Boyfriend Corp. Book 2 : Afte...

By iamKitin

23.3M 463K 202K

PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfr... More

Boyfriend Corp. 2
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight part 2
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Author's Note
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Last Chapter
Random Questions (UPDATED)
PUBLISHED UNDER POP FICTION

Chapter 18

404K 7.8K 4.6K
By iamKitin

New Year's Eve na mamaya. Kanina pa akong nagluluto dahil kahit papaano ay gusto ko ring maghanda. Nakakapanibago dahil ito ang unang pagkakataon na magse-celebrate ako sa bahay, wala pa sina Mama at Papa.

Kinuha ko ang last dish na niluluto ko at ipinasok yun sa oven.

"Garlic... Apple... Sauce..." Sabay kaming napatingin ng kapartner ko sa pagluluto ngayon—si Andrei—sa taong pumapasok ngayon sa kusina. "Pepper...Sweet... I smell seasoned chicken!" Food maniac. "Can I eat it? Can I eat it?"

"Ako muna bago Wenzo." Umiling iling si Andrei. "Bawal, okay?"

"What? Andamot mo naman, Andrei e!"

"Ehh. Ako muna. Gutom monster!" Iniangat ni Andrei yung tshirt niya, exposing his little tummy at tinapik tapik yun.

"Wala. Papayatin mo na yang monster sa tiyan para ikaw nalang kainin niya tapos ako kakain nung chicken. Mas maganda idea yun iba?"

"Bad Wenzo!" Na-alarm ako nang teary eyed na si Andrei kaya binuhat ko siya. Ito naman si Lorenzo mukhang natuwa pa. Napailing nalang ako, "Gab, wag mo bigyan Wenzo. Bad!"

"Oo. Sige baby. Pero magugutom din siya."

"Pero away niya baby." At baby talaga tawag niya sa sarili niya? Cute. :(

"Konti nalang bigay natin?"

"Konti lang?!"

Biniletan ni Andrei si Lorenzo tapos mahigpit na yumakap sa'kin nang nagkunyare si Lorenzo na kukuhanin siya mula sa'kin. Tawa ng tawa malapit sa tenga ko. Mabigat ka Andrei pero dahil cute ka, pagbibigyan kita.

Kumain na kami pagkalapag na pagkalapag ko ng chicken sa lamesa. Napatawa ako nung sinamaan ng tingin ni Andrei si Lorenzo nung kukuha sana 'to. Tumawa pa niya nung napaso si Lorenzo e.

Si Lorenzo mukhang bagong gising at parang nagising lang talaga dahil sa luto ko. I salute his smelling powers.

"Yah!" Napatigil kami nung biglang pumasok si Lean sa dining area, with face mask on his face. "Iniiwan mo 'to e natutulog ako!"

Iniabot niya yung tumutunog na phone kay Lorenzo. Hinampas muna ni Lean yung braso niya para lang maistorbo. Grabe. Tiningnan naman ni Lorenzo yung screen at hindi pa rin kinukuha yun sa kamay ni Lean. At kahit may mask sa mukha niya, alam mong naiinis at salubong ang kilay niya.

"Ahhh! Ayaw!" sabi niya matapos makita yung nasa screen. "Ikaw na sumagot Lean. Tell her I'm sleeping!"

"What? Ayoko!" Inilapag ni Lean yung cellphone sa lamesa at nagdirediretso na palayo. Lorenzo tried to call him many times pero wala, badtrip. Naistorbo sa pagtulog.

"Bawal. I'll be screwed," Napailing siya habang sinubo yung pagkain. Wow. Kahit namomroblema na, hindi pa rin niya nakakalimutang sumubo. "Ah no. I'm already screwed!"

"Sino ba 'yan?" Naputol yung tawag pero tumunog ulit yun seconds after.

"Ayun ang tunay na monster! Nakakatakot pa namang magalit ang babaeng 'yun!"

Napatingin ako at inalalayan si Andrei nang tumayo siya sa upuan para kunin yung cellphone ni Lorenzo sa tabi nito. He blinked twice before the screen at iniharap yun sakin.

"Lovely?" binasa ko para sa kanya.

Namangha ako nung nagswipe ng finger si Andrei sa phone at sinagot yun.. "Mommy!"

"Hala! Andrei!"

Mommy.

Lovely.

*****

Napatingin ako sa sofa noong naramdaman kong umupo si Gatorade. Kanina ko pa nga siyang hinihintay gumising e. Ang ingay kasing makipagusap ni Lorenzo dun sa mommy ni Andrei kaya hindi nakakapagtakang magigising niya.

But on the other hand, bakit siya dito natutulog sa living room?

"I know. I know. Sorry na nga e." Napakamot sa ulo niya si Lorenzo. Nakapout pa katulad ng pagpo-pout ni Andrei. Si Andrei naman nakatuon dun sa kabilang side ng phone at pinapakinggan ang Mommy niya.

Nagtama ang mata namin ni Gatorade at halatang kokonti palang ang oras ng tulog niya. Dun ko lang naalala na may sakit nga pala 'to pag nagpunta sa ibang bahay. Ang grabe niyang pamamahay.

"Oo! Gising na si Lance!"

Agad na iniabot ni Lorenzo ang phone kay Gatorade. Nakailang tingin muna siya sa screen bago magsalita. Lumipat naman si Andrei ng pwesto kung nasan si Gatorade at tumuon ulit dun sa kabilang side ng phone.

"Gusto mong sunduin kita?"

May mabigat na tumibok sa dibdib ko.

Tinitigan ko siya. Susunduin niya ang mommy ni Andrei?

"Sinong kasama mo?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang pinadaanan niya ako ng tingin. Ang seryoso kasi ng boses niya at ramdam mong nag-aalala siya sa kausap niya. At doon ko nalang napansin na nahihirapan na pala akong huminga.

"We'll get home as soon as we can. Promise."

Ibinaba niya yung phone at iniabot yun kay Lorenzo. Mukhang naghihintay naman siya ng sasabihin ni Gatorade. Nakita ko kung paano halikan ni Gatorade ang tuktok ng ulo ni Andrei bago 'to tumingin sa'min.

"Ba't di mo sinabi na dadating si Lovely?"

"Eh kasi sabi niya wag daw." He frowned. "She was planning to surprise you."

"Tapos nakalimutan mo? Wala siyang kasama sa Batangas." hindi inis o galit ang tono ng boses ni Gatorade pero alam mong may hint dun na parang bawal kang makampante dahil may kasalanan ka.

Napasandal ako sa sofa at pinanuod sina Lorenzo at Gatorade na magusap pero ayaw ng pumasok sa tenga ko ang mga sinasabi nila. Na pakiramdam ko na dapat hindi ako nandito.

I hate this.

*****

Tinitigan ko ang kisame. Ineentertain ang sarili ko habang tinititigan ang kisame. Bigla ko nalang kasing naramdaman ang pagkabagot at pagod simula nung kanina. Kausap niya si Lovely, ang mommy ni Andrei. At kitang kita ko talaga ang concern ni Gatorade sa kanya.

Bakit ganito?

Oo, gusto ko si Gatorade. Hindi ko 'yun ikakaila. Pero para sa sarili ko nalang 'yon. Hindi ko alam kung paano o kelan nagsimula. Basta ang alam ko lang—gusto ko siya.

Agad kong kinuha yung phone nang marinig kong tumunog 'yon. Sinagot ko na agad yun akhit hindi tinitingnan kung sinong tumawag.

"Hi."

My heart skipped a beat when a cold husky voice came out from the other line. Si Russ. "Hello."

"Nasa bahay ka?"

Bigla akong nakonsensya. Ngayon lang nagsink in sa utak ko na hindi niya alam na nandito sina Gatorade. Ni hindi ko nga nasabi yun kay bebs e. I was preoccupied having them here yesterday, nakalimutan ko.

"O-oo."

"Busy ka?"

"Hindi naman. Si Rinrin andyan pa?"

"Oo. Next week pa siya babalik ng Batangas."

"Ah.." Natahimik ako.

At ilang segundo rin ang lumipas bago siya ulit nagsalita.

"Wag ka ng masyadong mag-isip, Gab. Alam ko na naman." Buntong hininga niya. "Nakita ko kayo kahapon."

Napasimangot ako sa narinig ko. Pakiramdam ko kasi nadaya ko siya at humahanap ako ng palusot kung paano niya hindi ako mahuhuli.

"Sorry."

"Ba't ka nagsosorry?" Napapikit ako. Hindi ko alam. "Gusto mo bang pumunta ako dyan?"

Gusto ko ba? Actually, hindi ko alam pero hindi ibig sabihin noon ayaw ko siyang makita. Pero hindi ba magiging awkward kung pupunta siya dito? Si Gatorade, si Lean at si Lorenzo? Hindi kasi masyadong okay yung ambiance noong last time silang magkita.

"Joke lang." Pero feeling ko hindi yun joke. "I know you're busy. Bisita mo pa sila. At aalis din naman kami ni Rin mamaya."

"Russ.."

"Hm?" Umiling ako. Wala akong masabi sa kanya. "Sabi ng wag kang masyadong magisip. Wag kang magalala, Gab. Gusto pa din kita."

Napatungo ako at natahimik dahil mas nablangko ang utak ko sa dapat isagot sa kanya.

"Tawag nalang ulit ako."

Ibinaba ko na ang phone. Aakma akong umupo sa kama nang biglang pumasok si Lean sa kwarto ko. Wala na yung facial mask sa mukha niya, "Hello!"

And as usual, vibrant at happy ang energy aura niya. I replied, "Hi."

"Ayoko sa baba. Sobrang seryoso nila dun. Sungit pa nung batang maliit." I boringly looked at him nang humiga siya sa kama. Katulad ni Gatorade, wala siyang pakielam basta gagawin niya ang gusto niya. Feel at home nga daw e.

"Kilala mo yung mommy ni Andrei?" I hope I sounded like I was just asking randomly.

" Si Lovely?" Umikot siya at dumapa sa kama. "Nakita ko siya nung highschool kami pero 1st year palang ako noon e tapos graduating siya. Bakit?"

Inayos ko yung upo ko. Bakit ko ba naopen ang topic na yun? "Wala lang."

"Sayang kapatid ko, 'no? Pero good thing mabait naman si Andrei."

Nakailang ikot o gulong si Lean sa kama ko. Grabe naman 'tong lalaking 'to, hindi mapirmi. Ang kulit niya katulad ni Andrei. Pasalamat ka immune na ako sa kakulitan ni Andrei.

"Maganda siya, matalino." pagbabalik ni Lean sa topic. "Ang alam ko nga noong grumaduate siya ng college, nakuha agad siya na accountant sa ibang bansa."

Maganda.

Matalino.

"Tapos mabait." Napansin kong nakatingin si Lean sa kisame. Yung parang itsura ko kanina. "Bakit Gab? May gusto ka ba kay Lance?" Napatameme ako sa tanong niya at nakita niyang tumawa sa reaksyon ko. "Sabi na, e."

"Wala naman akong sinasabi, a!"

"Pero hindi mo tinatanggi.. Don't worry! I won't tell anyone."

"It's not like that Lean."

Tumawa siya at umiling, "Have it your way, Gab."

That was the first time I was confronted with my feelings. Anong magagawa ko? Hindi ako marunong maghandle ng ganitong situation. Feeling ko nga ang tanda ko nang makadiscover ng ganitong nararamdaman. Ni hindi ko maalala if I was ever infatuated with someone before.

"Alam mo..." napaurong ako nang biglang lumuhod si Lean sa harap ko. Ang lapit niya, "Familiar ka talaga e. Nakita na kita dati." Napataas ang kilat ko sa sinabi niya. Bigla nalang nanlaki ang mata niya na para bang may naalala siya. "Wait here!"

Mabilis na lumabas si Lean at narinig kong tinatawag niya si Gatorade. Ilang minuto pa, bumalik na ulit siya dito sa kwarto ko at tumalon ulit sa kama ko. Feel na feel ang pagiging at home. This time, may hawak siyang cellphone—at kay Gatorade 'yon.

"Ito!" Lumuhod ulit siya sa harap ko at itinutok yung phone sa mukha ko. Pwedeng pakilayuan?

Bigla akong kinabahan.

Napaiwas ako ng tingin nang nakita ko yung picture. Kaming dalawa ni Gatorade, natutulog. Nasa living room kami ng apartment. Nasa likod ko siya at nakasandal siya sa bottom part nung sofa.

"Girlfriend ka ba ng kambal ko?" Hindi na. "Pero imposible yun kasi tanda ko nakita ko kayo ni Russ e. Yung first time nating magkita, di ba? Sinundo ka niya!"

Hindi ako sumagot. Pinanuod ko lang siyang magbrowse ulit sa cellphone ni Gatorade.

"Lexis," napatingin kami sa pintuan. Si Gatorade. "Phone ko."

"Ay teka!" nakita ko yung pagback niya at pagdial sa isang number tapos pinatay na niya din agad. "Ba't kaya di ko macontact si Ivan?"

Lumingon sakin si Lean tapos bigla siyang kumindat kaya natawa ako. Reasons para di siya mahuli ng kakambal niya.

Lumabas na ang kambal sa kwarto ko. Napahiga ulit ako sa kama at napaharap sa phone ko. Unconsciously ko yung binuksan at pumunta sa gallery. Pinindot ko yung Camera photos at brinowse yun. Nakita ko ang natatanging dalawang picture niya na nakasave sa phone ko, parehong kasama si Laelle

Yung first pic, natutulog siya sa slumber bed at yung isa nakikipaglaro siya kay Laelle.

"Nakakainis ka, Lance."

*******

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

"One!"

"HAPPY NEW YEAR!"

Isa isa akong binate ang mga kasambahay namin dito sa bahay. Lumapit ako kay Andrei at sinindihan ko yung Lusis niya. Napaurong naman siya nang magsparkle na ang Lusis.

"Ingat ha." Pero alam kong hindi naman niya ako narinig dahil naaamaze siya sa itsura nung paputok.

"Gab!" Biglang hinawakan ni Lorenzo ang dalawang kamay ko, "Talon Gab! Talon!!"

Napatalon na din ako. "Hindi naman ako pandak!"

"Pero hindi ka rin matangkad!"

"Aba!" Siya na! Siya na ang matangkad!!

"I never celebrated this in years!" Napatigil kami sa pagtalon nang magsalita si Lean. Nakatingala siya kasi may firework display dito sa subdivision namin. Inilagay niya yung dalawang kamay niya sa gilid ng labi niya, "HAPPY NEW YEAR!"

I smiled. "Happy New Year, Lean."

"Happy New Year Gab!" bati niya.

"So, talon pa Gab! Miracles happen in New Year's!"

Napahawak ako sa braso ni Lorenzo nang bigla niya akong binuhat at nagsimula na ulit magtatalon. Di ko mapigilang hindi mapatawa. Ang kulit kasi!

"Wenzo! Ako din!"

Tumigil naman si Lorenzo at binuhat si Andrei. Napasigaw si Andrei nang palaro siyang inihagis ni Lorenzo. Bigla kong namiss si Papa dahil kay Lorenzo.

Dahil dun, kinapa ko yung phone ko para tawagan sila. Ayun pala, sila pala yung kanina pang tumatawag sakin. I dialed Papa's number at nung hindi ko macontact, kay Mama naman.

"Ma!"

"Alexa, Happy New Year Hija!—Is that our princess? Happy New Year baby!"

"Happy new year po Ma, pa!" Medyo naging putol-putol na sa kabilang linya dahil for sure maraming gustong tumawag at magtext ngayon kaya busy na ang network line, "Ma, Pa. Tawag nalang po ulit ako mamaya. Love you po!"

I hung up.

Inilbot ko ang paningin ko at nakita si Gatorade sa isang gilid dito sa labas. Hawak niya ang phone niya at may kausap. Happy New Year, Lance.

Pagkatapos nang firework display, dumiretso na kami sa loob ng bahay para makakain. Nanguna si Lorenzo, of course. Nakisalo na rin ang iba. Nagpunta ako sa labas nang may narinig akong tumatawag.

"Bebs! Happy New year!!" Si bebs at Kuya Viniel!

Tumakbo ako sa gate para pagbuksan sila. Niyakap ako kaagad ni bebs at pi-nat naman ni Kuya Viniel ang ulo ko. Minutes after, may tumigil na familiar na sasakyan sa likod nila. Hulaan niyo kung sino.

"Gabby!!" Being clingy as ever, sumabit agad si Rinrin. And to my surprise, bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Nice ninja moves, Rin! Nainis 'tong katabi ko!" Tawa ni Alex habang sinisiko si Russ. Kahit ako din naman nagulat!

Dahil alam kong nag-effort sila papunta dito at kahit alam kong magiging awkward, pinapasok ko na rin sila. Hindi naman ako bastos. No choice e. Aside from Russ at Kuya Viniel, nagulat sila nung makita ang mga kasama ko dito sa bahay. \

"Si panget!" Turo ni Rinrin kay Andrei.

"Ikaw panget!"

"Gabby oh. Inaaway ako nung nuno!"

"Daddy! Panget oh!"

Hay nako. Pinabayaan nalang namin silang magayaw. Lumapit ako kay bebs at bumulong na next time na ako magpapaliwanag. Sinimangutan niya lang ako pero wala na kaming nagawa nang biglang dumating si Kuya Viniel

"Naks, you're still together?" Inakbayan niya ako. "Grabe. Nagseseryoso agad kayo sa relationship na yan!"

Ikaw lang naman ata kuya ang hindi marunong magseryoso. Pero kung alam mo lang kuya. Hindi na kami ni Gatorade. Naligaw lang sila dito sa Quezon.

Tulad nang inaasahan ko, hindi masyadong nagsasalita si Alex na para bang sinasabayan niya si Russ. Si Rinrin, nakikipag-away pa rink ay Andrei. Si Lorenzo, kumakain. Nahuli ko si Lean na umiiling sa gilid habang iniirapan siya ni Gatorade. At si Bebs? Mukhang may hinahanap.

Nang pinakawalan ako ni kuya Viniel, lumapit ulit agad ako sa kanya. I tried to look as if I'm sorry. Alam kong medyo tampo yan kasi hindi ko sinabi na andito sina Gatorade. Pero mas interesado siya sa taong hinahanap niya.

"Magagalit k aba kapag sinabi kong wala siya dito?"

"Baliw."

Ngumiti ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi nila kasama si Marcus. Ayoko rin naman itanong dahil ayokong malaman. Hindi naman nagtanong si Dominique.

Pero laking gulat ko nang lumapit sa'min si Rinrin matapos makipagaway kay Andrei at kumportableng inilagay ang braso niya sa balikat ni Dom. Hindi yung clingy na akbay at nakakamatay na madalas niyang gawin sa'kin. Isang normal na akbay na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko.

Bumelat lang sa'kin si bebs at tinulak si Rinrin papunta sa lamesa kung nasaan nakahanda ang mga pagkain. Aba! At bakit parang ako dapat ang magtampo dahil meron siyang hindi sinasabi sa'kin?!

Balak ko sanang isa-isahing batiin ang mga tao dito nang naramdaman ko nalang na may humawak sa bewang ko. Naamoy ko rin ang minty niyang pamango kaya alam ko na agad kung sino 'yon.

"Happy new year." tutugon sana ako sa kanya pero napatigil ako nung bigla niyang hinalikan ang tutok ng ulo ko. Napahawak ako sa dibdib niya at kinabahan ako nang maramdaman ko ang pagtibok ng puso niya.

"Ha—Happy new year, Russ."

******

Nagtagal pa sina bebs dito ng mahigit isang oras. Nagpromise ako na ako naman ang pupunta sa kanila pagkagising ko mamayang umaga. Nakatulog na rin si Andrei at si Lean ang nag-offer na siya na ang magbubuhat sa kanya pataas.

Pumunta ako kung nasan si Lorenzo. And base sa itsura niya, busog na busog ang loko. "Okay ka lang ba?"

Tumango siya tapos umiling tapos tumango ulit. Napatawa ako. "I love and hate Quezon. I hate how foods affect my body but still—I love them that I can't stop myself!"

"Ang gulo mo!"

"Kasalanan mo pala. Sarap mo kasing magluto."

"Sige na, katok ka nalang sa kwarto ko pag hindi mo na kaya, ha? Pero CR lang katapat niya." biro ko. Pinilit naman niyang hindi mapatawa.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para magpahinga. Bigla kong naalala yung package na dumating nung isang araw na hindi ko pa nabubuksan. Hindi pa naman ako masyadong inaatok so maybe I can open it first.

Just to make my brain occupied.

Nakasalubong ko si Gatorade, galing kasi siya sa kwarto nina Lean. Tipid akong ngumiti sa kanya at minadali na buksan ang pintuan ng kwarto ko. Papasok na sana ako nang bigla ko siyang marinig,

"Alexa—"

"Bakit—"

Lumingon ako at... wrong move.

Pareho kami nagulat sa distance naming dalawa. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, halos tumama na ang labi niya sa dulo ng ilong ko.

*Bathump bathump*

Agad akong lumayo sa kanya.

"Ano kasi.." Bigla niyang ginawa ang mannerism niya na matagal ko ng hindi nakikita. "Happy birthday--ay este. Happy new year."

Kinagat ko ang labi ko.

But heck, hindi ko mapigilan.

In the end, pareho kaming natawa.

"Happy new year, Lance."

Huminga siya ng malalim, "Happy new year, Alexa."

Ginawa niya ulit yung mannerism niya at nakita ko kung pano magbago ang kulay ng mukha niya sa pagkapula. Hindi ko 'yun inaasahan. Papasok na ulit dapat ako sa kwarto ko nang hawakan niya ako sa braso.

Walang ano ano ay niyakap niya ako.

"Thank you."

Naramdam ko na may dumampi sa tuktok ng ulo ko. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko bago ako itulak papasok ng kwarto.

I don't know if it's coincidental pero kung saan ako hinalikan ni Gatorade, dun yung halik ni Russ kanina.

Talk about making my head occupied.

Naoccupy na nya agad. 


Continue Reading

You'll Also Like

100K 4K 36
[MR. COLD VS. MR. PERFECT's BOOK 2] Expect more twists and turns. Kilig and heartbreaks. Will it be a happy ending this time? And with whom? Let's fi...
1.9M 25.1K 24
Minsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa maling...
8.7M 310K 58
"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*
3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]