KIRSTEN: Half Human-Half Vamp...

Von Dream_Secretly

110K 3.8K 226

She is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang... Mehr

KIRSTEN: Half human-Half vampire
SIMULA
VAMPIRE 01
VAMPIRE 02
VAMPIRE 03
VAMPIRE 04
VAMPIRE 05
VAMPIRE 06
VAMPIRE 07
VAMPIRE 08
VAMPIRE 09
VAMPIRE 12
VAMPIRE 13
VAMPIRE 14
VAMPIRE 15
VAMPIRE 16
VAMPIRE 17
VAMPIRE 18
VAMPIRE 19
VAMPIRE 20
VAMPIRE 21
VAMPIRE 22
VAMPIRE 23
VAMPIRE 24
VAMPIRE 25
VAMPIRE 26
VAMPIRE 27
VAMPIRE 28
VAMPIRE 29
VAMPIRE 30
VAMPIRE 31
VAMPIRE 32
VAMPIRE 33
VAMPIRE 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
ESPESYAL NA KABANATA

VAMPIRE 10-11

3.3K 173 12
Von Dream_Secretly

May nagbabasa po ba ng kwento ni kirsten? Paramdam naman kayo guys....kunting insipirasyon naman dyan :)


Dream_Secretly :)



******

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang humangin ng malakas sa labas ng veranda ko. Wala akong presensyang nararamdaman pero may ingay akong narinig na parang may bumagsak.




Bumangon na 'ko ng kama saka dahan dahang lumapit sa pinto ng veranda ko. Pinakiramdaman ko muna ang hangin at nang medyo kumalma na ito'y dahan dahan ko ng binuksan ang pinto.




Malakas na hangin ang sumalubong sakin pagbukas ko ng pinto. Unang nakakuha ng atensyon ko ay ang hari ng araw na alam kong maya maya lang ay tuluyan nang magpapakita at pupuno ng liwanag sa buong paligid.



Hanggang ngayun nagtataka pa rin ako kung bakit sa lahat ng pwedeng katakutan ng mga bampira ay ang araw pa. Sayang at hindi nila pwedeng panoorin ang pagsikat at paglubog ng araw. Mabuti nalang at may dugo akong tao. Kahit isa na akong bampira atlis may mga bagay pa rin akong kayang gawin na tanging tao lang ang may kakayahan.




Nakatayo lang ako sa labas ng veranda at nakatutok ang mga mata sa kalangitan nang biglang makarinig ako ng mahinang ungol.



"Sino 'yan?"



Dahan dahang bumaba ang mga mata ko. Muntik na 'kong mapasigaw nang makita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan sa gilid ng veranda ko. Nanghihinang nakatitig ito sakin habang may mga galos ang buo nyang katawan. Punit punit din ang damit nito na tila nanggaling sya sa matinding pagpapahirap.





"D-Dark?" Nagtataka at gulat na naibulalas ko.



Miss na Miss ko sya. Matagal ko na syang gustong makita ulit pero hindi dito. Hindi sa ganitong mahina sya at may mga sugat sa katawan na hindi man lang naghihilom.




"I'm sorry....." Pabulong nitong sabi na narinig ko din naman. Halata ang pagod sa mga mata nito "I f-failed...." Hindi na nito natuloy ang sasabihin nya sa sobrang panghihina.



Naging maagap ako at agad kong nasalo ang katawan nya bago pa man ito tuluyang bumagsak. Hinang hina sya. Parang nanggaling sya sa isang matinding labanan o gyera. Anu ba talagang nangyari sayo dark?





"D-Dark...." Inalalayan ko ito papasok sa kwarto ko. Ramdam na ramdam ko ang panghihina nya.





"K-Kirsten," Mahina nitong banggit sa pangalan ko.




"Anu bang nangyari sayo? Bakit ka nagkaganito?" Alalang tanong ko.




Dahan dahan ko itong inilapag sa kama ko. Inalis ko ang suot nyang sapatos na halos mapuno na ata ng dugo pati ang damit nyang nagkapunit punit na rin.





"Dark?" Maliwanag na kaya malinaw kong nakikita ang kalagyan nya. Nagtataka ako kung bakit hindi naghihilom ang mga sugat nya gayong isa naman syang bampira.






Pinagmasdan ko ang mukha nya saka hinaplos ang buhok nya. Nakatulog na ito. Naaawa at naiiyak ako sa kalagayan nya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May mga gamot naman ako dito pero hindi ko alam kung tatalab 'yun. Hindi naman kasi sya tao at wala akong alam na gamot para sa mga bampira.





Kinuhanan ko nalang muna sya ng maaligamgam na tubig at bimpo. Pinunasan ko ang maamo nyang mukha pati na rin ang buong katawan nya maliban lang sa ibaba nya. Ayoko.



"Anu bang nangyari sayo?"




Napabuntong hininga nalang ako. Kung ano man ang nangyari sakanya, Nasisigurado kong matindi ang paghihirap na napagdaanan nya.




Buong araw nang tulog si dark. Parang binabawi nito sa pagtulog lahat ng enerhiyang nawala sakanya.




Mabuti nalang rin at di nagpupumilit sila mama at kuya na pumasok sa kwarto ko dahil tiyak na makikita ng mga 'yun si dark.



"Kuya, hindi po muna ako papasok ngayun," Sabi ko kay kuya nang puntahan ko ito sa lab kung saan sya parating namamalagi kasama si mama.



Nagtataka ako nitong tiningnan "Bakit? May problema ba?" Tanong nito.



Nag iwas ako nang tingin. Ayokong salubungin ang mga mata nya kapag nagsisinungaling ako, lalo lang akong naguiguilty. "Masama lang ang pakiramdam ko kuya,"



"Gusto mo bang samahan kita kay uncle marlon ngayun?" Tanong nito.



Umiling ako "Hindi na kuya magpapahinga nalang ako,"




Tumango lang ito. Sakto namang pumasok din si mama ng lab at nakita kaming dalawa ni kuya.




"May problema ba mga anak?" Tanong nito.




"Wala po ma," Agad ko namang sagot.




Para naman itong nakahinga ng maluwag "Mabuti naman kung ganon." Ngumiti ito sakin "Kumain kana sweetie para makasabay ka sa kuya mo sa pagpasok,"



Napatingin muna ako kay kuya. May kung ano na itong hinahalong formula "Hindi po muna ako papasok ngayun ma," Tulad ni kuya ay nagtaka din ito
"Masama po kasi ang pakiramdam ko," Dugtong ko.




"Ganun ba," Rumehistro ang pag aalala sa mukha nito. Lalo tuloy akong nagguilty. "Gusto mo bang ipagluto kita ng soup?" Alalang tanong nito.


Nakagat ko na lamang ang labi ko "Hindi na po ma, Magpapahinga nalang po ako sa kwarto." Sabi ko.




"Are you sure?" Pagsisiguro nito.



Napatango ako "Opo ma."




"Go to your room now, kirsten." Sabat ni kuya ng hindi man lang tumitingin sakin.



Napayuko na lamang ako saka na tumalikod sakanila. Ayoko namang magsinungaling eh, kaya lang hindi ko pwedeng iwan si dark. Walang mag aalaga sakanya at baka mapano pa sya.





"Dark," Umupo ako sa gilid ng kama saka ko sya pinagmasdan ng maigi. Nag aalala na talaga ako sa kalagayan nya. Sana maging maayos na sya.




Inabot ko ang pisngi nya saka ko ito marahang hinaplos. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya pero sigurado akong 'yun ang dahilan kung bakit matagal syang nawala.





"Dark bakit pakiramdam ko ang tagal tagal ka nang kilala ng puso ko?" O.A mang pakinggan pero 'yun ang totoo. Una ko palang syang makita kumabog na nang malakas ang puso ko. Parang may isang emosyong matagal nang nakatago at muling nabuksan nang dahil sakanya.Pakiramdam ko ay may bahagi sa pagkatao ko ang binuo nya






"Naguguluhan na ako dark." Napabuntong hininga ako.




Kahit naman magsalita ako nang magsalita dito ay di rin naman nya maririnig.




Humiga ako sa tabi nya. Gusto kong maramdamang mapalapit sakanya kahit ngayun lang. Pakiramdam ko ang tagal tagal ko nang nangungulila sa pakiramdam na 'to. Ang pakiramdam na mapalapit sakanya.




Matagal na nga siguro kitang kilala dark. Baka isa ka rin sa mga alaalang nawala sa isip ko. Dapat ko pa bang alamin 'yun dark? Dapat ko pa bang alamin kung talagang naging parte ka ng buhay ko? Importante pa ba 'yun dark?




Inangat ko ang tingin ko sakanya saka ko sya pinagmasdan. Kung naging parte nga sya ng buhay ko noon, bakit wala syang sinasabi? Nararamdaman nya rin kaya ang nararamdaman ko?




Mapait akong napangiti. Mahal kita dark at pakiramdam ko ang tagal tagal na kitang minamahal. Sobrang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang nakilala kita tapos ngayun mahal na kita. Ang bilis kong nahulog sayo dark at nakakapagtaka 'yun.




Sana bukas paggising ko Maayos kana. Sana bukas nandito ka pa rin sa tabi ko. Sana hindi ito panaginip. At sana totoong nayayakap kita ngayun.



Kahit nag aalinlangan pa ay sinunod ko pa rin ang gusto ng puso ko. Lumapit pa ako sakanya saka ko sya hinalikan sa noo, baka ito na ang huling pagkakataong mapalapit ako sakanya ng









"Goodnight cane......"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

6.1M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
844K 33.1K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
200K 5.8K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
1.9M 151K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...