Desperate Secretary (Complete...

By ifitsmeanttobe

2.8M 45.4K 6.8K

"I'll do everything just to have you.. cause i'm desperate.." More

Desperate secretary.
Chapter one.
Chapter two.
Chapter three.
Chapter four.
Chapter five.
Chapter six.
Chapter seven.
Chapter eight.
Chpater nine.
Chapter ten.
Chapter eleven.
Chapter thirteen.
Chapter fourteen.
Chapter fifteen.
Chapter sixteen.
Chapter seventeen.
Chapter eighteen.
Chapter nineteen.
Chapter twenty.
Chapter twenty one.
Chapter twenty two.
Chapter twenty three.
Chapter twenty four.
Chapter twenty five.
Chapter twenty six.
Chapter twenty seven.
Chapter twenty eight.
Chapter twenty nine.
Chapter thirty.
Chapter thirty one.
Chapter thirty two.
Chapter thirty three.
Epilogue.
Ramdom Facts and the Sequel ♥

Chapter twelve.

67.6K 1.2K 322
By ifitsmeanttobe

Chapter twelve.

"Doc, okay naman na po yung kaibigan ko diba?" Nagising ako ng marinig kong nagsasalita si Michie sa gilid ko. Unti unti kong minulat ang aking mga mata..nakita kong nandito kami sa isang private room ng isang hospital at kausap ngayon ni Michie ang isang Doctor na tumingin siguro sa akin.

"Mich?" Pang-iistorbo ko sa pag-uusap nilang dalawa. Agad agad naman akong nilapitan ni Michie saka ng Doctor.

"Oh Jam okay na ba yung pakirandam mo?" Tanong sakin ni Michie. "Okay na ako..umuwi na tayo." Sabi ko nalang sa kanya ng maka-upo ako galing sa pagkakahiga. Sa totoo lang medyo nahihilo pa ako pero ayoko dito sa ospital..pakiramdam ko kasi mas magkakasakit ako dito.

"Ahmmm Doc, pwede na po ba umuwi si Jam?" Tanong naman ni Michie sa Doctor. Sinulyapan ko nadin ang Doctor na tumingin sa akin.

"Ahh..yes pwede naman na siyang umuwi, pero Jam dapat wag ka masyadong ma-stress huh? Makakasa kasi yan sa baby mo.." Teka...ano ulet? Baby? Ako? Baby?

"Po? Ano pong baby Doc? Ibig sabihin..." Tanong ko sa doctor ko na gulong gulo...ako? Baby? Ibig sabihin..Omayghad..napahawak ako sa aking bibig na hindi napigilan ang pagbuka. Ghad..bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng tumango ang doctor sa harap ko. Ghad..omayghad..I'm pregnant..and Franco is the father..omayghad I can't believe this...tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko..hindi ako makapaniwala.

"Shh..shhh..okay lang yan.." Sabi sa akin ni Michie habang nakayakap at tinatahan ako. Mag kakaanak kami? May nabuo kami..omayghad. Hindi talaga ako makapaniwala.."Michie..we're going to have a baby.." Sabi ko ng nanghihina kay Mich..omayghad..I'm going to be a mother.

"Yeah...yeah..we..both of us are going to be a mother.." Sabi niya ng hinarap niya ako..umiiyak din siya..hindi ako makapaniwala..anong gagawin ko? Si Franco..paano ko sasabihin kay Franco?

"Jam, you should take care of yourself..pansin ko masyado kang stress..iwasan mo yun makaksama sa baby..niresetahan na kita ng vitamins..so far healthy ang development ng baby mo..maiwan ko na kayo, basta Jam huh..no stress for you, that's all..see you in your daily check up." Singit sa amin ni Doc bago siya tuluyang lumabas ng hospital room ko. Tinuon ko muli ang pansin ko kay Michie. "Mich, Franco need to know about this.." Sabi ko sakanya na parang siya nalang ang makakatulong sa akin makausap lang si Franco.

"NO!" Nagulat naman ako sa pag sigaw niya. Tinignan ko siya ng nagtataka. "Hindi mo sasabihin ang tungkol sa bata Jam..hayaan mo siya, tutal wala naman siyang pakialam sayo diba? Wala din siyang karapatan sa batang yan..nakita ko kanina kung paano ka niya binalewala. Paano kung hindi niya tanggapin yan? Wake up Jam!!! Don't be stupid!! Hindi ka niya mahal!!" Sigaw pa sa akin ni Michie..hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa mga sinabi niya. Hindi..karapatan ni Franco na malaman ang tungkol sa magiging anak niya..kaylangan namin mag-usap.

"Mich..kaylangan niyang malaman..anak niya 'to." Sabi ko sakanya habang patuloy padin ang pagdaloy ng mga luha ko. Kaylangan ni Franco malaman..paano nalang ang magiging anak namin kung wala siyang kikilalaning ama? Hindi pwede..maslalo ko siyang kailangan makausap ngayon dahil sa magiging anak namin.

"Jam, ano kaba naman?! Kelan kaba titigil diyan sa katangahan mo?! Pinagsabihan kita! Tigilan mo na'to!! Kanina nung hinahabol mo siya, alam mo bang nandun sa sasakyan niya yung babae niya?! Habang ikaw parang tangang humahabol, siya namang masyang masaya na nakasakay at umalis kasama ang babae niya! Tigilan mo nato! Maawa ka sa magiging anak mo!" Pangangaral ni Michie sa akin. Maslalong bumigat ang kalooban ko sa mga sinabi niya..masyado naba talaga akong naging tanga? Pero kasi..nagmamahal lang naman ako. Kaylangan ko siya..maslalo na ngayon. Kaso..tama ba ang bestfriend ko? Kaylangan ko na ba talagang tiglan 'to? Hindi ee..ang tanong kung kaya ko naba..kaya ko na kaya? Hindi ko na alam..nagpatuloy nalang ako sa pag-iyak.

"Mich..kaylangan ko kasi siya." Sabi ko habang humihikbi sa bestfriend kong tahimik na tinatahan ako. "Hindi Jam..kaylangan mong magpakatatag..yun lang. Kaylangan mong magpakatatag para sa anak mo..maslalo na sa sarili mo." Sabi niya sakin..pero hindi.. buo ang desisyon ko..kaylangan kong maka-usap si Franco..last na..last na try na..kapag wala na talaga..susuko na ako.

--------

Hinatid ako kinabukasan ni Michie sa bahay namin.. Naghanda ako para pumasok at makausap ni Franco..hindi ko muna sinasabi sa pamilya ko ang nangyayare sa akin..sasabihin ko nalang kabag okay at ready na ako.

Nakarating ako sa opisina at inasikaso ang mga dapat kong gawin. "Ahmm, Jam wala nga pala si Sir ngayon huh..ako nalang daw magsabi sayo..may ginawa siya sa Terminal 2 ee." Sabi sakin ni Karen na isa sa mga empleyado dito katulad ko. Tumango nalang ako, pupuntahan ko nalang siya sa penthouse niya mamaya para makausap ko na talaga siya..sana lang ay wala doon si Almira. Isang subok nalang naman ee..isa nalang.

Naging busy ang buong maghapon para sa akin..madami akong inasikaso sa trabaho ko. Mga schedule na inayos ko..mga kaylangan niyang reviewhin na inayos ko. Buong araw kong hindi nakita si Franco..inissip ko tuloy ano kayang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sakanyang buntis ako? Sasaya? Magagalit? O babaliwalaen lang din niya katulad ng ginawa niya nitong mga nakaraang araw sa akin? Iniisip ko palang ngayon..nasasaktan na ako, hindi lang para sa sarili ko kundi pati narin para sa anak ko. Pero naniniwala akong kaylangan niyang malaman..may karapatan siya kaya sasabihin ko sakanya.

"Ingat ka Jam!" Sabi sa akin ni Mark isa din sa mga empleyado dito ng makasalubong ko siya..nginitian ko nalang ito. Paalis na ako ngayon at papunta sa penthouse ni Franco..sigurado akong nandun nayun. Kaylangan talaga namin mag-usap ngayon..para sa magiging anak namin at kung ano na ba ang meron sa relasyon namin.

"Manong..royal towers po." Sabi ko sa taxing sinasakyan ko. Habang nasa byahe ako..iniisip ko lang ang mga mangyayare mamaya, matatanggap kaya ni Franco kapag sinabi kong magkakanak nga kami? Iiwan na ba niya si Almira..para sa amin? Paano kapag hindi? Paano kapag hindi niya tinggap ang magiging anak namin? Ngayon palang dinudurog na ang puso ko.

Nakarating na ako sa tapat ng royal towers..huminga muna ako ng malalin bago sumakay sa elevator paakyat sa penthouse niya. Habang paakyat ang elevator na sinasakyan ko..maslalong tumitindi ang kaba na nararamdaman ko. Kaba na baka sakaling hindi niya matanggap ang magigng anak namin. Patuloy lang ang pagdadasal ko na sana..wala si Almira..na walang maging panira sa magiging usapan namin ngayon, dahil sa ayaw't sa gusto niya..kaylangan namin mag-usap.

Nakarating na ako sa tapat ng penthouse niya..huminga ulitbako ng malalim bago pihitin ang door knob niya..pero bago ako tuluyang makapasok narinig kong may kausap siya..

"Alam mo pare?! Gago ka! Tangina mo! Wala kang kwenta! Bakit mo naman ginawa kay Jam yun?! Wala kabang puso?! Babae yun ee! Paano mo nagawang gawing panakip butas si Jam?!" Narinig kong sinisigawan ni Seb si Franco..oo si Seb, kilala ko naman kahit papaano ang boses niya. Sinabi ba sakanya ni Michie ang nangyayare sa amin? Saka...panakip butas? Ako? Natigilan ako..sa mga narinig ko kay Seb..ginawa lang akong panakip butas ni Franco? No....no...hindi..sabi niya mahal niya ako...no.

"Diba ikaw naman yung nagbigay ng payo sakin sa cebu?! Sabi mo para makalimutan ko si Almira, maghanap ako ng gagawin kong panakip butas?! Anong kinagagalit mo ngayon?! Oo! Ginawa kong panakip butas si Jam! Eh ano naman sayo ngayon yun?!" Napatakip ako sa bibig ko para mapigilan ko ang paghikbi ko dahil sa mga narinig ko kay Franco..panakip butas lang ako? Naniwala ako sa isang kasinungalingan..sabi niya mahal niya ako..hindi naman pala totoo.

Nakarinig ako ng pagkalabog..hindi ko sila nakikita kaya hindi ko alam kung anong nangayare sakanila..hindi padin ako makaalis sa kinatatayuan ko..gusto kong marinig ang lahat..lahat lahat.

"Gago ka! Wala kang kwenta! Almira? Almira parin? Pagkatapos kang lokohin binalikan mo parin?! Eh tanga ka pala ee! Tapos anong gianagawa mo?! Binabalewala mo yung taong sobra sobrang pagmamahal yung binibigay sayo. Hindi mo manlang pinapansin yung pagmamahal sayo ni Jam..hindi mo nanga pinapansin nakuha mo pang paglaruan tapos ngayon binabalewala mo na, para kanino? Sa isang taong minsan kanang niloko? Wala kang kwenta!" Narinig ko pang sabi ni Seb na maslalong nag paiyak sa akin..

Ngunit hindi ko na kinaya ng marinig kong sabihin ni Franco na "Hindi ko mahal si Jam. Siya itong lapit ng lapit, siya yung nagpaka-cheap na hinabol habol ako. Ayoko sa mga babaeng katulad niya..mga walang kwenta, na kayang ibigay lahat lahat..hindi manlang nakaka-challenge..isang mababang uri dahil siya mismo ang nagbibigay ng motibo. Nagkaton lang na kaylangan ko ng makakasama ng mga panahong nasaktan ako sa nalaman kong ikakasal na si Almira kaya ko lang siya pinatulan..pasalamat nga siya pinagbigyan ko pa siya ee dahil isa siyang malaking desperada." Mga katagang..nagpaguho sa mundo ko..mga katagang nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. Ang tanga tanga ko..bakit nga ba naniwala pa ako? Sana pala una palang hindi na..sana pala hindi ko nalang pinagpilitan yung sarili ko.

Bakit ganun? Binigay mo na nga lahat lahat..ikaw padin yung nagkulang? Hindi padin sapat? Hindi padin niya ako kayang mahalin?

Pinagbigyan? Pinagbigyan lang? Mababang uri ng babae? Cheap? Desperate? Yeah..oo nga pala..masyado akong nalunod sa pagmamahal ko para sakanya na ginawa ko yung mga bagay na akala ko..akala ko lang naman..maappreciate niya...na maiisip niya na buti nalang mayroong isang 'Jam' na mahal ako at handang gawin ang lahat para sakin..siguro nga kasalanan ko..dahil masyado ko siyang minahal na hindi ko na naisip ang iisipin niya tungkol sa mga ginagawa kong mga bagay para sakanya.

Tama si Michie..hindi na niya kaylangan malaman ang tungkol sa magiging anak namin at panahon na para maging matatag ako para sa anak ko..at para sa sarili ko..ngayon kaming dalawa nalang ang importante..kami lang..walang Franco.

Kasi ngayon...suko na ako.  

-------- 

Next update...Franco's point of view. ♥ 

 Dedicated to: DisenchantedNow. 

Vomments please :)))

|Ifitsmeanttobe| Jeron Teng's ♥ 

Continue Reading

You'll Also Like

128K 6.1K 52
True Colors Book Two.
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

109K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
6M 103K 49
Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit siyang tinatanggihan. Ngunit naging mapagb...
1.3K 79 8
I transmigrated to a fantasy novel where I became the wife of the vampire king-the main villain to the novel 'To My Sweet Nectar'. How to survive in...