Please Be Careful with My Hea...

By master_anoch

1.3K 67 6

Oh huwag ng magtaka. Hindi ito Book 2, eto pa rin iyong original ng Please Be Careful with My Heart. Nirevise... More

Please Be Careful with My Heart (Revised)
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 4

70 5 0
By master_anoch

Chapter 4:

“Uy Tam. Madaya ka. Bakit hindi ka nagkukwento?” Pasimpleng tumabi saken si Jen. Hinanap ng mga mata ko kung nakatingin sa amin ang guard na nasa loob ng selling area. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong busy sya.

“Anong ikukwento ko?” Sagot ko na hindi tumitingin kay Jen.

Kasamahan kong kahera si Jen pero sa ibang station sya nakaduty. Inshort bawal sya sa pwesto ko. Kapag nahuli sya ng Officer in Charge na hindi dito ang pwesto nya, tiyak mapapagalitan sya.

“Ikaw ha. Magkakilala pala kayo nong bagong salesman. Nagtatampo na ko. Wala ka man lang nababanggit.” Wala naman sa boses ni Jen na nagtatampo sya. Malamang gusto lang nya akong tudyuin kay Jason. Since si Jason lang naman ang bagong salesman sa branch namin.

“Wala naman akong dapat ikwento. Bumalik ka na nga sa pwesto mo. Mamaya makita pa tayo ng OIC pareho pa tayong mapagalitan.”

“Mamaya na. Nga pala Tam, sama ka mamaya ha?”

“Saan?”

“Nakalimutan mo na ba? Birthday ni Marky ngayon. Maghahanda daw si Tanga.”

“Hindi naman ako sumama sa mga lakad nyo eh. Isa pa hindi ako umiinom. Kayo na lang.”

“Ang KJ mo talaga. Dali na. Sumama ka na.”

“Maa-out of place lang ako don.”

“Gaga. Kasama mo kaya ako.”

“Kaya nga eh. Kapag kasama ka, lalo lang akong maa-out of place. Ang lakas mo kayang uminom. Saka Jen, hindi talaga pwede. Walang kasama si Jaja sa bahay.”

“Yong totoo? Ikaw ba ang nanay ni Jaja? Malaki na yon no. Alagain pa ba? Marunong na ngang lumandi ang isang yon. Sige na Tam, kapag hindi ka sumama talagang magtatampo na ako sa’yo. Lagi ka na lang ganyan.”

This time naramdaman kong seryoso na si Jen. Mukhang magtatampo pa nga ata sa akin. Matagal ko na silang kaibigan nina Marky, pero kahit minsan hindi pa ako sumama sa mga lakad nila, lalo na kung inuman. Ayokong mainvolved sa alak.

Inaamin ko, umiinom din ako ng alak pero noon iyon. Hindi na ngayon. Hangga’t maaari  ayokong nakakakita ng alak.

“Tam ano?”

“Sige na nga. Pero saglit na saglit lang ako don ha?”

“Wala ng bawian yan ha!”

“Excuse me. Sam makikiabot naman ng pricelist ng Sony Cybershot.”

Kitang-kita ko kung paano titigan ni Jen si Jason. Ang lagkit ng kanyang mga titig. Kung walang boyfriend si Jen, iisipin kong may gusto sya kay Jason.

“Hi Jason!”

“Hi!”

“Sama ka samen mamaya.” Hindi sumagot si Jason. Nakatingin lang sya kay Jen. “Ano—birthday kase ni Marky. Yong malaking mamang yon oh.” Tinuro ni Jen ang nakatalikod na si Marky. Kasalukuyan itong may kausap na customer. “Kasama si Tammy.”

Napalunok ako ng biglang bumaling sa akin ang tingin ni Jason. Bakit sinabi pa ni Jen na kasama ako? As is naman sasama sya –

“Sige!”

Teka? Tama ba ang narinig ko? Pumayag sya? Sasama din sya mamaya?

“Okey. Hintayan na lang mamaya sa labas.” Tumango si Jason saka tumalikod. Dala nya ang folder ng Sony.

“Jen naman. Bakit kailangan pang sabihin na kasama ako?”

“Nakaka-intimidate kase ang kagwapuhan ng lolo mo. Tingnan mo nga kanina, halos malulon ko na ang dila ko. Natameme ang beauty ko don Day. Ang suplado ng aura nya.”

Suplado ba talaga si Jason? Bakit parang sa akin hindi naman. Lagi kaming magkasabay araw-araw pero hindi naman sya suplado. Lagi nya rin akong kinakausap. Pwera na nga lang kapag oras ng trabaho.

“Feeling ko may gusto sa’yo yon.”

“Jen tumigil ka nga dyan. Kung anu ano ang naiisip mo.”

“Bakit? Tama naman ang iniisip ko ah. Sinabi ko lang na kasama ka, kaya sya sumama.”

“Hindi naman siguro. Baka gusto nya talagang sumama sa inyo.”

“Naku Samantha tigilan mo nga ako dyan sa pagiging humble humble mo. Maniwala ka sa akin. May gusto sa’yo si Jason.”

Nakaalis na si Jen pero parang naririnig ko pa rin ang huling sinabi nya. Imposible naman atang magkakagusto sa akin si Jason.

Mali lang ng hinala si Jen.

Hindi namin kilala ang tunay na pagkatao ni Jason. Walang nakakakilala sa kanya sa lugar na ito maliban kay Jaja. Baka mamaya may girlfriend na pala sya.

May girlfriend na nga kaya sya?

“BABES!” Naramdaman kong biglang may  kamay na umakbay sa balikat ko. “Totoo ba? Sasama ka raw?”

“Rod ano ba. Nakakahiya. Pinagtitinginan tayo ng mga dumadaan.” Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko saka nagtago sa likuran ni Jen.

Nasa labas na kami ng mall at naghihintay sa iba pang sasama sa bahay nina Marky. Nakita kong nakatingin saken si Jason. Kaya naman hinarang ko si Jen ng tangka nya kong yakapin. Napakakulit talaga ni Rod. Palabiro. Kaya tuloy nachichismis na kami kahit hindi.

Hindi ko na lang pinapansin ang tsismis. Bakit ako magpapaapekto kung hindi naman totoo? Hinahayaan ko na lang, baka kapag pinansin ko pa lalo lang lumaki. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak.

May girlfriend si Rod pero hindi nila alam kung sino. Akala nila ako, pero hindi.  Palibhasa kase puro lang sila tsismis.

Porke ba Babes ang tawag saken ni Rod may relasyon na agad kami? Tinawag lang naman nya akong Babes dahil pangalan daw yon ng baboy. Yong sa movie.

“Babes!” Papalapit na naman sa akin si Rod kaya lalo akong nagtago sa likuran ni Jen. “Kakantahan kita mamaya ha. Sabi ni Marky umarkila daw sya ng videoke.”

“Maawa ka naman Rod sa mga makakarinig sa kanta mo. Baka sa halip na mag-enjoy ang mga bisita ni marky, baka bigla na lang mag-uwian. Naumay sa boses mo.” Nakangiting sabi ni Jen. Tinutulak ko sya palapit kay Rod para hindi na nya ako lapitan.

“Ay ganon? Sige sasayaw na lang ako mamaya. Yong ganito ba ang gusto nyo?” Gumiling si Rod ng ala-Haiden Kho. Hindi ko tuloy mapigilang  mapahalakhak. Ang dami kayang tao tapos sumasawaw sya ng ganon.

Nakakahiya si Rod.

“Ano Babes gusto mo ba yong ganon?”

“Kadiri ka. Uuwi na lang ako kesa manood sa pagsasayaw mo.”

“Aray Babes. It hurts.”

“Tumigil ka nga Rod. Ang halay mo masyado.” Saway ni Jen.

Sakto namang dating  ni Marky at ng iba pang sasama kaya nagsimula na kaming maglakad. Sa kabilang kanto lang naman nakatira si Marky. Sumingit sa gitna namin ni Jen si Rod saka umakbay. Nahihirapan akong maglakad dahil sa akbay ni Rod kaya ang ginawa ko inalis ko ang kamay nya at nagpahuli na lang maglakad.

Napangiti ako ng wala na akong narinig sa dalawa. Hindi alam ni Jen, silang dalawa na lang ni Rod ang magkasabay.

“Magpapaiwan ka ba?” Tumungin ako sa likuran, ako na pala ang nasa huling-huli.

Tahimik akong sumunod kay Jason. Magkasabay kaming naglalakad pero walang nagtangkang magsalita sa amin. Pareho kaming walang imik. Nakakailang tuloy.

Hinintay nya kaya talaga ako kanina?

Binilisan ko ang lakad ng makita kong lumingon sa gawi namin si Jen. Hindi ko gusto ang ngiti nya.

Pagdating sa bahay nina Marky agad kaming sinalubong ng Mama nya. Maluwang ang harapan ng kanilang bahay. May nakakalat na mesa, at nasa gitna ang videoke machine. Halos karamihan ng mga bisita, katrabaho lang din namin.

“Tam dito kayo sa loob.” Narinig kong tawag samen ni marky.

“Uy espesyal.” Sabi ni Jen.

Nilingon ko si Jason. Tinitingnan nya ang buong paligid. Ano kayang iniisip nya? Mayaman nga pala sya. First time nya sigurong makarating sa ganitong lugar. Kase kapag mayayaman magaganda ang bahay, at kapag birthday party hindi lang basta handaan.

“Uy Jason don daw tayo sa loob.” Tawag ko sa kanya.

Tinawag ng iba naming katrabaho si Rod kaya umalis sya saglit. Balak pa nga sanang sumunod ni Jen, buti na lang nahila ko kagad sya.

Naaaliw akong pagmasdan ang hitsura ni Jason. Para syang bata na first time pumunta sa park. Lahat ng bagay tinitingnan nya. Siguro nga ngayon lang sya nakapasok sa ganitong bahay. Hindi kalakihan ang bahay nina Marky, pero halatang malinis ang mga nakatira. Masinop at maayos  ang loob ng bahay.

“Gusto mo ba nyan?” tanong ko kay Jason. Kanina pa sya nakatitig sa puding. Mukhang natatakam sya sa hitsura. Kunsabagay, mukha ngang masarap.

“Anong tawag dyan?”

“Sa probinsya namin puding ang tawag dyan pero dito sa Maynila cassava. Try mo masarap yan.” Nilagyan ko sya sa kanyang plato. Hindi sya tumanggi.

“Gusto mo din ba nito?” Tanong ko sa kanya ng matapat kami sa espasol.

“Ano naman yan? Kinakain ba yan?”

“Oo naman. Gawa yan sa giniling na bigas. Try mo masarap yan. Favorite yan ng Papa ko.” Bigla akong natigilan ng mabanggit ko si Papa. Paborito nya kase talaga ang espasol. Kapag may handaan sa amin hindi pwedeng mawala ang espasol.

Kumusta na kaya sila?

Ako na ang naglagay ng pagkain sa plato ni Jason. Kung hihintayin ko sya, baka umaga na hindi pa kami nakakakain. Pano bawat putahe tinititigan nya lang. Boy First time.

“Tama na. Marami na ‘to. Baka hindi ko maubos.”

“Okey lang yan. Minsan ka lang makakita ng mga payak na pagkain kaya kailangang sulitin mo na. Bukas may bayad na yan.” Nakatingin lang sya sa akin. Mukhang hindi ata nya nagets ang joke ko.

Naupo na kami. Kaming dalawa lang sa mesa dahil si Jen lumabas na upang makipag-inuman sa iba. Lumapit sa amin ang Mama ni Marky na may dalang orange juice.

“Magboyfriend ba kayo? Ngayon ko lang ata kayo nakita. Heto ang juice nyo. Kumain kayo ng marami. Bawal ang mahiyain dito.” Halos maibuga ko ang laman ng bibig ko dahil sa tanong ng Mama ni Marky. Ano ba naman yan.

“Na--naku hindi po!” Tinanggap ko ang baso ng juice na inabot ni Jason. “Magkaibigan lang po kami. Ako po ngayon lang sumama kina Jen, tapos itong si Jason bago lang po sya sa branch namin. Halos dalawang linggo pa lang sya dito.”

“Ayy ganon ba? Pasensya na kayo. Nakakatuwa kase kayong tingnan. Bagay kayong dalawa. Isang maganda at isang gwapo.” Todo ngiti ang Mama ni Marky. Nakakahiya tuloy sa kasama ko.

Pero si Jason—Parang wala lang narinig. Diretso lang sya sa pagsubo ng pagkain. Hala! Suplado mode lang?

“Maiwan ko muna kayo dito. Kumain lang kayo ng kumain. Huwag mahihiya.”

“Sige ho. Thank you po.”

Nakahinga ako ng maluwag ng nakalayo na ang Mama ni Marky. Parang akong nabunutan ng tinik don ah.

“Hindi mo na ba kakainin  ito? Akin na lang. Masarap eh.”

Huli na bago ako makatutol. Natusok na si Jason ng kanyang tinidor ang espasol na nasa plato ko.

Gusto ko sanang bawiin. May kagat ko na yon.

Nang tingnan ko sya parang balewala lang sa kanya. Sarap na sarap sya sa pagkain. Ang linis na rin ng plato nya.

Reklamo pa sya kanina na baka hindi maubos, pero hayan at walang natira.

Pero yong espasol ko na kinain nya, nakagatan ko na yon eh.

Naman eh!

Continue Reading

You'll Also Like

777K 5.3K 55
Ang istoryang ito ay pawang ka hopian lamang. at SPG version po ito ha! wag nang magtaka kung may mga mababasa kayong bago :) be open minded po... Sa...
157K 1.5K 43
Continueation ng PagIbig nga naman. Please support this book. :) Thank you guys sa mga nakapag basa na ng nauna dito. kung di niyo pa nababasa, wag...
217 2 20
Lahat ng mababasa nyo ay pawang gawa-gawa ko lamang, binuo ng aking malawak na imahinasyon. At higit sa lahat inspired ako sa mga nababasa ko. Pasens...
3.8K 119 6
Complete na po ito.. Sana mabasa niyo. Pakibasa po muna ng Prologue bago ang Part I... Salamat! Namimigay po ko ng soft copy nito.. imessage lang ako...
Wattpad App - Unlock exclusive features