When True Love Comes Arrived...

AngManunulatMissDee

147K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... Еще

Introduction
S1
S2
S3
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S12
S13
S14
S15
S16
S17
S18
S19
S20
S21
S22
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S11

3.9K 127 11
AngManunulatMissDee

Walang magawa si Coleen, kundi ang sumama nalang sa Daddy niya para mailigtas ang buhay ni Glaiza.

"Siya nga pala bago ko umalis, iha call your friend as fast as you can. Dahil wala akong balak buhayin ang babaeng yon." sabi niya kay Rhian.

"What?" gulat na tanong nito.

"Dad tumupad kayo sa usapan! Don't be unfair! Dad please don't do this to Zai! " paki usap ni Coleen habang nagpupumiglas sa mga body guard ng Daddy niya.

"Shut up Coleen! Nakasalalay sa kaibigan mo ang buhay ng babae mo! Kaya kung ako sa kanya, don't waste her time. " pasigaw nitong sagot.

"Sir maayos pong sasama si Coleen sa inyo! Tumupad po kayo sa usapan! Maawa na kayo sa best friend ko. Wala naman po siyang masamang ginagawa sa inyo." sagot nito. Takot na takot si Rhian dahil pasasabugin pa rin ang kotse ni Glaiza kahit pumayag si Coleen na sumama sa Daddy nito.

"Anong walang masamang ginawa? Para sabihin ko sayo, pinag uusapan ang pamilya ko dahil sa pakikipagrelasyon ng anak ko sa kanya, hindi pa ba maituturing na kasalanan yon? You have 1 minute iha call your friend now. Dahil pag di niya sinagot, Boom! Maaga siyang mapupunta sa impyerno! Tara na umalis na tayo!" at pagad na itong lumabas kasma ang anak.

"Rhian tawagan mo na siya please! Save Zai Rhian please!" pahabol nito.

Nagmamadaling kinuha ni Rhian ang phone niya para tawagan si Glaiza.

Dialing Panget ...

"Come on Glai pick up your phone!" she said. Puro ring lang ang naririnig niya. "Damn it! Glaiza please pick up your phone!" sabi niya sa sarili.

At sa wakas sinagot din agad ni Gĺaiza ang phone niya pababa palang ito ng kotse.

"Rhian bakit?" bungad nito sa phone. Habang nasa loob pa ng kanyang kotse.

"Glaiza bumaba ka sa kotse there's a bomb in your car!" pasigaw na sabi ni Rhian at takot na takot.

"What?!" agad itong bumaba at tumakbo palayo. Nang makatawid ito sa kalsada sumabog nga ang kotse niya. Mabuti nalang at walang mga taong dumadaan sa pinag parkan niya ng sasakyan.

"Glaiza what happened? Are you still there? Glaiza sumagot ka! Glaiza!" nag aalala si Rhian dahil hindi na sumasagot si Glaiza nang makarinig siya ng malakas na pagsabog. "Glaiza please speak up!" nag aalalang tanong ni Rhian na hindi na mapigilan ang pag iyak.

"Rhi I'm still here. Ugh!" nagtamo si Glaiza ng sugat sa benti ng tamaan ito ng perasong bakal ng sasakyan na sumabog.

"Anong nangyari? Are you okay?" nag aalalang tanong nito.

"Ugh! Yung benti ko may tama, ang sakit!"

"What? Nasaan ka? Pupuntahan kita dyan!" nag aalalang tanong nito.

"I will open my locator para mahanap mo ko." sagot niya.

"Okay sige papunta na ako!" she end the call. At agad pinuntahan si Glaiza

Agad naman nirescue si Glaiza ng medic, at inapula ang sumabog niyang sasakyan ng mga bombero.

*****

Rhian's Pov ...

Nang marinig ko ang boses ni Panget na nahihirap, dali dali ko siyang pinuntahan. Thanks God dahil may nagdala na sa kanya sa hospital, she text me. Akala ko kanina katapusan niya na, hindi ko talaga mamatapawad ang Dad ni Coleen kung may nangyaring masama kay Glaiza. Makakapatay ako ng mali sa oras! Hindi ko alam kong paano sasabihin sa kanya na sumama na si Coleen sa Dad niya. Alam kong magagalit si Glaiza once malaman niya, oh God how can I explain it?

Nakarating agad ako sa hospital ng pinagdalahan kay Glaiza. Agad kong hinanap si Glaiza sa loob ng hospital, nang makita ko siya agad ko siya agad. I run to her and hug her so tight, sobra akong nag alala di ko maiwasan ang umiyak. She rub my back, to comfort me. Kasi naman e, natatakot ako takot na takot dahil di ko alam kung anong mangyayari kapag nawala siya. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala si Glaiza. 😢😢😢

"Shhhh Rhi tama na okay na ko." sabi niya while rubbing my back.

"I don't know what to do kung may mangyayaring masama sayo. I swear I will kill him!" galit kong sabi sa kanya. Agad naman kumalas si Glaiza sa pagkakayakap sa akin sa narinig niya.

"What? Who's him? Rhian what are you talking about? Si Coleen asan nga pala siya? Is she knows about what happened to me?" sunod sunod niyang tanong sa akin, na hindi ko alam kung paano sasagutin. "Rhian bakit di mo ako sinasagot? Si Coleen nasaan siya?" she added.

"Glai, hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. Pero nagawa lang yon ni Coleen dahil mahal ka niya at ayaw niyang mapahamak ka. Kaya sumama siya sa Daddy niya, tinakot niya si Coleen dahil papatayin ka ng Daddy. He plant the bomb in your car, siya ang dahilan ng pagsabog ng kotse mo." paliwanag ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata ni Glaiza ang galit dahil sa mga sinabi ko.

"Babawiin ko si Coleen sa kanya. Magkamatayan na kung magkamatayan, hindi ako papayag na saktan niya ulit si Coleen." galit niyang sagot sa akin.

"But Glai mapapahamak ka. Ipaubaya nalang natin to sa mga pulis, pwede natin siyang sampahan ng kaso daanin nalang natin to sa batas." sabi ko sa kanya.

"No Rhi, ako ang gagawa ng sarili kong batas. Gusto ko na umuwi." seryuso niyang sagot.

"Pero Glai kailangan mong ipahinga yang benti mo." pakiusap ko sa kanya.

"No buts, uuwi na ako. And now I understand what you feel before noong hiniwalayan ka ni Paulo. But we have a different case, ako babawiin ko kung ano ang akin. So I want to go home." she said.

Hindi ko na siya masabihan na magstay muna sa hospital dahil sa lagay niya. Matigas ang ulo, ang sarap sapukin. So I pay the bill at iuuwi ko na siya sa condo niya.

While on the car, wala siyang imik sobrang tahimik. Ngayon ko lang nakita ng ganito si Glaiza, she's different compare dati. Ganito pala siya magmahal, handa siyang hamakin lahat maipaglaban lang ang taong mahal niya. Ang swerte ni Coleen at ang malas ko, coz I have her before pero dahil sa katangahan ko nawala ko siya. Ramdam ko kong ano yung naramdaman mo dati Glai, ramdam ko yung sakit na magmahal ng taong di ka naman nakikita. Kaya ngayon quits na tayo, mahal kita pero iba na ang mahal mo. May pag asa pa kayang mahalin mo ko ulit?

Pagdating namin ng Condo niya pinark ko ang kotse at bumaba sandali para pagbuksan siya ng pinto para alalayan. But Glaiza lock the door of my car.

"Glaiza what are you doing? Glai open the door!" sigaw ko mula sa labas ng sasakyan.

"I'm so sorry Rhi but I need to go. Kailangan ako ni Coleen babalik din ako agad kapag nakuha ko na siya." sagot niya sa akin mula sa loob ng kotse ko.

"Glaiza no! Wag mong gawin to!" hindi siya nakinig sa akin. Lumipat siya ng driver seat at pinatakbo ang sasakyan. Dali dali akong pumara ng taxi para sundan siya. Damn it Glaiza what the hell you think you doing? Nakapara ako ng taxi at agad kong pinasundan sa driver ang kotse ko na ginamit ni Glaiza.

End of Pov ...

Masyado ng desperada si Glaiza na makuha si Coleen sa Dad niya. Wala na siyang paki alam sa kung ano ang pwedeng mangyari.
.
.
.
.
.
Pinark ni Glaiza ang kotse sa lugar malayo sa bahay nila Coleen. Bumaba siya ng kotse at naglakad palapit sa bahay nito, dumaan siya sa bakod para hindi siya makita ng mga guard. Maingat siya sa pagtatago para hindi siya mahuli ng mga ito.

Pero nang makita si Glaiza ng katulong nila Coleen, sininyasan niya ito na wag maingay at lumapit sa kanya.

"Miss Glaiza anong ginagawa niyo dito? Umalis na kayo bago pa kayo mahuli ni Sir Francis!" nag aalalang sabi nito.

"Manang Aida nasaan si Coleen, kailangan ko siyang maitakas dito." sagot niya sa mahinang boses.

"Nasa kwarto niya, kaya lang may mga guard na nagbabantay sa labas ng kwarto niya kaya hindi siya makakalabas."

"Manang Aida nakiki usap ho ako sa inyo tulungan niyo akong mailigtas si Coleen nakikiusap po ako."

"Sige susubukan kong huminge ng tulong kay Ma'am Tanya. Dito ka lang magtago ka ah?"

"Maraming salamat Manang."

At agad umalis si Manang Aida para huminge ng tulong. Kaya naingat na nagtago si Glaiza para hindi siya makita.

Habang si Rhian huminge na ng tulong kay Bianca para marescue sila Glaiza at Coleen.

"Bestie tumawag ka ng pulis, kailangan ni Glaiza ng tulong. I will send you the location okay? Bestie punta kayo agad dito, Glaiza is in danger!

"Okay Rhi, papunta na ako ng pulis station."

"Thanks Bestie." and she end the call conversation. At nakita ni Rhian ang kotse niya at agad niyang pinahinto ang taxi. "Manong dito nalang ako, ito bayad. Salamat ho." she said sabay baba. Hinanap niya si Glaiza sa loob ng sasakyan pero wala ito. "Glaiza nasaan ka ba?" she said to herself.

Hindi alam ni Rhian kong saan hahanapin si Glaiza kaya nagstay muna siya sa tabi ng kotse niya habang hinihintay ang mga pulis.

Samantala naka usap na ni Manang Aida si Tanya para sabihin na nasa loob ng mansyon si Glaiza. Kaya't gumawa ng paraan si Tanya upang mapaalis ang mga guard na nakabantay sa labas ng kwarto ni Coleen.

"Ako na muna ang bahala sa anak ko kumain na muna kayo. Hindi siya pwedeng lumabas kaya nagdala nalang ako ng pagkain niya dito sa kwarto."

"Ma'am sige po kakain na muna kami, babalik din po kami agad."

"Sige, makakaalis na kayo."

Kaya agad namang umalis ang mga bantay. Pumasok agad si Tanya sa kwarto para itakas si Coleen.

"Anak hurry kailangan na nating umalis dito."

"Pero Mommy paano? Maraming naka bantay na mga guards sa labas."

"Gumawa ako ng paraan para makatakas tayo dito. Andito si Glaiza anak sumama na tayo sa kanya. Magpapakalayo layo na tayo para hindi ka na masaktan ng Daddy mo."

"Ma'am Tanya tara na hu habang nalilingat pa yung mga guard."

"Wag kang mag alala Manang may lason yung pagkain na hinain ko kaya malamang mamatay na ang mga yon! Anak tara na umalis na tayo!"

Nang makita ni Glaiza ang mga guard na nawawalan ng malay naglakas loob na siyang pumasok sa loob at pumunta sa kwarto ni Coleen. Nang makita niya ito, walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman nilang dalawa, at agad yinakap ang isa't isa.

"Mako!" yumakap ng mahigpit kay Glaiza.

"Alam mo naman lahat gagawin ko di ba? Tara na umalis na tayo!" sabay kalas mula sa pagkakayakap kay Coleen.

"Ma'am wala na pong malay ang mga guard pagkakataon na po natin to, tara na po lumabas na tayo!"

"Tita anong nangyari sa mga yan?" tinutukoy niya ang mga nakahandusay na guard.

"Plinano ko na talagang lagyan ng lason ang pagkain nila para maitakas ko si Coleen at makaalis na kami sa impyernong mansion na ito! Kaya tara na umalis na tayo!"

"What about Dad Mom?"

"I don't know anak tara na umalis na tayo dito."

At nagmamadali silang lumabas ng bahay ngunit naroon si Francis at hinarang sila.

"At saan kayo pupunta? At ikaw buhay ka pa palang hayop ka! Kung may balak kayong tumakas pwes walang makaka alis ng buhay dito!"

"Francis hayaan mo nang maging masaya ang anak mo! Wag mo naman siyang itulad kay Carlo, nagpakamatay ang anak natin dahil hindi mo tinanggap ang pagiging bakla niya! Kaya ngayon mas gugustuhin ko pang itakas si Coleen kesa makita siyang pinahihirapan ng sarili niyang ama!"

"Tumahimik ka Tanya! He made his own choice hindi ako ang nagtulak sa kanya para patayin niya ang sarili niya! I know what the best for my daughter kaya wag mo akong pangunahan!"

"Dad please, hayaan niyo nalang po ako na maging masaya. Ever since I was a good daughter to you, ginawa ko lahat just to make you proud dad. Ngayon pwede bang hayaan niyo naman akong gawin ang gusto ko dahil yun ang nagpapasaya sa akin." she said habang di mapagilan ang maiyak.

"Hindi ako papayag! Dito lang kayo at walang aalis!" sabay paputok ng baril sa kawalan.

Narinig ni Rhian at putok ng baril, tamang tama naman at dumating agad sila Bianca kasama ang mga pulis.

"Rhian andito na yung mga pulis."

"Bestie thanks god! Sir may narinig po akong putok ng baril sa loob ng bahay na yan. Mga armado po ang nandyan, at nasa loob po ang kaibigan ko."

"Men kumalat kayo and observe the area! Move! Miss dito nalang kayo at masyado po delikado."

At agad kumilos ang mga pulis para sagipin sila Glaiza.

"Bestie kinakabahan ako. Baka kung anong mangyari kay Glaiza sa loob."

"Rhi kumalma ka, walang mangyayaring masama kay Glaiza at sa girlfriend niya okay? Hintayin nalang natin sila dito."

Naka pwesto na ang mga pulis at nakita nila na may hawak ng baril ang suspect kaya binigyan ng mga pulis ng babala ang nasa loob ng bahay.

"Mga pulis kami! Sir kung maaari lang po ibaba niyo na ang baril niyo. Napapaligiran na po namin kayo! Sumuko nalang kayo!"

Nang marinig ito ni Francis lalo siyang nagalit.

"Dad please sumuko na kayo!"

"Hindi ako susuko hangga't hindi ko napapatay ang babaeng sumira sa pangalan ko!" babarilin ni Francis si Glaiza ngunit yinakap ni Coleen si Glaiza kaya ang anak niya ang tinamaan ng bala.

"Coleen!"sigaw ni Glaiza

Pinaputukan ng pulis si Francis at tinamaan ito sa balikat. Nang makita nito na sinalag ng anak ang bala na para kay Glaiza muli pang pinaputukan ng baril ni Francis si Glaiza.

Kaya't tinamaan din si Glaiza, kaya pareho silang nag aagaw buhay ngayon ni Coleen. Hinawakan nalang ni Glaiza ang kamay ni Coleen bago siya mawalan ng malay.

================================

A/N : Sorry for my typo error.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Nag iisang Ikaw Abril

Любовные романы

161K 4.5K 33
Lisa Manoban, 18 at isang college student 2nd year sa course na Engineering.Isa sya sa masugid na manliligaw ng nag iisang Queen bee sa kanilang sch...
1.2M 44.5K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
11.6K 376 30
《Tagalog》 Seulgi's most awaited moment, the reunion. Sa loob ng ilang taon, makikita na niya muli ang taong sasagot sa kaniyang mga tanong. Will she...
254K 9.4K 28
Five W Series 3