Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XIV : In for a surprise

66.2K 3.2K 1.8K
By Serialsleeper


Just a clarification lang po, lalake si Astaroth kasi ibinase ko siya sa Duke of Hell na si Astaroth. And Dispareo means Disappear as implied sa book 1 :) And as for Kigwa, I guess by now alam na ng lahat dahil nasagot na mismo ni Wacky haha ;)



CHAPTER XIV

In for a surprise

THIRD PERSON'S POV


Kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata, agad na napabalikwas si Dana at napabangon. Putlang-putla at labis ang panginginig, humawak siya sa gilid ng bathtub at wala sa sariling umahon paalis rito.


Hinang-hina man, pilit na pinapanatili ni Dana ang kanyang balanse habang dahan-dahan sa paghakbang. Tagaktak ang tubig mula sa kanyang bestida at basang-basang buhok ngunit mistulang hindi niya ito iniinda, nakatuon lamang ang kanyang pansin sa pintong nakabukas.


Humihinga man at naglalakad, mistulang lunod parin si Dana sa kanyang sariling isipan. Wala sa wisyo siyang naglakad nang naglakad, nanginginig at yakap ang sarili. Sa isang iglap, nahinto siya sa paglalakad nang marinig ang isang boses mula sa telebisyon.


"Hindi na namin hahayaang makuha mo ulit si Dana!"


Nalilito man at animo'y wala pa sarili, sinundan ni Dana ang boses hanggang sa matagpuan niya ang kanyang sarili sa harap ng telebisyon na kasalukuyang nagpapakita sa kasalukuyang nangyayari sa ilalim ng kanyang inaapakang sahig; Sina Mira, Wena at Churchill kasama si Wacky na ngayo'y tumindi pa ang pamumutla at nagsimula nang magpakita ng pananamlay sa pangangatawan na dulot ng pagkakabaril sa kanyang balikat.


"Sabing hindi nga si Dana ang pakay ko... Alam niyo wala na akong pakialam sa kanya kasi may apat na akong kaluluwa." Sambit ni Wacky na may ngisi parin sa kanyang mukha ngunit sa kabila nito ay kapansin-pansin ang pagdurugo ng kanyang balikat at panginginig ng kanyang kamay.


"A-ang kuya ko!" Napaiyak si Wena nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Wacky. Sa taranta naman, dali-daling itinaas ni Mira ang baril at itinutok muli sa direksyon ni Wacky. Sa pagkakataong ito'y hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Mira at agad na niyang kinalabit ang gatilyo ngunit laking gimbal niya nang hindi na ito gumana.


"Patay..." Pabirong sambit ni Wacky at binuksan ang kanyang nakakuyom na kamao upang ipagyabang ang mga balang kinuha mula sa baril.


Dahil sa nangyari, naiwang nakaawang ang bibig ni Mira at tuluyang namayani ang takot sa kanyang puso. Gimbal ang tatlo sa nasaksihan ngunit sa puntong ito'y may napagtanto naman si Churchill.


"Ako..." Humakbang si Churchill at tinakpan sina Mira at Wena gamit ang likod at mga kamay, "Ako kapalit ni Wacky! Kung hindi ako nagkakamali yan ang pakay mo! Ang magpalit ng sisidlan kasi alam mong mahina na yang sisidlan mo matapos mabaril sa balikat! Ano?! Tama ako diba?!" Bulalas pa ni Churchill kasabay ng muling pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.


Sa isang iglap, pumalakpak si Wacky at humalakhak, "Kita mo nga naman talaga, mautak ka pala kahit mukha kang isang pipitsuging nilalang."


"Churchill 'wag!" Napahagulgol si Mira sa takot at agad na napailing habang hinahawakan ng mahigpit ang braso ng binata. Samantalang si Wena naman ay naiwan na lamang na nakatulala nang maisip ang maaring nangyari sa kanyang kapatid.


"Tumakbo na kayo." Maotoridad na sambit ni Churchill sa kanyang kasamahan at agad na winakli ang kamay ni Mira na nakahawak sa kanya. Wala nang nagawa pa sina Wena at Mira kundi mapasigaw nang agad na lumapit si Churchill ay Wacky.


"Iwan mo ang katawan ni Wacky at ako ang kunin mo!" Walang pag-aalinlangang sambit ni Churchill dahilan para mapahalakhak muli si Wacky.


Muling napalingon si Churchill kay Mira, wala mang binibigkas na salita, napaluha na lamang si Mira nang maintindihan ang pinapahiwatig ni Churchill. Sa kabila ng bigat ng kanyang kalooban, dali-daling hinigit ni Mira ang kamay ni Wena upang tumakbo ngunit bago pa man sila tuluyang makalayo, bigla na lamang lumitaw ang naglalagablab na apoy na pumapalibot sa kanilang dalawa. Walang magawa ang tatlo kundi magsigawan sa labis na gimbal.


"Mira!" Sigaw ni Churchill dala ng labis na pangamba at dali-daling sinubukang tumakbo patungo sa mga kasamahan ngunit sa isang iglap, bigla na lamang niyang naramdaman ang marahas na paghawak ni Wacky sa kanyang balikat. Sa sobrang lakas ni Wacky, nahinto agad si Churchill sa pagkilos dahil sa labis na sakit.


"Malaki ang pasasalamat ko kay Dana, kita niyo oh, may kapangyarihan na ako habang andito sa mundo niyo. At mas lalo pa akong lalakas dahil sa papalit sa kanya." Pagmamalaki pa ni Wacky dahilan para lalong lumakas ang mga palahaw nina Mira at Wena.


Takot na takot man, pilit na tinatagan ni Churchill ang kanyang sarili at muling nilingon ang demonyong nasa katauhan ng kanyang matalik na kaibigan.


"P-pakiusap, ako kapalit ni Wacky... Ako, kapalit ng kaligtasan nina Wena at Mira." Pagmamakaawa ng lumuluhang si Churchill.


"No! Churchill don't!" Iyak ni Mira na gaya ni Wena ay pilit na naghahanap ng paraan upang makaalis mula sa apoy na nakapalibot sa kanila.


Napabuntong-hininga si Wacky at bigla na lamang inakbayan si Churchill. Natatakot man, nanatili na lamang si Churchill na nakatingin sa direksyon ni Mira ng may ngiti sa kanyang mukha.


Muli, unti-unting kumurba ang isang ngisi sa pagmumukha ni Wacky, "Pero pihikan ako sa magiging sisidlan ko."


"Churchill!" Umalingawngaw ang ubod ng lakas na palahaw nina Mira at Wena sa nasaksihan; Ipinatong ni Wacky ang kanyang kamay sa ibabaw ng ulo ni Churchill hanggang sa nagsimula itong manginig kasabay ng pag-agos ng napakaraming dugo mula sa kanyang ilong, bibig, tenga at mga mata.


"Tama na! Astaroth Tama na!" Pagmamakawaa naman ni Wena na pilit niyayakap ang halos wala na sa sariling si Mira na patuloy na pumapalahaw dahil sa nasasaksihan.


Sa isang iglap, umalingawngaw ang nakabibinging tilian nina Mira at Wena kasabay ng tuluyang pagsabog ng mismong ulo ni Churchill. Kumalat sa sahig at dingding ang laman at pira-piraso nang bungo ni Churchill kasabay ng pagbagsak ng walang-ulo nitong katawan sa sahig.Sa sobrang lakas ng pagsabog, nagtalsikan pa ang parte ng utak at isang mata nito patungo sa direksyon nina Wena at Mira.


Labis na nanlumo si Dana sa nasaksihan, hinang-hina siyang bumagsak sa sahig habang patuloy na nakatitig sa telebisyon. Naiwang nakaawang ang bibig ng dalaga, gusto niyang magsalita, gusto niyang sumigaw, ngunit tanging singhap lamang ang kanyang nagagawa kasabay ng pagragasa ng kanyang luha.


"H-hindi..." Paghangos ni Dana napa linga-linga sa paligid, wala sa sarili habang naiwan paring nakaawang ang bibig.



*****


Tila ba wala sa sarili ang binatang si Shem habang nakaupo sa loob ng isang ambulansya, basang-basa ito habang tinalukbungan ng isang tuwalya at tila ba hindi alintana ang lamig na nararamdaman at sakit sa katawan. Hindi nito inaalis ang kanyang paningin sa mga pulis at rescuer na sinusuyod ang kailaliman ng ilog para mahanap ang kanyang mga kasamahan. Tahimik man, bakas ang matinding takot at pag-aalala sa mukha nito.


"Bata, sigurado ka bang ayaw mo pang dalhin ka namin sa ospital? Baka mamaya may bali ka na." Sambit muli ng isa sa mga parademics na sumalba sa kanya.


Biglang bumalik sa isipan ni Shem ang nangyari sa aksidente; kung paano niya nagawang sikuhin ang bintana sa kanyang tabi para lamang mabasag at makalabas siya mula sa sasakyan nang unti-unti itong lumublob sa kailaliman ng napakadilim na ilog, kung paano niya iniwan ang mga kasamahan sa sasakyan, kung paano niya sinikap na lumangoy upang umahon ngunit nalunod sa pangalawang pagkakataon. Sa mga naalala, hindi napigilan ni Shem na magalit sa sarili.


"Hihintayin ko sila. Magkakasama kaming pupunta sa ospital." Hinang-hina man at nanakit ang lalamunan, pinipilit ni Shem ang kanyang sariling makapagsalita.


"Sir heto po siya." Narinig ni Shem may nagsalita hanggang sa namalayan na lamang niya ang ama ni Raze sa kanyang harapan, galit man, bakas ang labis nitong pangangamba para sa kanyang anak.


"Bakit niyo nagawa 'yon? Bakit 'yon ginawa ng anak ko?! Saan niyo dinala ang bangkay ni Diana Flavier?" Maotoridad na sambit ng hepe na animo'y sinisindak si Shem. Pero taliwas sa karaniwang reaksyon, nanatili lamang si Shem na nakatitig sa kawalan.


"Ginawa lang namin kung ano ang dapat, wala kaming ginawang kasalanan." Walang kaemo-emosyong sambit ni Shem bagay na tila ba lalo pang nagpasiklab sa galit ng pulis.


"Saan niyo dinala ang bangkay ni Diana?!" Bulalas muli ng pulis at sa pagkakataong ito'y marahas niyang hinigit ang basang-basa pang kwelyo ng damit ni Shem.


"Nasa Holloway, sa pribadong villa ng mga Legarda." Napatingin si Shem sa direksyon ng pulis at unti-unting napangisi, "at malamang hindi na siya bangkay."


Naguguluhan man, dali-daling kinontak ng hepe ang pwersa ng kapulisang nakadestino sa lungsod ng Holloway.


****


Patuloy na humagulgol si Dana habang nakaupo parin sa sahig, sa sobrang bigat ng damdamin, napapahawak na lamang siya ng mahigpit sa kanyang dibdib, gamit ang mga kamaong nakakuyom na hindi na niya halos maigalaw pa dahil sa labis na bigat ng kalooban.


"Churchill..." Halos hangin na lamang ang lumabas mula sa bibig ni Dana. Patuloy niyang sinasambit ang pangalan ng kaibigan sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Tuluyan mang nagiging malinaw ang mga nangyayari sa kanyang isipan, paulit-ulit namang naglalaro sa kanyang isipan ang mga masasayang alaala kasama ang kaibigan sa maraming taon.


Ibinalik ni Dana ang pangin sa telebisyon at mas lalo pa siyang nagimbal at naluha nang makitang hawak na ni Wacky ang leeg ni Wena habang isinandal niya ito sa pader. Samantalang si Mira naman ay tila ba wala nang malay sa sahig.


"No..." Napasinghap si Dana nang makita ang isang ahas na lumabas mula mismo sa kamay ni Wacky at patungo kay Wena. Sa takot, napapikit na lamang si Dana hanggang sa bigla siyang makaramdam ng kakaiba—parang gumagalaw ang kanyang kinauupuan—Nang maidilat ang mga mata, napahawak na lamang si Dana sa upuan nang makitang yumayanig ang buong lugar.


"778. 778. 778. 778." Paulit-ulit na sambit ni Dana sa kanyang sarili at muling napapikit. Makaraan ang ilang sandali, mistulang huminto na ang pagyanig ng paligid kaya naman unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata.


Takot na takot man, huminga ng malalim si Dana at unti-unting ibinalik ang tingin patungo sa direksyon ng telebisyon.


"Dana... Kamusta ka diyan?"


"Wena!" Napahiyaw na lamang si Dana at napahagulgol nang makita si Wena na nakatayo sa mismong dereksyon kung saan nakaharap ang kamera. Nakangisi ito at nakatingin mismo sa kanyang dereksyon gamit ang mga matang purong kulay itim.


Hindi nag-iisa si Wena; nasa kanyang tabi ang luhaang si Mira, nakaluhod sa sahig habang nakatingin sa direksyon ng bangkay ni Churchill.


Hinigit ni Wena ang buhok ni Mira at pilit itong pinaharap sa direksyon ng kamera, "May gusto ka bang sabihin kay Dana bago ko wakasan ang walang kwenta mong buhay?"


Taranta at wala na sa rasyonal na pag-iisip si Dana, sa takot palinga-linga siya at pilit na tumayo. Pupuntahan na niya sana ang mga ito nang bigla na lamang magsalita si Mira dahilan para muli niyang ituon ang atensyon sa telebisyon.


"Dana..." Umiiyak na sambit ni Mira habang pilit na ipinapamalas ang isang maliit na ngiti, "Dana sorry sa lahat-lahat ng nagawa ko noon, sorry kung—" Hindi na natapos pa ni Mira ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang nilaslas ni Wena ang kanyang leeg gamit ang isang maliit na piraso ng bungo ni Churchill. Kasabay ng pag-agos ng napakaraming dugo mula sa leeg ni Mira ang unti-unting pagtirik ng mga mata nito.


Napahiyaw muli si Dana sa nasaksihan. Wala siyang ibang magawa kundi mapahawak sa kanyang bibig habang humahagulgol nang tuluyang bumulagta sa sahig ang katawan ni Mira.


"Pasensya na, wala akong oras sa mahabang usapan, may pupuntahan pa ako eh. Pero may iiwan naman akong isang regalo, pakasaya ka ha? Ingat ka rin lagi, baka kasi mamaya kailanganin kitang ulit." Natatawang sambit ni Wena at sa isang iglap, bigla na lamang naputol ang koneksyon ng kamera.



END OF CHAPTER 14!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
1.7M 99.4K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
657K 46.9K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...