Naglalakad ako sa kahabaan ng tulay na 'to. Parang pinapatunayan nito ang forever sa mundo dahil kanina pa ako naglalakad dito pero hindi ko pa nararating ang dulo.
"Naliligaw ka 'din ba?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa aking likuran, pero wala.
"Kung sino ka mang nagsalita, please lang 'wag kanang magpakita." Hindi dahil takot ako, kundi dahil broken hearted ako. Gusto kong mapag-isa, pwede ba?
"Plus, s-sorry." Boses palang nya, kilalang-kilala ko na. Ang pangalawang wumasak sa puso ko, si Minus. Dahil ang unang nagwasak sa puso ko ay yung time na tumae ako pero hindi mailabas-labas kaya naiyak nalang ako.
"M-minus?" Sagot ko pero hindi ako humarap sa kanya, punyeta hindi ko kaya.
"Oo plus, ako 'to. Sorry hindi ko sinasadyang saktan ka. Nabigla lang talaga ako nang malaman kong buntis ka."
"Minus, tinetesting lang naman kita kung kaya mo akong panindigan. Hindi ka naman siguro tanga kasi wala pang nangyayari satin, buntis agad ako? Ano yun? Aksidenteng nagbuntisan yung mga ari natin at walang nakakaalam?" Medyo natawa naman ako last kong sinabi pero agad ko ding binawi. Drama 'to kaya dapat seryoso ako.
"Sorry talaga, sorry! Look, 16 palang tayo diba? Hindi ko pa kayang maging tatay. Nabigla lang talaga ako. Hindi ko sinasadya, Plus. Patawarin moko." Pagmamakaawa nya at bigla syang lumuhod.
Gusto ko pa sanang magpabebe kaso baka tuluyan na nya akong iwan. Mas lalong hindi ko kaya. Kaya pinatawad ko na sya.
"Oo na." Kasabay ng pagkasabi ko 'nun ay bigla nya akong niyakap mula sa likuran at sumigaw sya ng napakalakas na "Yes!" akala ko talaga matatanggal yung bibig niya dahil sa lakas ng sigaw niya. Mukhang tanga, pero okay lang. Kinilig talaga ako ng bongga 'dun eh.
Nagsimula na kaming maglakad sa mahabang tulay na 'to. Puro kwentuhan lang at tawanan habang magkahawak ang aming kamay. But still, hindi parin namin naaabot ang dulo.
"Minus, tumataba na ba ako?" Tanong ko out of nowhere.
"Ano ka ba, plus. Wala akong ibang babae." Tang--- Hmp! Napa-irap nalang ako ng 'di oras at diretso ko siyang tinignan sa mata.
"Gago! Nadulas ka ba?" Feeling ko nanlilisik ng bongga yung mga mata ko sa kanya.
"Oh plus? Kalma lang. Easy tayo, masyado kang hard eh." Sagot niya na mas ikinainis ko.
"Eh tang-----" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla niya nalang akong hinalikan sa labi.
Hindi ako makagalaw, As in. Yung feeling na naranasan ko bigla yung NNNP.
Natulala, Nawalan ng hininga, Nahimatay. Patay!
The End!
Charot! Joke.
"Kasi tinanong mo ako kung tumataba ka, tapos sasabihin ko na hindi, tapos sasabihin mong sinungaling ako at manloloko, tapos pipilitin mo akong aminin sayo na tumataba ka, tapos sasabihin kong "oo tumataba ka", tapos magagalit ka, tapos sasabihin mong nagbago na ako at hindi na ako yung dating Minus na nakilala mo, tapos sasagot ako na nahihibang ka nanaman, tapos sasabihin mong hindi na kita mahal, tapos iiyak ka na, tapos sasabihan kita na mahal kita, tapos yayakapin kita, tapos itutulak mo ako at sasabihin mong 'wag kitang hawakan, tapos mauuwi ang lahat ng ito sa sasabihin mong "siguro may iba ka nang babae" kaya dumiretso na ako sa dulo. Wala akong ibang babae. Plus, ikaw lang at wala ng iba pa. Mahal kasi kita!" Mas lalo naman akong natameme sa haba ng paliwanag nya. Jusko! Baka tuluyan na kong mamatay nito.
O to the M to the G! Okay, inhale, exhale. Kalma, hinga. Oh kaya ko pa. Push lang.
Waaaahhhh! Ang swerte ko naman talaga sa boyfriend kong ito! Mas mahal kita, Minus! Ano ka ba, wag mo akong masyadong pakiligin. Unique kaya ang names natin. Pftt, hays.
"Ikaw talaga! Leche ka. Mas mahal kita, ano ka ba? Hahahaha!" Sagot ko nang may kasamang pagkalandi sa boses. Tumingin ako sa gilid ko kung saan hindi nya makikita ang maganda kong mukha na may bahid ng pagka-kamatis. Shocks! Hindi ko alam pero para akong sinapian ng ewan dahil sa sobrang kilig ko.
"Oh, tama na. May bukas pa para kiligin." Sabay kiss sa cheeks ko, tengene!
Para naman akong ewan na hindi alam kung anong gagawin. Isang halik sa pisnge pero isang matinding kuryente ang dala sa akin. Sa sobrang tindi, maaari na siguro akong mag-donate sa mga bahay-bahay na kapos at walang sariling kuryente. Kung araw-araw ba naman ako hahalikan ng boyfriend ko, walang duda marami-rami akong matutulungan nito. Pfft.
Isang pitik sa noo ang naramdaman ko. Kasabay ng malakas na hangin. Nang mapatingin ako sa aking kaliwa kung saan nandoon kanina si Minus, ngayon ay bakante na. Kanina lang ay nandyan siya pero ngayon ay wala na. Nasaan 'sya?
"Minus!" Sigaw ko at paikot-ikot ng lingon. May naramdaman akong kumagat sa paa ko kaya agad akong napayuko. Nanindig ang aking balahibo dahil sa dami ng langgam na nagkalat sa tinatapakan ko. Ewan ko ba pero kapag nakakakita ako ng maraming langgam ay kinikilabutan ako. Nagtatatalon ako at mabilis na tumakbo habang paika-ika dahilan ng pagkamot ko sa nangangati kong paa na kinagat ng langgam.
Biglang naging mausok ang paligid at hindi ko na namalayan ang nangyayari. Teka nasaan na ba ako? Nasaan na si Minus?
Umupo muna ako sa tabi at nagpahinga. Mga ilang minuto din ang itinagal ko sa pag-upo at tatayo na sana ako pero may nagsalita mula sa likod ko.
"Plus, ano ka ba? Bakit nakaupo ka diyan?! Tara na malalate na tayo eh!" Ha? Teka, anu daw? Walanghiya, prank ba 'to? Parang tanga ha.
Hinarap ko siya at aktong sisigawan pero hindi ko itinuloy dahil pinsan ko pala ito. Ano ba talagang nangyayari?
"Hoy, ano bang pinagsasabi mo? Anong late? Baliw 'to." Itinaas nya lang ang kilay 'nya sakin at winave ang kanang kamay sa mukha ko, agad ko namang hinampas 'yon.
"Hello? Wake up girl! Wedding mo ngayon!" Sabi na prank 'to eh. Psh
"Ewan ko sayo, sasapakin na kita eh." Aalis na sana ako pero nagsalita nanaman 'syang ipinagtaka ko.
"Sus, eh tignan mo? Nakagown kana nga oh!" Nanlaki ang mata ko dahil tama ang sinabi nya nakagown na nga ako. Combination of Red and Blue with Black crystals. Omg ang ganda! Pero teka? Ano ba talagang nangyayari?!
Sa kakatingin ko sa wedding dress na 'to ay hindi ko namalayang wala na pala akong katabi dito. Nasaan na yung pinsan ko?
"Plus, Congrats!"
"Ayieee, Goodluck Plus!"
"Happy wedding Plus!"
"Honeymoon agad! Ako ninong ha."
"Omg girl! I'm so hindi makapaniwala talaga."
Sari-saring bati ang naririnig ko, ako naman ay parang tangang palingon-lingon dito. Hindi ko kasi makita ang mga nagsasalita. Nasaan ba sila? Bakit ko naririnig ang mga boses nila? At teka? Ano 'to? Wedding ko? Konti nalang, maniniwala na talaga akong prank ito. Nasaan din ba si Minus?!
"ARGHHH!" Sumigaw ako ng pagkalakas lakas. Nakakainis, ano ba talaga 'to? Ang gulo.
Biglang umikot ang paligid ko at parang masusuka ako na ewan. Ano nanaman 'to? Nagiging mausok na ang paligid at patuloy parin sa pag-ikot ang paligid ko. Hindi na kaya ng sikmura ko, konting ikot pa ay susuka na ako. Marahan akong pumikit para hindi na masyadong mahilo, gumana naman ito kaya agad ko 'ding idinilat ang mata ko. Panibagong katanungan nanaman ang naubo.
"Ano 'to?" Bakit may pari dito? Tsaka bakit nasa simbahan na ako? Napalingon ako sa tabing kaliwa ko at nakita ko doon si Minus. Ngumiti sya sakin at kumindat pa ang loko. Sabi na prank 'to.
"Plus and Minus, have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?" Tanong ng pari. Jusko, ano bang nangyayari? Seryoso ba 'to?
"Yes father." Sagot ni Minus at ibinigay sakin ang mic.
"Y-yes father..."
"Will you honor each other as man and wife for the rest of your lives?
"Yes po father."
"Will you accept children lovingly from God, and bring them up according to the law of Christ and his Church?"
"Yes father."
"Plus Gagome, do you take Minus to be your lawfully wedded husband to love and cherish?"
"I....d-do." Sagot ko nang may pag-aalinlangan. Totoo ba talaga 'to? Grabe naiiyak na ko. Kinikilig ako ng bongga!
"Minus Putaka, do you take Plus to be your beloved wife to love and cherish?"
"Yes, I do."
"You may now swap rings."
Lumuhod sa'kin si Minus at hindi ako mapakali sa sobrang kilig. Habang inilalagay 'nya ang diamond ring sa daliri ko ay nagsalita sya. Agad ko namang narinig ang paborito kong kanta.
On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day
"With this ring, I give you my heart, I promise from this day forward, you shall not walk alone, may my heart be your shelter, and my arms be your home." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi ko ma-imagine, kinakasal na talaga ako sa lalaking mahal ko. Ang sarap sa feeling ng ganito. Sinabayan pa ng favorite song ko. Ang wedding na 'to, alam kong planado. Kinikilig talaga ko.
Habang inilalagay ko din ang singsing na hawak ko para sa kanya ay nagsalita din ako.
"With this ring, I am yours and you are mine, from this day until the end of my days. I love you!" Pinunasan 'nya ang luha kong kanina pa pumapatak. Grabe ang saya ko! Best day ever!
On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here we stand like I planned
Please say you'll always look at me this way
Like on this day...
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Unti-unti niyang tinanggal ang aking vintage lace wedding veil. Unti-unti siyang lumapit at nagdikit ang mga noo namin. Sabay kaming napangiti sa isa't-isa. Pumikit ako ng may ngiti sa labi, konti pa at magdidikit na ang aming mga labi.
-----------------------
"ANAK GISING NA!" Isang sigaw, tatlong salita. Hays, panira! Road to forever na eh! Ayun na eh! Wala na, nakakainis naman oh!
Tumayo ako at biglang umikot ang paligid ko. T-teka? Déjà vu?
THE END