dedicated to: ElegantGlimpse heheheh XD thanks sa pagcomment
**ERRY's POV **
Hapon na, hindi ko pa rin nakikita si Tanda!
"Ss! Lokong si Tanda, pinagtataguan ako!!!" ako lang mag-isa sa terrace ng kwarto ko sa palasyo ngayon. Pinatawag kasi si Jiro ng Amang hari marahil may ipapautos na mahalagang bagay.
"Once lang talaga na makita ko siya, lagot siya sa akin!" nang makita ko yung ibon ni Tanda na lumilipad. "Ang Armalite na ibon ni Tanda!!" nabuhayan ako nang makita ko yung ibon ni Tanda baka kasi alam nito kung nasan si Tanda ngayon. Lumipad ako since wind user ako madali lang para sa akin ang lumipad. Sinundan ko yung ibon hanggang sa makarating kami sa likod ng palasyo. "Anong meron dito?!" tanong ko sa sarili ko nang makatapak na ang aking mga paa sa lupa.
"Anong ginagawa mo dito? Anong ginagawa mo dito?!!!" paulit na tanong nung ibon nang makita niya ako.
"Tumigil ka! Ang ingay mo!!!" sigaw ko sa ibon. Nang biglang may narinig akong humikab banda sa may kaliwa ko. Nakita ko si Tanda nasa itaas ng puno.
"AWW...." paghihikab ni Tanda. "Hoy Tanda! Andyan ka lang pala!!!" bumaba si Tanda sa puno.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?!" sabay upo niya sa may upuan na naroroon.
"Hindi mo ba alam na ang hirap maging bulag tuwing gabi?!" sigaw ko sa kanya.
"Sinabi ko na sayo na hindi ako maaaring umalis ng basta basta!" sabay nagbente-kwatro yung paa niya sa harapan ko.
"Dahil ba ito sa apprentice mo?!!" galit kong tanong sa kanya. Nakakabwisit siya pati na rin ang apprentice niya.
"Obvious naman na kaya mong pangalagaan ang sarili mo kaya hindi muna kailangan ang tulong ko!"
"Asan ba yang apprentice mo?! Asan, asan?!!!" nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala naman akong nahagilap na ibang tao.
"Wala siya ngayon rito!" ani tanda. Magsasalita pa sana ako nang may magsalita sa may likuran ko.
"Nandito ako..." lumingon ako patalikod. Nakita ko ang isang maitim na babae na maraming nunal sa mukha at kulot ang buhok na pabilog. "tsk. Ito ba ang ipapalit niya sa akin?! huh?" pabulong kong sinabi sa sarili ko.
Mukhang hindi lang ako ang nagulat sa nakita ko pati na rin si Tanda. Nakakadiri siyang tignan tapos ang baho baho pa! "Ahh.. Ikaw pala ang apprentice ni Tanda ngayon KUNG BAKIT HINDI NIYA AKO MATULUNGAN SA PAGPUNTA SA MT. ILL" pang-aasar kong sabi sa mabantot na apprentice ngayon ni Tanda.
"Te~teka lang, Kakausapin ko lang siya." sabi sa akin ni Tanda bago lapitan yung apprentice niya.
**SOPHIE's POV ***
Papunta na ako ngayon sa next class ko and I'm glad that I don't feel sleepy right now maybe because I have got the chance to hurt Erry's Hand a while ago that made me alive now.
"Asan na kaya si Sulx." patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang may matapakan ako na isang libro.
"huh?! Kanino to?!" tumingin ako sa paligid pero wala naman ibang tao bukod sa akin. Dinampot ko yung libro.
"Morning curse" kinabahan ako sa title nung libro, may word kasing curse!. "to open the book cast the spell." napa-isip ako saglit. Wala naman siguro mawawala kung susundin ko itong libro.
"kizkúr ilé itsusi." Binasa ko yung spell na nakasulat sa libro. Nang buksan ko yung libro ang sabi nito "turn to page 250 after answering these questions." Marahil iyon yung middle part ng libro. Binasa ko yung mga tanong "Do you want to make other people happy? Ammmp, Of course I want!" tapos biglang may panibagong tanong. "Would you mind to sacrifice your own happiness for it?" napaisip ako sa tanong. Bakit ang cocorny ng mga tanong? daming alam!
"Maybe?!" pagkasabi ko niyan biglang nagsungit yung libro "Yes and No" lang daw dapat ang sagot kaya Yes ang sagot ko. After that wala ng ibang questions ang sumulpot kaya na~isip ko na ibuklat yung libro sa page 250 gaya ng utos nito kanina. "WHAHHH!!!!!!!!!!" napasigaw ako dahil may malaking nunal na yung mukha ko nang makita ko sarili ko sa libro na may salamin. Then ang mas masaklap pa roon naging kulot yung buhok ko. As in sobrang gulo na parang pang-clown yung buhok. Binitawan ko yung libro kaya pagkabagsak nito sa sahig nagsarado ito at yung back cover ng libro ang nakita ko.
"Make other people happy??? Ano daw ?!" iyon kasi yung nakasulat sa libro, napakagat ako sa bibig ko dahil sa inis nang bigla may dalawang freshmen students ang lumapit sa akin at dinampot nung isa yung libro.
"Sa inyo iyan?" tanong ko sa kanila.
"Ou bakit?!" astig na sagot sa akin nung babae.
"Tignan niyo nangyari sa akin nang dahil diyan sa libro na iyan!" tinaasan ako ng kilay nung mga babae.
"Kasalanan mo na yon! Engot ka kasi! " nagsasabi lang naman ako ng totoo ba't siya nagagalit?! rr
"Anong engot !? Baka ikaw!" sigaw ko sa kanila.
"Wag kana magsungit! Lalo tuloy dumami yung nunal mo!" sabi nung isa nang bigla siyang hilain ng kasamahan niya. "Tara na." umalis na sila sa harapan ko.
"Anong ibig sabihin niya?!" napakapa ako sa may mukha ko nang maramdaman kong may kakaibang tumungbok dali dali akong pumunta sa may comfort room. Nandidiring tingin ang ipinakita sa akin ng mga taong naroon sa cr nang makita nila ako. Hindi ko na sila pinansin at tinuon ko nalamang ang sarili ko sa pagpasok sa loob para makatingin sa salamin at nang makita ko sarili ko nanlumo ako. "HAA!!!" napasigaw ako ng malakas at napatakbo palabas. Tumatakbo ako ngayon habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa mukha ko nang makita ko yung dalawang freshmen na may-ari nung pesteng libro.
"Hoy kayo! Anong ginawa niyo sa akin." pasigaw na tanong ko sa kanila. Hinarap nila ako.
"Ikaw na naman?!" hindi ba obvious ? tanong pa ng tanong !
"Tinatanong ko kayo, anong ginawa niyo sa akin?!"
"Gusto mo ba talagang malaman?!" kaya nga ako nagtatanong kasi gusto kong malaman, kaasar! Ang panget na ng araw ko!
"Ang librong binasa mo kanina ay masyadong prone sa happiness!"
"huh?! Anong kinalaman nun sa nanyari sa akin ngayon?!"
"Sa twing magagalit ka o papangit ang ugali mo lalo kang papangit!" huh?! bakit ganun parang kontrabida ang peg ko ngayon?! May nagawa ba akong masama?!
"Ano?!! pero bakit pa ako?!" nanlulumong tanong ko sa kanila.
"Wag ka mag-alala, babalik ka rin naman sa dati kapag gumawa kana ng mabuti. Kapag napasaya muna ang dami ng tao gaya ng dami ng nunal na meron ka!" huh?! ano tingin nila sa akin masamang tao?!
" Ang ibig sabihin mo ba ang isang nunal ay katumbas ng kasiyahan ng isang tao?!" tanong ko sa isang freshmen na kausap ko.
"Ou.! pero maaaring isang tao lang din yun basta you make him/her happy!" sagot niya sa akin.
"Ssh! Bakit ba kasi iniiwan iwan niyo yung libro niyo kung saan saan! Yan tuloy may ibang nadadamay!" pagalit na tanong ko sa kanila.
"Sa totoo lang gusto ka namin turuan ng leksyon!" nagulat ako sinabi niya. Leksyon? Para saan naman?!
"Bakit ba naman kailangan ako pa?!"
"Sinaktan mo kasi si Prince Erry kanina!!!" sagot nung isa sa akin. "Si Erry?!" sabi ko.
"PRINCE ERRY!!!" sigaw nila. "sabi ko nga!" nakakainis, nakalimutan ko na sikat siya sa academy nito kaya hindi malabong pagtripan ako ng mga fans niya gaya nalang ng nangyari ngayon.
Magsasalita pa sana ako kaso umalis na sila. "Ang bad naman nila hindi pa nga ako tapos magsalita iniwan na ako kaagad. rr!" nang maramdaman ko ang pagtubo ng nunal banda sa may bibig ko. "HAA!!! bawal nga pala ako magalit" takbo doon, takbo rito. Isip doon Isip dito! Paano na to!?!!!!!!! Napahinto ako sa kakatakbo nang maisip ko na kay Prof. Sebastian para hingian ng tulong. "Sigurado ako na marami ang hindi maniniwala na ako ito. Kaya lalabas muna ako ng academy!" Alam kong mahirap makalabas ng palasyo tuwing maaga kaya naman ang naisip kong paraan ay sumakay sa isang track ng.... basura.
(MAY INEDIT AKONG PICTURE NASA MULTIMEDIA PO HEHEHE)
-- -- -- -- -- -- --- --
"ang baho naman!" "eww!" asar na sabi ng ilang mga taong nakakasalubong ko sa daan. Sabi ni Prof. hindi daw sila mga ordinaryong taong so I wonder kung ano ang mga power nila.
Binibilisan ko na ang lakad ko nang sa gayon makarating na ako sa training place at makahingi na rin ng tulong kay Prof. Sebastian.
Kaso nang makarating ako sa training place nagulat ako sa boses na narinig ko masyadong pamilyar kaya naman dahan dahan akong lumapit at nagtago sa may puno.
"Sabi ko na nga ba siya yun!" gigil na sabi ko nang makita ko si Prince Erry nakikipag-usap kay Prof. Sebastian. Nang dahil sa kanya kung bakit ako nagkaganito!
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Erry kay Prof. Sebastian na nahihirapan na daw siya tuwing gabi ... basta tungkol sa ganun. Halatang sa akin siya naiinis dahil sa oras na nilalaan sa akin ni Prof. Sebastian para maturuan ako pero di ba madaling araw naman yung training ko? Wag niya nga akong masisi~sisi!, kasalanan ko bang ayaw siyang tulungan ng sarili niyang mentor, haist!!
"Asan ba yang apprentice mo?! Asan, asan?!!!" sigaw na tanong ni Erry kay Tandang Sebastian. Kahit kailan wala siyang galang! palingon lingon siya sa paligid.
Kung lalabas ako ngayon hindi niya rin ako makikilala dahil sa itsura ko.
"Wala siya ngayon rito!" sabi ni Prof. Sebastian.
Prof. sana maniwala kayo na ako ito. Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa.
"Nandito ako..." ani ko. sabay sila Prince Erry at Prof. Sebastian tumingin sa akin. Alam kong gulat na gulat sila nang makita nila ako dahil bukod sa ngayon lang nila nakita ang isang tulad ko ay para pa akong basurera sa lagay ko.
"Ahh.. Ikaw pala ang apprentice ni Tanda ngayon KUNG BAKIT HINDI NIYA AKO MATULUNGAN SA PAGPUNTA SA MT. ILL" asar na sabi sa akin ni SALBAHENG si ERRY!!! See? Nasasanay na akong hindi siya tawaging Prince Erry! dapat lang, paki ko sa kanya! rrr..
"Te~teka lang, Kakausapin ko lang siya." sabi ni Prof. Sebastian kay Erry bago ako lapitan.
"Anong ginagawa mo dito?!" sa tingin ko alam ni Prof. na ako nga talaga ito!
"Prof. mag-eexplain ako!" sambit ko sa kanya nang hawakan niya ang braso ko.
"Sinabi ko na sa iyo na sa makalawa pa ako magbabayad ng utang!" makabasag panga lang nang marinig ko ang sinabi ni Prof. so hindi niya ako nakilala! kaasar.
"Prof. ! ako po ito si sophie!" bulong na sabi ko sa kanya habang magkaharap kami.
"Sophie? Ikaw? Wag mo nga akong patawanin! Mamaya pa siya darating, umalis kana ngayon. Napagkamalan ka tuloy ni Prince Erry na apprentice ko." pabulong rin na sabi sa akin ni Prof.
"Prof. ako nga po talaga ito! Ba't po ba ayaw niyong maniwala" tiningnan ako ni Prof. from tip to toe. "So~sophie??! Sige nga, iexplain mo nga kung ano nangyari sa iyo?! " nang matapos ako mag-explain kay prof.
" Ang kailangan mo nga lang talagang gawin ngayon ay wag magalit at magpasaya ng mga tao!"
"Prof. pano ko po gagawin yun?! Sarili ko nga hindi ko mapasaya, ibang tao pa kaya?!" panlulumong tanong ko kay prof.
Magsasalita pa sana si Prof. nang hindi namin napansin na nakalapit na pala si Erry sa amin. "Matagal pa ba yan?!" panira talaga siya kahit kailan.
"Andyan kana pala.!" lumayo ng kaunti si Prof. sa akin.
"Ano ba kasi pinag-uusapan niyo ?!" tanong ni Erry sa amin nang tumingin siya kay prof. napatingin rin siya sa akin. Nanlilisik ang mga mata ko nang mapatingin siya sa akin.
"Ang pangit na nga ng apprentice mo nakakatakot pa!!!" sabi ni Erry. Makakasapak talaga ako ngayon!
"Mukhang hindi kayo magkakasundo." sabi ni Prof.
"Hindi talaga!!!" sabay namin sinigaw ni Erry!!
"Huh?! ganun ba?!" sabay pause ni Prof. "Alam ko na!"
"Anong alam mo na prof.?!" tanong ko kay prof.
"Wag mo na ituloy Tanda, siguradong kalokohan yan!" Erry said.
"Prince Erry di ba gusto mo nang makapunta sa Mt. ill?!" tanong ni Prof. Sebastian kay Erry.
"Ou bakit?!" Erry answered.
"May kasama kana?!" ani Prof.
Okay ako na O.P.!
"Sasama kana?!" tanong ni Erry kay Prof.
"Nope! SIya ang sasama" sabay turo sa akin ni Prof.
"SIYA?!! Wag na !! Baka maging aswang pa yan!" hindi ako nagsasalita ngayon. 'Bawal ka magalit. Magtimpi ka lang. Magtimpi ka lang Sophie! rrr!!" isip isip ko.
"Hoy, yung ilong mo nausok na !" sambit ni erry sa akin pansin niya siguro ang pagtitimpi ko.
"Tama yan! Tama yan." sabay akbay sa akin ni Prof. Nakita ko na nakasmile si Prof.
"huh?!" nagulat ako sa pagsigaw ni Erry. "Problema mo prince Erry?!" tanong ni Prof.
"Nakita ko yung isang nunal niya nagdisappear!!" gulat na gulat na sabi ni Erry na ikinatuwa ko naman.
" Ipagpatuloy mo lang yan." sabi sa akin ni Prof. bago lumayo sa akin. Sa tingin ko napasaya ko si Prof. Sebastian kaya nawala yung isang nunal, yehey!!!!
"Bakit ka nakangiti diyan?!" tanong sa akin ni Erry.
"Masama ba ?!" sabi ko. Nagsmirk siya sa harapan ko bago sumunod kay prof.
"Pasalamat siya kailangan kong magcontrol ng sarili ko kundi kanina pa ako nagwala dito sa mga panlalait niya." pabulong na sabi ko sa sarili ko.
abangan ang mga next chapters!!! about sa pagpunta sa Mt. iLL nila Prince Erry at Sophie. Alamin rin ang dahilan ni Prof. Sebastian kung bakit siya hindi sumama sa kanila Erry at Sophie sa pagpunta sa Mt. ill at kung bakit pinatawag si Jiro ng mahal na Hari. ahhahaha Magagawa kaya ni Sophie na magtimpi while kasama ang lalaking pinakaiinisan niya.
Don't forget to vote and post your comments. The next chapter will be posted if ever this chapter have reached 20 reads BUHAHAHA..... na w/ 5 votes!
follow me po salamat
10/28/13 - 4pm