unti-unti akong napalingon.


Nakita ko si Dondy na nakatayo sa labas ng sasakyan, sa mismong likuran ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na nagawang makasigaw pa nang bigla niyang binasag ang bintana gamit ang sariling kamay at hinila ako palabas ng bintanang ngayo'y basag na. Damang-dama ko ang pagkapunit ng balat ko dahil sa mga bubog na sumasabit sa akin kaya idinadaan ko na lamang sa tili ang labis na sakit.


"Dana!" Sigaw ni Wacky at dali-daling hinawakan ang kamay ko kaya napahawak rin ako sa kanya. Ngunit patuloy ang paghatak sa akin ni Dondy, pilitin man namin ni Wacky na 'wag bumitaw, unti-unting dumulas ang mga kamay namin sa isa't-isa hanggang sa tuluyan akong mapabitaw sa kanya.


Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng likod ko sa lupa. Parang nagpatay-sindi ang kamalayan ko, pilit kong kinurap-kurap ang mga mata ko hanggang sa tuluyan kong maaninag ang mga bituwin sa kalangitan.


"Dana...." Narinig ko ang garagal na boses ni Wacky at nang ihilig ko ang ulo ko sa aking gilid, nakita ko si siya. Nakadapa siya sa lupa, hindi kalayuan sa kinahihigaan ko, duguan at hinang-hina.


Unti-unti niyang ginalaw ang mga kamay sa aking direksyon na para bang gusto niya akong abutin. Hindi ko man halos maigalaw ang katawan ko, pinilit kong igalaw kahit man lamang ang kamay ko upang mahawakan ang kamay niya.



END OF CHAPTER 17

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...
Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...