My Bodyguard

By DisenchantedNow

9.7M 121K 5.6K

Dahil sa dami ng death threats na natatanggap ni Kristoffer para sa kanila ng anak niyang si Kyle, humingi na... More

My Bodyguard
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Epilogue

Fourteen

212K 2.7K 105
By DisenchantedNow

14

KYLE

"Maiah..." and there I saw them, Tony is holding Maiah's hand.

Nalingon nila akong dalawa. Nahalata ko sa mukha ni Maiah ang pagkagulat niya, at marahan niyang binawi ang kamay niya mula kay Tony.

While Tony is emotionless, hindi ko mawarian kung ano'ng tumatakbo sa isip niya ngayon.

"K-Kyle." si Maiah.

"I'm sorry for interrupting you. But I need to discuss something with you."

"What is it?" tanong niya.

Parang disappointed ang mukha ni Tony. Masyado bang mahalaga ang pinag-uusapan nila kaya ayaw magpa-istorbo? Well, I'm sorry, but she's my bodyguard. May karapatan naman siguro akong kausapin siya, di ba?

"Security matters. Is it okay, Tony?" at natingnan ko siya.

"Of course." Halatadong pilit ang ngiti na binigay ni Tony.

Para sandali lang, ayaw pang magpahiram ng girlfriend niya. Hindi ko naman aagawin.

"Sige na. We'll talk later." sabi ni Tony kay Maiah.

Tumango si Maiah bago sumama sakin.

***

"Kailangan pa ba nating pumasok sa kwarto mo?" kunot-noo niyang tanong.

Nalingon ko siya. "Bakit parang takot na takot ka? Natulog ka na nga kasama ko, di ba? Don't worry, I will never dare to rape you if that's what you're thinking. Alam ko namang aabangan ako ng boyfriend mo."

Hindi niya ako sinagot. At inirapan lang. Ang sungit talaga nito. Ang sarap halikan. Baka sakaling bumait.

"You just need to check on something. Nothing else." dagdag ko pa.

At nakapasok na kami sa kwarto.

"So, ano'ng ichi-check ko?" tanong niya.

"Well, it's about the security of my personal information. Paki-check naman kung well-secured, because there's someone who's sending me messages even though, I'm sure I didn't give any of my personal information to anyone else since it's strictly confidential." paliwanag ko.

"Do you have any idea who's sending you those messages?"

Well, I hate to answer the question but I have to. Ayokong kinocontact niya pa ako. Because she's fucking distracting me, and unfortunately, it's effective. I don't want to remember anything about us. I really don't want to, anymore.

Natingnan ko siya. "Yea... It's... my ex." tiim-bagang kong sagot. As much as possible, I don't want to mention anything about her, even her name. Lalo lang sumasakit ang puso ko.

She stares at me, intently.

"Let me see." walang emosyong sabi niya.

Nakuha ko ang laptop at binigay sa kanya.

***

MAIAH

"Yea ... It's... my ex."

Biglang may kung anong kumirot sa katawan ko. At agad kong nahulaan kung ano yon. Oo, yung puso ko. Kumirot. Nasasaktan. Alam kong mukha akong tanga dahil unang-una, wala naman akong karapatang masaktan, pero kailangan ko pa ring maramdaman ang ganito.

At bakit kailangan ko pa kasing magulat? Of course, may ex si Kyle. Sa gwapo at yaman ba naman niya, imposibleng wala siyang ex.

And it doesn't mean that there's no possibility that they'll be back together. He's almost perfect. Girls don't give up on him, that easily.

At base na rin sa expression ng mukha niya, parang may kung ano na pumipigil sa kanya para sagutin ang tanong ko. Parang may gumuhit na sakit sa mga mata niya. May nakita akong pait habang sinasabi niya yon.

At isa lang naman ang ibig sabihin nun. Na mahal niya pa rin ang ex niya. Kaya siya nasasaktan ngayon. 

Siguro kung akin ka lang, hindi ka masasaktan.

But let me remind you, myself. Kyle will never like you. Not someone like you. Kaya huwag ka ng mangarap. Huwag na huwag kang umasa.

I hate that I know it, but I have to.

"And I'll be a fool forever if I will not do anything to win you back."

That's one of her messages. And her name is Kate, base na rin sa username na gamit niya.

Of course, just what I thought. Nakikipagbalikan sa kanya si Kate. She wants him back, no matter what. HIndi ko na dapat ikagulat yon. Gaano kaya siya kaganda at kayaman? For sure, magkasing level lang sila. Parehong mayaman, parehong gwapo at maganda.

I sighed.

"Are you okay? May problema ba?" tanong niya. Oo nga pala, nasa tabi ko siya, at pinapanood ang ginagawa ko.

"Oo, ikaw." gusto ko sanang sagutin, pero syempre hindi, di ba?

Natingnan ko siya. Naalala ko ang sinabi ni Tony kanina.

"I hate how he's looking at you like he owns you."

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yon. At kung ano ang basehan niya. Wala naman kasi akong nakikitang kakaiba sa bawat tingin na pinupukol niya sakin.

I'm just an ordinary girl in his eyes.

"Seriously Maiah? Are you drooling over me, now?" natatawa niyang tanong. And it shows his perfect teeth.

Hindi ba ako mauubusan ng papuri sa lalaking to?

Tama na, wala naman akong mapapala. Hindi naman siya magiging akin.

"Bakit ba masyado kang mayabang? Hindi lahat ng babae ay gugustuhin ang kagaya mo." at parang gusto kong lunukin lahat ng sinabi ko.

"Bakit ka kasi titig na titig sakin?  May dumi ba ako sa mukha? Magsa-shower na ako kung nadudumihan ka na sakin."

"Akala ko kasi may muta ka. Wala naman pala."

"God, Maiah. You're gross."

"Ganyan talaga ang mga mayayaman, maaarte."

"But what I said is true."

Napanguso ako. At nagpatuloy sa ginagawa sa laptop niya, habang patuloy na dinidedma ang sakit na nararamdam ko.

"I'm going to call the team. Kailangan nilang mag-implement ng mas effective security for your personal information." sabi ko.

Tumango siya. "I want to delete all my personal information from the internet. And I don't want to receive any kind of messages from any other person, including her."

"But she's not anonymous. She's your ex." I manage to say it like it's normal.

"Huwag mo ng ipamukha yan sakin. I know it damn well. Kaya nga ayokong makareceive ng message sa kanya, eh. Anything from her." sabi niya.

I wonder why. Parang dinurog yata ni Kate ang puso niya dahil parang sobra ang hatred niya dito. Gusto ko sanang tanungin kung bakit. Pero huwag na lang. Baka lalong magsungit sakin.

"If that's what you want." tugon ko, at nilabas ang phone saka tumawag sa elite team para ipaalam ang gusto niyang mangyari. Shinut down ko na rin ang laptop at agad na binalik sa kanya.

"Are you going back to Tony?" tanong niya.

At agad ko siyang nalingon matapos kong makipag-usap sa team mate ko.

Napakunot noo ako. "Why?"

"Come with me. I want to go to the mall. I need to buy something."

"Hindi ka pwedeng lumabas, di ba? Masyadong delikado. Magpautos ka na lang sa security."

"Maiah, please. I need some distraction. I can't stay here for so long without doing something. Boredom is killing me already."

Napataas ang kilay ko. "You're too exaggerated."

"Yea, I know. That's why you should let me go out. Isa pa, kasama naman kita. Hindi naman ako aalis kung hindi ka sasama. Dahil alam ko naman na magagalit ka kapag ako lang ang mag-isa."

And there he is, nagpapacute na naman. Hindi ko alam kung sinasadya niya to but, I really find him extremely handsome right at this moment.

At gusto kong ngumiti dahil sa sinabi niya.

"Please, Maiah. Importante lang talaga. It will be very quick." and he's pleading, now.

Natingnan ko siya. Marunong din palang mag-please ang aroganteng to.

"Can you just say yes? Ang dami mo pang arte eh." iritado niyang sabi. Tingnan mo to. Ang bilis magbago ng mood, grabe.

"Tell me a valid reason why should I let you go out."

At natitigan niya ako ng seryoso. "Because it's for you." he almost whisper that to me.

What? Because it's for me? Parang umakyat yata ang dugo ko sa buong mukha ko. Bakit? Bakit para sakin? Ano'ng ibig sabihin niya na para sakin?

"O huwag ka ng magblush. Para yun lang, kinilig ka na agad. Hindi naman siguro magagalit si Tony kung extended ang paghiram ko sa yo, di ba? Magpaliwanag ka na lang sa boyfriend mo mamaya."

Nabisto tuloy ako na nagbublush. Lagi na lang kasing unexpected ang mga sinasabi niya. That's why I'm always caught offguard. At nag-aassume na naman siya na may relasyon kami ni Tony. Bakit ba pinagkakamalan niyang boyfriend ko yun eh hindi naman?

"Pwede ba magtigil ka na. Susuntukin kita dyan." saway ko kunwari.

Ngumisi siya at agad akong inakbayan. "Yan ang gusto ko sa yo, eh. Para kang lalaki kapag tinatakot mo ko. But don't try it, okay? Baka kasi masira ang mukha ko, sayang naman, wala ka ng tititigan." pang-aasar nito.

Ayoko sanang tanggalin ang kamay niya sa pagkakaakbay sakin, pero dahil inaasar niya ako, hinampas ko ang kamay niya.

"Don't be so childish, Kyle. Siguro kaya ka iniwan ni Kate dahil ganyan ka, no?" ganti ko sa kanya.

Pero nag-iba ang expression ng mukha niya pagkatapos kong sabihin yon.

Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo." malamig niyang sabi.

Napalunok ako. Bakit ko naman kasi sinabi yon eh halata namang, apektado pa rin siya kay Kate?

"I'll just go down." paalam niya at agad na tumalikod.

Pero hindi ko siya hinayaang tuluyang makalabas ng kwarto. Maybe he's just looking for some escape from what he's feeling right now. Wala namang masama kung pagbibigyan ko siya. Isa pa, kasama niya naman ako, and I know he will be safe, with me.

"Ayaw mo na bang lumabas?" lakas loob kong tanong.

Natigil siya at nalingon ako. And he gave me his best smile.

"Really?" tuwang sabi niya.

Tumango na lang ako at napangiti na rin.

***

KYLE

I didn't expect that she will say that. That, the reason why Kate broke up with me is because I'm acting like a child.

Even though it's not true, that still gave me so much to remember. Kung paano kami nagsimula, at kung paano kami nagtapos. Kung paano niya ako iniwan, at kung paano ako nasaktan. Na hindi ko naman kailangang maalala, at muling maramdaman. Dahil wala na. Tapos na ang lahat.

Damn you, Kate. Why do I still need to go through all of this? Ako ang nasaktan dito, bakit ako ang nahihirapan?

And it's really a good idea when Maiah agreed to go out with me. Hindi ko kayang magpirmi dito, ng walang ginagawa. Mababaliw ako, alam ko yan.

"Let's go?" tanong niya.

Pero napakunot-noo ako ng makita siya. Pants and a black top. Bodyguard na bodyguard pa rin ang dating.

"Don't you have a dress to wear?" kunot-noo kong tanong.

"Why should I wear a dress? Sasamahan lang naman kita. Isa pa, saglit lang naman tayo, di ba?" sagot niya.

Oo nga pala, hindi niya alam. Pero mas maganda kaya siya kapag naka-dress? Napangiti ako.

"Fine, then let's go."

At lumabas na kami ng kwarto.

Naabutan namin sila daddy sa sala, with Tony. Natingnan niya kaming dalawa. Yung seryosong tingin na gustong magtanong kung saan kami pupunta ?

"Oh, Maiah... Kyle... You're going out?" tanong ni Daddy.

"He wants to go to the mall. He's going to buy something important. We'll be quick, sir." sagot niya.

"We will go on a date, dad ... I mean, I'll just buy something. And you don't want me to go by myself, right? So she'll come with me. " and I saw how Tony reacted to what I said. Ang lakas ng buntong hininga na akala mo sobrang disappointed sa narinig niya mula sa akin. Well, it shows on his face.1 Gusto kong matawa. At halatang nagseselos siya. I'm sorry, Tony. But Maiah is mine, for now.

Nalingon naman agad ako ni Maiah na napakunot-noo. Pero nginitian ko lang siya.

"Okay. You should bring Maiah. I know you'll safe with her." tugon ni Daddy.

"I know, Dad." sang-ayon ko.

"We'll go now, sir." paalam niya.

Napatango si Daddy habang naglalaro ang ngiti niya sa mga labi. While Tony is helpless, na hindi man lang mapigilan ang girlfriend sa pag-alis.

Tinungo namin ang Audi na nakaparada sa labas.

"We should bring George. To drive." sabi niya.

"No need. I can drive. At sandali lang naman, di ba?" tanggi ko.

"Mahirap na, Kyle. Baka mamaya may umatake satin. Kailangan natin ng back-up."

"Hindi ko na kailangan ng ibang bodyguard, Maiah. Ikaw lang ang kailangan ko para protektahan ako. Wala ng iba." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 18.5K 68
I'm Lost, I'm suffered pero nagtiis ako, ganoon ko siya ka Mahal but I regret it I lose hope that everyone deserves sometimes i think i was wrong N...
326K 6.3K 31
Sabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She t...
614K 1.3K 7
Cleiya Delano has a boyfriend named Morgan Savedra, a successful bachelor in town and the new Chief Executive Officer of the Savedra Company. However...
145K 3.6K 59
Scarlet Kylie Harmony also known as a sky is a basketball player in SAINT AQUARIUS UNIVERSITY (SAU) In the championship sky games got affected afte...