Vampire City: Not Your Ordina...

By Thyriza

9.1M 213K 16.6K

[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry... More

Foreword
Prologue
Chapter 1 - Escape in my pedestal
Chapter 2 - The Vampire City
Chapter 3 - Hansel Kang
Chapter 4 - His stare
Chapter 5 - Crazy girl + short-tempered guy = Explosion
Chapter 6 - His Reason
Chapter 7 - Nightmare
Chapter 8 - The Tournament
Chapter 9 - The Revelation
Chapter 10 - He Loves me. He's a vampire
Chapter 11 - Her warmth
Chapter 12 - The Sanguinarians
Chapter 13 - Jealous Prince
Chapter 14 - The Royal Family
Chapter 15 - Eclipse
Chapter 16 - The Antagonist love
Chapter 17 - His strength is his weakness
Chapter 18 - I love you
Chapter 19 - Pop pop
Chapter 20 - Bitch Please!
Chapter 21
next please>>
Chapter 22 - Endearnment, Love, and Jealousy
Chapter 24 - Dancing in the Rain
Chapter 25 - Proclaiming her Defeat
Chapter 26 - Home
Chapter 27 - Boybawang
Chapter 28 - Surprise
Chapter 29 - Confessions
Chapter 30 - Meet the Parents
Chapter 31 - First month of Love
next please>>
Chapter 32 - A Daughter's Cry
Chapter 33 - Leaving
Chapter 34 - Again
Chapter 35 - For her happiness
Chapter 36 - Mourning
Chapter 37 - Her life after
Chapter 38 - Reunion with Erina
Chapter 39 - Arrogant Guy
Chapter 40 - Let us love
Chapter 41 - Signs, Dream & Flashback
Chapter 42 - The Same or Different Person
Chapter 43 - The Island
Chapter 44 - Return to Vampire City
Chapter 45 - Breath
Chapter 46 - She's Psycho
Chapter 47 - Remembering
Chapter 48 - Truth be told
Chapter 49 - Turning
Chapter 50 - Forever and Eternity
Epilogue
TAKE TIME TO READ (Thank you message, FAQ's, Announcement, etc)
This Chapter was Deleted! Proceed to next.
HONEYMOON - Special Chapter
Paranoid Wife (Special Chapter)
Published!

Chapter 23 - My Persistent Soon to be Pervert Husband

163K 3.3K 783
By Thyriza

Chapter 23

Ingrid's POV

HINDI ko alam kung matatawag kong anghel si Denver. Because everytime Maxhene tries to seduce Hansel, dumadating siya at sinasabing fiancée niya 'to.

Nakikita ko naman na inis na inis dito sa Maxhene pero somehow natutuwa ako para sa kanila. Halata naman kasing hindi gusto ni Maxhene si Denver, eh.

"Ingrid..." tawag sa akin ni Hansel.

"Bakit?" I said without looking at him. Nagbabasa kasi ko ng cookbook. Gusto ko kasing matutong magluto. Napansin ko kasing nangangayayat ako. Siguro kasi puro instant foods ang kinakain ko.

"Matagal ka pa ba diyan magbasa?" he asked. Tumango lang ako.

"Pupunta tayo ngayon sa plaza, eh. May movie marathon na naman doon," sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood ngayon para lumabas. Ang lamig na rin kasi rito since malapit na ang Ber months.

"Ingrid..."

"Hmm,"

"Pansinin mo kasi ko,"

"Busy ko. Mamaya na lang. Or better yet, bukas na lang. Matutulog ako after nito. Gusto kong bumalik sa dating oras ng pagtulog. Hindi mo ba napapansin ang payat ko na."

"Maganda ka pa naman eh,"

"Kahit na. Gusto mo ba ng girlfriend na buto't balat?"

"Haay naku. Hindi naman kita nagustuhan dahil sa katawan mo, eh," may iritasyon sa boses niya kaya nag-angat ako ng tingin.

"Health ko ang pinag-uusapan dito, Hansel. Sana maintindihan mo ako," paliwanag ko sa kanya pero hindi siya umimik. Napansin niya atang hindi niya ako mapapapayag na lumabas kaya tumango na lang siya at pumasok sa kuwarto niya. Mabuti naman. Kasi wala rin ako sa mood makipag-talo pa sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pagbaba ng mga basic terminology sa pagluluto.

"Ano ba'ng difference ng chop and minced?" tanong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga ako at nilapag ko ang libro sa lamesa.

Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. Parang gusto ko lang mahiga magdamag.

* * *

Hansel's POV

HINDI ko maintindihan ang kinikilos ngayon ni Ingrid. Pinag-bigyan ko na lang siya kasi kalusugan niya ang pinaglalaban niya.

Lumabas akong kuwarto para puntahan sana si Ingrid pero nadatnan ko siyang nakahiga sa couch. Nilapitan ko siya. Nakatitig lang ako sa kanya. Kahit pa pumayat siya o tumaba, mamahalin ko pa rin siya. Nakita kong gumalaw siya at tumalikod sa akin.

Napakunot noo ako nang makita kong may kakaibang dumi sa shorts niya. Nilapitan ko 'yon para tingnan at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.

"Blood? Why is there a blood on her shorts?" I asked myself. Bigla akong kinabahan. May nakapasok bang Sanguinarian dito? May kumagat ba sa kanya? Tiningnan ko ang balikat niya at nagtaas baba ito. Okay, she's breathing.

"Ingrid, gising!" niyuyogyug ko ang balikat niya pero umungol lang siya.

"Ingrid, gumising ka nga! Ano'ng nangyari sa'yo?" gumalaw siya at humarap sa akin. Antok na antok pa ang hitsura niya at parang wala man lang ideya sa kung ano ang mayro'n sa shorts niya.

"Bakit ba Hansel? Nakita ng natutulog 'yong tao, eh!" Naupo siya at tiningnan ako ng masama. Bakit ba ang sungit niya ngayon?

"Ingrid, bakit may dugo ka sa shorts mo? May sugat ka ba?" tanong ko. Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Agad siyang napatayo at pilit tinitingnan ang likod ng shorts niya.

"Oh, my god!" she shrieked in horror. "Ahhhhhh!"

"Tell me what's happening, Ingrid! Bakit ka may dugo diyan!" Sobra na akong nag-aalala. Gusto ko mang isipin na kinagat siya ng bampira ay hindi naman puwede. Dapat wala na siyang malay ngayon.

"Kaya pala masama ang pakiramdam ko," sabi niya. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya at ang weird ng kinikilos niya.

"Are you hurt? Dapat na ba akong mag-alala?" kunot noo kong sabi sa kanya.

"Hansel..." she said in a whinny tone. Her face looks embarrassed and flushed.

"Ingrid, pinag-aalala mo ako,"

"Hansel, it's a girl thing!" she said exclaimed. "You won't understand me. Dysmenorrhea is a freaking girl's worst enemy!"

"Dysme—what?" Who is Dysme-whatever-it is? Is she her worst enemy? Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?

Tinalikuran naman niya ako at nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya. Sinundan ko siya but she locked herself inside her room.

"Ingrid, talk to me. Who is Dysme?" seryoso kong sabi sa kanya. Gusto ko mang magteleport papasok sa kuwarto niya ay hindi ko puwedeng gawin dahil nire-respeto ko ang private space niya.

"Just... just don't mind me, Hansel. Please. I want to be alone. At times like this... you don't want to talk to me when red days. I have mood swings and you will not understand me kapag susungitan kita." Napakunot lang ako ng noo. Ano bang pinagsasabi niya. Tsaka ano ba'ng red days?

"But, Ingrid—"

"Leave me alone, Hansel!" she yelled kaya napamaang ako. She's acting... strange.

"I'll be in my room if you need me," sabi ko saka ako tumalikod palayo sa silid niya.

* * *

Ingrid's POV

Bakit ngayon pa? Mabuti na lang may pad ako sa bag ko in cases like this. Pero ang sakit talaga. Kapag dine-dysmenorrhea ako noon, si Mommy ang nag-aalaga sa akin. Pinagtitimpla niya ako ng milk at pinapakain ng home made cookies niya. Sobra niya ako noong bine-baby kaya hindi ako sanay na mag-isa ganito. Ayaw ko namang kasama si Hansel dahil nahihiya ako.

Magdamag nakahiga lang ako sa kama at yakap ang unan. Ganito talaga ako kapag meron. Emotional, masungit at iyakin.

Nahihiya nga ako kanina at nakita pa ni Hansel ang red mark ko. Though hindi naman niya alam kung ano 'yon, siyempre nakakahiya pa rin sa part ko. Saka na lang ako sa kanya magso-sorry sa inasal ko. Hindi ko lang feel na makipag-usap sa kanya ngayon.

Narinig ko namang may kumakatok sa pinto ko. Alam kong si Hansel na naman 'yan kaya kahit ayaw ko muna siyang makita ay pinapasok ko siya.

"Come in," mahina kong sabi.

Pumasok naman si Hansel at napakaseryoso ng mukha. Siguro galit siya sa akin ngayon. Alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan, eh.

"What are you doing here?" I said almost audible. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Dysmenorrhea is a medical condition of pain during menstruation that interferes with daily activities; dysmenorrhea is often defined simply as menstrual pain, or at least menstrual pain that is excessive. Red day is a slang term if a girl in your age is suffering from menstruation. Mestruation happens every months and last for 3 to 5 days."

Napatulala ako kay Hansel. Anong pinagsasabi niya? Did he really research about it? Ahhhh! Nakakahiya! And talagang minemorize niya pa.

"Pasensya na. Nag-research talaga ko. Hindi ko kasi kayang nakita kang nagkakaganyan," sabi niyang napakamot sa batok. I tried to suppress my smile but I failed. What did I ever do to deserve this man?

"Mahirap pa lang maging babae, ano?" rinig kong sabi niya.

"Yeah. Sometimes I hate it," sabi ko.

"Na maging babae?"

"No, silly." Natatawa kong sabi.

"Masakit ba masyado?"

"I can handle it," nakangiti kong sabi sa kanya.

"I wish I could take the pain away," sabi niya. "Puwede ba kitang tabihan?" tanong niya at hindiagad ako nakasagot.

"H-ha?"

"Wala akong gagawin, promise." Tinaas niya pa ang right hand niya kaya tumango ako.

Umusog ako ng konti at binigyan siya ng space. Nahiga siya sa tabi ko at ginawa niyang unan ang braso niya para doon ko isandal ang ulo ko. Tahimik lang kami pareho ang rinig na rinig ko ang malakas na tambol ng puso ko.

"Hansel..." I whispered.

"Hmm?"

"I have something to tell you," I tilt my head and stared at his amber eyes.

"Ano 'yon?"

"I think napatawad na ako ni Daddy," sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Gusto mo na bang bumalik sakanila?" ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Alam kong alam niya na bihira na kaming magkikita kapag bumalik na ako sa amin.

Pero miss na miss ko na kasi sila Mommy at Daddy, eh. Gusto kong mag sorry sa nagawa ko. Alam kong mali 'yong tumakas ako at hindi ko inisip na mag-aalala sila sa akin. Kaya kahit napatawad na nila ako, gusto ko pa ring humingi ng tawad personally.

"Okay lang ba sa'yo kung babalik na ako sa amin?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang. Puwede naman kitang dalawin do'n, eh," sabi niya kaya napangiti ako ng maluwang.

"Gusto ko araw-araw," I said pouting.

"Gabi-gabi," he corrected me kaya natawa ako.

"Sige, gabi-gabi."

Haay. Sayang, magtatampo sana ko sa kanya ngayon araw. Pero grabe lang. Isang yakap lang pala katapat ko eh. Minsan talaga kapag nagtampo ako 'di ko na siya papansinin. Kahit isang oras lang.

* * *

Maxhene's POV

"Sweetheart, pasyal tayo," halos mapapikit ako ng mariin nang marinig ko na naman ang boses ni Denver. Kailan ba ako lulubayan ng vampirang 'to? He is a pain in the ass!

"Sweetheart your face! Puwede ba umalis ka sa harapan ko! Nakaka peste ka ng araw!" Singhal ko sa kanya. Akala niya ata okay kami pagkatapos niyang I-sabotage ang plano kong pang-aagaw kay Hansel.

Naiinis din ako kasi kanina pa siya dito sa guest house at nakikipagsipsipan kay Daddy kasama ang Daddy niya. They're discussing our wedding! My god! Kapag pinilit talaga nila 'kong ipakasal sa manyak na 'yan ay runaway bride ang labas ko nito!

"Ang sweet mo talaga sweetheart. Kaya mas nai-in love ako sa'yo, eh," He said so loud then he smirked. Halata naman na nilakasan niya ang pagkakasabi no'n para marinig ni Daddy. This bastard!

"Yuck! Hindi ka ba nasusuka sa mga pinagsasabi mo? Nakakadiri ka, ah!" Umalis ako sa harap niya at baka kung ano pang marinig kong kabaduyan. Mabuti sana kong si Prince Hansel ang nagsabi no'n at baka matuwa pa ako.

"Sweetyheart! Saan ka pupunta? Mamamasyal na ba tayo?" Rinig kong sigaw niya. Ughh! Someone please stop me because I swear to all the holly gods I will kill this Prince and I don't care kung makulong ako. He's worth the crime!

Huminto ako sa paglalakad at matalim na mga matang hinarap siya.

"Hindi ka talaga titigil, 'no?! Gusto mo talagang sirain ang buhay ko!" nang-gigil na singhal ko sa kanya.

"Why are you like that, Maxhene?" Nag-iba 'yong expression niya. Naging seryoso. Hindi ko alam pero parang ang lungkot-lungkot ng mga mata niya.

"Anong why I am like this? I'm the one should be asking that. Why are you like that? And why are you doing this to me? Alam mong alam kong walang nangyari sa atin pero ini-insist mo pa rin na ipakasal tayo. What are you up to? Huh?!"

"You don't know anything, Maxhene. Someday malalaman mo rin ang reason ko. Pero kasi hindi pa 'to ang tamang panahon para malaman mo ang lahat," Seryoso niyang sabi.

"Ano namang pakialam ko sa rason mo?! Ang gusto ko lang ay lubayan mo dahil kung hindi kita matantiya baka—" I controlled my anger at napapikit ng mariin. I opened my eyes and stare at him blankly. "You'll give me so much favor if you stop whatever plan you have." I was about to turn my back and walk away when he grabs my hand.

"Ich liebe dich, Maxhene. Bitte liebe mich. Gefallen."

"H-hoy! Ano ba'ng pinagsasabi mo?! Alam kong may lahi kang German pero h'wag mo akong mumurahin! Bwesit 'to!" padabog akong umalis sa harap niya. Nakakainis.

"Ich liebe dich?! Baka bad word 'yon sa Germany?!" I mumbled to myself.

Lumabas akong guest house at dumeretso muli sa Plaza. Baka sakaling makita ulit ako ni Hansel. I really want to talk to him at ipaliwanag sa kanya na hindi totoo ang mga pinagsasabi ni Denver.

Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng may naring akong nagtatalo. Hmm. They sound familiar.

"Bakit ka ba kasi nagkakaganyan?! Ano ba'ng probema mo?!" rinig kong sabi ng boses lalaki.

"You! You are the problem, Cris! I really don't understand why you have to be with her all day long! Umamin ka nga. Type mo siya ano?!" sabi naman ng babae.

"Bakit ka ba nagagalit? At ano naman kung gusto ko siya? Ano ba kita?"

Hindi na ako nakinig pa at umalis na ako. I may be a bitch or something pero hindi ko ugali mag eavesdrop sa usapan ng iba. I know Cris pa naman. He's the bestfriend of Hansel. At sa nabobosesan ko, mukhang si Erina 'yong kausap niya. So Erina's in love with Cris?

Nang medyo madilim na ay bumalik ako sa guest house. Sana lang wala na si Denver do'n. At mukha namang dininig ang hiling ko dahil hindi ko siya nakita sa loob pagpasok ko.

"Hija, mabuti at nandito ka na. Nagkasundo kami ni Haring—"

"Dad! Please? Huwag mo akong kakausapin kung about 'yan sa kasal! Hindi ako interesado," Itinapat ko pa 'yong palad ko sa mukha ni Daddy.

"Hay, naku anak. Bahala ka. Basta tuloy ang kasal niyo. Mag-isip ka nga. Paano kung magbunga ang nangyari sa inyo ni Prince Denver?" Para naman akong mabilaukan sa sinabi ni Daddy.

"What?! Dad naman, eh! Wala ngang nangyari sa amin, Okay?!" I said exasperatedly.

"Sabi sa akin ni Prince Denver meron daw. Sa tingin mo bakit siya magsisinungaling?"

Oo nga! Bakit nga ba? Tanong ko rin sa sarili ko.

"Ah, ewan! Basta! Kung alam kong ganito ang mangyayari sana hindi na lang ako nagpumulit na bumisita rito sa Vampire City! Isa pa lang kamalasan ang mangyayari sakin!" Winalk-out-an ko si Daddy. Sanay na 'yan sa akin. Solo kasi akong anak kaya spoiled ako sa kanya.

Pagpasok ko sa kuwarto ay nagulat ako nang may maraming bulaklak na nakalagay sa kuwarto.

"Kanino naman 'to galing?" tanong ko sa sarili ko. May nakaipit na card kaya binasa ko.

Servus, Du machst mich so glücklich.

Ohne dich kann ich nicht leben. Ich liebe dich.

Kahit hindi ko maintindihan ay alam kong galing 'to kay Denver. Siya lang naman naringgan ko ng mga ganyang salita. That bastard! He's really testing my temper.

"Ang sweet naman hija ng magiging asawa mo," napalingon ako sa nagsalita. Ang nagpalaki sa akin. Ang malapit naming tagapag-silbi.

"Yaya! Hindi ko 'yon magiging asawa 'no!" tinapon ko 'yong card sa sahig at naupo sa kama.

"Ang sabi ng Hari ikakasal daw kayo,"

"Naniwala ka naman! Sa akin ka Yaya maniwala! Hindi kami ikakasal! Mukha niya!"

"Kung mukha lang naman ang hanap mo ay kay Pince Denver na ako. Mabait na, gwapo pa!" sabi ni Yaya na kinikilig pa. Seriously?!

"Ew! Yaya! Mas lamang pa rin si Hansel!" pagmamalaki ko. Kaya nga siya lang ang gusto ko, eh.

"Hanggang ngayon ba hija si Prince Hansel pa rin? Kailan ka ba mag-mo-move on? May iba na ngang sinisinta ang Prinsipe mo," napasimangot lalo ako. Naalala ko na naman si Ingrid.

"Eh, ano naman. Aagawin ko si Hansel kay Ingrid!"

"Jusmiyo, hija! Saan mo ba natutunan 'yan?' 'Yan ba ang pagpapalaki ko sa'yo?" sabi ni Yaya na nakahawak pa sa dibdib niya. So dramatic!

"Yaya, gano'n talaga kapag mahal mo ang isang bampira. Ipaglalaban mo," sabi ko.

"Pero hindi pang-aagaw ang solusyon, hija. Ang totoong nagmamahal, hahayaan mo ang mahal mo kung saan siya masaya. Alam mo naman 'yon 'di ba? Gano'n ang ginawa ng Daddy mo," Para naman akong tinamaan ng konsensya.

My Dad is a martyr. Arrange marriage kasi sila ng Mommy ko. Si Mommy ay may ibang mahal, pero dahil sa Prinsipe no'n ang Daddy, walang nagawa si Mommy kaya pumayag siya kasi utos ng magulang ni Mommy.

I was in highschool nang maghiwalay sila at pinalaya ni Daddy si Mommy para makasama ang totoo nitong minamahal. Sa ngayon ay nasa Italy si Mommy kasama ang asawa niya at inaalagaan ang anak nito.

"Iwan mo muna ko, Yaya." nakayuko kong sabi. Tumango naman si Yaya at lumabas ng kuwarto.

Nahiga ako sa kama at napaisip. Mahal ko si Hansel. At hindi ko gustong makitang malungkot siya. Pero paano naman ako? Hindi ko rin kayang tuluyan siyang mawala sa akin.

"Kainis naman si Yaya! Nakokonsensya tuloy ako!" sabi ko sa sarili ko.

Pero hindi ko naman kasi mapipilit ang sarili kong kalimutan si Hansel. It's a long process.

Pero puwede mong pag-aralang mahalin si Prince Denver. Sabi naman ng kabila kong utak.

Eh, ayoko ngang pag-aralan. Gusto ko kusa! Sagot din ng kabila ko pang utak.

Haay naku! Pati utak ko hindi nagkakasundo!

Ano kaya kung subukan kong kaibiganin ang manyak na 'yon? Tutal nice naman siya. Kahit nakakainis siya.

Lumabas akong kuwarto at nakita kong nakasandal si Denver sa pader sa labas ng kuwarto ko.

"Hi," kumaway siya.

"Anong ginagawa mo diyan?" wala sa mood kong tanong. Pasalamat siya wala ako sa mood magtaray.

"Hinihintay kang lumabas. Nagustuhan mo ba?"

"Alin?"

"'Yong bulaklak. Binili ko pa 'yon sa labas ng portal," pagmamalaki niya.

"Gano'n ba? Salamat," sabi ko saka tuluyang lumabas ng kuwarto.

"Sandali lang. Saan ka pupunta?" tanong niya habang nakasunod sa akin. Hindi ako umimik pero ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. "Samahan na kita," tumango na lang ako.

* * *

"Himala ata at ang tahimik mo?" tanong niya nang nasa labas na kami.

"Nag-iisip lang ako," sabi ko. Humangin naman ng malakas kaya napunta 'yong iba kong buhok sa mukha ko.

Nagulat ako nang hinawi niya 'yon ng dahan-dahan at inipit sa gilid ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko. Ang lamig ng kamay niya at parang may kuryente.

"Ano naman iniisip mo?" tanong niya pa.

"Mga bagay-bagay,"

"Tulad ng?"

"Kung hahayaan ko na lang ba si Hansel kay Ingrid. O kung ipaglalaban ko pa siya,"

"Hmm. Pwedeng mag-advice?" sabi niya. Tumango naman ako para sa pagsang-ayon.

"Alam mo kasi, once na ipinaglaban mo ang mahal mo, you have to make sure na gusto rin niyang ipaglaban mo siya. Kasi kung ikaw lang ang lumalaban, matatalo at matatalo ka. Sa situation niyo ni Hansel, ikaw lang ang may gusto. At hindi mo pinaglalaban ang pagmamahal mo sa kanya kundi ipinaglalaban mo ay ang kagustuhan mo. In short, selfishness ang pinapairal mo. Dapat selfless ka kapag nagmamahal ka. Uunahin mo ang kapakanan ng mahal mo kesa sa pansarili mong kasiyahan. Kasi in the end, ikaw lang naman ang masasaktan."

Napatulala ako sa sinabi niya. May alam naman pala 'tong bampira na 'to.

"Ano 'yon? Word of wisdom? Mukhang may pinagdadaanan ka, ah." I said chuckling.

"Medyo," he said beaming.

"Puwede bang magtanong?"

"Sure,"

"Bakit ba gusto mong ipilit na ikasal tayo? Ano ba'ng motibo mo?"

"Ngayon ko na ba sasagutin?" napapakamot niyang sabi. Gusto ko naman matawa. Kabobohan talaga ng manyak na 'to!

"Natural! Ngayon ako nagtanong so obviously I want your answer now!" Irap ko sa kanya.

"Weil ich liebe dich," Narinig ko na naman 'yong katagang 'yon.

"Ano ba kasi 'yang ich liebe dich na 'yan?!"

"It's a secret you have to find out," He winked and chuckled. Ang carefree lang ng tawa niya at ngayon ko lang napansin na may mababaw siyang dimple sa magkabilang pisngi.

"Kainis ka talaga!" umiirap kong sabi sa kanya.

"Ich liebe dich. Ich liebe dich. Ich liebe dich,"

Siguro talaga bad word 'yan sa Germany?Makita nitong Denver na 'to at kapag nalaman kong bad word 'yon makakatikim siya sa akin!

y

Continue Reading

You'll Also Like

47K 6K 38
Vlogger Series #1 : Shendily Crizelle Lara is a popular college girl from Quaranton College. She has thousands of followers and everybody's admiring...
EXIT By Miss Anicah

Mystery / Thriller

11K 237 22
Kilala mo na nga ba talaga ang mga kaibigan mo? Paano kung may tinatago silang sikreto? At ang sikretong iyon ay ang lihim na galit nila sa iyo? Mas...
4K 245 18
[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nang...
13.3M 639K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...