Hoy Dragon... (One-Shot)

By itsateshai

36.4K 812 155

❝ Inlab ako sa isang mapanganib na nilalang... ❞ More

Hoy Dragon... (One-Shot)

36.4K 812 155
By itsateshai

Dedicated doon sa batang lalaking napdpad sa profile ko. Otakusage, baby bro ko, hope you like it. Lovelots...

 ---

Mistula kaming mga tangang naghahabulan dito sa campus ng kolehiyong pinapasukan namin. Hai, college na nga kami pero sa inaasal namin ngayon, daig pa namin ang mga elementary students. Ako nga pala si Seiji Otakura, isang 2nd Year Engineering student. Sa kasalukuyan, hinahabol ako ng isang baliw at menopausal baby dragon na ang pangalan ay Yuri Watakashi. Pareho kaming Engineering students pero magkaiba ng section. B siya at A naman ako. Matalino ako eh. Back to the story, ayon nga sa sinabi ko, hinahabol ako ngayon ng fire-breathing dragon na ito. Ewan ko nga kung bakit ako parating hinahabol ng tomboy na dragon na ito eh. Ah, alam ko na. Napakagwapo ko nga pala, at nainlab na sa akin itong halimaw na dragon na ito.

"Langya ka Otakura, makakalbo talaga kita pag nahabol kita! Grrr!" sigaw niya sa akin habang patuloy pa rin kami sa paghahabulan. Muntanga lang eh. Pinagtitinginan kami ng iba pang mga estudyante at maging si manong guard. Sabi na nga ba eh, ang gwapo ko talaga.

"Grrr! Salot kang Otakura ka! Ibalik mo na yung notes ko na ninakaw mo!" sigaw niya habang patuloy pa rin sa paghabol sa akin. Hinarap ko siya at saka ngumisi. Nakita ko naman ang biglang pamumula ng pisngi niya. Bulag na lang yata ang hindi mahuhumaling sa napakagwapo kong mukha eh.

"Ibalik mo muna kasi yung puso ko! Ilang taon na yun sayo ah! Wala ka bang balak na ibalik yun sa akin?!" sabi ko habang nakangisi pa rin. Muli ay nasaksihan ko ang lalong pagpula ng pisngi ng dragon na ito. Ang gwapo ko, mga tol. Baka naman inlab na din kayo sa akin?

"Tae mo! Hoy Otakura, wag mo nga akong pinagloloko! At ano naman yung puso mong sinasabi diyan?! Kahit kelan di ko yun nanakawin. Eklat mong bulok!" sigaw niya sa akin. Nagdeny pa eh, halata naman.

"Sige lang Dragona, magdeny ka pa! Bahala ka diyan, baka maunahan ka pa!" sabi ko sa kanya. Umirap lang siya. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo, at siya naman, patuloy sa paghabol sa akin. Ganito palagi yung eksena tuwing breaktime namin. Akala tuloy ng mga tao, magjowa kami na parating may LQ. Maganda naman si Watakashi eh. Maputi, matalino, sexy, mala-anghel, basta maganda. At saka ang sarap niyang asarin at pagtripan. Cute din siya na para bang isang chibi ni Miku Hatsune. Tsaka yung boses nya na mala-putak ng isang tropa ng mga manok, parang musika sa aking pandinig. Iba na rin ang naging epekto ng dragon na ito sa sistema ko. Araw-araw ko siyang nakikita, kaya naman lagi akong inspired at gwapo, syempre. Maybe, I am really inlove with her. Kasi naman eh, bakit pa kami naging magkaaway ng dragon  na ito? Bawas pogi points tuloy. Pero gwapo pa rin ako. Marami talagang magagandang babae dito sa campus, pero kay Dragona ako nahumaling. Napaka-daring niya kasi nya at kayang makisabay sa iba't ibang trip. Sa tingin ko, bagay kami. At talagang gwapo ako.

"Ayieeeh! Ang sweet-sweet naman nung lovebirds natin! Naiinggit ako sa kanila, babe," sabi ni Liana, yung bespren ni Dragona. Actually, magkabarkada naman kami ng dragon na ito. Pero pagkatapos naming maglunch o kaya naman ay magmerienda, babalik kami sa dating gawi. Yung paghahabulan namin. Oo, ang cute naming tignan habang naghahabulan. Minsan nga, naiisip ko na gusto din ako ni Dragona eh. Kasi kung hindi, hindi naman siya magpapagod sa paghabol sa akin. Alam ko, gusto nya rin ako at balang-araw, mapapatunayan ko rin yun.

"OTAKURA!!" napaharap naman ako sa kanya. Mukha syang nag-aalala. Grabe, ang epic ng pagmumukha ng dragon na yun ah. Saan ka ba nakakita ng dragon na nag-aalala? Sabi na nga eh, gusto nya ako. Ayaw pa kasing umamin. "OTAKURA!!" muli nyang sigaw. Hinarap ko syang muli, at ganuon pa din ang kanyang mukha. Ano bang problema ng dragon na ito? Tumingin lang ako sa unahan at...

*BOOOGSSSHHH!!!*

Tangna! Umiikot ang paningin ko--

***

Nagising ako sa isang malambot na bagay. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Nasa clinic ako. Wala man lang nangahas na magbantay sa isang gwapong nilalang na tulad ko. Umupo ako. Shet! Tangna! Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko tuloy yung pagsalpok ng isang gwapong nilalang sa puno ng narra kanina. Pucha lang! Kelalaki, at kegwapo, kong tao, tapos nauntog lang sa puno, tumba agad? Kainis ah! Baka nananakit na yung tiyan ni Dragona sa katatawa ngayon. Baka asarin pa niya akong lampayatot. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at pinagmasdan yung kisame. Kaya naman pala ganuon yung mukha ni Watakashi eh, nag-aalala siya sa akin. Anu daw? Mas lalong lumakas ang loob ko nang matanto ko na nag-aalala sya sa akin. Ang tahimik naman dito sa clinic. Nakakabingi. Gusto kong marinig yung boses ng dragon na yun, para naman maibsan yung pananakit ng ulo ko. Nabali ang katahimikan nang biglang bumukas ang pinto.

Nandito siya.

"Waaah! OTAKURA!! ANG LAKI MONG TANGA!!" sabi niya habang hinahampas pa yung braso ko. Wow ha, hindi man lang niya naisip na kagagaling ko lang sa isang aksidente kanina. Ang brutal talaga ng dragon na ito kahit kelan. Bakit ko kaya ito nagustuhan? Patuloy pa rin siya sa paghampas sa braso ko. Umayos ako ng upo. Grabe, di pa rin natinag. Baka naman chumachansing na ito sa akin. "Hoy dragon, chumachansing ka noh?" sabi ko sa kanya habang nakangiti nang nakakaloko. Bigla naman siyang namula, at kasabay nuon ay kanyang pagpout. Tangna! Gusto ba ng babaeng to na halikan ko siya? Tae! Pag di ako nakapagpigil dito, hahalikan ko na talaga siya.

"Bobo ka na ba Otakura?" biglang tanong nya habang nakaupo sa kama sa tabi ko. Ang kapal talaga ng mukha ng dragon na ito ah. Ako, bobo? Kelan pa? Napakatalino ko kaya. Sinimangutan ko lang siya, kaya naman siya napangiti. May saltik na tong babaeng to, sigurado ako. "Kasi naman eh, hindi mo man lang nakita yung puno sa harapan mo!" sabi niya habang natatawa.

"Tsh. Ikaw kasi eh. Sabi ko sayo na ibalik mo muna yung puso ko eh," banat ko sa kanya. Namula na naman siya at naiwas ng tingin. Napangiti naman ako sa naging reaksyon sa mukha niya. "Hoy dragon, nag-aalala ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakangisi. Tumingin lang siya sa malayo. "Dragon, ano nga? Nag-aalala ka ba sa akin?" muli kong tanong pero hindi pa rin siya sumagot. Tangna naman eh! Kailan pa natutong manahimik ang dragon na to? "Tss. Hangin ba ang kausap ko?" sabi ko pero hindi pa rin sya sumagot. Since hindi naman nya ako kinikibo, daha-dahan akong gumalaw at tumayo. Nakita ko naman na gulat pa rin sya.

"S-San ka pupunta?" nauutal nyang tanong. Hindi ko sin sya pinansin, pambawi lang. Gwapo ako eh. Hindi ko sya sinagot at naglakad na lang patungo dun sa may pinto. Muli akong tumingin sa kanya, pero ganuon pa din yung reaksyon nya, gulat pa din. Ganyanan na pala ngayon ah. Hindi man lang ba nya pipigilan ang gwapong tulad ko? Hinawakan ko na yung doorknob. Pero bago ko yun ipihit, tinignan ko sya sa huling pagkakataon. NR pa din. Ipinihit ko na yung doorknob at lalabas na sana nang may biglang yumakap sa likod ko. Hinarap ko sya at nakita kong nakayakap sya sa likod ko at nakasubsob pa ang ulo nya dun. Narinig ko syang suminghot. Tangna! Naiyak ba sya?

"O-Oo na, nag-aalala na ako sayo. Ikaw naman kasi eh," saad nya habang umiiyak pa rin. Humarap ako sa kanya, at hinawakan sya sa kanyang baba upang masilayan ko ang kanyang mukha. Namumula na yung mga mata nya. Teka nga, bakit ba sya umiiyak? "Nakakainis ka, Otakura! Parati mo na lang akong pinapaiyak! Bakit ka ba ganyan?! Sadista ka ba at gustung-gusto mo akong nakikitang umiiyak?! Kasi ako masochista eh! Ayos lang sa akin na umiyak basta ikaw ang dahilan! Naiinis ako sayo! I hate you Otakura!" sigaw nya at kasabay nun ang pagbuhos ng mas marami pang luha. Niyakap ko lang sya nang mahigpit, at niyakap din naman nya ako pabalik. Umiiyak sya sa dibdib ko. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap nya sa akin. Hinalikan ko lang sya sa ulo at hinawakan sa magkabilang pisngi. Pinahid ko yung mga luha nya. Tangna! How I hate to see her cry because of me.

"N-Nabasa mo ba yung notes ko?" tanong niya. Ano na namang issue dun sa notes nya? Well, hindi ko naman alam na notebook nya yun sa isang subject. Basta nadampot ko, yun na. Umiling lang ako. Speechless, mga dre. Ikaw ba naman ang makakita sa babaeng mahal mo na umiiyak nang dahil sayo. Sinong hindi matatameme? Gwapo kasi ako.

"Hindi ko naman yun notebook sa Math eh. Personal notebook ko yun," sabi nya. Mabuti na lang at tumigil na sya sa pag-iyak, at maayos nang nakakausap.  "Diary mo yun?" tanong ko naman. Tumango sya at muli akong niyakap. Niyakap ko na din sya pabalik. Minsan lang tong ka-sweetan namin noh. "Dragon, may sasabihin ako sayo," sabi ko sa kanya nang maghiwalay kami ng yakap.

"Ano yun?" tugon nya.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya at marahan syang hinalikan sa labi. Nuong una, nakabukas pa din yung mata nya, pero kalaunan, hinahalikan na din nya ako. Ang sarap ng lasa. Our lips are like pieces of jigsaw puzzle. They fit together. Takte naman oh! Napapa-English ako nang wala sa oras. When our kiss ended, I looked at her, directly in her eyes.

"Je t'aime, Dragon," sabi ko at kasabay nun ay ang paghalik ko sa kanyang noo.

~END~

---

Shai's note: Alam kong hindi sya kabog. Sarreh naman daw ah. Bangag akez ngayon dahil nagkaroon kami ng quizbee kaninang science at AP. AZAr lang ah! Di ako nagreview, except sa science. Pero keribels naman. Naka-first pa din. I am not boasting! Sarreh kung nayayabangan kayo! But well, kung may ipagyayabang, why not boast, aight? Pero ngayon lang ako nagyabang. Pagbigyan na. Kaarawan ko naman eh-_-

Okay. Birthday ko po ngayon. Well, I am so much tense. Hindi sa magiging activities for the day, pero dahil sa sasabihin ng aking friends. Alam nyo naman siguro na pag may birthday, kelangan manlibre. Sorry, pero isa akong puritang daga.

Grabeh kanina, usapang-love life at crush-life kami. Naintriga tuloy sila sa crush-life ko. Well, ano naman kayang masasabi ko? Eh sa wala nga akong crush eh! Abnoy na agad?! So rude>-<

Sa tol ko diyan, Jeenan, at kay pre, Kayseri, hello sa inyo diyan! Haha, parang kanina lang hindi kami magkakasama ah!

Salamat pala sa lahat! yun lang po, dahil wala na akong makwento! Isa akong silent-type, ya know. Halata naman, aight?

Je t'aime!

Kiitos!!

Always smile!

Be inspired!

P.S. Sa lahat ng mga naglagay ng story kong to sa kanilang reading list (kung meron man), maraming salamat po! Hindi ko na kailangan pang isa-isahin kayo! Salamat ulet! *kisses*

XOXO,

Shai~~

Continue Reading

You'll Also Like

171K 9.7K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
Gapang By vhfc_13

Short Story

16.6K 38 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
47.5K 199 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
145K 222 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂