Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect

88K 1.1K 96
By Mnemonicss

Chapter 18: When Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect

Ashley’s POV

 

Monday na ngayon pero natutuwa pa rin ako sa tuwing naalala ko yung nangyari nung nakaraang sabado. Nakita ko kasi si BFF kasama yung Mr. Antipatiks nya..

Kung tutuusin, nakakatuwang isipin ang nangyari sa kanilang dalawa. Kinaiinisan ni Nikki ang lalaking yun pero ngayon magkasama na sila sa iisang bahay. Paano kaya nagkakasundo ang dalawang yun?

Pero somehow nagtatampo nga ako kay BFF eh. Ni hindi man lang niya ako sinabihan kaagad ang tungkol sa kanilang dalawa samantalang bestfriend naman nya ako. Pero siguro, may dahilan nga si Nikki kaya niya hindi sinabi kaagad. Pero hanggang kailan ko naman ililihim ang tungkol sa bagay na yun?

“Ash! Look out!”

Nagulat ako ng may biglang kamay na humawi sa akin papunta sa sidewalk. Hindi ko namalayan na muntik na pala akong masagasaan ng tricycle..

“Ash.. Ok  ka lang ba?”

 

Napatingin naman ako sa lalaking humawi sa akin at--

“I-Ian?” sabi ko kay Ian habang gulat na gulat pa rin sa mga pangyayari. “Kanina ka pa ba dyan?”

“Hindi naman. Naglalakad na din kasi ako papuntang school ngayon tapos nakita kita” sabi nya sa akin.

Tumingin naman siya sa dinaanan ng tricycle na muntik makasagasa sa akin..

“Hay nako. Loko yun ah. Tsk. Buti nalang pala nakita kita kundi nasagasaan ka na ng tricycle.”

“S-salamat ha” sabi ko sa kanya.

“Walang anuman. Pero ok ka lang naman diba? Hindi ka ba nadagit nung tricycle?”

Tinignan nya ako na parang nag-aalala. Medyo nailang naman ako nung tinitigan nya ako ng ganun..

“H-hindi naman. Ok lang talaga ako. Hindi ko kasi napansin na may paparating na palang tricycle sa harapan ko.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko magawang matignan siya ng diretso dahil medyo nahihiya ako sa kanya..

“Ok lang yun. Hayaan mo na” sabi nya yun habang kinurot ni Ian ang pisngi ko.

*dugdugdugdug

Dahil sa ginawa ni Ian, naramdaman kong namumula ang pisngi ko..

“Hala, Ash. Namumula ka nanaman. May sakit ka ba?” sabi sa akin.

“Ay, naku. Hindi. Wala ‘to.” *iling iling

“Ah, ganun ba?” sabi nya..

“Oo. Ahm, bakit ka nga pala naglalakad?” Sabi ko kay Ian

“Ah.. yun ba? Hayss.. Grounded kasi ako kaya kinuha ni dad yung kotse ko. Ginabi kasi kami kahapon. Eto kasing si Toff eh. Kung saan kami dinala.”

“Ah.. ganun ba? Ahmm.. G-gusto mo ba, sabay na tayo ngayong pumunta ng school?”

“Sure, sige. Tara.. Sabay na tayo!” ngiting sabi ni Ian at inakbayan ako. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa nya.

“Nga pala, ba’t parang malalim yung iniisip mo kanina? May problema ba?” sabi nya sa akin ni Ian.

“Ahh.. yun ba? W-Wala yun. Hindi ko lang talaga siguro nakita na  may paparating na tricycle sa harapan ko”

Yun nalang ang nasabi ko kay Ian kahit hirap na hirap akong magsinungaling. Pero siguro tama nga si Nikki. Mas mabuting hindi ko muna sabihin ang totoo sa kanya..

“Ahh.. ganun ba? Hays.. Ikaw kasi eh.. Lagi kang naglalakad ng nakayuko. Dapat chin up lagi. Maganda ka naman eh.” Sabi nya sa akin habang nakangiti.

 

“T-talaga? M-maganda ako?”

 

“Oo kaya. Maganda kaya yung friend ko. Talented pa!” ngiting sabi nya sa akin.

“Hmm.. siguro sinasabi mo lang yan dahil friend mo ko?”

Huminto siya bigla sa paglalakad at humarap sa akin..

“Uy, hindi ah. Totoo kaya yun.. Ay wait! Halika..”

Hinatak ako ni Ian papunta sa guard na nagbabantay sa school..

“Goodmorning sir Christian” sabi ng guard

“Good morning din. Nga pala, may tanong ako sayo..  Maganda ba yung kasama ko ngayon?” ngiting sabi ni Ian.

Medyo na-conscious ako dahil tinignan ako ng guard at dahil sa ginawa ni Ian. Nahihiya kasi ako sa ginawa nya.

“Opo,sir! Maganda po siya.” Sabi ng guard habang nakangiti.

 “Kita mo na? Sabi ko sayo nagsasabi ako ng totoo eh. Kaya dapat chin-up ka palagi, ok?” sabi ni Ian habang nakangiti sakin.

At dahil sa mga ngiting yun, napangiti na rin ako.

“S-salamat..”

 

“Walang anuman. So paano, kita nalang mamaya ah. Punta na ako sa practice namin for dance competition. Saka gugulpihin ko pa si Toff eh. Hahaha. Ingat ka, Ash. Bye!” sabi nya sa akin.

“Bye! Ingat” sabi ko sa kanya.

Kumaway naman siya sa akin at nagsimula nang maglakad palayo..

Habang tinitignan ko siya na naglalakad papalayo sa akin, unti-unti kong na-realize na siya talaga ang lalaking gusto kong makasama. Pero mahirap para sa akin yun dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako mahal ng taong mahal ko. Pero ganun pa man, makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako..

*****

Nikki's POV

“Hi girls!” bati kong sinabi kila Kylie, Jasmine at Ashley. As usual wala nanaman ang boys dahil nagpapractice sila para sa dance competition nila.

“Hi Bff!” sabi sa akin ni Ashley habang nagbabasa ng libro.

Mukhang si Ashley lang ang pumansin sa akin kasi mukhang busy yung dalawa kakatingin sa ipad ni Kylie. Pero ano kaya yung tinitignan nila?

Dahan dahan akong pumunta sa likod nila at....

“HUY!”

“Aaaaaahhhhhhhh” sigaw ni Kylie at Jasmine

“Ang taray, high pitch? Hahahahaha.. Anong ginagawa nyo diyan? Ano yung tinitignan nyo?” sabi ko sa kanila habang pilit na sinilip yung tinitignan nila.

 “Ah eh.. Hi Nikki girl! K-Kanina ka pa ba dyan? Hehehe..” sabi ni Kylie tapos biglang tinago sa likod nila yung ipad.

“Actually, oo. Hindi nyo nga ako pinapansin eh. Ano yan?” sabi ko sa kanila

“W-Wala ‘to, wag mo nang tignan. Rated SPG, di ba Jas?” Sabi ni Kylie

“Ah, O-Oo nga.. Tama! Bawal sa mga batang katulad mo.” Sabi ni Jas habang pinilit itago yung nasa likod nila.

“Weee. Di nga, Share nyo naman.. Dali na” sabi ko sa kanila habang pilit kong inaagaw yung ipad.

“Wala nga kasi ‘to. Wag mo nalang intindihin. Ok?“ sabi ni Jasmine.

Hayys.. ang daya naman.. T_T

Ay, wait!

Ah alam ko na.. Wehehehe...

Tumingin ako sa soccer field tapos sumigaw ako.. “Uy! Si Dennis Kim! Naglalaro sa soccer field!”

Sabay tingin naman yung dalawa..  “Talaga?! Asan? Asan si Papa Dennis?”

Crush kasi nila yung si Dennis Kim. Varsity ng school. Tapos Korean kaya crush nila..

Ayan, Pagkakataon ko na to.. mwahaha.. *evil laugh pero charot lang

Dahan dahan akong pumunta sa likod nila at..

Gotcha!

“Aha!.. ano kaya tong tinitignan nyo dito sa ipad, ha?” sabi ko habang kinakalikot ko yung ipad ni Kylie.

“Wait, Nikki----”

 

 “Let’s see.. Hmmm..

0_0

Waaaaaaahh! Ano ‘to?

Xavier’s Latest Headlines:

NICOLE SARMIENTO DATING CAMPUS HEARTTHROB VINCENT ROMERO?

 

HALA?!

Latest Hot Issue:

NICOLE SARMIENTO FLIRTS THE HEART THROB OF ALL CAMPUSES

 

WHAT??

 

ANTI-NICOLE SARMIENTO CAMPAIGN SPREAD ALL OVER THE CAMPUS

 

OH NO?!

TOP 100 SEXIEST MEN ON EARTH

OH MY G----

Eh?

Bakit may ganitong balita??

“Akin na nga yan!” sabi ni Kylie habang hinablot sa akin yung ipad.

“Hayss.. Ang kulit mo naman kasi eh.. Sinabi nang wag mong tignan..” sabi ni Jasmine

Pambihira,. Ano ba tong pinagbababasa ng mga kaibigan ko.. -__-

Hayyss..  *buntong hininga

Ayun, Napaupo nalang ako sa tabi ni Ashley habang iniisip yung mga balitang lumabas tungkol sa akin...

“Waaah.. Saan naman kaya nila nakuha yun?” sabi ko sa kanila habang kinakamot ko yung ulo ko. Uy! Pero wala akong kuto ah. Kayo talaga..

“Alin? Yung 100 Sexiest men?” sabi ni Kylie.

“Huh? Sira, Hindi yun. Ba’t ba kasi may ganun sa ipad mo eh?! Hayss.. I mean yung tungkol sa akin..” sabi ko sa kanila.

“Ah, yun ba.. Hehehe.. Hindi namin alam. Pero according kasi sa mga balita, madalas daw kayong nakikita na magkasama ng mga echoserang frogs.. “ sabi ni Kylie.

“At laganap ang matatalim na mata sa paligid nyo kaya siguro lumabas yung issue na ganyan..” sabi ni Jasmine.

 “But don’t worry, Nikki girl. We’ll support your Vicol Love Team, right girls?” sabi sa akin Kylie habang hinawakan pa yung kamay ko.

“Right!” sabi ni Jasmine at Ashley.

Hayss.. eto nanaman tayo. Aasarin nanaman ako ng mga kaibigan ko..

Pero wait..

0_0

“VICOL LOVETEAM?!”

“Oo. Pangalan ng Love Team nyo. Since may Anti-Nicole Sarmiento Campaign, may Vicol Love team. Para contrast. Right girls?” sabi ni Kylie

“Right!” sabi ni Jasmine at Ashley

“WHAT?! Anong VICOL Love team kayo dyan?! Naloloko na ba kayo?”

“Ang cute kaya.. Vincent at Nicole. Kaya Vicol.. ” Sabi ni Jasmine.

“Ayiie! Oo nga, saka uy! Girl ah, matagal kaya naming pinag-isipan yan, right girls?” sabi ni Kylie.

“Right!” sabi ni Jasmine at Ashley

“Matagal pinag-isipan? Eh parang hindi naman eh. Tsaka YUCK! Ang baduy! Sang Jebs ba ng kalabaw nyo nakuha yan?”  Sabi ko sa kanila..

“Uy, Nikki girl. Wag ka na ngang mag-drama queen dyan. Kami na nga lang supporters ng love team nyo eh, right girls?” sabi ni Kylie.

“Right!” sabi ni Jasmine at Ashley

“Anong drama queen? Hindi kaya ako nagdadrama, noh?! Saka bakit kailangan pa ng supporters ek ek na yan? Anong kalokohan yan?”

“Hello? Nikki girl? Kailangan yun. Siyempre, every love team, kailangan may supporters..Right girls?” sabi ni Kylie.

“Right!” sabi ni Jasmine at Ashley

“Seriously?..Saka, Teka lang.. kanina ko pa kayo napapansin ah. Sang-ayon lang kayo ng sang-ayon kay Kylie.  At ikaw naman Kylie?! Kanina ka pa, ‘Right girls’ ng ‘right girls’ dyan.. Ikaw ba yung president ng Vicol Love team na yan?!” asar na sabi ko sa kanila.

“Woah! Nikki girl. Paano mo nalaman?! You’re so great naman, right girls?” sabi ni Kylie sa akin habang nakangiti pa.

“Right!” sabi ni Jasmine at Kylie

Ay ewan. -__-

Oo na nga lang..

Hayss.. Maka-alis na nga dito..

Naglalakad na ako palayo ng bigla naman akong tawagin ni Kylie..

“Nikki girl, wait. Saan ka pupunta?”

“Sa outer space..”  sabi ko tapos tumalikod na ulit ako sa kanila.

“Hahaha. Don’t worry, Nikki girl! We’ll support your Vicol Love Team! Fighting!” sigaw ni Kylie.

Hayyss.. ba’t ba ang lakas ng trip nila lalo na si Kylie..

Makapunta na nga ng room..

Habang naglalakad na ako, nagulat naman ako ng biglang humabol sa akin si Ashley.

“Bff, wait! Sabay na ako sayo”

Huminto ako para maabutan ako ni Ash tapos sabay na kaming maglakad..

“Hayss.. nabanggit mo ba sa kanila yung about kay Vinci?”

 

“Uy, hindi ah. Wala pa akong sinasabihan sa kanila..” *iling iling sabi ni Ashley

“Weeehh.. Talaga?!”

“Oo nga.. promise! Wala.. ”

 

“Talagang talaga?!”

“Oo.. Talagang talaga.”

“Weeeeeeh?”

 

“Oo nga. Hindi nga..”

 

“Ahh.. ok!” na-convince naman ako ni Ashley. Halata kasi yan pag nagsisinungaling..

“Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila..” sabi ko kay Ashley habang naglalakad papuntang main building..

“Hahaha. Hayaan mo na. Hayss, na-bwisit nanaman ang bestfriend ko ng wala sa oras. Hahaha. Nga pala, narecieve mo yung text ko kagabi?” sabi ni Ashley

“Huh? Anong text?” sabi ko kay Ash

“Oo. Tinext kita. Sabi ko tawagan mo ko sa landline kasi may itatanong ako. Sabi ko pa nga sayo magreply ka pero hindi ka naman nagreply” sabi ni Ashley

“Anong oras yun?”

 

“Mga 10:30 ata”

 

“Talaga? Hala, wala akong na-receive na text. Ang huling narecieve kong text kagabi ay yung kay Vinci at—“

“Wait? Magkatext kayo kagabi?” Gulat na gulat na sabi ni Ash sakin.

“Ahm.. Oo. Bakit?” sabi ko

“Eh di ba magkasama na kayo sa bahay?” sabi nya.

“Eh kasi naman, ay Basta! Ewan ko ba dun.. ba’t bigla nya akong tinext kagabi.”

“So you mean, siya yung unang nagtext sayo kaya kayo nagkatext kagabi? Ayiiiee.. Ang sweet..” pang-aasar na sabi ni Ash

“Oy, anong sweet ka dyan? Saka nasa kwarto na kasi ako nun kaya nya ko tinext ng ganun.”

“Talaga? Wow. Anong sabi niya sayo? Goodnight? Sweetdreams? Don’t let the bed bugs bite? Take care coz I care? O baka naman I love you? Ayiiee..”

“Anong sabi mo?!” sabi ko kay Ashley habang tinataasan siya ng kilay.

“Hahaha.. Joke lang. Sige na, nandito na tayo. Bye BFF!” sabi ni Ashley.

Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa room.

“Ok. Bye BFF. See you later” sabi ko sa kanya at pumasok na ako ng room.

Pambihira.. palagi nalang akong inaasar kay Vinci..  -_-

Anyways highways, Creative Music and Arts yung class ko ngayon. Inurong kasi ng prof namin yung sched namin dahil may meeting daw siya kanina. Kaya for this day, tanghali yung class namin sa kanya.

Nang pumasok ako sa classroom, tinignan ako ng mga classmates ko. Pero bakit kaya sila nakatingin? Hala, May kulangot ba ako sa mukha?

Papunta na ako sa upuan ko pero nakatingin pa rin sila sa akin. Hindi ko naman makapa yung ilong ko kasi nakakahiya..

Tapos nung umupo ako sa upuan ko, narinig ko sa likuran na may nagbubulungan..

“Oh, ayan na siya.. Dali tanungin na natin siya..”

“Ikaw nalang magtanong..”

 

“Ikaw na..dali.”

“Hayyss.. oh sige na nga.” *Ehem Ehem “Hi Nikki!”

Lumingon naman ako sa likod..

“Hi din. Bakit po?” sabi ko sa kanila

“Ahhmm. Pwede bang magtanong?” sabi ng classmate kong girl

“Sure, sige. Ano yun?”

“Hmmm.. Girlfriend ka na ba ni Vincent?”

What?! Hayss.. Pati ba naman dito? -_-

“H-ha? Paano nyo nasabi yun?”

 

“Wala naman. Nung lumabas kasi kayo ng room nung nakaraan eh.. ahmm.. magka-holding hands kayo.”

 

Napaisip ako bigla. Tapos naalala ko na hinatak nga pala ako ni Vinci palabas ng room..

“Ah yun ba? Heheh. Nako, wag nyo nalang intindihin yun. Wala yun. Saka don’t worry, hindi kami ni Vincent” sabi ko sa kanila.

Napatingin naman sa amin yung iba naming classmate na girls tapos lumapit pa sa amin.

“Talaga?” sabi sa akin nung isang girl.

“Ah, Oo. Hindi naman kami. Saka siguro mukha lang kaming close nun dahil sa class activity natin kay sir. Yun lang. Wala ng iba.”

“Talaga?! Yiee. Girls, narinig nyo yun? May pag-asa pa tayo kay papa Vincent” sabi ni girl classmate.

Kinilig yung mga babae sa likod ko habang ako naman, nga-nga lang. Hindi ko alam kung bakit sila kinikilig sa sinabi ko pero hayaan ko na nga lang..

Nag-uusap na sila tungkol kay Vinci pero hindi ko na sila inintindi..

Hayss.. Hanggang dito ba naman kasi, siya pa rin ang topic. Mula kanina, puro siya nalang yung naririnig ko. Nakaka-suya na..

Natahimik naman sila nung biglang dumating si Vinci..

Pagkatapos nun, umupo na siya sa tabi ko pero hindi niya ako pinansin. Parang hindi ako nakita. Ni hindi man lang ako binati. Hayss.. Mood swing nanaman.. Bahala nga siya..

Dumating na yung prof namin at nagstart na yung class. Naglecture na’t lahat si sir pero di pa rin nya ako pinapansin. Anong problema nito?

Maya-maya..

“Ok. Class dismiss” sabi ni sir.

Tatayo na sana ulit ako ng bigla namang magsalita si sir. “And Ms. Sarmiento?”

Nabigla naman ako ng bigla akong tawagin ni sir..

“Y-yes po?”

 

“See me at the faculty room”

What? Faculty room? Hala, ba’t bigla akong pinatawag ni sir? Dahil ba sa balitang kumalat?

 

“Ah.. Okay po.”

Yun nalang yung sinabi ko tapos sinundan ko nalang si sir. Hayss.. May ginawa ba ako? Ba’t ako lang yung tinawag? T_T

Nang makarating kami sa faculty room..

“Ok, Ms. Sarmiento. Have a seat” sabi ni sir habang tinuro sa akin yung upuan.

Umupo naman ako at hinintay siyang magsalita.

Hayss.. Kinakabahan naman ako..

“Ok, so pinatawag kita ngayon dahil gusto sana kitang tanungin kung pwede ka bang sumali sa contest.”

O_O

“C-Contest po? A-Ano pong contest yun?”

“Singing contest. For the upcoming event this month. As you remember, nagmeeting kami kanina and its about school festival. Yung sa foundation week. And one of this activities is a singing contest in which pipili kami ng isang representative per class. Then makikipag-compete siya with other representative ng ibang class. Hindi pa napagiisipan yung name nung contest pero babalitaan nalang kita if it in case meron na. “ sabi ni sir

“Hmm.. Sir? Pero bakit po ako?” sabi ko sa kanya.

“I have noticed that you’re the most powerful voice among the girls in class, kaya ikaw yung napili kong magrepresent from your class for female division”

Talaga?? Tama ba yung narinig ko?

Hala, Nabigla naman ako sa sinabi ni sir. Hindi kasi ako makapaniwala...

“So Ms. Sarmiento, what can you say? Do you want to accept my offer? Don’t worry. Matagal pa naman yun. Sinabi ko na sayo para aware ka ng mas maaga.”

Nag-isip muna ako bago magsalita..

Hmmm.. tatanggapin ko ba yung offer?

“Hmmm.. sir..Ahm...” *inhale exhale

“,...Ok po.”

Hays, yun nalang yung nasabi ko. Siguro wala rin namang masama kung susubukan ko yung contest na sinasabi ni sir.

“Ok. That’s great! So i’ll keep you posted, ok? Thank you, Ms. Sarmiento”

“Thank you, sir” tapos palabas na ako ng faculty.

Habang papalabas ako ng faculty, Napaisip ako bigla.. Tama ba yung desisyon ko? Tama ba na tinanggap ko yung---

“Hoy!”

 

“Ay kabayong bundat!”

Nagulat ako ng makita kong nakatayo sa tapat ng faculty room si Vinci..

“V-vinci? Ba’t nandito ka?” sabi ko sa kanya.

“Wala, bakit? Bawal na bang pumunta dito?” sabi nya sa akin.

Hayss, confirm. Inatake nanaman ng mood swing..

“Hindi naman.. Nagtataka lang kasi ako eh. Sino’ng hinihintay mo?” nagtatakang sabi ko sa kanya.

Bago pa siya magsalita, bigla namang may kumalabit sa likod ko.

Paglingon ko sa likod..

“Bulaga!”

 

“Ay Bulaga!”

Napangiti naman ako nung nakita ko kung sino yung kumalabit sa akin..

“Xander? Haha.. Grabe ginulat mo ko..” sabi ko  kay Xander habang naka-ngiti.

“Hahaha. Kahit kailan talaga, magugulatin ka” sinabi niya sa akin habang kinurot yung pisngi ko. Siyempre, ako. Kinilig naman sa ginawa niya

“Ikaw ha. Sumosobra ka na ah. Palagi mo nalang akong ginugulat. Hahaha” sabi ko sa kanya habang hinampas ko siya pero mahina lang.

“Hahaha.. Paano kasi, ang cute mo pag nagugulat ka. Hahaha”  Ngiting sabi nya sakin tapos kinurot ulit ako sa pisngi. This time, dalawa nang kamay yung hawak niya.

Hindi ko maiwasan pero napangiti talaga ako sa ginawa nya...

Maya-maya, bigla naman siyang nagsalita..

“Ahmm.. May kasama ka pala?” sabi ni Xander habang naka-tingin kay Vinci.

Ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan, nandito nga pala si Vinci. “Ay, Xander. Siya nga pala si—“

“Vincent” sabi ni Vinci habang nag-aalok ng shake hands kay Xander. Napatingin naman ako sa kanya kasi bigla siyang nagsalita tapos ang seryoso pa ng mukha..

Sa totoo lang, medyo nabigla ako s ginawa ni Vinci kasi hindi naman siya basta basta nagpapakilala sa iba eh. Pero ano kayang meron?

“Ahmm. Xander bro. Nice to meet you” Ngiting sinabi ni Xander habang inabot yung kamay ni Vinci para magshakehands.

Ako naman, tinignan ko lang sila parehas. Pero mas napatingin ako sa itsura ni Xander kasi parang nahigpitan yata siya sa pagkaka-shake hands sa kanya ni Vinci eh. Nangiti nalang si Xander.

Pagkaalis ni Vinci sa kamay ni Xander, binalingan naman ako ng tingin ni Xander.

“Nga pala, Nikki. Daan ka mamaya sa theatre club ah. May itatanong lang sana ako sayo about sa activities natin for nexth month.”

“Ah. Ok! Sige. Dadaan ako mamaya.” Ngiting sabi ko sa kanya.

“So paano, kita nalang mamaya ah. Bye, Nikki” Sabi sa akin ni Xander sabay gulo ng buhok ko.

 

“Bye Vincent” sabi nya kay Vinci pero hindi naman nya pinansin. Ay. Ang suplado talaga..

“Bye, Xander!” *kaway kaway

 

Kumaway din si Xander sa akin habang nakangiti. Tapos nagpatuloy na ulit siyang maglakad palayo sa akin.

Maya-maya, binalikan ko naman ng tingin si Vinci at..

Wait.. Asan na yun..

,o0

0o,

0_0

Ay, pambihira. Iwanan daw ba ako bigla. Hayss.. Minsan talaga hindi ko maintindihan si Vinci. May bipolar nga yata siya.. Tsk, tsk..

Hayaan ko na nga lang..

Vinci’s POV

Badtrip!

Tama ba namang magpacute silang dalawa sa harapan ko?! Pambihira naman oh..

And who’s Xander? Sino ba siya sa buhay ni Nikki? Ba’t ganun nalang kung makangiti si Nikki?!

Damn! Naiinis talaga ako pag naalala ko yung kanina. Badtrip talaga! Ni hindi man lang nya ko pinansin kanina. Miski nung nasa klase kami, never niya akong inaproach tapos kung iaproach nya yung lalaking yun, ganun nalang. Haysss.. Ba’t ba kasi hinintay hintay ko pa siya sa harap ng faculty eh.

Sa sobrang bilis ko maglakad, I accidentally hit someone and..

Right! Ang babaeng linta nanaman...

“Oh?! Hi Vincent!” Binati nya ako habang winave pa yung hair nya. Tsk. Papansin talaga kahit kailan..

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko siya..

Maya-maya, nagulat nalang ako ng bigla nya akong habulin at muntik na nya akong halikan pero bigla ko siyang tinulak palayo sa akin..

“Shit! What’s wrong with you?!” I said it in an angry tone..

“What’s wrong with me? Baka what’s wrong with you..  Ayaw mo bang hinahalikan ka?!” sabi ng babaeng linta.

“Are you crazy?!”

“Yes, I’m crazy!” galit na galit na sinabi nya sa akin.

“What?!”

 

“I’m wasting my time flirting with you but you never looked at me once!”

“Who told you to waste your time?!” sabi ko sa kanya.

Then, she shout..

“Argh! Vincent Romero!!!”

“I don’t want to see your face again!” sabi ko sa kanya.

Maglalakad na sana ako palayo sa kanya ng bigla siyang magsalita..

“Ano bang meron kay Nicole na wala ako?!” 

What?

 “B-Bakit napunta si Nicole sa usapan? And who do you think you are para idawit yung name nya dito?!” sabi ko sa kanya.

“Akala mo hindi ko alam? Palagi nalang kayong magkasama! Palagi nalang siya yung pinapansin mo! Hindi naman siya maganda at di hamak naman na mas maganda ako sa kanya. Pero bakit ba lahat nalang ng tao, siya ang napapansin! Siya nalang palagi ang magaling! ”

What the? Ininsulto nya si Nikki?!

Nilapitan ko siya bago ako magsalita..

“Siguro nga mas maganda ka sa kanya.. Pero kung ikukumpara ka sa kanya, walang wala kang sinabi sa kanya! “

Nanahimik siya dahil sa sinabi ko. Then, nagsalita siya ulit.. “L-Lahat ng gusto ko, nakukuha ko..  Pero bakit ikaw hindi ko makuha?!”

Tinignan ko lang siya. Then, nagsalita ako..

“You know why? Because you never worth my attention..”

Tinalikuran ko siya pero hinawakan nya ang braso ko.. Looks like nagpapaawa pa sa akin..

“Remove your hands!” I said.

Mas hinigpitan nya yung hawak sa braso ko..

“I said remove your hands!”  Then inalis ko yung kamay nya.

Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya ng bigla siyang sumigaw..

“VINCENT ROMERO!”

 

What now?!

“I’LL MAKE SURE NA MAPUPUNTA KA SA AKIN WHETHER YOU LIKE IT OR NOT!!!”

 Seriously? A threat? Sa tingin nya ba matatakot ako sa sinabi nya?

“AND I’LL MAKE SURE THAT NICOLE SARMIENTO WILL SUFFER! DON’T FORGET WHAT I’VE SAID!”

Napahinto ako ng marinig ko sa kanya ang salitang yun.

Sinubukan ko siya tignan but wala na siya..

Anong ibig sabihin ng sinabi nya?

At bakit bigla akong nakaramdam ng takot?

Possible bang may gawin siya kay Nikki??

Do I really need to protect Nikki from now on?

------> See you in Next Chapter 19: Marjorie’s Threat (Part 1)

----------

Author’s Note:

 

Hi readers!

Waaah.. Madami na talagang nagbabasa nung story. Yehey! Thank you, thank you ulit sa pagbabasa. Thank you din po sa mga nag-add ng story na to sa mga library nila.. ^_^

Anyways, Click “Vote” if you like this chapter. “Comments” kung may i-cocomment po kayo. And “Follow” me on wattpad and “Like” the facebook page of “Story of A Campus Girl” for more updates for this story..

Salamat po ng marami.. Godbless.. ^_^

 

-Ms. Author <3

Continue Reading

You'll Also Like

77.3K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
296K 20.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
898K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...