She's the Gangster's Bitch...

By niknicx

1.9M 29K 2K

So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay R... More

Important Matters
Prologue
Prologue - FULL VERSION
Chapter 1 - "The Flashback Starts"
Chapter 2 - "Meet THEM"
Chapter 3 - "First Day - Part One"
Chapter 4 - "First Day - Part Two"
Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."
Chapter 6 - "Contest Jitters"
Chapter 7 - "The Contest"
Chapter 8 - "Who is he?"
Chapter 9 - "Suspicions"
Chapter 10 - "She's Broken"
Chapter 11 - "Victory Party"
Chapter 12 - "Challenge Accepted"
Chapter 13 - "Bitch's Plans"
Chapter 14 - "Hello Singapore!"
Chapter 15 - "Falling"
Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."
Chapter 18 - "His or His Moves?"
Chapter 19 - "Let me Court You"
Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"
Chapter 21 - "Tanoli 101"
Chapter 22 - "Twisted Mind"
Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"
Chapter 24 - "Without Him"
Chapter 25 - "Revelation"
Chapter 26 - "Everything has Changed"
Chapter 27 - "Everything About HIM"
Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"
Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"
Chapter 30 - "Dark Agenda"
Chapter 31 - "The Hunter's Burden"
Chapter 32 - "Is it Over?"
Chapter 33 - "The Traitor"
Chapter 34 - "The Wedding"
Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"
Chapter 36 - "Commander's Revenge"
Chapter 37 - "Jasmine on Duty"
Chapter 38 - "Her Lost"
Chapter 39 - "The Bitch is Back"
Chapter 40 - "Parting Time"
Chapter 41 - "Mr. Adriano"
Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"
Chapter 43 - "Grand Ball - Part 2"
Epilogue

Chapter 17 - "Boy Next Door"

38.7K 543 14
By niknicx

Yuri's POV

"So, I guess you're the famous Chester Adriano.", narinig kong sabi ni Lester habang nakapatong yung ulo ko sa balikat ni Chad.

Magkakilala ba sila? Bakit biglang naiba kinikilos ng Chad ko? OMG, nagseselos ba siya? Hahahaha! Possessive pala ang Chad ko ha. Hahaha! Echos! Asa naman akong nagseselos nga to.

"Ako nga, may problema?", sagot ni Chad. ANG TARAY! Pinag aagawan ako ng dalawang cutipie! Iba na talaga pag mala dyosa ang kagandahan! Hahahaha! Chos lang ulet.

"Wala naman pare, nag uusap lang kami ni Kiana, pero bigla kang sumingit, yun lang naman.", sagot naman ni Lester habang deretso ang tingin.

"Ah, ganun ba? Pasensya na pare, pero kami lang naman ang magkasamang nagbakasyon kaya siguro naman may karapatan akong kausapin din siya.", ANO BANG NANGYAYARE!

"Humahaba lang ang usapan na to wala namang katuturan, dederetsahin na kita, gusto ko si Kiana, baket, ikaw ba gusto mo siya?"

Seryoso ba talaga si Lester? Biglang natahimik si Chad, hindi siya nakasagot. Hindi rin ako makapagsalita kahit gusto ko silang pigilan sa sagutan nila, dahil umaasa at naghihintay pa rin ako na sasagot si Chad, na gusto din niya ko. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya, hay buhay.. Ano pa nga ba kasi ang inaasahan ko.

"See? Oo o hindi lang di mo pa masagot. Hahaha! Ganyan pala kaduwag ang sikat na sikat na Chester Adriano."

"Ano ba Lester, hindi mo kilala si Chad kaya wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan.", grabe ha, hindi na ko makapagpigil. May kakapalan din pala ng mukha tong lalaking to. Feeling close?

"Ooops, I'm sorry my dear Kiana. Hindi ko lang maisip na kahit dinedeny ka na ng Chester mo, eh nagagawa mo pa rin siyang ipagtanggol. If I were you, ibang lalaki nalang ang gustuhin mo. Excuse me, punta lang ako sa restroom.", tapos tumayo na si Lester at naiwan kaming dalawang nakaupo at naghihintay na magtake off yung plane.

Pag tingin ko kay Chad, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Hindi ko na muna siguro siya kakausapin, bad mood to ngayon. Alam kong mali si Lester sa ginawa niya, pero sa kabilang banda, tama rin naman siya eh. Bakit nga ba si Chad pa yung hinahabol habol ko, e ayaw naman niya saken? Ang dami namang lalaking humahabol saken, nanjan naman si Eyd, na mukang nagsisi na sa ginawa niya saken nun.

Buong byahe, wala nang nagsalita saming tatlo. Si Chad, binalik na yung earphones sa tenga niya, pati na rin yung eye mask. Si Lester naman, may binabasa na magazine about sa photography. Ako? Naglalaro lang ng zombie tsunami sa tablet ni Chad. Lumang tablet niya to na nandun sa townhouse na tinuluyan namin.

Apat na oras ang flight, at ngayon, nasa Manila nanaman kami. Back to normal nanaman ang lahat, balik trabaho sa Makoy's mamayang gabi, at balik school na rin bukas dahil Monday na.

"Chad wait lang! Punta lang ako sa restroom.", sabi ko kasi hindi ko na mapigil eh, naiihi na talaga ko.

"Sige, kunin ko nalang maleta mo.", sbe niya tapos tinalikuran na ko, as always. Kaya ayun, nagmadali na kong pumunta sa restroom. Teka, saan nga ba yun! Magtatanong nalang ako sa guard.

"Ah, kuya, saa--------"

"Restroom? Samahan na kita, dun din punta ko.", pagharap ko kung sino nagsalita, si Lester lang naman. Bakit ba ang hilig ng mga tao sa paligid ko na putulin yung mga sinasabi ko?

"Dun din punta mo???"

"Hahahaha! Syempre hindi sa restroom ng babae. Magkatabi lang namang lagi ang cr ng lalaki at babae di ba?", sabi niya tsaka naglakad palayo, sumunod naman ako kasi nga dun din punta niya. Nagpasalamat nalang ako kay manong guard kahit di naman siya nakatulong. Haha.

So ayun na nga, nakarating din kami sa wakas at nailabas ko na rin lahat ng laman ng sexyng pantog ko. Nagretouch na din ako ng konti sa salamin sa loob. Konting suklay at face powder lang naman, at voila! Dyosang dyosa nanaman ang beauty ko! Ops! Natural beauty to noh! Hindi ako nagmake up, kasi nga sabi ni Chad ayaw daw niya ng make up ko.

Pagkatapos kong magretouch, lumabas na din ako agad kasi baka naghihintay na si Chad saken. Alam niyo naman yun, laging nagmamadali, baka iwan nalang ako bigla. Pero paglabas ko, nakita ko nanaman si Lester, nakasandal sa may hallway na papunta sa mga restrooms.

"Oh Lester, bakit nanj----", BAKET BA AYAW NILA KONG PATAPUSIN LAGE SA SINASABE KO? Parehong pareho sila ni Chad!

"Kiana, anong phone number mo? Sabe kasi nung friend ko, may photo shoot ka daw ulit sa next week. Hindi ko pa alam kung siya o ako ang photographer, para lang mainform kita."

Ibibigay ko ba number ko? Di ko pa siya masyadong kilala eh, kahit bitch ako hindi naman ako basta basta nagbibigay ng number noh! Pero trabaho din to eh, sayang naman kung mawawala. Kaya ayun, kinuha ko na yung phone sa bulsa ko tapos hinanap ko yung number ko, hindi ko kasi kabisado eh. Hahaha! Sorry naman! Di lang talaga ako magaling magmemorize. Kaya nga hindi ako nag artista, ang hirap magmemorize ng script!

"O sige, pero wag mo bibigay sa iba ha."

"Sure! Promise!", tinaas pa niya yung right hand niya, sign ng promise tapos kinuha na niya yung phone niya tsaka ko inabot yung phone ko para makopya na niya yung number.

"There you are. Kanina pa kita hinihintay, let's go?", sabi ni Chad habang naglalakad papunta saken, hatak hatak yung maleta ko. Nang makalapit na siya, bigla niya kong hinawakan sa kamay para akayin palayo kay Lester. Ni hindi manlang niya to tinignan. Pero bago ang lahat, KINIKILIG AKO! OMG! Hawak ni Chad my loves yung kamay ko!!! :))))))

"Ahh, wait lang Chad! Yung phone ko kasi na kay Lester pa.", napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko yung phone ko.

"Bakit nasa kany---- er, sige ako na kukuha, stay here.", tapos binitawan niya yung kamay ko tsaka pumunta kay Lester. Hindi na ko umalis sa pwesto ko, tinignan ko nalang si Chad habang papunta kay Lester. Ang sexy talaga niya maglakad! :))

Nang makalapit na siya kay Lester, inabot agad nito sa kanya yung phone ko, sabay talikod agad ni Chad. Ano kaya problema nito kay Lester? Nang pabalik na sa kin si Chad, nakita kong bumuka yung bibig ni Lester na parang may sinabi tapos napahinto naman si Chad sa paglalakad. Hindi ko narinig kung ano yung sinabi ni Lester, kasi mejo malayo sila pero bigla akong nacurious.

"Let's go. May meeting pa ko.", nagulat ako nang magsalita sa harap ko si Chad, masyado pala ko napaisip kanina. Hinatak na ulit niya yung maleta ko, kasi nga wala naman siyang dala kahit ano.

"Ihahatid ka ng driver ko sa bahay niyo."

"Ah, Chad, hindi na kailangan. Mag tataxi nalang sigu----"

"No! Ihahatid ka, hassle ang taxi.", sabe niya.

"At isa pa, delikado."

"Ha? Anong sabe mo Chad?", mau binulong kasi siya, di ko naintindihan, ang hina kasi eh.

"Ayun na si Mr. Gomez, driver ko.", sabe ni Chad habang tinuturo yung lalaki na kakababa lang ng kotse sa harap namin.

"Good afternoon sir! Siya po ba si Ms. Chua? Halika na po Miss, ihahatid na po kita.", tapos kinuha na siya yung maleta ko na hawak ni Chad, tsaka nilagay sa likod ng kotse.

"Ah, sir, yung kotse niyo po okay na, nakapark na po doon.", tinuro naman ni Mr. Gomez yung kotse ni Chad. Hindi ito yung kotseng pinabutasan ko yung fuel tank, iba nanaman to.

"Sige Mr. Gomez, ihatid mo na siya.", utos na ulit ni Chad.

"See you tomorrow, I guess.", sabe ni Chad na nakaharap saken. At syempre, ano pa bang bago dun? Bago pa ko makasagot, tumalikod na siya at naglakad papunta dun sa kotse niya.

"BABAY CHAD MY LOVES!! SEE YOU TOMORROW!", kaya ayan, sinigaw ko nalang! Hahaha! Papayag ba kong hindi makasagot? Kahit hindi manlang niya pinansin, at least nakasagot ako!

"Halika na po Ms. Chua.", binuksan na ni Mr. Gomez yung pinto ng kotse sa likod. Nakanaman oh! Ang sarap naman ng buhay mayaman!

Naalala ko tuloy nung buhay pa sila mama at papa, ganito rin kami noon eh. Namiss ko tuloy bigla si Manong Jun, yung driver namin dati, kasabwat ko yun sa kalokohan nung highschool. Nasan na kaya siya ngayon?

"Ah, Ms. Chua, saan po ba kayo sa ihahatid? Turo niyo nalang po sa akin.", tanong niya nang magsimula nang magdrive paalis sa airport.

"Sure Mr. Gomez! Sa Katipunan po ako. Ah teka! Masyado naman po tayong pormal. Haha! Yuri nalang po tawag niyo saken. Kayo po ba,a nong pangalan niyo?"

"Ang ganda naman pala po ng pangalan niyo Ms. Yuri. Ako nga pala po si Richard.", WOW! Hahahaha!

"Naks naman! Artistahin pala kayo manong eh. Richard Gomez? Astig!", hahaha! Ang galing ng pangalan ni Manong!

"Ay nako Ms. Yuri, ginaya lang ako nun. Mas matanda namana ko kay Richard Gomez kaya ako yung ginaya niya."

"Hahahah! Nakakatuwa naman po kayo manong Richard. Matanong ko nga po, matagal na po ba kayong driver ni Chad?"

"Ah, Chad pala po ang tawag niyo kay Sir Chester. Mmm, 3 years old palang po si Sir Chester nang magsimula ako sa kanila."

"Ay, ang tagal niyo na pala sa kanila manong."

"Tama po kayo Ms. Yuri, sa totoo lang po, tumagal lang ako sa trabaho na to dahil kay Sir Chester, napamahal na po saken si Sir, tinuturing ko na po siyang parang totoong anak, lalo na nung namatay yung anak ko na halos kaedad lang niya."

"Ah, sorry po Manong Richard. Alam niyo po, wala na din ako mga magulang kaya naiintindihan ko po nararamdaman niyo.", namiss ko nanaman sila mama at papa, haaay.

"Pareho pala tayong nawalan ng mahal sa buhay Ms. Yuri. Si sir Chester din po, masyadong naging masakit sa kanya ang pagkawala ng kuya niya, kaya kung mapapansin niyo po, lagi lang siyang tahimik at seryoso ngayon.", patay na yung kuya ni Chad? Kaya pala hindi ko yun nakikita.

"Mmm, manong, pwede ko po bang malaman kung ano kinamatay ng kuya ni Chad?", hindi ko na napigilan magtanong, syempre gusto ko din malaman kung ano nangyari.

"Sa totoo lang po, hindi pinagsasabi ng pamilya nila kung ano ang nangyari, pero dahil kaibigan naman po kayo ni Sir Chester, okay lang naman po siguro na malaman niyo, wag niyo nalang po ipagsabi sa iba."

"Oo naman manong, muka lang akong tsismosa, pero marunong naman akong magtago ng sikreto, lalo na kung seryosong bagay."

"Mabuti naman po kung ganun. Napakabait po ni Sir Kent, close na close sila ni Sir Chester. Si sir Kent po ang lageng kakampi ni Sir Chester, lalo na pagdating kay Ma'am Cynthia, dahil nga po sobrang strikta nito."

"Five years ago, nagkaron po ng girlfriend si sir Kent, kaya lang, tinutulan po ni Ma'am Cynthia yung relasyon nung dalawa, dahil isang mababang klase daw ng babae yung napili ni Sir Kent, at makakasira daw sa image at negosyo ng Adriano Family. At dahil nga po likas na may pagkarebelde si Sir Kent, pinaglaban niya yung girlfriend niya, tumakas siya sa mansyon, nagpasama siya sa anak kong si Michael para ihatid siya sa airport kung saan magkikita sila nung babae para mangibang bansa na."

"Kahit tutol si Sir Chester, hinayaan nalang niya ang kuya niya dahil alam niya dito ito magiging masaya, tumulong pa siya sa preparasyon ng pag alis ng kuya niya. Kaya lang, hindi inaasahan ng lahat na habang papunta sila sir Kent sa airport, naaksidente silang dalawa ng anak ko, si sir Kent ang nagdadrive, pero alam kong wala siyang kasalanan dahil bigla nalang may bumanggang truck sa kanila habang nakahinto ang kotse sa may traffic light. Mula po noon, nagbago si Sir Chester, hindi na siya masayahin katulad ng dati. Siguro sinisi rin niya ang sarili niya dahil hinayaan lang niya ang kuya niya na umalis na naging dahilan ng pagkawala nito."

"Itinago ni Ma'am Cynthia ang pangyayari dahil ayaw niyang kumalat, lalo na sa media ang naging dahilan ng pagkamatay ni Sir Kent, yung pagrebelde nito dahil nga daw po sa mamabang klase ng babae."

"Sorry po ulit sa pagkawala ng anak niyo Manong Richard. Salamat din po sa kwento, asahan niyo po na walang ibang makakaalam nito. Ah, manong, jan nalang po ako sa kanto.", hininto naman ni Manong yung kotse para makababa na ko. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.

"Salamat po ulit manong ha! Ingat kayo!", kumaway na ko at hinintay nalang na pumasok na ulit si Manong sa loob ng kotse.

Ganun pala kasaklap ang nangyari. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, naiintindihan ko si Chad. At siguro, dapat ko na ring tanggapin, na hindi ko pwedeng ipagsisikan ang sarili ko kay Chad, dahil alam kong hindi pwede. Hindi pwede dahil sa ngayon, mababang klase rin  ako ng babae katulad ng naging girlfriend ng kuya ni Chad. Ayokong maulit sa kanya ang nangyari sa kuya niya.

"KIANA!"

"AY SEXYNG PALAKA!", ano ba naman! Nag eemote pa kong kasalukuyan, nasira tuloy! Teka, bakit nandito to?

"Ano ba yan! Kanina sa eroplano, sexyng kalabaw ako, ngayon naman sexyng palaka! Hahaha! Hayop ba talaga tingin mo saken? Ang gwapo ko kaya!", mahangin din talaga to e noh! Oo na! Gwapo na siya! Pero mas gwapo pa din Chad ko!

"E baket ka ba nandito? Stalker ba kita?"

"Sus! Sabi ko nga, ang gwapo ko diba? May stalker ba na gwapo? Admirer! Admirer ang tawag sa mga katulad ko."

"Kapal... Tsss. E bakit ka nga kasi nandito?", dapat ba kong mainis sa taong to?

"E kasi po, jan ako nakatira. Jan oh!", OMG! Hindi pwede to. Yung tinuturo niyang tinitirahan niya, ay yung apartment na kadikit pader lang ng inuupahan namin ni Jasmine!

Hindi pwede toooooooo.............!!!!!!!!

*****************************

BEHIND THE SCENES...........

Yuri: Hoy MY_MICH05, anong maganda pag may inaaway ako? Gusto mo bang awayin din kita ha? At ikaw naman KAYETANG, sinong YUCK HA! Baka ikaw! Pakitantanan lang ang pagtawag mo ng CHADDIE sa Chad ko! Kurutin kaya kita sa eyeballs! Pag ganitong mainit ang ulo ko dahil may pinasok na epal si NICX sa storya ko, wag niyo kong aasarin.

Nicx: Ah ganon, inaaway mo kaming lahat ha? Gusto mo bang bigyan ko ng ibang ka-loveteam si Chester?

Yuri: Ano ka ba Nicx, pinagbibigyan ko lang ang gusto ng reader mong si MY_MICH05, maganda daw pag may inaaway ako. Utang na loob mo yon saken dahil pinagbibigyan ko gusto ng reader mo noh!

Chester: Yuki.

Yuri: WAAAHHH! Yes Chad my loves?? O siya, dahil masaya na ko at tinawag ako ng CHAD KO, kakalimutan ko na ulit na kaaway ko kayo. Baboo!

[a/n: Pasenya na po ulit MY_MICH05 at KAYETANG, bitch talaga tong bida ng storyang to, iskandalosa pa. Si Chester lang makakapagpakalma jan, kaya intindihin niyo nalang. Hahaha! Picture nga pala ni Lester sa side.. Crush ko yan :D ]

Continue Reading

You'll Also Like

3M 38.2K 75
What will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema...
2.3M 67.8K 75
NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine and please accept my gratitude for readi...
789K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...
757K 37.5K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...