Under His Spell

By thatpaintedmind

11.1M 360K 115K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... More

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata XI

196K 6.6K 1.7K
By thatpaintedmind

"Before I forgot," napatingin kaming lahat kay Chase nang magsalita ito. Uminom siya sa kanyang baso ng alak bago umayos ng upo. "Enayis wanted to go in a beach resort, who wants to join?"

"When?" tanong ni Maxwell.

"Friday, six in the evening,"

Sandaling napaisip ang lahat, bago sila napatango at pumayag, maliban kay Tyler na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Ito ang hindi maganda sa mga tahimik na tao, hindi mo alam kung may problema ba sila o sadyang hindi lang talaga nila gustong magsalita.

"How about the two of you?" tanong sa amin ni Chase. Muli akong tumingin kay Tyler. Hindi ako pwedeng magdesisyon nang hindi niya aprubado. Tumingin din ito sa akin bago nagsalita.

"You want to join?"

"Kung ano ang desisyon mo, ganoon din ang akin." Napatango ito sa sinabi ko.

"Count us in," sabi nito kay Chase.

Biyernes ng hapon, handa na ang mga gamit ko para sa pupuntahan namin. Hindi ko ipagkakaila na nasasabik ako, minsan lang mangyari sa buhay ko ang pumunta ng dagat. Ang huling ligo ko pa sa dagat ay noong buhay pa si tatay. Mahigit ilang taon na rin iyon.

"Everything's ready?" tumango ako kay Tyler. Binuhat na nito ang mga bag namin at bumaba na patungo sa kanyang sasakyan.

Kanya-kanya ng punta patungo roon sa dagat na hindi ko pa alam kung saan. Linggo ng hapon ang alis namin pabalik dito, dahil may kanya-kanya ng gawain ang lahat pagsapit ng lunes. Hindi ko alam kung nag-aaral pa ba ang mga kaibigan ni Tyler. Nagtataka nga ako kung bakit nagiging kaklase ko si Tyler gayung dalawapu't isa na ang edad niya samantalang ako ay labing pitong gulang pa lang. Hindi ko naman matanong sa kanya kung umulit ba siya sa pag-aaral.

"What's running on your mind?" Napatingin ako kay Tyler. Nagmamaneho ito kaya deretso lang ang tingin nito sa kalsada.

"Iniisip ko lang kung," napatigil ako. Itatanong ko ba? Bigla akong napaisip. Girlfriend niya na ako, parte na ako ng kanyang buhay, kaya may karapatan na kong paghimasukan ang buhay niya. "Bakit kaklase kita kung mas matanda ka naman sa akin?"

Sandali itong hindi nakapagsalita kaya napalunok ako. Wala naman sigurong masama sa tanong ko.

"The truth is, Tyron and I are both accelerated in school." Napakunot ang noo ko. Kung accelerated sila sa pag-aaral, ay dapat nakapagtapos na sila ngayon. "We were just eighteen when we finished studying. And Tyron is now handling our company." Mas lalo akong naguluhan.

"Kung ganoon, bakit nag-aaral ka pa rin ngayon kung nakapagtapos ka naman na pala sa pag-aaral?"

"To be with you,"

Natikom ko ang bibig ko. Ayan na naman ang kakaibang kabog sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya. Umayos ako ng upo at paulit-ulit na lumanghap ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay mawawalan ako ng hininga. Para ring may naglalaro sa tyan ko na hindi ko maintindihan.

Wala nang nagsalita pa sa amin ni Tyler pagkatapos no'n. Dala ng katahimikan ng aming byahe, ay inantok ako at nakatulog. Nagising lang ako nang maramdaman kong nakaangat ako sa ere. Napadilat ako at ang unang nakita ko ay ang panga ni Tyler, nakatagilid siya sa akin. Napakunot ang noo ko. Nilibot ko ang aking paningin, nasa isa kaming pasilyo na maraming pinto. Tumingin ako sa baba at doon ko lang napagtanto na buhat pala ako ni Tyler na tila pang-bagong kasal. Napakapit agad ako sa kanyang leeg dahilan para mapatingin siya sa akin.

"I-Ibaba mo na ako, Tyler."

Hindi niya ako pinansin, binalik niya lang ang tingin niya sa harap kaya napabuntong hininga ako. Bakit hindi niya na lang ako ginising?

Pumasok kami sa isang kwarto, inilapag niya ako sa kama na may napakalambot na kutson. Sa tingin ko ay nasa isa kaming hotel ngayon, hindi ako sigurado dahil hindi pa naman ako nakakapunta sa isang hotel, nakikita ko lang ang mga iyon sa telebisyon.

"Anong oras na?" tanong ko kay Tyler na kasalukuyang inaalis ang kanyang sapatos.

Sandali itong tumingin sa kanyang relos bago ako sinagot, "Nine in the evening,"

Mahigit apat na oras din pala ang naging byahe namin. Pero ang inaalala ko ay si Tyler. Siya ang nagmaneho sa buong oras na iyon. Imposibleng hindi siya napagod.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nangawit kakamaneho?"

Nilagay niya muna ang kanyang sapatos sa gilid tsaka ako hinarap. Tumayo ito sa aking harapan, inangat niya ang kanyang kamay at inayos ang nagulo kong buhok bago sumagot.

"I'm perfectly fine, are you hungry?" Umiling ako sa kanya. Hinawakan ako nito sa magkabila kong balikat tsaka niya iyon mabining pinisil. Bolta-boltaheng kuryente ang naghatid no'n sa akin. "We'll rest first for an hour before we eat, is that okay with you?" Tumango lang ulit ako sa kanya. "Good," aniya.

Humiga na kami, katulad ng aming laging posisyon kapag natutulog, ay pinapatong ko ang ulo ko kung hindi sa kanyang dibdib, ay sa kanyang braso. Sa totoo lang, hindi na ako inaantok dahil buong byahe akong tulog. Sa aming dalawa ngayon, siya ang mas may kailangan ng pahinga. Kaya hindi na ako nagtaka pa nang ilang minuto lang, ay mabigat na ang kanyang paghinga.

Pipilitin ko na sanang matulog kaso sunod-sunod na katok ang pumigil sa akin. Malalakas iyon kaya agad akong napabangon. Sinulyapan ko si Tyler at nakitang nakapikit pa rin ito ngunit nakakunot noo na. Agaran akong tumayo at kumaripas ng takbo patungong pinto para matigil ang malalakas na katok.

Isang napakagandang babae ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. Malaki ang pagkakangiti nito sa akin. Maliit ang kanyang mukha, mayroon siyang kulay tsokolateng bilog na mga mata, maliit ngunit matangos na ilong, at natural na kulay rosas na labi. Napakainosente ng kanyang mukha, tila isang anghel.

"Hi! You're Zafina, right?"

Tumagilid ang ulo ko sa sinabi niya. Paano niya ako kilala? "Oo, ako nga." Mas lumaki ang kanyang ngiti.

"I'm Enayis!"

Nilahad nito ang kamay sa akin. Sa isang iglap ay naalala ko na binanggit ni Chase ang kanyang pangalan kahapon, siya ang nag-ayang pumunta ng dagat. Tinanggap ko ang kanyang kamay tsaka ko siya nginitian.

"Nice to meet you,"

"It's nicer to meet you, where's your guy?" Nilibot nito ang paningin sa buong kwarto na nasa likod ko na tila may hinahanap. Si Tyler panigurado ang tinutukoy niya.

"Ah, natutulog siya, gusto mo bang pumasok?" Gumilid ako para bigyan siya ng daan ngunit inilingan niya lamang ako habang matamis na nakangiti.

"No need, hindi naman siya ang habol ko, kundi ikaw. Tayong dalawa lang kasi ang babae sa grupo nila." Nakangusong sabi nito. Bahagya akong natawa sa inasta niya. "So come on! Let's go bond with each other!"

Hindi na ako nakapalag nang hinila niya ako palabas. Siya na mismo ang nagsara ng pinto bago ako muling hinila sa kung saan. Sumakay kami ng elevator at habang bumababa iyon ay nakapalupot sa braso ko ang braso niya. Doon ko lang napansin kung gaano kalambot ang balat niya, halatang alagang-alaga, siguradong mayaman ang isang 'to. Pero sino ang kasintahan niya sa mga kaibigan ni Tyler? Si Chase kaya?

"I forgot to bring my swimwear, so I'm gonna buy one. Meron ka na bang bikini para bukas?"

"Bikini? A-Ano, h-hindi ako nagsusuot ng ganon eh."

"What?! Hindi pwede 'yan! You need to show some skin, Zafina. Minsan lang naman 'to." Mag-proprotesta pa sana ako pero muli siyang nagsalita na nakapagpatigil sa akin. "Sige ka, baka mamaya maghanap ng iba niyan si Tyler."

Si Tyler? Maghahanap ng iba? Kakaibang kirot sa dibdib ang hinatid no'n sa akin. Saktong bumukas ang pinto ng elevator at naglakad kami palabas.

"Bakit naman maghahanap ng iba si Tyler?"

"You know Zafina, guys are kinda arrogant in nature. They have this so called ego, ayaw nilang nalalamangan sila ng kapwa nila lalake. So, you should make Tyler proud that you're his girlfriend. You should show off your body sometimes, girl." Depensa nito na nakapagpaisip sa akin.

"But Tyler is territorial. Siguradong imbis na maging proud siya, ay baka magalit pa siya sa akin."

"Don't you want that?" Naguluhan ako sa tinanong nito. Nakuha naman niya ang reaksyon ko kaya dinugtungan niya ang sinabi niya. "What I mean is, you told me that Tyler is territorial, so he'll probably get mad seeing you wearing a bikini." Tumango ako sa sinabi nito kaya nagpatuloy siya. "Being territorial also means being possessive. So I'm one hundred percent sure that he'll also go possessive over you. He'll surely stick by your side, no matter what, so no other guys will approach you. Don't you want the thought of Tyler being possessive over you? Iyong tipong pinagdadamot ka niya sa mga kalalakihan?"

Parang tumalon ang puso ko sa kaisipang iyon. Mayroon pananabik na bumangon sa akin. Gusto ko nasa tabi ko lang lagi si Tyler, lalo na at nasa dagat kami na hindi nawawalan ng mga turista. Siguradong makukuha niya ang atensyon ng lahat ng kababaihan, at ayokong mangyari iyon. Nagiging possessive na rin yata ako, at ayaw kong malaman iyon ni Tyler. Ayokong sabihan siya bukas na huwag umalis sa aking tabi, paniguradong uunahan ako ng hiya. Pero kapag nagsuot ako ng kapiranggot na tela sa aking katawan, siguradong kusa siyang hindi aalis sa aking tabi. Ibig sabihin, hindi ko na siya kailangan sabihan na huwag aalis sa aking tabi. Mala-demonyong ngiti ang sumilay sa aking labi.

Nakuha iyon ni Enayis bilang sensyales ng pagpayag ko kaya walang ano-ano niya akong hinila patungo sa isang shop sa tabi. Naglibot kami sa loob ng ilang minuto. Si Enayis na ang nagbayad ng sa akin kahit na sinabi kong ako na lang. Hindi yata ako mananalo sa babaeng ito.

"Ako na muna ang magtatago ng mga 'to, para hindi makita ni Tyler." Kinuha ni Enayis sa akin ang supot tsaka niya ako pilyang kinindatan. Napatawa na lamang ako habang hinahayaan siya sa gusto niya.

Bumalik na kami sa aming kanya-kanyang silid. Naabutan ko si Tyler na nakaupo sa kama at nakakunot ang noo, mukhang bagong gising pa lang. Nang mapansin nito ang presensya ko at napatingin ito sa akin.

"Where have you been?" Paos pa ang kanyang boses dahil sa pagtulog. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi at awtomatiko namang pumalupot ang braso niya sa bewang ko.

"Kasama ko si Enayis kanina,"

"Only Enayis?" Tila naninigurado nitong tanong.

"Yup, only Enayis,"

"Good," Inamoy niya sandali ang buhok ko. "Let's eat?" Tumango ako sa kanya.

Ganoon nga ang nangyari, kumain kami kasama ang mga kaibigan niya. Pero napansin ko ang sobrang pag-aasikaso ni Chase kay Enayis kaya hindi ko na napigilan pa ang magtanong.

"Kayo ba?"

Napatigil ang lahat. Tumingin sa akin si Enayis at ngumiti. Parang may kakaiba sa ngiti niya na hindi ko mahinuha.

"We're twins,"

Nagulat ako sa sinabi nito. Kambal sila? Hindi ko iyon inaasahan. Hindi naman sila magkamukha, paniguradong fraternal twins sila. Hindi ko na lang iyon masyadong inisip pa at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Kinabukasan, alas otso ng umaga ay pinauna ko nang maligo si Tyler. Sakto namang kumatok si Enayis at inabot sa akin ang binili namin kagabi. Malaki ang pagkakangisi niya sa akin kahit nang umalis siya. Napailing na lang ako. Inalis ko iyong bikini sa paper bag. Inipit ko iyon sa pagitan ng shirt at shorts na susuotin ko ngayon, para hindi makita ni Tyler.
Nang matapos si Tyler ay ako naman ang sumunod. Hindi ko na nakita pa ang suot niya dahil sa pagmamadali. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at pananabik. Mabilis kong sinuot ang bikini, kulay pula iyon at two piece. Pagkatapos ay isinuot ko ang aking shorts at simpleng puting shirt bilang panakip. Nang lumabas ako ay agad akong tinignan ni Tyler mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy maiwasang gayahin ang ginawa niya.

Nakahapit siyang sando na puti at pangibaba na tugma sa kategorya na summer. Lihim akong napamura sa utak ko. Bakat na bakat ang kagandahan at katigasan ng katawan niya, paniguradong makakakuha ng atensyon ng mga babae. Pero hindi ko hahayaang may makalapit sa kanya ni isang babaeng nilalang dito. Wala na akong pakialam kung ano ang nararamdaman ko, at kung bakit ko ito nararamdaman, basta ang alam ko, ayaw ko sa kaisipan na may ibang babaeng kasama si Tyler.

"Your short is too short," biglang sabi ni Tyler. Tinignan ko naman ang shorts ko.

"Kaya nga tinawag na short eh,"

"I don't care, change it."

"Anong gusto mong suotin ko? Pantalon? Tyler, nasa dagat tayo." Napalunok ako. Ngayon pa nga lang, pumuputok na ang butsi niya sa suot ko. Paano pa kaya kapag inalis ko 'to?

"Tsk, fine," pagsuko nito. Hinila niya na ako palabas habang lihim akong napangiti.

Habang naglalakad kami sa buhanginan, ay panay ang lingon sa amin ng kababaihan. Napasimangot ako, hindi nga ako nagkakamali, talagang makakakuha ng atensyon si Tyler. Pero mabuti na lang at wala siyang nilingon sa mga babaeng naglalaway sa kanya. Mahigpit lang nitong hawak-hawak ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa napag-usapan kagabi. At nang marating namin iyon, ay sobra akong namangha. Para iyong kubo na nakatayo sa katubigan. Naaaninag ko na roon ang mga kaibigan ni Tyler pati na rin si Enayis.

Inalalayan ako ni Tyler dahil kinailangan tumawid sa tubig para makapunta sa kubo. Hanggang tuhod lang naman iyong tubig. Sa totoo lang, hanggang dito lang yata ang kaya ko, hindi ko na kaya sa malalim na parte. Hindi kasi ako marunong lumangoy.

Pagakyat namin sa kubo ay agad akong umupo sa sahig sa bandang dulo ng kubo, nakalawit iyong paa ko pero hindi no'n naaabot ang tubig. Naeengganyo ako panuorin ang paligid kahit puro tubig lang naman ang nakikita ko. Ang ganda siguro tumambay dito mamaya kapag lulubog na ang araw. Papanuorin ko iyon mamaya.

"Wait for me here, Zafina. I forgot my phone in our room."

Naalarma ako sa sinabi ni Tyler. Pababa na ito ng hagdan nang agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Sama ako,"

"No need, I'll be quick,"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Imposibleng walang lalapit kay Tyler na babae. Akmang aalis na siya nang hinigit ko ang braso niya paharap sa akin. Bubuka pa lang ang bibig niya para magtanong pero napatigil siya nang hawakan ko ang dulo ng damit ko tsaka ko iyon inalis sa akin. Sunod na inalis ko ay ang pagkakabutones ng pangibaba ko kaya kusa iyong nahulog pababa. Agad ko naman iyong pinulot at inabot kay Tyler kasama na ang shirt na hinubad ko.

"Tutal aakyat ka rin naman na, pwede bang iakyat mo na rin itong damit ko?"

Kitang-kita ko kung paano naglapit ang kilay niya sa isa't isa. Sumulyap siya sa mga kaibigan niya na nakatingin sa aming dalawa na parang nanunuod lang ng teleserye. Tinapunan sila ng nakamamatay na tingin ni Tyler kaya nagiwasan sila ng tingin habang ang iba ay napapangisi na lang at napapailing na parang alam na nila ang susunod na mangyayari, kasama na roon si Enayis.

"What the hell are you wearing, Zafina?" Mahina ngunit madiin nitong tanong. Tinaboy ko ang kaba na unti-unting pumapasok sa akin.

"Uh, bikini?" Tila hindi ko pa siguradong sabi.

"Damn!"

Napatalon ako sa biglaang pagmumura nito. Malakas iyon, parang isang dragon na nagbabantang bumuga ng apoy. Sunod-sunod akong napalunok.

"Wear your clothes back, Zafina." Nagtitimpi nitong sabi. Dahil sa takot ay nagkukumahog kong sinunod ang gusto niya. Pagkatapos ay bigla niya na lang akong hinila. Naririnig ko pa rin ang mahihina ngunit sunod-sunod niyang pagmumura habang nagpapahila ako sa kanya pabalik sa silid namin. Nang makabalik kami roon ay sinara niya ang pinto bago ako hinarap.

"What was that, Zafina?" Ramdam ko ang pagpipigil niya para pagtaasan ako ng boses.

"Galit ka ba sa akin?" Mahina kong tanong habang nakayuko at hindi makatingin sa kanya.

"Yes-- no, I mean, I was. Fvck, I don't know anymore." Naguguluhan nitong sabi. Inangat ko ang ulo ko para makita siya. Ginulo niya ang kanyang buhok. Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Ano ba ang kinagagalit mo?" Malumanay kong tanong. Bumuga ito ng hangin. "Dahil ba sa kaisipang magkaron ako ng ibang lalake?" Tumitig ito sa akin, pagkatapos ay napatiim ang bagang.

"I won't let that happen, Zafina."

"Alam ko," mas lumapit pa ako sa kanya. Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang adam's apple. "Pero Tyler, lagi mo lang alalahanin na," sandali akong tumigil para ipalupot ang braso ko sa kanyang leeg. Alam kong nagagalit siya dahil wala siyang assurance, wala siyang assurance na hindi ako maghahanap ng iba. Kaya kailangan kong linawin iyon sa kanya. "Wala akong ibang lalake, hindi ako maghahanap ng iba. Ikaw lang ang lalake sa buhay ko, Tyler. Ikaw lang."

At hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Para akong nasilaw nang sumilay ang matamis na ngiti mula sa labi niya. Akala ko nananaginip lamang ako, pero hindi. Kumikislap ang asul niyang mga mata dahil sa kasiyahan. Nahugot ko ang aking hininga. Tyler smiled at me.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 31.8K 62
Dalawang sikat na artista. Isang pangyayari. Napakaraming intriga. Paano nga kaya, kung...?
32.6K 61 2
Forgotten memories, forgotten feelings, and forgotten person. Can you bear it? Being forgotten by someone you love the most?
2.1K 137 21
(ONGOING) Sabrina Kye Corbin is impressed by the idea that all men must put in the effort to discover the feeling of love. Despite the fact that she...
10M 24.4K 8
#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so muc...