Our 120 Millimeters Gap [One...

By deesirius

1.2K 37 11

Kapag natawid ko ba ang 120 millimeters gap natin sa isa't isa, makukuha ko na ba ang puso mo? Maabot na ba k... More

Our 120 Millimeters Gap [One-Shot]

1.2K 37 11
By deesirius

12 centimeters. 120 millimeters. 

Ganyan ka lang kalayo sa akin tuwing may klase. Alam mo ba yun?

Siguro hindi. Ako lang naman ang baliw na pati ang eksaktong sukat kung gaano ka kalayo sa akin ay inaalam at pinapansin pa. Pero masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? Akala ko isa lang pangarap na mabigyan ako ng pagkakataon na makatabi kita sa huling taon natin sa high school. Pero eto ngayon tayo, mayroon lamang 120 millimeters gap sa isa’t isa. Hindi mo ba alam kung gaano nagagalak ang puso ko? Dahil kahit ilang oras lang sa isang araw, nararamdaman ko na malapit ako sa iyo, physically.

“Ms. Shale Reyes!"

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang pangalan ko. Agad kong inalis ang tingin ko sa iyo na wala man lang pakealam sa mga nangyayari sa paligid at lumingon sa kanina pang nagsasalitang teacher.

“Yes, ma’am?”

“You better listen or I’ll kick you out of this classroom”

“Sorry po.” Nakita kong nagtinginan pa ang mga kaklase ko sa akin kaya napayuko na lang ako sa hiya. Ayan. Dahil sa iyo, napagalitan na naman ako for the nth time. Pero… dapat ba talaga kitang sisihin? Ako itong hindi mapigilan ang sarili kong mahumaling na lamang sa pagkatao mo. Ako itong patuloy na umaasa na mapapansin mo na ako. Ang lapit mo na sa akin, oh. Pero hindi pa pala sapat ang 120 millimeters. Ni ha, ni ho wala pa akong naririnig sa iyo. Ganoon ba ako kahirap kausapin, Slate?

 Yes. You are physically close to me. 120 millimeters to be exact but.. your heart is still out of my reach.

--------------------

"Pwede mahiram ang notes mo sa Math at Physics?”

Iyan. Iyan ang sinabi mo sa akin sa ating unang pag-uusap nung dismissal. Hindi ko alam na mapapalitan pala ng saya yung lungkot ko sa dalawang araw mong pagliban sa klase. Agad kong kinuha ang Math at Physics notebook ko sa bag at chineck muna ito bago ko ibagay sa’yo. Lihim akong napabuntong hininga. Buti na lang at maayos at kumpleto ang notes ko.

“Ito oh.” Iniabot ko sa iyo ang mga notebook ko na may mga ngiti sa aking mga labi.

“Thanks,” sabi mo pagkakuha ng mga ito at nanahimik ulit sa upuan mo habang kumokopya ng mga notes ko.

"Umm.. S-slate, bakit ka pala absent nang dalawang araw?” Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tinanong na kita. Hindi mo ba alam na sobra akong nag-alala sa iyo?

Napatigil ka sa pagsusulat at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. “Bakit mo tinatanong?”

“H-ha? Umm.. wala lang.” Napaiwas ako ng tingin sa iyo. Sobrang ka kasi makatitig, nakakatunaw. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa iyo.

“Wala lang pala eh. Hindi mo na kailangan malaman,” sabi mo ulit sa akin at binalik mo na ang sarili mo sa pagsusulat.

Pinagmasdan lang kita habang nagsusulat ka. Mukha naman napansin mo ito kaya napatigil ka at tumingin ulit sa akin. “Ano pang ginagawa mo dito?” nilibot mo ang mga mata mo sa classroom natin. “Wala nang tao dito oh. Hindi mo na ako kailangang hintayin. Ibabalik ko din ito bukas.”

Umiling ako. “Hihintayin ko na, Slate. Para kapag may hindi ka naiintindihan pwede mo kaagad akong tanungin.”

“Bahala ka,” sabi mo at bumalik ka ulit sa pagsusulat.

Sobrang katahimikan ang bumalot sa paligid pagkatapos noon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan ka at hinayaan ko lang maging abnormal ito. Hindi mo naman siguro maririnig, di ba?

Hindi pa sapat ang distansya natin para marinig at maramdaman mo ang damdamin ko para sa iyo. Hindi pa ito sapat para maabot kita.

 --------------------

 “Paano ang graph ng rational functions?”

Bumalik na naman ako sa ulirat ng marinig ko ang boses mo. Ito na ang pangalawang pagkakataon na magkaroon tayo ng oras na tayong dalawa lang. Lagi ka kasing absent at sinabihan na ako ni ma’am na itutor ka.

Lumapit pa ako ng kaunti sa iyo. Hindi mo ba alam na halos lumundag na ako sa tuwa simula ng sabihin ni ma’am na itutor kita sa Math? Ngayon ko lang nalaman na may magandang maidududlot pala sa akin ang kagalingan ko sa Math bukod sa lagi kong pagkakaroon ng mataas na grado dito.

Dahil sa ngayon, nakakaya ko na. Nakakaya ko nang paliitin ang distansya natin sa isa’t isa.

We are now 60 millimeters apart.

“Kailangan kunin mo muna ang asymptote of the curve.”

“Asymptote?”

“Imaginary line lang yun.” I smiled weakly. “Habang papuntang infinity ang curve, mas lumalapit siya sa asymptote but.. kahit kailan.. they will never touch each other.”

“Ahh. Thanks.” At bumalik ka na sa sarili mong mundo. Yung mundong hindi mo na talaga ako nakikita at napapansin. Yung mundong wala naman talagang espasyo para sa isang babaeng tulad ko. Hindi mo na ako pinansin at kahit nandito lang ako sa tabi mo at handa kang tulungan kapag mayroon kang hindi maintindihan, hindi ka na muling lumingon sa akin.

And then it hit me. You are my asymptote.

Kahit gaano man ako kalapit sa iyo, hindi ko pa rin mahahawakan ang puso mo. Pero heto ako, tuloy tuloy lang patungong infinity para lang mapalapit sa iyo. Tuloy tuloy lang ang pagsigaw ng puso ko sa pangalan mo. Ang lakas na ng sigaw, Slate. Sayang at hindi mo pa rin yata ramdam iyon.

Mukhang hindi pa sapat ang 60 millimeters gap natin para marinig mo ang sinisigaw nito.

 --------------------

 “Sayaw na kita.”

Everything’s perfect tonight. Magandang dress, shoes at make-up. Pinaghandaan ko talaga ang last prom natin dahil ikaw ang kapartner ko sa cotillion. Buti na lang talaga at tamad ang adviser natin at kung sino na lang ang seatmate mo, siya na ang partner mo sa sayaw. At buti na lang hindi approve kay ma’am ang choose your partner dahil kung ganoon nga ang nangyari siguradong wala akong pag-asa sa iyo.

Hindi mo ba alam kung gaano nagdidiwang ang buong pagkatao ko at gabi-gabi na lang ay hindi ako makatulog dahil sa wakas ay nagagawa na kitang hawakan kahit sa balikat mo lamang?

At ngayon, niyaya mo na ako sumayaw. Alam ko hindi ako dapat kiligin kasi parang responsibilidad mo lang talaga na isayaw ako dahil ako ang kapartner mo sa prom pero.. hindi ko talaga mapigilan. Masaya ako at matutupad ang dati ko pang ipinagdarasal.

Tinanggap ko ang nakalahad mong kamay sa akin at sinayaw mo ako sa gitna ng iba pang mga taong sumayaw.

Ramdam na ramdam ko ang kamay mo sa baywang ko at para bang mawawala na ako sa sarili. Wala na akong ibang nakikita kung hindi ikaw at hindi ko na rin marinig ng maayos ang background music dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang malakas na tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan na marinig mo ito.

Especially now that we are only one millimeter apart from each other.

Napatigil ako sa pagsasayaw at tumingin ng deretso sa mga mata mo. Hanggang ngayon ba hindi pa rin kita kayang abutin?

“Bakit?” tanong mo sa akin habang nakakunot ang noo. Nagtataka kung bakit ako biglang huminto.

“Slate, mahal kita. Matagal na.”

Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa iyong mukha sa mga sinabi ko kasabay nito ay ang pagtakas ng isang patak ng luha sa aking mga mata. Bumitaw ka sa pagkahawak mo sa aking baywang at napalitan ng lungkot ang gulat sa iyong mukha.

“I’m sorry.”

Napakagat labi na lang ako para pigilan ang iba pang luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko at tumango. I know. I already saw this coming pero masakit pa rin talaga.

Una siyang tumalikod sa akin at doon ko binuhos ang lahat ng sakit. Wala na akong pakealam sa ibang tao sa paligid. Basta ako ngayon, nasasaktan.

Nasobrahan na siguro ang lapit ko sa iyo at hindi ko matanggap na hanggang dito lang talaga ako. Sa sobrang lapit, sa wakas, narinig mo na ang nararamdaman ko. Sa wakas, naputol na ang mga ilusyon ko at tuluyan na akong napaso dahil sa iyo.

 -------------------

 “Congratz, Valedictorian.”

Nagkita ulit tayo pagkatapos ng isang buwan sa may garden ng school after ng graduation namin. Biruin mo iyon. Hindi ka na pumasok ng school pagkatapos ng prom. Hindi ko alam ang dahilan at wala akong balak itanong. Dahil sa ngayon, nangingibabaw pa rin ang sakit dito sa puso ko. Ang sakit, Slate. Ang sakit sakit.

“Bakit ka nandito?” malamig na tonong tanong ko sa iyo.

“Gusto lang kita makita sa huling pagkakataon.”

Bigla na lang tumulo ang luha ko sa mga katagang binitawan mo sa akin. Aasa na naman ba ako?

“Ano bang pinagsasabi mo, Slate? Bakit ngayon ka pa nagiging ganito?” Lumapit ako sa kanya at pinaghampas hampas ang dibdib niya. “Guilty ka ba, ha? Guilty ka?! Kasi hindi mo kayang ibalik yung nararamdaman ko? Kasi pagkatapos ng lahat ng iyon bigla ka na lang naglaho na parang bula?! Then, guess what, Slate. Hindi ko kailangan na maguilty ka sa isang bagay na wala kang kasalanan. Ako lang naman ang may kasalanan ng lahat eh. Ako lang ang nagmahal. Wala kang ginawa. Ako lang ang umasa. Wala kang kasalanan.”

Naramdaman kong hinawakan mo ang dalawang kamay ko. “Shale..”

Mas lalong tumulo ang luha ko nang marinig kong binanggit mo ang pangalan ko. Alam mo bang kay tagal kong inaasam na tawagin mo ang pangalan ko? Pero, hindi ko na ito kailangan ngayon. Umiling ako sa iyo.

“Tama na ang sakit, Slate.”

Binawi ko ang kamay ko sa iyo and for the first time, nagawa kitang talikuran. Nagawa kong maglakad palayo sa iyo kahit na sa kaloob looban ko wasak na wasak ako. Kahit na ang totoo, lumayo man ako sa iyo, iniwan ko naman ang puso ko sa iyo.

Ang tanga ko lang, di ba?

“Shale..”

Naramdaman ko ang pares ng brasong mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. “I-I’m.. I’m really really sorry.”

“Hindi mo nga kailangan mag-sorry, Slate..”

 “NO!” Mas lalong humigpit ang yakap mo sa akin at naramdaman kong ipinatong mo ang ulo mo sa balikat ko.

Ramdam ko, na katulad ko, umiiyak ka din. Bakit?

“I’m sorry, Shale. I-I’m not.. I’m not the right guy for you. All this time, Shale, all this time. Pinilit kong iwasan ka kahit sobrang lapit mo na sa akin. Kahit isang hakbang ko na lang, mayayakap na kita ng ganitong kahigpit. Pinilit kong magkunyari na wala akong pakealam sa iyo, sa nararamdaman mo. Kahit na ang totoo, sobrang saya ko nang malaman mahal mo rin pala ako. But, this is all wrong, Shale. Ayokong mas masaktan ka pa dahil sa akin. I love you, Shale. I really do. That’s why pinili kong lumayo na lang sa iyo.”

“I-I’m dying, Shale. I’m sorry”

And that is my cue. I cried hard in your arms. We cried hard.

Hindi mo ako binitawan at nanatili lang tayo sa ganitong posisyon hanggang sa maubos na lang ang luha ko.

Wala na. Wala na  tayong distansya ngayon sa isa’t isa. Natawid ko na ang 120 millimeter gap natin sa isa’t isa. Pati ang puso mo, matagal ko na rin palang nakuha.

Pero bakit ganito?

Hindi pa rin kita kayang abutin.

☆~☆~☆~☆~☆~☆~☆

   © Sirius Stories

 A/N: May sequel na po ito entitled: Light-years Away. Kung gusto niyong malaman kung anong nangyari sa buhay ni Shale after this.. just click the external link or go to my profile. Makikita niyo yun dun. XD

Continue Reading

You'll Also Like

769K 38.3K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
56.4K 70 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
66.2K 3.3K 25
Porcia Era Hart x Chrisen