Maghihintay Sayo (The Love St...

By Gidgetwitty

46.3K 937 419

Paano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang ma... More

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 (A new beginning)

Chapter 8

4.3K 104 69
By Gidgetwitty

Dedicated to Nayumi Grace Flores ( A fellow writer in Wattpad)

Nasa kalagitnaan na sila ng special birthday dinner nang dumating si Ava at Lillian. Nakasuot ng pulang hapit na damit si Ava, kitang kita ang sexy nitong katawan. Samantalang si Lillian ay naksuot lang ng simpeng light  blue blouse at itim na pantalon.

"Hello everybody! So sorry we are late, ang haba kasi ng traffic sa EDSA," paliwanag ni Ava sa grupo ng makalapit sa hapag-kainan.

"Pasensiya na po at na-late kami ni Ava," segunda naman ni Lillian.

"Don't worry about it! Please join us," nakangiting tumayo si Alex para alalayan ang dalawang dalaga.

"Happy Birthday, Alex!" nahihiyang bati ni Lillian. Lumapit ito para gawaran ng halik sa pisngi ang lalake.

"Happy Birthday, Alex!" pa-seksing sabi ni Ava na sumunod sa paghalik kay Alex.

Tahimik lang na nakamasid si Sandy.

Sila ang mga bestfriends ko pero bakit kahit na kaunti ay wala akong maalala tungkol sa kanila.

"Oh my God, Sandy. Ikaw nga!," naiiyak na yumakap si Lilian sa kaibigan. "I missed you, bestfriend."

Hinayaan ni Sandy na yakapin siya ng kaibigan kahit na naiilang siya sa nangyayari.

"Sandy, my friend. So happy to see you again," nakangiting wika naman ni Ava na nakatayo sa likuran ni Lillian.

"Welcome back, Sandy! Masaya kami at nakabalik ka na." Basa ang mga pisngi na diklara ni Lillian.

"Thank you," matipid na sagot ni Sandy. Hindi nito alam kung paano pakikitunguhan ang dating mga kaibigan.

"O maupo na kayong dalawa at para makakain na," nakangiting sabi ni Dona Victoria.

Habang kumakain sila ay patuloy ang pagbibida ni Lilian at Ava tungkol sa nakaraan. Tahimik lang na nakikinig si Sandy. Wala siyang maikuwento dahil wala siyang alam sa mga sinasabi ng mga ito. Si Alex ay napapangiti paminsan-minsan pag tungkol kay Sandy napupunta ang usapan. Halatang natutuwa ito sa mga binibida tungkol sa asawa.

"Alam mo Sandy sobra talaga kaming nalungkot noong nawala ka," kuwento ni Liliian.

"Lahat naman na sad sa nangyari pati na si Alex. Akala nga namin mababaliw na iyan," dugtong naman ni Ava.

"Mawala ba naman ang pinakamamahal niyang asawa," kaswal na wika ni Lillian. 

Bahagyang ngiti lang ang ibinigay ni Sandy sa dalawa. Napatingin siya kay Alex na titig na titig sa kanya.

"Oy Sandy masyado ka na yatang tahimik ngayon," ani ni Ava.

"Ah medyo napagod lang siguro."

"Hon, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Alex.

"I'm really okay. Huwag ninyo akong pansinin," simpleng sagot niya.

"Excuse me po Ma'am Sandy, umiiyak po si Xander. Hinahanap po kayo," magalang na sabi ng bagong yaya ng bunso nila.

"Ha? O sige susunod na ako," sabi niya. "Excuse me, pupuntahan ko lang ang mga bata." Paalam niya.

"Please stay honey, I'll go and check the kids," pigil ni Alex sa kanya nang akmang tatayo siya para sundan ang yaya.

"Alex, baka naninibago lang si Xander," aniya.

"I can handle it, hon. It's okay." Tumayo na ito para puntahan ang mga bata.

"Oh my gosh, Sandy! Napakasuwerte mo talaga diyan sa asawa mo," madramang wika ni Ava.

"Kaya pala inggit na inggit ka diyan," tudyo ni Lilian.

"Ava, kumusta na iyong mangliligaw mo na si Frank?" tanong ni Dona Victoria.

"Tita, walang pag-asa sa akin iyon. Naghahanap ako ng katulad ng anak ninyo," natatawa nitong sagot.

"Mag-aantay ka hanggang pumuti na ang buhok mo dahil nag-iisa lang ang katulad ni Alex sa mundong ibabaw," ismid ni Lillian sa kaibigan.

"Come on, Lillian! Aminin mo kaya ka wala pa ring nagiging boyfriend dahil ang pamantayan mo ay katulad din ni Alex, di ba?" pang-aasar nito.

"Mabuti na lang pala at nagmana si Alex sa akin," biro ni Don Miguel.

"True ka diyan, Tito Miguel!" sang-ayon ni Ava.

"Sandy, don't worry hindi namin aagawin ang gwapo mong asawa. Maghahanap na lang kami ni Lillian ng second best," sabi ni Ava pagkatapos ay sinabayan ng hagikgik.

"Huwag mong papansanin ang loka-loka nating kaibigan, Sandy. Kalalabas lang yata niyan sa mental," sabi ni Lillian.

"Ayos lang iyon," sabi niya.

"Daddy, asan na mommy ko?" umiiyak na tanong ni Xander sa ama na kapapasok lang ng kuwarto.

"Baby, kumakain pa ang mommy sa baba. Mamaya aakyat na rin iyon. O bakit umiiyak ang bunso ko?" Naupo si Alex sa kama at saka kinalong ang anak.

"Daddy, are you going to read us a bedtime story?" tanong ni Marion na nakahiga na sa kabilang kama.

"Of course, Sweetheart. What story do you want tonight?" Tumayo si Alex buhat-buhat ang anak na lalake para pumunta sa kama ni Marion. Ibinaba nito ang bata sa kama katabi ng panganay na anak at saka ito naupong muli para tabihan ang mga paslit.

"Daddy, I want Red Riding Hood please," ungot ni Marion sa ama.

"Okay, let's start." Pumuesto ng maayos sa kama si Alex para umpisahan ang bedtime story. Nakasandal ang dalawang anak sa matipuno nitong dibdib.

Sa baritono nitong boses, nagsimula nitong basahin ang kuwento ni Red Riding Hood.

"Once upon a time there was a dear little girl who was loved by everytone who looked at her, but most of all by her grandmother, and there was nothing that she would not have given to the child.....


Nasa kalahati pala lang ng kuwento si Alex nang mapansin niyang mahimbing ng natutulog ang mga anak. Maingat na binuhat nito si Xander para ibalik sa sarili nitong kama.

"Sir, kuwento lang pala ninyo ang katapat para makatulog agad ang mga bagets," nakangiting sabi ni Yaya Nita sa amo.

Tumango lang si Alex habang tinitingnan ang mga natutulog na mga bata. "Yaya, ikaw na ang bahala sa mga alaga mo. Bababa lang muna ako."

"Opo Sir."

"O ayan ka na pala, hijo. Kumusta ang mga apo ko?" tanong agad ni Dona Victoria nang mamataan si Alex na pabalik sa kanila galing sa itaas. Nasa family room na ang grupo ng oras na iyon.

"Tulog na po, Ma.  Anong na-missed ko dito kanina?" nakangiti nitong tanong sa kanila habang umuupo sa tabi niya sa sofa.

"Buo pa ba ang dila mo, hijo? Kanina ka pa pinag-uusapan dito," tudyo ni Don Miguel.

"Hmm, honey pinagtanggol mo ba naman ako?" Baling nito sa asawa sabay akbay dito ng mahigpit. Halatang nanggigigil.

"Hindi na kailangan. Mukhang may fan club ka naman dito," inosente niyang sagot habang pilit umuusog palayo kay Alex.

"May kaunting selos ba akong naririnig galing sa iyo?" bulong nito sa kanya.

"Naku naman, nag-iilusyon ka na naman Mr. Lagdameo."

"Ouch! Sapol iyon sa puso ko, Mrs. Lagdameo," sabi nito na may himig pagtatampo.

"Oy anong binubulong mo kay Sandy. Nandito pa kami ha," tudyo ni Lillian.

"Honeymooners uli ang mga iyan," nakangiting sabi ni Ava.

"Oh, speaking of honeymooners. May regalo pala kami para sa iyo ng papa mo, Alex." Inabot nito ang isang puting sobre.

"Pa, Ma ano ito?" nakangiting tinaggap nito ang sobre galing sa ina.

"Open it, hijo para malaman mo," payo ni Don Miguel.

Binuksan ni Alex ang sobre at saka tiningnan ang loob. Vacation cruise package iyon para sa buong pamilya.

"Wow! Pa, Ma thank you for this generous gift."

"Binili na rin namin ng tickets ang dalawang yaya para magkaroon kayo ng time para sa isa't isa," patuloy ni Dona Victoria.

"12 days Royal Caribbean cruise for us, honey."

"HIndi po kayo sasama sa amin, Ma?" tanong niya sa biyanan.

"HIndi na, Sandy. Kailangang nandito ang papa mo para sa negosyo pag wala si Alex. And I can't leave naman your papa dahil malulungkot iyan."

"Mabuti at alam mo, darling," masuyong sabi ni Don Miguel sa asawa.

"Thanks again, Pa, Ma." Tumayo si Alex para yakapin ang mga magulang.

"Ang sarap naman, cruise. Sun, sparkling blue water and breeze! Sandy, nakakainggit ka talaga bestfriend," himutok ni Ava.

Hindi agad nakasagot si Sandy dahil biglang may  pamilyar na tagpo siyang naalala ng oras na iyon. Pero bago pa niya ito tuluyang maalala ay muling nagsalita si Ava.

"Sandy, parang kailan lang noh, tayo ang nag-crucruise. Sa Palawan nga lang," sabi ni Ava.

Madilim, malawak at malalim na karagatan ng Palawan. 

Parang hindi makahinga si Sandy sa tumatakbo sa utak niya ng oras na iyon.

Madilim, malawak at malalim na karagatan ng Palawan. 

"Honey, are you okay? Parang namutla ka yata?" pukaw ng nag-aalalang boses ni Alex sa kanya.

"Excuse me, medyo sumama ang pakiramdam ko," nanginginig ang boses na sabi niya.

"Hon?" Inalalayan siyang tumayo ni Alex.

"Excuse us, sasamahan ko lang ang asawa ko," paalam ni Alex sa grupo.

"Alex, maiwan ka na. Kaya ko na ito," sabi niya sa mahinang tono.

"No, I'll go with you honey."

"Sige, hijo. Samahan mo na si Sandy. Kami na ang bahala dito," wika ni Dona Victoria.

"May nasabi ba akong masama?" nagtatakang sabi ni Ava.

"Ang daldal mo kasi, Ava." Sita ni Lillian.

Please play the music on your right. (Ikaw lang ang mahahalin by Jed Madela)

Muntik ng hindi umabot sa banyo ang pagsusuka ni Sandy.  Butil-butil na pawis ang makikita sa noo niya.

"Honey, are you okay? I'll call our family doctor," natatarantang sabi ni Alex habang hinahagod ang likod niya.

"Alex, I'm okay na.  May nakain lang siguro akong hindi kaya ng sikmura ko," paliwanag niya sa nag-aalalang lalake.

Pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush ay lumakad na siya dahn-dahn patungong bedroom.

Bago pa nakaprotesta si Sandy ay pinangko na siya ng asawa para dalhin sa malaki nilang kama.

"Alex, ang bigat ko."

"Shhh, baka sumama na naman ang pakiramdam mo. Let me take care of you, honey." 

Nanghihina na hinayaan na lang ni Sandy si Alex sa gusto nito.  Maingat na ibinaba siya nito sa malambot na kama.

"Thank you, Alex."

Masuyong hinalikan siya nito sa noo. "Magpahinga ka na, hon." 

Inalis nito ang sandals na suot niya at saka siya kinumutan. Nasa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa kanya.

"Ikukuha lang kita ng pantulog para mas kumportable ka."

"Alex, I'm okay. Sige na balikan mo muna sa baba ang mga bisita mo."

"Honey, I'm not leaving you! Babantayan lang kita dito hanggang sa makatulog ka," seryoso nitong sabi.

"Oh Alex, I don't know what I did to deserve your love," naluluhang sambit niya.

"Sandy, you don't have to do anything for me to love you because I already love the whole you. I love everything about you, honey.  From the first moment I saw you, you own me body and soul." Nababanaag niya ang katapatan ng sinasabi ng asawa.

"Alex, sana lang ay bumalik na ang alaala ko para hindi ko man mahigitan ay at least mapantayan ko man lang ang pagmamahal mo," hirap niyang sabi habang tumutulo ang mga luha niya.

Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Alex sa kanya at bago pa niya mafigure out kung ano ang gagawin nito ay masuyong hinalikan nito ang luhaan niyang mukha.

"You are my life, Sandy. Hindi ko na kakayaning mawala ka pang muli sa akin."

"Oh Alex I'm so sorry for everything." Hindi na niya mapigilan ang bagong luhang umagos sa mga mata niya.

"Shhh If you cannot remember anything about me at least give your heart a chance to remember how much I love you, hon. How much I need you."

"Oh Alex!"

Hindi na siya tumutol nang puno ng pagmamahal ay dahan-dahan nitong inalis ang suot niya. Malalim at malamig na ang gabi ay mainit pa rin nilang pinagsasaluhan ang pagmamahalan ng mag-asawa.

Ano po ang masasabi ninyo sa kabanatang ito? Kinilig ba kayo? Hanggang sa susunod na lang po.

Salamat sa oras ninyo.

@Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)        

Continue Reading