Damned Hearts #Wattys2016

By vanessabree

14.9K 569 1K

Cassiedy Floren was one of the two daughters of the Cua's. She was destined for riches. She was bound to take... More

Damned Hearts
Panimula
Damned Hearts 1
Damned Hearts 3
Damned Hearts 4
Damned Hearts 5
Damned Hearts 6
Damned Hearts 7
Damned Hearts 8
Damned Hearts 9
Damned Hearts 10
Damned Hearts 11
Damned Hearts 12
Damned Hearts 13
Damned Hearts 14
Damned Hearts 15
Damned Hearts 16
Damned Hearts 17
Damned Hearts 18
Damned Hearts 19
Damned Hearts 20
Damned Hearts 21
Damned Hearts 22
Damned Hearts 23
Damned Hearts 24
Damned Hearts 25
Damned Hearts 26
Damned Hearts 27
Damned Hearts 28
Damned Hearts 29
Damned Hearts 30
Damned Hearts 31
NOT AN UPDATE
Damned Hearts 32
Damned Hearts 33

Damned Hearts 2

534 17 33
By vanessabree

2


"Hindi nga pwede, Sid. Huwag ka na ngang sutil."

Sinubukang agawin sa akin ni Eril ang make-up at isang piraso ng uling. Hinawi ko ang kamay niya.

"Kulit-kulit mo!" Umiling siya sa akin.

Sumipol ang iba naming ka-group. Thank God, Cleo's not part of our movie team. Kung hindi ay pati iyon, nakisawsaw sa pang-aasar.

"Bakit ba kasi? I want that role." I looked at him and pulled my puppy eyes. "Gagalingan ko. I promise." I raised my right palm.

Narito kami ngayon sa Multimedia Room for Video Editing. Unang project namin ngayong sem ang gumawa ng isang short film para sa nalalapit na Chronicles Fest dito sa unibersidad.

Inuuna ko munang asikasuhin itong film na ito bago ko simulan ang paghahanap ng prospect subject para sa photography contest.

And these frigging people, they don't want me to have the role I want! Dumagdag tuloy iyon sa stress ko.

"Sid... Kasi ganito iyan. Hindi. Ka. Mukhang. Pulubi." Sumegunda si Beth.

"Sa puti mong iyan? Kailangan natin ng isang sakong uling para paitimin ka at para magmukha kang palaboy." Nagsalita uli si Eril.

Humalakhak ang iba naming kasama. Sumimangot ako.

"Please, Eril?" I pleaded.

Loob niya lang ang kailangan kong kunin dahil siya ang direktor.

Well, I was supposed to be the director but I refused. Sana pala ay tinanggap ko na lang ang ini-appoint ni Ma'am Tina. Wrong move!

"Pleeeaaase?" I repeated. I am super pleading now. "I want this role, Eril. Dalawa naman kami ni Jack, hindi ba?"

Nilingon ko si Jack. He saluted. Pagkatapos ay bumungisngis siya. Pinigilan ko ang pagngiti at nilingon uli si Eril.

"Fine. When can I ever resist your charm?" Bumuga siya ng hangin.

"Yes!" Napatalon ako sa ere. "Thanks, Eril!"

Hindi ko pinansin ang makahulugang sagot niya sa akin.

Let's not go around the bush. He's been hitting on me since first year college. Wala pa sa isip ko iyan. I have too much on my list.

Too many things to accomplish. Too many places to go and too many jollihotdogs to eat.

Kahit gaano pa siya kagwapo, kakisig at katalino, walang lugar ang mga ganyang bagay ngayon sa priorities ko sa buhay.

Or maybe there is. It's just that, he's not my type.

Sa Lucap People's Park ang tungo namin ngayong araw. Doon kukuhanan ang huling scene at kaming dalawa ni Jack ang aarte bilang mga pulubi. I'm excited for it!

I teased my hair to make it appear fuller. Sa haba ng buhok ko ay inabot ako ng bente minutos.

Sinabitan din iyon kanina ni Beth ng mga tuyong dahon para magmukha na talaga akong pakawala sa kalye. This is fun!

"Ganito, just walk around the place. Tapos, Mike and Hana will stand near that post. Mamalimos kayo sa kanila. And then itataboy nila kayo." Eril gave me the script before we start.

Eksayted akong tumango sa kanya. I don't know why this extra character excites me.

Siguro kasi last year, ang subject ng portfolio ko para sa isang photography exhibit ay mga palaboy? Siguro nga. I don't know. I'm just excited.

"Sambitin Mo Man, last scene for the day, take 1! Action!"

The camera rolled. Ginawa namin ni Jack ang sinabi ni Eril. We acted as if we live in the streets, asking for alms.

We pulled it off! Kahit pa naiiling si Eril at natatawa ang iba naming kasama.

"Tang ina, Sid. Dominant talaya iyong kutis Koreana sa kutis Filipina mo ano? Kulang iyong uling na pinahid sa'yo. Mas maganda ka pa sa nililimusan mo dito, o? Tang ina." Mike watched the scene through the camera.

Humalakhak siya ng nakakaloko at itinuro-turo pa ang video-cam habang pinapanood ang scene.

Tumaas ang isang kilay ni Hana. Her perfectly lined eyebrows are always on point. Inirapan niya si Mike.

Natawa na rin ako dahil sinisiko ako ni Jack sa tagiliran.

"Insecure talaga si Hana sa'yo. Mas mukha talaga siyang pulubi." He giggled.

"Sshhh!" I shushed him.

Tumawa lang siya ulit. Tumayo pa siya at sinalubong si Mike. Nakipag-apiran pa habang pinagtitripan ang nirecord naming scene kanina.

Hana looked so annoyed now. Halos masugatan na si Mike sa talim ng titig nito sa kanya. Umiling na lang ako.

These guys will really embarass the shit out of you if you let them. Sanay na ako. Noon ay ako nakakawawa sa mga pang-aasar nila. Kung hindi ka masasanay, wala, talo ka. Hana should also get used to it.

Nakaupo kami sa mga benches. Nandito pa rin kami sa People's Park. Mula rito ay matatanaw mo magagandang isla ng Hundred Islands.

Naramdaman kong may umupo sa espasyo sa gilid ng bench na inupuan ko. Nilingon ko iyon agad.

Ngumisi ako kay Eril na nakabaling sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya.

"O, ano? Masaya ka nang naging pulubi ka sa scene na iyon?" He stole a pinch on my nose.

Umasim ang mukha ko at agad ko siyang tinulak. Pabiro ko siyang inirapan.

"Oo naman, ano! Dream role ko kaya iyon." I flashed a smug.

Umiling siya sa akin. Ginulo niya ang magulo ko na ngang buhok. Umiwas at ngumiwi ako sa kanya.

"Cute mo talaga." He smiled.

"Tss..." Umiwas ako ng tingin at umiling.

Hindi naman ako naiilang sa mga ganyan niyang banat. Actually, I got used to it. We've been blockmates for almost two years now. At iilan lamang kaming Multimedia Arts students sa St. Joseph University.

Kaya lang ngayon, ewan ko ba. Mas okay siguro kung tigilan na niya kasi wala naman talaga siyang aasahan at mapapala.

"Punta lang ako roon." Tumayo ako mula sa bench.

"Saan doon? You want me to go with you?" He asked.

Nilingon ko siya at hindi ko napigilan ang pagtawa.

"Seryoso ka? I'll just buy myself a food. Doon lang, oh. Sa tindahan." Tinuro ko ang kantina sa may kanto. "I can walk alone, Eril. It's fine." I winked at him.

Hahakbang na sana ako para dumiretso sa tindahan ngunit hinila niya ang palapulsuhan ko. Nilingon ko siya agad.

"Oh bakit?" My eyebrows shot up.

"Sigurado ka bang pupunta ka sa tindahan ng ganyan pa rin ang hitsura mo?"

Bumitiw siya sa aking kamay. Tumayo siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I did the same. Tiningnan ko ang sarili ko.

"Alin? Ito?" I pointed my face full of charcoal.

Tumango siya. "Pati iyang damit mo, may butas sa gilid. Punung-puno ka pa ng uling sa mukha."

Ngumiwi ako. Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"I don't care, Eril. Edi pagkamalan nila akong pulubi. Sana nga bigyan pa ako ng limos!" Humalakhak ako at hindi ko na siya nilingon.

What now if they think I'm one of those pulubi? If they give some alm, then good! May dagdag pambili ng softdrinks at chips.

I'm even humming a Korean song while walking my way to the mini store. Napapalingon sa akin ang mga tao pero wala akong pakialam. Ngayon lang ba sila nakakita ng pulubi?

I was getting rid of the dried leaves Beth sticked into my hair when someone suddenly caught my attention.

Bumagal ang lakad ko.

Naningkit ang mga mata ko sa lalaking naglalakad palapit sa nilalakaran kong daan. Tuluyan akong huminto.

He is walking towards me. Nakakunot ang noo sa kanyang cellphone at kitang-kita ko ang Rotring T-square bag na nakasabit sa kanyang likuran.

"I know this guy..." I murmured.

Nang matauhan ako kung sino siya ay agad kong tinakpan ang aking mukha.

Holy shit! He is that guy! From Grips!

Binilisan ko ang lakad habang ang dalawa kong palad ay nakatakip sa mukha ko.

Hirap na hirap kong binaybay ang daan papunta sa tindahan dahil walang akong choice! Makakasalubong ko siya!

Naaninaw kong napunta ang mga mata niya sa akin. Lalo kong ibinaon ang mga palad ko sa mukha ko.

Pagkatapos ng ilang segundo ay tinanggal ko ang pagkakatakip sa aking mukha. Sa wakas! Nalagpasan na niya ako!

Tumigil ako sa paglalakad ng mabilis. Malalim akong bumuntong hininga. That was close!

I mean, this is weird. Natawa ako sa isip ko habang humihinga pa rin ng malalim.

Maybe what happened in Grips triggered my shyness. I'm not usually a shy person but damn it. That guy.

Samantalang hindi ko naman siya kilala. Nakuhanan ko lang naman siya ng picture. Though I admit, that was intentional. Ang weird! Nakakainis!

Wait a minute? He's wearing a familiar shirt. I know because I see students who wear the same.

He's an engineering student? Nakasuot siya ng maroon org shirt. Maroon means you belong to the College of Engineering.

That means.... we go to the same university?

Nilingon ko siya ulit para masiguro kung saan siya dumiretso. Kumunot ang noo ko.

"He's gone in a flash?" I murmured.

Ang bilis naman yata niyang maglakad? Wala na siya sa buong People's Park? Wala rin siya sa benches. Kahit sa crossing ay wala na rin siya.

"Bilis niya namang mag—"

"Sinong hinahanap mo?"

My eyes went in circles. Ang boses na iyon!

Nilingon ko agad ang nagsalita. Tumambad sa akin ang lalaking may Rotring T-square bag sa likod. Suot ang maroon org shirt, nakakunot ang noo, and holy shit...

"U-Uhm..." Why am I even stuttering!?

"I think I know you." Naningkit lalo ang mga mata niya sa akin.

What kind of creature is he? Kanina nilampasan na niya ako! Ngayon nasa harapan ko na naman siya? I can't even!

"H-Hindi ah? Hindi tayo magkakilala."

Umilag ako sa malapad niyang pangangatawan. Lalampasan ko na sana siya pero nagsalita siya ulit. Natigilan ako.

"Pulubi ka ba talaga o paparazzi?"

Marahas ko siyang nilingon. Bakit parang nagpanting ang tainga ko noong siya na mismo ang nagsabing pulubi ako!?

"Anong sabi mo?" Tuluyan ko siyang hinarap.

Kumurba ang kanyang labi. His eyes showed a teasing look. Humakbang siya ng dalawang beses palapit.

Naestatwa ako at ni hindi ko nagawang umatras. And to hell with his facial reaction!

"Ikaw iyong nasa Grips. I can't be wrong." He chuckled.

Naningkit uli ang mga mata niya sa akin. As if he thought about something and God, I am so annoyed right now.

His left hand held his chin. "Pero bakit ang dungis mo yata ngayon? So pulubi ka talaga?"

"E-E ano naman sa'yo ngayon!?"

He laughed. He literally laughed in front of me. The nerve of this guy! At bakit ko siya hinahayaang pagtawanan ako? Come on, Sid! Do something!

"Para sa isang pulubi, hindi ka mabaho." Yumuko siya at umastang parang inamoy ako.

"Ano ba!" I pushed him. "Hindi ako pulubi! Will you just— just get off my way!"

Mabibigat na ang paghinga ko. I am so embarassed already! How can someone embarass me so much like this? Jesus!

Mangha ang kanyang mukhang bumaling sa akin.

"Miss, ang luwag ng daan." He even giggled again! "It's so refreshing. Taong grasa na nag e-english. Bagay sa'yo iyang uling sa mukha mo."

Sa sobrang inis ko? Tinuhod ko siya!

"Aw! Fuck!"

"Serves you just right!"

Isinigaw ko iyon sa kanya habang tumatakbo na ako palayo. Nakita ko pang lumipad ang kanyang gitnang daliri sa ere. Ha! I don't care!

Ang lakas niya mang-alaska! E paano kung totoong taong grasa ako? Edi natapakan na ang human rights ko?

Hindi ko na nilingon kung ano na ang nangyari doon sa lalaki.

Sa lakas ng pagkakatuhod ko sa kanya ay siguradong hindi na siya nakatayo. Tama lang iyon sa kanya!

"Nakabusangot ka dyan?"

Cleo popped beside me. Tinanggal ko ang aking reading glass at hinilot ang pagitan na dalawa kong mata.

"Wala." Nilingon ko siya. "Pero Cleo, bilhan mo naman ako ng jollihotdog, o? Ililibre kita."

Ngumiwi siya sa akin. Umupo siya sa table kung saan nakapatong ang aking bag.

"Alam mo ang ganda mo. Girl crush nga kita, e. Wavy hair, pinkish lips at rosy cheeks, singkit at may mahahabang pilik mata. Kung hindi lang kita kilala magpapakatomboy ako sa'yo. Kaso ang siba mo. Buraot ka pa pagdating sa jollihotdog." Sarkastiko ang kanyang tono.

Inirapan ko siya at pabirong itinulak. Kusa na siyang nagpatihulog sa mesa.

"Nag-jollihotdog ka na kaninang umaga bago tayo dumiretso dito sa school. Jollihotdog na naman nasa bibig mo? Why don't you just marry Jollibee so you'll get free jollihotdogs everyday?" She laughed.

"O sige." Tumango ako sa kanya. "Ikaw ang ipapakatay ko para may pagkain sa reception ng kasal."

"Grabe ka naman!"

I just rolled my eyes. Itinuloy ko ang ginagawang edits para sa short film namin. Pinabayaan ko siyang manggulo.

I'm not in the mood today. Kahapon ay nababanas ako hanggang makarating ako sa bahay.

Hindi ko nga alam kung bakit. Basta ang naaalala ko, banas na ako mula nang makita ko iyong mukha ng lalaking iyon.

Ang sungit sungit noong una ko siyang makita. Aba ang loko, ang lakas pala mang-asar! He possesses all the qualities I despise.

Wish ko lang talaga ay hindi ko siya makasalubong dito sa campus. Sa laki ng Saint Joseph University, hindi ko na lang talaga alam kung magkasalubong pa kami ulit dito.

"Good morning, class."

Mrs. Andres greeted us in front. Tumayo kami at bumati pabalik.

Pagkaupo ay tamad uli akong tumingin sa labas. Nasa fifth floor kami ng building. Kitang-kita mula rito ang fountain sa ibaba.

It's a good thing I'm beside the window.

"We have a cross-enrollee from COE." I heard Mrs. Andres.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Cleo sa aking tagiliran. Hinawi ko lang ang kamay niya at hindi tinanggal ang tingin sa fountain.

"Sid..." She whispered.

Hindi ko siya pinansin. Naririnig ko lang ang tawanan ng iba kong blockmates.

"Sid! Tumingin ka sa harap!" She whispered again.

Marahas ko siyang nilingon at nakunot ang noo ko sa kanya. Nginuso niya ang harap kung saan nakatayo si Mrs. Andres.

"Ano bang—"

Pagkabaling sa harap ay halos masamid ako ng sarili kong laway. Natigilan ako at agad bumilog ang dalawa kong mata. My jaw literally dropped.

His intense eyes are directly looking at mine.

Suot ang parehong Rotring T-square bag sa kanyang likod. Naka-hoodies ng kulay abo.

Napalunok ako nang hagurin niya ang kanyang buhok. Same disheveled hair.

And why is he gawking like that!?

"I'm Serge Gavin Jalbuena. Hope I could be friends with you." Seryoso ang kanyang tono.

Kumunot ang noo ko. Titig na titig ang mga mata niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.5K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
1.1M 32.1K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...