The Red Assassin

By nicejan9single

26.1K 934 192

Si Cassandra Jane Santiago o mas kilala sa tawag na Cassie ay isang famous student sa school nila at isang ba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Acknowledgement

Chapter 8

888 37 8
By nicejan9single

"When everyone knows you're monsters. You needn't waste time doing every monstrous thing." - Six of Crows

Chapter 8

Napansin na kami ni Cynthia at agad yumakap kay Vincent na kinagulat naman nya.

"Oh my! Help me Vincent!"umiiyak ito habang mahigpit ang akap.

Huwat?! Hokage din tong si Cynthia! Tsansing lang naman kay Vincent!

Umirap na lang ako habang lumapit si Bryan at lumuhod upang inspeksyonin ang bangkay. Napansin ko naman na hinila na palayo ni Vincent si Cynthia.

Buti nga. Kababaeng tao ang manyak.

Umaagos pa rin ang dugo nito hangang sa may paanan ko. Lumuhod din ako at dinampi ang kamay ko sa sahig kung saan dumadaloy ang dugo.

"Santiago.."

Malagkit ang dugo. Hindi pa ako nakuntento at hinawak ko pa ulit ang kamay ko sa dugo. Hindi ko alam pero may kiliti sa tyan ko..parang nasisiyahan ako na may patay sa harap ko at may dugong umaagos sa kamay ko.

"Santiago!" Nagulat ako sa sigaw ni Vincent at hinila ako patayo.

"What the fuck are you doing!?" Hawak nya ang balikat ko. Galit at di mapaniwala ang boses nya. Parang bumalik naman ako sa wisyo ng narealise kung bakit sya galit.

What the hell...

Tinignan ko ang kamay ko na may dugo. Ano ba tong ginagawa ko?

Napatingin ako kay Vincent na namimilog ang mata. Nag igtim ang panga nya at saka suminghap.

"Pumunta ka sa kwarto ko at mag hugas ka."utos nya sa akin. Naninisik ang mata nitong agila at napapatingin ulit ako sa isang guhit ng peklat sa ibaba ng mata nya.

Napalunok ako at tumungo na lang. Natakot kasi ako sa ma awatoridad na boses nya na dapat wala na akong sasabihin at sumunod na lang.

Tumingin ako sa bangkay sunod kay Cynthia na nakakunot ang noo sa akin.

Hindi na ako napansin ni Bryan dahil busy na ito sa bangkay. Tumingin ako ng huling beses kay Vincent ngunit iba na ang expression ng mukha nya. Naging kalmado na at parang nag aalala.

Bumitaw na ang pagkakahawak nya sa braso ko.

Agad na akong umalis at sinunod ang gusto nya. Miski ako natakot din sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit natutuwa na lang ako kapag may dugo.

Hindi naman ako ganito dati kahit normal pa lang ang pamumuhay ko. Nag simula lang to nung nakita ko pinapatay si Ruby. Anong problema sa akin?

Tumingin ako sa salamin habang sinasabon ang dugo. Napansin kong namayat ako lalo. Nailagay ko ang kamay ko sa noo ko.

Gusto ko umiyak pero hindi ko magawa dahil para saan pa? Masasayang lang dahil hindi naman ako maiiligtas ng luha ko. Naalala ko yung sinabi sa akin ni General Topaz noon sa isang kulungan nilalagay ang mga may sakit sa Blood Lust dahil nagiging brutal daw ito sa pagpatay at hindi na nacocontrol pa. Yun ba ang sakit ko?

Pero paano mangyayare yon? I wasn't born to be like this. I mean hindi naman kriminal at psychotic ang mga magulang ko. Napalaki nila akong maayos pero bakit nararamdaman ko ito?

Lumabas na ako ng banyo ni Vincent at tumingin sa madilim nyang kwarto na tanging lamp shade lang ang pinagmumulan ng ilaw.

Pinagmasdan ko ulit ang mga libro nya. Napakadami. Hindi mo talaga aakalain na nerd sya sa itsurang nyang masculine at napaka gwapo.

At ang kama nyang may nakaibabaw na babae kanina. Napailing ako ng naalala ko ito. Ano kaya ang pakiramdam ng babae kanina habang nasa ibabaw nya ito. Pero wtf! Bakit ko naiisip yon? Naiingit ba ako?

No way Cassie, high class kang babae. Umupo na lang ako sa isang bilogan na sofa sa may gilid ng book stand. Pinisil ko ang sintido ko.

It's the start.

Nauna na si Ruby, sumunod naman si Steve. Mukhang balak kaming isa isahin ng murderer. Ibig sabihin lang nito.. No one is safe.

Ilang oras din ako nanatili sa kwarto ni Vincent ayoko pa kasi lumabas pakiramdam ko kasi impyerno ang bubungad sa akin kapag lumabas ako.

Atleast dito. I feel safe. I feel safe with him. Maya maya pa narinig ko bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang makisig nyang likod habang sinara na ang pinto.

"Vincent.." napatayo ako kinauupuan ko.

Lumingon sya gamit ang matapang nyang mata. Humarap sya sa akin at tumingin mula ulo hangang paa.

"Bakit nandito ka pa?"malamig ang tono ng boses nya.

Nilagay ko sa tenga ang isang hibla ng buhok ko at napakagat ako sa labi ko. "Natatakot ako Vincent.." Pag amin ko sa kanya. "Takot na takot na ako..." pinipigilan kong hindi mabasag ang boses ko.

Kumunot ang noo nya.

"Takot ako sa lugar na to. Takot ako sa mga taong nakapaligid dito.." isang luha na ang pumatak sa mata ko. Badtrip! Ayoko talaga umiiyak sa harap ng ibang tao dahil it shows weakness!

Lumapit sya sa akin hangang isang distansya na lang ang namamagitan sa amin. Mabigat ang tingin nya sa akin. Kita kita ko ang hugis agila nyang mata.

"At sa sarili ko natatakot ako sa sarili ko."

Pinunasan nya ang luha sa pisngi ko. "Don't cry." seryoso ang boses nya at masidhi nya akong tinitignan habang hawak pa rin ang pisngi ko

Dahan dahan lang ang pagpunas nya sa pisngi ko na para ba akong isang porcelana na dapat ingatan.

Bumaba ang tingin nya sa ilong ko pababa sa labi ko. Hindi ko din maiwasan sundan ang ginagawa nya. Hindi ko namalayan na ang lapit na pala namin sa isat isa at shet ang bango ng hininga nya.

Tumingin ito sa akin at ginilid ang ulo upang ipagtagpo na ang mapupula nyang labi....

"VINCENT!"

Bumukas bigla ang pinto at niluwa nito si Bryan na parang nakalunok ng microphone sa lakas ng boses.

Agad kaming kumalas ni Vincent sa isat isa. And awkwardness begins.

"Oopss." Isang nakatayong parang kawayan si Bryan matapos marealise kung ano ang nakita nya.

"Sorry guys ah kung may ginagaw--"

"Wala kaming ginagawa. Ano bang pinunta mo dito?"back to coldness si Vincent.

Inapir ni Bryan ang kamay nya. "Kasi nga bro delikado ang sitwasyon dahil wala pa rin tayong lead." Pag aalala ni Bryan at sinara ang pinto sabay pindot ng buksanan ng ilaw.

Dahil sa sinabi ni Bryan ay agad kong naalala ang dahilan kung bakit ako napunta sa hallway nila. Sinabi ko na agad ang nalalaman ko.

"Ferron?"pagtatakang tanong ni Bryan habang naka ekis ang mga braso.

Tahimik lang si Vincent na nakikinig. Hindi ko ba alam kung iniisip na ba na muntik kami mag kiss kanina o masyado lang akong assuming.

"Saka ito pa pala nakita ko ito na naiwan nung isang lalaki." Pinakita ko yung kwintas na may heart pendant at kapag binuksan mo yung pendant may picture na na nakalagay. Kinuha ito ni Bryan at binuksan. Namilog ang mata nito ng kung ano ang nilalaman.

Kumunot ang noo ni Vincent at hinablot ang kwintas sa kamay ni Bryan.

"Bro.." Malumanay na sabi ni Bryan.

Kung gulat na ang expression ni Bryan kanina ay mas halata ang pagkagulat ni Vincent.

"Bakit? Kilala nyo ba yung nasa picture?"pagtataka ko. Nakakapag aalala kasi yung mga itsura nila eh. Para bang hindi sila mapakaniwala sa nakita nila.

Tumingin sa akin si Vincent na nakakunot ang noo. Anong problema nya?

"Hindi kaya si Messiah ang may ari 'yan?" Sabi ni Bryan.

"Messiah?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wala ka na sa posisyon para magtanong pa Santiago." seryoso at malamig nyang sabi. Grabe! Ang taray naman! Parang kanina lang gusto nya ako halikan.

"Bryan sa H Dept tayo. Sunduin mo rin si Juliet. I need her there." kinuha ni Vincent ang leather jacket nya sa drawer at sinuot ito na parang nagmamadali.

"Sige."tugon naman ni Bryan na ngayon ay humarap sa akin at ngumiti. "Salamat sa information Cassie malaking tulong to." tumungo na lang ako atsaka sya lumabas ng kwarto.

Humarap naman sakin si Vincent. "Sleep here and lock the door."

Bago pa ako makapagsalita ay lumabas na sya ng kwarto. Iniwan ako nagiisa dito. Pero mukhang malaking clue yung picture sa kwintas. Sino kaya ang babaeng yon at ganon na lang ang reaksyon nila?

***

Nagising ako sa higaan nya na walang bakas na pumasok si Vincent sa loob.

Naiinis ako dahil hindi ko man lang alam ang ginagawa nya o bakit hindi ko pa dapat malaman ang bagay bagay.

Sinuot ko na ang booths ko at kumuha ng papel sa drawer ni Vincent.

"Thank you." Sulat ko sa papel na yon.

Lumabas na ako at dumeretso sa dining hall.

Nakita ko agad si Misty kasama si Elias sa iisang lamesa. Naaninag naman ako agad ni Misty at tinawag papunta sa kanila. Ngumiti ako sa dalwa at ganon din ang ginawa nilang dalwa. "San ka natulog kagabi? Wala ka ah. Akala ko ano na rin nangyare sayo."ngumunguya ito habang nagsasalita.

Paano ko ba sasabihin na natulog ako sa kwarto ni Vincent? Pero wala naman masama kung sabihin ko di ba?

"Nakitulog ako sa kwarto ni Vincent." walang buhay kong sabi sabay inom na tubig.

Bigla naman nabulunan si Misty at hinaplos naman ni Elias ang likod nito. "Mag ingat ka nga sa pagnguya" pagaalala ni Elias. Ang sweet ng dalwa to. Mag best friend lang ba talaga sila.

"Ano!? Nakitulog ka sa kanya!? Alam mo ba kung anong klaseng lalaki yon?!" Hindi mapakaniwala tanong nya sa akin. Kulang na lang lumuwa ang mata nya.

"Hinaan mo nga boses mo marinig ka nya nasa Pilot Assassin yon nakakatakot kalabanin ang ganong rango." Bulong ni Elias kay Misty. Umikot lang mata ni Misty at tumingin ulit sakin.

"Wala naman syang ginawa sayo?" mabusisi ang mata nya. Napalunok naman ako.

Paano kaya kung hindi dumating si Bryan? Nag kiss kaya kami or more than that ang magagawa namin? Kyah! Ang landi mo Cassie!

"Wa-wala." Nauutal pa ko.

"Buti naman. Mahilig kasi sa babae yan si Vincent araw araw ko atang nakikita may babae yan palabas labas ng kwarto." Balik ulit sa pagkain si Misty.

Parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Napaisip tuloy ako kung isa ba ako kagabi na dapat bibiktimahin nya.

"Hindi ba kayo natatakot sa sunod sunod na pagpatay?" Pag iiba ko ng topic. Baka ano pa kasi ang malaman ko sa kanya na di ko matangap.

Hindi ko nga alam kung ano ba tong nararamdaman ko sa kanya. Parang gusto ko lagi syang nakikita.

Tumingin sa akin si Elias at umiling "We've been mold to be brave hindi na kami takot sa ganon bagay. Isa pa may kumakalat na balita."

"Ano yon?"umaayos ako ng upuan nagiging interesado na kasi ako sa usapan.

"Messiah is coming." malalim na sambit ni Misty.

"Sino yon?"

"Hindi ko din alam pero ang sabi noon anak daw yon ng General at kapatid ni Vincent na nagbabadyang maghihiganti."sabi ni Elias at sabay kagat sa mansanas.

May kapatid pala si Vincent. Sumandal ako sa upuan. Kaya naman pala mukhang gulat na gulat si Vincent kagabi.

Pero ang pagkakaintindi ko hindi naman sya yung babae sa picture na nakalagay sa pendant.

"Tsismis lang naman yon. Hindi alam kung bakit maghihiganti si Messiah." Ani ni Misty.

"Babae ba yung Messiah?" Sabi ko.

"Hindi din namin alam. Pero sya ang pinagduduhan na ang may gawa ng lahat ng pagpatay. Maaring pinipigilan nya ang pagdeklara ng Red Assassin. At..." Pabitin na sabi ni Misty.

Kumunot ako sa ginawa nya habang tumingin sa paligid. Nasa ibang table kasi ang Curse 12. Pinalapit ako ni Misty sa kanya upang ibulong ang kadugtong ng sasabihin nya.

"Isa sa ating Curse 12 si Messiah na nagpapangap lang na ibang pangalan." Napablink ang mata ko kay Misty at Elias.

Lumunok ako. Ibig sabihin lang hindi talaga kami ligtas kung totoo nga ang sinasabi ni Misty.

Pero sino sa Curse 12 si Messiah?

***

Nasa training arena na kami. Nakasuot kami ng black leather pants at tshirt na black. Lahat sila ay busy sa pag eensayo. Habang ako kay nakapalumbaba lang sa isang bench.

"Hoy Cassie wala kang balak mag ensayo?" Sabi ni Misty habang sinusuntok yung punching bag.

Umiling ako. "Nakakatamad kaya. Papawisan lang ako."

Bigla syang napanga nga sa sinabi ko at umiling. "Sira na ba ulo mo? O baka naman magaling ka na kaya di ka nageensayo?"

"Di ah wala nga akong balak sumali dito."

"Huh? Eh bat ka nandito?"

"Para hindi kasi ako patayin ni Vincent kailangan kong sumali dito." Ngumisi ito. "Ang hirap ng sitwasyon mo. Parang tumatapak ka sa isang basag na bote."

Tama si Misty. Parang naglalakad ako ngayon sa basag na bote. Masakit sa paa. Pero kapag hindi ka lalakad lalo lang didiin ang mga bubog sa paa mo.

I don't know how far I can make it. But as far as I'm alive I will try to live and came back to my original life.

Magagawa ko lang yon kung magiging assassin ako.

"Cassie." Napatingin ako kay Misty at nakanguso ito sa may pinto. Kaya naman tumingin ako don at nakatayo ang lalaking nagdala sakin dito.

Nakatingin ito sa akin. Agad nya niliko ang ulo nya na sinasabi na sumunod sa kanya at umalis na sa kinatatayuan nya.

"Mukhang mag eensayo na kayo." Sabi ni Misty.

Tumayo na ako para sundan sya ng hawakan ni Misty ang braso ko."Mag iingat ka sakanya. He's an evil."bulong nya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nya. Oo alam kong arogante at tuso nga si Vincent pero yung boses ni Misty parang napakadelikado tao ni Vincent.

Tumungo na lang ako at lumabas na ng training arena. Sinundan ko na si Vincent na nakasuot ngayon ng leather jacket at denim pants.

Nangangamao yung kamay ko. Nababahala ako sa sinabi ni Misty. Kailangan ko nga ba mag ingat sa kanya? Na sya na lang matuturing kong pwede pagkatiwalaan?

Tahimik ko lang sinusundan habang nadadaan namin ay puro hagdan pababa. Hindi ko alam kung san nya ako dadalhin pero mukhang sa basement ng institute ito.

"Vincent san ba tayo?"

"Sumunod ka na lang." Di man lang sya lumingon. Nakakapagod na kaya.

Malamig na rin sa banda dito. Hangang sa nakita ko pumasok sya sa isang pinto. Nasa harap na ako ng pinuntahan nya.

Tumingala ako sa hagdan mukhang malayo tong pinuntahan namin.

"Pasok na, Santiago." Nagitla ako sa echo na nanggagaling sa kwarto na iyon.

Alinlangan man ay pumasok na ako sa loob.

Nang pumasok ako puro salamin at nakikita ko ang sarili ko na buhaghag na ang buhok. Shit. Ang bilis nawala ng rebond ko.

Nagulat ako sa pagsara ni Vincent sa pinto at narinig ang paglock nito. Shit again. I feel uncomfortable. What if he rape me here? The fuck.

Pero nawala na ang masasamang daydream ko ng may binuhos sa akin sa Vincent.

Basa lahat ng katawan ko. Higit sa lahat mas nagpalaki ng mata ko na hindi tubig ang binuhos nya ngunit isang....dugo. "Vincent!"

Tumingin ako sa kanya ngunit walang expresyon ang mukha nya at may kinuha sya sa may likod nya.

Tinutok nya sa akin ang baril.

"Sabihin mo Santiago. May laman bang bala ang baril na hawak ko?" malamig ang boses nito. Ni hindi ko sya nakilala kung sya nga ba ang nasa harap ko.

"Tangina Vincent. Ano to?"

"Pag sinabi mo wala. Ipuputok ko sayo ang baril na to. At kapag sinabi mong meron....ipuputok ko sa sarili ko."

"Can you stop this?"

Naloloka ata ako sa sinasabi nya pinapapili nya ako kung kaninong buhay ang maalanganin.

"Sagot Santiago!" Galit na ito. Hindi ako makasagot dahil bukod sa dugo sa katawan ko hindi ko alam kung parte ba to ng training o gusto nya lang akong patayin talaga!

Continue Reading

You'll Also Like

129K 3K 55
She maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would sh...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
201K 8.4K 18
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
174K 4.4K 54
Highest rank achieved: #10 on Humor Category Si Snow White Manalastas ay kilala bilang isang babaeng may natatanging ganda, may mala-porselanang bala...