Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XV : The Return

68.2K 3.2K 1.6K
By Serialsleeper



Clarification lang po ulit lalo na sa nalilito parin sa timeline, we are now at the present events so basically after ng last chapter sa Book 2 kung saan napuntahan na nila Cielo si Dana sa "hell" niya. And yes sobrang connected ang Last Chapter sa book 2 at ang chapter 13 dito sa book 3. So yun... nasa current na talaga tayo at tapos na tayo sa pagba-backtrack bwahahaha


All of the dots are already in place so hindi na talaga siya magulo, it's up to everyone to connect them nalang :) The only reason why magulo ang Dispareo in the first place ay dahil hindi pa nare-reveal ang lahat specially ang timeline but now that every vital info is in their respective places, nasa inyo na talaga ang flow haha :) Kung naguguluhan parin, magbasa lang ng magbasa para ma-gets :) If something hasn't been explained yet in the story, kafet lungs lalo na't patapos na tayo :)


Chapter theme above pala :)


CHAPTER XV

The Return

Third Person's POV


Umiiyak at wala sa wisyong nagtatakbo si Dana kahit pa maya't-maya siyang nadudulas dahil sa basa pa niyang mga paa. Sa lawak ng lugar, nalilito siya sa bawat pasilyong nadadaanan pero hindi siya humihinto. Walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang kanyang mga kaibigan.


Hindi nagtagal, tuluyang nakababa si Dana sa unang palapag at tumambad sa kanya ang pag-aagaw ng liwanag at kadiliman na dulot ng pagtay-sindi ng lahat ng lahat ng ilaw. Naging mabagal ang sumunod na mga hakbang ng lumuluhang si Dana dulot ng kaba sa maaring madatnan.


Sa gitna ng nakabibinging katahimikan at pagpatay sindi ng mga ilaw, lumiko-liko si Dana sa malalawak na pasilyo hanggang sa unti-unti niyang matanaw ang isang pares ng mga paang lumalabas mula sa isa pang pasilyong kanyang madadaanan.


Gamit ang nanginginig na mga kamay, napatakip si Dana sa kanyang bibig nang tuluyan niya itong malapitan at mapagtantong bangkay ito ng kaibigang si Churchill; wala nang ulo at nagkalat ang dugo't-laman nito sa sahig. Napatingala na lamang si Dana at paulit-ulit na napahikbi.


Sa kabila ng lahat, pilit na tinatagan ni Dana ang kanyang sarili at napatingin sa direksyon ng isa pang palikong pasilyo na animo'y halos nilamon na ng kadiliman. Natagpuan ni Dana ang kanyang sarili na naglalakad papunta sa direksyon nito hanggang sa tuluyan niyang maaninag ang bangkay ni Mira na nakadapa sa sahig at naliligo sa sariling dugo.


Nag-aagaw man ang liwanag at kadiliman sa paligid, nilapitan parin ni Dana ang bangkay ni Mira, hindi inaalis ang tingin sa direksyon nito na para bang napasailalim sa isang hipnotismong dala ng labis na pighati at pagdurusa.


"M-Miranda..." Mahinang sambit ni Dana at unti-unting napaupo sa sahig, hindi alintana ang dugo ni Mira na dumadampi sa kanyang maputlang balat.


Unti-unti, hinawakan ni Dana ang balikat ng bangkay ni Mira na nakadapa sa sahig. Sa puntong iyon, muling nangamatay ang mga ilaw at naghari ang kadiliman. Ngunit sa kagustuhang mahagkan ang kaibigan sa huling pagkakataon, hindi inalintana ni Dana ang kadiliaman at bagkus ay unti-unti niya itong hinilig patungo sa kanyang direksyon.


Hindi naging hadlang para kay Dana ang kadiliman, kanyang niyakap ang bangkay ni Mira at inihiga sa kanyang braso sa kabila ng napakaraming dugong dumidikit sa kanyang katawan.


Marahang hinaplos ni Dana ang mukha ni Mira hanggang sa isang iglap, bigla na lamang bumalik ang ilaw na nakatapat sa kanilang direksyon. Napasinghap si Dana, naiwang nakaawang ang kanyang bibig kasabay ng paglisik ng luhaan niyang mga mata. Labis man ang panlulumo, mas nangibabaw ang takot na rumehistro sa mukha ni Dana nang makitang wala na ang mga mata ni Mira.


Ibinaba ni Dana ang tingin patungo sa dibdib ni Mira at hindi na niya napigilan pang mapahiyaw sa hinagpis nang makitang wakwak na ang bibig ni Mira at halos lumabas na ang kanyang buto at laman.


"H-hindi..." Napasinghap si Dana nang bumalik sa kanyang isipan ang lahat ng paghihirap na narasan sa kamay ni Dondy. Sa isang iglap, nakarinig si Dana ng ingay na para bang likidong pumapatak at mistulang nanggagaling ito sa dulo ng pinakamadilim na bahagi ng pasilyo, hindi kalayuan mula sa kanila.


Unti-unti niyang binitawan si Mira at napatayo, sa pagkakataong ito'y nakatuon na ang kanyang atensyon sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay. Mariing tumitig si Dana sa kadiliman hanggang sa muling sumindi ang mga ilaw sa direksyon nito at tuluyan niyang nakita kung sino ang gumagawa ng ingay—Si Dondy, nakaupo rin sa sahig at hawak ang natitira sa puso ni Mira.


Tuluyang napahakbang si Dana ng isang beses paatras nang makita ang mga laslas na kinaroroonan sana ng mga mata, bibig at ilong ni Dondy. Ang masaklap ay mistulang nakaharap na si Dondy sa kanyang direksyon.


Ipinasok ni Dondy ang huling piraso ng puso ni Mira sa laslas na sana'y kinaroroonan ng kanyang bibig. Gumalaw-galaw pa ang laslas na animo'y pinagpira-piraso ang puso ni Mira. Ginawa ito ni Dondy na para bang pinagmamayabang it okay Dana.


Tuluyang tumayo si Dondy at tumambad kay Dana ang malahigante nitong pigura na mas malaki pa kay Boris. Kinailangan pa ni Dana na tumingala para lamang masundan ng tingin ang "mukha" nito.


Nang magsimulang humakbang si Dondy palapit kay Dana, mistulang sumiklab ang kamalayan ni Dana at agad na itong kumaripas ng takbo. Sinundan siya ni Dondy ngunit hindi gaya niya, naglakad lamang ito ng mabagal. Mabagal man, malalaki ang mga hakbang nito sapat na dahilan para mas bilisan pa ni Dana ang pagtakbo.


****


Umiiyak na ikinulong ni Dana ang kanyang sarili sa isang cabinet na nasa ilalim ng lababo. Sa labis na takot at taranta, ang magtago ang unang pumasok sa kanyang isipan at ang kusina ang kanyang unang napuntahan.


Pilit na pinagkasya ni Dana ang kanyang sarili sa maliit na cabinet, nagsumikap na 'wag gumalaw nang hindi niya matabig at mabuksan ang pinto, nagsumikap na takpan ang kanyang bibig nang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.


Gustong-gusto mang humiyaw at humagulgol dahil sa labis na takot, naalala ni Dana ang kanyang mga magulang kaya naman pilit niya itong nilabanan. Mabigat ngunit mabagal ang bawat paghinga ni Dana, ingat na ingat siyang makagawa ng kahit na anong ingay.


"778... From now on it's going to be 778."


Nagbalik namang muli sa isipan ni Dana ang mga katagang binitawan ni Cielo. Napatango-tango si Dana at sa kabila ng labis na takot, pilit siyang humugot ng tapang sa mga pangako ng matalik na kaibigan.


Huminga ng malalim si Dana at napakagat na lamang sa kanyang labi. Pilit na pinalagay ni Dana ang sarili ngunit gumuho ang kanyang naipong lakas ng loob nang marinig ang mga yapak na mistulang dumating sa kanyang kinaroonan.


Sa pagkakataong ito, dalawang kamay na ni Dana ang kanyang ginamit sa pagtakip ng kanyang bibig at lalo pang bumilis ang pagtagaktak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.


Sa sobrang takot, lalong nanginig si Dana lalo pa't habang tumatagal, lalong lumalakas ang mga yapak palatandaang papalapit na ito sa kanyang pinagtataguan. Hindi nagtagal, napagtanto ni Dana na may nakatayo na sa harapan ng kanyang kinaroroonan ngunit bago pa man siya makapag-isip ng gagawin, biglang bumukas ang dalawang maninipis na pinto sa kanyang tabi at naramdaman niya ang malamig na kamay na humawak ng mahigpit sa kanyang braso.


Napahiyaw si Dana sa abot ng makakaya at pilit na lumaban sa pamamagitan ng pagwasiwas ng kanyang nanginginig at walang lakas na mga kamay. Naubos ang lahat ng rasyonalidad sa sistema ni Dana hanggang sa puntong tanging pagwawala na lamang ang kanyang nagagawa lalo pa't pilit siyang hinahawakan nito. Pikit-matang pilit na lumaban si Dana.




"Shhh! Shhh! Dana ako 'to..." Naramdaman ni Dana ang kamay na humawak sa kanyang magkabilang pisngi. Nakilala niya ang boses kaya naman agad niyang idinilat ang mga mata.



Napahagulgol lamang lalo si Dana nang makita kung sino ito. Imbes na mapalagay, mas lalo lamang tumindi ang kanyang takot hanggang sa puntong hindi na niya kayang manlaban pa, wala na siyang ibang kayang gawin kundi maiyak habang pilit na inilalayo ang sarili mula kay Wacky.


"Dana pakiusap maniwala ka, akong-ako na 'to, Dana hindi kita sasaktan!" Pilit na hinihinaan ni Wacky ang kanyang boses. Hindi niya mapigilang manlumo lalo na nang makita ang labis na takot ni Dana sa kanya. Sa sobrang takot ni Dana, ni hindi na nito kayang tumingin sa kanya.


"Dana umalis na tayo dito, Dana hindi tayo ligtas dito." Giit na lamang ni Wacky habang pilit na hinihila si Dana paalis sa pinagtataguan nito. Natigil lamang si Wacky sa paghila nang mapansing nahihirapan na namang huminga si Dana sa sobrang paghagulgol.


"Dana huminga ka muna ng malalim!" Giit ni Wacky at siya na mismo ang nanguna gaya ng nakagawian sa pag-asang sasabay sa kanya si Dana at magiging maayos ang pakiramdam nito. Hindi naman nabigo si Wacky. Labis man ang takot ni Dana, nagsimula itong huminga ng malalim na animo'y sumasabay sa binata.


Unti-unting napabitaw si Wacky kay Dana at sa puntong ito'y unti-unti naring nagawa ni Dana na mapatingin sa kanyang direksyon.


"W-wacky?" Nauutal na sambit ni Dana at napatingin sa luhaang mga mata ni Wacky. Tinitigaan niyang maigi ang mata ng binata at unti-unting hinaplos ang pisngi nito.


Tumango-tango si Wacky at hinawakan ang kamay ni Dana na nakahawak sa kanyang pisngi, patuloy mang lumuluha hindi parin niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa mga mata ni Dana.


"Wacky!" Muli, napahagulgol si Dana ngunit sa pagkakataong ito'y dali-dali siyang napayakap kay Wacky ng napakahigpit. Idinaan ni Dana sa pag-iyak ang halo-halong emosyong nararamdaman. Sa sobrang iyak, ni hindi na niya magawang makapagsalita ng kahit na ano maliban lamang sa pangalan ni Wacky.


"W-wala na si Churchill..." Sa puntong ito'y hindi na nagawang maitago pa ni Wacky ang labis na bigat ng kalooban at tuluyan nang napaiyak. Pilit man niyang pinapatapang ang kanyang sarili, hindi na niya magawang maitago pa ang sakit na dulot ng pagkawala ng isang kaibigan.


****


Isa-isang kumuha sina Dana at Wacky ng mga kutsilyo mula sa lalagyan bilang pangdepensa sa kanilang mga sarili. Kapwa man takot, hawak-kamay silang lumabas mula sa kusina at maingat na binaybay ang bawat pasilyo.


Nahinto lamang sila nang marinig ang mga yapak na animo'y nanggagaling sa kanilang likuran.


"Nalintikan na..." Mahinang sambit ni Wacky at mas humigpit pa ang hawak sa kamay ni Dana.


"Shit..." Napasinghap naman si Dana.


Magkasabay silang napalingon at nakita si Dondy na nakatayo lamang hindi kalayuan mula sa kanila. Hindi man nagpalitan ng mga salita o tingin, otomatikong kumaripas ng takbo sina Dana at Wacky. Sumunod naman agad si Dondy, naglalakad man gaya ng dati, higit na mas mabilis ang paglalakad nito ngayon.



END OF CHAPTER 15

Note: Sa mga naguguluhan sa nangyayari ngayon, nasa chapter 14 ang lahat ng sagot. Remember what Astaroth said about a surprise? Dondy is his surprise. And bakit andiyan si Dondy? That's just how cruel Astaroth since he's a demon after all, naghahasik lang ng kasamaan kumbaga. And with Wacky, hindi na siya possessed ni Astaroth kasi lumipat na siya kay Wena so basically, we got Wacky back now (but lost wena too.. and Churchill and mira)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...