Chapter 19: Marjorie’s Threat (Part 1)
“Nicole.. Ahmm.. Will you be my girlfriend?”
Sabi ni Xander sa akin habang naka-luhod sa harapan ko at may hawak-hawak na isang pulang rosas.
Tinignan ko siya sa mga mata. Mukhang sincere siya sa ginagawa nya..
Kinuha ko ang rosas na hawak nya at sinabing..
“Yes!”
Tuwang-tuwa si Xander nang marinig nya yun. Agad siyang tumayo para yakapin ako ng mahigpit ng biglang..
“Itigil nyo yan!”
Napatingin kami ni Xander dahil biglang may sumigaw.
Vinci?
Agad siyang lumapit sa akin at pumasok sa eksena..
“Hoy! Mr. Antipatiks. Ano bang problema mo?” galit na galit na sabi ko kay Vinci.
“We only have 5 minutes before class and you’re here to flirt around?!” galit na galit na sinabi ni Vinci..
“Bakit ba? Ano bang paki------“
“I’m not talking to you..”
Huh?
“.... I’m talking to him” sabay tingin ni Vinci kay Xander.
What???
Hindi na nakapagsalita pa si Xander dahil bigla siyang hinatak ni Vinci papunta sa bike nya. Sinakay nya sa likod si Xander at pinaandar ng mabilis ni Vinci ang bisikleta..
“Waaaaaag!!!!” sabi ko sa kanya..
Sinubukan ko silang habulin pero dahil sa sobrang bilis ng takbo ni Vinci, hindi ko sila nagawang mahabol...
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa..
*booogsh
Ouch!
Aray ko naman.. Huhu..
Teka, nasaan ako?!
*blink blink
N-nasa kwarto ako?!
Ibig sabihin..
Panaginip lang pala yun?!
0_0
Waaahhh.. Lord! Buti nalang talaga panaginip. Kala ko totoo. T_T
Halaaa.. ayoko nang managinip kung ganun din pala kalalabasan ng panaginip ko.. Huhuhu.. Imagine, maganda na sana yung umpisa eh..tapos...
Tapos...
Waahh!!! Grabe talaga. Parang My Husband’s Lover lang.. Ay mali.. My Boyfriend’s Lover pala..
Tapos ako yung Martyr na girl..
Tapos...
Waahh.. ayoko na talaga.. >_<
Teka, anong oras na ba?
*tingin sa relo
Time check: 7:30am
Ahh.. Ok...
*Moment of silence..
*blink blink
0_0
Shocks!!!!! 8 am yung class ko..
Waahhh.. I’m doomed!
Mabilis akong tumayo sa kama ko at pumunta ako sa banyo para maligo.
After kong maligo, wala ng tuyo tuyo ng buhok.. Bihis na kaagad..
Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko na yung bag ko tapos tumakbo na ako pababa ng hagdan..
“Good morning, daddy!” sabi ko kay dad habang nagmamadali pababa ng hagdan..
“Good morning, my princess.. Kumain ka n----“
“Bye, Dad!”
“Nikki, wait----“
Hindi ko na inintindi si daddy. Tumakbo na ako kaagad palabas ng bahay. Late na ako eh..
Nung nasa labas na ako ng bahay, pumunta ako sa garahe para kunin ang bike ko at mabilis ko siyang pinaandar..
Nang makarating na ako sa school..
“Good morning, kuya guard!” sabi ko kay kuyang guard na laging naka-smile
“Good morning, ma---“
“Bye, kuya guard!”
Hindi ko na ulit pinatapos magsalita si kuya guard. Tapos nagsimula na akong tumakbo papunta sa building kung saan yung klase namin..
Tumakbo rin ako paakyat ng building. Halos 2 steps each na nga yung pagtakbo ko paakyat..
*tingin sa relo
Time check: 8:10 am
Shocks! 8:10 am na.. Late nako.. Oh no! T_T
Ayan, malapit na ako.. Konting takbo nalang..
Nang makarating na ako sa room..
“Sir!!!! Sorry, I’m late!”
Full force na sinigaw ko yun. Tapos napayuko ako dahil sa sobrang hingal..
Pag angat ko ng ulo....
Eh? Walang tao?
Hala, pero bakit? 8:10 am na ah..
Maya-maya, pag tingin ko sa labas, nakita ko naman si Classmate na naglalakad sa labas ng room namin..
Nilapitan ko siya para tanungin kung bakit siya nandun..
“Good morning classmate” sinabi ko sa kanya habang hingal na hingal pa. “Ba’t nasa labas pa kayo?”
“Hi Nikki. Hmm.. Sabi nila, Wala daw si sir ngayon..” sabi ni classmate
“What? Talaga? Kailan sinabi?” sabi ko sa kanya.
“Kagabi daw. Hindi ka ba nakarecieve ng text?” sabi ni classmate
“Hindi eh”
“Ah.. ganun ba? Nagpakalat kasi ng text message yung mga classmate natin. Nakalagay dun na wala si sir ngayon. Ba’t di mo narecieve? For sure naman na-text ka din..”
“Hala, Wala talaga akong narecieve. Kahapon nga din, nagtext sakin ung bestfriend ko, hindi ko rin na-recieve..”
“ Talaga? Hmm..wait”
Kinuha ni classmate yung cellphone nya...
“Eto yung text message kahapon..”
Tapos pinakita nya sa akin yung text message ng isa naming classmate..
“Hala, oo nga noh. Hindi ko yan narecieve kagabi.” Sabi ko sa kanya.
“Talaga? Hmmm.. Hindi kaya, may sira yung phone mo?”
“May sira? Ahmm.. hindi ko alam eh.. sa tingin ko naman, walang sira..”
“Ahh. Wait. Eto, i-tetext kita ah. Try mo kung marerecieve mo” sabi nya sa akin.
“Ok.. sige”
Tinext nya ako pero wala talaga akong narecieve. Sinubukan nya namang tawagan ako pero wala talaga.
“Wala. Cannot be reached yung phone mo.” Sabi nya sa akin habang hawak nya yung phone nya.
“Talaga? Hala, may problema yata talaga yung phone ko.”
“Try mo nalang din ipagawa..” Sabi ni classmate.
“Ah. Ok. Sige. Salamat ng marami”
Tapos naghiwalay na kami ni Classmate..
Hayss..Pambihira.. Another bad day nanaman ako ngayon. Bukod sa sira yata yung phone ko, wala pala kaming class ngayon.. Ni Wala man lang akong kaalam-alam..
Teka..
Di ba, classmate ko din si Vinci nun?
Ibig sabihin...
Ibig sabihin, hindi man lang nya---
Argh! Kainis naman yun. Ba’t di man lang nya ako sinabihan? Kaya naman pala hindi man lang tumayo kanina sa dining area..
Hays, Anong gagawin ko ngayon? Sayang naman yung pinasok ko ng maaga.. T_T
Pambihira, makapunta na nga lang sa tambayan..
Pumunta nalang ako sa tambayan. Wala na kasi akong choice kundi dun nalang..
Pag punta ko dun, nakita ko si Kristoff, Ian at Daniel. Mukhang magiging one of the boys pala ako for this day..
“Hi guys!” sabi ko sa kanila
“Hi Nikki!” Sabi ni Daniel habang naka-earphone at nagbabasa ng libro.
“Oh? Buds! Ba’t nandito ka?” Ngiting sabi sa akin ni Ian.
“ Hindi ko kasi alam na wala pala kaming klase ngayon sa first subject ko. Kaya pumunta nalang ako dito. Sayang nga yung pinasok ko ngayon eh.. Nagmadali pa naman ako.” Sabi ko sa kanila.
Napatingin naman ako ng biglang lumapit sa akin si Kristoff..
“Woah! Nik Niks. Wet look? New look ba yan?” Pang-asar na sinabi sa akin ni Kristoff.
Paano kasi bukod sa hindi ako nakapagpatuyo ng buhok kanina, nabasa pa yung buhok ko dahil sa pawis.
“Ah,. Ganun? New look pala ah. Gusto mo ng new look? Eto oh” sabi ko kay Kristoff tapos ginulo gulo ko yung hairdo nya.
“Hala, Nik Niks. ‘To naman. Joke lang eh..” sabi nya sa akin habang inaayos ang buhok nya.
Natawa naman si Daniel saka si Ian sa ginawa ko kay Toff samantalang asar na asar naman si Kristoff sa ginawa ko sa kanya.
“Ay, Nga pala.. Danny! Di ba, magaling ka mag-ayos ng gadgets?” sabi ko kay Daniel.
“Hmm. Medyo lang.. bakit?” sabi nya sa akin.
“Kasi yung phone ko, sira yata. Hindi nakakareceive ng message saka hindi natatawagan. Pwede mo bang tignan?” sabi ko sa kanya.
“Sure! Sige..“ sabi ni Daniel tapos binigay ko sa kanya yung cellphone ko.
Tinignan naman niya yung cellphone ko..
“Hmmm.. nabagsak ba ‘to?”sabi niya.
“Hindi ko maalala eh. Bakit?” sabi ko sa kanya..
“Ahh.. mukha kasing may problem na talaga yung mismong phone eh.” Sabi nya sa akin..
“Ahh.. ganun ba? Mukhang kailangan ko na nga talagang ipagawa ‘tong phone ko.. Sige, salamat..”
“You’re welcome. Pasensya na, wala akong natulong..” sabi ni Daniel
“Naku, ok lang.” Ngiting sabi ko sa kanya.
Binaling ko naman yung pansin ko kila Ian at Kristoff..
“Nga pala, pumunta na ba dito sila Kylie?” sabi ko sa kanila..
“Hmm.. Baka mamaya pa. Mga 9:00am siguro, nandito na yun.. Bakit?” sabi ni Ian
“Ah.. Wala lang. Makikitawag lang sana ako kay Kyl” sabi ko sa kanila.
“Ahh.. Eto oh, gamitin mo yung phone ko. May natitirang pantawag pa naman yan. Gamitin mo nalang” sabi ni Ian habang inooffer yung cellphone nya..
“Ahh.. Sure ka? Ok lang na gamitin ko?” sabi ko sa kanya..
“Oo naman. Ok lang yun. Ikaw pa.” Ngiting sabi ni Ian.
“Oo nga. Ikaw pa? Matatanggihan ka ba ni Lover boy Yan-yan? Haha---Aww..” Sabi ni Kristoff sa akin. Binigwasan kasi siya ni Ian kaya umaray siya..
“Ah. Ok. Sige.. Thanks. hehe.” Ngumiti nalang ako sa kanila.
Pagkatapos kong makuha yung phone ni Ian, lumayo ako ng konti kasi tatawagan ko sana yung kumag na Mr. Antipatiks na yun.. Aawayin ko lang kasi hindi nya ako sinabihan..
Teka, ano nga ba ulit number nun?
Hmmm....
Ahh.. ok. Tanda ko na..
*dialling Vinci’s number..
Ay, sosyal naman pala ‘tong si Vinci. May ringbacktone pa..
When I see your face.. There’s not a thing that I would change.. Coz you’re amazing. Just the way you are...
“Hello?” sabi nung boses sa kabilang linya.
“Oy! Mr. Antipatiks!” sabi ko sa kanya..
“Oh, bakit? Teka, kaninong number yang gamit mo?” sabi nya.
“Basta, nakitawag lang ako.. May problema kasi yung cellphone ko. Hoy, teka. Wag mo ngang ibahin yung usapan. Nasaan ka ngayon?”
“Dito sa bahay, bakit?”
“Pambihira, nandyan ka lang pala sa bahay. Ni hindi mo man lang sinabi sakin na wala tayong class ngayon..”
“Malay ko bang di mo alam. Nagtanong ka ba?”
“Hindi!”
“Oh, hindi naman pala eh. Kasalanan mo yan.”
“Anong sabi mo?!” sabi ko sa knya. Mukhang napalakas yung boses ko kasi napatingin sila Ian. Pero umiling nalang ako para hindi nila ako pansinin..
“Saka sinubukan ka kayang pigilan ni tito Greg kanina pero ambilis bilis mong tumakbo..” sabi niya..
“Aba, malay ko ba kasi eh! Hayss.. Oh siya, sige na.. Bababa ko na to. Bye”
Ibababa ko na sana ng biglang narinig kong nagsalita si Vinci sa phone.
“Wait! Nikki!”
Nilagay ko ulit yung phone ko sa tenga ko.
“Oh, bakit?”
“Ingat ka ha..”
“Huh? Bakit mo naman bigla----“
*tootootoot
Aish. Naputol na yung linya. Siguro ubos na yung load ni Ian.
Bumalik na ako kila Ian para ibigay sa kanya yung phone..
“Buds, eto na yung phone mo oh. Salamat” sabi ko kay Ian.
“Walang anuman. Sino yung tinawagan mo?” sabi nya.
“Ahhh eh.. Boy namin sa bahay..”
Yun nalang yung sinabi ko. Hindi ko kasi pwedeng sabihin kila Ian yung tungkol kay Vinci eh..
“Wow, sosyal na boy naman yan. Tinatawagan ng amo..” sabi ni Kristoff.
“Walang basagan ng trip..” sabi ko kay Kristoff. “Geh, bibili lang ako ng food sa cafeteria ah. Nagugutom na kasi ako eh” sabi ko sa kanila.
“Samahan na kita, Buds.” Sabi ni Ian sa akin.
“Wag na. Kaya ko na ‘to. Dyan ka nalang” sabi ko kay Ian
“Sure ka?”
“Oo naman. Ang lapit lapit lang ng cafeteria eh.. “ sabi ko sa kanya.. “So paano? Bili na ako ah. Pa-bantay nalang ng gamit ko. Babalik ako kaagad. Salamat” sabi ko sa kanila.
Paalis na ako sa tambayan namin para pumunta sa cafeteria..
Nang maglalakad na ako papuntang cafeteria, tinitignan ko yung phone ko kung anong sira.
Hmm.. bakit kaya to nasira?
Wala kasi akong matandaan na nabagsak ko ‘to eh...
Ay.. oo nga. Nabagsak siya nung kinagabihan..
Hayss.. kasi naman ayaw mamatay nung alarm clock kaya natulak ko yung phone..
Hala, paano ngayon yan.. Wala na akong phone.. T_T
Habang kinakalikot ko yung phone ko...
Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa akin papuntang gilid..
“S-sino ka? B-Bitiwan mo nga ako!”
Sinubukan kong pumiglas sa kanya. Pero sa sobrang lakas nya hindi ko nagawang makawala..
Tinakpan nya ang bibig ko ng panyo at...
At.....
-----> See you in Next Chapter 20: Marjorie’s Treat (Part 2)
*Marjorie’s Image on right side